Cedric's POV
Minsan ba napapatanong din kayo sa inyong mga sarili kung ano ba talaga ang silbi natin sa mundong ito?
Siguro para sa'kin, bilang kasalukuyang freshman student sa paaralan ng Eastwood High, ang panandaliang silbi ko sa mundong ito sa ngayon ay maging isang mabuting mag-aaral nang sa gano'n ay mapakinabangan naman ako someday ng mundong ating kinagagalawan.
Pero hanggang doon na nga lang ba ang magiging silbi ko?
*Toink!*
Suddenly, natigil ako sa pagdungaw sa bintana ng aming classrom malapit sa kinauupuan ko at nabalik agad ako sa kasalukuyang nangyayari ng may naramdaman akong matigas na bagay na tumama sa'king noo. No'ng pinulot ko ito, napag-alaman kong isang maliit na piraso ng chalk lang pala ito.
Which means...
"Huwag na huwag niyong tularan 'yang si Mr. Magbanua. Hindi nakikinig sa klase at parang may sariling mundo! Ang mga estudyanteng gaya niya ay hindi na makakaangat pa ng section sa mga susunod na taon!"
Napagawi ang aking tingin sa naghihimutok ngayong adviser at Science teacher naming si Ms. Minchin, este si Ms. Santos. Tila nag-uusok ang magkabilang butas ng ilong nito habang nakatingin sa'kin.
At ang mga sipsip ko namang mga kaklase ay tatawa-tawang napapalingon sa'king direksyon. I rolled my eyes mentally.
Maya-maya pa ay napatigil sila sa kakatawa ng marinig naming lahat ang pagtunog ng school bell. Inayos muna ng aming guro ang kanyang sarili bago muling magsalita.
"That's it for today's class. You're dismissed."
Pagkarinig namin ng naturang paborito naming phrase galing sa'ming guro ay nagsitayuan na ang aming mga kaklase at nag-ayos ng kanilang gamit habang ako nama'y pa-cool na isinukbit ang isang strap ng aking bag sa'king likuran at inunahan na silang lumabas.
Oras na para sa pinaka-paborito kong subject, at iyon ay ang recess.
Allow me to introduce myself to you habang naglalakad lang ako rito sa hallway papuntang canteen. Ang pangalan ko'y Cedric Magbanua, labing-limang taong gulang, at isang freshman student sa tanyag na eskwelahan sa buong Pilipinas, ang Eastwood High. Hindi ako gano'n katalino, pero ang eskwelahang ito ay sikat sa pagkakaroon ng mga pinaka-matatalinong estudyante sa buong bansa. Even foreign students are studying here as well.
Siguro nga sinuwerte lang akong makapasok dito. Mukha lang akong matalino dahil sa nakasuot ako ng glasses, pero ngayon pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi lahat ng nakaglasses ay matalino. May iba na malabo lang talaga ang mata, gaya ko.
"Bro! Kanina pa kita hinahanap!"
As soon as nakarating na ako sa cafeteria, agad kong namataan ang kababata kong si Andrew Dela Torre na nakaupo sa pinaka-unang mesa't-upuan na makikita ko pagkapasok. Agad naman akong pumunta sa kanyang kinaroroonan.
Again, hindi ako matalino, but my childhood friend here is. Ever since elementary eh consistent na siyang nasa top 1 ng aming klase. At ngayong nag-enrol kami rito ay 'di na ako magtataka pa kung napabilang man siya sa section 1.
"Alam mo namang huling pinapa-break ang mga tulad kong nasa last-section, 'di ba?" Sinamaan ko naman ito ng tingin pero nagpeace sign lang ang loko.
"Anyway, kukuha lang muna ako ng pagkain." sabi ko ulit tsaka nagtungo sa mahabang pila para sa mga estudyanteng nasa section 6, my section.
Kagaya ng ibang eskwelahan siguro, ang paaralan ng Eastwood High ay sumusunod sa kanilang so-called 'divided system' na kung saan ang bawat estudyante kada taon ay nahahati sa anim na sections: Section 1 being the highest of them and section 6, of course, being the lowest.
