Chereads / Photoshopped / Chapter 22 - Chapter 20

Chapter 22 - Chapter 20

Chapter 20: Sana

Mula noong nakaraang linggo ay hindi ko na ulit naabutan si Mama o nakikita man lang ni anino niya. Nagtataka tuloy ako dahil palagi na nga akong maagang gumigising para magtrabaho sa coffee shop 'e hindi ko man lang siya mahagilap sa tuwing sinisilip ko siya sa kwarto niya. Akala ko ba umuuwi siya tuwing umaga, baka naman tinatapat niya talaga ng tanghali ang pag-uwi para wala na kami sa bahay. Ewan ko sa kanya basta gumagawa ako ng paraan para umaayos ang sitwasyon namin.

Noong isang araw lamang ako nakabayad ng kuryente at tubig namin. Nakakahiya man pero naglakas loob na akong magpa-advance ng sahod kay Sir Edwin. Mas mabait kasi siya kesa kay Ma'am Mikka---boss ko sa coffee shop.

Wala kasing ibang ginawa si Ma'am Mikka kundi ang tanungin si Kuya sa'kin. Pinagtitiisan ko na lang siya kahit naiinis ako. Sarap manapok ng bossing 'e sabay walk out kaso h'wag ka na nga lang babalik kinabukasan. Ang nakakainis lalo kay Ma'am Mikka ay alam niya na namang ma'y girlfriend si Kuya tapos pinagpipilitan pa ang sarili niya. Wala ba siyang ibang maharot? Bakit hindi 'yung mga customer niya ang puntiryahin niya? Hindi 'yung iniiyamot niya kaming magkapatid araw-araw.

Inaamin ko, sa mga nagdaang araw ay nahihirapan ako. Hindi ako sanay sa trabaho, hindi lang dahil tamad ako kundi dahil na rin nasanay akong tanging mata at daliri lang ang ginagamit ko sa pagtatrabaho---which is pag-eedit. Pero ngayon medyo umaayos na rin ang coordination ko kahit mahirap sa una.

Kahit naman tamad ako kapag talaga kinailangan mapipilitan ako, kaya nga ako nagtatrabaho 'e. Nandito ako ngayon sa coffee shop. At kung seswertihin nga naman ako, pino-photoshopped ko ang picture ni Ma'am Mikka at Kuya at ipinagsasama ito sa isa. Ginagawa ko itong on-going na request ni Ma'am Mikka ngayong free-time ko. Kokonti pa ang customer 'e kaya wala masyadong hassle. Habang pinagmamasdan ang laptop ko hindi ko maiwasang mangilabot kay Ma'am Mikka. Hindi nga alam ni Kuya na gumagawa ako ng portrait nilang dalawa 'e. Mabuti na lang at wala si Ma'am Mikka dito kundi sirang-sira na malamang ang araw ko.

Bumalik ako sa trabaho nang ma'y mga dumating na customers. Ang ilan sa kanila ay mga estudyante rin sa eskwelahan kung saan ako pumapasok. Napansin ko din ang ilan sa kabarkada ni Felix. Binati naman nila ako at ngumiti na lang ako sa kanila.

Natapos ang shift ko sa coffee shop at nagpalit na ako ng pang-school uniform. Nagmamadali na akong pumasok sa school dahil saktuhan lang ang labas ko galing trabaho. Mabuti naman at umabot ako sa first class nang hindi pa dumarating ang teacher namin. Madalas ko na kasing abutan ang teacher tuwing umaga. Pa'no ba naman 'e kinse minutos lang ang pagitan ng oras ng klase at labas ko ng trabaho sa café. Magbibihis pa ako, byabyahe ng eight minutes at magmamadaling tumakbo paitaas ng building para lang makarating sa third floor.

As usual, nakinig ako ng lectures at sumagot sa mga teachers. Whether I know the answer or not, I just state my theory or idea about a certain topic. I learned to pay attention to class dahil wala na akong oras magaral sa bahay. Kung meron man, itutulog ko na lang 'yun dahil sa pagkapagod.

