Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 35 - Chapter 35: Territorial

Chapter 35 - Chapter 35: Territorial

Linggo ng umaga.

"Karen, gising na." dinig kong boses ni Ate Ken mula sa labas pero pakiramdam ko, panaginip lang iyon dahil dikit na dikit pa rin ang mga talukap ng mata ko. Atsaka, halos kainin ko na ang unan ko sa gigil kong matulog.

Hindi ako gumalaw man lang sa unang kumatok.

"Kaka, ano ba?. Anong petsa na?..." may muling kumatok sa pintuan ko at padarag na ito. Talagang binubulabog na ang pagtulog ko.

Umungol lang ako. "Dalian mo na. May nag-iintay na sa'yo sa baba!." halos isigaw na ni Ate Ken ito.

"Sino ba?." tamad kong tanong. Maya maya ay, bumukas na ang pinto ng silid ko without knowing it. Hinayaan ko lang iyon sapagkat alam kong si Ate lang to. Bakit ba?. Ayoko pang bumangon eh.

Pinakinggan ko lang ang mga yabag nito sa sahig. Humakbang ito papunta sakin. Hinila ang upuan sa side table ko saka umupo yata doon. Hinintay kong muli ang susunod nyang gagawin subalit wala. Hindi na nagkaroon pa ng kasunod nun. Nakakapagtaka. Hindi ganun si Ate kapag naaasar sa akin. Binabato nya ako ng kung anu-ano kapag di pa ako bumangon sa ilang beses na katok nya pero sa ngayon, may iba. Bakit kaya?.

Bumalikwas ako paharap sa gawi ng side table ko kung saan duon umupo ang taong pumasok sa loob ng silid ko. "Ate, labas na ako mamaya. Five minutes nalang." hinging palugit ko pa. Hinihila pa kasi ako ng kama.

"Baka magsara na ang Enchanted Kingdom kapag di ka pa bumangon dyan." awtomatikong naidilat ko ang nagdikit ko mata para lang makita ang nagsalita.

And damn it!.. Sya! Si Kian pala ang pumasok at hindi si Ate.

Ate naman!!...

"A-anong ginagawa mo rito?." agad akong bumangon at tinalukbong ang kumot sa mukha. Halos magdikit na kasi ang mukha namin kanina dahil dinungaw nya ako habang sinasabing bumangon na ako. Bwiset!.

Tumayo sya't naglakad. Tinignan ang kabuuan ng silid ko. "Today is Sunday. Nakalimutan mo na ba yung sinabi ko sa'yo kagabi bago kami umalis?."

"Ah.." inisip ko ang tinutukoy nya. Then i just realize na, sabado pala kahapon at linggo na ngayon. Naku naman Karen!. Napahilamos ako ng mukha. Bakit ko nga ba nakalimutan yun?.

"Seryoso ka pala nung sinabi mo yun?." tanong ko pa. Ang gaga lang.

"Oo naman. May tama lang ako sa alak pero seryoso ako sa mga sinasabi ko."

Oo nga. May amats sya kagabi pero natatandaan nya pa rin ang sinabi nya?. Ang tindi rin ng utak nya. Nakakabilib.

Hindi ako makapagsalita sapagkat di ko alam kung anong sasabihn.

"Antayin nalang kita sa baba. Faster please." nakapamulsa pa syang sumulyap sakin bago tuluyang lumabas. Tumili ako sa ilalim ng kumot. Kaya ang nangyari, sumakit ang lalamunan ko. Abnormal la rin Karen.

Parang isang ipu-ipo ang galaw ko. Inayos ko ang higaan. Bago pumasok ng banyo at naligo. Inayos ang sarili bago tuluyang bumaba.

"Hay naku hijo. Pagpasensyahan mo na ang Kaka namin. Ganyan talaga kapag alam nyang walang lakad o gagawin." dinig kong ani Mama.

Naku naman!. Nagkwento na panigurado ang Mama.

"Oh ayan na pala sya. Good morning beautiful Lady.." bati sakin ni Mama na may halong tukso. Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa. Nagkibit balikat lamang ako sapagkat hindi naman seksi ang suot kong damit.

"Tara na?." dinig kong nagsalita si Kian. Tinanguan ko lang sya. "Una na po muna kami Tita." paalam nito kay Mama.

"Hindi na ba kayo kakain muna?." tanong pa ni Mama pero hinalikan ko nalang sya't nagpaalam na rin.

