Chereads / Photoshopped / Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 26 - Chapter 24

Chapter 24: Death

Ano nga ba ang kamatayan?

Ma'y dalawang uri ang kamatayan: literal na patay ka o buhay ka pa pero patay na ang sarili mo. In my case, it's the latter one. It has been the latter one.

It has been two weeks since my mother died. Hindi madali ang pagtanggap sa pagkamatay ni mama pero wala akong choice. That wouldn't bring back my mother kahit anong klaseng pagiyak ang gawin ko. So this past few days I've been practical with myself.

I can't just whine and mourn her death every single day. I still need to keep myself alive for the other people I cares for. I'm a suicidal person. I also want to die the day my mother died. It felt like I have no escape from the pain I've been feeling rather than death. But my heart helped me to overcome my mind and myself.

It wasn't easy at all. Thinking about how unlucky I am makes me laugh in pain. Life is unfair and I can prove that to this freaking world. I used to believe in fate but screw it. I don't give a damn anymore.

I focused on the things I like to do. Studying, photoshopping, editing and slashing my wrist has been my daily hobbies. Call me a lunatic person but my life is already wasted to be called something like that. I'm way far from being a lunatic person, it's way deeper.

My heart may overcome my mind and myself from death but it doesn't mean things could get back to normal. Everything already changed since the first person who ever loved me died. My own mother left me already. How painful is that? No one can define it.

Why does the darkness keeps chasing me? I don't know what I had done to deserve this. I just want to live happily but I guess the favor is way far from mine. What if I just get tired from running? Would this come in end? My life is completely messed up.

I don't want to end my life that easily. I still have faith in myself. Besides, Dad is still alive and I still have a big reason to live. If something happens to him, I don't know what to do anymore. My mom gave me such a traumatic event in my life and it teared half of myself.

I told myself that I already moved on but I guess I just kept coming back from the day she died. The pain inside me is still roaring and I can't get over it. It would never be easy for a daughter to lose her mother. That would be impossible.

Dati, ang bigat bigat ng nararamdaman ko sa tuwing bumibisita ako dito. Ni hindi man lang ako makatingin ng deretso sa lapida ni Mama. Hindi ko pa rin masasabing okay na ako pero atleast unti-unti ko ng natatanggap 'yung katotohanan.

"It's raining, Marzia." I looked at Felix and gave him a small smile. I looked back to my mother's tombstone before leaving her grave.

I can't imagine my life without Felix. He is the only hope of my life. He gives me hope every single day. He gives me different reasons to live. I'm thankful because I have him. But as the day passed by, my mind just kept telling me how unworthy of myself for Felix.

He always does everything for me. I'm happy because of it but I'm being insensitive and selfish to him. I'm being too unfair in our relationship. It isn't right. Just because of my dramatic event our relationship is being unsettled. It's only because of me. I can't help but to be cold. What do I expect to a daughter who just lost her mother? It isn't exceptional but I'm too affected by it. I'm too hurt.

I took a glimpse on Felix who is driving. He looks worried. He always looks worried whenever he is with me. He stopped the car infront of a hospital. The hospital where my confined father is.

Sinabi sa kanya ni Mama kung saan nakaconfine si Papa at ngayon ko lang naisipang pumunta pagkatapos niya itong sabihin sa akin noong isang araw. Matagal na pala itong alam ni Kuya Marco at binilin pala sa kanya ni Mama na h'wag sasabihin sa'kin. Alam kong gusto lang ni Mama ang nakabubuti para sa'kin kaya hindi na ako nakipagtalo kay Kuya. It's pointless anyway.

Naglakad kami patungo sa hospital. Kinakabahan ako sa maaari kong makita na kalagayan ni Papa. Alam ni Papa ang tungkol sa pagkamatay ni Mama. Matagal na pala niyang alam ang sakit ni Mama at sa amin nila ito inilihim ni Kuya Marco. They were such a great pretenders. I haven't even notice it.

Nauna akong pumasok sa silid ni Papa. I saw him holding a picture frame and he is just staring at it. It's a family photo of us na itinago niya din sa tabi niya. Nang mapansin niya kami ay nginitian niya ako. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan niya ako sa noo. Nagbless naman si Felix kay Papa.

"Hello po." Bati ni Felix at binati din siya ni Papa. Binalik ni Papa ang tingin niya sa'kin at ngumiti na naman siya.

"Kamusta na po kayo?" Tanong ko.

Nginitian niya ako, "okay lang ako, anak."

Hayop na okay word na 'yan. Hindi mo alam kung okay in a good way. Pwede naman kasing okay ka at nakakaya mo pa ang problema mo o okay ka kasi kailangan mo o okay na okay kasi okay. Alam ko, nakakalito talaga. Para akong baliw sa naiisip ko, bwisit.

