Chereads / Photoshopped / Chapter 27 - Chapter 25

Chapter 27 - Chapter 25

Chapter 25: Face-off

Ilang araw din akong nagmukmok sa loob ng kwarto ko. Halos araw-araw paguwi ko ay wala akong ginawa kundi matulog agad para lang pansamantalang makalimutan ko ang iba kong alalahanin.

Ramdam ko ang pagiging talunan sa mga nagdaang araw na ito. Bukod sa madalas na ako ngayong ikumpara kay Caryll ay lumalayo na din ang loob namin ni Tina sa isa't-isa. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lamang ang galit niya sa'kin. Pansin ko din na hindi na siya sumasabay sa'min kumain ng lunch. Masakit para sa'kin 'yon dahil napunta lang sa wala ang pagkakaibigan namin.

Minsan ko ng sinubukang lapitan siya kaso agad siyang lumalayo kapag nakikita niya ako. At naduduwag akong muli siyang lapitan at humingi ng tawad sa harapan niya dahil baka mapahiya lang ako. Kung tutuusin wala akong nakikitang dahilan para magalit siya sa'kin pero ma'y kutob ako na ako dapat ang humingi ng tawad sa kanya.

Ayoko lang namang ipaliwanag pa ni Jian kay Tina kung bakit big deal para sa'kin ang grado ko at ayoko lang talagang madagdagan pa ang mga taong magaalala para sa'kin. Assuming talaga ako pero ayokong ma'y iba pang tao ang kaawaan ako. Ang taas siguro ng pride ko para sabihin ito pero masakit ito para sa'kin.

"Laksan mo!" Sabi ni Felix. Ginawa ko naman ang sinabi niya at mas nilaksan ang pagsuntok sa punching bag.

Kasulukuyan kaming nag-g-gym at pa-anim araw na namin itong ginagawa. Ma'y malaking improvement na ako kesa no'ng unang araw. Literal na mukha akong lantang gulay no'ng first day. Si Felix ang nagsabi sa'kin na sumama ako sa gym tuwing umaga. Hindi ito gym ng bahay nila kundi dito lang sa bayan. Mas malayo kasi kapag sa bahay nila kaya sabi ko sa bayan na lang. Pumayag ako hindi dahil gusto kong magpapayat. Kundi para ibuhos ang sama ng loob ko dito. Nalaman ko din na 'yun ang dahilan kung bakit ako sinama ni Felix. Wala akong balak magpaganda ng katawan, 'no. Bonus na lang 'yon.

Ang totoo niyan nagaway kami noon dahil napansin niya ang mga laslas ko. Galit na galit siya that time pero mas pinili niya akong intindihin. Dahil don mas naging conservative siya sa'kin at nagpapasalamat ako kasi nandito pa rin siya sa tabi ko. Hindi niya talaga ako iiwan. Wala talaga siyang balak iwan ako.

Tinitigan ko ang punching bag at mas lalo ko itong sinuntok ng malakas. Para akong punching bag sa totoo lang. Tumatanggap ako ng mga pasakit pero hindi ako makabawi. Puro pagtanggap lang ang nagagawa ko. Lahat na lang ata ng makita kong bagay ay inahahalintulad ko sa sarili ko. Katulad ng treadmill, inaapak-apakan ka lang ng ibang tao. Ang dumbbell na kinakaya-kaya lang ng ibang tao.

Hindi ko na naman napigilang maluha. Palagi na lang akong ganito 'e. Nakakairita talaga. Hindi ko mapigilan. If I could just force myself not to cry, I would've done it over this years. Ang drama-drama talaga ng buhay ko. Hayop.

"Marzia," Kahit malagkit kami pareho niyakap niya pa din ako. "don't cry."

"I'm not crying. Lakas ng hangin grabe nakakapuwing." I said. Dahan-dahan akong kumawala mula sa kanya at agad kong pinunasan ang mga luha ko bago ko siya tiningnan. "See?"

"My girl is damn strong." He said. We both smiled at each other and he pinched my cheeks before holding my hand.

Pumwesto kami sa maluwag na part ng gym at humiga ako. It's curl-ups time. Hinawakan naman ni Felix ang magkabilang tuhod ko at nagsimula na ako. Feel ko kung walang nakaalalay sa tuhod ko kanina pa akong na-out of balance. Buti pa si Felix kaya niya kahit wala.

I was too focused to what I'm doing that I haven't notice Felix who was staring at me. He keeps smiling infront of me and I find it weird. Ang saya niya lang palagi. I kissed his forehead and winked at him. His reaction is priceless, I can't help but to laugh. He turned like a red tomato already. What a cutie.

"Magwarning ka naman para hindi ako kinikilig ng sobra. Baka akalain nila bakla ang boyfriend mo." He said. Pero ang totoo niyan tuwang-tuwa naman talaga siya. Tumigil ako sa pagku-curl ups at tumapat sa kanya.

"Kapag naging bakla ka hihiwalayan talaga kita. Magiging bestfriend forever tayo, Sis." Natatawa kong sabi sa kanya at kumunot ang noo niya.

"Not gonna happen. I'm your man, always and forever." He said and kissed my forehead. Tumayo kami at hinawakan ko ang kamay niya.

"Thank you." I said. Kaso hindi man lang siya napangiti.

"I don't accept thank you. I only accept I love you."

"Alam mo na naman 'yun."

He pouts, "but I want to hear it from you." He squeezed my hand and pleaded me.