Dumating ang recess nang hindi nagpapakita sa'min si Felix. Kaming tatlo lamang nina Jian at Tina dito sa table. Kumakain sila habang ako nama'y busy sa pag-eedit ng pictures. Nililibang ko rin ang sarili ko para hindi makaramdam ng gutom. Sinilip ko na rin kanina ang wallet ko at wala ditong natira kundi tanging pamasahe ko lang papunta sa mga trabaho ko. Nagbudget na kasi ako no'ng isang araw at kulang na kulang talaga ang pera na hawak ko.

Hindi ulit ako nagumagahan kanina dahil malapit na akong malate sa trabaho. Sa'kin pa naman ipinagkatiwala ang susi ng store kaya dapat ay mas maaga talaga ako kesa sa lahat. 'Yun nga lang, puyat palagi ang inaabot ko. Minsan masama din ang nadadala ng sobrang kasipagan ko 'e. Nagmagaling kasi ako para sa first impression sa'kin ni Ma'am Mikka kaya 'yun sa'kin napunta ang mahiwagang susi. Wala naman akong napala sa susi na 'yon kundi puyat.

"Ilang araw ka ng hindi kumakain, Marzia... binibilhan ka naman palagi namin ng pagkain, what's wrong?" Tanong ni Tina. Tumingin siya sa'kin ng puno ng awa. Umiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Pansin ko din na pumayat ka na. Okay ka lang ba talaga?" Tanong naman ni Jian.

"Yup." I said. Tumango-tango pa ako ako para magmukhang kapanipaniwala.

Naiinis ako sa nasabi nila. Para silang si Felix, palagi akong pinag-mumukhang kawawa na para bang wala akong makain sa bahay namin-----totoo naman kaso masakit kasi na ipamukha sa'kin na mahirap lang ako lalo na't alam ko na naman ito. Tama na 'yung nararamdaman kong mahirap kami, hindi na talaga kailangan na paulit-ulit na ipamukha at ipaalam sa'kin. Lalo lang akong naaawa sa sarili ko.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam sa sarili ko kung okay lang ba ako o hindi. Simula nang maging mas magulo ang lahat sa loob ng bahay namin, nahirapan na akong sagutin ang tanong na 'yan. Siguro kasi... natatakot akong aminin na hindi naman talaga ako okay. Na pinipilit ko lang maging okay para hindi ako maging pabigat sa mga kaibigan ko kapag napansin nila ako, lalo na kay Felix.

Wala akong sinasabi sa kanila ni isa tungkol sa mga sideline ko sa trabaho. Ayokong mag-alala sila para sa'kin. Ang assuming ko pero ito talaga ang nakikita kong kalalabasan sa oras na sabihin ko sa kanila ang sitwasyon ko-----namin. Kung bakit ko kailangang magtrabaho at ibuhos ko na halos ang kalahating araw ko dito.

Hangga't maaari ay ayokong malaman nila o mahuli nila akong nagtatrabaho sa maaling store na pinag-tatrabahuhan ko. Ayaw na ayaw ko mangyari 'yon. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanila. Tiyak na magtatanong naman sila kung bakit ko 'yun kailangan gawin. Ayokong magmukha kawawa sa kanila at walang ibang makita kundi awa mula sa mga mata nila. Ayoko, lalo na kay Felix. Ayaw na ayaw ko.

Mahal ko si Felix pero ayokong kaawaan niya ako at umasa na lang sa kanya. Alam ko namang once na malaman niya ay aalisin niya kaagad ako sa sitwasyong alam niyang nahihirapan ako. Halos ibigay na niya sa'kin ang lahat lalo na nitong mga nagdaang araw dahil nagtatampo daw ata ako sa kanya. Hindi ko na kasi siya madalas pansinin dahil sa tuwing nagkakafree time ako'y ang laptop ko palagi ang kaharap ko. Hindi ko naman sinasadya na gawin 'yun. Pero kailangan ko 'e, na kahit papa'no sana ay lumayo ang loob niya sa'kin.

Dumating ang lunch time at sinabi kong ma'y kailangan akong tapusin na gawain sa room. Pero ang totoo ay sa library ako nagtungo. Ma'y nag-alok kasi sa'kin kanina ng video edit, 'e medyo ma'y kalakihan ang kita kaya tinanggap ko na. Wala din naman akong pangbili ng pagkain sa canteen

kaya lilibangin ko na lang ang sarili ko para makalimot sa gutom.

