Ash POV
Nandito na kami ngayon sa bahay dahil sabi ni lolo dito nalang daw kami kumain para derecho alis na kami pagtapos kumain.
"ayane kumain ka ng marami. dahil panigurado hindi na matutuwa si miecassie oras na malaman niya na hindi ka kumakain ng maayos, dahil sa nangyari sakanya" sabi ni ace sakanya kaya tinignan ko si ayane na tulala na naman.
Pagtapos namin kumain ay inayos na namin yung mga gamit namin sa van para makaalis na at nagpaalam na kami sa mga maids at kay manang habang nasa byahe kami tumawag si mom saakin.
RINGGGGGGGGG .....
"Ash nasaan na kayo?" tanong ni mommy saakin.
"malapit na kami sa Airport, bakit po mom?" tanong ko din sakanya tinignan ko sila ayane nanatutulog.
"A-anak wag muna kayo sumakay agad at pagnakarating kayo, p-puwede pasabi sa lolo mo na wag muna kayo sasakyan sa private plane" natataranta na sabi ni mom kaya naman kinabahan agad ako.
"B-bakit m-mom?" tanong ko parin sakanya.
"A-anak need dalhin ni miecassie sa pinakamalaking hospital, dahil hindi kaya ng hospital na to gamutin si miecassie kaya libangin muna ninyo sila ayane" sabi ni mommy.
"O-okey mom ingat po kayo i love you mom" sabi ko at binababa ang tawag.
Pagdating namin sa Airport nilapitan ko agad si lolo at sinabi ko yung sinabi ni mom kaya naman sumangayon si lolo, dahil alam niya magwawala si ayane sa sobrang galit sa ex ni miecassie pag naabutan namin si miecassie na nililipat sa panibagong hospital.
"Lolo bakit po hindi muna tayo puwede umalis?" tanong ni ayane kay lolo na halata na naiinip na higit 2 oras na kami nakastay dito, dahil wala pang text si mommy na puwede na kami umalis.
"iha hintayin nalang natin yung text ng staff natin wala pa daw kasi yung piloto" sabi ni lolo biglang tumunog ang phone ko.
From: Mom
Anak puwede na kayo umalis okey na nandito na kami sa bagong hospital
To:Mom
okey po
Sent
"Lolo tara na po nandiyan na daw yung piloto" sabi ko at agad naman tumayo sila ace at hinatak yung mga bagahe namin.
"sa wakas makakapunta na din tayo tsk" inis na sabi ni ayane halatang badtrip na badtrip na.
Ayane POV
Nandito na kami sa eroplano inaayos na namin mga gamit namin at kahit saan kami pumuwesto dahil sarili namin ang eroplano walang kahati, bilang tumabi saakin si wynne.
"Ate ayane tabi tayo ha?" sabi niya saakin at nginitian ko lang siya at kinuha ko ang phone ko, para makinig ng music at bilang umandar na ang eroplano tinignan ko naman si wynne na busy magbasa sa wattpad niya kaya naman nagbasa nalang din ako.
"Ayane gusto ninyo ba ng juice?" tanong saakin ni kuya ash.
"okey kuya apple juice nalang saakin, iyo wynne ano gusto?" tanong ko kay wynne na tutok sa pagbabasa tumingin siya saakin.
"kagaya nalang sayo ate" sabi niya saakin at bigla nalang umalis si kuya ash para kumuha ng juice sa bag na dala niya, kinuha ko sa bag ko ang earphone ko, bigla ako kinalabit ni wynne.
"ate ito na daw po yung juice sabi ni kuya ash. Kanina kapa tinatawag ni kuya ash kaya lang busy ka diyan kaya sabi niya abot ko nalang daw sayo" sabi ni wynne at inabot na ang juice saakin. Sa sobrang boring natulog nalang ako dahil mahaba haba pa ang byahe .
After 3hours and 45 minutes
"Ate ayane wake up nandito na tayo" alog saakin ni wynne kaya dinilat ko na ang mata ko.
"oh sorry" tumayo at kukuhain ko na sana maleta ko.
"ate kinuha na ni kuya ace ang maleta mo bumaba na sila tayo nalang po yung nandito " sabi saakin ni wynne na inosente nakatingin saakin .
"ganun ba oh siya tara na" sabi ko sakanya at tumayo na.
Nakita ko sila kuya na inaayos ang mga gamit sa isang kotse agad ako lumapit sa kanila.