"Ramdam mo namang mahal kita." Nahihiya kong sabi. I'm not the kind of person na mahilig magsabi ng mga gano'ng sweet lines. Kahit nga kay Felix nahihiya pa rin ako pero alam ko namang mahal ko siya. No doubt.

Kinuha namin ang mga gamit namin bago umalis sa gym at dumeretso kami sa isang coffee shop. Ako ang nagorder dahil ayokong palagi na lang siya. Ayoko namang masanay na umaasa sa kanya sa tuwing lalabas kami, 'no. Give and take kami sa isa't-isa kumbaga pero hindi talaga maiiwasan na puro take ako kay Felix. He's spoiling me too much. Hehe, sorry.

Ang sarap talaga sa pakiramdam ng atmosphere dito sa coffee shop, 'yung klaseng ang gaan-gaan. Masarap talaga magbasa ng libro dito 'e. Sayang wala akong kadala-dalang libro. Sabagay sa school nga nabubuhay akong hindi nagdadala ng libro 'e. Nagtaka pa talaga ako, amazing.

Bumalik ako sa table namin ni Felix at nakita kong busy siya sa pagcecellphone. Hindi ko naman maiwasan na maging suspicious sa kanya. Chos! Basta cheating is a choice at bahala na siya. Hindi niya naman gagawin 'yun, di ba? Teka, pinagdududahan ko na naman siya. Mali 'yon Marzia! Bahala si ako kapag nagtampo na naman si Felix.

"Ehem." Pageechos ng isang lalaki habang nagpipigil ng tawa. "Pst. Kuya wampipti." Dagdag niya sabay kindat kay Felix. Kumunot naman ang noo ko sa ginawa niya. Okay lang ba siya? Bakla ba siya? Pero teka nga, bakit ang gwapo niya? Masyado naman siyang gwapo para maging bakla. Pero hindi naman bago kung isa siyang gwapong bakla. Ang dami ng gano'n 'e at mabuti na lang hindi napasama si Felix. Nako, wala sana akong love life ngayon.

"Baby Francis!" Sabi ni Felix at humarap sa kanya. Ngiting-ngiti niyang niyakap ang not so gay baby niya. Ano nga ulit?! Ma'y iba ng baby si Felix at lalaki pa?! I cannot. What a twist. Kaya niya ba ako inaya ngayon kasi aamin na siya na ano? H'wag naman. Jusko, ayoko pa mawalan ng love life. 'Di ko pa keri.

"I'm not a baby, Kuya." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Kuya naman pala 'e. KUYA?! Akala ko nasa ibang bansa pa siya. Hindi naman ako nainform na ngayon siya magpapakita sa'min. So siya 'yung nakababata niyang kapatid na si Francis.

"Ang laki laki mo na pero ang cute mo pa din." Pangbobola ni Felix sabay yakap sa kanya. Ang galing talaga mangbola. Bakit ako, cute din naman ako ah?!

"Kuya, I already have a girlfriend so please don't call me like that. She'll be joining us today so don't embarrassed me infront of her later. Inuunahan na kita." Kumawala sila sa yakap and they both laughed at each other. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan sila.

"Nasa'n si Ate?" Tanong ni Felix.

"I don't know. Kilala mo naman 'yun, adik gumala." Nagtawanan ulit sila. Ang saya naman nila. Dapat ba akong makitawa? HA-HA-HA.

Lumingon sa gawi ko si Francis at masasabi kong ang gwapo nga niya. Kitang-kita ko din ang pagkakahawig niya kay Felix. Ma'y lahi talaga sila ng mga gwapo. Ma'y magandang accent din siya kapag nag-eenglish. Siguro naguusap palagi sila in tagalog kahit na sa Amerika sila tumira. Ang fluent niya pa rin 'e.

"Hi Stacey! It's me, Francis. Ang gwapo ko, right?" He looked at me with a wide smile. I felt awkward pero wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lang din sa kanya. "How are you? Nanaba ka ata at umitim ngayon. Teka bakit ang liit mo na? I thought you'll be joining a modeling agency pero nagpataba ka naman." He said and laughed. Hindi ako nakaimik and I stayed still with my most awkward smile.

"Francis." Banggit ni Felix na ma'y kasamang pagbabanta. Napatingin naman si Francis sa kanya. "What? I'm just teasing Stacey."

"She's Marzia, my girlfriend. And Marzia, he is Francis, my little brother." Felix said and tried to smile in the midst of our awkward atmosphere.

"I'm sorry, Marrr? Marzia. Anyway, nice to meet you." Francis said. Inilahad niya ang kamay niya sa'kin at inabot ko naman ito.

"Nice to meet you, too." Pagbati ko habang nakangiti. Geez, ang plastik ko na. Nice to meet him, indeed. He just mistaken me as Stacey. At parang wala man lang nangyari. Hindi nagbago ang paraan ng pagkilos niya sa harapan ko at parang hindi man lang nahihiya. Gosh, this human! Hindi marunong makiramdam.

"Francis?" Isang napakagandang babae ang lumapit sa'min at agad siyang niyakap ni Francis bago humarap sa'min. "Uhm... I'm Stella, a ballet dancer."

Wala namang nagtanong.

"Ang humble mo talaga, Stella. She's not just a ballet dancer, she's also a daughter of a millionaire man. She already own five cars from her own pocket and she's from a modeling agency. Tutulungan niya sana si Stacey but I guess..." Saad ni Francis. Hindi man niya sabihin pero dama ko sa sarili ko na pinaparinggan niya ako.

