Chereads / He's My Dream Boy (Completed) / Chapter 11 - Chapter 11: Concern?

Chapter 11 - Chapter 11: Concern?

Nakaupo akong nag-aayos ng gabundok na libro nang may biglang umupo sa kaliwang gilid, kung saan pinamamagitan namin ang mga libro. Sa amoy palang na agad nagbigay sakin ng kakaibang kaba ay alam ko na kung sino ang taong yun.

Gosh! Paano ba gumalaw ng normal gayong nasa tabi tabi si chinito?.

E di, magtambling ka!

Ngek! Pahiya naman ako nun.

Baliw! Hindi no! Baka nga, tulungan ka pa nyang magtambling, tas hanggang sa sabayan ka nya.. Ayiee!

Malakas akong bumuntong hininga nang hindi nag-iisip.

"Ehem.." lalo pa akong kinabahan sa pekeng ubo nya.

Hindi ko nakikita kung anong ginagawa nya dahil nakapikit ako ngayon. Huminto ako para magpahinga ng kaunti. Ayokong makita nyang sya lang ang gustong makita ng dalawa kong mata.

"What are you doing?.." pigil ang tawa nyang tanong.

Damn it! Bakit may kaunting lambing pa yung boses nya?. Nagpapacute ba sya?. Ako ba talaga tinanong nya?. Eh!?

"Karen, move!.." inis na utos pa sakin ni Winly. Bahagyang itinulak pa ang binti ko dahilan para di ko makontrol ang katawan ko't natumba sa bandang gilid ni Kian! Bakla!! Ahem!! "Oh! sarey!.." sumenyas pa sya ng peace sign bago kibit balikat na dumaan sa harapan ko. Matalim kong sinundan ng masamang tingin ang likod nyang kumekendeng- kendeng pa! Bwiset talaga!

"Hey?.." noon ko lamang natanto na may kasama pa pala ako. Nalipat sakanya ang tingin ko. Yung dating nagkasalubong kong kilay. Unti unting umayos at bumalik sa normal. "May masakit ba sa'yo?. Kanina ka pa wala sa tamang huwisyo?.." inilagay pa nya ang likod ng kanyang palad saking noo. Tinitignan kung may sakit ba talaga ako.

Wala akong sakit! Pero nang ilapat na nya ang palad sa balat ko! Umakyat ang dugo sa ulo ko't magkakalagnat yata ako! Iba ang epekto nito sakin! Pinagpapawisan at pinalalamig ako!

"A-yos l-lang a-ko.." Kingina! Kung bakit utal pa ako?. Ayoko na! Papa!

Di sya nagsalita. Sinipat nya lang ako't tinatantya ako kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Namumula ka.." tuloy napalunok ako sa sinabi nyang iyon. "Tara sa clinic.." hinila nya ang braso ko upang tulungang makatayo. Wala sa sarili akong nagpaagos sa hila nya nang di nag-iisip. "H-ha?." walang malay ko pang tanong. Sumeryoso sya't tinitigan lamang ako sa mata.

"Tara sa clinic.." pag-uulit nya pa. Pinagpapasensyahan ang kabagalan ng utak ko. Kung, mahaba nga ang pasensya nya. Di ko rin alam. Baka, galit na sya e, nagtitimpi lang.

Nangapa ako bigla. Maingay akong lumunok saka bumuntong hininga nang palihim. "Wag na.. ayos lang ako.. salamat.." sabi ko matapos makipagtitigan sakanya. Sa titig naming iyon. Parang nakaramdam ako ng kuryente na dumaloy sa pagitan naming dalawa. Di ko iyon matukoy. Basta ang pakiramdam ko ay nag-init ang buo kong mukha pababa hanggang saking talampakan. Pagkatapos nun. Namanhid na ang paa ko't di na makagalaw.

"Sigurado ka?.." nananantya pa rin sya.

Hay! Talaga bang concern ka sakin?. Naku naman! Pwedeng sabihin mo nalang. Gusto kong marinig! Eh! Baliw ka Karen! Napakademanding mo, di pa man kayo!

Tumango lang ako sa kanya bago kinagat ang ibabang labi paloob. Bigla syang ngumiti sa harap ko at ginulo ang tuktok ng buhok ko. "Ang cute mo talaga... hahaha.." anya. Natatame ako sa ganda nang kanyang ngiti. Yung tipong gwapo na nga. Lalo pa syang naging gwapo dahil sa ngiti nyang walang kupas.

"Dre, ano yan ha?.." usisa bigla ni Billy sa kanya nang daanan kami. Sinuntok pa nito ang braso nya na agad naman nyang sinangga. "None of your biz bro.." sagot nya rito na inambaan pa sya ng isa pang suntok na gaya nang nauna ay naiwasan nya din. "Karen, pahirapan mo sya para astig.. haha.." biro nito sakin nang balingan nya ako. Di ko iyon nakuha. Kumindat sya sakin saka ngumuso paturo kay Kian. "What?.." ani Kian sa kanya. Di nga ito pinansin. Tinanguan nya lang ito at ako ang kinausap nya. Lumapit pa sya ng bahagya saka bumulong. "Ang sabi ni Kian.. ang ganda mo raw.. sobrang ganda.." pagkatapos nya itong sabihin ay tinapik nya ang balikat ko bago nagpaalam na tatapusin ang gagawin

Pareho kaming napamaang sa likuran nya. Ano bang nangyayari sa mga tao ngayon?. Puro mga wirdo!

"Guys, tara na daw.. ibang grade nalang daw ang magtatapos sabi ni ma'am.." anunsyo nang class president namin. Maya maya pa ay ganun din ang sinabi ng class president nila Kian. Nagsinula nang magsitayuan ang iba at isa isa nang lumalabas ng library.

"Dre, let's go.." yaya ni Jaden sa kanya nang biglang sumulpot sa kung saan. Sa pagkakaalam ko. Madikit ito kay Jaden. Di ko masasabing bestfriend pero parang ganun na rin pag magkasama sila lagi. Kumplikado dahil di rin naman ako sigurado. Buti sana kung kukumpirmahin nya sakin iyon pero paano naman nya sasabihin sakin kung di nga kami close?. We're just strangers that can be lovers! Engkkkk!! ASA KA GURL! Aba! Malay ko ba naman!?.

"Ka, una na kami.." paalam ni Jaden sakin. Bigla ay natauhan ako.

"H-ha?.." tanga! Ano ba Karen?.

"Una na kami kako.." ulit nya. Sorry naman. Sa iba kasi ako nakatingin e. Hihi! Umiling sya't inakbayan si Kian. "Sa iba kasi nakatingin e..tsk.. tsk!." siring nya. Hindi na nakapagprotesta pa si Kian nang hilahin nya ito palayo, palabas na ng library. Nagtulakan ang dalawa sa labas saka tumakbo na palayo.

Di ko alam kung ikatutuwa ko ba ang nangyayari ngayon. Masyadong mabilis ang mga nakikita ko at heto ang puso ko't, nauuna nang umasa sa wala pang kasiguraduhan na bagay.