Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 40 - Chapter 40: Help

Chapter 40 - Chapter 40: Help

Kinaumagahan. Nagising ako nang wala sa normal na oras nang aking paggising. Naligo na nga ako kahit alam kong maluwag pa ang oras ko. Bababa sana ako para uminom subalit napaatras agad ako nang marinig na may nag-uusap sa may sala.

"Nag-aalala sa'yo ang Daddy mo Kian." boses ni Papa ito. Sumilip ako sa may hagdan. Nakaupo silang dalawa sa mahabang sofa. Di pa gising si Mama.

"Alam ko naman po Tito. Sadyang gusto ko lang pong maintindihan din sana nila na ayoko ng gusto nila." he sounded like, he has no other choices.

"Pero para din naman iyon sa future mo hijo." giit pa ni Papa. I guess. Tungkol ito sa engagement nila na tinakasan nya.

"Hindi naman sila ang future para planuhin na dati ang future ko. Kuha ko naman po ang gusto nilang gawin. Aware po akong para ito sa business and so on pero what about my happiness po?. Kailangan bang isakripisyo ko ang kaligayahan ko para lang sa mga bagay na walang halaga kung tutuusin?."

Di ko alam na may ganyang side pala sya. Malilim. Swak talaga kami. Errr...

Di nakapagsalita si Papa. May tama kasi ang punto nya. Bat kailangan syang pilitin kung ayaw nya naman talaga diba?. Ganun ba talaga sa loob ng isang mayamang pamilya?. Na dapat may kaya rin ang pamilyang mapapangasawa nya para mas lalong lumago ang kabuhayan nila?. Hay... I don't get it. Sa opinyon ko ngayon ha, masyadong mababaw nga ito.

Pero kung pagiging praktikal din naman lang ang usapan. May tama rin ang Mommy nya.

Teka. Tama silang dalawa. Ang mahirap lang ay, pareho silang di marunong makinig sa bawat isa. Iyon ang nakikita kong problema nilang pamilya.

"Alam mo hijo. Sa totoong mundo. Madalas hindi nasusunod ang mga gusto nating gawin. Laging may hadlang sapagkat daan iyon upang tayo ay matuto."

"Kahit na may nasasaktan po?." tanong nito kay Papa. Tinanguan sya agad ni Papa.

"Hmm.. that's inevitable Kian." huminto si Papa at tumingala sa may ceiling. "Lagi mong tatandaan na, sa lahat ng bagay na ginagawa natin o gagawin palang. Laging may nasasaktan. Gustuhin man natin. Pinlano o hinde, laging may masasaktan. Oh katulad mo diba?. May ginawa ang Mommy mo. Ang alam nya, tama iyon para sa kanya dahil ang nasa isip nya lagi ay mabigyan ka ng marangyang buhay subalit heto ka. Tumakas sa kanya at tinataguan sya. Nasasaktan ka sapagkat hindi ka nya pinakinggan at ang nasa isip mo ay hindi ka nila maintindihan. Lahat ng magulang ay naiintindihan ang anak. Sadyang may mga desisyon lang talaga na dapat pag-isipan din ng mabuti ng bawat magulang para sa mga anak dahil kinabukasan na nila ang nakataya. I'm not siding any of you. Ang sa akin lang. Hindi mo pwedeng takasan na lang lagi ang humahabol sa'yo. Kailangan mo ring minsan na harapin ito para mabigyan ng solusyon ang bagay na kinatatakutan mo."

"Ang haba nun Pa." bulong ko sa sarili sa sinabi ni Papa kay Kian.

"Di naman po sa tinatakasan ko sila. Gusto ko lang pong malaman nila na, hindi ako natutuwa sa desisyon nila. Na mali pong sila ang magdikta ng kinabukasan ko."

"Ano bang plano mo para sa sarili mo?." nagulat ako sa naging tanong na ito ni Papa. Mukhang nauubusan na rin ito ng pasensya sa kausap. Kalma lang po Pa. You're talking to my future too. Awit!.

"Gusto ko pong maging tulad ni Daddy." simple nitong sagot.

"Hmm. Nice. You want to take his footsteps as a businessman?."

"Yes po. No choice naman po ako kasi iyon ang bumubuhay sa amin. At gusto ko rin naman pong iyon ang gawin dahil interesado po ako about business thing.."

"Good to hear that.." may galak na akong naririnig sa boses ni Papa.

Yan Master. Stand up on your own decisions. Patunayan mong, kaya mo yan.

"At gusto ko rin pong bumuo ng sariling pamilya. Yung pamilyang halimbawa ng pamilya mo po Tito."

Natawa si Papa. Di ko alam bakit. Siguro dahil sa sinabi nya o may ibang dahilan pa. "Bakit naman pamilya ko ang gusto mong gayahin, not your family?."

"Dahil simple lang po. Masaya. Walang pressure. Chill lang. Walang toxic. Maingay pero nakatutuwa dahil puno ng tao ang bahay.. Di tulad samin."