Pero ang pagkakaiba nga lang namin sa ibang schools, ang pagtrato sa bawat estudyante ng Eastwood High ay nakabase sa section namin. The higher your section is, the higher are your privileges as well in terms of food, break schedule, school facilities, and lastly school dorms. Since isang boarding school din ang Eastwood High ay dito na rin naktira mostly ang mga estudyanteng sa mga malalayong probinsya pa nanggaling, kagaya ko.
Kung hindi lang ako pinili ni Andrew na maging roommate ay malamang, sa attic room ako matutulog. As a Section 1 student gaya niya, may pribileheyo silang pumili ng gugustuhin nilang maging roommate.
Finally, no'ng turn ko nang kumuha ng aking pagkain ay napaface-to-face ako sa isang may katabaang babae na may supladang mukha. Napatingin muna siya sa kulay tansong badge na nakasabit sa kaliwang bahagi ng aking chest, that clearly says the Roman Numeric: VI, bago niya itinuon ang pansin sa'kin. Inabutan niya lang ako ng isang styro cup na naglalaman ng macaroni soup. Kita kong ni hindi man ito pinuno!
Habang naglalakad paalis sa linya, with the styro cup in my hand, ay hindi ko maiwasang mapatingin sa isang secluded na mesa na nahagip ng aking mga mata. Sa mesa nito nakaupo ang isang grupo ng mga estudyante na masayang nilalantakan ang napakasarap nilang meryenda.
Kung hindi ako nagkakamali, ang mga estudyanteng ito ay nabibilang sa sikat na grupo sa buong campus na kilala sa tawag na Alpha Section. Maliban sa Section 1 being the highest, mas nakakahigit pa rito ang Alpha Section in terms of privileges. Kung baga, sila ang may special treatment from the school.
Ayon sa mga haka-hakang nagkalat sa buong campus, ang Alpha Section daw ay isang grupo na inorganisa ng school para tipunin ang mga pinaka-matatalinong estudyante sa buong campus. Kumbaga, this section is composed of the best students among the rest. Pero siyempre, haka-haka lamang ito.
Wala talagang nakaka-alam kung ano ba ang ginagawa ng naturang grupo, bukod siyempre sa mga kasapi nito.
Napailing na lang ako at inilayo ang aking tingin sa naturang grupo. Minsan naiisip ko rin na napaka-unfair ng sistema ng school pero ano ba ang magagawa ng isang tulad kong nasa pinaka-mababang section?
Saktong pagka-lingon ko ay siya namang paglalakad sa may direksyon ko ng isang estudyanteng lalaking nakapamulsa. Natapon tuloy ang kaunting sabaw mula sa hawak-hawak kong styro cup at aksidenteng napunta sa dulo ng kumikintab niyang black leather shoes.
Pakiramdam ko'y natigil ang lahat sa paggalaw at ang iba ay nagawang mapasinghap sa nasaksihan.
"P-Pasensya na. Hindi ko sinasadya." sabi ko sabay kamot pa ng aking batok. Maglalakad na dana ako paalis palagpas sa kanya ng marinig ko siyang magsalita.
"Punasan mo ang sapatos ko." Ma-awtoridad nitong bigkas. Ang kulay bughaw niyang mga mata ay paasik na nakatingin sa'kin, it's as if sinusubukan ako nitong sindakin. Teka, sino ba siya sa kanyang inaakala--
Napagawi naman ang tingin ko sa naka-pin sa kanyang kulay gintong badge na nasa korteng letrang A. Sa gilid ng nakaukit na letra ay may nakaukit din ditong simbolo ng pakpak. Isang section lang ang alam kong may gan'tong badge.
Hindi kaya ang mayabang na ito ay isa ring Alpha Student?!
"Hey, bingi ka ba? Sabi ko-"
Naputol naman ang sasabihin sana niya sa biglang pagdating ng aking bestfriend sa'king likuran.