"Bat di ka kasi nagtext eh." pagpaparinig ko sa taong nasa likod ko. Kakalabas namin ng gate. Nauna ako sa kanya. Hinintay ko sya sa labas sapagkat sasakyan nya ang gagamitin namin mamaya.

Eksaktong paglabas nya ay inilahad nito bigla ang kanang kamay sa harapan ko. Di ko alam kung bakit. "Ano?." I even ask him. Tsk.

"Pahiram ng phone mo. May tatawagan lang ako." sabi nya. Ibinigay ko naman agad. Di ko na tinanong pa kung bakit manghihiram sya eh may phone naman sya.

Then he dial some random numbers on my phone with speakers on.

Duon may nagring at kasabay nun ay ang pagpatay na. "Let's go." Yaya nya bigla. Binalik sakin ang phone ko saka nagpaunang sumakay ng magara nyang kotse. Sumunod nalang din ako. Di man lang ako inalalayan. Hay...

Sa loob ng sasakyan. "Can you dial again the number?. Baka sakaling sumagot na." he command. Natigilan ako ng bahagya sapagkat hindi ko alam kung babae ba tong tinatawagan ko o lalaki. I'm torn between doing it or not to.

Lihim kong kinagat ang ilalim ng labi sa inis. Bat ako pa tatawag?. Bwiset na to. Di nalang sana ako bumangon at hinayaan syang mag-antay.

I did what he had commanded. Nagring na ang numero. "Hello?." bati ko kahit ayoko pa sana. Lumingon ako sa gawi nya.

"Yes hello?." his voice echoed around me. Hawak nito ang sariling phone at nakalagay iyon sa kanang tainga nya. "Now, you can ask me anything. You are free to text or call me wherever you want."

Literal na napanganga ako.

Number nya pala iyon?. Jusko!. Tong taong to. Mga pasimple nyang galaw, nakakalaglag panga. Lalo tuloy syang nagiging gwapo sa paningin ko.

"Number mo to?." parang ewan lang. Obvious na nga Karen, tinanong mo pa. E sa, gusto kong marinig mismo sa labi nyang kanya ito. Ano pa nga bang duda mo eh, ngiting ngiti na nga sya sa harapan mo habang hawak ang phone sa tainga. Pareho kayo. Tsk. Hay...

"From now on. Ako lang ang tatawagan mo. I'll text you every single minute."

"Eh?." di makapaniwalang sambit ko.

"At ayokong, may ibang lumapit sa'yo maliban sakin." dagdag nya kaya nagulat ako.

"Seryoso ka?. Paano pamilya ko?."

Baliw talaga.

"Ofcourse. Except them." he explain.

"So sino ang tinutukoy mo kung ganun?."

"Boys baby. Not just one but boys.."

"Who's this one you are referring to?." tanong ko dahil nacurious ako bigla. Nagkamot sya ng ulo. Hinagod ang buhok patalikod bago ako sinagot.

"Just random guy."

"Sino nga?." pangungulit ko. Di nya masabi ng diretso. Bakit kaya?.

"Bryan.."

May kung ano sa akin ang parang nakiliti. Bakit pakiramdam ko. Pinagbabawalan nya akong makipagkita sa iba dahil para lang ako sa kanya?. Ek!. Sige. Isip ka lang gurl.

"Bakit naman?." kagat ko na ang dila para lang wag lumabas ang nakatagong ngiti sa labi.

"Just.." anya ngunit tumigil sya. Binaba nya ang tawag at tumitig sa buong mukha ko. "Ayoko lang na mapalapit ka sakanya." patuloy nya.

"Bakit naman?. May insecurities din pala ang Master?. hahaha.." I tried to laugh para ibsan ang tensyon sa kanya. His breathing became heavy.

"Because, I'm the territorial type of a person when it comes to what's mine."

"Bakit?. Sino bang mine mo?." tanong ko. Nakangiti. Q & A ba to gurl?. Di maubos ubos bakit natin ah.

Gumalaw sya't halos maduling na ako sa ginawa nyang paglapit. Ramdam ko ang mainit nitong hininga na tumatama sa labi ko.

At sa isang iglap, dumampi na sa labi ko ang malamig na labi nya. Naging mainit bigla ang naramdaman ko.

"Know that. You're just mine. Just mine.." he whispered bago dinampian muli ng halik ang pino kong labi.

I was like. Hinalikan nya ako!?. Hinalikan nya ako!?... Hinalikan nya ako!?... Totoo ba to?. And he said, sakanya lang daw ako?. Nyayyyy... Di nga Kian?.