"Ang laki mo na." Sabi niya. Nginitian ko siya. Malamang la-laki talaga ako, kailan ba ulit kami huling nagkita? Kumpara noon mas nagkalaman na si Papa ngayon. Ang payat-payat niya kasi dati.

"Sino siya, boyfriend mo ba? Bakit ang gwapong binata? Sigurado ka bang hindi mo siya ginayuma, anak?" Tanong ni Papa. Mukha ba akong mangkukulam?

"Hindi, pa." Natatawang sagot ko. Ang kwela-kwela kasi ni Papa kahit ma'y malala siyang karamdaman. He can still smile and he is such a strong man. Hindi na ako dapat magtaka kung bakit nagkagusto si Mama kay Papa noon.

"Walang halong kemikal po ang pagmamahal ko sa anak niyo." Dagdag ni Felix. Kahit kailan talaga ang lakas ng loob.

"Dalaga ka na talaga, Marzia." He said. Tumingin naman siya ng ma'y halong pagbabanta kay Felix. "H'wag mong sasaktan ang anak ko, uupakan talaga kita."

"Oo naman po, Papa." Sabi ni Felix. Kinurit ko naman siya sa tagiliran at agad niya akong binawian ng kiliti. Hinampas ko ang kamay niya ng dahil do'n. Nagmumukha na naman akong bulate sa tuwing kikilitiin niya ako 'e.

Nakipagusap siya kay Papa at ako pa mismo ang na-out of place sa'min. Sabi ko bibili lang ako ng pagkain at hinayaan naman nila ako. Busy sila sa paguusap kaya hindi na din nila ako masyadong pinansin. Snob lang mga 'te?

Nagtake-out ako ng pagkain sa nearest

restaurant. Actually, sa isang Japanese restaurant ito kaya naman tuwang-tuwa ako pabalik sa hospital. Miss ko na kasing kumain do'n. Sobra. 'Yung feeling na ginagaya mo 'yung pag-slurp ng mga hapones sa noodles. Wala, natutuwa lang ako at natatawa dahil naaalala ko si Jian.

Kamusta na kaya siya? Sana buhay pa 'yung lokong 'yun.

Kung hindi lang... hayst.

Nabigla ako nang makita si Kuya na lumabas sa ibang room. Nagkatinginan pa kami nito at sabay na nagiwas ng tingin. As usual, balik na ulit kami sa pagiging magkaaway. Hindi naman gano'n kalala pero simula no'ng namatay si mama hindi na ulit kami nagkakausap. Affected much? Mawalan ka ba naman ng magulang. Ewan ko lang kung hindi kami parehong madepress.

Nilingon ko naman ang room kung saan nanggaling si Kuya. Sinilip ko ito at bumungad sa'kin ang isang pamilyar na babae. Dahil nakasilip lamang ako sa kwarto ay hindi ko ito masyadong namukhaan pero alam kong minsan ko na siyang nakita. Dahil sa sobrang kuriosidad ay pumasok na ako sa loob. Wala namang tao at saka tulog naman 'yung babae.

Nagulat ako ng mamukhaan ko siya at hindi makapaniwala. Napagasp pa nga ako 'e. Iba talaga ang hatak ng babaeng 'to. "Mavis?"

Hindi ako nagkakamaling si Mavis Imperial nga siya. Ang pinakarich kid na nakilala ko sa buong buhay ko. She is from an elite family and seeing her in this hospital makes me wonder too much. Ang alam ko sakitin siya mula pagkabata at ang huli ko na lang na narinig tungkol sa kanya ay tumira na sila sa Japan. Pero bakit nandito siya sa Pilipinas?

Actually manliligaw siya ni Kuya. Patay na patay siya kay Kuya simula pa noong kinder. Naalala ko pa noon na umakyat siya ng ligaw sa bahay namin at hinarana si Kuya---Grade 7 or 8 ata 'yun. Wala talagang imposible sa kanya. Pero dinededma lang siya parati ni Kuya. I feel bad for her. Noong umalis siya ng bansa tuwang-tuwa pa si Kuya kahit lahat na ata na pwedeng gawing efforts ng isang babae sa kanya ay nagawa na niya. Though, I don't know any reasons why my brother can't like her.

"Get out of this room immediately, young lady." Rinig kong utos ng taong nasa likuran ko. Agad ko siyang nilingon at nagbago ang expresyon ng mukha niya nang makita ako.

"Marzia Cruz," She said. Ngumiti ako at binati ko din siya. Inilahad niya sa'kin ang kamay niya at nakipagkamay naman ako sa kanya. "Long time no see."

