Chereads / DISENCHANTED LOVE / Chapter 14 - CHAPTER 14

Chapter 14 - CHAPTER 14

CHAIN ALEZEIR

"Byeee! Thanks for today I enjoyed it a lot, Rage!" I bid goodbye.

"Oh huwag kang umiyak magkikita pa tayo ulit Chain. Geh pasok ka na sa loob salamat din sa pagaaruga sa akin buong araw, sana huwag mo akong masiyadong isipin."

"Bwahahaha gago! Ang taas talaga ng level of confidence mo no? Ibang klase, fayter!"

"Tank ako!" He flashed a lop sided grin making him look like a kid.

I laugh also and spank his arm. "Geh na alis na ako, kitakits nalang ulit ah. Byeee!" I opened the car door and waved him goodbye.

He waved back. "Opps wait... here's your pasalubong."

Lumaki ang ngisi ko noong may inabot siyang paper bag. "Madami to ha?!" I assured.

"Lol! Ikaw tong binibigayan na demanding, opo marami iyan nag effort pa akong maglibot sa souvenir shops kahit gabi na."

"Wow! Thank you much sa sunod ulit ha?!"

"Bwahahaha usong mahiya pero... wala ka pala noon. Geh na kanina pa kita kausap baka masyado nang na save diyan sa utak mo ang napakaganda kong boses at maladiyos kung mukha."

"Punyeta! Ang yabang talaga, geh alis baka masuntok pa kita Rage." Asar kong saad habang tumabi na ng daanan, walking straight sa harap ng apartment ko. "Bye na nga! Ikaw yata tong ayaw tantanan ang kagandahan ko, ayaw mong umalis eh."

"Ay jowk! Gehgeh paalam kaibigan hanggang sa muli!" He muffled a loud laugh before he drove his car away.

Ngiti ngiti akong naglakad papasok, unminding kung mukha akong tanga na nakangisi ngayon. Masaya palang kasama ang ugok na yon?! He was so attentive and crazy man. Funny tapos wala pang sense kausap pero nakakaenjoy, it was the first time I let myself laugh so hard with a guy.

Ganito pala kasaya ang makipag date? Or dahil din iyon kay Rage? Maybe...

He wanted me to forget what I saw at the food court kaya naman nagliwaliw pa kaming dalawa sa mga spots na para sa mga trip gumala at magpakatanga. We tried a lot of crazy things like shouting on top of lungs when he brought me to the place I never knew existed, it was like a cliff. Tahimik at ang tunog lang ng alon ng dagat ang maririnig mo. Masakit sa ngala- ngala pero nakakabawas ng stress sa buhay, doon din kami kumain ng magnum, he bought me three at mas lalong nanakit ang lalamunan ko noon na itinawa niya lang.

Sinuksuk ko na ang susi sa pinto at binuksan.

"Really Chain?! What time is it?" I was startled when I hear a condeming tone of a man.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko noong mapagsino siya, why?!

"Ermm... C-Craig h-hi!" I greeted stuttering. "Anong ginagawa mo d-dito?"

I saw how his jaw clenched. "Why? Iyong lalaki lang bang iyon ang pwede?" He asked pissed prente siyang nakaupo sa sofa ko, glaring at me.

Agad na nangunot ang noo ko sa tono ng pananalita niya, nanguusig, nangaakusa kasi . "Craig please kung ano man ang problema mo, huwag sa akin. Pagod ako!"

He chuckle mockingly. "Oh?! Napagod ka? What were you doing the whole day with him? Huh? Coming home so late and spending time with him all day? Cmon tell me anong ginawa niyo?!" Puno ng malisya ng usal habang matalim ang tingin sa akin.

It angers me, ganoon ba ang tingin niya sa akin?! Ganto kababa? "Pakialam mo ba? Alam mo? Mas mabuti pang umalis ka na Craig, hindi ka invited sa loob ng bahay ko! Out! " I shouted at him.

He stared at me wide eyed, probably shocked by my hostality. "Why Chain? I'm your husband I have the right to be where you are and whom you are with? Ilang araw palang kayong nagkakilala ng lalaking iyon then you spent your day with him?!"

