Chereads / Photoshopped / Chapter 29 - Chapter 27

Chapter 29 - Chapter 27

Chapter 27: Surprise

Masaya ako dahil sasalubungin na namin ang bagong taon ng sama-sama. Sabi nga nila, bagong taon, bagong pagasa, bagong buhay. Oo, magbabagong buhay na talaga ako. Legit na 'yan. 'Di ko nga lang alam kung mapapanindigan ko ang new year resolution ko ngayong taon 'e. Palagi ko na lang nakakalimutan at hindi natutupad.

I'm currently preparing foods to surprise the Trono Family. Humingi din ako ng tulong kina Kuya, Jian at Tina para madala namin ang mga pagkain doon mamaya. Mostly ay mga Japanese sweets and ginagawa ni Jian habang kami naman ni Kuya ay sa mga putahe. Hindi ako marunong magluto pero ang ikinagulat ko ay ma'y future pala si Kuya dito. Wow lang ha. 'Di ako nainform.

"Hoy, oh! Ilagay mo." Sabi ni Kuya at binato sa'kin ang isang balot ng pasta. Mabuti na lang at nasalo ko, kundi malamang putol-putol na 'to. Gago ka, Kuya. Mabuti na lang marunong ako sumalo ng tama.

Inilagay ko ang pasta sa malaking stock pot. Kumuha ako ng ilan para paglaruan at putulin ito. Wala, trip lang. Satisfying pakinggan 'e.

Tiningnan ko si Jian at natatawa ako dahil sa seryoso niyang mukha. Akala mo naman depress na depress na sa buhay. Lumapit ako kay Jian at kumuha ng sweets na ginagawa niya.

"Mabuti pa 'to matamis samantalang ikaw ang bitter-bitter." Pagpaparinig ko. Ang seryoso pa rin niya tingnan. Ano trip nito? Mukha siyang nakahithit ng drugs. Hithit pa more.

"Alam mo ba kung bakit ang ampalaya ang pinakamasakit na gulay sa lahat?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko. Seryoso ba siya like right now?

"Dukit." Pagbibiro ko pero seryoso pa rin siyang nakatingin sa'kin.

"Masakit kaya ampalaya-in ka." Napalunok ako. Kainis naman nabara ako to the bars. Okay lang ba siya? Nakahithit ba siya ng droga kanina? O dahil indenial lang ako sa fact na natatamaan ako? Sana ampalaya na lang ako. Hindi para palayain ka kasi masakit din 'yun sa part ko kundi para maging manhid.

"Tulala ka na diyan. Gwapo ko, 'no?" Inirapan ko lang siya. Taglay niya pa din ang walang kupas niyang kayabangan. Pero atleast ma'y maipagmamalaki siyang Japanese sweets. Kumuha pa ako ng ilan at isinubo ito. Tawang-tawa naman si Jian at patay-gutom daw ako. Grabe naman, 'di ba pwedeng matakaw lang?

"Hoy, haluin mo 'to." Pagtawag ni Kuya. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

"Hoy ka diyan ng hoy! Ma'y pangalan ako!" Hindi niya ako pinansin at tumalikod mula sa'kin. Kahit kailan talaga napakafamous niyang nilalang. Nakakainis, sarap i-bash. Number one basher niya na talaga ako kapag nagkataon.

Nagsimula akong maghalo ng sauce ng spaghetti at naamoy ang simot langhap sarap nito. Pasimple ko itong tinikman bago pa ako mahuli ni Kuya Marco. Ang sarap, gusto ko na lang kumain maghapon. 'Di ko namalayan na nakabantay pala si Kuya sa'kin kaya hinampas niya kaagad ang kamay ko.

"Aray naman!" Angal ko at sinamaan siya ng tingin. "Tinikman ko lang naman. Ikaw hahampasin ko diyan 'e."

"Pa'nong hampas?" Pagsingit ni Jian. Sinamaan ko siya ng tingin at nilingon ko si Kuya Marco habang nakahanda na ang kanan kong kamay para hampasin ang braso niya.

"Sige, subukan mo." Pagbabanta niya. Imbis na ituloy ang balak ko ay nagpeace sign na lang ako at ngumiti ng pagkatamis-tamis na plastik. Sarap niyang batukan. Kainis, talo na naman ako.

Ma'y kumatok sa pintuan at pauyuhan pa kaming tatlo kung sino ang magbubukas ng pinto. Jian and Kuya's eyes were on me, telling me to open the freaking door. Ako na ang nagbukas ng pintuan at bumungad sa'kin si Tina. Agad niya akong binigyan ng niyakap at niyakap ko din siya.