"I'm still willing to help her. You're Stacey, right? Hi!" Lumingon siya sa'kin with a wide smile. Gosh, mukha siyang manika. Tiningnan niya naman ako from head to toe habang mainam akong sinusuri. "Alam mo kailangan mo pang magbawas ng timbang, girl. You need to get those scars out of our sight and also konting papaya soap should help you."

"She's Marzia, my girlfriend. Stop mentioning other girls! This is about me and only her." Felix said and holds my trembling hand. Any moment now ay parang maiiyak ako. Hindi ko akalaing malalait ako ng harap-harapan.

Nagexcuse ako papunta sa CR at naiwan sila do'n. Nagpigil ako ng pag-iyak at saka ko lang binuhos ang mga hinanakita ko nang nasa CR na ako. Hayop naman, hindi ko alam kung ilang CR na ang nakasaksi sa pagiyak ko. Hindi naman ako ganito kaiyakin noon. Sa padrama na nga ang buhay ko. Gusto ko lang maging masaya.

Naiinis ako sa kanila. Bakit gano'n, bakit parang hindi man lang nababanggit ni Felix sa kapatid niya ang tungkol sa'min? Tapos napagkamalan pa na ako si Stacey. So ang alam lang ni Francis ay sila pa rin ni Stacey at Felix. Ugh, girfriend na nga ni Kuya si Stacey tapos boyfriend ko na si Felix tapos 'yun pa rin ang alam niya?! Okay lang ba siya?

Hindi ba sila aware tungkol sa fandom ng LixZia? Impossible namang hindi nila 'yun malaman. Lalo na si Francis na kapatid niya! Hindi ko alam kung nananadya ba siya pero sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya. Hindi ko alam na gano'n katindi manlait ang kapatid ni Felix. I know it was just supposed to be a joke but jokes are half-meant true. Ginagawa lang na indirect ng mga tao ang gusto nilang sabihin by making a joke out of it. Lalo na tungkol sa panlalait.

Pero mas masakit kaya ang sinabi ng girlfriend ni Francis! Direct to the point talaga ang peg. Walang preno ang bibig. Bagay nga sila ni Francis, nakakainis. Instead na patuloy na maiyak ay galit ang naramdaman ko. Nang-iinit ang ulo ko sa kanilang dalawa! Lalo na kay Stella na ballet dancer na sexy! Hindi ko man lang naisip na sumali sa isang modeling agency tapos malalaman ko ngayon kung gaano ako ka-unqualified. Grabe, I cannot.

I accept the fact na kahit nag-gym na ako ay mataba pa rin ako. I have alot of stretch marks too and scars in my legs. I'm even far from the definition of beauty. It hurts me much dahil mas ipinamukha pa nila sa'kin 'yun. I'm already aware of that and the society I live in. Hindi na dapat bago sa'kin ito na ma'y manlait sa'kin pero hindi ko talaga mapigilang masaktan. Everyday I tried to embrace my imperfections but it hurts. It made me chuckle knowing how judgmental the society has become. How the standards of a person should be and how a person could fit in. Damn, it hurts.

Tinawagan ko ang tangi kong escape rop sa mga oras na 'to. Ayoko talaga silang makita. Hindi ko sila kayang makita. Ayokong makipagplastikan sa kanila na parang ayos lang para sa'kin ang mga panlalait nila.

"Jian, I need your backup and acting skills please. Nasa coffee shop ako sa bayan, please." Pagmamakaawa ko. The 'backup' word is our friendship code for sundo. Madami talaga kaming klase ng code, 'yung tipong isang ngiti at titigan lang alam na namin ang gustong sabihin ng isa't-isa.

"Huh?"

"Backup sa coffee shop please malapit sa gym ng bayan sa kanto ng Marasigan Street. Kumaliwa ka sa bandang kanan at bumalentong ng half step." Sabi ko pero hindi pa rin siya sumasagot. Isa lang ang tanging paraan para mapapunta siya. Geez, hindi ko akalaing isasalba ko itong magic words na tanging makakapagpasunod sa kanya. "Sige na please, ililibre kita."

"Kagigising ko lang."

Aba, tinanggihan, iba din. Libre na 'yun, guys. Minsan lang ako mag-alok ng libre tapos tatanggihan pa. Kainis naman 'tong si Jian! Tanghaling tapat na tapos kagigising lang. Ang dami ko ng nagawa maghapon tapos kagigising lang daw! Lalo akong naiistress, gosh.

"Sige. Makalbo ka sana!"

Pinatay ko na ang tawag at nagisip ng ibang paraan. I even tried calling Kuya Marco but he doesn't even answer. Busy siguro, sa mga oras na ito, malamang ay nasa coffee shop siya.

Haist. Bigla namang pumasok sa isapan ko ang dalawa kong bestfriend na sina Tina at Jian. Atleast si Jian walang problema kay Tina. Mayaman sila pareho at mga magagandang nilalang din. Samantalang ako... ano nga ba? Nasabi na naman ni Francis ang lahat ng kulang at mali sa'kin. Napapikit naman ako. I can't stand but to feel ashamed of myself. Sa paraan ng panglalait nila ay deretsong-deretso at sobrang sakit. I know that they're only stating a big fact but hey it hurts! Ofcourse it's a big deal. Kapatid ni Felix 'yung nagsabi 'e.

Baka naman nananaginip lang ako na ma'y jowa akong gwapo hanggang ngayon! Geez. Gisingin niyo na ako, ayoko na sa gwapo na ma'y kapatid na laitero. 'E ano pa kaya 'yung ate ni Felix? Natatakot at kinakabahan na tuloy ako. I just hope things will go well.

