Chereads / Photoshopped / Chapter 23 - Chapter 21

Chapter 23 - Chapter 21

Chapter 21: Reality

Inihahatid ako ni Jian patungo sa bahay nina Felix. Nalaman ko na sinundan niya pala ako kanina. Nalaman na niya din na empleyado ako sa convenience store at umamin naman ako tungkol dito. Wala na din namang akong magagawa. Sinabi ko na lang sa kanya na amin na lang ang sikretong 'yun. Sinabi ko din sa kanya na sasabihin ko din sana 'yung tungkol sa trabaho ko 'e kaso 'di lang talaga ako makahanap ng tamang pagkakataon. Syempre, nagsisinungaling pa rin ako sa kanya that time. Wala naman talaga akong balak sabihin. Ayoko lang isipin pa nila ako.

Pinilit kong lakasan ang loob ko habang papalapit na papalit kami sa street ng bahay nina Felix. Kahit naman masakit ang loob ko sa kanya ay kailangan ko pa rin ito ipagpatuloy. Ayoko muna siyang makita pero kailangan kong magtrabaho. Hindi naman pwedeng wala akong maibigay kay Mama nang dahil lang sa lupit ng nararamdaman ko.

I should just keep moving forward. Kahit na masakit. Kahit na kailangan ko pang magtiis ng matagal. Ganito talaga ang buhay, puno ng surpresa. Sa sobrang surpresa ko hindi ko na alam ang iisipin at gagawin ko. Parang mawawalan ata ako ng bait nang ganito kaaga.

Iba kasi kapag alam mong sobra kang nasasaktan. Hindi ka makapagisip ng maayos at napupuno lang ng negative thoughts ang isip mo. Katulad lang ng nararamdaman ko ngayon. Parang hindi ako makahinga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Nang makarating kami sa bahay nina Felix, kinausap muna ako ni Jian at tinanong niya ako ng sangkatutak bago hayaang bumaba ng kotse niya. Nagpasalamat na lang ako sa kanya. Wala naman akong naintindihan sa sinabi niya dahil puno ng kaba ang isip ko. Kinakabahan ako dahil baka komprontahin ako ni Felix. Hindi ko alam ang sakit na mararamdam ko kapag umamin na mismo siya sa'kin.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa kwarto niya. Agad siyang hinanap ng mga mata ko. Tiningnan ko na lahat ng sulok ng kwarto niya ngunit wala siya dito. Babalik sana ako sa baba para itanong si Felix kay Tita ngunit nakaramdam ako ng pagyakap mula sa likuran ko.

"I miss you." He said. Nanlambot ako dahil sa sinabi niya. Pinigilan ko ang mga luha ko sa pagpatak dahil ayokong makita niya akong mahina. Humarap ako sa kanya at agad siyang niyakap.

"Felix, mahal kita." Sabi ko. Kaya kong tiisin kahit ma'y ibang babae siya. Mahal ko 'e. Kahit na magkaroon pa ako ng kahati sa kanya, okay lang. Hangga't ma'y nararamdaman pa siya sa'kin hinding-hindi ko siya papakalwan. Pero ayokong dumating sa punto na maubos ako ng dahil sa kanya. Dahil hindi ko talaga kakayanin...

"Mahal na mahal din kita." Sabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Sana 'yung pagmamahal mo, sa'kin lang. Kasi nasasaktan akong makita kang nagpapakita ng pagmamahal sa iba na dapat sa'kin lang. Ako naman 'yung babaeng unang minahal mo 'e. 'Di ba sabi mo? Pero bakit kailangan kong magkaroon ng kahati sayo? Sana akin ka na lang ng buong-buo.

Kumawala siya sa pagkakayakap at hinarap ako. Nagaalala siyang tumingin sa'kin at hinaplos ang pisngi ko. I just looked down kasi hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya. Naiinggit ako dahil hindi lang ako ang babaeng tinititigan niya ng ganito.

"Kanina pa kita hinihintay. Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa'kin bago ka umalis kanina? Palagi ka ng ganito, hindi ka man lang nagsasabi." He said. Tumingin ako sa kanya at bumungad sa'kin ang nagaalala niyang mukha. Na para bang wala siyang ibang inaalala kundi ako at walang ibang babae sa pagitan ng pag-iibigan namin.

