Chapter 19: Dilemma
Kakauwi ko lang sa bahay. Inihatid ako ni Felix kanina. He insisted kahit kaya ko namang magbyahe, mahirap na daw sa panahon ngayon 'e. Baka daw ma'y umagaw pa sa'kin. As if.
Kinakabahan ako ngayon habang hinihintay ang pag-uwi ni Mama. Kailangan kong sabihin sa kanya na ma'y boyfriend ako. I need to face her and tell her the truth.
Kung pwede nga lang na kay Papa ko na lang ipakilala si Felix ay nagawa ko na. Hindi ko pwedeng gawin 'yun, gustuhin ko man pero hindi ko alam kung saan siya nakaconfine. Gano'n talaga katindi si Mama na ilayo ako kay Papa, pero ang hindi niya alam 'yung loob ko lang ang tanging lumayo sa kanya.
Bakit kailangan maging ganito siya kalala? She's hiding my own father from me. Naiintindihan ko naman 'yung side niya kahit papa'no, pero hindi niya ba alam na nakakasakal ang ginagawa niya sa'min ni Kuya?
It's already 8PM at kanina pa akong naghihintay para sa kanya. Halos tatlong oras na akong naghihintay. Akala ko ba gabi pa ang shift ng trabaho niya sa opisina? Maaga naman akong dumating ah. Umuuwi pa kaya siya? Not that I'm worried, nakakainis lang dahil hindi niya magawa ang parte niya bilang isang magulang. Tapos magagalit siya sa'min ni Kuya kapag hindi namin nagagampanan ang tungkulin namin bilang anak niya samantalang hindi naman siya nagiging magandang modelo para sa'min. She disappoints me a lot as much as she is to me.
My Mom literally don't know what's best. That quote really gets on my nerve. Nakakainis! Ang swerte nung iba sa mga magulang nila. 'Yung klaseng mabait, full of sacrifices, at higit sa lahat ipinaparamdam nila sa mga anak nila ang kahalagahan nila dahil mahal na mahal nila ito. Ang saya siguro ng pamilyang ga'non. Hindi ko maiwasang mainggit.
Pinuntahan ko si Kuya sa kwarto niya. Pumasok agad ako at hindi na kumatok pa. Nahuli ko siyang kausap si Stacey over the phone. Kitang-kita ko naman kung paano siya kiligin at ngumiti habang kausap ito.
Umupo lamang ako sa harap ng desk niya at pinagmasdan ang mga drawing na nakakalat. Sa totoo lang, lalong lumaki ang improvement ni Kuya sa pagdro-drawing. Hindi ko lang sinasabi dahil tiyak na magmamalaki lalo 'yun sa'kin. Magaling na naman siya, alam na naman niya 'yun sa sarili niya, no need na sabihin ko pa.
"Kanina ka pa diyan?" Rinig kong sabi niya. Nilingon ko siya at hinarap ko ang upuan sa kanya.
"Not long enough to hear your
giggles and corny sweet lines."
Kumunot naman ang noo niya. "Weh, corny? 'E kapag sinasabihan ka nga ni Felix ng sweet lines kilig na kilig ka din." Ramdam ko ang pagsuloy ng ngiti sa labi ko.
"Hindi kaya."
O, ayan na nga, pumapabebe na naman ako. Natututo na rin akong pumabebe nang magkaboyfriend ako. I don't know if it's a good thing or a bad thing. Basta ang alam ko masaya ako. Magkaiba naman kasi 'yung maharot na pabebe sa pabebe lang 'e. HAHA.
"H'wag ako, nahuli rin kita dati habang kausap si Felix sa phone mo. Ang lala mo kiligin, mukha kang bulate!" Sabi niya.
Inirapan ko siya. "Ewan ko sayo."
Tinanong niya kung bakit daw ako nambubulabog sa kwarto niya. Sabi ko kukunin ko lang number ni Mama kaso hindi niya ibinigay. Hindi naman daw ako papansinin ni Mama lalo na kapag over the phone. Baka patayan lang daw ako. Uuwi daw naman si Mama mamayang 11PM at sigurado daw siya kaya h'wag na daw akong magduda kung totoo ba ang sinasabi niya o hindi. Madalas pa namang magsinungaling sa'kin si Kuya kaya wala talaga akong tiwala sa kanya.
"Hihintayin ko na lang si Mama." I said and sigh.