At dahil masyado na akong nagtagal sa cr at baka pagdudahan na nila akong ma'y kung anong ginagawa ay lumabas na ako. Nilapitan ko sila habang seryosong naguusap. Mukha ding galit si Felix habang nakatingin kay Francis at sa girlfriend niya. Nang makaupo ako ay binigyan nila ako ng isang ngiti. Napabuntong-hininga na lang ako kasi ang plastik nilang kaharap.

What to do? So awkward. Sa totoo lang I feel bad for Stacey. Napagkamalan ba namang ako. Ang ganda-ganda niya tapos mapapagkamalang ako siya! It's a privelage to my part kasi maganda naman si Stacey. Sana hindi siya nadapa o nabalentong ng dahil sa'kin. Kawawang Stacey na ex ni Felix na jowa ni Kuya ko, bow.

Uminom na lang ako ng kape para maiwasan ang kung anumang conversation. Nakakailang talaga. Sa totoo lang gustong-gusto ng humiwalay ng pwetan ko sa katawan ko. Matigas daw 'yung upuan 'e. Char! Pinagpatuloy ko lang ang paghigop ng kape ko. Sana hindi ako maubusan ng kape. Ang galing ko talaga gumawa ng alibi, hehe.

"Baby bear, sa'n mo gusto ma-meet mamaya si Ate? Nagtext siya sa'kin kanina at excited na daw siyang ma-meet ka." Felix said and looked at me straight in the eye.

Parang gusto ko na lang ibuga 'yung kape sa mukha ni Francis. Hindi ko pa nga nakakausap ng maayos si Francis tapos mameet pa 'yung ate niya? Damn. Ayoko na magjowa ng ma'y label sabay legal. Ngayon ko lang naiintindihan kung bakit maraming magka-MU na hanggang mag-MU lang talaga. Hanep kayong mga tumatagal sa mag-MU ha. Takas commitment kayo samantalang hirap na hirap na ako dito. H'wag niyo ng pangaraping magkalabel ng legal. Stay what you are. Stay magMU forever. #Iwascommitment #Learnfromothers.

"Ah... kahit saan." Sagot ko. Kahit pa sa kalye o basurahan. Basta kasama si Felix okay lang. Geez, kung saan-saan na ako dinadala ng kaharutan ko.

"Sige." Tipid na sagot ni Felix.

"So....." Panimula ni Francis at nagtama ang tingin namin. "Do you mind introducing yourself?"

Teka nga lang, game pa rin ba sila na ipasok ako sa modeling agency? Ano ba naman 'yan. Ma'y pa interview si mayor Francis, ugh.

"I'm Marzia Cruz..." I said and cleared my very beautiful voice. Note the sarcasm. "Just a typical girl and..."

"Ohayou Gozaimasu! (Good morning!) " Rinig naming sigaw mula sa labas ng coffee shop.

"Marzia Santa Cruz, kailangan kita!" Agad akong napalingon at nagulat ako sa biglaang pagdating ni Jian. Sa lakas ng boses niya ay nagibabaw ito sa loob ng coffee shop. Agad siyang lumapit sa table namin at humarap sa'kin. "Naospital si Tito sabi ni Tita! Ando'n din si Ate at si Kuya! I texted and called you for alot of times! Come on, hurry! I need you, now! Come with me."

Naalarma ako at napatayo. Tumingin ako kay Felix ng puno ng pagaalala. Gosh, ang plastik ko! Huhu. "Felix, tawagan na lang kita mamaya."

"But-----" Hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Felix dahil hinila na ako ni Jian palabas ng coffee shop.

Takbo lang kami ng takbo kung saan. Sa totoo lang para kaming mga baliw na nakatakas sa mental hospital. Wala kaming nagawa kundi ang tumawa lang ng tumawa along the way. I felt a big relief ng makalayo kami ng sobra sa coffee shop. Hindi ko alam na mauulit pa pala 'yung isa sa mga kalokohan namin ni Jian. Mabuti na lang at naggym ako kanina dahil parang mababali ata ang buto ko ngayon. Ang sakit ng katawan ko kakatakbo 'e. Pa'no ba naman, 'e ang bilis bilis tumakbo ni Jian tapos ang haba pa ng legs niya. Luging-lugi ako.

"I'm always one call away." He said and smiled. Tiningnan ko siya ng puno ng pasasalamat. "Hindi kita kayang tiisin, dude. Plus the fact na natatakot akong makalbo." We both laughed.

Hindi ko akalaing effective pala ang pagmamakaawa ko. Pero sana hindi na niya ulitin sa'kin 'yung sinabi kong panlilibre. Malulugi talaga ako ng bongga kapag siya ang nilibre ko. Sasagarin niya talaga kapag nagkataon.

Natagpuan na lamang namin ang isa't-isa sa parke na kung saan nagsimula ang pagkakaibigan namin. Sobrang tagal na din noong araw na 'yon. Six years old ata kami noon. So bale 11 years na kaming magkaibigan. Parang walang pinagbago. Kahit naman hindi na kami palaging naguusap noon ay okay pa din kami hanggang ngayon. Epekto ng mga ma'y jowa both sides 'e. Kailangan talaga dumistansya.

Hindi pa rin ako makamove on sa inasta ni Jian kanina. Mukha siyang natataeng baliw na natatarantang ewan. Pero kahit gano'n mabuti na lang at dumating siya kanina. Malamang ay nagmamayabang na sana ulit 'yung kapatid ni Felix sa mga oras na ito. 'Di naman gwapo! Binabawi ko na 'yung sinabi ko kanina. Kainis kasi naiistress ako. Over the bakod ang kayabangan!