"Kinailangan kong umuwi sa bahay. Ayoko namang maabala pa kita." Pagdadahilan ko. Atsaka pake mo ba. 'E 'di ba ma'y kasama kang babae that time? Pa'no ko sasabihin sayo? As if naman magkaroon lalo ako ng balak sabihin sayo pagkatapos ng nakita at narinig ko. Magtitiis na lang ako kasi mahal pa din naman kita, Felix.

"I always have time for you." He said. Niyakap niya ulit ako at isinubsob ko ang ulo ko sa dibdib niya. "Nagaalala ako para sayo. Ang payat mo na."

How can he act too normal na para bang wala siyang ibang babae? Bakit ganito pa din niya ako tratuhin? Dahil ba kailangan niyang magtiis para sa peste nilang pustahan? Well, mas kaya kong magtiis para tumagal lang ang relasyon namin kahit alam ko na 'yung totoo. Handa akong masaktan makasama ko lang siya hanggang sa ikakatagal ng pustahan nila. Pero sana lang... matuto siyang mahalin ako ng totoo. Mananatili naman ako kung sakaling piliin niya ako sa huli. Tatanggapin ko pa rin siya. Kasi masyado na akong napamahal ng sobra sa kanya.

"Wala 'to." Sabi ko. Ngumiti ako, kasi kayang-kaya pala naming magpanggap na masaya kahit binabalot kami ng kasinungalingan.

Natapos ang buong maghapon ko kina Felix at naging normal lang ang pagkilos niya. Pinilit niyang ihatid ako kahit umaayaw ako. Hindi ako nagpapabebe, sadyang ayoko lang umasa palagi sa kanya. Hindi ko naman siya driver para ihatid sundo niya ako at wala siyang obligasyon para gawin niya sa'kin ang gano'ng bagay.

Naging tahimik kami sa byahe. Mabuti na lang at nakatulog ako para hindi ko na maisip pa ang iba kong alalahanin. Nagising na lang ako nung nasa tapat na kami ng bahay namin. Nagpasalamat ako kay Felix at nagpaalam na siya sa'kin.

Walang gana akong pumasok sa loob ng bahay. Dumeretso agad ako sa kwarto ko at humiga. Bigla na lang akong lumuha nang hindi ko namamalayan. Dahil siguro kahit hindi ko isipin ang bigat na dinadala ko, nararamdaman ko pa rin ito. Mahirap talagang pigilan kapag damang-dama ko 'yung sakit. Kahit anong pagpipigil ko't pagpipilit na maging okay, wala ding nangyayaring maganda 'e, natatalo pa rin ako sa huli.

Unti-unti na namang bumabalik ang sakit na nararamdam ko noong mga panahong magkaaway pa kami ni Kuya. Kung kailan nakakabangon na ako mula do'n ay tsaka naman ito bumabalik at hinihila ako pababa. Wala na bang ibang balak ang kapalaran ko kundi ang pahirapan ako? Ano bang nagawa ko? Gusto ko lang mabuhay ng masaya.

__

Nakatulog pala ako at late na nagising. Mabuti na lang at ma'y kinse minutos pa akong natitira para buksan ang coffee shop. Mahirap na kapag nalate ako, ayoko namang pagalitan ako ni Ma'am Mikka. Ma'y tiwala din siya sa'kin na kailangan kong panindigan.

Naghalf bath lang ako dahil kulang ako sa oras. Hindi ko na rin nagawang ayusin ang buhok ko. Mamaya na lang sa shop kapag maglalagay ako ng hairnet. Agad kong kinuha ang uniporme ko kahapon, hindi ko na ito nagawang labhan dahil sa limot. Inilagay ko ito sa bag at nagmamadali umalis ng bahay.

Sakto akong nakarating sa shop at binuksan ko kaagad ito. Naglinis-linis din muna ako sa loob at labas ng shop. Dumating na rin ang ibang staff dito at binati naman nila ako. Nagkaroon ng mga tao sa shop at naging busy ako na pagsilbihan sila. Ang demanding nung iba, sarap sapakin 'e. Pasalamat sila marunong ako magtiis kung hindi malamang matagal na akong nasisante sa trabaho. Itapon ko kaya sa kanila 'yung kape nila, kainis 'e.