Itatanong ko pa sana kung bakit sila nagbalik sa Pilipinas nang biglang pumasok si Kuya sa silid habang ma'y dala-dalang paper bag na sa tingin ko'y pagkain ang laman. Nagiwas siya kaagad ng tingin sa'kin at nilagpasan lang ako. Nagpaalam na ako kay Willow---'yung bodyguard ni Mavis. Nasa tapat na ako ng pintuan nang mapangisi ako. Nilingon ko si Kuya na nakatingin lang kay Mavis.

"Kuya," Tawag ko sa kanya at nilingon niya ako. "Take care of Mavis." Sabi ko at saka ako lumabas.

Hindi ko alam kung bakit sila magkasama pero ang alam ko lang magiging comedy ang buhay niya. Iba kasi si Mavis 'e. Malakas talaga ang tama niya sa Kuya ko. Hindi ko man kaclose si Mavis pero alam kong siya lang ang maaaring makapagpaliwanag ng buhay ng Kuya ko. He also needs someone to comfort him. Even I have Felix too.

Bumalik ako sa room ni Papa at naabutan ko na seryoso silang naguusap. Sumilip lang ako sa kanila at pinakinggan ang pinaguusapan nila. Sa pagkakaalam ko wiling-wili pa silang magkausap ni Felix kanina 'e na dumating sa puntong hindi na nila ako pinansin pero bigla naman silang naging seryoso ngayon. Iba talaga kapag man to man talk. Tumingin ako kay Papa na puno ng pagtataka. He's crying infront of Felix. Parang dinudurog nito ang puso ko. Shit. Sobrang sakit na makitang umiiyak ang magulang mo.

"Tito, I don't know what should I do. I can't keep this for myself anymore. Kayo na po sana ang magdecide para sa kanya." Ma'y inabot si Felix na isang black notebook kay Papa. Hayop, ma'y death notebook siya?! "Ibigay niyo po sana ito sa kanya kapag nakapagdesisyon na kayo."

Tumango sa kanya si Papa at napaluha. "Hindi ko alam na ganyan pala ang nangyari. Walang binabanggit sa'kin si Marco at ngayon ko lang nalaman. 'Yan ba ang dahilan kung bakit hindi magkasundo noon ang magkapatid?" I can't stand to look at my crying father so I just eavesdropped at them.

"Gano'n na nga po."

"Kamusta sila ngayon? Nagaaway pa ba sila?"

"Hindi ko po alam. Hindi ko po sila madalas makita na magkausap."

"Salamat sa lahat, Felix."

Shit. Ano 'tong naririnig ko? Tungkol saan ba ang pinaguusapan nila? Bakit napasali ako at si Kuya Marco? Siguro it's just about our fights noong mga nagdaang araw. Teka, isinumbong kami ni Felix? Laglagan na ba this? Why are they worried, though. Normal lang naman na magaway kaming magkapatid. Unless hindi kami magkapatid. No, way. JOKE. Kakambal ko siya, 'no. Kahit papa'no naman kita ko pa rin ang resemblance naming dalawa.

Walang alinlangan akong pumasok sa loob na parang walang narinig. I want to hear more from them but something tells me it's just not right. I want to ask them, gusto kong makipagchismisan sa kanila tungkol sa pinaguusapan nila kanina but I think it's not the right time. Agad kasing pinunasan ni Papa ang luha niya na para bang sinasabi na ayaw ko siyang makita sa gano'ng sitwasyon at ayaw niyang malaman ko pa kung bakit. Nang lumingon sa'kin si Felix ay mamula-mula pa ang mata niya. They were both crying lately.

"Sorry, natagalan. I picked the best food!" I said and they both smiled at me.

Hindi ko na lang ipinahalata na napansin ko ang pagbabago sa aura nila at kumilos ako na parang wala akong narinig mula sa kanila kanina. Lumapit ako sa kanila at inilapag ang pagkain sa table na nasa tabi ng kama ni Papa. Umupo naman ako sa tabi ni Felix at ngumiti kay Papa.

"Pa, kamusta na po kayo?" Tanong ko. Hindi ako makukuntento sa punyetang 'okay lang ako', 'no. Sa sitwasyong nakita ko kanina halata namang hindi siya okay. Ako nga na nawalan ng magulang 'e sobrang sakit na. Pa'no pa kaya si Papa na nawalan ng kapares sa buhay? Gustung-gusto kong mag-open up siya sa'kin. Gusto kong malaman ang tunay na nararamdaman niya. Ayokong dinadaan-daan niya kami sa pangiti-ngiti niya samantalang ang mga mata niya naman ay sumisigaw ng tulong.