"Hoy, nakakunot na naman ang noo mo. Inaano kita? Ma'y galit ka sa mundo 'te?" Sinamaan ko naman ng tingin si Jian. Kahit kailan talaga loko-loko siya.

"Salamat." Sabi ko at napangiti siya.

"Tinawagan ko nga pala si Tina kanina. Sasama daw siya sa ospital." He said and chuckled.

"Bakit mo tinawagan? Hindi pa kami bati." Ano ba naman 'yan. Kakatakas ko pa lang sa isang awkward situation tapos maiipit na naman ako. "Uuwi na lang ako."

"Sige na, magbati na kayo. Nagsisi na naman daw siya. Hindi niya din sinasadya ang mga nasabi niya sayo noon." Natigilan ako at kunot-noong humarap sa kanya.

"Seriously? Hindi niya sinasadyang banggitin ang Mama ko kahit alam niyang patay na siya? At prangkahin ako kung sino ba talaga ang gusto ko sa inyo ni Felix? Boyfriend ko na nga si Felix tapos tatanungin niya pa. Syempre si Felix ang mahal ko-----" Humina ng humina ang boses ko sa padulo kong sinabi. Tumigil na din ako nang makita ko ang mga mata ni Jian. Ngayon ko lang napagtanto na nasasaktan siya. Napakamanhid ko talaga.

Now, I understand Tina.

Hindi ko akalaing pati 'yon ay maidadamay ko. Nagkatinginan lamang kami ni Jian at wala ng umimik pa sa pagitan namin. Another awkward moment, great. Sanay na sanay na ba talaga ang kapalaran ko na dalhin ako sa isang sitwasyon kung saan wala akong magagawa kundi ang tumakas. This is literally like a chat message from your crush. 'Yung klaseng mga reply niya na wala ka ng mairereply. Dead end na kumbaga and you dont know what's your next move.

Tumalikod ako mula sa kanya at napalunok pa. Sobrang awkward na kasi, hindi ko na kaya. Heto na naman ako tatakasan ang mga bagay-bagay. "Uuwi na ako-----"

"Marzia!"

Uwing-uwi na ako please. H'wag mong sabihing si Tina 'to. Dahan-dahan akong lumingon sa gawi ng tumawag sa'kin habang nagbabasakaling hindi ito si Tina. Malas naman, si Tina nga. Ma'y ikaka-awkward pa ba talaga ang araw na ito?

She looked at me with a teary eye at bigla niya akong niyakap. "I'm sorry. Inaamin kong nagselos ako ng sobra sa inyo ni Jian noong nahuli ko kayong magkasama sa library kaya nagawa kong magiwan sayo ng masasakit na salita. I'm really sorry. Alam naman nating lahat na nagkagusto sayo si Jian kaya sobra akong nagselos. Mahal ko si Jian at hindi ko talaga alam ang gagawin kapag naging kaagaw kita. Kasi alam kong mas lamang ka pa rin sa kanya kahit anong gawin ko. I'm sorry talaga. I promise hindi na mauulit."

I'm speechless. Bakit sobrang straight forward ng mga tao ngayon?! 'Yung tipong prangkahan na this bahala ka na kung wala kang maisagot pabalik. Masyado naman akong pinapahirapan ng kapalaran ko.

"It's okay." I said and hugged her back. Nakita ko naman si Jian na nakangiti sa'min. I also gave him a small smile. Hindi ito kagaya ng ngiting nakakailang kundi isang ngiti ng pagtanggap.

Isang pagtanggap sa isa't-isa na wala na talaga. Wala ng pag-asa. But this isn't a sad story between us. Masaya namin itong tatanggapin. Kailangan na din naman naming putulin ang kung anumang pagtingin na namumutawi sa'min para sa mga bago naming minamahal.

--

Naging okay na ulit kami nina Jian at Tina. Back to normal na ulit without awkward scenarios. Kasalukuyan kaming nasa Mall at marami kaming dinaanan na shop. Tamang window shopping lang. Gusto lang naman naming magpalamig 'e.

Sinabi ko lahat-lahat ng dahilan kung bakit ako nagpasundo sa coffee shop. Na nahihiya ako sa harapan nina Felix, sa kapatid niyang si Francis at girlfriend ng kapatid niya. Feel ko kasi napapahiya na ako ng todo at gusto ko lang makatakas sa senaryong 'yun.

Akala ko pa naman magiging maayos ang unang pagkikita namin sa mga kapatid ni Felix pero akala ko lang pala 'yon. It takes alot of courage and self-esteem to face someone you barely know. Dati naman okay lang sa'kin na maipit ako sa awkward situations pero naging big deal talaga sa'kin 'yung kanina kasi kapatid 'yun ni Felix 'e. Kapatid niya 'yung kaharap ko and I should make a good impression.

Hindi naman pwedeng magback-out ako. Madaya sa part ko 'e! I completely don't know them. Samantalang kaclose na ni Felix si Papa, Mama at Kuya Marco. Napabuntong-hininga na lang ako. Sabagay si Felix nga lumuhod pa sa harap nina Kuya Marco at Jian para lang matulungan siya sa'kin noon. At gumawa din siya ng paraan para mapalapit kina Mama at Papa. I should make sacrifices as well. I really should consider Felix's efforts. Pero hinding-hindi ko talaga kayang tumbasan ang kahit anong efforts na nagawa niya para sa'kin. Iba nga talaga kapag lalaki ang nagmahal ng sobra.

