" Alam mo ba? Katulad ka din ng boyfriend ko dati.. halos ganito lagi ang order ko. Matakaw kasi iyon". Sabay tawa. " Either sa streetfoods, kulang nalang bilhin nya ang buong franchise ng pwesto at ang mga paninda ay kakainin nya lang!". Dugtong nya.
" Talaga? Katulad na katulad ko ba sya? As in ako ba sya?". Sarkastikong pagdidiin ko.
Bigla syang natahimik, ibinaba nya ang hawak na kutsara't tinidor. Natulala sya at tumitig sa akin, kumalumbaba at pintaamaan ako ng matulis na tingin. Tinitingan ko lang sya habang kumakain, minsan ngingitian. Alam kong alam nya ang ibig kong sabihin. Sinadya ko talagang sabihin iyon para magkaroon ako ng clue. Bigla syang ngumisi.
" Ikaw sa tingin mo? Posible kayang ikaw yun babe?". Sarkastikong sagot nya.
Umiling ako. " Ewan? Pero kung ako nga sya na sinasabi mo? Paano naman iyon nangyari? Ang memorya ko ay normal, kilala ko pa nga ang mga magulang ko, tito, tita, ninong at ninang, mga dating kaibigan ko, maging mga guro ko noong 2nd year. Pero pagdating sa ginigiit mo sa akin bakit wala?". Sambit ko.
Bigla na naman syang natahimik ng ilang segundo.
" T-tama ka naman! Siguro nga na umaasa akong ikaw iyon. Pero umaasa talaga ako! Alam kong di ito ang tamang panahon, pero darating at darating ang tamang panahon na iyon..". Sagot nya.
" Alam mo kahit wirdo ka at may sa baliw ka?.. May time na gusto ko nalang maniwala! Kasi alam mo ba kahapon, may tu....". Hindi ko naituloy ang aking sasabihin, naalala kong tutulaklasin ko ng palihim ang sikreto nya.
" Anong tu??". Tanong nya.
" A-ah hehehe.. Tu? Tubig tol paabot!". Paglihis kong sagot.
Natawa naman sya sa aking inasta at iniabot ang tubig sa akin. Napangiti rin ako ng hilaw. Nagkatitigan nalang kami habang kumakain.
Pagkatapos kong maubos ang isang pamfiestang buffet na inorder ni baliw ay dumeretso naman kaming sinehan. Tumango nalang ako sa gusto nya. Gusto ko rin namang manood, kasi nga idol ko talaga si Jackie Chan. Bumili muna kami ng snack at drinks bago pumasok sa sinehan. Pagpasok namin, halos puno na ito ng mga nanonood. Ganon kasikat ang palabas ni Jackie Chan halos out of vacancy na ito. Naghanap hanap muna kami ni Steve kung saan meron pang mga bakanteng upuan. Buti nalang nakakita kami sa bandang gilid sa itaas na dalawang bakante. Mukhang kakaalis lang ng dalawang nakaupo dito, siguro iyon yung dalawa kaninang magjowa na nakasalubong namin na aaway palabas habang kami naman ni Steve ay papasok. Umupo ako sa pinakadulo nito dahil gusto kong nasasandal ang ulo ko sa dingding, para na rin marelax at kapag boring ang scene ay matutulog ako. Gawain ko kasi dati yan.
Habang tutok na tutok naman ako sa aking pinanonood at dadakma dakma sa popcorn na aking hawak, narinig kong nagring ang cellphone ni Steve sa loob ng kanyang knapsack. Napalingon ako, binuksan nya ang kanyang bag at tinignan kung kaninong number ang tumawag, pero bigla nya itong pinatay at hindi manlang sinagot.
" Bakit hindi mo manlang sinagot tol?!!". Sambit kong medyo malakas dahil sa lakas ng volume ng audio sa loob sinehan. Sa isip isip ko ay baka iyon yung tumawag kahapon at pagkakataon ko na sanang malaman ang pangalan ng nasa kabilang linya.
" Hindi importante!!". Sigaw din nya.
Hindi na ako sumagot, bumalik ako sa aking panonood. May time na sinulyapan ko din sya, kahit madilim ay aninag ako ang emosyon ng kanyang mukha. Yung tila ba may malakas na kabog sa kanyang dibdib. Bigla nya akong tinapik at niyaya nang lumabas. Tumalima naman ako at ako pa ang naunang tumayo, kahit na hindi pa natatapos ang palabas ay wala akong reklamo sa desisyon nya. Libre nya eh!.
