CHAIN ALEZEIR
Nagising akong mga bandang alas cinco noong may narinig akong nangangalampag ng pinto ko, punyeta sino ba to? Papungas pungas akong tumayo sa kama ko at diretsong punta sa pinto, binuksan ko muna ng konti then silip sa labas.
Psh wala namang tao!
Isasara ko na dapat ang pinto nong may pabalyang tumulak nito pabukas at sumigaw.
"BOOOOOHH!!!"
"AAAAAHH OMY....PUNYETA KA RAGE! TANGINA MO! BAT KA NANGGUGULAT ANIMAL KA!" I shouted in shocked when suddenly someone was infront of me.
Si Rage ang nakatayo sa harapan ko. High pitched na alam kong makaka bulabog sa mga kapit bahay ko. Labas ang ngalangala ko ng sumigaw ako sa punyetang Rage nato na tawang tawa sa ngayon, siya ang salarin sa pangagago sa akin.
Napahawak pa siya sa tiyan na habang pinagtatawanan ako. "Bwahahaha taena Chain, ang pangit mong magulat!"
"Ang pangit mo kasi kaya ako nagulat! Tangeners ka!" I bantered back, clearly annoyed.
Sinugod ko siya at pinagbabatukan. Gago to, aatekihin ako sa puso ng wala sa oras dahil sa putangenang to! Tawang tawa lang siya habang binubogbog ko.
"Punyeta ka — ang aga mong mambulabog, bakit ka na nandito? Eh alas nuebe ang usapan. Bangenge ba utak mo?!" Asar kong lintaya sa kanya na ngayo'y prente ng nakaupo sa sofa ko.
Humikab pa siya bago ako patamad na sinagot. "Wala ba munang kape diyan bago mo ako sungitan? Kahit kape lang."
Tumaas agad ang kilay ko sa kanya, abay may alalay ka dito sir? May grocery kang ambag?Tiningnan niya ako ng masama, nagpout pa.
"Dali na naman na Chain, ipagtimpla mo muna ako ng kape at masakit pa ang ulo ko. Kaunting hospitality naman dyen, prends tayo diba? Hindi kasi gumagana ang utak ko pag walang caffeine. Sarapan mo ha? Magiging halimaw ako pag hindi."
Sugo niya pa ulit sa akin at tinulak pa ako paalis, no choice kasi alam ko ang feeling na hindi nagkakape, nakakabangag tol, promise. Inis akong naginit ng water sa heater kahit labag sa kaloob looban ko, 3in1 lang ang meron ako kaya yon yong tinimpla ko para sa aming dalawa, nagpalaman nadin ako ng tinapay at baka magreklamo na naman ang kamahalan pag wala.
"Ang tagal— tagal naman, baka may gayuma na yan ha?" Pasigaw na usal sakin ni Rage galing sa sala ko.
Napahilot nalang ako ng ilong ko, mali yata ang desisyon kong makipagkaibagan sa nilalang na to. Ang kapal ng mukha eh, nasobrahan grabe!
"Lason ang nilagay ko kaya maghintay ka! Bubula ang bibig mo, promise!" So I shouted back, surely pissed.
I heard his laughter. "Ang sweet mo talaga Chain, sheets kinikilig ako, hooo!"
Kahit ayaw kong matawa napilitan nalang ako sa isinagot niya, tarantado. "Mas kikiligin ako pag nakita na kitang nanginginig at nakahandusay diyan tapos maninigas ka after. Mas exciting yon to see, promise!" I replied back in my menacing calm voice.
"Bwahahaha huwag ganoon Chain, sayang ang sobrang yummy kong katawan. Iiyak ang buong sandaigdigan! Malulungkot ang lupon ng kababaihan at magugunaw ang mundo pagnawala–!"
Yabang! I rolled my eyes, so I cutted him off and spoke.
"O hell shut up kulang kalang sa tulog. Eto kape ng magpalpitate ka, kabahan ka naman sa pinagsasabi mong puro kasinungalingan, ang yabang na eh."
Inilapag ko sa harapan niya ang umuusok pang kape, ang sarap sanang ibuhos to sa kanya pero huwag nalang, sayang ang kape ko, masarap pa naman to.
"Yown— sa wakas akala ko bukas pato, uuwi na nga sana ako eh. Thanks by the way." He casually said tapos hinigop niya na ang tinimpla ko.
Asar ako napatingin ulit sa nakangisi niyang mukha, ang sarap isako ng ulupong nato. "Oh tinapay baka magreklamo ka sa barangay pag di kita pinakain dito, kamahalan."
Inusog ko pa lapit sa kanya ang gardenia bread tapos, nutella jar baka mas gusto niya pag maraming feelings. Sana all my feelings!
"Ang bait mo talaga, alalay." Balahura niyang sagot sa sinabi ko.
Alalay? Punyeta, pigilan mo ako self at baka maitarak ko ang tinidor sa ngalangala nito. "GAGO! Alalayin ko yang mukha mo eh!"
Malutong kong mura sa kanya pero ang walangya tinawanan lang ulit ako. Napatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding ko, putcha 5:20 palang ng umaga. Asar akong napatingin ulit kay Rage na lumalaklak na ng kape at sabay nguya ng tinapay. Napahikab ako, inaantok pa talaga ang mata ko.
"Wala ka bang bahay? Bakit ka agad dito dumiretso? Hindi to bahay ampunan, hindi welcome dito ang mga palaboy. Hindi ako bantay bata 163." Inis kong pakli sa kanya.
He chuckled first before he darted his mischief eyes on me. Making me raise my brows up.
