Chereads / Alpha Section (Tagalog) / Chapter 3 - Something Special

Chapter 3 - Something Special

Cedric's POV

Isang nakakabagot na araw na naman dito sa paaralan ng Eastwood High. Wala pa rin namang pinagbago sa buhay ko. Gano'n pa rin, nasa last section pa rin ako.

Kasalukuyan pa rin akong nakikinig sa boring na lecture ng matandang dalaga naming adviser. Talak ng talak sa kanyang kinaroroonan pero halata namang wala talagang nakikinig.

Finally, no'ng magdismiss na ang aming guro ay nagmamadali naman akong lumabas ng classroom at agad na tinungo ang aming cafeteria para makipagkita kay Andrew as usual.

"Bro, may sasabihin ako sa'yo." pambungad niya sa'kin as soon as nagtungo ako sa kanyang table at umupo sa tabi niya. Sa aking kanang kamay ay hawak-hawak ko ang aking meryenda for the day: ang walang kamatayang macaroni soup.

"Mukhang interesting 'yan ha." masayang tugon ko tsaka ko inilapag ang aking glasses sa mesa tas sinimulan nang lantakan 'yung meryenda ko. Mahirap na kasi nagfa-fog ang aking glasses kapag suot-suot ko ito habang kumakain nang mainit na sabaw.

"Interesting talaga. Dahil kamakailan lang... lumipat sa Alpha Section ang kaklase kong si Mitch." masigasig niyang balita sa'kin. Nilunok ko muna 'yung nginunguya kong macaroni bago ako magsalita.

"Ha? Eh akala ko ba yearly 'yung pag-iiba natin ng sections depende sa makukuha nating average every end of the academic year. Tapos nasa 2nd grading pa lang tayo ngayon." kunot-noo kong pahayag tapos muling sumubo ng another spoonful of the soup.

"'Yan nga rin 'yung akala ko. But this is a special case. Si Mitch kasi ang aming top 1 sa section namin kaya hindi na nakakapagtaka pa kung malilipat man siya sa section na 'yun." sabi niya. Parang alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.

"Aaahh..." I just shrugged and continued eating.

"You know what this means?" Visible pa rin ang sigla sa boses nito habang tinatanong niya ito sa'kin. Sinimot ko muna 'yung laman ng styro cup bago ko siya muling tiningnan.

"It means kung mag-aaral tayo ng mabuti, may tyansa rin tayong mapabilang doon. Tama ba?" walang buhay kong saad.

"Mismo! 'Di ba ang laking motivation na 'yun para magpursige? Imagine kung makakapasok ka roon, hindi mo na kailangang magtiis sa sopas na parati mong kinakain." sabi niya.

"Hey! Ano'ng masama sa kinakain kong sopas?"

"Wala naman. Ang gusto ko lang sabihin ay hindi mo na kailangan magtiis. Minsan, hindi rin masamang maghangad ng sobra, 'di ba?"

By the end of his statement eh napailing na lang ako. Kung gusto niya talagang maging isang Alpha Student, sige push niya 'yan. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya ako kailangang idamay?

"Bro, kung gusto mong pumasok sa Alpha Section, sige lang. Pero it's not necessary na isama mo ako sa iyong plano. Hindi ako ikaw, okay? I get it na kinakaawaan mo ako ngayon, pero 'wag mo namang ipamukha sa'kin oh."

Hindi na ako nakapagtimpi pa at nasabi ko tuloy 'yung nasa utak ko. Natahimik lang siya kaya muli akong nagsalita.

"May pupuntahan pala ako ngayon. Sige bro, see you around."

Matapos kong sabihin 'yun ay kinuha ko na ang aking glasses, sinuot ito, at agad na akong tumayo at naglakad paalis. Huminto muna ako saglit sa nadaanan kong trash bin at tinapon ang hawak-hawak kong styro cup at plastic spoon bago nagpatuloy sa paglalakad.

***

Ang totoo niyan wala naman talaga akong pupuntahan. Gusto ko lang muna lumayo sa kaibigan ko at sa usapin tungkol sa Alpha Section na 'yan kahit panandalian lang.

Lately kasi napapansin ko kay Andrew na wala na siyang ibang bukambibig kundi ang paano makapasok sa section na iyan. I mean, I get it that they have some exclusive privileges from the school, but is it really worth it?

Hindi ko namalayang dinala pala ako ng aking mga paa papunta sa school park kung saan walang masyadong tao rito. Sa wakas, matatahimik na rin ang utak ko.

Umupo ako sa pinaka-unang wooden bench na nakita ko tsaka naglabas ng smartphone mula sa'king bulsa na kung saan may naka-attach nang earphones dito. I untangled it tsaka ito nilagay sa magkabila kong tenga. Pinili ko naman ang kanta ng Ben&Ben na 'Pagtingin' sa'king playlist then hit the play button.

Ahhh... ito lang ang gusto ko. 'Yung marerelax lang ako, chill chill lang habang walang iniintinding pagme-maintain ng grades unlike most people here does. I guess 'yun naman ang perks ng mapabilang sa lowest section.

Sudenly, sa kalagitnaan ng pagrerelax dito ay may nahagip ang dalawa kong mga mata sa may 'di kalayuan. Do'n sa isang sulok ng park na ito na hindi agad nakikita, not unless kung andidito ka sa aking kinatatayuan, may isang grupo ng apat na babaeng estudyante ang tila nangbubully ng kapwa nila babaeng estudyante rin.