Kailangang makakalahati man lang ako sa pageedit ngayong hapon para hindi naman ako masyadong mahirapan mamaya sa bahay. Ma'y balak talaga akong tapusin ito ngayong araw dahil kanina ko lang naalala na bukas na bukas na nga pala ang liga nina Felix at hindi ako pwedeng mawala dito. Actually, pwede naman kaso ayaw ni Felix 'e. Ayoko namang magtampo 'yun sa'kin.

"Hi." Pagbati ni Spencer.

Naupo siya sa tapat ko. At kung nananadya nga naman ang tadhana, same spot pa ito kung kailan kami unang nagkausap. Hindi ko siya pinansin at bumalik na lamang sa ginagawa ko. Ma'y balak ba talaga siyang ilangin ako? Hindi ba siya makaramdam ng awkwardness? Kasi ako damang-dama ko 'e.

"Naalala mo pa ba 'yung sinabi ko sayo noon?" Tanong niya. Sa dinami-rami ng kasinungalingang sinabi niya, malamang hindi ko na talaga matatandaan.

"Ang alin? 'Yung bang ginamit mo lang ako kasi napakaganid mong tao?"

"Marzia, makinig ka naman muna sa'kin-----"

"Pa'no ako makikinig sayo 'e puro kasinungalingan naman ang lumalabas sa bibig mo." Pangbabara ko dito para matahimik na siya. Nakakabingi naman talaga makinig sa mga sinungaling 'e.

"Listen, Felix's intention is worse than mine. Gusto kong sabihin sayo 'to para hindi ka masyadong masaktan." He said.

"Fraud." Bulong ko. "Wow, salamat ha. Dapat ba akong matuwa sa sinabi mo dahil nanggaling pa talaga 'yan sayo? At ano namang pake mo kung masaktan man ako? Nagawa mo ngang lokohin ako ng 'di ko nalalaman. And you expect me to believe you? Tanga ka ba?" Mahina ngunit madiin kong sabi. Kung wala lang sana kami dito sa library, malamang kanina ko pa siyang nasigawan.

Hindi na siya nakapagsalita at inunahan ko na siyang umalis sa table. Panira ng araw. Ako na mismo ang umalis sa harap niya. Ako na mismo ang nahiya sa kakapal ng mukha niya. Nababanas ako, grabe. Wala talaga siyang balak gawin kundi ang guluhin ang buhay ko at pananaw sa isang tao. Ma'y balak pa talaga siyang siraan si Felix sa'kin. Buo na ang tiwala ko kay Felix. Hindi agad-agad ako maniniwala sa pinagsasabi niya. Si Spencer na ata ang nakilala kong pinakamasamang kaibigan. Nagkasira lang sila kung ano-ano ng sinasabi tungkol kay Felix.

Tsk.

Bumalik ako sa room dahil malapit na din namang magbell. Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng pagsakit ng tyan. As in. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sakit sa tyan. Hawak-hawak ko ang tyan ko habang iniinda ang sakit. Agad akong umayos ng tayo nang mapansin ko si Felix na nakatayo sa harap ng room namin.

"Marzia..." Pagtawag niya. Nilingon ko siya at nilapitan niya naman ako. "Sorry hindi ako nakasabay kanina, ma'y iniutos si Mrs. Vergara sa'kin 'e."

"Okay lang."

"Kumain ka na ba ng lunch?" Tiningnan niya ako ng puno ng pagaalala.

"Oo." Bigla namang sumakit ang tyan ko, bwisit. Bilis ng karma. Nagsinungaling lang naman ako para sa kabutihan ng lahat. Chos! Ibang klase din ako 'e, 'no. Nagagawa ko pang magloko kahit wala na akong makain.

"Pero hindi ka naman sumabay kina Tina. Ma'y problema ba?" Muli niyang tanong. Hinawakan niya ang kamay ko at naramdaman ko ang malambot niyang palad sa'kin. His hands always make me calm.

"Wala. Ma'y ginawa lang ako, sorry." Pagdadahilan ko kasi totoo naman. Baka naman karmahin pa rin ako sa lagay na ito.