He smirked then. "Nope— mas gusto kasi kitang istorbuhin. Ayaw mo noon hindi na ako malilate sa usapan natin. Ang punctual ko diba- sobra! Saan ka makakahanap ng katulad ko? Wala! Ako lang, ako lang to si Rage."
Napaikot na lang ako ng mata, ang aga ang kahambugan niya agad ang inaatupag.
"HEH! Hindi ako natutuwa. Sinira mo ang beauty rest ko, hindi ko na complete ang 8 hours sleep routine ko!" Galit kong turan habang nahihikab ulit.
Ang tukmol humalagpak pang tawq. "Bwahahaha kahit siguro wala ka pang tulog wala paring magbabago."
"Alam ko, ang ganda ko no?" I smile proudly when he complimented me.
Napangiwi naman siya, halatang may tutol sa sinabi ko. "LOL. Maganda daw— saan banda? Asan?"
Abat ang kapal ng mukha neto. "Ah ganoon? Akin na yang kape mo, walang hiya ka! Yah akala mo ang gwapo mo? Hah, asan din? Asan ang paki ko?"
"Nasa akin, ayieeh." Hinambalos ko siya ng kutsara ko sa ulo, ang bobo ng banat. Amputa!
"Aray! Oo nalang maganda ka na kahit labag sa kalooban ko. Sige nalang ikaw na, ikaw na ang pinakamaganda sa whole wide world. Ouch istap na! Mashakit!"
I stop and smirked smugly at him. Gusto mo lang palang munang masaktan ha?!
"TALAGA talagaa!!" I replied confidently but he just laugh at me, shameless jerk.
"Mabuti pa Rage layasan mo na tong pamamahay ko at makatulog pa ako. Maawa ka, naghuhumiyaw na ang eyebags ko." Pangtataboy ko sa kanya palabas ng kaharian ko.
He mockingly smile at me. "Ayaaan masyado mo kasi akong iniisip eh, di ka tuloy nakatulog. Halika ka nga dito, hug kita. Alam ko ang pinagdadaanan mo, epekto talaga yan ng kagandahang lalaki ko."
"ARGH PUTANGINA MO RAGE! Tigilan mo ako, asa ka dude. Alis na habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko, majujumbag na kita. I'm not kidding here." Asar na talaga ako!
Umiling siya ng exage. "ANIYOOO LOL ayoko. Dito lang ako magsti-stay. Matulog ka na at matutulog na din ako. Promise, dito lang ako sa sofa wala akong pagnanasa sayo kaya mapanatag sana ang loob mo." He rest assured me.
"Let me rest here Bae Chain. I'm so dead tired and wasted." Nagmamakaawang hayag nito sa akin sabay higa na sa sofa ko. Wala akong ibang nagawa kundi umiling, ibang klase, ang kapal ng apog niya.
"Ano na naman Rage?" Asar kong tanong sa kanya nong napansin kong nabaling sa akin ang titig niya.
Siya naman ang binigyan ako ng plastic na ngiti. "Hehehe saka kumot na din Chain, unan tapos paki on ng AC. Ang init dito, wala man lang bang mas malaki pa dito? Hindi ako magkasya sa sofa mo, Chain ang tigas pa ng—."
Nasapok ko siya sa braso, ang reklamador mo ah?
I spoke in annoyance. "Asar na ako sayo Rage, punyeta ka ang dami mong reklamo, umuwi ka kong gusto mo. Huwag ako ang artehan mo diyan susungalngalin ko na yang bibig m-"
"Ng halik—?"
"NG KALDERO! ASA KA TUKMOL!" Sinabunutan ko pa siya para mas feel niya ang inis ko. Humalakpak naman siya ng tawa sa naging sagot ko, ang landi neto. Pokpokers!
"Halik? Halikan ang sahig gusto mo? Halika ka ingungod kita ngayon din, Rage. Lapit ka dito dali— paduduguin ko yan!"
Umatras siya agad palayo sa akin. "To naman joke lang, kalma ka nga Bae Chain. Naaabsorb yata ng katawan mo ang sobrang hotness ko kaya masyado kang mainiti-,"
Sinungalngal ko ang tinapay sa bibig niya I butted in. "Hep, hep— tigil na Rage. Quite, masakit na ang ulo ko sa kadaldalan mong tukmol ka!"
Nagmartya na ako pabalik sa room ko at iniwan na siyang nakahiga sa sofa. Asar na ako sa lalaking tong puro hangin yata ang laman ng utak.
I heard him shouted. "Yong kumot at unan ko ha, Chain asan na ang tagal?!"
"Wala- magdusa ka!" Sarcrastikong usal ko pabalik.
I shouted back pero kumuha ako ng extra pillow and blanket doon sa cabinet ko at bumalik sa sala kung saan nahihirapang nakahiga ang reklamador na ulupong nato. Hinagis ko sa mukha niya lahat ng bitbit ko. Atat na atat eh, ayan solohin mo!
"Aray! Thanks kahit ramdam ko ang kalabagan sa kalooban mo." He said to me pouting.
I rolled my eyes and never said a word, I headed my way to my door and locked it after I come in.
"Goodnight Chain, matulog ka ha? Huwag kang excited mamaya, I'll wake you up before we go go go!" He added in a singsong.
Hay ewan nalang talaga— makatulog na nga lang! Nagtalukbong ako ng kumot at ipinagpatuloy ang naudlot kong panaghinip bago ako bulabugin ng aswang na to. Hindi ko alam pero magaan ang loob ko sa tukmol na to, he seems to be a good man. Baliw nga lang, sobra! Hay ewan balaha na si Batmen!