Nagseserve ako ng orders nang mahagilap ko ang isang pamilyar na babae. Hindi ko pinahalata pero maya't maya ko siyang tinitingnan. Hindi ako pwedeng magkamali, siya 'yung babaeng kasama ni Felix kahapon. Nagkaroon pa ako ng tyansa na makita siya sa malapitan at masasabi kong maganda siya. Ibinigay ko ang kapeng in-order niya. Dali-dali akong umalis sa harap niya dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Baka ibalibang ko lang 'yung tasa ng kape sa kanya.

Tumambay ako sa counter at nakipaghuntahan sa'kin si Ma'am Mikka. Puro pagsang-ayon lang ang sinasabi ko sa kanya dahil wala naman siyang ibang kwinekwento kundi si Kuya. I tried to pay attention to Ma'am Mikka para makalimot man lang ako dun sa babae ni Felix.

Pero mas hindi ko kinayang makinig sa kanya nang makita ko si Felix na ma'y dala-dalang bulaklak at naglakad patungo sa babae niya. Pilit kong ininda 'yung sakit na nararamdaman ko. Mukhang ako pa ata 'yung babae niya at siya talaga ang tunay na girlfriend nito. Hindi ko sila kinayang pagmasdan kaya pumasok agad ako sa stock room. Dito ko na unti-unting ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Kailangan ba 'to matatapos?

"Anong ginagawa mo diyan, Marzia? Ma'y mga tao na sa shop." Rinig kong sabi ni Ma'am Mikka. Pinunasan ko muna ang mga luha ko bago humarap sa kanya.

"Ma'am, pwede po bang mamaya na lang ako magpaliwanag? Please po, hayaan niyo po muna ako dito sa loob. " Sabi ko.

"Pero promise me, irereto mo ako sa Kuya mo ha." Tumango na lang ako sa kanya bago niya ako iwan dito.

Nang makatahan ako lumabas ako sa stock room at hindi ko na nakita sina Felix. Tinapos ko ang shift ko dito sa coffee shop at dumeretso na sa school. Napansin kong kararating lang din ni Felix dito. Nakita niya ako at agad na nilapitan. I tried to act normal infront of him. I even smiled to hide all the pain inside me.

"Ma'y gusto sana akong sabihin sayo."

He said and gulped.

Agad kong hinawakan ang kamay niya at ngumiti. "H'wag na muna."

Natatakot ako na baka kung ano ang sabihin niya. Hindi pa ako handa. Masyado pang malalim ang sugat ko at wala akong mahanap na paraan para man lang ma'y ipanakip ako dito. Para man lang maitago ko kahit saglit at makalimot dito.

Hindi niya na ako inihatid sa room dahil ma'y kinausap pa siyang teacher. Nagexcuse naman ako sa kanilang dalawa. Wala namang nagawa si Felix kundi hayaan ako. Umakyat akong mag-isa patungo sa third floor at unang bumungad sa'kin si Jian. Mukhang kanina pa siyang merong hinihintay.

Nilapitan niya ako at nginitian ko lang siya. Tinanong niya kung okay lang ba ako at tumango ako. Wala akong binanggit tungkol sa nangyari kanina. Mas mabuti siguro kung itatago ko na lang 'yun. Ayokong dumagdag pa sa alalahanin ni Jian. Masyado na siyang maraming nagawa para sa'kin.

Tulala lang ako sa klase. Hindi ko talaga maiwasan. Siguro dahil sobrang lala na ng dinadala ko. Gusto kong sumagot sa klase para man lang makalimot pero namemental block lang ako.

Tina tried talking to me but I just gave her my silent treatment. Gusto kong magpaliwanag sa kanya pero hindi ako makaimik. Siguro kasi once na umimik ako, wala akong magagawa kundi ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

Dumating ang lunch at hindi ako nagpakita kina Tina. Dumeretso lamang ako sa cr at pumunta sa pinakadulong cubicle. Dito na nagsimulang bumagsak ang mga luha ko. Para itong ilog na walang tigil sa pag-agos. Wala naman akong magawa. Dahil alam ko sa sarili kong wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi sakit lang ng damdamin.

I didn't attended my remaining classes anymore. Nagpalipas lang ako ng oras sa cr. Nagcutting class ako at dumeretso na sa convenience store. Tinawagan kasi ako ni Sir Edwin kanina na aalis siya at kailangan niyang ako daw muna ang magmanage ng store. Pumayag naman ako. Ako lang daw kasi ang mapapagkatiwalaan niya dahil nangungupit ng pera at stock ng packages ang iba sa kasamahan ko.