Binigyan ko siya ng hindi maka paniwalang tingin. "Bakit?! Punyeta ka Craig, karapatan? Ulol! So may karapatan din ako na magtanong kung bakit ka nasa kandungan ng iba kanina? Ha? Bakit ako lang ba? Kung makapagsalita ka diyan tila ako lang ang may mali? Damn you bitch! Rage is better than you are!"

I saw a flicker of anger cross his eyes, he stood up and walk near me.

"You saw us." He said it like he was confirming, I nodded. "I saw you too, with him. I might say that you've enjoy your time being with him?"

"Yes! I am." Matapang kong sagot sa kanya. "I've enjoyed his company, personality and gestures. Alam mo? Ngayon ko lang iyon naranasan Craig, ang gumala at magpakatanga buong araw, he was kind of restless and funny. Wala akong natatandaang araw na naging ganto ako kasaya, I am so happy, please kung sisirain mo lang ang gabi ko, umalis ka na." I pleaded softly.

He pulls me close to him and caged me inside his arm, I struggled hard to break free. "Keep still Chain babe, let me hug you."

That stop me and stood still. Hindi ko siya niyakap pabalik hinayaan ko lang siya sa gusto niya, naiiyak narin ako. It always been so good to be in his arms, his warmth. Ganoon karupok ang puso ko, para akong nanghihina sa loob ng bisig niya.

"I am sorry. I'm just pissed of him being with you."

"You shouldn't Craig. Hinayaan kita sa babae mo kaya kahayaan mo rin ako."

I felt him hug me much more tighter as he shook his head. Eto ang hindi ko maintindihan kay Craig, he acted as if he's as jealous as fuck pero hindi niya naman ako mapili at mapanindigan. Nakakasawa na ring umasa at maghintay. I tried hard to get away with him and I succeeded.

"Let go of me Craig. Get out I want to rest, just leave." Nahahapong usal ko at lumayo na sa kanya.

I saw his face devoid with pained emotion nilabanan ko din ang titig niya.

Took a deep breath and muttered defeatedly. "Fine but Im watching you. Stop seeing him Chain, I don't like it." He warns before he finally leave.

Naiwan akong nanghihinang napaupo sa sofa, ano bang nangyayari kay Craig at nagkakaganyan siya?

This is the first time na pinuntahan niya ako dito, just to confront and warn me about Rage. But why would I? Masayang kasama si Rage, atleast siya may time sa akin. Hindi gaya ni Craig na palaging wala, palaging nasa babae niya.

BUONG ARAW sana akong nakatambay sa loob ng kwarto ko pero nabulabog lang iyon noong may tumawag sa telopono ko.

"Yoeboseyo?" I kidded.

"Moshimoshi anoni.... anoni!" He bantered back in a singsong!

That made me laugh, natigil na din ako sa kakapindot ng laptop. "Baliw bakit?!"

"Ai mit you!"

"Ano?! A-awit?!"

"Bingi ka ba? Sabi ko ai mit you! Miss na kita... ay nanahimik.. kinilig ka no? Hahahha.. ayieehhhh!!"

"Amputa mo Rage! Heh tigilan mo ako, ang landi! Bakit nga? Sinasayang mo ba ang ginto kong oras?"

"Pawned it to me then... gusto kitang makasama mamaya. Bar tayo tatata! I know a place. Sunduin kita ngayon din!" He said in a hurry sabay pilit pa sa akin.

"Woah! Ganoon mo ko ka miss?! Kikiligin na ba ako?"

"Hindi ba kanina pa? Simula noong tumawag ako? Lol! Bwahahaha joke lang alam kung naka resting bitch face kana I could tell."

"Mabuti alam mo! Gegeh sunduin mo ako mga 7:00?"

"Nope diyan na ako 5:00!"

"At bakit? May bukas na bang bar pag alas singko? Anong iinumin natin don kape?!" Asar kong nausal ang aking kalituhan.

"Siyempre kakain muna tayo bago natin isalang ang ating atay sa tagayan. Dali na let's eat together na bobored na akong kumaing magisa, since okay ka namang kasama aayain nalang kita."