Wala pa yatang ilang oras ang tulog ko noong bulabugin ulit ako ni Rage para magluto ng agahan. Sabog sabog akong napalabas ng kwarto ko at asar siyang binatukan.
"Punyeta ka talaga!" I shouted half awake- half asleep.
He laugh at my distress. "Haist Bae it's nine a.m na. You better get your ass off the bed, we have date rayth?" He even winked at me when he said that.
Napahugot nalang ako ng naasar na hininga, sabay upo sa bangko sa kusina ko. "Kaasar!"
He chuckled again tapos nilapitan pa ako at inasar. "Wala! Kailangan magayos ka, ako ang kasama mo kaya dapat makasabay ang normal mong anyo sa sobrang gwapo, ubod ng kinis, makisig kon—."
Bago ko pa marinig lahat ng kahambugan niya, sinupalpal ko na agad.
"Punyeta! Nahigop yata ng utak mo lahat ang hanging galing sa electric fan. Ang aga kayabangan mo ang naririnig ko. Mabuti hindi ka nilipad? Ang lakas eh!" Sarkastiko kong putol sa walang katuturang sinasabi niya.
Tumayo na ako at naghalungkat ng pagkaing natira sa cabinet ko, puro delata at noodles.
"Spam nalang Chain!" He requested in glee.
"Nope, mahal." Tanggi ko agad sa kanya.
"Mahal mo naman ako diba?" He replied na nagpatigil yata sa buong systema ko, binaling ko sa kanya ng nakakamatay kong tingin.
Sa oras na ito gustong- gusto kong ihagis sa kanya ang delatang hawak ko na may lamang Spam para magising siya sa kanyang ilusyon.
I raised my brows, bitchily. "Gusto mo bang makakita ng flying SPAM? Yong lilipad tapos sasapol sa mukha mo, Rage?!"
Maangas kong tanong sabay amba pahagis sa kanya ang lata. Mukhang siya pa ang nasa dreamland ngayon, gigisingin ko lang.
"Hindi ka lang mapapamahal, mapapamura ka dito, Tukmol you want?!"
He's laughter resonated inside my room. "Hep! Hep! Stop that! Joke lang kasi ang init naman ng ulo oh. Halika nga dito hug kita, yakapsol pa naman ang mga bisig ko, baka kumalma ka!"
Kung kanina lata ang inaamba ko sa kanya ngayon tinutok ko na talaga ang patalim sa ngala- ngala niyang wala yatang ibang alam gawin kundi ang mangasar. I darted my stare at him, pissed making him gulp hard as he gaze back. Madilim ang anyo kong lumapit ako sa kanya para magbanta, nanlilisik ang mata ko, nagbabanta.
"Umayos ka diyan Rage at baka manginig tong kamay ko at sa ngala- ngala mo maitarak ang kutsilyo kong to, didiretso at ibabaon ko talaga para tuluyan ng manahimik yang bunganga mo! Gusto mo ba yon?!"
Bigla naman siyang humakbang palayo sa akin.
Chuckling nervously as he spoke. "Hahaha chill heto na mananahimik na, kalma lang kasi Bae. Ang warfreak mo naman. Hingang malalim kasi, dali masahe kita."
Hinilot hilot niya pa ang balikat ko na parang pang wrestler.
"HOY TUKMOL! Aalisin mo yan o mabubuhay ka sa mundong ibabaw na hindi nakadikit yang kamay mo sa katawan?!" Agad niya namang itinaas ang kamay niya.
"OOPPS KJ! Uupo na po, kamahalan." He replied sabay alis na sa tabi ko.
"Good alalay!" I said and continue my cooking, nakita ko namang naghalungkat siya sa cupboard ko. "Anong hinahanap mo diyan?"
"Kape! Asan yong kape mo?" Tinuro ko ang airpot at sachet coffee. "Instant?!"
Tila hindi nito matanggap ang kapeng meron ako. "May reklamo ka? Huwag dito! Wala kang naambag sa budget ko sa grocery kaya manahimik ka!"
Parang asar naman etong nagtimpla at bubulong-bulong pa. "May sinasabi ka diyan?!"
He shook his head in response, pouting like a child. "Nothing! Bilis na kakain na ako!"
I rolled my eyes skyward. "Huwow! Isaboy ko kaya sa mukha mo tong kumukulong mantika? Baka mas mauna ka pang matusta kaysa sa Spam nato. Matuto kang maghintay, tukmol!"
Asar kong tugon sa kanya habang nagpiprito. Agad kaming kumaing dalawa pagkaluto, nagbihis ako habang siya kinuha ang damit niya sa sasakyan tapos hinintay akong matapos maligo saka siya na ang sumunod. Oo certified walanghiya ang Rage tukmol na to. Nakidagdag siya sa bayarin ko sa tubig pati kuryente.
I wore white plain v-neck shirt, top with my denim jacket dahil medyo maambon at malamig sa labas, then paired with fitted ripped jeans and rubber shoes to match my ootd. I put my wristwatch and anchor necklace for my accessories. Nagapply din ako ng kaunting make-up sa mukha then viola I'm good to go.
Sakto namang lumabas si Rage sa banyo, nakabihis na rin siya. He flashed his infamous smirked at me when he deliberately check me out.
"Wow, ang ganda natin ah. You look so ruggedly beautiful Missy. I like your style huh?!" He complimented me.
"Sus basic! Bilisan mo na at makaalis na tayo ang tagal tagal kasi." Pangma- madali ko sa kanya, mas sobra pa siya sa aking maligo.
"To naman, wait lang bae. Huwag kang masyadong pahalatang excited ka masyado."
