Ayane POV
Maaga ako na gising ngayon. Dahil gusto ko ipagluto sila mommy and daddy, dahil ngayon ko nalang ulit sila nakita. Pero maliligo at magaayos muna ako para makababa na ako.
After 30 minutes....
.
.
.
.
.
Nagsuot ako ng over-sized shirt and maong short. Bumaba agad ako para makapagluto nakita ko, kaagad yung pinay na katulong namin. Ayaw nila daddy at lolo na kumuha ng katulong na hindi Filipino. Dahil mahirap na daw.
"Good Morning Ma'am Ayane" Bati saakin ni ate martha.
"Good Morning din ho ate martha, Ate Martha ako nalang po magluluto ng breakfast para sakanila meron naman siguro mga ingredients diyan diba?" sabi ko sakanya baka kasi pagalitan nila mommy pag naabutan ako ang nagluluto.
"Meron ho Ma'am, Ano ho ba ang lulutuin ninyo?" Tanong ni ate martha.
"Adobo at beef steak meron po ba diyan na ingredients?" tanong ko sakanya.
Agad naman siya pumunta sa ref at nilabas ang mga kailangan ko.
"Ma'am ako nalang po ang maghiwa" sabi niya saakin at tumango nalang ako at tinuro ko sakanya yung anong klaseng hiwa ang gagawin niya. Pagkatapos ni ate martha nagluto agad ako habang tulog pa silang lahat.
After 1hour... 7am in the morning
.
.
.
.
.
Tinulungan ko sila ate martha mag ayos at nagiwan din ako para sakanila ng madaming ulam na niluto ko, nung una ayaw nila kuhain dahil hintayin nalang daw nila may matira sabi ko huwag na.
"Good morning baby AA" bati ni kuya ace saakin at agad na umupo sa puwesto niya.
"Kuya where's kuya Ash?" tanong ko sakanyan, pag nandito kami sa korea magkaiba sila ng room may kanya kanya sila.
"Baka tulog pa alam mo naman pagod yun kahapon" sabi niya at naglaro nalang sa cellphone niya.
8:00am lahat kami nandito na sa baba at kumakain na kasama namin sila kuya wakie, ayumi, wynne, kuya ash, kuya ace, mommy, daddy, lolo.
"Baby ayane kamusta ang pagaaral mo?" tanong ni daddy saakin.
"Okey naman po sa ngayon dad, dahil kakasimula palang ng klase" sagot ko sakanya at kumain nalang ulit.
"Nako Arthur alam mo naman ang mga anak mo kahit na silang tatlo ang namamahala ng University natin hindi pa din nila pababayaan ang pagaaral nila matatalino ang mga anak mo" sabi ni lolo kay daddy. Bakit kaya ang tahimik ni mommy nakakapanibago. Pagtapos namin kumain may tumawag kay mommy.
"Hello Cassandra, bakit ka napatawag?" tanong ni mom kay tita.
"Ano!! Sige sige papunta na kami diyan" sabi ni mommy at agad na binaba yung tawag.
"mom anong meron at napatawag si tita?" tanong ni kuya ash.
"G-gising na daw si miecassie" sagot ni mommy agad naman ako tumakbo sa kwarto para maligo at magbihis.
Pagkababa ko nakabihis na silang lahat, hinihintay nalang nila ako.
"Tara na mom" sabi ko kay mommy lahat naman kami at sumakay na sa van. Pagkapunta namin sa Hospital nakita na namin agad sila tita nasa labas. Lumapit agad ako.
"Tita, Tito bakit ho kayo nasa labas?" takang tanong ko.
"Titignan pa daw nila yung kalagayan ni Miecassie" sagot ni tito. Biglang lumabas yung Doctor.
"Ma'am,Sir your daughter is okey but we need to check her time to time" sabi ng Doctor at pumasok na agad kami nila tita.
"Anak" tawag ni tita kay miecassie tumingin naman siya at ngumiti saamin. Sinalubong siya ng yakap ni tita.