"Wooh grabe. Thank you ha?! Naririnig mo? Thank you! Obvious din ba ang pagkasarkastiko ko? Makaarte to wala ka talagang choice walang pumapatol sa iyo." I shouted annoyed by his boastful remarks.

I heard his laughter. "Payag ka na?"

Sandali akong nagisip, pilit binabalewala ang pagbabanta sa akin ni Craig kagabi. "Sure! Basta libre mo ha?"

"Basic marami akong pera. Kaya kitang buyahin!"

"Kaya rin kitang patayin kaya itigil mo na yang kayabangan mo. Ge bye laters nalang. Ipaalala ko lang ha? 5:00, five ng hapon, naiintindihan mo?!" Baka pumunta na naman to dito ng alauna or mas maaga pa, like last right? Ipagdidiinan ko lang.

"Bwahahaha oo nga hindi na ulit ako mangiistorbo. Five ng hapon got it! Ge na bye Chain!"

"Bye Rage tukmol!" I bid while chuckling, narinig ko pa ang tawa niya bago ko ibaba ang tawag.

Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko sa harap ng lappy ko ng may malawak na ngisi, nabuhayan ako ng dugo at minadaling matapos ang aking gagawin, nageedit lang naman ako ng mga photos and stuff. Noong mapagod na ang daliri ko sa kakapindot naisipan ko ng tumayo, nag inat inat pa ng kaunti.

Napatingin ako sa orasan, pasado alas tres na ng hapon, I check my phone. I got one message from Craig. Nanga- ngamusta pero I deleted it.

I headed my way to my room, hinalungkat ko ang loob ng drawer ko, naghahanap ng maisusuot. Dapat maging thankful ang Rage nayon dahil mag effort akong magpakababae sa harap niya. Halos nailabas ko na ang damit ko na babagay sa bar ootd pero mukhang hindi talaga sila papasa.... ops wait!

Hinalungkat ko ang cabinet na may mga damit na bigay nila Aimie, napangisi ako sa aking nakita.

"Gotcha!" Tinapat ko ang damit sa salamin at isinukat sa katawan ko. Mukhang kasya sa akin, never ko pa tong naisuot kasi masyadong revealing for my taste.

Pero mukhang okay naman to pang ootd, bonga!

Nagkape muna ako bago ko naisipang maligo pagkatapos nag ayos na ako sa aking sarili, dahil kakain pa kami ni Rage isang pastel color na off shoulder fitted top ang isinuot ko, semi formal lang ang sinuot kong jeans as I put my heels on na babagay din mamaya sa damit ko pagnagpalit na ako. Ariana Grande's pony tail style matches my dress, it make me fierce and alluring. Nag apply din ako ng makeup, naturuan ako ng tatlo kaya I know how to make my face glam, pero minsanan lang pagsinipag ako.

I stared at my reflection, mukha akong babae. I smiled widely satisfied sa ginawa kong master piece. Anong panunukso kaya ang matatanggap ko nito mula kay Rage?!

I laugh at that thought for sure he will. I sprayed my chanel perfume sponsored by Aki. It was a gift from her, nagsuot din ako ng hikaw and rosegold bracelet. Napatingin ako sa leeg ko, I saw my necklace and my ring. I took it off, hindi bagay sa damit ko. This is my first time, ang tangalin sa katawan ko ang wedding ring namin ni Craig, I put it as a pendant pero... hindi siya match sa damit ko so I look for another necklace.

Itinago ko na sa jewelry box ko ang singsing, maybe I dont need to put this from now on, mabigat man sa loob ko pero kailangan ko ng umpisahan... ang matutunang hindi maging parte ng buhay ko si Craig.

Marahan akong napahugot ng malalim na hininga. Ang isipin pa lang si Craig ay nagbibigay na ng ibayong kalungkutan sa sistem ko, I shoved away my sadness by organizing my things and took some shots of selfie. Hanggang narinig ko na may kumatok na sa pinto ko. Must be Rage kaya nagmamadali ko itong binuksan.

"H-hi?!"

"C-Craig bakit ikaw?!" Napatanga ako sa gulat ng hindi si Rage ang nabungaran ko kundi si Craig. "I mean, bakit ka nandito?"