"Hah! Ang funny. Nagmamadali ako para makauwi na tayo agad. Marami pa akong nakatambak na gawain." I sarcastically crashed his illusion.
"Okay!" Mabilis siyang kausap, naghanap siya ng salamin.
Siguro para masulyapan niya ang kanyang kapangitan. After a while of waiting for him to finish oraganizing his idiotic face. "Tara na, Chain!"
"Hay sa wakas natapos ka rin!" Napausal ako ng pasasalamat noong tuluyan na naming nilisan ang lungga ko.
Sakay kami sa kotse niya at binabagtas ang kalsada sa metro, bahala na kung saan kami mapadpad pero hindi naman kami napalayo, tumigil na kami sa harap ng malaking mall. Sabay kaming naglalakad papasok sa loob, as usual maraming estudyante dito, napapatingin pa sila sa amin ni Rage, problema nila?
"Hoy saan punta natin?" Tawag pansin ko sa kanya dahil wala namang deriksyon tong date daw namin.
"Sa heaven. Joke lang ansama agad ng tingin. Arcade tayo Chain. Masaya doon!"
"Hoy! Ano ka highschool? Gurangers na tayo tapos makikisingit ka doon? Mahiya ka nga tukmol!"
"Hala siya college na nga kami tambayan pa rin namin ang arcade eh. Dito parin kami nakikipagbalyahan. Dali na kasi, come to papa. Maeenjoy ka sa akin este dito, dito nga, I promise. Halikana!!!"
Wala na akong nagawa noong sapilitan niyang dakmain ang kamay ko at sinama na sa kanyang pagtakbo papasok ng arcade hall. Iniwanan niya muna ako sa labas tapos pumila siya para makakuha ng token sa may booth. Halatang excited siyang tumapak ulit ng arcade, parang bata lang!
"Taralets Chain!" Hinablot niya ulit ang kamay ko tapos sabay na kaming pumasok sa loob.
Napagala ang tingin ko, puro malalaking machines na may mga lamang pera, stuff toys, isda, tokens ang nakikita ko. Actually tama talaga ang naisip kong puro estudyante ang nadito, kami lang ni Rage ang naglakas loob na pumasok dito kahit na medyo out of age na kami para sa ganito.
"What do you want to play?" He asked me eagerly, napa huh? nalang ako.
Nakibit balikat nalang ako. "I don't know, this is my first time here!"
Ngayon ko lang napagtanto na never pala akonf nakatapak dito, hindi kasi uso kay Craig ang date, hindi niya ako nayaya. Or kung meron man hindi yon ako.
"Hay kawawa ka naman, ang boring ng life mo sa Earth di bale dahil nakilala mo na ako, pasisiglahin natin ang dull life mo. Akong bahala."
Natawa nalang ako habang nakatingin sa kanyang tila isang guide na nagto-tour ng tourist ang peg, may hand gesture pa siya habang nililibot ako sa loob. Ang una naming nasentensiyahan ay ang baketball game, kung saan padamihan daw kami ng score na na-shoot, ang daya niya, palagi niyang tinatapik ang kamay ko para sumablay ang pasok ng bola.
"ANG DAYA MO TUKMOL! HEH! ISA, MANANALO NA AKO HUWAG KANG MANDURUGAS DIYAN!" I shouted when he's still messing with my game.
Nagamay ko na ang pagsho-shoot kasi kaya nangugulo siya sa diskarte ko, shoot lahat ng tira ko sa net. Tawang tawa lang siyang nakatingin sa akin na inis na sa kanya dahil ang gulo niya, nakatatlong game kami bago niya matanggap na talunan siya. I got the higher points to his dismay.
Bwahaha asar-talo. "BLEEHH!! AKO ANG NAGWAGI! BWAHAHA! IYAN ANG NAPAPALA NG MGA CHEATER! LOSER! LOSER!" Dagdag pang-asar ko sa kanya habang naghahanap kami ng panibagong malalaro, asar naman niya akong pinansin.
"TIYAMBA KA LANG!!! AKALA MO HA, NEXT GAME NATIN IKAW ANG LULUHA NG DUGO!"
I laugh hard when he bantered back, ang childish. "Nyenyenye, whatever Rage. Ikaw ang papagulungin ko sa lusak!"
"TANGINA MO RAGE! BARILIN MO ANG ZOMBIE, PATAMAAN MO!" I irritatedly shouted at him.
"Back me up! Ng dami nila shit, mamatay na ako! Argggghh! Dead!"
"Ah halika ka na nga baka mahampas ko ang LCD sa sobrang asar ko diyan. Doon tayo oh, bilisan mo diyan!"
Ako na ang hila ng hila kay Rage ngayon sobra kasing nakakastress ang laro pero enjoy din pag may nakuha ka nang reward. Pareho kaming tawa ng tawang dalawa sa kapalpakan namin sa laro, game siyang sabayan ang trip ko. Kahit sa dance revo kanina pareho naming pinatos, ang tanga lang kasi wala kaming tamang steps, riot lang. May sarili kaming dance steps kaya mukha kaming nasapian doon kanina. Pati yong huhulog ka ng coins sa machine tapos may mahuhulog na pera or token pero dahil hindi kami nakakuha ang gagong Rage kinalampag niya ang glass, nasita tuloy kami ng staff kasi bawal pala yon.
"Ang kj ni Kuya!" Himutok niya habang papalayo kami doon sa machine.
"Ayan! Ayan na! Dali kunti nalang angat mo na ay bobo! Bat mo binitiwan?!" Kastigo ko sa kanya noong nahulog ulit yong stufftoy na pinupuntirya namin sa claw machine.