Alam kong ngayon ang liga nina Felix pero hindi ako pwedeng pumunta do'n habang ganito ang sitwasyon ko. Baka maiyak lang ako do'n at ayoko namang maging agaw eksena pa. Tutal, ma'y ibang babae na naman siyang magchi-cheer para sa kanya. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko't maibato ko lang 'yung bola sa kanya.

Malapit na matapos ang shift ko sa convenience store at nagrerefill na lang ako ng packages. Bumalik ako sa stock room para ayusin ang ilang kahon dito. Nang matapos ako dito, tumayo ako at kukunin na sana ang bag ko para makapagpalit ng damit nang makita ko ang hindi ko inaasahang tao.

Ma'y pagkamadilim dito sa stock room pero alam na alam ko kung sino siya. Tindig niya pa lang at aura ay alam kong siya ang lalaking minamahal ko.

"Felix..." Lumapit siya sa'kin ngunit yumuko lang ako. Hindi ko siya kayang harapin sa mga oras na 'to.

"Is this the reason why you're avoiding me?" Tanong niya.

"Bakit... bakit ka nandito?" Pagiiba ko.

"Answer me, please." Dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko at marahan itong pinisil.

"Ma'y liga pa kayo. Umalis ka na dito."

"So what? I bailed on it."

"Bumalik ka na do'n." Pagpipilit ko. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at hinarap siya. Bumungad sa'kin ang mga nagbabadya niyang luha, wala akong ibang nakikita sa kanya kundi awa.

"Hindi ka man lang ba magpapaliwanag sa'kin? Face me, Marzia. Tell me what's wrong. Sabihin mo sa'kin kung bakit kailangan mo magtrabaho ng doble. I can help you, I promise. Hindi mo kailangang magtago sa'kin." He said.

Nagunahan sa pagpatak ang mga luha ko. Pa'no niya nagagawang magsalita sa harap ko ng mga bagay na 'yan samantalang trinatraydor niya naman ako sa likuran ko. Hindi ko na kinaya ang sarili ko at napapikit na lang sa sakit ng nararamdaman ko.

"I don't need your help at wala akong dapat ipaliwanag sayo. Kung meron man, ikaw 'yon! Hanggang kailan mo ba itatago sa'kin? Parehong-pareho lang kayo ni Spencer na manloloko."

"What are you talking about?" Wala kamuwang-muwang niyang tanong. Dumilat ako at bumungad sa'kin ang nagaalala niyang mga mata. At lalo lamang ako nainis sa inasta niya. Sinubukan niyang lumapit sa'kin ngunit tinulak ko lamang siya palayo.

"Ma'y ibang babae ka na, 'di ba?! Bakit ka pa ba nandito? Bakit ka pa ba nagaalala para sa'kin? Alam kong pinagpupustahan niyo lang ako ng mga kabarkada mo! Akala ko ba hindi ako laro para sayo? Pero nagawa mo akong paikutin. Masaya ka na ba?! Sabihin mo sa'kin kung hanggang kailan ang pustahan niyo at handa akong magtiis! Umalis ka lang sa buhay ko pagkatapos na pagkatapos!" Bulyaw ko. Damang-dama ko ang bawat pagpatak ng luha ko, isa 'to sa parte ng sarili ko na napakasakit pakalwan.

"Sorry." He said. Lalo lamang akong nadurog sa sinabi niya. Ni hindi man lang ako nakaramdam ng kaluwagan sa dibdib ko. Lalo akong nanghina at bumilis lalo ang pag-agos ng luha ko.

"Bakit... bakit mo 'to nagawa sa'kin?"

Niyakap niya ako at nabigla ako sa mahina niyang paghikbi dahil lumuluha na pala siya. "Akala ko napatunayan ko na sayo ng lubos ang sarili ko. Akala ko sapat na. Sorry dahil nagkulang ako. Bakit ganyan kababaw ang tiwala mo sa'kin? Ano pa ba ang dapat gawin ko?" His voice suddenly cracked. "Mahal na mahal kita, Marzia. Hindi kita kayang lokohin. I'm sorry for letting you to have the wrong idea. Hindi ko alam na pinagpustahan pala tayo ng mga kabarkada ko. At wala akong ibang babae dahil ikaw lang naman ang mahal ko. Wala ng iba." Sambit niya.

