Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 45 - Chapter 45: Andrea

Chapter 45 - Chapter 45: Andrea

Pagkauwi. Naghanap ako sa may mall. Duon sa game zone pati na rin sa sinehan pero nahilo lang ako. Umupo ako sa gitna kung saan may pabilog na semento duon na may halaman sa gitna nito. I scrolled down every contacts on my phone. Naghahanap ng pwedeng tawagan para samahan ako. Kaya ko namang mag-isang gumala. Nga lang. Sa puntong ito, nakakapanlumo. Kailangan ko talaga ng katulong rito. Sumisikip dibdib ko sa tuwing tinitignan ang huli nyang text. He's not okay and I was like, where he is now?. Anong ginagawa nya?. Sana makita ko na sya't mabigyan man lang ng isang yakap. Tapos napahinto at napatitig ako sa pangalan ni Jaden.

"Ikaw nalang kaya." sambit ko. Naiisip ko kasing pwedeng sya ang nakakaalam kung nasaan at kung anong tunay na nangyari sa kanya. Actually, kanina ko pa sana sya gustong kausapin subalit pinangunahan na talaga ako ng hiya. Kaya ayun, ako'y tengga.

Nagdalawang-isip pa ako kung pipindutin ba ang call o mag-eexit nalang.

At duon ko lang din naisip na, dapat ng magmadali. Malapit nang gumabi at kailangan ko na ring umuwi.

"Hello.." ang malaking boses nya ang tumambad agad. Yes po. Tinawagan ko na sya. Di ko na kasi alam gagawin e.

"Jaden.." umatras pa ng bahagya ang dila ko sa pagtawag sa kanyang pangalan. Susnako Karen!. Kumalma ka nga, nang sa gayon ay makauwi ka na.

"Bakit yun?." sa tanong palang nyang ito, kumalabog na ng husto ang dibdib ko. Wala pa man akong naririnig na tungkol sa kanya ay natatakot na ako.

"Patulong din sana ako. Busy ka ba?." kagat ko ang dulo ng kuko sa hintuturo dala ng kaba. Pinagtitinginan pa ako ng mga taong dumadaan sa pwesto ko. Lumipat kasi ako dun sa may dulo. Walang masyadong tao pero nakikita ako. Nakasalampak ako sa mismong sahig habang kausap sya.

"Hindi naman gaano. Sige ba. Anong maitutulong ko?."

"Hanapin din natin si Kian.." pagod ko itong sinabi. Hindi naman sa napapagod na akong maghanap. Sadyang, nauna lang ang buntong hininga ko kaysa nung pinakawalan ko sa labi ang katagang iyon.

Pinakinggan ko ang kabilang linya. Tahimik sya. Walang nagsalita o kahit man lang sana ang isang buntong hininga. Pero wala akong narinig. Ibig sabihin sakin ng pananahimik nya ay may alam sya. Hindi ba kadalasan ng mga tanong minsan natin ay hindi talaga kailangan ng sagot. Imbes, ang pananahimik lang ng isang kausap mo o ng taong pinagtatanungan mo ay isang sagot na iyon.

"Alam mo ba kung nasaan sya ngayon?." I tried to calm myself but I can't. Lalo lang akong natakot at kinakabahan kahit wala naman yatang dahilan.

"Sorry, Karen pero--.."

Damn it!. Iyon palang sorry nya. May alam na sya. Tinatago nya lang. Please Jaden. Just tell me. Di ko sya kukulitin, promise.

"Pero ano?.." I cut him off. Lalong dumagundong ang hindi mabigyang pangalan na kaba.

"Hindi ko alam kung nasaan sya."

"Please Jaden!." if begging is the only way para magsabi sya, I'll beg. Luluhod pa ako sa harapan nya. "Please.. Alam kong may alam ka. Kahit sabihin mo na lang kung nasaan sya. Kuntento na ako duon."

"Totoo. Wala talaga akong alam Karen. Nagulat nga ako nung absent sya kaninang umaga. Diba maayos pa sya kahapon?. Nung kayong dalawa ang magkasama?."

"Oo, pero nung nasa bahay na kami, andun ang Mommy nya. Pinapauwi na sya." at gustong ipatuloy pa rin yung plano nya. Gusto ko itong idagdag subalit nauna ko nang naitikom ang labi. Para ring may kung sino sakin ang wag sabihin ang ganung bagay.

"Ang huling chat nya lang sakin kagabi ay may pupuntahan raw sya."

Bigla akong nabuhayan ng loob sa sinabi nya. Ibig sabihin, may paalam sya rito. Maybe Karen. Maybe not. Wag mong pangunahan itong si Jaden. Makinig ka muna.

