Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 49 - Chapter 49: Halaga

Chapter 49 - Chapter 49: Halaga

Natapos ang summative namin sa ibang subject pero di pa lahat. Pinagpahinga muna kami't binigyan ng oras para kumain. "Bakit kayo magkasama kanina ha?." siniko ako ni Winly sa tagiliran. Mukhang kanina pa nya ito gustong itanong subalit di lamang sya makatyempo. Masyadong marami rin kasi ang tao dito sa kubo. Presko kasi rito.

"Sinundo nya ako sa bahay." sagot ko. Di ko na kailangan pang magsinungaling sapagkat wala naman akong takas sa mata nito.

"Bakit daw?."

"Hindi ko nga rin alam. Pati ako naguguluhan sa kanya." halos ibulong ko na ito dahil unti unti na namang napupuno ang loob ng kubo. Nagkunwari pa akong sa malayo ang tingin para di halata ng iilan ang sinasabi ko. Topic kasi ngayon halos lahat ang tungkol sa kasal nya kaya mahirap nang madamay.

"Bakit di mo sya tanungin?. "

"Ayoko nga. Bakit ko naman gagawin yun?."

"Loka!. Para atleast alam mo ang lugar mo sa kanya. At para malaman mo rin kung saan mo sya ilulugar sa'yo."

Nakagat ko ang ibabang labi sa narinig. Ganun ba dapat iyon?. "Pero naiisip ko palang Win. Natatakot na ako." sumandal ako sa mismong likuran nya at duon sinabi ang nasa isip. "Gusto ko lang naman makitang masaya sya pero bakit parang hindi ko kaya?."

Lumalim ang buntong hininga nya dahilan para mapaahon ako mula sa kanya. Bumalik ako sa ayos ng upo ko't pinagmasdan din ang mga taong magulo sa paligid ko. "E kasi nga, gusto mo na sya." napalingon ako sa kanyang sinambit. Sinipat ko ang kanyang buong mukha. Seryoso sya't walang bahid ng pagbibiro. "Wag mo nang lokohin pa ang sarili mo. Tanggapin mo nang may pagtingin ka na sa taong tinutukoy mo. Iyon lang ang tanging paraan para gumaan ang pakiramdam mo kahit pa maging kumplikado ang nangyayari sa mundo."

"Pero ikakasal na sya, Win."

"Ikakasal pa lamang Karen. Magkaiba ang ikinasal na sa ikakasal palang. Intindihin mo ang ibig sabihin ng dalawa."

"Paano ba?." bumagsak ang dalawa kong balikat. Hindi ko inasahan na makakarinig pa ako ng ganun sa kabila ng takot na tumutubo sa dibdib ko. Alam ko naman ang pinagkaiba ng dalawa. Ang gusto ko lang sabihin sa kanya. Kailangan ko ba talagang lumaban?. Paano kung hindi nya ako gusto at iyong babaeng itinakda nila sa kanya ang mahal nya?. Nakakalito! Nahilo ako bigla.

"Huli ka!.." sa likod ko ay may humawak at nagsabi ng ganun sa akin. Nagitla ako sapagkat wala sa kasalukuyan ang isip ko. Masyado nitong iniisip ang hinaharap kahit wala pa naman. Tuloy, takot lagi ang humahari sa loob loob ko.

Sabay kaming tumingin ni Win sa kanya. Malaki ang suot nitong ngiti kahit pa may nginunguya ito.

"Hi Kian. Totoo bang ikakasal na?."

"Oo nga. Bat masyado naman yatang mabilis?."

"Tsaka, diba nasa sekondarya ka palang?. Bakit kasal naman agad?." naunahan ako ng mga babaeng nagsalita. Sunod sunod nila itong tinanong na parang wala lang. Laking pasalamat ko din dahil sila na ang nagsabi ng ganun sa kanya. Di ko kasi kayang banggitin iyon sa kanya. Baka tumakbo lang ako't di na magpakita sa kanya kapag nagkataon.