"Marunong kasi talaga akong bumitaw pag alam kong hindi na para sa akin."
"Punyeta huwag mo akong hugutan diyan kundi huhugutin ko yang larynx mo! Ulitin mo dali, yang si Kurama ha?! Ayusin mo buhay mo Rage, ikaw ang ipapasok ko diyan!"
Asar siyang napabuntong-hininga at hinarap ulit ang mga buttons. "Oo na! Makapagbanta akala mo presidente ng Pilipinas. Eh ayaw ngang makuha? Ipagpipilitan!" Bulong bulong na usal nito.
"Siyempre hindi lahat ng bagay nakukuha mo ng madalian, ayusin mo kasi! Parabkang timang, lapit mo pa. Iyan- usog balik. Go! Push! Arghh!"
Pero malas talaga ang tukmol na to nahulog ulit nong malapit na sa may box kung saan makukuha mo ang stufftoy. Asar kung inagaw sa kanya ang cursor, tinulak paalis.
"Tabi nga, manood ka Rage! Mahinang nilalang." Buong angas kong sabi sa kanya at nag- concentrate ng makuha si Kurama.
"O diba? I told it's not easy."
"Tahimik Rage, sinesira mo ang diskarte ko!" I ilk. Hindi ko to susukuan, hindi ko nga siya sinukuan eto pa kaya? Hah! Basic! Pero mahirap pala talaga! "YAS!!!" I yelled in glee.
"Hay salamat natapos din, akala ko bukas pa tayo makakalis diyan eh!" Halatang yamot na usal ni Rage habang nakabusangot sa akin.
I stuck my tounge out. "Bleeh. Atleast ako nakuha ko eh ikaw? Sumuko ka lang!"
"Tinulak mo ako paalis no? Ipapaalala ko lang. Kung ako sana ang naglaro hindi na sa—."
"Hindi na sana to nakuha. Hoy! Alis na tayo dito, ubos na ang boses ko kakasigaw. At yong magnum ko ha? Huwag mong kalimutan!" I mock him. Pinapa- alala ko lang din sa kanya ang pustahan namin kanina bago kami nagsimulang maglaro.
"Oo na! Halika kain muna tayo nagutom ako sa kahihintay sa iyo."
"Lol mo, nagutom ka kakalandi sa mga kolehiya kamo. Kaya pala gustong-gusto mo dito?"
"Hala siya, huwag kang magselos bae, sayo lang ako kakalampag!"
Hindi ko alam pero tawang- tawa ako noong sinabi niya ang word na kalampag, may ganoong bokabularyo ang tukmol nato? "Tado! Kalampagin ko mukha mo eh, mapipisa iyan!" I bursted laughing again.
"Happy ka Chain? Makatawa wagas?" He said mockingly. "Hoy! Tama na, maubusan ka ng hangin, mautot ka!"
"Taena mo Rage! Bwahaha w-wait lang!"
He massage the bridge of his pointed nose. "Ah wala nabaliw na! C'mon let's grab some food, nalipasan ka na naman ng gutom." He held my hand again and guide me in the food court.
Napatingin lang ako sa magkahugpong naming kamay, wala naman akong nafifeel na kakaiba pero hindi lang ako sanay kasi never akong hinawakan ni Craig ng ganito noong magkasama pa kami. He never hold my hand like how Rage held me right now, firm and tight. Napailing nalang ako sa takbo ng isipan ko, never compare them Chain, Rage is definitely much more better than Craig.
"Hoy! Anyare sayo? Siraulo ka ba? Kanina tawang tawa ka tapos ngayon nanahimik ka bigla? May sira ka talaga sa tuktok no?"
"Heh! May naiisip lang ako, oh mang-inasal tayo?" I asked, change topic narin para di na maungkat ang rason ng pagkabalisa ko bigla.
He flashed his wide smile. "Yep! Para unli rice! Gawin natin ang pinagpapabawal na teknik." He whispered back.
We laugh in unison after. "Bwahaha, sure para tipid!" I anwered back smirking.
Ako na ang pumila sa foodcourt na kinaroroonan namin isinugo ko kasing maghanap na ng mauupuan si Rage, umalis naman siya kaya matiyaga akong nakatayo sa may kahabaang linya para makaorder na ako. Pindot lang akong ng phone ko at nagscro- scroll sa F.B, mas mahaba pa yata ang line sa pila nato ang my day ni Aimie, isa isa ko yong hinaha, mukhang tanga naman siya eh. Napukaw lang ulit ang diwa ko noong nakarinig ako ng ilang beses na tikhim mula sa mic.
Naapaangat tuloy ang tingin ko pero agad na gusto kong maglaho nong makita kong si Rage pala ang nandoon as usual malaki na naman ang ngisi habang nakatingin sa akin. "Hoy! Anong ginagawa mo diyan, tukmol?! Pinapahanap kita ng upuan hoy!"
"Meron na!" Sagot niya pero sa mic banda kaya nagecho at narinig iyon ng mga customer. "May iaanounce ka ba miss? Amin na.... Ah jollibee customer no. 49..."
Ang gago ginaya pa ang crew tapos siya na ang nagsalita sa mic. Ah tangina wala talaga siyang hiya! Napatakip nalang ako ng mukha sa kahihiyan noong magtawanan ang mga katabi ko.
Nabaling ang pansin ko kay Rage noong kinalabit niya na ako. "Hindi kita kilala, layuan mo ako!" Asar kong bulong sa kanya.
He laugh at my distress state. "Huwag kang ganyan bae, pagkatapos mo akong pagsawaan kanina at gapangin kagabi itatakwil mo ako ngayon?! Bad yan dzaii!"