"E sino 'yung nakita ko kahapon na babaeng kasama mo?! At hindi ako nagkakamali sa narinig ko mula sa mga kabarkada mo!" Pilit ko siyang tinutulak palayo sa'kin ngunit lalo niya lang ako niyayakap ng mahigpit. Hindi, ayoko na talaga magpaloko. Tama na, masyado ng mabigat.

"Kaibigan ko lang siya at wala akong alam sa pustahan na 'yan. Nakita at narinig mo nga sa iba, pero tinanong mo ba ako? Inalam mo ba ang parte ko? H'wag ka naman maniwala kaagad, nasasaktan na din ako." His voice cracked again. At isa ito sa pinakamasakit na tinig na narinig ko na nagdulot sa'kin ng luha. It's full of pain.

"Kaibigan? Kaibigan mo pero nagawa kang halikan?! Nagawa mong bigyan ng bulaklak?! Sige nga!" Sigaw ko. Hindi ako nagpatinag at sinusuntok ko ang dibdib niya ngunit hindi pa rin niya ako inaalis sa mga kamay niya.

"I swear, hindi ko ginusto ang nangyari. Wala akong balak na ipagpalit ka, Marzia. Ikaw lang ang babae sa buhay ko. Ayokong maging ganito tayo habang tumatagal. Please, ayusin natin." He said.

Sa oras na ito, gusto kong maniwala sa kanya at hayaan na lang ang puso ko na gawin ang nais nito. Ayoko ng makinig sa isip ko na walang ibang ginawa kundi ibalot ako sa takot.

Dahil sa sobrang panlalambot ay niyakap ko siya. Isinubsob ko lang ang ulo ko sa dibdib niya. Nakaramdam ako ng sobrang panghihina at napapikit na lang. Alam kong ligtas ako sa mga kamay. Hinding-hindi niya ako bibitawan.

Pinilit kong idilat ang mga mata ko ngunit hindi ko na kinaya. Pagod na pagod na ito at parang sobrang bigat nito. Hindi ko maintindihan ang mga gustong ipahayag ng ingay na naririnig ko mula sa paligid. Gusto kong intindihin ito ngunit hindi na kaya ng lakas ko. Masyado ng napupuno ng alalahanin ang isip ko. Sumikip din ang dibdib ko at nahirapan akong huminga.

The next thing I knew, I was left unconscious.

___

Ma'y malaking pagkakaiba pala ang puso at isip. Ang puso, handang magrisk without any doubt. Samantalang ang isip, ipu-push ka sa mga bagay na ikalalayo mo mula sa taong minamahal mo dahil natatakot kang masaktan. And again, what's love without risk? Sa pangalawang pagkakataon, pinagdudahan ko si Felix. At masasabi kong isa ito sa pinakamasakit na bagay na ginawa ko. Hindi lang para sa'kin kundi para sa kanya.

Kung sinuman ang lubos na nasasaktan sa'min ngayon, alam kong si Felix ito. And it made me feel like a bad person. Nagi-guilty ako dahil ipinaranas ko sa kanya na para siyang isang taong hindi mapapagkatiwalaan, na taong walang isang salita. Higit sa lahat, ipinaranas ko sa kanya na nagkulang siya kahit na ibinuhos niya lahat ng efforts na pwede niyang maibigay para lang sa'kin.

Isa na siguro ako sa pinakamaswerteng babae dahil natagpuan ko ang lalaking magmamahal sa'kin ng lubos, ngunit wala akong ibang ginawa sa kanya kundi ang saktan siya. Palagi ko na lang ipinaparanas ang mga bagay na hindi karapat-dapat para sa kanya. Nagsisisi ako sa lahat ng nagawa kong pagdududa sa kanya. At sa pagkakataong ito, masasabi kong hindi ko siya deserve.

"Finally, you're awake. Thank you, God." He said. Napangiti ako sa kanya. He's always by my side. "How are you feeling? Ma'y masakit ba?"

Pinagmasdan ko ang paligid at nasa ospital pala kami. Nakahiga lamang ako habang si Felix ay nakaupo sa upuan na nasa tabi ng kama. Unti-unti akong umupo sa kama at inalalayan naman ako ni Felix.