He stared at me way longer that the usual, sinusuri ng mabuti. "Where are you going?"

Napataas ang kilay ko sa tinanong niya, nakita kong madilim na ang bukas ng mukha niya. "Out, may d-dinner akong p-pupuntahan!" Nauutal kong sagot.

He let himself in, napa usog pa ako noong dumaan siya. "With whom? Rage again?!"

"Ba't ka galit?!" I ask stupidly.

"Why?!" He asked sarcastically. "Of course I will be mad, my wife will spend the evening with that man, again! Chain c'mon act accordingly!"

Ayan na naman tayo sa act accordingly na yan. Nakakaasar! Hindi na ako sumagot at tinalikuran ko na siya. Ayaw kong mabad mood wala siyang kwentang kausap.

"Don't turn your back on me woman! I'm still talking to you!" He shouted clearly annoyed.

I stop and stared back at him. "Stop Craig! Magaaway lang tayo, ayoko nang ipaliwanag sayo ang side ko. Nakakasawa na, just let me live my life the way I wanted it. Hindi ko kailangan ng permiso mo."

"NO! I WON'T! HE WILL SURELY TAKE YOU AWAY FROM ME!"

Napamulagat ako sa isinagot niya. "Ano ba naman Craig? Ikaw lang ba ang may karapatang sumaya sa atin? Your being so selfish, sarili mo lang ang iniisip mo, kahit ngayon lang naman oh. Ako naman ang pagbigyan mo? Ako naman ang hayaan mong sumaya, I supported you before pero ikaw hindi mo magawa sa akin ngayon."

Hindi ko mapigilan ang sarili kong husgahan siya, I stared at him with sadness, I held his hand firmly. "Tama na Craig may be we both need to give our self space. Ilang taon mo nang ginagawa to kaya please, leave me alone." I beg, sobrang sakit na rin kasi ng puso ko.

Everytime nalang na magkikita kami kailangang masaktan ako. Siguro hindi talaga kami para sa isat isa. I let go of his hand sakto namang may kumatok ulit sa pinto ko.

"Chain halikana, si poging Rage to!"

Napatingin ako kay Craig, naitulos siya sa kanyang kinakatayuan. Hindi maipinta ang mukha niya habang nakatitig sa akin.

"Bye Craig I need to go. Lock mo nalang ang pinto pag umalis kana." I bidded goodbye at kinuha ko na ang mga dadalhin ko.

"Hoy Chain! Si Rage to buksan mo papasukin ako, bulaklak para sa iyo.... nanana nanana.. hoy labas na si ko na alam ang sunod na lyrics sa kanta ni kuya Wil!"

Natawa ako sa lintaya niya. I opened the door, hindi ko lang masyadong binuksan para hindi niya makita si Craig sa loob. "Arat na!"

"WOW! AMAZING, ANG GANDA MO DZAII!" he complimented at inikutan pa talaga ako.

I laugh and uttered. "Diba?! Sheyt nag effort talaga akong pagandahin ang sarili ko kahit di na naman kailangan."

"Bwahahaha oo nalang!" Pakikisakay niya sabay akay na sa akin paalis. "So how's your day beautiful? Namiss mo ba ako?"

"Hahahaha ulol wala akong gusto sa iyo boy! Asa ka diyan."

"Ouch! Ang sakit... wala na bang mas masakit pa diyan?!" Pagiinarte niya sabay sapo niya pa sa kanyang dibdib.

Sinapok ko siya sa ulo. "Bobo! Huwag sa akin tukmol, hindi gagana iyan!" We both laugh at pinasakay niya na ako sa car niya. "Where to?" I asked him.

"Sa Plenary tayo bae, masarap ang food nila doon tapos may coffe shop sa katabing building." Napatango ako at hinayaan na siyang mag drive. He turn on the car stereo, sinasabayan ang music at nagca- carpool.

Hindi naman maalis sa isip ko na naiwan ko si Craig sa loob ng bahay ko, ano na naman kayang negatibong salita ang sasabihin niya sa akin? Ilang beses akong napabuntung- hininga.

"Problem?" Rage asked.

