Chapter 22: I'm Okay
Akala ko kapag pinilit kong maging okay magiging maayos ang lahat. Maiibalik ko ang dating kasiyahan ko.
Ano bang klaseng tanong ang okay ka lang ba?
Kung kasali sa exam ang tanong na 'yan, panigurado tama lahat ng taong sasagot niyan. Dahil kahit hindi totoo, kahit masakit, magpapanggap pa rin tayo para makapasa at tumama. All we did is to hide the pain inside us. But we didn't know that we're slowly dying-----o siguro ako lang. Unti-unti nang namamatay ang sarili ko, hindi man literal pero nawawala na 'yung dating ako.
Okay ka lang ba?
Hindi mo naman tatanungin ang isang tao ng ganyan kung wala kang nakikitang mali at kakaiba sa kinikilos nila. Kaya bakit mo pa ba sila tatanungin? To show concern? Mapapangiti lang sila dahil sa pait at bigat na nararamdaman nila. Hindi naman 'yun ikakabawas ng problema ng isang tao. Pipilitin pa rin nilang maging ayos sa harapan mo kung tanungin mo sila.
Lalo lang silang mapapaisip kung okay lang ba talaga ako? Okay lang ba talaga ang sarili ko? Kahit gaano pa kalalim ang sugat na dinadaing ng bawat isa, wala naman tayong ginawa kundi takpan ito.
At kung magtanong ka niyan sa kaibigan mo o sa taong malapit sa'yo, wala naman silang ibang isasagot kundi ang mapait nilang oo at sabay nilang ipapakita ang pinakamasakit na ngiting makikita mo. Ang ngiting nagtatago ng problema nila sa buhay. Kaya tumingin ka sa mga mata nila kapag wala silang kausap, kapag walang tao ang alam nilang nakatingin sa kanila. Dito mo makikita kung ano ba talaga ang nararamdaman nila. Dahil lumalabas ang totoong hinanakit natin kapag wala ng taong nakakakita.
Sino ba namang tao ang gustong ipakita ang kahinaan nila? Wala naman. At kung meron man, you haven't experience how tough life is. O hindi ka pa talaga marunong lumaban sa buhay para ipakita ang kahinaan mo sa iba. Dahil kung lumalaban ka talaga, hindi mo hahayaang madurog ka ng problemang binabato sayo ng buhay. Why show your weakness if you're fighting in life? Laban lang kahit masakit.
Hindi man ako makapagisip ng maayos kahapon, pinilit ko pa ding mag-aral para sa exam namin ngayon. Ito na lang ang tangi kong maipagmamalaki para sa kanya.
Naglalakad ako ngayon patungo sa school habang nagmememorize ng mga terms para sa exam. Mabuti pa ang exam, lesson muna bago pagsubok. 'E sa buhay ng tao nauuna pa ang pagsubok. Natutuwa pa nga ako 'e, kasi una palang nacha-challenge ka na. Nasusubok agad ang faith mo sa sarili mo sa kung paano mo lalagpasan ang pagsubok. Tapos kapag nagtagumpay ka at nalagpasan ang isang problema, tuwang-tuwa ka. Kasi through that process and experience, nalaman mo mismo ang lesson na ibinigay sayo ng Maykapal.
Life is full of surprises. Hindi mo alam kung anong nasa loob nito. It's whether mabibigla ka for better or for the best. Naniniwala kasi ako na ma'y dahilan ang bawat bagay na nangyayari sa buhay natin. Naniniwala ako na ma'y maganda dahilan ang lahat ng problema na dumadating sa buhay natin. Hindi man natin malaman ngayon, along the way, unti-unti din natin itong malalaman at mare-realize.
Parang ang tatag kong tao kung makapagsalita ako sa sarili ko. Kasi wala akong ibang choice kundi lumaban. Ayokong matalo, ayokong maging isa sa pinakamalaking downfall ng pamilya namin.
Kaya ko pa naman.
Dumating ako sa eskwelahan at naabutan kong maraming nagsisigawan. More like nagchi-cheer na para bang nanonood ng boksing ni pacquiao. Pero iba ang boksingero ng school namin-----ang dating Felix. Ewan ko, parang bumalik siya sa dating nakikita ko na sarili niya.