"Happy New Year!" Sambit niya.

"Mamaya pa. 10 more hours, 600 minutes to go and 36,000 seconds within it." I joked.

"Accurate." She said and laughed. Well, someone has to understand my language.

Tumungo na kami sa kitchen at nagsimula ulit akong tulungan si Kuya. Tinutulungan naman ni Tina si Jian sa mga sweets. Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa kanila. They're too sweet not to be true. Napalingon naman sa gawi ko si Jian kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

I started focusing on chopping these shits. Ibinigay ko na sa aking fucking brother ang mga paechos na ingredients at nagtungo sa aking kwarto.

Why do I have to deal with this again? Scrap this feelings. Nagpagulong-gulong lang ako sa kama. At nang mapatingin ako sa labas ng bintana ay naisipan ko na lang na tumalon. Ano kayang feeling ng mamatay na lang bigla para takasan ang lahat? Ugh, me again, just thinking some random stuffs.

Naglakad na ako patungo sa pintuan ng kwarto ko para lumabas. Baka kung ano pang bagay ang maisip ko 'e. Medyo ma'y pagkabaliw pa naman ako minsan. Ngunit pagkabukas ko ng pinto ay agad na bumungad sa'kin si Jian at nagkataon pang tumama ang ulo ko sa dibdib niya.

"Sorry." I said. I didn't bother to look up but instead I abruptly walked across him.

"Marzia." Pagtawag niya sa'kin. Dahan-dahan ko naman siyang nilingon ngunit tinitigan niya lamang ako. "Nothing."

Tumalikod na ako mula sa kanya at tumungo sa kusina. Halos patapos na din kami sa paghahanda sa mga pagkain. Feel ko kung wala sina Tina at Jian dito wala kaming matatapos ni Kuya. Magbabangayan lang kami maghapon.

Nagningning naman ang mga mata ko nang makita ang napakagandang cake na binake ni Tina. It looks yummy. Chocolate ang flavor nito. Great, my all time favorite! Wala akong pake kung magmukha akong bata basta kinuha ko lahat ng icing na natira sa lalagyan at isinubo ito. Ang sarap, hehe.

" 'Di ba magaling ka magcalligraphy? Ikaw na maglagay dyan sa cake ng 'Happy New Year' Wala akong katalent-talent diyan 'e." Tina said, referring to my brother.

"Bro, baka 'yan na talaga ang future mo." Jian said.

"Gago, mataas pangarap ko!" Marco hushed. Natawa naman kami sa inasta niya.

Bumalik kami---sila sa pagluluto. Halos wala naman akong ambag sa ginawa nila 'e. Basta tagakain na lang ako, okay na 'yun.

After a few hours ay natapos na kami. Ako naman ang pinaghuhugas ng mga pinaglutuan dahil ayon sa napakagaling kong kapatid, 'yun na lang daw ang tangi kong maitutulong. Ano pa nga ba? Ginawa ko na lang. Nakakahiya naman 'e!

Naghuhugas ako habang kumakain naman sila sa harap ng television. Gusto ko sanang magmukmok habang naghuhugas kaso h'wag na lang baka masapok na ako ni Kuya.

Lumapit si Jian sa lababo at ipinatong niya naman ang plato niya sa malabundok kong hugasin. Wow. At ma'y padagdag pa si mayor.

"Ako na diyan. Kumain ka na do'n." He said.

"Ako na. Sasapukin lang ako ni Kuya." I said kahit sobrang labag sa kalooban ko.

"Siya sasapukin ko. Kumain ka na kasi do'n." Pagpipilit niya. Isa din 'tong magaling mamilit 'e lalo na pagdating sa mga galaan.

"Sige na nga." Sabi ko na para bang ayaw ko talagang umalis sa harap ng lababo.

Nasaksihan ko naman ang paghabol tingin niya sa'kin kaya iniwasan ko na lang ito.

Dumeretso ako sa kusina para maghanap ng pagkain. Kumuha ako ng carbonara at cordon blue. Ang sarap talaga kumain kapag laging ma'y ganito. Siguro naman marami pang matitira pagkatapos ng new year at marami pa akong makakain na handa sa mga susunod na araw. The best talaga after ng handaan!

I'm in the moment of enjoying my food when I felt two eyes looking at me. I look up to see Jian and caught him staring right into my face. Nabigla naman ako sa kanya at naging komplikado ang pagnguya at paglunok ko sa pagkain.