"Anak, okay lang ako." He said and smiled at me again. Nakakainis na ngiti 'yan. Ginawa ba 'yan para pangtago sa sakit na nararamdaman?! "Mahirap tanggapin na wala na ang mama niyo pero kaya natin 'to, anak. Wala dapat maapektuhan sa inyo ng Kuya mo. Kung paano kayo makitungo sa ibang tao, gano'n pa din, ha? Enjoy your life mga anak. Mga bata pa kayo at malayo pa ang mararating niyo. Parte ng buhay ang mawalan ng isang bagay o tao na napakahalaga para sayo. Lahat ng bagay ay ma'y katapusan. Walang permanente sa mundong ito, anak. Tandaan mo 'yan. H'wag kayong magpapadala sa problema, hahatakin lang kayo niyan pababa. Manalig tayo sa Panginoon at magkaroon tayo ng malaking tiwala sa kanya."

Nagkausap pa kami ni Papa tungkol sa mga bagay-bagay. Nagcatch up din kami bilang mag-ama. Natutuwa ako dahil malapit na daw ang paggaling niya. Pero minsan talaga kinukutuban ako ng masama 'e. Feel ko hindi siya nagsasabi ng totoo. Kahit ilang beses pa siyang tumawa at ngumiti sa harapan ko hindi ko maalis sa isipan ko na ma'y ibang mangyayari sa kanya. That there is something more to his smiles and laugh. Parang ginagawa niya itong panakip sa ibang bagay na maaaring mangyari.

Ayokong isipin pa ang ibang bagay na 'yun. At ayokong mangyari 'yun. Kaya ko ba naiisip 'to ng dahil kay Mama? Siguro kasi natrauma ako dahil hindi nagsasabi si Mama noon tungkol sa sakit niya kaya feel ko nagsisinungaling din si Papa. Natatakot ako para sa kanya.

Tinanong ko ang doktor ni Papa kung kamusta na ba 'yung disease niya. Siya din pala 'yung doktor na minura ko noon but I acted like nothing had happened. Sabi niya over this week daw ay naging mabilis na ang pagrecover niya. Hindi pa rin ako naniniwala sa sinabi niya at parang gusto ko na lang kumuha ng med-tech na course para lang maging sure sa kalagayan ni Papa.

Nagpaalam na kami ni Felix kay Papa at naglakad na kami palabas ng hospital. Pero bago 'yun chineck ko muna ang room nina Mavis at nakita kong wala na sila do'n. Okay, guni-guni ko lang ba 'yung kanina? Ang bilis nilang nawala 'e. Pero siguro matagal na si Mavis do'n at ngayon lang nakalabas. Ay, ewan ko sa kanila. Bahala sila ni Kuya.

Itinuon ko ang atensyon ko kay Felix. He is just seriously staring at something. Sinabi ko kasi na magpahangin muna kami dito sa labas. Nakatambay tuloy kami sa harap ng kotse habang nakasandal.

"Can we go somewhere else?" Sabi ko. I looked at him and smiled. Tiningnan niya naman ako at napakunot siya ng noo. "I want to spend more time with you."

"Pagod ka na. Ihahatid na lang kita sa bahay niyo para makapagpahinga ka." He said. Ipinagpilitan ko pa rin sa kanya ang gusto ko at sa huli ay pumayag din siya. I just had the urge to spend my time with him.

Dinala niya ako sa peryahan. Sa isang illegal na peryahan na ma'y sugalan. JOKE. Sa gym nya ako dinala. 'Di ko alam kung nananadya ba siya 'e. Gusto niya bang magpapayat ako? Mukha akong ulol dito. Wala na akong pag-asa pumayat tapos dito niya pa ako dinala. Sabi ko I want to spend more time with me. Anong connect no'n sa gym? Maiintindihan ko pa kung sa carinderia niya ako dinala 'e.

He pleaded me to come in but I didn't. I don't want to step in. Baka mawala 'yung ipon kong taba. Malaki din ang naging puhunan ko dito, 'no. Sayang lang. Atsaka bakit niya ba talaga ako naisipang dalhin dito?! Nakakaasar. Oo, mataba na ako. Happy? Wala namang masama don. Atleast tao pa rin ako.

I suggested na sa carinderia na lang kami pumunta at madali ko siyang napapayag kasi nag-I love you ako ng paulit-ulit. Marupok kasi 'e. Ibang klase ka, Felix. Posible pala 'yung maging mas marupok ang lalaki kesa sa babae. Si Felix na ang isa sa patunay non. Guaranteed. Verified and tested. Chos!

Umorder kami ng red sinigang at kare-kare. Sinadya ko talaga dahil gusto kong maalala ang luto ni Mama. It was the most decent meal I ever tasted. 'Yun tipong masaya lang kaming nagkwekwentuhan na parang wala kaming inaalala na problema. Gusto ko pang maulit 'yun 'e. Gustung-gusto ko. Pero sa sitwasyon namin ngayon, malabo na atang mangyari 'yon. This is the saddest thought I imagined this day.