"Wala, Felix. Okay na ako."

Pinaliwanag sa'kin ni Felix na over fatigue daw ako sabi ng doctor. Kailangan ko daw ng pahinga at kailangan kong umiwas sa mabibigat na gawain. Umamin ako sa kanya na magpupumilit pa rin akong magtrabaho dahil kailangan namin. Hindi ko naman pwedeng iwanan na lang ng basta-basta ang trabaho ko. Kailangan namin ng pera para pangtustos sa pangaraw-araw naming pangangailangan.

"You don't need to work anymore. I can help you with your financial crisis. I already talked to your brother." He said.

"Pero ayokong umasa sayo at lalong ayokong isipin mong ginagamit lang kita. Ayokong mag-alala ka sa'kin at hindi ko gustong iniisip mo ang kalagayan ko. Kaya ko ang sarili ko, hindi mo 'ko kailangang intindihin palagi."

"Kung anuman 'yung pag-aalala ko sa'yo at mga bagay na ginagawa ko para sa'yo dahil 'yun sa kagustuhan ko kasi nga mahal kita." Sabi niya. I felt a relief. Felix never argue with me. Palagi niyang iniisip ang kalagayan ko at iniintindi ako. That's why I'm deeply in love with him. Mahal niya talaga ako.

"Sorry. Hindi ako sanay na umaasa at ayokong kinaaawaan mo ako." Sabi ko na para bang nahihiya pa.

"Hindi kita kinaaawaan. I'm so proud of you. I haven't seen a girl as strong as you. Hindi kita hahayaang mahirapan pa, I'm here now." He genuinely smiled. Ngumiti din ako sa kanya. He really does care for me.

Dumating 'yung sinasabi ni Felix na kaibigan niya. Sinundan siya nito hanggang dito. Sabi ni Felix sa'kin na nagpaalam daw siya sa Mama niya at baka daw nagtanong ito kay Tita. Kinausap na din ako nung kaibigan niya. Umamin din sa'kin 'yung kaibigan niyang si Rose. Ma'y gusto daw talaga siya kay Felix. Napilitan lang daw na bilhan siya ni Felix ng bulaklak dahil tinakot daw siya ng Ate niya. Ninakawan daw din niya ito ng halik dahil malakas daw talaga ang tama niya sa kanya. Magbestfriend daw kasi si Rose at 'yung Ate ni Felix kaya gagawa talaga ng paraan ang Ate niya para maging masaya si Rose. Hindi naman daw niya alam na ma'y girlfriend na si Felix kaya niya nagawa 'yun.

Sinapok ko pa si Felix dahil hindi niya sinabi na ma'y girlfriend na siya. Sinabi niya naman daw kaso hindi raw talaga naniwala si Rose at ayaw lang daw siyang lubayan nito dahil napakagwapo niya daw at irresistable ang charm niya. Sinapok ko pa siya lalo, ang yabang, 'e akin lang naman siya.

Nagsorry na din ako sa napakabigat kong kadramahan sa buhay. Naiintindihan naman daw niya dahil mahirap daw talagang magpakawala ng loyal na nilalang na katulad niya. Tinawanan ko na lang siya, totoo naman 'e. Napahiya tuloy ako dun.

Alam kong ma'y mabigat na kasalanan pa rin ako kay Felix. Hindi man siya magsabi sa'kin pero alam kong hindi agad bastang nahilom ang sakit na nararamdaman niya.

"Sorry, pinagisipan pa kita ng masama. Nasaktan ako na baka totoong ma'y babae ka. Hindi ko naman kasi kaya na wala ka. Hindi ko talaga kayang ma'y kasama kang iba at nakikita kong sumasaya ka nang hindi ako ang dahilan. At natakot ako kasi akala ko pinaglalaruan mo lang ako. Ayokong maging laro lang ang lahat sa pagitan natin dahil seryoso ako sa'yo. Mahal talaga kita, Felix." I said.

"Seryoso ako sa'yo, Marzia. H'wag ka ng iiyak ha, dahil nasasaktan ako ng doble pa kapag nakikita kang ganyan." Hinaplos niya ang pisngi ko at hinawakan ko ang kamay niya.