"Narinig ka niya, stupid. Bakit naman kami susunod sa iyo? Dahil isa kang Alpha Student? Oh come on..." Nang-aasar na pahayag ni Andrew. Tila umepekto naman ang ginawa niya dahil mukhang naasar nga ang kaharap namin.
"Sino ba ang nasa mas mababang section sa'tin? Hindi ba ikaw? Kaya kung may stupid man sa'tin... ikaw 'yon." Naka-smirk na ngayong pahayag no'ng nakabangga ko sabay duro dito sa'king kaibigan.
Being the hotheaded as he is, hindi na nakapagtimpi pa si Andrew at marahan niyang naitulak ang mayabang na Alpha Student na ito. Nagmamadali ko namang nilapag ang hawak-hawak kong sopas sa pinaka-malapit na bakanteng mesa tsaka nagtungo sa aking kaibigan para awatin ito sa balak niyang patamaan ng kanyang kamao ang mukha ng kanyang kaaway.
Nalipat naman ang tingin ko rito sa kanyang tinulak at napailing na lang ako ng makita kong nakuha niya pang mag-smirk sa harapan namin habang itinatayo ang kanyang sarili. Tsk... Unbelievable.
Napukaw naman ang atensyon ng lahat sa biglang pagtunog ng malakas na tila nanggagaling sa isang whistle. Nang lingunin namin ang pinanggagalingan ng naturang tunog, bumungad sa'min ang Head ng Office of Student Affairs na si Ms. Reyes.
"Ano'ng kaguluhan ang nangyayari rito?" taas-kilay niyang sabi. Tila nasindak naman kaming lahat sa kanyang presensya na walang isa sa'min ang nakapagsalita.
"Ang mga stupidong estudyante na ito kasi, hindi marunong tumingin sa kanilang dinadaanan." Well, except pala sa mayabang na nilalang na ito.
"Ano'ng sabi mo?!" Tinangka na namang sugurin ni Andrew ang nakaalitang epal na ito pero agad no naman siyang hinawakan sa magkabila niyang kamay sa may likuran para awatin.
"To my office. Now!"
Hindi na kami hinintay makasabat nitong si Ms. Reyes at nauna nang naglakad. Sinamaan pa muna namin ng tingin ang epal na'to, na siyang sumira sa'king supposed to be masayang break period, tsaka tahimik naming sinundan si Ms. Reyes.
***
Pagkarating naming lahat sa office ni Ms. Reyes ay agad niya kaming pinaupo sa tatlong upuan na nasa tapat ng kanyang desk. Magkatabi kaming umupo ni Andrew habang mag-isa naman itong si Mr. Mayabang sa kanyang upuan katapat namin.
"Speak." turan ni Ms. Reyes as soon as nakaupo na siya sa kanyang upuan.
"Ma'am, siya naman itong nanguna eh. Hindi naman sinasadya nitong kaibigan ko na tapunan ang mamahalin niyang sapatos, then pagkatapos no'n, he just started to insult us." depensa ng kaibigan ko.
"Hindi ko naman kasalanang nasaktan 'yang ego mo." casually said by that jerk with the same smirk on his face. Aba! Talaga naman ang lalaking ito oh! Kung wala lang sana kami sa school ay nasuntok ko na rin 'to!
"Tsk!" I heard my friend sneered pero pinigilan ko siya sa kanyang balak na sumugod ulit sa kaharap namin.
Ang tensyonadong moment na ito ay biglang naputol dahil sa tatlong sunud-sunod na katok mula sa pinto kaya napagawi ang aming tingin doon.
"Pasok." pagsenyas ni Ms. Reyes sa taong nasa kabilang dulo ng pinto.
Makalipas ang ilang segundo ay tuluyan nang nagbukas ang pinto at iniluwa nito ang isang maputing lalaki na medyo may katangkaran ng kaunti at nakaclean cut na ayos ng buhok. Sa suot nitong grey polo with matching red necktie na pinaresan ng black slacks at dark brown na leather shoes, mahihinuha mo na agad na isa siyang teacher.