"Tapos ka na maghugas?" I asked as I stared down to his soaked t-shirt. Sobrang dami kaya nung hugasin tapos matatapos niya lang ng ganon ganon lang? Amazing.

"Yep." He said and smiled at me.

"Okay?" I weirdly commend before proceeding again to my food.

Ang hirap lumunok, promise. I never did imagine having an awkward moment with Jian. We used to be comfortable in each other's side as always and this feeling is too foreign to me.

"How are you? Did you miss me?"

"Jian." Madiin kong sambit. How can he let go such words so easily? Doesn't he find it kinda awkward? Knowing that we have each other relationships already or maybe I'm just thinking too much again.

"Are you bothered by Tina? Umalis na siya kanina." He said.

Kumunot naman ang noo ko bago muli tumingin sa kanya, "why should I?"

"Bakit nga ba?"

"What do you mean?"

"Nothing."

Minutes passed and he's still infront of me. After I finished my meal, I walk ahead in the sink and put down my plate. I finally had a relief not until I noticed he followed me again. Naghuhugas ako ng pinggan nang muli siyang magsalita.

"I miss bringing foods here for you, I miss your warm cuddle, I miss your smile you used to show only to me, I miss the way you laugh, I miss everything about you." He said.

I prevent myself from looking at him. I can't face him like this. Natapos ako sa paghuhugas ng pinggan at nilinisan ko naman ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya at nagtama ang mga mata namin,

"would I sound selfish if I told you I want you back? Because if I am, I'd rather be instead of losing you in my arms again."

My heart begun to pound fast again. No, this can't be. Ugh, my feelings are betraying me again. Please be loyal. You don't want to cause trouble, right? Feelings! I'm still talking to you. Jian leans forward and hold both of my hand. Do not betray me! Feelings, I'm warning you, you piece of shit. Red alert! Red alert!

"Jian, stop." I said and sighed. I tried to repulse his hands but he didn't let me instead he tightens his grip on me.

"You make things harder for me. You make things harder for the both of us! I thought we're already over about this."

"I can't. I just can't let go of you, Marzia." He said.

I looked down. I can't face him. I just can't. For certain reasons my heart keeps pounding fast and my tears start forming in my eyes already. I was in the position of holding on my tears when I suddenly felt something rolling down on my cheeks. I didn't want to show him I'm hurting. I didn't want to show him I'm still affected by him but I can't hold on any longer. I'm too weak and I'm not numb like everybody used to tell me. I'm deeply hurting inside.

Ma'y malakas na kumalabog sa pintuan ng kusina at napatingin ako do'n. Bumungad naman si Kuya na naka-peace sign sa'min, "ops. Sorry, nadulas. Lampa ko talaga."

Jian finally released his hands on mine and I abruptly run away. I immediately closed the door of my bedroom and spread my body all over the bed. I need some 'me' time so bad. Marzia, please be wise---I said to myself. 'Di ba matalino ka? Gamitin mo utak mo. Maging matalino ka, h'wag kang bobo pagdating sa pag-ibig. Psychology says that smart ones are most likely to be the most stupid person when it comes to love. Prove them wrong, self.

"Sis, what happened?" Kuya asked habang nakadungaw sa pinto. I forgot to lock the door, geez. I said I want a 'me' time, not a sermon.

"Ugh, I don't know." I said and rolled over. "Why don't you ask Jian himself?"

"I want you back nga daw 'e. Teka naging kayo ba? Naging effective ba 'yung pagrereto ko sayo noon?" He asked but I just rolled my eyes. "Don't tell me naaapektuhan ka ng mga salita niya sayo. Lalo na kanina, nako!"

"I have a boyfriend, Kuya." I protest.

Siningkitan ako ni Kuya ng mata bago muling magsalita, "having a boyfriend doesn't mean you're immune to his words. I know you somehow liked Jian too. You keep proving me how complicated love is. So how does it feel to love someone while somebody still loves you?"

Napaisip naman ako at lalong nalito sa sinabi niya. "I dont know and excuse me, I don't like Jian."

"Exactly, because you love him!" He said and I immediately glared at him.

"I clearly don't! Stop teasing me, magagalit si Felix." I said and sighed.

"Sige, bahala ka pero sagutin mo 'to. Hindi mo ba mahal si Jian dahil ma'y Felix ka na o mahal mo naman talaga si Jian pero hindi mo lang maamin dahil ma'y boyfriend ka na?"

Napakunot ang noo ko at napaisip sa nasabi niya. He makes me more confused. This is exactly why I don't want to hear things from him. "Stop asking!"