"Oh ayane akala namin doon ka nalang eh kanina kapa namin ginigising di ka magising" natatawang sabi ni kuya wakie kaya sinaman ko siya ng tingin.
"tara na mga apo doon tayo sa isang kotse sasakay dahil pupunta tayo sa hospital ni miecassie kung okey lang sainyo" sabi ni lolo saamin nagtanungan naman kami.
Habang nasa byahe kami iniisip ko parin kamusta na kaya siya kung hindi sila naghiwalay ni david for sure hindi mangyayari to kay miecassie, naawa ako sa kanya at bakit hindi niya sinabi sa parents niya na buntis siya. Ang daming tanong na gusto ko itanong sakanya, kaya lang hindi ko magawa. Dahil comatose siya gusto ko din bugbugin si david at sabihin sana siya nalang nakahiga sa kama kung nasaan si miecassie. Nang makarating kami sa Hospital tinanong agad ni lolo kung saan ang room ni miecassie agad naman sinabi saamin. Nakita ko sila mom at dad na sa labas kasama si tita Cass.
"H-hi t-tita s-sorry k-kung n-ngayon l-lang k-kami" sabi ko na naiiyak na.
"okey lang ayane atleast nakapunta kayo sorry kung naabala pa namin kayo " sabi ni tita.
"hindi po okey lang po tita p-puwede ko po ba makita si miecassie?" tanong ko kay tita.
"Oo naman tara iha" sabi ni tita agad naman kami pumasok sa isang kwarto nasa likod namin sila kuya ash , kuya wakie, kuya ace, wynne, ate ayumi.
"I-ito siya" naiiyak na sabi ni tita.
Tinig ko si miecassie na ang daming pasa sa katawan at ang dami nakasaksak sa katawan niya na kung ano ano, lumapit ako sakanya at tinig siya umupo ako sa isang upuan na nakatabi sa kama niya hinawakan ko kamay niya.
"M-miecassie w-wake u-up nandito na ko oh wag ka naman humiga ng matagal diyan oh " sabi ko sakanya na umiiyak.
"Diba sabi mo walang magiiwanan kaya please gumising kana ayoko na humiga ka ng matagal diyan matatag ka diba kaya dali na gising na" sabi ko naumiiyak habang hinihimas kamay niya.
"Iha alam mo ba nung gabing umalis si miecassie para pumunta ng bar ang sabi niya saakin miss ka na daw niya, gusto na daw niya pumunta sa Pilipinas para makasama ka" kuwento saakin ni tita nakinig lang ako sakanya.
"sabi sakanya ni tito mike mo oo naman baby, uuwi ka namin sa Pilipinas, para makasama mo si ayane pagkasabi nun ni mike sakanya umalis si mike papunta sa office niya para kumuha ng ticket pauwi ng Pilipinas. Iennroll na sana namin siya kaya lang nagulat kami ng biglang may tumawag saamin at sinabi na nasa hospital siya, nung una hindi kami na niniwala na siya yun pero ng pinuntahan namin siya sobrang nasaktan kami ng nakita namin siya duguan" umiiyak na kuwento ni tita tulala lang ako kay miecassie.
"T-tita b-bakit po ba siya hiniwalayan ni david?" umiiyak na tanong ko.
"N-nalaman ni david na buntis siya at ayaw pa ni david maging tatay kaya hiniwalayan siya neto. Nalaman namin yung ng may inabot na papel saamin yung police, doon namin nalaman ang lahat na buntis pala siya" tumingin ako kay tita na aawa ako sakanya mawalan siya ng apo at muntik na din ng anak.
"Ayane tara na umuwi na muna tayo sa bahay " yaya ni kuya ash saakin tumango ako sakanya.
"Tita balik nalang po ako bukas alis na po muna kami " sabi ko kay tita at hinalikan siya sa pisnge.
"alis na po kami tita " sabi ni kuya at hinalikan din si tita sa pisnge.
"sige pahinga na kayo malamang kulang kayo sa tulog dahil dumerecho kayo agad dito" sabi ni tita agad naman kami lumabas ni kuya at nagpaalam na kami kay tito mike.
Habang nasa byahe kami papunta sa bahay tinignan ko yung text saakin ni bent.
From: BB
Take care I love you I miss you
To: BB
Sayo din Ilove you to
Sent
Pagkadating namin sa bahay agad kami kumain at naligo lang ako at natulog na.