"GAGO! ANO NA NAMANG KATARANTADUHAN ANG UMUKIL DIYAN SA TUKTOK MONG MAY SIRA?"
"Huwag kang sumigaw hindi ako bingi ang lapit lang natin eh, pero yiehh.. kakantahan kita Chain total maganda naman ang boses ko, haharanahin kita sa harap ng libo- libong na pilipinong nakikinig sa mga pabibo ko, hindi ka kaba nagugulat sa mga nagaganap hindi ko rin alam kung bat ako sikat,"
"Punyeta ikaw ang pababagsakin ko ulupong, ayusin mo buhay mo ngayon din!" Kantahan daw ba ako ng bagsakan ng Parokya nagtatawanan na tuloy ang buong court ngayon sa kanya.
He laugh at first before he made his expression serious as he stared back at me. "Hello everything! How are you to find out?!"
Pati ako natawa nalang din noong ginaya niya ang viral na tiktokerist ngayon, nagaannounce ulit muna siya ng order no bago nagpatuloy.
"Hello everything again, pasensiya sa istorbo kong boses sa inyong harapan, teka narininig niyo ba ako sa likod?" Nagsi yes naman ang mga customer. "Eh sa may gilid abot ba diyan ang kagwapuhan ko?! Yes? Good, good. Palakasan nga ng kunti ang volume nito miss, kaunti pa yan! Achieved!"
Napuno na ng halagpakan dito ngayon dahil sa kanya. Daig niya pa ang kpop idol na may concert ngayon. Wala yatang tatalo sa kakapalan ng mukha ng Rage nato, ang tibay grabe!
"Dahil narin may maganda akong boses, oo nga maniwala kayo walang halong auto tune to. Fresh na fresh, mapapawow kayo promise, anong gusto niyong kanta?! Dali ano?"
Kanya- kanya namang sigaw ang tao sa loob, iba ibang kanta. Mukhang natuwa naman ang kumag dahil nakuha niya na ang atensiyon ng libo-libong pilipinong nakikinig sa kagaguhan niya. "Uy wag naman ang manok na pula! Manghaharana ako kaya dapat swabe, sige sige, eto nalang. Chain bae para sa iyo to, hope you like it!" Sabay kindat pa sa akin.
Wala akong ibang narinig kundi ang panunukso sa akin ng mga katabi ko sa pila at idagdag pa ang kakaayiieehhh ng tao sa kani- kanilang lamesa. Oh god bat pati ako dinadamay ng ulupong na to?
Hindi ko alam kong saan niya nakuha pero may props na siyang gitara ngayon, tinutuno niya pa nga muna bago siya nagumpisang magstrum. "Wala ba kayong mga kamay diyan?!"
Nagpalakpakan naman sila matapos sabihin iyon ni Rage may sumisipol pa nga, may audience impact tong si Rage infairness ha?! Andami niyang nautong makisabay sa kanya. He was playing a familiar song, Somebody out there by A rocket to the moon song.
~You deserve someone who listens to you. Hears every word and knows what to do, when you're feeling so hopeless, lost and confused there' is somebody out there who will.
There somebody out there whos looking for you, someday he'll find you and I swear that its true he's gonna kiss and you feel your world standstill, there's somebody out there who will...
Habang kumakanta siya'y nakatitig lang sa mga mata ko tila gusto akong makinig sa bawat lyriko ng kanta, how his sweet husky voice crept right into my heart, wanting me to listen to it as a woman who's worth to be loved by someone wholely and trully. Somebody who will make me feel special and accepts me as I am. Tila nanunuot sa kaloob looban ko ang inaawit niya ngayon idagdag pang sobrang ganda at galing niyang kumanta, filled with so much emotion and good voice timbre.
Ang swabe! Masarap sa tenga, pati ang mga ibang nakikinig nadadala sa kanya, they we're all listening and after a while a loud clapping boom in my ears, ay nagstanding ovation pa. Napa- palakpak na din ako kasi deserve niya naman. I was all smile while staring at him, ibang klase talaga ang utak ni Rage.
"YOU WANT MORE?? ANO? HINDI KO KAYO MARINIG! YOU WANT MORE? MORE?" He shouted after he finished the first song, siya na talaga ang may confidence level 101! Amazing!
"ISAPA ISAPA!" sigaw din ng mga tao pabalik.
Tila nagisip pa siya bago nakangising nagsalita. "More? Okay! Sige! Sige na nga since naginsist naman kayo! Sabi sa inyo eh malaanghel ang boses ko! Diba bae? Ayos ba?" He winked at me.
"Yeah, swabe!" Iyan lang ang naisagot ko sabay thumbs up.
Nabaling ulit ang tingin niya sa audience niya kuno. "Oh narinig niyo? Swabe daw sabi ni Bae Chain ang pagkanta ko, wooh ang galing ko talaga!" May sumipol pa kaya nagtawanan lahat. "Again wala ba kayong mga kamay? Ayan! Good pakilakasan pa! Higher! Louder!" Masigabong palakpalakan ulit ang naganap.
"For my second song, gusto ko lahat makisabay, feel my emotion, kantahin to with feelings kasi grabe ang message ng kantang to nakakaiyak!" He started strumming his guitar again, naka close eyes pa siya at feel na feel ang sound, ganoon siya ka soulful tingnan. Pero lahat ng pagasam koy biglang napalitan ng tawa kahit ang mga tao dito, halagpakan na naman dahil sa kanya, punyemas soulful nga.