Nagpaalam siya sa'kin at bumili siya ng pagkain sa labas. Sabay kami ditong kumain ng hapunan. Masyado siyang mabait at maalaga para mapunta lang sa kagaya ko. Pero pwede bang magdamot ako kahit ngayon lang? Pwede bang akin na lang siya hanggang dulo? Alam kong hindi ko siya deserve pero mahal ko talaga siya.

Hindi ko napansing gabi na pala. Pinayagan na kami ng doctor na lumabas ng ospital. Niresetahan din kami ng gamot at nagbilin pa sa'kin ng marami. Dumaan pa kami ni Felix sa isang pharmacy at bumili siya ng gamot. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang ako no'ng nasa tapat na kami ng bahay namin.

Lumabas kami ng kotse at nagpahangin muna. Niyaya ko siya sa loob ng bahay pero h'wag na daw. Magpahinga na lang daw ako. Niyakap ko siya bago magpaalam at pumasok na sa loob ng bahay.

Bumungad sa'kin si Kuya Marco at agad na nagkasalubong ang kilay ko. Parang gusto kong pasubugin ang mukha niya dahil sa kakapalan nito. Nakakainis siya! Kahit kailan talaga hindi siya nagpapakita ng kanipisan ng mukha. Gumagawa talaga siya ng paraan para ipahiya ang pamilya namin.

"Magkano... magkano ang ibinigay sayo ni Felix?" Inis na tanong ko dito. Pilit kong pinakalma ang sarili ko, I don't want to cause trouble, masyado na akong pagod sa lahat ng nangyayari.

"Hundred thousand." Tipid na sagot niya at tumalikod siya mula sa'kin.

Dumeretso siya sa kitchen at sinundan ko naman siya. Binuksan niya ang ref namin na ngayon ay punong-puno ng laman, malamang siya ang bumili nito. Kumain siya sa harapan ko na para bang wala kaming pinoproblema. Nananadya ba siya?! Mas gugustuhin ko pang walang laman ang ref namin kesa naman 'yung umaasa kami sa ibang tao!

"Grabe, tinanggap mo 'yung pera galing kay Felix. Nagiisip ka ba? O baka naman sinadya mo talagang humingi?! Ayos ka din, 'no!" Sigaw ko. Hindi ko na talaga kaya makapagpigil lalo na kung ganito lang ang inaasta niya. Masyado na siyang abusado.

"Hindi 'yun malaking kawalan sa kanya. Si Felix ang nagmamanage ng isa sa branch ng restaurant nila dito sa region natin. Kumikita siya big time dahil ang Papa niya ang mismong boss niya. H'wag kang magalala, boyfriend mo naman 'e. Gamitin mo din siya minsan." Saad niya. Lalo lang akong nainis sa sinabi niya. Talagang pinaninindigan niya na talaga ang kakapalan ng mukha niya.

"Hindi ibig-sabihin non tatanggapin mo na ang gano'ng kalaking halaga ng pera! Ano ba naman, Marco!" Bulyaw ko. Hindi siya nagsalita kaya pilit akong huminahon at sinamaan ko na lang siya ng tingin. "Whatever, I'll still work. Hindi ako katulad mo na magaling lang umasa."

"You're already fired." He chuckled.

"Ano?" Agad na nagkasalubong na naman ang kilay ko. Wala na atang ikagagaan pa ang sitwasyon ko.

"You're fired, both in the café and convenience store. Kinausap ni Felix 'yung mga boss mo. You should be thankful, h'wag kang magalala, transfered na ang sahod mo at hindi mo na kailangang magtrabaho dahil si Felix na ang bahala sa lahat." Seryoso niyang sabi. Wow, so dapat ko pang ipagpasalamat 'yon?! Anong akala niya natutuwa ako sa nangyari?!

"Okay ka lang sa ganito? Nakakatiis ka talaga, 'no? Sabagay mukha kang pera! Sanay na sanay ka talagang umasa sa iba! Hindi ka na nahiya!" Sigaw ko.

"Oo, mukha na akong pera, Marzia! At mahilig din ako umasa dahil alam kong hindi na natin kaya! Kailangan natin ng pera hangga't maaga pa! Ma'y buhay na nanganganib! Ayan, naiintindihan mo na ba?! Sa tingin mo madali lang ang lahat ng 'to para sa'kin?!" Bulyaw niya. Nabigla ako sa nasabi niya. Ni hindi ko man lang inasahan ang lalabas mula sa bibig niya. Nanlambot ako sa mga bagay na nabanggit niya. Hindi ko yata kakayanin kapag nalaman ko pa ang mga susunod niyang sasabihin. I think it's already too much.