Habang kumakain, pinagmasdan ko si Felix. Nang mahuli niya ako, nginitian niya ako at bumalik naman ako sa paglamon. Baka akalin niya kung ano-ano ng iniisip ko tungkol sa kanya. Pero parang gano'n na nga, Charing!

"Do you ever get tired of me?" Tanong ko at seryoso siyang tumingin sa'kin. "Okay ka pa ba sa'kin?"

I've been wondering this for weeks. Hindi ko alam kung nag-i-stay lang siya dahil mahal niya pa ako o dahil naaawa siya na iwan ako. Hayop.

"Why are you asking me like that? Kine-question mo na ba ang pagmamahal ng isang Felix Trono sayo? I made you a promise I would never break." He said.

"Hindi naman pero siguro pagod ka na kakaintindi sa'kin. Nahihirapan ka na rin siguro kaya....."

"Kaya dapat na kitang iwan? Do you think I could leave you that easily? I treasure you alot and you are the brightest light of my life. So tell me, why should I leave you? Natatandaan mo pa ba 'yung kinanta ko sayo? I mean it, you're my everything." Sabi niya. Naluha pa ako sa speech niya kaya agad ko itong pinunasan at niyakap ko siya.

He always know what to say. He makes my heart warm and special. Wala akong pake kung PDA kami sa carinderia. Siguro kung wala pa akong boyfriend tapos ma'y makita akong naglalambingan sa kung saan, ibabalibang ko talaga sila. Kaso meron na akong boyfriend 'e, alam ko na 'yung feeling. Iba at special. 'Yung klaseng wala kayong pakialam sa kung anong sabihin ng ibang tao basta masaya kayo sa isa't-isa. Kill joy lang talaga ako dati sa magcouple dahil wala akong jowa.

"Next week na darating sina Papa." Bulong niya sa'kin.

"Excited na ako." I said and smiled.

Pagkatapos naming kumain sa carinderia ay inihatid ako ni Felix sa bahay. Kaso nga lang biglang umulan ng malakas kaya sinabi kong magstay muna siya sa bahay. Tuwang-tuwa naman siya at parang ayaw ng pahintuin ang ulan.

"Kuya, kasama ko si Felix!" Sigaw ko mula sa ibaba ng bahay para marinig niya. Umakyat ako at sinilip ang kwarto ni Kuya kaso wala siya dito.

"Pst." Nilingon ko si Felix na kakaakyat lang sa second floor. Ngumiti naman siya ng malawak sa'kin. "Wala si brother?"

Sinamaan ko siya ng tingin, "wala."

"O, bakit ganyan ka tumingin? Ikaw ha." Tinusok niya pa ako sa tagiliran kaya kumaripas ako ng takbo. Hinabol niya naman ako at biglang niyakap.

"Gusto mo ulit kumain?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko at tumingin sa kanya. "Ipagluluto kita."

"Sige," Lumawak ang ngiti ko at pinisil ko ang pisngi niya. Ang cute niya talaga, namumula na naman ang bebe kamatis ko 'e. Kumain na kami kanina pero go lang. "paturo naman Chef Felix."

"Ayoko. Pakiss muna." Sabi niya at bumaba ang tingin sa labi ko. Hinarangan ko ang labi ko at hinalikan niya ang kamay ko na nakatakip dito. "I'll get that kiss soon, Mrs. Trono."

"Heh!" He winked at me kaya naman kinilig ng bongga ang mga bulate sa tyan ko.

Dumeretso kami sa kusina at nagsimula siyang kumuha ng mga sangkap. Sabi niya adobo daw 'yung lulutuin niya. Sabi ko papaturo ako kaso 'di ko naman magets at baka sumama pa ang lasa kaya hindi na ako nangialam. Edi siya na 'yung marunong. Magaling lang ako kumain 'e.

Dahil wala akong magawa, niyakap ko siya mula sa likuran. Ang bango niya talaga. Kahit siguro hindi siya magtawas ng ilang araw hindi siya mangangamoy 'e. I can't relate. Laking asim-kilig kasi 'yung mga kili-kili ko 'e. Sorry.

"Wala ka bang lagnat?" Tanong niya. Napakunot naman ako ng noo.

"Wala, bakit?"

"Ang sweet mo 'e." Binitawan ko ang pagkakayakap ko sa kanya at napasimangot.

"Joke lang." Dahan-dahan niyang kinuha ang magkabila kong kamay and wrapped it on his waist.

"Alam mo bang para kang adobo?" Tanong niya.