Tiningnan niya ako ng masinsinan. "You're acting cold this past few days. Tell me, did I do something wrong?"

"Wala, Felix. Bumalik ka na lang sa room niyo at malapit na magbell, sa kabilang building ka pa naman." I said.

Hindi niya pinakinggan ang sinabi ko. Nagkasalubong ang kilay niya na para bang naiinis.

"Bakit ba palagi mo akong tinataboy? Nahihirapan na din ako, Marzia. Hindi ko alam kung anong mali, sabihin mo naman para maayos natin. Hindi ka naman ganito dati. Could you please tell me? Alam ko namang meron, magsabi ka naman sa'kin." He said.

Ang tono ng pananalita niya, sobrang mapagalala at lalo akong nakakaramdam ng konsensiya. Nagbadya ang mga luha ko pero pilit ko itong pinigilan. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko talaga alam. Hindi ito ang tamang panahon para malaman niya.

Mabuti na lang at biglang nagbell.

Lagi na lang akong save by the bell.

"Sige na, bumalik ka na sa room niyo."

Sambit ko. Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumalikod mula sa'kin. Naglakad na siya palayo at pumasok naman ako sa loob ng room.

Ang sama kong girlfriend sa kanya pero kailangan kong gawin 'to. Konting tiis lang naman ang kailangan ko. Naniniwala akong babalik din ang lahat sa dati. Mas kailangan kong ayusin ang problema namin sa bahay. Mas kailangan kong unahin 'to. My family needs me more.

Baka hindi ko alam na kailangan na palang operahan si Papa tapos wala kaming pangbayad. Hindi ko naman pwedeng hayaan 'yon. Kaya lahat ng sahod na natatanggap ko ay dinederetso ko na sa card na hawak ni Mama para magamit niya sa kung anumang kailangan sa ospital o kung ano na mahalaga. I still trust my mother sa kabila ng lahat. Kahit na nahihirapan ako, okay lang. Ayokong magsisi ng hindi ginagawa ang kakayanan ko para tumulong.

Natapos ang maghapong klase at nagmadali ako sa pagbaba ng building. Hindi na ako nagpakita pa kina Tina at Jian. Magtatanong lang sila sa'kin at pipilitin nilang sumama ako sa praktis. Malamang mahihirapan na naman akong magsinungaling. Nakokonsensiya na din ako kahit papa'no sa ginagawa ko sa kanila.

Nagmamadali akong maglakad patungo sa gate ng school. Unti-unting bumagal ang paglalakad ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Napansin ko namang si Felix 'yun na ma'y kasamang ibang babae. Nanlambot ang mga tuhod ko at nahihirapang maglakad patungo sa kanila.

Nang makita ko sila ng malapitan ay kumirot ang dibdib ko. Para bang bigla akong nagkaroon ng mabigat na dinadala. Hindi ko kilala 'yung babae pero ang alam ko lang ay masaya silang nagkwekwentuhan habang nakapulupot ang kamay nung babae sa braso ni Felix. Ma'y hawak-hawak ding bulaklak 'yung babae na malamang ay galing kay Felix. Kung titingnan mo talaga sa malayo at malapitan mapapagkamalan mo silang magkasintahan. Nabigla na lang ako nang halikan nung babae si Felix sa pisngi niya.

Wow.

Hindi ko kinaya ang nakita ko. Nagmamadali ko silang inunahan sa paglalakad at nilagpasan sila. Pumara ako ng tricycle at agad na sumakay. Wala na atang ikalalala ang sitwasyon ko. Ang sakit, hayop. Ibang klaseng kirot sa damdamin ang nararamdaman ko. Sana ilusyon lang lahat ng 'yun. Please lang.

Seeing your man with another woman is not a joke.

Unti-unti akong lumuha at hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng sunod-sunod kong luha. Bakit, bakit si Felix pa? Hindi ko maintindihan kung bakit lahat na lang ng taong mapalapit sa'kin ay nasasaktan ako ng sobra. Wala akong ginawa kundi ang hayaan silang pumasok sa buhay ko, kasi gusto kong maniwala na ma'y dahilan kung bakit sila dumating pero wala naman akong sinabi na once na makapasok sila sa buhay ko, kailangan nilang mag-iwan ng sakit bago sila umalis.