"Sabayan niyo ako, everybody sing! ~Napadaan sa sabungan at merong nagsisigawan, good ayan vocalization, breath, eto na. Everybody, Sa manok na pula akoy pumusta~"
Lahat sila nakisabay sa tukmol na to, para kaming nasa choir. May mapamodulate at falsetto pa siyang nalalaman, gago gago tong Rage. "Oy jollibee customer no. 57 muna, dito na po order niyo! Continue~ tayong lahat. Sa manok na pula...."
Hanggang sa malapit na ako sa pila ko ay wala paring tigil si Rage sa pagkanta, parang concert niya talaga! Actually nasa pangapat na song niya na to ngayon, Buwan ang kantang kakatapos lang tapos ngayon ang Kathang isip yata ang isusunod niya, yon kasi ang request nong isang customer ng chowking.
Hindi na siya nagsalita nagpalakpakan na sila agad, natuto na ha? Napangisi na rin si Rage. "Very good very good! Mabilis kayong matuto ha? Isa pa ngang palakpalakan diyan! Maraming salamat po sa pagpunta sa aking munting konsyertong ito, isa pong karangalan ang makaperform, ano ba ang tagalog— oh makapagtanghal pala sa inyo ngayon, this would be my last set, amfee! Lol, ang kanta na ito ay para sa mga mahilig magassume, mafall tapos sa huli'y sila parin ang nasaktan, naiwan at ngayo'y taga sana all nalang! Tama? Tama?! Ano? Louder please! Magising tayo sa katotohanan!"
Kanya-kanya namang silang 'Araayy'!
He laugh. "Awit ba?! Lol, para po sa mga nasawi sa pagibig at patuloy paring nagmomove on daw?! Kunyari lang para sa inyo to. Kathang-isip by Ben & ben."
~Diba ito ang iyong gusto? O hetoy lilisan na ako mga alalay ibabaon kalakip ang tamis ng kahapon.
"Ayyyyy sayang no?!" He skits that verse with these words, na ikinatawa ng audience, dalang dala kana tapos gaganyan siya bigla?!
~Mga gabing di nlamamalayang oras ay lumilipad, mga sandaling lumalayag kung saan man tayo mapadpad, bawat kilig na nadarama sa tuwing hawak ang iyong kamay, itoy maling akala isang malaking sablay....
~Kayat pasensya kana sa mga kathang isip kong ito wariy dala ng pagmamahal sa iyo, akoy gigising na sa mga kathang isip kong ito at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo...
"Ah sad! Wag kasing marupok!" He added. I laugh, hindi ako maka concentrate sa inoorder ko, ang tanga lang kasi tignan ni Rage, nakakatawa na masakit sa heart ang kanta, ang deep ng meaning, meshekhit besh!
"Sing with me everybody, itaas mo natin ang ating mga kamay! One more time. Sing together... ~Kaya't pasensya ka na sa mga kathang isip kong ito wariy dala ng pagmamahal sa iyo, akoy gigising na sa mga kathang isip kong ito at sa wakas ay kusang lalayo sa iyo..... Diba ito ang iyong gusto? O hetoy lilisan na ako...."
"Thank you maam, heto na po ang order no. niyo." I smiled at her tapos nilapitan na si Rage na kakatapos lang kumaway after niyang makatanggap ng masigabong palakpakan at walang humpay na sipol, meron pang nagmo-more pero stop na daw sa niya!
"Next time nalang ulit! Balik kayo dito malay niyo matyambahan niyo ulit ang kagwapuhan ko. Thank you! Enjoy your meals, everythin' bye!" He said bago siya tuluyang lumapit sa gawi ko. Grinning widely as he took the tray from my hand. "Galing ko no?!" He said confidently.
"Yabang! Sige nalang, OO. Andami mong fans oh, magwave ka!" Sita ko sa kanya na ginawa niya naman habang palakad kami sa table na available. "Sanay na sanay ka yatang magperform? Banda ka ba dati?!" I asked curiously.
He nodded and smirked. "Yep, highschool until college, my band name is Lost Echo, ako ang vocals kaya magaling talaga ako. Oh gulat na gulat ka diyan? Ayaw mong maniwala? Hoy legit to hindi ako scammer."
"Hindi lang kasi halatang ikaw iyon, anyare? As far as I remember mahaba ang buhok mo noon, shoulder lenght right? Sikat talaga kayo sa campus noon. Pero mas gwapo talaga si Syd sa inyo. Ikaw yon? Really?!" Magka- University pa pala kami nito? Iba kasi ang hilatsa ng mukha niya ngayon, malinis unlike before na mukha siyang adik, sa music naman yong typical rakista ang pormahan, rugged and rock!
"Hoy ipaalala ko lang hindi siya part ng banda namin. Ako lang ang pinakagwapo no!"
"Lol! Si Syd talaga, friends naman kayo noon, ang misteryoso tapos ang angas pa ng dating." Tila naibalik ang pagkakahumaling ko noon kay Sydtron, gwapo kasi talaga siya. "Palagi kayong magkasama no, ang liit talaga ng mundo akalain mo iyon? Ikaw pala ang tinitiliang rakista sa Uni, ang laman ng entermission at contest sa school? Amazing!"
"Yeah! Hindi ko nga inakalang nakapagaral ka eh? Graduate ka na pala? Mabuti nakapasa?" Ayan na naman siya sa pangasar niya nayan, maguumpisa na naman siya!
"Gago ihampas ko kaya sa iyo ang diploma ko? Hoy Cumlaude to, padaan lang! Matalino to pre!" I said medyo nagyayabang.