"Huh? Ano namang kinalaman ko sa adobo? Mukha ba akong karne?" Natawa naman siya sa nasabi ko.

"Pareho kayong matoyo." He said. Sa pagkakataong ito, hinampas ko na talaga siya. Kainis 'e.

Natapos siyang magluto at naghain ako para sa'ming dalawa. Nagsimula kaming kumain at wiling-wili na naman ako. Napakatakaw kong nilalang at aware ako don. Wala na ata akong ginawa kundi kumain ng kumain 'e. Palagi akong nag-i-stress eating at ang pagkain na lang ang tangi kong escape. Siguro kaya hindi pa ako namamatay dahil naiisip ko na hindi na ulit ako makakakain pa.

"Ba't ka tumatawa magisa?" Takang tanong ni Felix. Natawa lang lalo ako. Hindi kaya natatakot na siya sa'kin at nawi-weirdu-han? Okay lang 'yun. Legal naman kami both sides at wala na siyang magagawa.

"Masaya lang ako dahil kasama kita." Pagdadahilan ko.

"Overdose?" Natatawa niyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya, "sobra."

Nagligpit na kami pagkatapos kumain at manonood kami ng ilan sa ginawa naming blog. 'Yung youtube channel niya na naging gaming center, cooking show, make-up tutorial at challenge vlogs. Konti na lang kembot makakamit niya na ang 10 million subs. 2 million subs to go pa 'e. Pero mabilis na 'yung mangyayari, madami namang tao ang sumusuporta sa kanya.

Sa sofa kami tumambay at nagsimulang manood ng vlogs sa cellphone niya. He wrapped me in his arms while I rest my head on his shoulders. Komportable na komportable lang kami habang nanonood ng videos.

"Mukha kang unggoy." Sabi ko habang pinagmamasdan siya sa video. Ito 'yung time na minake-up-an ko siya kahit wala akong kaalam-alam sa gano'n.

"Atleast minahal ako ng prinsesa ko." He said. 'Eto na naman 'yung asim-kilig to the bones ko. Tadyakan ko na ba siya? 'Di ako makapagpigil 'e, gusto ko na lang magpagulong-gulong nang dahil sa kilig. "Soon you'll be my queen."

Tumila na sa labas at tinawagan na siya ng mama niya. Nagpaalam siya sa'kin at inihatid ko siya sa labas ng bahay. Kung pwede lang siguro na dito na siya tumulog 'e okay lang. I mean sa guest room. Dumating din si Kuya kaya badtrip. Hinagisan niya pa kami ng unan ng dahil sa kabitter-an niya. H'wag niya nga kaming dinadamay. Inggit lang siya 'e.

Gusto ko pa sanang kasama si Felix kaso naisip ko din na walang kasama si Tita sa bahay nila kundi si Felix lang. Tiyak na miss na miss ni Tita ang good boy niya. Hindi ko na din masyadong nakakausap si Tita dahil madalas wala siya sa bahay nila sa tuwing nagwowork ako sa kanila. Ma'y business stuff daw 'e sabi ni Felix.

"Bukas na pala irerelease 'yung rankings, goodluck sa'tin." He said and kissed me in my cheek. "Goodnight, Marzia."

Nginitian ko siya, "Goodnight, Felix."

--

Kinakabahan ako at last subject na namin ngayon. I-a-announce na kasi ng adviser namin ang rankings. My heart is pounding so fast at kinukutuban pa ako ng masama. H'wag naman sana, I still made alot of efforts para lang makapagaral in the midst of storm.

"Maligayang Araw, Class!" Bati ng guro. Tumayo kami upang bumati din sa kanya. Pina-upo niya kami at nagsimula siyang mag-discuss.

"All of you did great! I'm amaze dahil ang batch niyo ang ma'y pinakamadaming honors. Nakakatuwa ang mga efforts na ipinakita niyo. Alam kong lahat kayo ay excited na kaya simulan na natin ang rankings." Saad ng guro.

Nagsimula siyang magbanggit ng pangalan mula ibaba pataas ng rank. Mayroong 19 honors out of 40 sa klase. Malaki nga ang idinagdag. Noon kasi mga 10 lang kaming honors. Nakinig na lamang ako ng nasa panglima pataas na ang binabanggit ng maestra.

"With honors, Tina Santos. With an average of 90."

"With honors, Issay Sanchez. With an average of 90."

"With honors, Marzia Cruz. With an average of 91"

"With honors, Ian Mandigma. With an average of 91.2"

"With honors, Caryll Mendoza. With an average of 92"

Parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng marinig ang pangalan ko sa pangatlong ranking. Napatulala lamang ako at napapalunok para maiwasan ang pagluha. Napahawak pa ako sa noo ko at tumitig sa table ng upuan ko.