Kasi 'yung sakit na 'yun hindi lang 'to tutusok sa damdamin ko, babaon pa ito sa kalaliman. At hindi ko ito kayang tanggapin lalo na kung mula ito kay Felix. Hindi ko kayang tanggapin na ma'y ibang babae si Felix. Hindi ko kaya... sa lalaking minahal ko ng totoo at buong-buo. Siya lang ang lalaking bumuhay ng pag-asa ko no'ng mga panahong nasa parte ako ng pinakamadilim na bahagi ng sarili ko. Akala ko Felix ako lang 'yung mahal mo. Akala ko ako lang 'yung babae sa paningin mo. Pero akala ko lang pala.

Maging masaya ka sana. Ang gago mo para paglaruan ako. Ang laki mong salot sa buhay ko. Hindi mo alam kung gaano ako naaapektuhan sa ginawa mo. Sobrang sakit na malamang ma'y iba ka. Sana hindi 'to panaginip para malaman ko talaga kung anong klase kang tao, Felix. Akala ko kilala na kita ng lubos at naniwala akong hindi mo kayang gawin 'yun pero nagkamali ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko bago ako pumasok sa convenience store. Bumati ako sa mga katrabaho ko at nagpalit na ng uniform. I'm in the middle of refilling packages nang mapaisip na naman ako tungkol kanina.

Hindi ko kinaya, naiyak na naman ako. Ibang usapan na kasi kapag si Felix! Mahal ko siya ng sobra. Paano niya nagawang mangbabae?! Kasi ba hindi ko siya kayang maharot katulad ng ibang babae niya?! Hindi ba niya matanggap na sadyang boring ang naging girlfriend niya ngayon? Pero nakikita ko naman siyang palaging nakangiti sa'kin maliban na lang ngayong mga nakaraang araw. Kasi ba naging cold ako? Naiintindihan ko pero h'wag naman siyang mangbabae! Kahit na ano, lokohin na niya ako sa ibang paraan pero h'wag lang sa pangbababae. Kasi mahal na mahal ko talaga siya at hindi ko siya kayang pakalwan.

"Uy, tulala ka na diyan." Bumalik ako sa wisyo nang kulbitin ako ni Sir Edwin. Tiningnan ko siya at agad kong pinunasan ang mga luha ko. "Bakit ka umiiyak?"

"Napuwing lang po ako, sir." Sabi ko. Nginitian ko siya to convince him.

"Ang hangin nga dito 'e, nakakapuwing talaga." Pamimilosopo niya.

'E kasi naman imposible talagang mapuwing ako sa ganitong klaseng lugar. Hindi talaga ako nagiisip. Malay ko ba, ang sakit ng mata ko sa nakita ko kanina 'e. Feel ko nga lalabas kanina 'yung contact lense ko mula sa mata ko. Parang that time gusto ko na lang hilingin na sana hinayaan ko na lang na malabo ang mata ko para hindi ko makita ang katotohanan.

"Oh, umiiyak ka na naman." Sita niya. Inabutan niya ako ng panyo ngunit hindi ko ito tinanggap.

"Sir, sobrang hangin lang talaga napupuwing ako." Pagdadahilan ko na naman.

"Baka sobrang sakit naiiyak na lang ako, gano'n." Pagtatama niya. "Uy, joke lang. Umiiyak ka na naman. So bakit nga?"

Si Sir Edwin ma'y pagkamakulit at pakilamero din 'e. Mas matanda lang siya sa'kin ng dalawang taon at siya ang pinagma-manage ng Papa niya sa mini store nila dito. Masasabi kong close naman kami. It won't hurt naman kung sabihin ko sa kanya. Tutal mas ma'y experience siya kesa sa'kin pagdating sa problema.

"Sir, kapag ba nakita ng boyfriend ko na hinalikan kita kahit sa pisngi lang, anong iisipin niya?" Nabigla siya sa nasabi ko at maging ako rin naman. Namula siya at nahiya naman ako.

"Ewan ko. Try muna kaya natin." Pagbibiro niya.