"Wala may iniisip lang."

"Yong lalaki ba sa room mo? I saw him hindi ko lang pinansin." He admitted napangiwi naman ako.

"Si Craig iyon, uhm.. ano my.. can you keep a secret? As in super duper secret?" Kinakabahang tanong ko sa kanya ewan ko ba palagay talaga ang loob ko kay Rage, gusto kong umamin sa kanya.

I saw him confused yet still nod his head in response. "Sure ano ba iyon?!"

Nakutkot ko ang kuko sa daliri, it a bad habbit pag nenerbiyos ako. "He's my... my.."

"Boyfriend?" Anito.

"Husband!" Pagtatama ko sa kanya.

"Ahh yo— what?!" Eksaherado siyang napatingin sa gawi ko, marahan akong tumango. "Totoo? As in?! Baka bumulagta nalang ako nito isang araw Chain ha? Siguradong galit na sa akin ang asawa mo, I don't know you said your single!" Nangaakusa niyang wika sa akin.

Nakagat ko ang ibang labi ko. "I AM, hindi naman kasi kami nagsasama. It more of a convient marriage. He has someone right now, yong babae kahapon." I explained truthfully.

"Damn! Let's talk later then. Huwag kang umiyak, hoy... hindi kita pinapagalitan. Shhh... get my panyo there. Ang conyo lang. Kunin mo ang panyo diyan sa bag ko. Huwag kang ngang umiyak, it's okay." Pangaalo niya sa akin noong umpisa na akong humikbi.

"Ang sakit sakit na kasi Rage, palagi niya nalang ak0ng sinasaktan..."

"Ai punyeta! No talking muna hindi ako makapagconcentrate sa pag da drive baka madisgrasya tayo. Hold your tears later kana umiyak kahit pa sa balikat ko, hahayaan kita huwag lang ngayon. I hate seeing woman who's crying." Napatakip nalang ako ng mukha at doon umiyak. Hindi ko na talaga mapigilan ang luha ko. Naramdaman kong bumilis ang takbo ng sasakyan.

"Chain.. hoy buhay ka pa ba?!" He stupidly asked na nagpatawa sa akin.

"Malamang. Kailan pa nakakamatay ang umiyak aber?!"

"Just checking, huwag kang magalit sige iyak ka nalang pala ulit!"

I chuckled. "Sabihin mo salamat shopee, Rage!"

"Oy alam ko na yan! Kay kuya Wil yan diba, epic ang lutong noon!" The idiot laugh aloud. "Oh nandito na tayo."

Agad na humimpil ang kanyang sa saksakyan sa isang restaurant, The pleanary. It was well designed classic filipino themed house, nasabi na rin ni Rage na they serves filipino dishes, highlighting Philippine Cuisine.

Sabay na kaming pumasok sa loob pagkatapos niyang magpark ng car. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaunang ng pumasok.

"Naks gentledog!" I mock him na ikinatawa niya lang.

"Table for two po Sir?! Or you have reservation?" Ang receptionist agad ang sumalubong sa amin.

Tumango si Rage at ngumiti. "Yes, I reserved one table under the name of Rageon....." siya na ang kumausap kay Rośe. "Thank you!"

"Enjoy your evening Mam Sir, I'll leave you with Lorenz he will be your waiter for tonight." She flashed her well trained polite smile before she go.

Inassist na agad kami ng assigned na waiter sa amin, he was attentive and funny tapos malakas pa ang up selling sa kanilang product.

"Sigurado kang mauubos namin to ha?!" Tanong na biro ko sa dami ng inorder namin ni Rage.

"Siyempre po sasabihin kong Oo, good for 2 naman po ang serving ng mga pagkain namin dito saka sobrang sarap po kaya alam ko pong mauubos niyo." He answered smoothly.

"Okay okay nakumbinsi mo na ako," I laugh and give him the menu book. "Thank you."

"May I repeat your order... for you Maam Chain, your drink would be one Minty strawberry lemonade, you sir one Mango smoothie and two bottles of San Pelligrino sparkling water, for the foods you ordered one lechon kare-kare, isang pork sisig, chicken adobo sa puti po and one crispy binagoongan, Tanigue ceviche, two garlic rice, plain rice and your desserts po, one halo-halo and mango float. That would be all po? Mam and Sir?"

