Cedric's POV
"First of all, I would like to state the house rules of this class."
Sinubukan kong magfocus sa lecture ni Mr. Cruz subalit ang utak ko ngayon ay paulit-ulit na nagtatanong sa'king isipan kung bakit ako andito at ano ang ginagawa ko rito?
Do I even belong here in the first place?
"Rule #1. Of course, no lates and absences. Your tardiness may be considered valid if you have a valid excuse. 5 lates is equivalent to suspension for 1 week. Kapag inulit ang nasabing violation ay madadagdagan ng another week ang inyong suspension, and so on. " paliwanag ni Mr. Cruz sabay sulat sa nakapaskil na white board ang nabanggit na rules.
"Rule #2. No talking while I'm discussing here in front. Siyempre we all know na nakakabastos sa part ko kung nag-uusap kayo diyan habang nagdidiscuss ako rito. Anyone caught talking will replace me here in front at sila ang ipapa-discuss ko nang topic natin for the day. "
"Last but not the least, rule #3..."
Pansin ko naman sa parteng ito ay saglit na tumigil si Mr. Cruz sa pagsusulat sa board at sa pagsasalita tsaka isa-isa kaming pinasadahan ng tingin.
"Anything discussed on this classroom, in my office, or on the facilities within the restricted area, should only remain here and there. In other words, you are not allowed to tell ANYONE, I repeat, ANYONE... about the things that we discussed in this section. "
"Alpha Section is considered to be a top secret group organized by the school, so all information about it are considered as highly classified information."
Sa pinaka-last na rule talaga napukaw ang aking atensyon. Kaya pala limited lang ang nalalaman ng mga estudyante outside of this section tungkol sa mga Alpha Students, at ito'y dahil sa rule na ito. Most of it are base pa sa mga haka-haka lamang.
"Anyone caught disobeying the said rule will be expelled from this class. Do I make myself clear? " mariin niyang pagkaka-discuss sa part na ito, halatang gusto niyang bigyan ng emphasis ang rule na ito among other rules that were mentioned.
"Yes sir." sabay-sabay naming sabi.
"Good. Now before going to our next topic, do you have any questions about our rules?"
Pinasadahan kami ni Mr. Cruz ng kanyang tingin, and eventually his gaze landed sa taong nagtaas ng kanyang kanang kamay kaya sinenyasan niya itong magsalita.
"How about, no losers allowed here? Do we have a rule for that?" sabi ng bukod-tanging mayabang na nilalang sa klase na ito. May mga mangilan-ngilang tumawa kahit na it is not meant to be a joke, but it is an obvious sarcasm or an insult.
"Enough Warren!" badtrip namang saway sa kanya ni Mr. Cruz kaya tumigil na sa pagtawa 'yung mga nasa side niya and nakita ko lang siyang napakibit-balikat lamang.
Napailing na lang ako. It was clearly meant for me.
"If you don't have any serious questions, let's proceed. I would like to tell Mr. Magbanua here, who is the newest member of this section, that you'll still have your regular classes in your respective classrooms sa inyong previous sections. Pupunta lang kayo rito para sa'ting special training class which falls on your first period, every 6:30am. " paliwanag niya sabay tingin sa'king kinauupuan. Napatango na lang ako in response. Pero what the heck, 6:30 am talaga?!
"By the way, before I forget, I just want to let you know that fourth floor of this building is exclusive only for the Alpha Students. Mayroon na ditong state of the art library, comfort rooms, computer lab, audio visual room, and gymnasium- for anyone who likes to workout. You can access all of these facilities anytime you want as long as you have your IDs. It will serve as your access cards so just swipe it on the code detectors on every doors, and even here sa classroom ninyo. " paliwanag niya pa.
Napa-wow na lang talaga ako sa'king narinig. Ganito pala kaswerte ang isang Alpha Student ano?
Maya-maya pa ay narinig na namin ang school bell.