"Ang tapang natin, ah. Baka magback out ka mamaya kapag nakita mo si Mama." Ngumisi siya na para bang hinahamon ako.
Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas ng kwarto niya. Inasar-asar niya pa nga ako kay Felix na in love na in love daw ako dito at handang-handa ko raw na ipakilala siya sa mga magulang namin kaya naiinis ako 'e. Totoo namang mahal ko si Felix pero ayokong inuulit-ulit 'yung katotohanan, 'no. Lalo na't alam ko na naman ito. Tanggap ko naman ang katotohanang inlababo ako sa kanya
kaso pinagmumukha kasi ako ni Kuya na marupok 'e. Sarap upakan.
Dumeretso ako sa kwarto at nilibang ang sarili ko. Nanood ako ng anime para pampalipas oras. Pagkatapos kong mabored ng lubusan, lumabas ako para kumuha ng pagkain kaso pagkatingin ko sa ref ay wala itong kalaman-laman. Patay din mismo ang ref namin. Pinihit ko ang poso sa sink para kumuha ng tubig pero walang lumabas mula dito.
"Kuya! Bakit wala tayong tubig?" Sigaw ko para umabot ang tinig ko hanggang sa kwarto niya. Nilibot ko ang paningin ko at nandito lamang pala siya malapit sa living room.
"Naputulan tayo ng tubig." Sabi ni Kuya at bumuntong hininga. "Nag-ipon na ako diyan sa mga timba para sa susunod na araw. Kailangan na rin nating magtipid sa kuryente, bukas na ang huling bayaran sa kuryente pero wala pang ibinibigay na pangbayad sa'kin si Mama."
"Bakit, hindi ba siya umuuwi kaya hindi makapagbigay ng pera? Tuluyan na ba siyang nagpakalayo? Nakakainis naman siya, responsibilidad niya na naman 'yun!" Nagkasalubong naman ang kilay niya sa nasabi ko.
"Sadyang kulang ang pera natin. Hindi ito kasalanan ni Mama, h'wag mo nga siyang sisihin! Nagtatrabaho siya para sa'tin! Ano bang hindi mo maintindihan do'n?! Ano bang gusto mo, ha? Sama-sama tayo dito habang nagugutom?! Hindi lang naman ikaw ang nahihirapan kami din pero pilit naming tinitiis!" Bulyaw niya.
"So dapat ba akong magpasalamat dahil sama-sama tayong nagtitiis?! I just want to put an end to this!"
"But you can't---screw it, we can't put an end to this. Mahirap lang tayo." Matigas na saad niya.
Katahimikan ang bumalot sa'min. Kasi... kasi tama naman si Kuya. Mahirap lang kami. Ang hirap maging mahirap. Sigurado ako na kung hindi lang kami nakatira sa isang subdivision ay halatang-halata sa'min na mahirap lang kami. Nang makalipat kami dito, binatikos na agad kami ng iba naming kamag-anak. Ang yaman-yaman na raw namin tapos hindi man lang daw namin magawang tumulong sa kanila.
Napatingin ako kay Kuya, alam kong nahihirapan na din siya sa sitwasyon namin. Sino ba namang hindi? Parang noong mga nakaraang araw okay pa ang pag-uusap namin at nagtatawan pa pero kanina lang nagtalo naman. Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon namin siguro isa din kaming masayang pamilya. Konting tyaga lang at pag-asa, siguro pwede pa naman kami maging isang masayang pamilya.
"Pwede ba 'ko magtrabaho sa isang convenience store?" Tanong ko.
"Merong malapit sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Do'n ka na lang para mabantayan kita."
Tumugon ako sa kanya. Iniwanan niya ako sa kusina. I am just left here wondering. I need to save more money. Kailangan kong mag-ipon para sa'min. Hindi ko alam kung anong lubos na pinagkakagastusan namin bukod kay Papa para mawalan kami ng pangbayad. Masyado namang malala ang financial crisis namin para mawalan agad ng pera kahit pangbayad lang ng kuryente at tubig. Dati naman nakakabayad pa kami buwan-buwan.
Mahirap ng walang kuryente at tubig sa bahay. Kailangan kong gumawa ng paraan. Wala akong hawak na pera ngayon at paubos na rin ang allowance ko. Deretso na kasi sa card ko ang perang kinikita ko online, which is na kay Mama.
Rinig kong nagbukas ang pinto at tiningnan ko kung sino 'yun. Madilim ang paligid pero alam kong si Mama 'yun. Naglakad siya sa direksyon ko at nilagpasan ako. Parang hangin lang ako na dinaanan niya.