"Oo Lorenz sa dami ng naorder ko paniguradong sobrang busog ko nito." Reklamo ko kaagad na tinawanan ng dalawang nakarinig. "Yeah that would be all, thank you!"

Kaagad ding umalis si Lorenz pagkatapos niya kaming matake order. I roam my gaze around the area, spacious and cozy ang lugar. The paintings and antique relics made by our ancient filipino. Marami rin ang kasabayan naming customer dito. Naibalik ko ang aking tingin noong nagsalita na si Rage, wanting to tell him the truth.

"Huwag mo akong ngitian ng plastic diyan babae, hindi ka orocan. If your sad show it to me then, don't mask it with fake emotion. I know because Ive been there, I know the look if I see one. So stop and talk to me." He softly said and grips my right hand.

Agad na napalis ang ngiti sa aking labi at namumuo na ang luha sa aking mga mata, mabigat talaga ang pakiramdam ko mula noong maiwan ko si Craig doon, he made me sad and I want to shoved a way my hurt.

"K-kasi naman eh...." paninisi ko agad kay Rage noong nagunahan na ulit pumatak ang masaganang luha ko, akala ko aampat na to kanina sa kotse eh.

"Pinaiyak mo na naman ako."

May paninibugho kong usal pero hindi para sa kanya. Nakakaunawa siyang napatingin sa akin, he gave me another handkerchief, noong hindi ko tinanggap siya na ang nagpunas sa luhaang mata ko.

I just cried a river and he let me, lumipat at pinasandal niya pa ako sa balikat niya at doon tahimik na umiyak katulad ng naipangako niya kanina sa sasakyan, he didn't uttered any word pero alam kong gusto niya.

I uttered word in whispered, putol putol dahil sa kakahikbi. "A-ang sakit s-sakit na kasi Rage, I love him... nagpakasal ako sa kanya tapos akala ko matutunan niya rin akong mahalin pero hindi... he used me para makuha niya lang ang mana niya kay Lola Candeida...we were young that time I am barely teen tapos medyo nasanay sa fairytail na lovestory kaya naging tanga tanga, I accepted his proposal because I thought he loves me too, but I am wrong, so wrong. After two years of being secretly wedded he then wanted out, naglayas siya at naiwan akong magisa sa loob ng napakalaking bahay ba iyon, it was o-our....house. I beg him to comeback, Ive waited for him everynight nagbaba kasakali na marealize niyang kailangan niya ako sa buhay niya, pero hindi iyon nangyari, nakagraduate ako ng cumlaude pero hindi ako masaya, I felt so restless, so alone and unloved. Hindi niya nga ako nabati or pinuntahan noon, mukha akong engot sa kakaasam na sana dumating siya kahit saglit lang... kahit maglaan siya ng kaunting oras pero wala. Ang kaibigan kong si Aki ang nagsabit ng medalya sa akin, my parents can't go here dahil narin nagkataong nagkasakit ang nanay ko. That evening Ive drunk amd wasted myself, pinangako ko sa sarili ko na iyon na ang huling beses na iiyak ako dahil kay Craig, and I did that. Umalis ako sa bahay na iyon, naghanap ako ng bagong matutuluyan kasi pagnanatili ako sa bahay na iyon, mas maaalala ko lang siya lalo, mas masasaktan lang ako." Bahaw akong napatawa, isang malungkot na tunog.

"B-but one day after I got home from working, nabungaran ko na lamang ang bulto niya sa harap ng pinto ko, naitulos lang ako sa akung kinakatayuan kasi I just realized na kahit isang taon na ang lumipas, ganoon pa rin ang epekto niya sa sistema ko, ganoon parin kalakas ang tibok ng puso noong muli ko siyang nasilayan. Tanga na kung tanga pero I let him be part of my life again."

"Marupok!" I laugh at his word, so true. "Ang rupok rupok mo!"