"Sasagutin mo lang naman 'e. Pero kunwari, sabihin na nating si Jian talaga ang mahal mo, pa'no mo ibe-break si Felix?" He asked again. It's getting annoying already.

I seriously looked at him before answering. "You're really curious, huh? Well, I would never break Felix's heart for someone else. It's either Felix or no one."

"Fine, tinatanong ko lang naman. Bakit ang seryoso mo?"

I glared at him and pointed out the door. "Lumabas ka na nga."

He's getting on my nerves! Literally.

"Anyway, I'll be using Jian's line for someone special." He said.

"What line?"

"The 'I want you back' line."

"Ugh, get out already!" I said and threw alot of pillow towards him. He's damn crazy indeed. All I know is that he's one heck of a brother.

"Oo na, 'eto na nga oh! Lalabas na." Sabi niya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Tingnan mo nga naman, oh! Hindi man lang marunong magsara ng pinto. Kinuha ko ang mga unan ko at ibinalik sa kama. Pagkatapos lumapit ako sa bukas na pintuan at sasaraduhan ko na sana ito nang marinig kong sumigaw si Kuya Marco.

"You heard my princess, now get out!"

Suddenly, I heard the door closed in our balcony and I head back to my bed after closing my door. It must have been Jian the one he was shouting at and the one who left earlier.

Kuya, thank you for sticking around.

--

I'm so excited to see Felix. I've been missing him for a few days now. My eyes are literally sparking and I can't help but to feel the butterflies in my stomach. Nakakamiss talaga siya.

Nagsuot pa ako ng maganda at pangbabaeng-pangbabae para lang sa kanya. This is the least thing I want to do but I want him to be proud of me! Kahit for once lang magmukha naman akong babae sa harap niya.

Nagwacky pa ako sa salamin at ngumiti para makita ko kung anong makikita ni Felix mamaya. Ay, ang cute naman this girl.

I walked downstairs. Tinulungan ko na si Kuya sa pagbibitbit ng mga pagkain patungo sa kotse namin. I'm even smiling from ear to ear while carrying the foods.

"I definitely know the answer from my question earlier." Kuya said. We gave each other a meaningful smile bago sumakay sa kotse.

Magcecelebrate si Kuya ng new year kina Stacey at ako naman ay kina Felix. At sa pagkakaalam ko si Jian naman ay kina Tina. Hindi naman namin pwede puntahan si Papa dahil hindi na pwede ang mga visitors sa mga ganitong oras kaya bukas ng umaga na lang namin siya pupuntahan.

I've been calling Felix pero hindi siya sumasagot. Nagtext na lang ako sa kanya na papunta na kami sa kanila.

It's already 10PM at hindi ako mapakali. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. New year, here I come! I hope you're ready for me. Or maybe I should be the one ready for new year?

I've been extremely anxious by new years' though. I hope this year would be different. My past years haven't been any different from a cursed one but I hope this year would be a blast.

Sobrang daming nangyari ngayong taon and I can't wait to start over with this year. New year comes with new hope.

A one heck of a year!

We reached their house and Marco helped me carry the foods. He's smiling too while walking with me. Sobrang peaceful ng gabi na 'to. Ang sarap sa pakiramdam.

"Marzia, sobrang saya ko para sayo. I-enjoy mo ang sarili mo ngayong new year ha." He said at napatango-tango naman ako.

"Oo naman, Kuya. Ikaw din ha." Tumango din siya sa'kin at nagpatuloy kami sa paglalakad.

First time ko kayang magcelebrate kasama ang love life ko. Pa'no ba naman 'e wala naman akong love life noon. Atsaka bitter pa ako noon sa pag-ibig. Pero noon lang 'yon! Ma'y nagpatibok na ng puso ko 'e. Kakaibang kabog ang dala ni Felix, hehe. I want to see him already at bawat paghakbang na gawin ko ay ma'y dala-dalang excitement.

"Kasama na natin 'yun noong Christmas then isasama mo pa dito ngayong taon?! Are you kidding me? She's just your editor at malamang ginagamit ka lang niya!" Rinig naming sigaw mula sa loob ng bahay.

Agad kaming natigilan ni Kuya sa paglalakad. Unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ko. Napatulala naman ako at para bang huminto ang mundo ko sa mga sunod ko pang narinig.

"At akala mo ba hindi ko nalaman ang pagbagsak ng ratings sa account mo?! Your secretary told me you transferred alot of money to her mother's account! Halos maubos na ang savings mo dahil sa pamilya nila! Kung hindi ko pa siguro nalaman malamang wala na lahat ng savings mo! Grabe ka, Felix! At ikaw pa pala ang nagpapasweldo sa babaeng 'yon!" Sigaw muli ni Ate Felicia. "Nagtatrabaho ka para sa sarili mo at hindi para sa iba! It's their own family problem at labas ka na do'n!"