Nakakahiya, ayokong icompare nila ako kay Caryll. Pangatlo lang ako. From an average of 94 to 91?! Shit. Tuwang-tuwa na siguro 'yun at natalo niya ako. Grabe ang ikinababa ko. Masyado akong naging pabaya. Mataas na itong ranking para sa iba pero hindi ako makuntento. Hindi ko nameet ang expectations ni Mama. It's the least thing I could do for her but I failed. Siguro kung buhay pa siya magagalit siya sa'kin ng todo. Pero wala akong pakialam kung magalit siya sa'kin basta buhay siya. Basta buhay si Mama okay lang. Pero hindi, wala na siya. Wala na talaga.

Nagsilabasan ang mga luha ko at kahit nasa dulo ako ng room ay nakakuha ako ng maraming atensyon. Masasakit na bulungan at salita ang inilabas nila. Hindi ko ito mapakinggan ng maayos pero alam kong tungkol ito sa pandaraya ko noong exam. Hindi ko ginusto na mandaya. Sino ba namang gusto mandaya sa exam?! Gusto lang natin pumasa pero minsan talaga nakukulangan tayo kaya napipilitan tayong mandaya.

Alam kong napakaunreasonable para sa iba ang dahilan ng pandaraya ko. Wala 'e. I was depressed. My mind was already too occupied for this shit. Ang alam lang nila ganid ako na makuha ang first ranking without knowing my reasons. It's not like I would let them know my side. They're no more than a judgemental bitch.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko at nagmadali akong lumabas para pumunta sa library. Puwesto ako sa pinakasulok at doon umiyak. Hanggang mamaya pa naman ang duty ko kaya go lang sa pagiyak. Sa kalagitnaan ng pagdadrama ko, ma'y naramdaman akong palad na dumapo sa balikat ko. Hayop. Wrong timing naman ang mga multo ngayon. Dahil sa takot, pinunasan ko agad ang luha ko at nilingong ang gilid ko.

It's Jian.

"O, ano?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti. "Gago, ngingiti ka lang dyan?"

"Miss na kita." Sabi niya at pinisil ang pisngi ko sabay gulo ng buhok ko.

"Tangina ka." Tinabig ko ang kamay niya at hinampas siya. "Kailangan mo?"

"So kapag lumapit ako sayo ma'y kailangan na agad ako? Pwede pasapak?" Natatawa talaga ako sa itsura niya. Mukha siyang tubol.

"Umalis ka nga. Nagdadrama pa ako 'e. Epal ka naman." Sabi ko at napahalumbaba.

"Masaya ka ba?" Hayop talaga. 'Di ko alam kung niloloko ako nito o nagpapatawa lang. Kita ng umiiyak ako kanina 'e.

"Ma'y umiiyak ba na masaya? Pwede pahampas?" Inirapan ko siya.

"Malay ko ba kung nabaliw ka na para gawin 'yon. Tears of joy pala, pwede." Ano daw? Sarap talaga bigwasan nito.

Bumuntong-hininga ako. "Nakita mo naman siguro 'yung rankings, 'di ba?"

"Malamang, mukha ba akong bulag?" Nakakainis talaga 'to.

"Wala kang kwenta kausap."

"Sus, parang 'di niya ako namiss."

"Namiss kita, syempre. Pero alam mo 'yun okay lang sa'kin." Natatawa kong sabi. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

"Baka gusto mong bayaran ang mga utang mo?"

"Joke lang! Ikaw naman 'di mabiro." Nagtawanan lang kaming dalawa. Tamang tawa lang, ang dami kong utang kay Jian 'e. Baka singilin na talaga ako. Nagbayad na naman ako, down payment pa nga lang.

Maya-maya pa'y natahimik kami. Kahit pala sobrang tagal na naming hindi naguusap, walang nagbago. Siguro ganito talaga ang totoong friendship. Tagal ko ng 'di nasisilayan ang kayabangan nito 'e.

"Am I a failure?" Bulong ko. Tumingin ako sa kanya at narinig niya naman ito.

"Hindi naman..." Naman? Hindi naman? Niloloko niya ba ako? Pero kahit gano'n sineryoso ko pa rin ang sinabi niya.

"Pa'no mo nasabi?"

"Edi sana kung talunan ka matagal ka ng sumuko. Lahat naman tayo nagkakaproblema sa buhay but it's up to us kung pa'no natin ito i-hahandle. If you think you're a failure, who am I even talking to? The Marzia I know is smart, brave and beautiful inside and out." He said. Napaluha naman ako. Kahit pala mukha siyang tubol kayang-kaya niya akong paiyakin. Nadadala na naman ako ng emosyon 'e. Bestfriend ko kaya 'to.