"Oras na para sa inyong 2-hour break schedule. Pero bago ko kayo i-dismiss, I would like to give you something to ponder on and I will ask you to share your thougths in class." pahabol pa ng aming guro. Wait, two hours vacant period?! Seriously? Sa'min dati thirty minutes lang eh!
"Just simply discuss on 'why you are here in this section?' on our next meeting. Okay, class you're dismissed." As soon as nag-dismiss na si Mr. Cruz ay nagsitayuan na ang iba kong mga kaklase maliban sa'kin. Napaisip kasi ako sa huling statement ni Mr. Cruz eh.
Why I am here kamo? Honestly, pati ako ay hindi ko masagot ang katanungan na 'yan sa'king sarili. Hanggang ngayon ay may doubts pa rin ako sa'king sarili kung deserve ko ba talagang maparito.
"Cedric, hindi ka pa ba tatayo?"
Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng isang babae. Kylie yata ang pangalan nito kung hindi ako nagkakamali. Wala sa sarili naman akong napatingin sa kanya.
"Tara. Sumabay ka na sa'min ni Mitch magmeryenda." alok pa niya.
"S-sige." nahihiya ko pang tugon at sumabay na ako sa kanila maglakad patungong cafeteria na nasa ground floor.
***
Pagkarating namin sa cafeteria ay nagulat pa ako nang makitang wala pang ibang estudyante ang naririto bukod sa'ming mga taga-Alpha Section. Later ipinaliwanag naman sa'kin ni Kylie na una raw parating nakakapag-break ang aming section from the rest of the group.
"Ahh... So that explains why. Nasanay na rin kasi akong huling nagbe-break eh." sabi ko.
Napatingin naman ako sa styro container na nakapatong sa ibabaw ng aming mesa katapat ko. Nagulat pa ako nang makita ko ang laman nito pagkabukas which is carbonara, dalawang tuna pie at isang mango tart.
"Masasanay ka rin." rinig ko namang sabi ni Mitch na nakaupo katapat ko at katabi naman ni Kylie.
Saglit kaming natahimik nang pareho na naming sinimulang kainin ang hinain sa'ming meryenda. Kaming tatlo lang pala ang andito. Ewan ko ba sa iba kung sa'n sila pumunta.
"So... about sa last statement ni Mr. Cruz kanina," pagbasag ko ulit sa katahimikan na iyon dahilan para mapatingin ulit sila sa'kin.
"'Yung sinabi niyang 'you're dismissed' ba? " kaswal na pagkakasabi ni Mitch.
"Ha? Hindi 'yun! 'Yung nabanggit niyang tanong."
"You mean 'yung tanong niya kanina about sa kung bakit tayo nasa section na ito?" pahayag ni Kylie.
"Mismo! So ayun na nga, alam niyo ba kung bakit kayo nasa section na ito?" nag-aalangan kong tanong sa kanila. Napakibit-balikat lang silang dalawa sa harap ko.
"No idea. Kakasimula lang ng klase no'ng dumating ka sa totoo lang. During our whole vacant period namin sa special training class ay tinanong lang din kami ni Mr. Cruz with that exact same question sa first meeting then have us ponder it until class officially starts. " paliwanag ni Kylie sa'kin saka sumubo ng kanyang carbonara.
"Kahit hanggang ngayon eh wala akong ideya kung bakit bigla akong nalipat sa section na ito. Paano ka na lang kaya ano?" sabi naman ni Mitch sabay tingin sa'kin.
"Oo nga eh. Paano na lang kaya ako?" sabi ko at wala sa sariling pinaglaruan 'yung natitirang carbonara gamit ang hawak kong plastic fork.
Suddenly, narinig naming tumunog ulit ang school bell sa pangalawang beses kaya napagawi ang tingin namin sa may pinto ng cafeteria.