"Sinabi nya ba kung saan?." tumayo ako't pinagpag ang likod ng suot kong uniform skirt.

"Ang sabi nya lang, uwi sya sa kanilang probinsya. Walang specific na lugar eh. Basta iyon lang. Teka. Bakit may problema na naman ba?."

"Ganun ba?. Wala naman. Gusto ko lang malaman.." pagsisinungaling ko.

"Hmm.. pero kung gusto mong malaman kung nasaan ang probinsya nila. Magtatanong ako kila Bryan. Baka sakaling alam nila." habol nya. Ang buong akala ko, magpapaalam na sya't ibababa na ang kanyang linya pero di pala. Concern din. Bagay nga sila ni Bamby. Yaan mo boy Jaden. Tutulungan kitang ilakad kay Bamby.

"Salamat Jaden." tumingala ako't bahagyang nagpasalamat.

"Tatawagan nalang kita ulit mamaya." anya bago ibinaba ang tawag. Duon ako nagkaroon ng lakas ng loob na maghintay sa kanya. Naglakad ako't nilibot muli ang mall. Bumili rin ako ng makakain at maiinom dahil bigla akong nakaramdam ng gutom.

At sa isang pastry shop. Pumasok ako't tumingin ng kung anong masarap nang biglang may nabunggo ako. Humingi ako agad ng tawad. Nakayuko. Nang halos magkasabay ang aming paghingi ng paumanhin. Doon ko lamang sya napansin. Teka. Sya yung babae noon sa restaurant?. Yung.... yung... yung babaeng itinakda nila para sa kanya.

O shit!. What a small world!?.

"I'm so sorry." pag-uulit ko habang nakatingin na sa kanya. Nanlaki rin ang hulma ng kanyang labi. Mukhang nakilala rin ako.

"Oh!. you?. Nagkita na ba tayo dati?." tanong nya. Tinuro pa ako. Tumaas ng bahagya ang boses nya pero binalewala ko lang iyon.

Yes girl. Yan dapat isasagot ko ngunit mas pinili ko ang manahimik nalang. Nairita ako bigla. Lalo na nung naisip kong isa sya sa dahilan kung bakit ganun si Kian. I'm not pointing fingers at her. Tutal arrange marriage yun at mukhang wala syang kinalaman. Sino ako para sya ay sungitan?.

"Yes. I remember. Di ba isa ka noon sa mga kasama ni Kian sa resto one time?."

Tumango nalang ako. Napipi ako bigla. Ano bang sasabihn ko?. Alam mo ba kung nasaan nagpunta si Kian?. Yung probinsya ba nila, malapit lang ba?. Susnako!. Wag nalang. Baka mainis lang ako lalo.

"Oh!. I'm Andrea. And you are?." inilahad nito ang kamay nya. Nakikipagkilala.

Tinignan ko muna bago napag-isipang kamayan sya. "Karen. Nice meeting you." we shake hands. Nakangiti. Ako plastik. Sya?. Dunno. Baka ganun rin.

"Glad to meet you, Karen. May bibilhin ka ba rito?. I'll treat you.." bigla ay alok nya. Naramdaman ko kung paano umatras ang dila ko. Libre ako?. Agad?. Kakakilala lang natin girl.

"Ah. Wala naman. May tinignan lang ako." rason ko. Kapag kumagat kasi ako sa alok nya, baka ikapahamak ko pa. Malay ko diba?. Someday. Who knows. We'll never know.

Ipinagpilitan pa nya ang kanyang alok pero matindi ko rin syang tinanggjhan. Saka duon na ako tsumempo na magpaalam. Eksaktong tumunog naman cellphone ko. Thanks to Jaden, my savior today.

"Hello?." may bakas ng excitement ang boses ko. Umaasang may maganda syang ibabalita.

"Karen, tinanong ko na silang lahat kaso ang sabi nila, di din daw nila alam kung saan." direkta na nyang sabi. Umawang ang labi ko na mabilis ko ring itinikom dahil nasa gitna ako ng maraming tao. Ground floor na ako at palabas na, sana. Tumigil lang ako noong ito ang sinabi nya. "Pero suaubukan ko syang tawagan mamaya baka sakaling sabihin nya. I'll update right away."

"Thanks Jaden.." pasalamat ko nalang. Nanlumo ako. Parang bumagsak ang isang mataas na toremg ipinatayo ko. Masyado akong umasa sa wala.

Lumabas ako ng mall habang tinitingala ang madilim nang kalangitan ngunit puno ito ng mga bituin. "Sana bukas, pumasok ka na. Namimis na kita."

Yung pangungulit mo, hinahanap ko na. Kailan kaya ang balik mo?.