"Sir naman 'e, seryoso ako." Pinanindigan ko na talaga 'yung nasabi ko. Nasabi ko na 'e. Ang galing ko naman kasing mag-cite ng example.

"Syempre, maghihinala siya na ma'y iba kang lalaki. Bakit, nahuli mo ba?"

Tumango ako sa kanya. "Uy, tinanong ko lang h'wag kang iiyak. Baka akalain nila nagpapaiyak ako ng empleyado."

Agad kong pinunasan ang mga luha ko dahil sa hiya. Hindi ko talaga mapigilan 'e, kusa na lang lumalabas mula sa mga mata ko. Nakakainis naman, wala man lang on and off button. Kung meron lang ang dali siguro na itago ang sakit na nararamdaman ko.

"Sorry, sir."

"Okay lang. Pero sino ba 'yang boyfriend mo?" Tanong niya.

"Si Felix po."

"Trono?!" Gulat na tanong niya. Tumango naman ako sa kanya. "Manloloko 'yun, nagpapaiyak din 'yun ng babae. Bakit ka naman pumatol?" Sabi niya. So kasalanan ko pa?

Pero... kasi naniwala talaga akong mahal niya ako. Naniwala ako sa kanya na totoo ang pagmamahal na ipinapakita niya sa'kin. Nadala lang pala ako ng mga sinabi niya. But it felt so real. Hindi naman pwedeng mageffort siya ng gano'n ng hindi niya ako mahal, 'di ba? Pilit na nagtatalo na naman ang puso at isip ko. Pagod na akong pakinggan ang puso ko, siguro wala namang masama kung pakinggan ko naman ang isip ko. Kasi ang isip ko, nagiisip ng tama, nagiisip ng posible kong ikasakit at pwede kong iwasan samantalang ang puso ko walang ginawa kundi tumibok sa maling tao.

"Sir, minahal ko 'e." Walang hiya-hiya kong sabi. Kasi totoo naman...

Binigyan ako ni Sir ng sangkatutak na advice bago niya ako nilubayan kanina. Sabi niya h'wag daw kako ako magpapadala sa mga matatamis na salita ng mga lalaki. Kilalanin ko daw muna ng lubos at mahirap na daw sa panahon ngayon, marami na daw manloloko. Ako naman, Panay sang-ayon sa kanya. 'E pa'no ba naman, nasaktan ako ng sobra pa sa inaakala ko.

Nagpalit kami ng posisyon ng nakatao sa counter. Ma'y shift din kasi kami nung kasamahan ko. Minsan mas prefer ko talagang nasa stock room at nagaayos na lamang do'n ng packages kesa dito sa counter. Atleast doon sa stock room ay tago ako.

Marami-rami din ang dumating na customer at panay naman ang pagngiti at pagbati ko sa kanila. Napansin kong nandito ang iba sa kabarkada ni Felix, mabuti na lang at hindi nila kasama si Felix.

Dahil natapos na ang shift ko, nagbihis na ako ng pangschool uniform. Nagpaalam at nagpasalamat ako kay Sir Edwin. Bago pa nga niya ako paalisin sa office, pinagsabihan niya pa nga ako tungkol sa 'gagong' boyfriend ko. Mas gago siya, 'di niya alam na nasasaktan na ako tapos inulit-ulit niya pa talaga. Naiyak ulit tuloy ako, kasi naman pinaalala pa 'e. Gusto ko na nga munang kalimutan para makapagtrabaho ako ng maayos mamaya. Ang sunod ko pa namang trabaho ay kina Felix at lalo lang akong nanghihina ng dahil do'n. Hindi ko alam kung pa'no ko siya haharapin.

"Sabi ko na sayo 'e. Dito lang nagtatrabaho 'yung current girlfriend ni Felix. Nakita ko din 'yan sa café kanina." Rinig kong bulong nung mga lalaking kumukuha ng beer. Bigla ko namang namukhaan na sila 'yung mga kabarkada ni Felix.

"Hindi rin magtatagal ang dalwang 'yun. Hindi na nga halos nagpapansinan 'e." Agad akong nasaktan sa paguusap nila. Gano'n ba talaga ang tingin nila sa'ming dalawa?