Akala ko no'ng una ay nagkakamali lang ako, pero no'ng makita kong tinulak na no'ng isa ang naturang babae sa kanilang harapan ay do'n na ako nabahala. Muli kong niligpit ang aking cellphone along with the earphones sa'king bulsa bago ako nagmadaling magpunta sa kinaroroonan no'ng inaaping babae.

"Ang mga mahihinang gaya mo ay hindi deserve mapabilang sa Alpha Section." rinig kong sambit no'ng babaeng bully na kulay blonde ang hanggang baywang niyang buhok no'ng makarating na ako sa may likuran nilang apat.

So ang kanilang binubully ay isang Alpha Student?

"Hoy. Tama na 'yan."

As soon as narinig no'ng apat ang boses ko ay sabay-sabay naman silang napalingon sa aking kinaroroonan at sabay din silang napahalukipkip sa kanilang mga braso.

"Who's this? Your last section boyfriend?" mataray na sabi ng katabi ni blondie na may pagka-reddish naman ang buhok.

Nabadtrip naman ako sa pag-uugali ng babaeng ito kaya napahawak ako ng mahigpit sa kanyang palapulsuhan at mariin siyang tiningnan.

"Hey! Let her go!" sabi ng mga backup niya pero 'di ko sila pinansin at tinitigan pa rin itong kaharap ko.

"Umalis na kayo rito, at 'wag niyo nang guguluhin pa ang babaeng ito." mariin kong pagkakabigkas sabay turo sa inapi nilang babae.

Matapos kong masabi iyon ay niluwagan ko na ang aking pagkakahawak sa kaharap kong babae na siyang dahilan naman para mahigit niya ang kanyang kamay palayo sa'kin.

"Let me go, you freak. Tara na girls, 'wag na nating gambalain ang babaeng 'yan. " sambit ng babae sa'kin tsaka nauna nang naglakad palayo. Agad naman siyang sinundan ng kanyang mga alipores.

Matapos no'n ay lumapit na ako sa babaeng inapi nila. Agaw pansin ang kanyang kulay blue na buhok na may straight bangs na siyang tumatakip sa kalahati ng kanyang noo. At no'ng tumingala siya sa'kin ay nagtama ang kulay abo niyang mga mata sa'kin.

"Here, tulungan na kita." alok ko sabay lahad ng isang palad ko para hawakan niya in which she gladly took naman.

"Aray." Impit nitong bigkas nang tuluyan ko na siyang napatayo. Napatingin naman ako sa hawak-hawak niyang ankle sa kanyang kaliwang paa. Siguro nga ay masyadong napalakas ang pagtulak sa kanya ng apat na 'yun kanina.

"Mukhang nagka-sprain ka at lalala 'yan kapag iyong nilakad. I'll carry you na lang instead papunta sa clinic ng matingnan 'yan." sabi ko.

"Hey! Teka lang muna---"

Bago pa siya makaangal ay binuhat ko na siya sa'king mga bisig at nagmadaling nagtungo sa clinic. Aware naman akong pinagtitinginan ako ng mga tao sa hallway pero pinilit ko na lang na 'wag pansinin.

Sa wakas, no'ng marating na rin namin ang clinic ay agad ko siyang pinaupo sa pinakamalapit na kama at tinawag ang atensyon ng available na nurse na kita ko pang abala sa panunuod ng kdrama.

"Paki-asikaso na lang itong... kaibigan ko." sabi ko doon sa nurse at walang pag-aalinlangan niya naman akong sinunod.

Nang masiguro kong inaasikaso na siya ng nurse ay napagdesisyonan ko nang iwan 'yung babae. Bubuksan ko pa lang sana ang pinto ng clinic para lumabas subalit sakto namang bumukas ito at kita kong pumasok ang kaparehong guro na nakita ko doon sa office ni Ms. Reyes.

Mr. Cruz yata ang tawag sa kanya, kung hindi ako nagkakamali.

"Mr. Magbanua, muli na naman tayong nagkita." ani nito. Iniwasan ko siya ng tingin.

"Ahh... Tinulungan ko lang 'yung babae. I supposed estudyante mo siya." pahayag ko. There he goes again with his awkward stare. Marahil ay tiningnan niya ang aking ID kaya niya ako nakilala sa aking apelyido.

"Yes, she is my student. Salamat sa iyong tulong." sabi niya.

"Sige po, tutuloy na ako. May klase pa akong dadaluhan."

I reached for the doorknob and was again attempting to open the door ng marinig kong umimik 'yung babae.

"I can feel something special within him."

Natigil ako sa paggalaw at napalingon ako sa kanya ng marinig ko ang seryoso niyang boses. Kita kong nakaturo siya sa'king direksyon, well not directly at me. Wait a minute, is she blind?

Pansin kong pati si Mr. Cruz ay napatingin din sa'kin.

"Mr. Cruz, sa tingin ko'y nahanap na natin ang panghuling estudyanteng kukumpleto sa Alpha Section." muli nitong pahayag. My mind literally stopped working for a while pagkarinig ko no'n mula sa kanya.

"H-ha?" was all I could say. Kunot-noo lang akong napatingin sa kanilang dalawa.

"Well then, if that is the case..." rinig kong sambit ni Mr. Cruz. Kita kong inabot niya ang kanyang kanang kamay for me to shake. Imbes na kunin iyon ay tinitigan ko lamang ito.

"Welcome to Alpha Section."

No'ng hindi ko pa rin inaabot ang kanyang kamay ay ibinalik niya ulit ito sa kanyang gilid.

Ako, si Cedric Magbanua, na isang estudyante from the last section, ay biglang inanyayahang lumipat ng Alpha Section?!

Wala naman akong kamalay-malay na simula pala sa araw na ito, unti-unti nang magbabago ang takbo ng buhay ko.