Lumapit ako sa unahan ng mga nagsusuntukan at nakita si Felix na nangungunang sunggaban 'yung mga lalaki. Pinagmasdan ko ang mga lalaking nakikipaglaban sa kanya at mukhang pamilyar sila sa'kin. Muling bumalik sa'kin ang mga masasakit na salitang nabanggit nila noon. Sila 'yung mga lalaking kabarkada ni Felix noon na narinig ko sa conveniece store.
Pumagitna ako at pinigilan si Felix na sunggaban ng suntok 'yung lalaking nagsabi na hindi kami magtatagal. Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi ng ugok na 'to. Hindi niya alam kung gaano ako nasaktan para akalaing totoo ang mga kasinungaliang sinabi niya. Pinagmukha niya akong nasa theater act na kailangan naming i-persuade ang audience. Sobra naman akong nadala kung gano'n.
Ako ang sumunggab do'n sa lalaki. Malakas ang loob ko dahil halata kong hirap na ito sa paglalakad at napuruhan na masyado ni Felix. Kaya no'ng sinuntok ko siya sa mukha, na-knock out agad siya.
Nakangisi akong umalis sa harapan ng nakararami at ramdam ko naman ang pagsunod ni Felix. Sa wakas, kahit papa'no nakabawi din ako sa mga mokong na 'yun. Mga walang'ya, pinaiyak ako nang grabe.
"Ano ba 'yan, akala ko magagalit ka sa'kin tapos susuyuin mo ako, then ipagpipilitan mong h'wag ko ng gawin ulit 'yun kasi nagaalala ka masyado para sa'kin. Pero tinulungan mo pa ako 'e. Okay ka lang, Marzia? Ma'y sakit ka ba palagi?" Saad ni Felix mula sa likuran.
Tumapat siya sa akin sa paglalakad at binatukan ko lamang siya sabay hawak sa kamay niya. Namula siya sa ginawa ko kaya natawa ako ng marahan. He's so manly yet he acts so soft when it comes to me.
"Siguro naman alam mo kung sa'n ka babagsak pagkatapos ng ginawa mo. Kung mapapahamak ka, sabay tayo." Saad ko at binuksan ang Dean's Office.
Bumungad sa amin si Mrs. Vergara na mukhang kanina pa kami hinihintay. Nagkasalubong agad ang kilay niya nang tumingin siya sa'min-----o sige sa'kin lang talaga. Parang ako mismo 'yung nangbugbog sa mga lalaki. Naiinis tuloy ako kung bakit naisipan ko pang magpahuli.
Pero ano nga bang magagawa ko? Huwarang bata ako, remember?
--
Akala ko mapapahamak kami, pero parang walang nangyari. Hindi man lang kami naparusahan nina Felix. Nakipagkwentuhan nga lang siya kay Mrs. Vergara at humupa na agad ang galit niya. No'ng una nadisappoint siya pero nang magexplain si Felix tinanggap niya ito ng maluwag. Inamin din naman ng mga dating kabarkada ni Felix na sila ang ma'y kasalanan kaya naging ayos na ang lahat.
Nageexam kami ngayon at bother na bother ako. Pawis na pawis ang mga kamay ko at nahihirapan sa pagsasagot. Kinakabahan ako na magkamali. Tense na tense ang buong sistema ko at hindi makapagisip ng maayos. Nalilito din ako sa fill in the blanks.
Hindi ko akalaing ganito ako maaapektuhan ng problema. Napakalaking sagabal nito sa pagaaral ko. Bakit kung kailan exam tsaka dumagdag pa itong problema namin sa bahay? Sobrang hirap magaral ng ma'y maraming alalahanin. Ang hirap ihandle ng sabay. It's like I'm forcing myself to run away with chains around my body, whenever I run, I'm slowly killing myself.
Hindi ko na kinaya at inilabas ko ang isang papel mula sa bulsa ko. I begun to write it down on my test paper and before it's too late I placed it back on my pocket. I didn't notice that the main teacher was looking at me suspiciously. From the looks of this, I'm already caught off-handed. The next thing I knew, I was sent to the office.
--
Natapos ang exam namin at hindi ko maiwasang mapatulala. Alam ko sa sarili ko kung nakapagsagot ba ako ng maayos o hindi. Pero sa sitwasyong 'to sa tingin ko bagsak ako. Ramdam ko naman ang isang bagay 'e kung tama o mali ba 'yung ginawa ko lalo na sa academics.
Pero sana swertihin ako para sa kanya.