"Sus, Suma naman ako!" He bantered arrogantly. I darted him my doubted look. "Suma— blay ng one sem!" He laugh a loud, katarantaduhan niya na naman ang umiiral.
"Sabihin mo, Salamat Shopee!" I said. Mukhang di niya na gets, boring!
"Mang- inasal no.69..."
"Ang laswa naman ng number mo!" He said before he stand up.
"Salamat Shopee!" I said again.
"Nope, bounce back lang sa lazada ang alam ko." He answered tapos lumapit na sa counter.
"Here's our food kamahalan, itabi mo iyang cap mo hindi kasya ang tray."
"Opo sir! Wait lang ha?!"
"O kain na! Magkakamay ka ba or gusto mong kunan kita ng cuttleries?"
"Kamay para marami ang kain, dalawa naman tong inorder kong unli rice, naguluhan na din kasi ako kanina. Ang ingay mo kasi!" Paninisi ko sa kanya habang hinihimay na ang manok ko, paa sa akin petchu sa kanya.
"Ako pa! Matendee! Ikaw ang nakiki- pagusap na damay pa ako? Hindi ka kamo nakikinig, bingi ka bae?"
"Hindi! Ikaw lang talaga ang maingay! Pero infairness marami kang nabudol kanina dapat may talent fee ka doon."
"Bwahahaha, next time kahit isang kahong redhorse lang saka sisig pampulutan, solb na ako!" He said plainly, ang babaw ng kaligayahan niya, alak lang.
"Ewan, gawan mo kong sawsawan yung maanghang ha? Tapos lagyan mo kaunting chicken oil, para mas masarap!" Sinugo ko siya total ako naman ang pumila kanina.
"Awit! Wait lang pala!"
"Thanks! Siguraduhin mong masarap to!"
"Wala kang tiwala sa sense of taste ko? Ha! Kalevel ko si chef Logro o kaya si Chef Gordon! Ganun kalakas!"
"Ang hangin mo sa katawan, oo alam ko. Malapit na nga akong tangayin." Sarkastiko kong sagot sa kanya habang kumakain. "Hmmm, sarap!"
"Sabi sa iyo, walang bilib sa akin eh, basic!"
"Tahimik muna Rage, magkokoncentrate ako, gusto kong maachieved ang anim na unli rice!" I kidded halfmeant. Gutom na kasi ako, magaalastres na kasi ng hapon, masyado kaming nawili kakalaro buong araw.
"Awitin eh!" He said as he started digging in, then after a while, "Waiter, unli rice pa!" He asked for a service crew.
Hanggang limang unli rice lang ako, hindi ko na kaya! I'm so full, grabe! Pero pang anim na ang kay Rage, mukhang pampito na nga.
"Sulit ah!" I said habang nakasandal sa upuan.
"Yeah yeah yeah! Gutom ako eh!" Otomatik na gumalaw ang kamay ko at pinunasan ko ang tirang sauce sa gilid ng labi niya, may kanin din kaya tinanggal ko muna.
Nakarinig na lang ako ng tikhim galing sa kanya. Si Rage pala ang kasama ko hindi si Craig, pasensiya na sanay lang dati, wala namang malisya to.
"May dumi kasi! Tinggal ko lang, huwag kang amfee diyan. Makatingin to! Ahmp akala mo naman!" Ako agad ang unang nagsalita, mahirap na baka bangenge na naman utak nito.
"Wala pa akong sinabi, ang defensive mo agad!" He showed me his sheepish grinned, raising his brow. "Joke lang ayan na naman yang resting bitch face mo ghorl!"
"Sabihin mo salamat shoppee!"
"Your welcome!" He said walang connect! Tapos nagpatuloy ulit siya sa pagkain.
"Burp* excuse me. Salamat nabusog din sa wakas!" After he finished eating, katulad ko nakasandal na rin siya sa upuan. "Ah hanep! Hindi na ko makatayo, masakit ang tiyan ko!"
"Same here! Mukhang hanggang breakfast tong kinain natin, kain kargador tayo pre! Ang siba lang!" I commented while laughing, hinihimas ko pa ang puson ko, ah grabe busog lusog!
"Huwag kang tumingin sa likod!" He randomly said, he look so damn serious though.
"Huh?!" Sabay baling ko sa likuran ko na agad ko ring pinagsisihan kasi nakita ko si Craig.... with his mistress. Napatingin ako kay Rage, my eyes stings, ang sakit. Lihim akong napahawak sa dibdib ko, naninikip na kasi.
"Sabi huwag lilingon eh! Ayan tuloy, shh! Baliktad talaga kayong magisip na mga babae no? Dapat pala sinabi kong pag lumingon ka akin ka, maybe you wouldn't dare!!!" He can still fired up a joke kahit na kinocomfort niya ako ngayon.
I couldn't help but chuckled, crazy! "Hindi mo agad kasi ako na inform, masakit tuloy ang mata ko!"
"Let's go! Para hindi mo makita ang mga hindi kaaya ayang tanawin!"
"Wait lang busog pa ako!" Angal ko sa kanya.
He laugh at my distress. "Ako rin naman pero para saiyo handa akong magka apendixites. Huwag lang kitang makitang malungkot, naghirap akong mapatawa ka buong araw tapos iiyak ka lang ngayon?! Nah.... better if we just look for some other place. Come, trust me iya ka lang kakon gha, di ka maalin!" He winks playfully.
Nu daw?! "What?!" I asked, hindi ko na intindihan ang last part ng kanyang sinabi.
"Secretong malupit!"
He even gave me a naughty smirked before he held my hand and drag me out to this place. Hindi ko nilingon ang side nila Craig, I'm scared and it pains me seeing him with her, again.