"Oras na para sa break schedule ng mga estudyanteng nasa sections 1 to 3." ani ni Kylie. Natigil ako sa paggalaw nang may mapagtanto ako.
That means makikita ko si Andrew dito any minute from now!
"Ayos ka lang ba?" Iwinagayway pa ni Mitch ang kanyang isang kamay sa'king harapan kaya nabalik agad ako sa wisyo.
"Ayos lang ako." tingin ko sabay iwas ng tingin.
Hindi ako mapakali rito sa'king kinauupuan habang iniisip ko kung ano ang maging reaction ni Andrew sa oras na malaman niyang lumipat ako sa Alpha Section... ang sectiong sabi ko sa kanyang kina-aayawan ko dati.
Maya-maya pa'y nakita ko na nga ang kaibigan kong iyon na pumasok ng cafeteria kaya awtomatiko naman akong napayuko ng bahagya para hindi niya ako makita. As usual ay do'n pa rin siya sa pinaka-unang mesa pumwesto siguro para mabilis ko siyang mahanap agad dahil nga sa huli akong nagbe-break dati.
Nagi-guilty tuloy ako sa ginagawa kong pagtatago mula sa kanya ngayon.
"Anyare sa'yo? Mukha kang nakakita ng multo diyan." natatawang pahayag ni Mitch sa'kin.
"Uhm, excuse me. Lalabas lang ako saglit, pupunta lang ng library." pagpaalam ko, completely ignoring Mitch's remark. Agad naman akong napatayo at nagmamadaling lumabas ng cafeteria habang nakayuko lang ang aking ulo para hindi niya makita ang presensya ko rito.
***
All throughout sa discussion sa'king regular classes ay wala akong masyadong naintindihan at wala sa sarili na napadungaw sa bintana ng aming classroom. Nabalik ulit ako sa'king assigned seat sa room ng section 6 for my regular classes, as what Mr. Cruz said a while ago.
Iniisip ko kasi kung paano ko sasabihin sa'king matalik na kaibigan ang katotohanang lumipat ako sa Alpha Section. Hindi ko naman sinasadyang mas maunang malipat dito eh, nor ang mapadpad dito.
Sa huli ay napatingin na lang ulit ako sa'ming guro ngayon sa Math at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga. Mas mabuting sabihin ko na lang sa kanya mamaya kaysa sa malaman niya pa ito sa iba
***
Nang tumunog na ang aming school bell ay hudyat na ito para sa pagtatapos ng aming klase para sa araw na ito. Pagka-dismiss sa'min ng aming guro sa'ming last period ay nagmadali naman akong lumabas habang bitbit ang aking bag.
Matapos ang ilang minutong lakaran ay narating ko na rin sa wakas ang tinutuluyan naming dorm ni Andrew. As soon as pagbukas ko ng pinto ay laking gulat ko naman nang nakitang andito na si Andrew na kasalukuyang nakaupo na sa kanyang higaan at nagtatanggal ng kanyang pang-itaas na uniporme.
Napatigil naman ito sa kanyang ginagawa at agad na napatingin sa'kin ng tuluyan na akong nakapasok.
"A-ang aga mo yatang nakauwi ngayon." Kabado ko pa yatang pahayag just to start a conversation.
"Oo nga eh. Maaga rin kasing nagdismiss ang teacher namin sa last period." tugon naman niya.
"Ahhh..."
Sinarado ko muna 'yung pinto bago ako nakayukong naglakad patungo sa'king higaan, ngunit agad din akong napatigil sa paghakbang nang marinig kong magsalita ulit itong si Andrew.
"May narinig akong mga usap-usapan ngayong araw... Ito'y tungkol sa isang section 6 student na biglaang nalipat sa Alpha Section." panimula niya.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko namang nakatuon ang kanyang atensyon sa suot-suot ko ngayong bagong pin sa kaliwang parte ng aking dibdib.
"At mukhang alam ko na kung sino ang estudyante na iyon."