Paglabas namin ng sinehan ay niyaya nya akong pumunta sa national park, pero sa paglabas naman namin ng mall ay sya namang pagsama ang panahon. Umulan kasi at wala kaming dalang payong, kaya napagdesisyonan nalang namin na tumambay muna sa coffee shop at doon magpalipas ng oras.
Sa coffee shop:
" Ang sarap ng kape dito tol!". Sambit ko na medyo napapalakas pa ang aking pagkabigkas.
Walang imik si Steve. Mukhang may malalim na iniisip, nakatingin lang sya na tagos sa malaking salamin ng coffee shop sa labas at sa malayo nakatutok ang kanyang mga mata habang hawak ang tasa ng kape.
Dahil tahimik sya ay nanahimik na rin ako.
Maya maya :
" T-tapatin mo nga ako C-chander.. w-wala ka ba talaga natatandaan noon?". Ang pagbasag sa sarili nyang katahimikan. Nakatuon pa rin ang kanyang mata sa labas.
Nagulat ako sa naging tinuran ngayon ni Steve. Ibinaba ko ang aking hawak na tasa sa lamesa at saka nagsalita.
" A-ano ba iyon? W-wala? W-wala akong natatandaan tol..". Naguluhan kong sagot.
" K-kahit sa panaginip mo wala?". Paggiit nya.
Sandali akong natahimik. " Sa panaginip? Paano nya nalaman na meron nga akong napapanaginipang kakaiba?". Sa isip isip ko.
" Me-meron akong napapanaginipan madalas? P-pero bakit naman ganyan ka ngayon magsalita tol? Ano bang nangyayari sayo?". Sagot ko.
" M-maaari mo bang ikwento sa akin?". Malumanay nyang pagkakasabi sabay lingon sa akin.
" M-malabo tol!..". Gulimahanang sagot ko pa rin.
" P-paano mo nasabing malabo?".
" B-basta malabo! At saka pwede bang wag na natin pag usapan iyan!". Paggiit ko.
Natahimik sya sandali. Akala ko ay wala na syang kasunod na itatanong. " A-ang mga magulang mo? H-hindi ba nila sinabi ang totoong nangyari sa iyo noon?". Muli nyang pagtatanong.
Ako naman ang sandaling natahimik. " M-meron? Sa ospital? Paggising ko gutom na gutom ako noon. Nagtanong ako kung anong nangyari sa akin pero..". Di ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla bigla syang sumabat ulit.
" Sa ulo mo ba noon ay may naramdaman kang sakit?".
Naguguluhan na 'ko sa sitwasyon pero patuloy pa rin ang pagsagot ko sa mga tanong nya, tanong na gusto ko rin malaman ang kasagutan.
" Sa u-ulo ko? W-wala.. p-pero napansin kong nakabenda ito. Hindi nako nagtanong kasi talagang gutom na gutom na ako eh!". Ang sabi ko at napahimas ako sa aking tiyan at sya naman ang pagtunog nito. " Oooopss!! Speaking?..". Dugtong ko. Napangisi ako sa kanya.
Whooo! Para akong nasa hotseat ni Boy Abunda! Kulang nalang mag live show kami at tapatan nyang itanong ang mga gusto nyang itanong walang preno!.
Wala syang reaksyon, seryoso lang syang nakatitig sa akin. Doon na sya tumigil ng pagtatanong dahil sa akmang pagbibiro ko.
Tahimik.
" Aheemmn!! Ano nang balak na 'tin?". Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa ni Steve.
" A-ah.. pasensya ka na babe sa mga itinanong ko.. n-nabigla lang ako..". Saad nya na paghingi ng tawad na animoy naging isang maamong tupa at nagpout pa! Parang di nya alam ang ginawa nya kanina!.
Pero napangiti pa rin ako. " A-ano ka ba tol? Wala iyon! Alam kong dala lang yan ng emosyon mo.. naiintidihan kita! So? Ano na ngang balak natin?". Ang muling pagtatanong ko at sya namang sumabay ng pag alburuto ng aking tiyan. Nagutom ulit ako.
Naglabas lang si Steve ng isang hilaw na ngiti. " Ang bilis mo naman magutom babe! May bituka ka ba talaga?". Biro nya at minuwestrahan nya akong tumayo.
Itutuloy...