"Ah hehe.." di man sya umoo o umiling. Parang ganun na din ang sagot nya. Tumawa lang sya na parang hindi sya nasasaktan. Tawa na kahit ipakita nya ito sa akin, hindi ako maniniwalang masaya sya.

Tumunog na ang bell.

Laking kaginhawaan sakin ang marinig ang bagay na ito.

Nagmamadali na ang lahat na bumaba sa kubo pero kami ni Winly. Hinintay pang mauna sila bago kami sumunod. "Kinakabahan ako sa math." hawak ni Win ang bandang dibdib nya ng banggitin ang susunod na exam. Maging ako ay biglang kinakabahan sa sinabi rin nya.

Ngunit,

Bigla nalang may humablot sa palapulsuhan ko't hinila ako pabalik ng kubo. Nahugot ko lamang ang hininga nung pareho na kaming nakatayo. "Kian, wag ngayon. May exam pa tayo." paalala ko sa kanya.

Pinanood nya lang ako. Yumuko ako sa kamay kong pilit kong kinakalma para wag nyang makita subalit, mapagbiro nga ang tadhana. Ipinahawak pa ito sa kanya. "Nasaan yung bracelet?." anya. Hinanap pa sa kabila kong palapulsuhan ang bagay na bigay nya.

Nawala sa isip ko. Naiwan ko sa bahay dahil nagmamadali ako.

"Bakit hindi mo suot?."

"Wala na akong oras, kaya-.." hindi ko natapos ang akmang sasabihn nang pigilan nya ako.

"Bakit kailangan mong tanggalin?. Diba sinabi ko na sayong pahalagahan iyon?."

Doon ko lamang sya tiningala. Sinalubong ang kanyang tingin. Galit ang natanaw ko doon ng ilang sandali. "Ano bang ibig mong sabihin Kian?. Malapit ka ng ikasal hindi ba?. Bakit mo pa ako pinapahirapan?." umawang ang kanyang labi. Totoo namang may pagtingin ako sa kanya. Gusto ko na sya pero sa lagay mukhang hindi madaling gustuhin sya. Unang hakbang ko palang. Napapaatras na ng ilang pulgada ang maihakbang kong mga paa.

"Hindi ko alam." he whispered. Dahan dahan kong tinanggal ang kamay nya sa braso ko.

"Mauuna na ako." tinalikuran ko na sya't tumakbo na patungong room. Kasalukuyan nang nagbibigay ang guro ng test paper. Nagdahilan nalang ako na galing comfort room para di mapagalitan.

Anong hindi nya alam?. Impossibleng hindi nya ramdam ang nararamdaman ko para sa kanya?. Impossible ring, wala lang ako pagdating sa kanya?. Kung ganun nga. Anong ibig sabihin nung porselas?. Ang sabi ko nga. Hindi ako umaasa. Ayoko nang umasa. Tumama ako doon dahil heto, hindi nya masabi sa lahat ang tungkol sa kasal nya. Bakit di nya rin masabi iyon sa akin?. Tapos kabaligtaran pa noon ang pinapakita nya. Imbes, talikuran na lang ako basta ay mas lalo lang nyang pinapalala ang kung anong halaga ko sa kanya. Ano ba talaga Kian?. Nalilito na rin ako. Sabihin mo naman kung anong gagawin mo para alam ko kung saan ako magtutungo. Mahirap maghintay kapag alam mong walang darating. Mahirap mag-isip dahil nakakapagod na. Mali ba ako at tama si Ate Ken?. Mali bang maniwala ako sa'yo at tama bang sana una palang, di na kita binigyan pa ng pansin?. Ang malala pa. Natanto kong, hindi lang kita basta gusto. Gusto ko nang maging ako ang hinihintay mo patungong altar. Gahaman ba ako pag ganun ang hiniling ko?.

Hay... Masyadong kumplikado!. Nahihilo ako. Nakakalito.