Nagtaka ako dahil nakasuot siya ng beanie hat 'e samantalang 'di ko siya nakikitaang magsuot ng gano'n noon.
"Gabing-gabi na hindi ka pa rin natutulog." Sabi niya. Lumapit siya sa pwesto ko para kumuha ng tubig.
Gusto kong sabihin sa kanya ang tungkol sa'min ni Felix. Gusto kong ipakilala siya sa kanya pero malabo itong mangyari ngayon. Ma'y mas kailangan pa akong intindihin at ayusin ngayon. Pwede ko pa namang ipagpaliban 'yung sa'min ni Felix. Pero itong problema namin sa bahay ang kailangan ko munang harapin.
Naiilang akong tumingin sa kanya. "Ma, pahingi naman po ng pangbayad sa kuryente at tubig." Sabi ko.
Kinakabahan ako at nahihiya at the same time. Mukha kasi akong nanlilimos sa sarili kong magulang. Pero okay lang, kailangan ko 'e-----kailangan namin.
"Wala akong maibibigay..." Walang buhay niyang sagot.
"Kahit ibawas niyo na lang po dun sa sahod ko." Giit ko.
"Wala na."
"Pero malaki naman 'yun. Hindi naman 'yun basta-bastang mawawala." Sabi ko. Hindi ako naniniwala na ubos na agad ang pera namin. Tatlo na nga kaming nagtatrabaho 'e kukulangin pa. Syempre kahit papa'no ma'y tira pa rin 'yun.
"Winawaldas niyo ba ang pera ko?" I blurted out. Nabigla siya sa nasabi ko at napaiwas ng tingin.
"Ma'y mga gamot na kailangang bilhin para sa Papa mo."
"Wow, libo-libo ba 'yung gamot? Bakit, araw-araw ba siyang ino-operahan para gano'ng halaga ang mawala?!" I'm just disappointed by the thought that maybe my earned money will just go to waste! Kumikita ako para sa makabuluhang dahilan!
"Hindi lang naman ang Papa mo ang pinakanangangailan ng pera! Ako
rin." Bulyaw niya. Hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi dahil napansin kong ma'y pulang likido ang dumadaloy mula sa ilong niya. Tumapat ang mukha ni mama sa liwanag at agad akong nabigla ng makita kung ano ito.
"Ma, dumudugo ang ilong niyo!"
Umalis siya kaagad sa harapan ko at tumungo sa sink kaso walang tubig kaya nagmadali akong kumuha ng tabo at sumalok ng tubig sa banyo. Bumalik agad ako kay Mama at ibinigay sa kanya ang tabo. Pinunasan niya ang dugong nagkalat sa paligid ng ilong niya. Nakita ko kung gaano namula ang puti niyang panyo. Masyadong marami ang dugong lumabas mula sa kanya para maging isang simpleng nose bleed lang ito.
"Ma, bakit dumudugo ang ilong mo?" Nag-aalalang tanong ko.
"Matulog ka na..." She said. Hinawakan ko siya sa balikat para maalalayan siya kaso tinaboy niya lang ang kamay ko. "Sabi ko matulog ka na!"
Nabigla ako sa pagsigaw niya. Punong-puno ng galit ang mga mata niya at natakot ako nang matitigan ko ang mga ito. Agad akong umalis sa harap niya at dumeretso sa kwarto. Umupo lang ako sa pinakasulok ng kwarto ko habang nakatitig sa kawalan. Walang lumalabas na luha mula sa mga mata ko, sakit lang ang nararamdaman ko. Marahil ay nasanay na rin ako sa mga ganitong pangyayari.
Kumirot ang dibdib ko, sinigawan na naman ako ni Mama. I was just trying to help. Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba niyang ginawa ito sa'kin pero ang alam ko lang ay sobra akong nasasaktan sa tuwing sinisigawan niya ako. Walang ibang gustong ipahayag ang pagsigaw niya kundi ang manahimik na lang ako at umalis sa harap niya nang hindi man lang pinapakinggan ang parte ko.
Gusto ko lang naman mag-alala para sa kanya pero tinataboy niya ako. Gusto kong makatulong para sa kanya. Gusto kong alamin ang problema kung bakit ganito niya ako tratuhin. Pero sa tuwing ginagawa ko 'yun, ang nagiging dulo lang nito ay ang pagsigaw ni Mama sa'kin to put an end. Kaya sa huli, wala akong nagagawa para ipagtanggol ang sarili ko. Wala akong nagagawa para ayusin ang sarili ko sa harap niya.