"Gwapo ba si Francis? I'm sure nalahian din 'yun ng maganda." Patawa-tawang sabi ni Tina. Jian glared at her and Tina hugged him para suyuin siya. "Joke lang."

"Hindi naman gwapo. Mayabang lang." Sagot ko. Naalala ko na naman ang pesteng mukha ni Francis. Mukha siyang tubol. Pero dahil mula siya sa Amerika sabihin na nating isa siyang bughaw na tubol. It sounds fair enough. HAHA.

"Ganyan talaga si Marzia. Kapag hindi niya gusto ang ugali ng isang tao sumasama sa paningin niya kahit pa gaano ako kagwapo." Jian said. Ano daw? I just want to vomit by that thought.

"Ew."

"Ang gwapo kaya ni Jian!" Pagpupush hard ni Tina sa kanyang boyfriend.

"Sabagay ang pag-ibig nga naman nakakabulag." Mahina kong bulong pero narinig pa rin ito ni Jian.

"Ano?!"

"Sabi ko nga ang gwapo mo... sa paningin ni Tina." Hininaan ko lang ang last words ko at baka manggigil na naman siya. Triggered na triggered lang?

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kakatapos lang namin kumain. Nagambagan kaming tatlo at satisfied naman ako sa kinain ko. Kailangan ko talaga sulitin. Biruin niyo gumastos ako ng malaki para sa pagkain. Sobrang laki talaga ng inambag ko 'e, mga 1/4 ganon.

Lumabas kami ng restaurant at humanap ng ice cream shop. Naiwan akong nakaupo sa isang bench dahil sa biglaang pagsakit ng tyan ko. Badtrip naman. Pero kahit gano'n nagpabili pa rin ako kina Jian at Tina ng ice cream. Nothing can stop me. Sobra lang kasi akong nagcre-crave sa ice cream right now.

"Magc-CR lang ako, dude." Pagpapaalam ni Jian at tumango naman ako.

"Bilisan mo, mamimiss kita." Sabi ni Tina.

"Love you, babe." Jian said and winked at her sabay tingin sa'kin. Ay, wow. Magc-CR lang 'yan mga 'te ma'y pa I miss you at I love you pa. Mga hanep. Gusto ko sanang maiinggit kaso ma'y boyfriend na nga pala ako. Ayt, sorry.

Lumingon-lingon ako sa paligid para malibang ako. Haist, feel ko hindi ko kayang maglakad mamaya dahil sa sobrang kabusugan. 'Yung feeling na sa bawat paghakbang ko dala-dala ko ang buong bigat at pwersa sa lupa.

"Ang tagal nina Tina..."

"Oo nga 'e ang tagal."

"Ayt. Grabe feel ko matatae na 'ko." I suddenly blurted out. Bigla namang natawa ng marahan ang nasa tabi ko. Nilingon ko siya at agad akong napatayo dahil sa presensiya niya.

"Felix?!" Lumakas ang kabog ng dibdib ko, hindi dahil sa kilig ngunit dahil sa sobrang nerbyos. Nawala ang tawa niya nang magkatinginan kami at sumeryoso ang mukha niya. Lumapit siya at humarap sa'kin.

"Ospital ang paalam pero nagmall? Okay lang kayo?!" Madiin niyang sabi. Shit, agad namang nawala ang sakit ng tyan ko.

"Ah... ano kase... nagmall muna kami bago pumunta sa ospital." Pagdadahilan ko.

"Wow." Napasuklay siya ng buhok at parang gusto niya na lang sabunutan ang sarili niya ng dahil sa inis. Inalis niya ang tingin sa'kin at napamewang pa. Tila ba'y nagpipigil siya na ilabas ang kanyang galit. Any moment now feel ko sisigawan niya ako. Damang-dama ko ang tensyon sa pagitan namin at wala naman akong masabi.

Ganito pala 'yung feeling na guilty na guilty ka. 'Yung tipong huling-huli ka na sa akto. Pinasma tuloy ako.

Tumingin ulit siya sa'kin na para bang naghihintay para sa explenasyon ko. Magsasalita na sana ako nang tumingin siya sa kaliwang gawi ko at napakunot lalo ang noo niya sabay balik ulit ng tingin sa'kin. "You're with Jian?"

Sinilip ko ang kaliwang gawi ko at nakita si Jian na naglalakad palapit sa'min habang kumakaway at nakangiti pa. Napalunok naman ako at ibinalik ko ang tingin kay Felix ngunit napakunot noo ako at lubos na nag-alab ang damdamin ko nang makita ang pamilyar na mukha ng inakala kong bwisit na babae ni Felix noon na naglalakad ngayon mula sa kanang gawi ni Felix. "You're with Rose?"

She gave me a small smile bago tumapat kay Felix at iniabot niya ang isang ice cream sa kanya. "Thank you." He said and gave her his killer smile.

Aba.

Teka, bakit sila magkasama?! Nakakainis, ang ganda ganda niya at sa totoo lang bagay sila. Para silang artista na magkalove team at ako naman ang number one basher nila kapag nagkataon. Calm down self. Inhale, exhale at pasasabugin ko na talaga ang mukha ng babaeng 'to. I was in the middle of killing Rose in my mind when Tina suddenly popped up.

"Marzia! Here's your-----ice cream?"

Naramdaman siguro nila ang tension na namamagitan sa amin ni Felix kaya napaubo naman si Tina at parang bigla namang sumakit ang tyan ni Jian.