"Mom, Okey na ko pero kayo naman yata papatay saakin, luwagan ninyo naman pagkakayakap ninyo" sabi ni miecassie agad naman siya binitawan ni tita.
"Pinagalala mo kami bata ka sa susunod magsasabi kana saamin ha" sabi ni tita na naiiyak.
"Opo mom, wag ka umiiyak. Hi ayane sorry pinagalala kita" sabi niya saakin. Lumapit agad ako sakanya.
"Ano kaba wala yun atleast diba nakapunta ako, sa susunod nga wag kang aalis na hindi nagpapasama kung kanino at wag kang iinom inom kainis ka" sabi ko sakanya at hinampas siya.
"Opo ate hahaha" tawa siya at nagkuwentuhan kaming dalawa at inaasar niya si kuya wakie bakit daw kasama dito.
"Miecassie bukas nalang kasi gabi na eh" sabi ni mom sakanya.
"Sige po tita alexa baka bukas din po ma-discharge ako" sabi ni miecassie "Ayane bukas na din kayo uuwi diba?" tanong niya saakin.
"Oo eh, need namin umuwi agad. Dahil puro kami SSC Officer, wag kang magaalala ipapaayos na namin yung pagtatransfer mo sa school." sagot ko sakanya at kiniss ko siya sa pisnge at umalis na, nagpaalam din kami kanila tita.
Pagsakay namin sa sasakyan tumabi saakin si kuya wakie.
"Ayane talagang lilipat na sa school si cassie sa susunod na buwan, edi sobrang late na niya?" sabi ni kuya wakie kaya hinarap ko siya ng malaki ang ngiti ko.
"Kuya online class muna siya this month, Okey tas sa september na siya papasok ng face to face kaklase ko siya wag kang magalala, walang aagaw sakanya" sumimangot siya dahil alam niya kasi ibig kong sabihin sakanya. Matagal ng gusto ni kuya wakie si miecassie kaya lang hindi niya kaya aminin ang nararamdaman niya. Dahil lagi lang naman sila nagaasaran ni miecassie.
Pagkarating namin sa bahay na kahain na lahat ng pagkain. Umupo na agad kami.
"Ash dumaan muna kayo sa hospital bukas bago kayo umuwi, at kuhain ninyo na yung mga documents ni miecassie para may teacher na maassign sakanya sa online class niya" sabi ni daddy kay kuya ash.
"Opo dad, si ma'am vasquez nalang ho ang iaassign ko sakanya para lahat ng subject maipaliwanag ng maayos sa kanya" sagot ni kuya ash at kumain na kami lahat. Pagtapos namin kumain agad na ako umakyat sa kwarto.
Messenger Log In
Me
Hi mga bruha musta na kayo?
Seen: Everyone
Kaela
Ito buhay pa ikaw kamusta na tsaka si cassie kamusta na siya?
Seen: Everyone
Mikasa
Okey lang naman kami, Ikaw kamusta kana?, Okey na ba si cassie?
Seen: Everyone
Cy
Okey lang ako baby, Ewan ko sa mga yan, Baby kailan ka daw uuwi dito sabi ni ethan? JOKE
Seen:Everyone
Mj
Okey lang kami wag mo kami alalahanin uuwi ka naman na bukas see you tomorrow
Seen:Everyone
Me
Okey naman din ako. Okey na din si cassie need niya lang ng pahinga by September papasok na si cassie sa school kaklase namin siya.
Ate @Cynthia Mae Bryce As if naman tsaka wala yun paki no!, ate baka si kuya ash ang hanap mo miss mo na ba siya 3days and 2 nights lang kami nawala miss mo ganyan muna siya
Seen:Everyone
Hinata
Hahahahaha BOOM!! wag kasi manggamit ng iba hindi nalang kasi sabihin na miss muna si kuya ash eh dadamay mo pa mortal na kaaway ni ayane eh, @Ayane Azumi Takanashi pasalubong ha
Seen: Everyone
Me
OO NAMAN!! Bye tulog na ko Good night
Messenger Log Out
Tinignan ko message ko, bakit kaya wala akong natatanggap na message galing kay bent haist, makatulog na nga lang.