Dismissal namin ngayon at pinasasama ako ni Jian na magse-celebrate para sa pagkapanalo ng Team nila. Siya kasi ang Team Captain at natutuwa ako dahil nanalo sila. Noon kasi madalang na manalo sila at madalas sina Felix ang panalo. Syempre nakipaggigilan pa si Felix na nanalo lang daw sina Jian dahil wala daw siya na pinakamalakas na pangbato ng Team nila. Nagtalo pa nga silang dalawa 'e.
Kasama namin ngayon ang buong Team ni Jian at patungo kami sa isang kainan. Magbu-boodle fight daw kaming lahat 'e. Libre ni Jian. Syempre sumama ako. Ibang usapan na kapag libreng pagkain ang inaalok, 'no. Kasama ko din naman sina Felix at Tina kaya hindi ako ma-o-OP kung sakali.
Ayaw pa nga sanang sumama ni Felix pero pumayag din siya nang malaman niyang kasama ako. Para daw makapagbonding kaming dalawa. I'm happy by that idea, he really wants to spend more time with me. I always feel relaxed by him. His presence makes me at ease and away from pain.
Katabi ko si Felix at magsisimula na ang aming boodle fight. Nahati sa dalawang pangkat ang table. Sa first table ay sina Jian at Tina kasama ang ibang teammates. Sa second table naman ay ako at si Felix kasama din ang ibang teammates ni Jian.
Nagsimula kaming lumamom at napatingin ako kay Felix na nagtatakaw. Inilapit niya sa'kin ang kamay niyang punong-puno ng kanin at ulam. Ngumanga ako at kinain ang nasa kamay niya. Kumuha din ako ng kanin at ulam. Natatawa siyang tumingin sa'kin bago sumubo. Kinagat niya pa ang kamay ko at hinalikan ang harap ng palad ko. Enebe?
Bumalik ako sa paglamon dahil nakalimutan kong kumain bago lumandi. Ibang klase na si Felix ha. Biruin niyo inuuna ko siya kesa sa pagkain. I mean priority hindi kainin, hihi.
Natapos ang paglamon namin at kasama ko si Felix sa paghuhugas ng kamay. Naglalandi pa nga kami ng tubig 'e. Tubig lang syempre, hindi kami. Pero sige na nga, slight lang. Gamit ang malansa at malandi kong labi ay hinalikan ko si Felix sa pisngi.
"Hey, you just stole a kiss from me."
Hindi ako tumingin sa kanya at tinuloy ang paghuhugas ng kamay. Kinikilig kasi ako 'e. Cute niya masyado para sa exotic beauty ko.
Lumingon ako sa kanya at hindi ko napansing unti-unti ng lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Tumigil siya kung kailan sobrang lapit na namin sa isa't isa. Nanlaki naman ang mga mata ko sa lapit naming dalawa. Nagkatitigan pa kami at ngumiti siya. Ewan ko lang kung hindi siya maduling kakatitig sa'kin. Bumaba naman ang tingin niya sa labi ko ngunit pwumesto siya sa gilid ng mukha ko. Gamit ang malansa at malandi niya ding labi, hinalikan niya ako sa pisngi.
Kinilig ako at ipinahid ko sa mukha niya ang basa kong kamay. Pero ang totoo niyan gusto ko lang mahawakan ang labi niya. Tumawa-tawa lang siya sa ginawa ko at itinigil na namin ang paglalandi-----ng tubig.
Nagpaalam ako sa kanya na magsi-cr lang ako. Inalok niya pa akong samahan ako para daw mabantayan ako pero hinampas ko lang siya. Pagkatapos ko mag-cr ay hinanap ko siya at nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng puno. Pinuntahan ko siya at naabutan kong nakikipagusap siya sa mga kasamahan ni Jian.
"Sayang boss, hindi ka nakalaro."
"Mas maganda sana ang laban."
"Ang galing mo kaya palagi sa praktis."
Rinig kong sabi ng ibang players. Kumirot tuloy ang damdamin ko dahil alam kong ako naman ang ma'y kasalanan kung bakit hindi siya nakalaro. Nakonsensiya agad ako 'e.
"In that moment, I almost lost the most precious diamond of my life." Saad ni Felix. Sabihin na ng utak ko na assumera ako pero feel ko ako 'yun. Kung hindi ako, makikipagpatayan talaga ako.