"Uhm... kailangan ko na umalis ma'y aasikasuhin lang ako." Pagpapaalam ni Tina.

"Ah... ano... ihahatid ko na siya." Pasimpleng pagtakas ni Jian.

"Teka, hoy!" Pagtawag ko kina Jian at Tina pero nakalayo-layo na sila mula sa'min. Nilingon nila ako at sabay na nginitian habang patawa-tawa pa.

Mga mangiiwan, mga taksil.

"Babalik lang ako sa CR." Paalam ni Rose.

It was only me and Felix whom was left alone. Nagpapakiramdaman pa kami kung sino ang unang magsasalita. It felt really awkward staring at each other. Hindi namin alam kung magagalit ba muna kami o magpapaliwanag sa isa't-isa.

"Sa'n ka pupunta?" Napansin niya siguro ang bigla kong pagtalikod mula sa kanya. Bumuntong-hininga ako at humarap ulit sa kanya.

"Sa ospital?" Pagpapalusot ko.

Nagkasalubong naman ang kilay niya. "Paninindigan mo na talaga 'yan?"

"Siguro?" He looked at me blankly at hindi niya ako pinansin kundi tumalikod lang siya mula sa'kin. Hinabol ko siya sabay kapit sa balikat niya. "Huy!"

Nakalabas na kami ng mall at hanggang ngayon ay naghahabol pa din ako sa kanya. Magmula sa loob hanggang sa labas ng mall ay hinabol ko siya, grabe naman. Ang haba ng hair ni Felix. Tapos hindi man lang niya ako pinapansin. Seriously, am I a joke to you?

"Bakit ka ba galit? Parehas lang naman tayo ah. We caught ourselves off-guard with somebody else and we know for a fact that we have other reasons why we're with them. Look, I'm not really that mad. Let's just be practical. I don't want to start a fight, Felix. Don't be angry anymore, please." He stopped from walking and looked at me seriously.

"Really?" He sarcastically said. Geez, here we go again. "Sabihin mo nga sa'kin kung pa'nong hindi ako magagalit kung si Jian ang kasama mo?! Ni hindi nga ako mapalagay kahit magkatinginan lang kayo ng ilang segundo! He knows you more than me! Mas nakasama ka niya ng matagal... unlike me. I'm just too afraid that he might take you away from me any moment he wants to dahil alam kong malaki ang pagasa niya sayo. I never let him lay a hand on you because I'm just too selfish about it. Tapos makikita ko na lang na magkasama kayo? Nakakatuwa ba 'yon?!"

I gulped. I currently received another heart-warming speech of Felix. Though I'm quite shock, I didn't expect that Jian's presence is a big deal for him. Akala ko kasi okay na kami. Akala ko kampante na siya sa'kin but it looks like he's still doubting about us. Pero hindi ko din naman siya masisisi.

"Felix... just look back to the day I chose you. Trust me when I say it's always been you." Bahagya ko namang nakita ang pagsuloy ng ngiti niya and it also made me smile.

"Tss. Fine, pero hindi pa rin tayo bati."

Tumalikod siya mula sa'kin at narinig ko ang marahan niyang pagtawa.

"Fine, hindi ko pa rin naman pinapalampas 'yung kay Rose." Tumalikod din ako mula sa kanya at napapout. Cute ko siguro, 'no? Char! Asa pa.

Nagsimula akong maglakad palayo pero ewan ko ba, kating-kati na akong lingunin si Felix at tingnan kung umalis ba siya do'n sa pwesto niya. Nang lingunin ko siya, nakita ko siyang nakaharap sa'kin habang nakangiti pa. Kumunot ang noo ko sabay pout para magpacute---slight lang. Nakakata-kyut pwede pa.

Hindi siya umalis sa puwesto niya kanina. Ipinakita niya sa'kin ang kanyang killer smile at napasindak na naman ang puso ko. Kulang na lang ay tumalon ako papunta kay Felix. Habang magkatitigan ay natawa na lang kami sa isa't-isa. Para tuloy kaming baliw.

Baliw sa isa't-isa. Witwiw.

After a second, we just found ourselves coming back from each other.

Ang bilis naming magbati. 'Yung tipong galit na galit gusto ko ng manakit pero ngayon naman sobrang payapa naming dalawa. Pero kahit gano'n hindi ko pa rin sinasabi ang dahilan kung bakit umalis ako sa coffee shop. Felix hasn't talk about it until now. Alam niyang nagsinungaling ako tungkol sa alibi namin ni Jian na pupunta kamin sa ospital pero hindi siya nagtatanong kung bakit ginusto kong umalis.

Hindi ko din naman binubuksan ang topic na 'yun dahil baka pagsabihan niya pa ang kapatid niya at magkagulo pa sila ng dahil sa'kin. But what's bothering me right now is the fact that hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit sila magkasama ni Rose kanina sa Mall.

I'm still waiting for an explanation pero wala pa din akong naririnig. This time I tried to play cold so he could know that I'm completely bothered by that freaking girl! Syempre nagsinungaling lang ako na hindi na ako galit para magbati na agad kami. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan ang mga panahon na magkasama sila ni Rose at nahuli ko siyang humalik sa pisngi ni Felix. If I could just have the opportunity to shave that girl's head bald I should've done it earlier. Mukha siyang tuko. Ngayon ko talaga napapatunayan na allergic ako sa rosas.

"Uy. Lalim ng iniisip natin ah?" Sita ni Felix. Tumingin ako sa kanya sabay iwas. Nakakainis, hindi niya ba talaga nagets na nagseselos pa rin ako sa Rosas na 'yon?!