"Salamat ah? Kahit pala wala kang kwenta kausap nagkakakwenta ka pa rin." Natatawa kong sabi at pinunasan ang mga luha ko.

"Hi." Bati ni Tina. Nanlisik ang mga mata niya nang makita kami. "Bakit ka ba umiiyak? Ranking lang naman 'yun, Marzia. No big deal." Rinig kong sabi niya.

"Ranking lang. Wow. Ito ang pinakabig deal sa pangarap ko, Tina." I said. Tumayo ako para harapin siya.

"O, Edi bumawi ka. Hindi 'yung iiyak-iyak ka diyan para lang magkaro'n ng karamay." She said at napairap pa. Hindi ko inintindi ang gusto niyang iparating at baka ibalibang ko lang siya.

"Hindi mo naiintindihan. Malaki ang expectations sa'kin ni Mama pero hindi ko nameet. Masakit lang sa part ko dahil hindi ko nasunod ang gusto niya." I said. Naluha pa ako for confessing it to her. Kaibigan ko naman siya 'di ba? Okay lang naman na maglabas ako ng hinanakit sa kanya.

"So what? Akala ko ba wala na 'yung mama mo? Para sa'n pa ang pag-iyak mo diyan. Atleast wala ng mageexpect sayo ng mataas na grade, right? O dahil hindi mo lang matanggap---"

"Shut up!" I slapped her to shut her down. I thought she was my fucking friend! Nilagpasan ko siya pero bago pa ako makalabas sa library ay ma'y isinigaw pa siya na lubos kong ikinagalit.

"Tell me, ma'y gusto ka ba kay Jian?! Hindi ka pa ba nakuntento kay Felix?!" Bulyaw niya. Nilingon ko siya at pinakyuhan. That bitch. Hindi pa din nagbabago.

Tumalikod ako at naglakad palabas. Nagmamadali akong lumayo sa library dahil nasusuka ako sa kaplastikan niya. I felt someone holding my wrist and I immediately glared at him.

"Bakit mo ba ako sinusundan?" Inis kong sabi kay Jian. He just looked at me with full of pity. Nakakainis, 'yan 'yung mga tingin na ayaw na ayaw kong makita. "Si Tina ang intindihin mo."

"I-eexplain ko sa kanya ang lahat." Nainis ako at agad kong binawi ang kamay ko.

"Bullshit, don't!"

"Pero-----"

"Para sa'n?! Para kaawaan niya ako? I don't need pity, Jian!" Napansin ko ang pagiiba ng expresyon ng mukha niya. Lalo siya mukhang nagaalala. I tried to calm myself before looking back at him. "I'm sorry."

Iniwan ko siya at nagmamadali akong pumunta sa cr. Puwesto ako sa pinakadulong cubicle at napatulala na lamang. Walang luhang lumalabas mula sa mga mata. I was expecting a burst of tears but there was none. Lumabas ako sa cubicle at tinitigan ang sarili ko sa salamin. Naiyak na lamang ako nang makita ang sarili. Siguro dahil pati ako naaawa na rin sa sarili ko. Nakikita ko kasing hirap na ako.

"I'm messed up." I mumbled and looked down.

"Marzia," Nilingon ko si Felix na nakatayo sa pintuan ng cr. Nilapitan niya ako at hinawakan ang magbila kong pisngi sabay punas sa mga luha ko. "water bender ka talaga."

Matatawa na sana ako nang maalala kong cr nga pala ito ng mga babae. "Felix, bakit ka nandito? Lumabas ka nga. CR 'to ng babae!"

"I don't care." He said. Unti-unti niyang inilalapit ang mukha niya sa'kin at napapaurong na lang ako. Susko, akala ko hindi posible na mangyari ang ganitong senaryo sa totoong buhay. Kaya pala i-apply ni Felix 'yun. Sana hanggang dito lang please.

"Magkakaissue tayo! Sige ka." Umurong ako hanggang sa mameet ko na ang kapwa ko pader. Ouch lang ha, nauntog ako.

"Kung gusto mo ipromote ko pa." Ngumisi siya sa'kin and locked me in his arms. Inilagay ko naman ang kamay ko sa dibdib niya para itulak siya palayo kaso wala 'e. Para lang akong nagtutulak ng dingding. "Iiyak ka pa?"

"Hayop ka." Sabi ko at sinamaan siya ng tingin. " 'Eto na tatahan na!"

"Good girl." Pumikit ako dahil sa palapit na palapit niyang mukha. Naramdaman ko na lamang ang labi niya na dumikit sa noo ko. Idinilat ko ang mga mata ko at niyakap siya.

He is indeed the perfect sweet guy for me.

--

Vote. Comment. Share.