Nakipagusap pa siya ng ilang saglit at hindi naman ako nagpahalata na nasa likod niya lang ako. Ayokong makaabala pa. Man to man talk lang ang mga peg 'e. Nagpaalam na ang mga kasama niya at naiwan si Felix na mag-isa.
"You're adorable. I can see your small shadow from here." Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumapat sa kanya.
"Sorry, Felix. Dahil sa'kin hindi ka nakalaro sa liga. Nagkaro'n sana kayo ng malaking chance para manalo." I said. I really feel bad. Totoo naman 'e, dahil sa kadramahan ko kung bakit hindi siya nakalaro.
"I would rather lose everything except you and my family." He said. Sobrang saya ko dahil sa sinabi niya. It's like he says that I'm as important as his family. Pero biglang sumulpot sa isipan ko ang konsensiya ko na nagsasabing hindi ko naman siya deserve.
"Bakit ganito ka kabait? Bakit kahit anong gawin ko sa'yo mahal mo pa rin ako? Ma'y ginawa ba ako noon para mahalin mo ako ng ganito?" Tanong ko. Madrama na kung madrama pero totoo naman. Masyado ng unrealistic ang pagmamahal niya sa'kin. Pinagdudahan ko na siya at lahat pinili niya pa ring manatili.
"Actually wala naman, I can live without you. I can be happy without you. I can be successful without you..." He seriously said without even looking at me. Hayop? Siguro dapat hindi na lang ako nagtanong. Paiyak na ako ng dahil sa sinabi niya. Nasaktan bigla ako 'e. Hinarap niya ako at hinaplos niya ang pisngi ko habang tinititigan ako. "but without you, my life would be pointless. It's like living in a world without light. And baby, you are the light of my life and I can't lose you."
Wow. Bawing-bawi sa nasabi ha. Bigla namang napalitan ng kilig to the bones ang malungkot kong damdamin. Gising na gising ang diwa ko at nagsisisigaw na ako sa loob-looban ko. So kailangan niya muna akong paasahin bago niya sabihing mahal niya ako? Okay lang, atleast sa huli mahal niya talaga ako.
"I adore you too much and seeing you in love with me makes my heart bloom. Baby, losing you would be my biggest downfall. Before I lose you, I have to die first. You are my very last and don't you forget that." He said.
Sobra akong nadala sa sinabi niya kaya niyakap ko siya. Bakit kasi ang pogi niya tapos bumabanat pa siya ng ganito. Napayakap tuloy ako ng wala sa oras. Sana ganito na lang kami lagi. Sana palagi kaming masaya habang magkasama.
Nakakalimutan ko lahat ng problema ko kapag kasama ko siya. Totoo pala 'yung sinabi sa'kin noon ni Papa. Na ma'y kaisa-isa daw akong tao na lubos kong makilala. Na kung saan magiging komportable at malaya ko siyang makakasama. Kung saan masaya at payapa ang damdamin ko sa presensiya niya. At hindi nga nagkamali si Papa.
I already found my happiness and you just need someone to help you find it.
Malay niyo, 'yung taong tumutulong sayo palagi na maging masaya, siya na pala ang happiness mo. Na sa dulo ng paghahanap niyo ng kasiyahan, you just found each other.
--
Nagtrabaho muna ako kina Felix bago lumandi. Tawang-tawa nga kami sa isa't-isa 'e. We're doing a blog tungkol sa mga nakakalokang tanong ng mga subscriber at fans ng LIXZIA. Kumbaga question and answer portion.
Nakakaloka. Sa totoo lang ang dami naming nilikdangan na tanong. Masyadong personal 'e. Kung ano daw ang behind sa napakalaki kong t-shirt na suot-suot palagi. Kung kapatagan ba o burol o bulubundukin. Hanep.
Tapos kung pwede daw patingin na rin ng pandesal ni Felix at V-line niya. Titikman lang daw nila 'yung pandesal kung yummy and crunchy. Mga hanep talaga. Kung 'di lang ako nakapagpigil ibinato ko na 'yung basag-basag kong cellphone.
"Where did you meet each other?" Pagbabasa ko sa comment. Napatingin ako kay Felix bago sumagot. Sa'n pa ba? "School."
"First date?" Pagbanggit ni Felix. Mukha naman siyang kinilig na bulate. "Street food sa kanto malapit sa school. Tusok-tusok kaya 'yun natusok niya din ang puso ko." Kinilig pa ako at inalala ang moment na 'yun.