Kasalukuyan kaming nasa kotse ngayon at bigla na lang kami tumahimik. Kanina maayos pa ang usapan namin kaso pumasok na naman sa isip ko 'yung Rosas na 'yun 'e. Nakakabadtrip talaga. Sa tuwing nagaaway kami, hindi talaga hinahayaan ni Felix na umuwi kami na ma'y galit sa isa't-isa. Pansin ko lang. Kaya nga ngayon 'e nakakulong kami sa kotse niya habang nagpapakiramdaman na naman kung sinong unang magsasalita.

"Bakit galit ka na naman? Ma'y ano ka ba?" Tanong niya sabay lunok at napakunot naman ako ng noo.

"Anong-ano?"

" 'Yung ano... 'yung sa babae."

"Na ano?"

"Aish. Alam mo na 'yun." Nakita ko naman ang pamumula niya at napaiwas pa ng tingin. Napakacute niya, hayop. I cannot contain it. Minsan talaga nakakalimutan kong isa siya sa mga pinakakinaiinisan kong tao noon.

"Alam mo nagseselos ako sa inyo ni Rose. H'wag ka ngang dikit ng dikit do'n. Mukha naman siyang tuko 'e. Ano bang nakita mo do'n? Seriously? Ganda ba? 'E kung magparetoke na lang kaya ako h'wag ka lang tumingin sa iba?"

"Talaga, gagawin mo 'yun?" He smiled at me while hopefully looking at me.

"Whatever. Dyan ka na nga!" Tinulak ko siya palayo because he's coming in for a hug. Tinetesting ko lang naman talaga siya 'e. Hindi naman ako handang magparetoke para magustuhan lang ng isang lalaki. Ang babaw ko naman masyado kung gagawin ko 'yun. Pero nakakainis pa rin. Kasi naman, mahilig ba talaga sa maganda ang mga gwapo? Like, hello! Kawawa kaming mga mababait lang, duh. Natyempuhan ko lang talaga si Felix.

"Joke lang, baby bear. Alam mo ako dapat ang magtampo sa'yo 'e. Pero hindi ko tinuloy kasi baka topakin ka lalo." He said. Aba, at kasalanan ko pa? "Kinalimutan mo kasi 'yung meet-n-greet niyo ng mga kapatid ko ngayong araw. 'Di ba sinabi ko na 'yun sa'yo ng paulit-ulit? Mukha na nga akong sirang plaka kakapaalala pero nakalimutan mo lang." Pangongonsensiya niya.

"Kaya ka nakipagkita kay Rose kasi nakalimutan ko lang, gano'n? Porke't nakalimutan ko humanap ka ng iba just to accompany you?" I said. You know me, just making some random conclusions all the time.

"Sa tingin mo gagawin ko talaga 'yon? Wala ka bang tiwala sa'kin? Marzia naman 'e." Inalis niya ang tingin sa'kin at bumaling sa labas ng car window. Napahawak pa siya sa noo niya at halatang nagpipigil na naman na babagin ako.

"Sagutin mo na lang."

"I picked her up with my sister." Mahinahon niyang sabi.

"Really? Nasa'n 'yung Ate mo?"

"Nakauwi na."

"Weh?"

Tumingin siya sa'kin at nakita ko ang kunot niyang noo. "Oo nga 'e! Kasama si Rose."

"Bakit si Rose? Siya ba 'yung ipapakilala mo?"

"Hindi! Ikaw nga sabi 'e. Ma'y iba pa ba akong ipapakilala?"

I looked at him suspiciously. "Meron nga ba?"

"Aish. Ang kulit mo ngayon ha. Miss na miss mo ko 'no? Kaya sa susunod h'wag ka na sasama sa lalaki mo ha." He said and holds my hand.

"Anong lalake? Wala akong lalake, no!" Grabe, natri-triggered talaga ako.

"Sus. 'E sino 'yung kasama mo kanina?" He looked at me suspiciously. Sige Felix, i-push mo 'yan.

"FYI kasama namin si Tina!"

"Nangangabit ka pa sa lagay mong 'yan? Ma'y 'ako' ka na 'e. Ano bang nakita mo do'n? Mas gwapo naman ako kesa sa kanya at malakas ang charisma ko lalo na pagdating sa'yo. Bakit, kaya ka ba niyang ipagluto ng masarap? Hindi naman 'yun husband material 'e. Unlike me, habang maaga pa nagpeprepare na ako." Sabi niya sabay kindat. Napakaharot. Kapag talaga bumabanat siya ng ganito palagi akong talo 'e. Grabe kasi 'yung karupukan ko, masyado naalagaan ng maayos.

I pinched his cheeks and teased him. "Pa'nong prepare? Patingin nga."

"Balakajan." He turned around from me and I hugged him from his back.

Pabebe talaga si Felix, parang ako.

Hindi kami perfect couple pero masaya kami. Atsaka wala namang perpektong relasyon. You need to embrace each other's flaws and imperfections. Okay na sa'kin 'yung ganito. 'Yung simple lang at masaya habang magkasama. 'Yun naman ang mahalaga 'e.

Pero kung sakaling dumating 'yung araw na mawala na 'yung saya na namamagitan sa'min, hindi naman ibig-sabihin niyon na basta-basta na lang namin isusuko ang pagmamahalan namin. Sabi nga nila, ang pag-ibig ay isang laban. It's up to you kung ipapanalo mo ito o hahayaang bumagsak. Love is indeed full of decisions. A complicated one.

--

Vote. Comment. Share.