"Si P-papa? Hindi pwede! Bakit hindi agad kayo nagsabi sa'kin! Kasi naman puro lihim kayo sa'kin ni Mama! Tapos hindi ko man lang alam kung ano na bang nangyayari sa kanya! Gumagawa na nga ako ng paraan para umayos ang lahat pero wala kayong ginawa kundi maglihim sa'kin! Ano bang pamilya ang meron tayo?!" Unti-unti ng pumatak ang mga luha ko. My hands and knees begun to tremble. I can't feel myself anymore. All I want now is to know the truth even if it will bring me great pain.

"Isang mahirap na pamilya. Sa tingin mo ba gusto naming ilihim sayo? Walang ma'y gusto na maglihim kami mula sayo pero kailangan. Gusto naming sabihin sayo pero hindi pwede. Gustuhin man namin pero hindi namin kaya at mas hindi mo kakayanin. Wala ni isa sa pamilya natin ang humiling na sana maging ganito ang sitwasyon natin dahil lahat tayo dito ay nagtitiis lang." Saad niya.

"Wala akong pakialam! Anong nangyari kay Papa?! Saan siyang ospital naka-confine?! Kailangan ko siyang puntahan! Parang awa mo na Kuya, sabihin mo!" Umiwas siya ng tingin at unti-unti na ding naluha.

Hindi ko nakontrol ang sarili ko at padabog kong naihampas ang magkabila kong kamay sa babasagin naming lamesa. Nagdulot ito ng nakakabinging pagkalampag sa buong bahay. I formed my fist and ease the pain. Unti-unti mang dumudugo ang kamay ko dahil sa kukong nakabaon dito ay wala na akong pakialam dito.

"Hindi si Papa, Marzia. Hindi siya... hindi mo lang napapansin kasi wala ka namang ibang inisip kundi si Papa. Wala kang ibang pinapakinggan kundi si Papa. Siya lang ng siya ang inaalala mo, kung okay lang ba ang kalagayan niya, kung okay lang ba siya sa ospital, kung magaling na ba siya." He gulped and looked at me with full of pain. "Pero ni minsan ba tinanong mo sa sarili mo kung okay lang si Mama?"

Paulit-ulit na nag-echo sa isipan ko ang mga salitang sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Walang kung anumang salita ang lumalabas sa bibig ko. No words could express my pain. Ngunit ang alam ko lang ay patuloy sa pagluha ang mga mata ko.

"Mom is diagnosed with leukemia a year ago at isang linggo ko na itong kinikimkim mula ng malaman ko ito sa kanya." He said. Lalo siyang lumuha at namumula na ang mga mata niya ng dahil sa pagiyak. "Ang galing ni Mama, 'no? Naitago niya sa'tin ng ganito katagal ng hindi man lang natin nalalaman. Kung ma'y best in hide 'n seek, siya na panigurado ang pinakamagaling magtago sa lahat. Gaano kaya siya naghirap para ilayo ang sarili niya mula sa'tin para lang hindi tayo magalala at masaktan? Alam mo ba, Marzia?"

"Kuya, tama na..."

"Sabi nga nila, mother knows best." Sabi niya at ngumiti ng mapait. At ang ngiting 'yon, ang isa sa pinakamasakit na ngiting nakita ko sa buong buhay ko. "Naniniwala ka ba?"

Imbis na tumango sa kanya ay napahagulhol ako sa pag-iyak.

Dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, wala akong nagawa kundi ang hayaan ang sarili kong sumigaw.

Sigaw na puno ng paghingi ng tulong at awa mula sa itaas.

Sigaw na minsan ko ng narinig mula kay Mama, puno ng sakit at kalungkutan na hindi matutumbasan.

Sana hindi ito panaginip, dahil wala namang panaginip na ganito kasakit.

At hindi ko naman gustong ipagpatuloy ang ganitong klaseng panaginip. Dahil babangon lang agad ako at pipilitin mamuhay ng masaya.

Ngunit hindi ganito kadali ang realidad.

Because...

Life keeps proving me how painful reality is.

--

Vote. Comment. Share.