That made me smile sadly. "I know, ganoon ko siya kadaling napatawad mukha naman siyang nagsisisi....a-and I though Craig d-deserves a second.... second chance pero kung saan nalunod na naman ako k-lakapantasya sa buo naming pag- iibigang d-dalawa... a-ayon hindi na naman niya ako i-inuwian na... nakahanap na n-naman siya huk ng....bagong m-mamahalin."

I stop myself from crying with sound at mas masakit lumuha ng walang tunog ayaw ko lang kasi na isipin nila ditong inaaway ako ng Rage na ito.

"The s-second time he c-cheated....on me ang sa tingin koy sobrang n-napakasakit para sa akin, k-kasi pinatuyan niya talagang ang tanga... ang tanga- tanga ko, ang b-bobo dahil tinanggap ko siya u-ulit. Anong m-magagawa ko eh doon ako m-masaya, sa kanya a-ako sumaya huk.... Kasi aside from his cheating s-schemes whenever he is with me, it will be the h-happiest day of my l-life, in reality d-desperada akong sumaya.... maging m-masaya at a-alam kong sa kanya.. sa kanya ko lang iyon n-nadarama. Sa k-kanya ko lang n-nararamdaman....kahit na a-alam na alam kong hindi siya maganda sa puso ko, a-alam kong m-masasaktan na n-naman ako, s-still sa kanya parin s-sumusuko ang p-puso ko, sa kanya parin ang balik ko, siya parin ang tanging mahal ko kahit alam k-kong l-lolokihin na naman niya a-ko." I confessed my stupidity and how lovesick fool I am when it comes to Craig. 

He would always be the source of my happiness, siya lang ang tanging lalaking kaya akong pasayahin pero mas kaya akong saktan ng paulit ulit.

Tahimik akong lumuha bago ko narinig ang boses ni Rage. "Thats what loving means, Chain. Gaano ka pa magmukhang tanga, gaano ka pa pagsabihan ng mga kaibigan mo na tama na, awit na... hinding- hindi ka makikinig kasi nga you always saw light in him, nakikita mo ang liwanag sa kanya pag naiwan ka niya sa kadiliman. For you, he still be like your saviour in life misery kahit na siya talaga ang may kasalanan kung bakit ka nandodoon." Rage started in a bit off guarded tone.

"K-kahit ikaw sa sarili mo, alam mo ng gingago kana, nasasaktan pero pag bumalik siya ulit pagbibigyan mo na naman. When he begs patatawarin mo na naman. Chain...love without pain is not really love, ganoon iyon kasimple. Dahil kung hindi ka nasasaktan dahil sa kanya baka hindi mo talaga malalaman na sobra mo pala siyang minamahal."

Yeah so true, Ive realized that I so much love Craig when I felt my whole world collapsed and my heart pleas was much more louder than my crying, the indescribable pain itched inside you, making me yearns more for him.

"Kasi kung gaano....gaano iyon kasakit ganoon mo siya kalalim kamahal...dahil bakit ka masasaktan kung alam mong hindi mo siya mahal diba?! Hindi ka masasaktan kong wala kang n-nararamdamang mali.... may m-mali sa katawan mo lalong lalo na sa puso mo tapos kukukwestyunin ka pa ng utak mo hanggang hindi na sila magkasundo... kaya m-masakit kasi may gusto ka pero hindi nagawa ng mahal mo ng tama, mas nasasaktan ka kasi mahal mo ang taong nanloko sa iyo, mas masakit."

Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Rage, umuukil lahat sa utak ko ang bawat kataga niyang binibitawan. Masakit mang pakinggan pero iyon ang totoo nagpapaengot tayo kasi mahal natin sila, sobra.

"It's normal na magpakatanga tayo sa mahal natin Chain, kahit ilang beses mo siyang pagbigyan basta gusto...g-gusto pa ng puso mo sige l-lang kasi alam kong sa huli... pagnapagod, nagsawa kana sa kakaasan na magbabago siya....mas madali mo na siyang makakalimutan, mas hindi mo na ramdam ang sakit, hindi kana ulit mamamalimos ng kanyang kakarampot na atensiyon."

Ganito ako noong sa ikatkong beses akong niloko ni Craig, I just let him. Rage caress my face and held my chin and look straight to my eyes, it makes me took a deep beath and gulped hard. 