Saglit na nabaling ang tingin niya sa'kin as he comes in sa office. Ilang saglit pa'y napunta ang kanyang tingin kay Ms. Reyes.
"Pagpasensyahan niyo na kung na-involve ang aking estudyante sa kaguluhang ito. However, ako na ang bahala sa kanya." wika nito sa isang baritonong boses tsaka siya napatingin dito kay Mr. Mayabang.
So siya pala ang adviser ng Alpha Section?
"Mr. Cruz, I expect that you handle your students well. From this day onwards, inaasahan kong wala nang Alpha Students ang mai-involve sa kahit na anumang gulo. Nagkakaintindihan ba tayo?" ani ni Ms. Reyes.
"Opo Ms. Reyes. 'Di na po ito mauulit." turan ng naturang guro na tinawag niyang Mr. Cruz.
Sinenyasan niya naman ang kaharap namin na umalis. Pagkatayo no'ng loko ay ngumisi pa siya sa'min saglit bago naglakad palabas ng office kasama ng kanyang adviser.
That's it?! Abswelto na siya?!
"And as for you, Mr. Magbanua and Mr. Dela Torre..." sabi ni Ms. Reyes sabay pinasadahan ng tingin ang mga suot naming IDs.
"Clean up service!"
***
Kinagabihan, sa dorm ni Andrew, ay para kaming mga lantang gulay na napahiga sa'ming double deck na higaan. Hanep kasi ng aming clean up service, sa gym pa talagang napiling ipalinis sa'min eh sobrang lapad no'n. Wala munang nagsalita sa'min ng ilang minuto at inenjoy muna namin ang aming higaan.
Me, being on the upper bed, wala sa sarili akong napatitig sa kisame. Bigla kasing sumagi sa isipan ko kanina ang pagtitig no'ng Mr. Cruz kanina. Saglit lang iyon... pero parang may ibig-ipakahulugan ito.
"Hey Cedric."
Biglang nabasag ang namuong katahimikan kanina sa muling pag-imik ni Andrew.
"Yup?" malakas kong sabi para marinig niya.
"Hinayaan mo sana akong suntukin ang pagmumukha ng gagong 'yon kanina tutal mapaparusahan pa rin naman tayo eh." sabi niya which made me chuckle.
"Y...eah. I could have done that. Pero baka hindi lang clean up service ang aabutin nating parusa for beating up an Alpha Student." I said as a matter of fact.
"Yeah right. Masyadong pa-special treatment 'yang mga Alpha Students eh. I hate them."
Matapos ang huli niyang sinabi ay bigla ulit nagkaro'n ng panandaliang katahimikan sa'ming kwarto. Pero maya't-maya pa'y narinig ko siya muling magsalita.
"Pero kahit gano'n ko sila kinamumuhian, gusto ko ring maging parte ng section na iyon. Kaya ako nag-aaral ng mabuti ngayon eh." sabi niya.
Hindi ko rin siya masisisi. Lahat ng privileges nasa sa kanila eh. Pero ako, na nasa bottom section at ang pinaka-panghuling binibigyan ng mga pribileheyo ng school, ay ni minsan hindi ko hinangad mapabilang sa Alpha Section.
"Ako, ayoko." sabi ko.
"Bro, bakit? Everyone here wants to be an Alpha Student." 'Di makapaniwala niyang sabi.
"Oo. Everyone, maliban lang sa'kin. Alam mo namang hindi ako gano'n katalino eh." simpleng turan ko.
"Bro, walang imposible sa taong nagpupursige. Tutulungan naman kita eh. Sabay nating i-a-achieve ang pagiging Alpha Student sa susunod na taon, okay?"
"Oo na nga bro! Ang kulit mo!" pagsang-ayon ko na lang din sabay iling.
Kaya ayokong mapabilang sa naturang section kasi nararamdaman kong Alpha Section is not just a group of genius students. I think there's something more to it... something mysterious.
And I don't want to involve myself into it...