"How long you've been together?" Pagbasa ko. Natawa naman ako bago nahihiyang humarap sa camera. "Four weeks. Tumagal sa ligawan 'e, one month ata siyang nanligaw. Nagpabebe pa ako at nagpakipot. Pero kapag mahal niyo 'yung tao, sagutin niyo na. My friend once said, kung mahal mo daw talaga hindi mo hahayaang gumawa ka ng rason kung saan mahihirapan siya ng lubos. Kung saan mararamdaman niya at maiitanong sa sarili niya kung nagkukulang pa ba siya at kung bakit hindi pa siya sinasagot ng taong mahal niya. If you really feel na siya na ang the one at napatunayan niya sayo ang sarili niya ng lubos, don't hesitate to say your sweetest confirmation for your relationship. It's hard to look at the person you love with full of regrets kapag pinakalwan mo pa. Boys have feelings too, marunong din silang mapagod."
Inasar pa ako ni Felix na love na love ko daw talaga siya. Hindi na ako nakipaggigilan dahil totoo naman. I'm surely and deeply in love with this man. He's matured enough to handle our relationship. Ako lang talaga 'yung isip bata. Mabuti na lang kahit anong kalokohan ng damdamin ko hindi ako iniiwanan ni Felix.
"Who said I love you first?" Napangisi naman si Felix at nakakalokang tumingin sa'kin. "Her."
"Ikaw kaya!" Sabi ko pero ngumiti lang siya. Pinagpilitan niya pa nga na patay na patay daw ako sa kanya. Hampasin ko kaya siya?
"Who's older?" Pagbasa ko sa comment. "Him. Felix is two years older than me." Child abuse, I know. Char. Cute na pogi naman siya 'e. Hindi mapapaghalatang mas matanda sa'kin. Mas mukha pa nga akong gurang kesa sa kanya kung tutuusin.
"Who was interested first?" Sabi ni Felix. Ngumiti na naman siya at kinikilig na naman. "Ako. Na-inlove ako sa kanya dahil kakaiba siya. Kakaiba in a good way." I looked at him weirdly. Teka, ma'y gano'n ba? Sabi niya 'e. "Hindi mo siya basta-bastang maikukumpara sa ibang babae. She's beautifully unique in her own way."
"Pinapaganda mo lang 'yung words 'e!" Sabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero natawa lang siya.
"Totoo naman 'e." He hold my hand and kissed it. Aba, kapag hindi pa ako kinilig ewan ko lang.
Tinulak ko siya palayo at baka hindi ako makapagpigil na batuhin siya. Masyado niya akong pinapakilig. Asim kilig kumbaga. Char. Kilig lang naman dahil ang asim sa kili-kili lang malalasap.
"More sensitive?" Sabi ko. Napaisip pa nga ako 'e. Pero kung tutuusin ako talaga. "Ako."
"Yeah, she is." He said. Tumingin siya sa'kin ng seryoso at nginitian ako. "She may be sensitive but she is the most precious and important diamond I ever handled. Diamonds are fragile, you should know how to take care of it."
Nakakailan na itong banat ah. Wala naman akong maisip at napatulala na lang sa ka-sweet-an niyang tinataglay.
Kasi naman! Masyado ng effective itong endearment sa'kin ni Felix. Sobra. Lakas na ng tama ko sa kanya 'e.
"Worse temper?" Pagbasa niya sa comment at napangisi siya.
"Siya!" Agad kong sabi. Natawa naman kami pareho. Kapag talaga si Felix ang nagalit hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nga kanina tinulungan ko na lang siya.
"More sociable? Siya." Sabi ko. Marami siyang kaibigan at biruin niyo nakaligtas pa kami sa kamay ng principal nang dahil lang sa pakikipagdaldalan niya.
"More stubborn? Her." Sabi niya at napaturo pa sa'kin. Nagcite pa siya ng ilang example. Natatawa nga ako sa kung paano siya magkwento 'e. With feelings and action pa.
"Wakes up first? Siya. I always receive his good morning text to me." I said. Araw-araw niya talaga ginagawa 'yun. Ang consistent nga 'e.
"Stays up late? Siya. Kahit hindi niya sabihin palagi siyang busy sa work kaya inaabot siya gabi-gabi. That's why I adore her much." He said. Kinilig na naman ang mga bulate ko sa tyan. Umiwas ako ng tingin dahil nararamdaman ko ang pamumula ng mukha ko. "Uy, tumingin ka sa'kin. Ang cute mo kaya."