"Ikaw Chain.... Matutunan mo rin yon, na kaya mo palang mabuhay kahit hindi na sa piling niya, kaya mo palang tapusin ang araw na hindi na siya sumasagi sa utak mo, kaya mo palang ngumiti at tumawa kahit hindi siya ang kausap mo at kaya mo palang magmahal kahit hindi na siya ang mamamahalin mo."

He softly gave me his warm smile, walang halong panunukso. "I know you can Chain, sana huwag mong sayangin ang pagmamahal mo sa taong sinasayang ka lang. Mas masarap talagang magmahal pag mahal ka rin ng taong mahal mo."

Tila ako nagising sa aking pagkamangha kay Rage, he knows how I feel.

"Anong kwentong kasawian mo Rage at alam na alam mo ang mga katagang nangangahulugan ng aking pasakit?!" I gave him my prying look as I brush away my tears and tidy up my messy state.

He playfully pinched my cheek. "Some other time Chain, ayokong pareho tayong malungkot ngayong gabi... I tell you someday."

Ako naman ang napatitig sa masayang mukha ni Rage, a facade. Hindi na ako nagkomento pa at kinalma ko na ang sarili ko, atleast may napagsabihan na ako ng aking suliranin at alam kong naiintindihan ni Rage ang damdamin ko.

"Sinong nanakit sa iyo Rage?!"

"Ang oras," He answered my question in a big puzzle as I stared at his gloomy eyes. "...and god's will."

Sakto namang kumalma na ako noong dumating ang drinks namin agad kong hinigop ang mango smoothie ni Rage. Making my brain freeze, napapikit ako ng mariin.

"Iyan ang napapal mo, pag yang utak mo nag yelo Chain bahala ka sa buhay mo!" Pangasar na sa akin ni Rage noong mapangiwi ako sa sobrang lamig ng inumin niya. "Hey, give me my drink!"

Inagaw na nito ang poco grande glass at pinagpalit ang straw ng aming inumin, naikot ko nalang ang mata ko, huh ang arte.

"Your foods po...lechon kare-kare etc.....enjoy your meal ma'am and sir!"

Nagpakuha muna kami sa kanya ng litrato bago niya kami iniwan.

"Mukha kang puyat na hindi nakakain Chain... look!"

Sabay pakita niya ng picture naming dalawa, he laugh at my resting bitch face. "Oh iyan ka na naman."

Kusang umangat ang labi ko para bigyan siya ng isang ngisi.

"Baka gusto mong magpalit ng phone Rage?!" I warned na agad din naman siyang tumigil sa pangasar sa akin. "Mawawalan ka ng porn series paghinagis ko iyan!"

"Hooooy... ang judgemental wala ako sa phone noon," He chuckles and gave me his boyish grin. "Sa laptop meron, madami."

Itinaas baba niya ang kanyang kilay na ikinatawa ko.

"HAIST! PORNHUB PA PRE!" I blurted laughing now. "Hoy thank you tukmol ha? Pasensiya kung medyo nagsenti ako."

"Lol, wala iyon. Sometimes maganda ding maging vocal kung ano talaga ang saloobin mo. It somehow eases the pain. You can always talk to me though, I'll be here, listening." He seriously added as he darted his gaze on me.

"450 lang ang professional fee, murang mura."

"Ang mahal, tawad 150 na lang." Ingos ko sa kanyang biro.

Nandidilat na tingnan niya ako. "Ang cheap ko naman non, I'm super duper good item to have. Hindi ako puchu-pucho no?!"

I laughed hard after hearing him said that, pucha! "Heh kumain ka na lang diyan."

Nice and cool ng place, pop na pop. Medyo nasira lang dahil sa pagiinarte ko kanina pero okay na naman, gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa kakulitan ni Rage, wala akong ibang magawa kundi ang tumawa ng tumawa sa harap niya at makipag asaran.

"Come, condo muna tayo. Sabi mo magpapalit ka ng damit? Doon nalang may nakalimutam din akong dalhin. Let's go."

"Sure Rage." Agad kong sang- ayon at sabay kaming naglakad palabas ng Plenary.

*****