Kitang-kita namin kung pa'no sila magsigawan sa balkonahe. Nakatayo si Ate Felicia sa harap ni Felix at nagduduruan na silang dalawa.

"I'm not as selfish as you are!" Giit ni Felix.

"I'm not selfish! Sobra na ang ginagawa mo para sa kanila. Pero pa'no tayo, pa'no na kami na talagang pamilya mo? Ibubuhos mo na lang ba lahat ng atensyon mo sa pamilya ng babaeng 'yon? You still have your own family to take care of. Hindi lang sila ang ma'y kailangan sayo, Felix. Kami rin. Kailangan ka din namin. H'wag mo naman sanang ibuhos ang sarili mo sa kanila." Sambit ng Ate niya.

Nakita ko naman ang pagdating ng Papa nila at humarap siya kay Felix. "Sa Amerika ka na magaaral ngayong second semester, Felix."

"No, please. Hindi ko siya pwedeng iwan. Dad, mahal ko si Marzia. H'wag niyo naman 'to gawin sa'kin!" Lumuhod siya sa harap ng Daddy nila at pilit siyang pinatayo ngunit agad namang dumapo ang palad ng Daddy niya sa kanyang pisngi.

"Matagal ka na naming pinagbigyan Felix! And this is already enough! We're doing this for you! You're coming back to the States with us!" Sabi ng Papa niya.

Nanatili siyang nakaluhod at lalo nitong dinudurog ang puso ko na makita siyang nahihirapan ng dahil lang sa'kin.

Humarap siya sa Ate niya at sa kanya lumuhod. "Ate, please convince Dad. Ayokong iwan si Marzia. Please, gagawin ko ang lahat ng gusto niyo just please let me stay here. Ate, mahal na mahal ko siya, ayoko siyang iwan. Hinding-hindi ko 'yun magagawa."

Nagsimula ang pagbagsak ng mga luha ni Felix at maging si Ate Felicia. Napahilamos naman ng mukha ang kanilang Daddy. Napapikit naman ako ng dahil sa sobrang sakit. Pinigilan ko ang paghikbi ko ngunit nahihirapan lang akong makahinga. Hindi ko siya kayang tingnan ng ganito. Sobra na, sobra na siyang nahihirapan.

"Para na din sa'yo, Felix. Parang awa mo na. Sumama ka sa'min. Please, kahit gawin mo na lang 'to para sa'min. Sobra ka ng nahihirapan at hindi ako bulag para hindi makita 'yun. Nandito na ulit si Ate, 'di ba? 'Di ba ayaw ni Ate na nahihirapan si Felix? Ayaw niya din na umiiyak si Felix ng hindi niya nalalaman kasi love na love siya ni ate. Kaya h'wag ka na please pasaway, makinig ka kay ate."

"Ate, please." Felix whispered inbetween his sobs. "Nasa'n si Mama? Mama please tulungan niyo ko. Ayokong bumalik sa Amerika. Let's stay here. Please Ma, parang awa mo na."

Nilapitan siya ni Tita Francine at agad siyang niyakap. "Felix, makinig ka sa Ate mo."

"Lagi mo ng kinukunsinti 'yang anak mo! Tingnan mo ngayon, ang tigas ng ulo! Kung noon pa 'yan nadala sa Amerika hindi sana tayo nagkakaganito!" Saad ni Tito Alex at dinuro ang mag-ina. "Putangina! Dahil lang sa babae nagkakaganyan ka?! Mas mabuti ng maghiwalay kayo! Hindi kita pinalaking ganito, Felix!"

Tama na...

Tumakbo ako palayo. Nagtungo ako sa kotse ni Kuya at napasandal. Dito ko na ibinuhos ang mga luha ko. Nahihirapan akong huminga sa patuloy na pag-iyak. Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas lahat ng 'to pero hindi ko magawa.

"Marzia..." Marco whispered.

"Kuya," Unti-unti akong humarap kay Kuya at pilit na ngumiti. "would I sound selfish if I say I still want him?"

As long as I want to be selfish, as long as I want him to stay beside me, it wont work out for the both of us. It just can't. Maybe there are things that are meant for us and things that are not. And maybe the least thing we could do is to accept it. Even if it's the last thing we want to do.

And the last thing I want to do is to let go of Felix.

--

Vote. Comment. Share.