Tumingin naman ako sa kanya at pinisil ang pisngi niya. Ang lapit-lapit kasi ng mukha niya sa'kin 'e. Tumigil kami sa paglalandian at tinuloy ang pagbabasa ng tanong. Nabigla naman ako sa sunod na tanong. Hindi ko kinaya 'e.
"Better singer? Hayst. Sige siya na." I said. At sino naman ang nakaisip na itanong ito? Nananadya kayo mga, 'te?
"Can you sing for me, please? I haven't heard you sing before." Pagpipilit niya. Natawa naman ako. Ako, kakanta? Susko.
"Kung ayaw mong mabingi ng maaga, h'wag na muna." Sabi ko. Nagpumilit pa siya pero para sa ikabubuti ng lahat hindi talaga ako pumayag.
"Better dancer? Her. She can dance the way through my heart." Pangbobola niya. Bagay talaga sa kanya ang pagiging basketball player.
"Hoy! Ikaw kaya. Sabi sa'kin ni Tita nagdance lessons ka sa States." Sita ko. Ngumisi naman siya sa'kin.
"Stalker talaga kita. Aminin mo kasi sa'kin na matagal mo na akong crush. Okay lang 'yan, tayo na naman. H'wag ka ng mahiya. Kahit ikaw pa ang naging pinakacreepy kong stalker tatanggapin ko."
"Heh!" Inirapan ko siya at bumalik sa pagbabasa ng tanong.
"Better cook? Siya." 'Yung sarap ng pagkain sa kanya ko lang nalalasap. Note: sa pagkain lang. Ang galing niya magluto 'e. "Kanino ka natuto magluto?"
"Kay Papa. Inspired by you. Nagpeprepare na kasi ako para sa future natin." Hindi ko alam kung naka-unli ba ako ngayon o hindi pero ang alam ko lang panay ang kilig ko dahil kay Felix.
"Nicer one? Me." He said. Hindi na ako umangal, halata na naman kung sinong mas mabait sa'ming dalawa.
"More annoying? Siya." Sabi ko. Napakunot noo naman siyang tumingin sa'kin. Nagpacute pa siya sa harap ko at mas lumapit sa'kin.
"Being clingy and annoying are two different things. I'm just clingy but I'm not annoying. I know you somehow like my gestures that it made you giggle over me." Lalo pa siyang lumapit kaya kinilig na talaga ako. Tinulak ko naman siya palayo habang nagpupumiglas. Ma'y balak kasi siyang yakapin ako 'e. Ang banas kaya, he is too hot for me. Baka matunaw ako.
"Oo na!"
Tinuloy ulit namin ang pagsagot sa mga tanong hanggang sa nagutom kami. Kumain kami together with Tita at masayang nagkwentuhan.
Sa bahay na ito. Dito ko naranasan maging masaya. Dito ko naramdaman at nasaksihan ang tunay na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Sobrang ganda pala ng pag-ibig.
Sana ganito na lang palagi. Sana maranasan ko din ito sa mismong tahanan namin. Gusto kong maging ganito din kami. Isang masayang pamilya. Kahit malayo ang ibang kapatid ni Felix ay dama ko ang pagmamahal niya sa kanila. Hindi lang sila literal na mayaman, mayaman din sila sa pagmamahalan. Ito 'yung pinakahinahanap-hanap sa pamilya na bihira na lang natin makita at maramdaman sa kani-kaniyang tahanan.
--
Nalate ako ng pag-uwi. I was too comfortable with Felix at hindi ko man lang namalayan ang oras. Talking with him and spending half a day with him is the best feeling ever.
Habang papunta ako sa kusina, nagtama ang paningin namin ni Marco. Inunahan ko siyang umiwas ng tingin at nilagpasan lang siya na parang hangin. So this is what it feels like to ignore someone close to you. Pa'no kaya 'to nagagawa ni Mama sa'kin? Ang daan-daanan lang ako. Sabagay hindi naman kami close at malamang hindi man lang siya nakakaramdam ng sakit sa damdamin sa tuwing ginagawa niya sa'kin 'yun.
What kind of mother is she?
A terror one.