Nalungkot ako bigla para sa kanya. Kaya ba nya paulit-ulit na sinasabing duon nalang ako sa kanila tumira dahil halos walang nakatira?. Hay... Hayaan mo Master. In the near future.. Mangyayari din yarn. Ayie!....

"Alam mo naman na nasa business ang family mo diba?." ani Papa. Mabilis tumango si Kian. "At alam mo rin siguro kung bakit walang tao lagi sa bahay nyo hindi ba?."

"Yes po.. aware po ako sa set up sa bahay subalit hindi ba nila naisip na kailangan ko rin ng kalinga nila minsan?. Hindi na po ako bata pero kailangan ko pa rin po ng guidance nila. Alam ko na po ang tama at mali sa salita pero pakiramdam ko po laging may kulang.. Hindi po kasi natutumbasan ng kahit na ano ang pag-aalaga ng isang Ina."

"I'm no where to say words to you Kian. Wala akong ibang masabi kundi ang mga bagay na alam ko. Kaka, bumaba ka nga rito?."

Nabigla ako sa narinig. Paanong nalaman ni Papa na gising na ako. Doon ko lang din nakita na nakatingala na silang dalawa sa gawi ko. Itinuro ko ang sarili. Saka tumango si Papa. "Baba ka rito at kailangan ng makakausap tong kaibigan mo."

Kaibigan?.

Kung alam mo lang po Papa.

"Kausap po?. Bakit ako po?."

"Kailangan ko na kasing maligo. Maaga ang duty ko ngayon." ani Papa na tumayo na sa kinauupuan. Sinalubong pa ako't tinapik sa balikat. "Mukhang malaki problema ng batang yan. Tulungan mo ha."

"Opo." bulong ko. Para namang may powers ako para bigyan agad ng solusyon ang problema ng tinutukoy nya. Pero susubukan ko... para sa future!...

"Ang aga mong nagising?." tanong ko matapos maupo sa isahang upuan. Sa may bandang gawi ng unan nya. Dumausdos sya palapit sa pwesto ko.

"Wala ba akong good morning dyan?." anya. Tiniklop ang mga braso nya't duon sa tuhod nya nilagay ito. Saka tumitig na sa mukha ko. Nailang tuloy ako. Mabuti nalang naligo na ako. Umayos ako ng upo at pilit na iniiwasan ang mata nya.

Kingwa! Makatitig naman ang taong to, wagas. Kung ice cream lang ako. Baka kanina pa ako natunaw. Enebe?.

"Good morning.." bati ko sya.

"Mmm.. morning." halos di ko ito marinig sa tindi ng pintig ng aking puso.

"Paano ka papasok nyan mamaya?." tanong ko dahil naisip ko lang kanina na Tuesday palang pala ngayon. Nakupo!. Di sya pwedeng umabsent na naman. Boring ang araw ko pag ganun. Hehe.

"Here." itinaas nito ang itim na paper bag sa tabi ng center table. Di ko iyon napansin ha. How come Karen?. You're too focus on him huh?. Hmm. "Makikisabay ako sa'yo mamaya." habol nya. Kinabahan ako. Makikisabay?. Aware din ba syang wala akong sariling sasakyan?.

"Sinong nagdala nyan?. Pinabili mo?." nagtaka ako. Sino kayang nagbigay sa kanya ng kailangan nya kung tumakas sya sa kanila?.

"Nope. Si Daddy. Pinaabot nya kay Tito." tuloy nya kay Papa.

"Eh?. Paano nalaman ng Daddy mong andito ka?."

"GPS nung sports car."

Napabuntong hininga ako. Iba talaga pag mayaman. Marami silang ways para bigyan ng solusyon ang kanilang problema. Pero di rin lahat. Yung iba lang. LoL.

"Did you talk to him?."

"Kanino?."

"Sa Daddy mo?."

"Nope."

"Bakit naman?. Kian, Daddy mo pa rin sya."

"Baka isumbong nya ako kay Mommy eh."

"Sabagay. Kahit di mo sya kausapin, alam naman na nya kung nasaan ka. Kaya pwede ka lang nilang puntahan dito."

"Knowing my Mommy?. I don't think so. Mataas pride nun. Di iyon pupunta rito." tunog paniniguro pa nya.

"How sure are you?. Anak ka pa rin nya kahit anong sabihin mo Master."

"Tsk. Ayoko syang kausapin."

"Oh e paano ka nalang pag di mo sya kakausapin?. Lagi ka nalang tatakbo. Tapos ang labas, parang naghahabulan lang kayo ganun ba gusto mo?."

"Of course not!." agap nyang sagot.

"E bat ayaw mo then syang kausapin?."

"It's not like that I don't want to talk to her or them. Gusto ko lang huminga, kahit konting oras lang."

Base sa sinabi nya. Hindi lang tungkol sa engagement ang nasa isip nya. May iba pa. Ano kaya yun?.

Hindi ko nalang sya kinulit pa sa kung anong bumabagabag sa kanya sapagkat baka mainis lang sya't lalong maglayas. Di ko na alam kung saan sya hahanapin. Mas mahirap na pag ganun. May takot akong nadama sa naiisip kong to. Natatakot ako para sa kanya. At, wag naman sana.