"Sakit siguro, 'no? Kapag nalaman nung girlfriend niya na pinagpupustahan lang natin siya. Matitiis pa kaya 'yun ni Felix? Mukhang bibigay na siya 'e. Sayang naman 'yung pusta namin." Sabi nung lalaki ng puno ng panghihinayang.

Lumabas ako ng store. Dito ko na halos ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak dito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa sitwasyon 'to. At mas lalong hindi ko alam kung anong mangyayari sa'min ni Felix sa mga susunod na araw.

Tuluyan na ba kaming magkakasira? Pustahan lang ba talaga ang lahat ng ito para sa kanya? It felt so real at nasasaktan ako dahil tumagal pa ito ng ganito! Bawat araw lumalalim ang damdamin ko para kay Felix, tapos isang araw malalaman ko na ganito? Hindi pwede! Mahal ako ni Felix!

Ito na ba 'yung sinasabi sa'kin ni Spencer noon pa?! Lalo akong nanghina dahil sa ideyang 'yon.

Gusto ko na lang maging bingi at bulag ngayon. Sana hindi ko na lang 'yun narinig na pinagpupustahan lang pala nila ako. Sana hindi ko na lang nakita na ma'y kasama siyang ibang babae. Kahit na maging mabingi at bulag na lang ako sa katotohanan, h'wag lang ako masaktan ng ganito, kasi hindi ko kakayanin. Sobra-sobra na...

Hindi ko akalaing kayang gawin 'to sa'kin ni Felix. Lahat pala ng pinagsamahan namin ay isang huwad lamang. Paano 'to naging gano'n kadali para sa kanya?! Na paglaruan ang damdamin ng isang tao! Naniwala ako sayo, Felix. Pero hindi ko alam ikaw pala mismo ang sisira sa'kin.

Sana nakinig na lang ako kay Kuya. Sana una palang inilayo ko na ang loob ko sa kanya. Sana pala hindi ko na lang siya hinayaang makapasok sa buhay ko. Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon. Kung alam ko lang hindi na ako nagpaloko.

I didn't expect a heartbreak like this. Our relationship seemed strong but I wasn't aware that it's slowly tearing apart. O ako lang talaga 'yung nagakala na ma'y relasyon talaga kami.

Sa pangalawang pagkakataon, nadurog na naman ang puso ko.

"Marzia?" Unti-unti akong lumingon sa taong tumawag sa'kin. Agad siyang lumapit sa'kin at napahagulhol ako sa pag-iyak. Niyakap niya kaagad ako nang makita ang sitwasyon ko.

"Jian," Pagtawag ko sa kanya. "si Felix niloko ako. Nakita ko siyang ma'y kasamang ibang babae at narinig ko rin na pinagpupustahan lang nila

ako." Sabi ko na parang nagsusumbong na bata. Wala na akong ibang alam na malalapitan kundi siya lang.

"Hindi... Marzia. Hindi niya magagawa 'yun. Mahal ka ni Felix..." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Pero... bakit niya nagawa 'yun?! Ayoko na, Jian. Ayoko na."

"Nangako siya sa'king hindi ka niya sasaktan. Naniwala ako sa kanyang hinding-hindi ka niya lolokohin. Hindi... hindi pwede! Nagparaya ako para sa kanya." Hindi ko narinig ang ilan sa nasabi niya pero ang alam ko lang ay lubos akong nasasaktan ngayon.

"Jian, mahal na mahal ko si Felix. Hindi ko matanggap."

"Hinding-hindi na kita hahayaang masaktan pa. Don't worry, Marzia. Nandito na ulit ako, hindi na kita hahayaang lumuha pa." He said. Kumawala siya sa pagkakayakap at iniharap niya ako sa kanya.

"Tahan ka na ha. 'Di ba sabi ko naman sayo, ayokong nakikita kang umiiyak kasi nasasaktan din ako." Nginitian niya ako at pinunasan ang mga luha ko.

"Sorry, Jian..." Unti-unti akong ngumiti sa kanya.

Sana...

Sana hindi ako nagkamali ng desisyong ginawa ko.

Kasi ayokong magsisi...

Sana umayos pa ang lahat sa pagitan namin...

--

Vote. Comment. Share.