Hindi ako kumuha ng pagkain mula sa ref. Naiinis lang ako. Tanging tubig lang ang kinuha ko at uminom. Nadehydrate ako ng dahil sa pakikipagdaldalan kay Felix 'e. Napakadaldal niya talagang lalaki. Wala ng tatalo sa kadaldalan niya. Pero natutuwa ako dahil tsaka lang lumalabas ang gano'ng vibes niya sa twing kakausapin niya ako o kaya ang mama niya.
At dahil naalala ko na rin siya, tinext ko si Felix kung nakauwi na ba siya. Sumagot naman siya ng oo at miss niya na daw agad ako. Doon na lang daw ako sa kanila matulog minsan. Safe naman daw ako do'n. Pinagbantaan ko lang siya na h'wag magpapakita sa'kin bukas at mabibigwasan ko talaga siya ng isa.
Nabigla ako ng makarinig ng isang pagsalampak sa pintuan. Para bang galit na galit ito at nagmamadali. Agad kong nakita si mama habang magkasalubong pa ang kilay. Naglakad siya patungo sa direksyon ko at ang bawat paghakbang niya ay nagdulot sa'kin ng ibang tensyon. Napuno ng pangamba at kaba ang sarili ko at hindi magkawari sa pagtingin sa kanya.
"Tumawag ang principal niyo sa'kin, bakit mo ginawa 'yon?! Sakit sa ulo na naman ang dinala mo sa'kin! Hindi ka na ba nahiya kahit para lang sa sarili mo?! Nahuli ka ng guro mong ma'y kodigo! Hindi kita pinalaking ganito!"
Bulyaw niya. Tinitigan niya ako ng masama. Maya-maya pa'y naramdaman ko na lamang ang mabilis na pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. Napahawak ako dito at naramdaman ko ang pagmamanhid nito.
"Dahil desperada akong pumasa para sayo!" Sigaw ko at kita ko ang pagkagulat mula sa mga mata niya. Unti-unti namang bumuhos ang luha ko kasabay ng pagsasabi ng mga hinaing ko. "Palagi mo na lang akong sinisigawan at pinagagalitan. Minsan naitatanong ko na lang sa sarili ko kung napapansin lang ba ako ni Mama kapag nagkakamali ako? Sinabi mo sa'kin noon na mahal mo kami ni Kuya pero ang bilis mong magalit sa'min, lalo na sa'kin. Parang hindi mo ako tinuturing bilang tunay na anak." Biglang nagcrack ang boses ko at nahirapan akong magsalita pero ipinagpatuloy ko pa rin. "Gusto kong maniwala na mahal mo ako dahil magulang pa rin kita pero sa tuwing umuuwi ka dinadaanan mo lang ako. Kahit kailan ba naisip niyo kung nasasaktan na ba ako? Sabi mo mahal mo kami pero bakit iba ang nararamdaman ko ngayon? Bakit hindi ko maramdamang magulang kita? Nasasaktan ako dahil unti-unti ng nawawala 'yung Mama ko na nagsabing mahal ako. Ginagawa ko lahat ng sinasabi niyo para lang matuwa kayo pero napupuna niyo lang ang pagkakamali ko!"
Unti-unti niyang tinanggal ang beanie hat niya at malinaw kong nakita ang walang kabuhok-buhok niyang ulo. Lalong nagdaragasa ang mga luha ko nang makita ang sitwasyon niya.
"Sana maintindihan mo..." Naluluha niyang sabi. Tumalikod siya mula sa'kin at naiwan akong lumuluha.
Nahagilap naman ng mga mata ko si Kuya na lumuluhang nakatitig mula sa'kin. Nakita ko ang awa mula sa mga mata niya. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumakbo papunta sa kwarto ko.
Wala akong nagawa kundi ang umiyak at magkubli sa sulok ng kwarto ko. How does she feel to be in that situation? Ma'y malaki din akong pagkakamali sa kanya at inaamin ko 'yon. All I did was to blurt out my pain but I didn't care about a single thing she feels.
Siguro nga ako na ang pinakamasamang anak sa paningin niya. Hindi ko kayang makipagusap sa kanya kung pa'no kausapin ni Felix ang mama niya. Hindi namin 'yun kaya gawin. Hinding-hindi. Pero hindi ko din masisisi ang sarili ko, 'di ba? Dahil siya naman mismo ang gumagawa ng rason para lumayo ang loob ko sa kanya.
Pero kahit gano'n mahal ko pa din siya.
Magulang ko pa rin siya.
At sana... mahal pa din ako ni mama.
--
Vote. Comment. Share.