I always end up wondering kung ma'y mali ba sa ginagawa ko. Minsan meron pero madalas mali kasi 'yung hindi ko maipagtanggol ang sarili ko sa harap ng magulang ko. Na ang tingin sa'kin ay walang iba kundi isang katulong lamang. 'Yung klaseng sunud-sunuran sa lahat ng sinasabi ng amo niya, 'yung wala kang magawa kundi sundin lahat ng gusto niya dahil wala kang choice. At hindi mo masabi ang nararamdaman mo sa kanya---kung pagod ka na ba sa pinapagawa niya sayo, nahihirapan, nalulungkot. Hindi pa ba dapat katulong ang itaguri sa'kin? Kasi ito talaga ang nakikita ko sa sitwasyon namin.
Lagi na lang ako ang mali.
Ito ang nararamdaman ko sa mga dumaang taon na hindi ko pa rin maiwan-iwan. Mahirap kasing iwanan 'yung sakit hangga't nararamdaman mo pa, kahit katiting pa 'yan, damang-dama ko talaga.
Hindi ko akalaing kinakaya ko pa ito hanggang ngayon. Minsan nga naiisip ko kung nagsisisi kaya siya na ipinanganak niya pa ako. Nagsisisi kaya si Mama? Ito na ata ang pinakamasakit na ideya na pumasok sa isip ko mula pagkabata na hanggang ngayon ay dala-dala ko. Hindi man niya sabihin sa'kin ay nararamdaman ko ito.
Pa'no ko ba hindi mararamdaman 'e sa tuwing tumitingin siya sa'kin ay punong-puno ng galit. Hindi tulad ng nakikita ko sa mga mata ng mama ni Felix na puno ng kasiyahan at pagmamahal na kahit kailan hindi ko nakita sa mga mata ni Mama.
Okay lang naman sa'kin 'e. Pero kahit minsan ba inisip niya ang nararamdaman ko? Ang kapakanan ko? Kasi kung iniisip niya talaga hindi niya ako tatratuhin ng ganito. Siguro naman alam niyang nasasaktan ako sa ginagawa niya sa'kin. Sobra-sobra. Mama ko pa rin naman siya kahit anong mangyari.
___
Kaninang umaga ay inagahan ko pumasok dahil ayokong sumabay kay Felix. Hinihintay niya kasi ako madalas sa ma'y gate 'e dahil hindi pa rin siya pinapapasok ni Manong guard. Gusto ko muna siyang iwasan ngayon. Hindi naman niya 'yun mapapansin at busy siya sa praktis game nila. Kailangan ko munang magfocus sa problema sa bahay. Mag-a-apply pa ako mamaya sa convenience store na sinasabi ni Kuya.
Kasabay ko sina Felix na maglunch. Kasabay lang pero hindi ako kumakain. Dala ko ang laptop ko at nageedit ako para man lang kumita ng maliit.
"Kumain ka muna, mamaya na 'yan." Sabi ni Felix.
"Busog pa ako. Marami akong kinain kaninang umaga. Sasakit lang ang tyan ko." Pagdadahilan ko. Nginitian ko si Felix para man lang maconvince siya. Nahagilap ng mga mata ko si Jian, he doesn't look satisfied. Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik ko na ang atensyon ko sa laptop.
Gutom na talaga ako dahil hindi ako nag-umagahan kanina at hindi na ako kumakain ngayon. Wala na kasi kaming kahit anong pagkain o delata. Iniipon ko na rin 'yung konting allowance ko kaya hindi na ako bumili ng panglunch. Kaya ko pa naman tiisin 'e. Bibili naman ako mamaya ng pagkain pauwi para ma'y makain man lang kami ni Kuya bukas ng umaga.
"Magugutom ka niyan." Ma'y inilapag si Felix na tray ng pagkain at inilapit ito sa'kin. "Kain ka muna."
Imbis na matuwa ay nainsulto lang ako sa ginawa niya. Pinagmumukha niya akong walang pera kahit kaya ko namang bumili. Mabuti na lang at nagbell na para mawalan ako ng oras para kainin 'yun. Alam ko namang ipipilit pa ni Felix sa'kin na kumain.
Dumeretso na ako sa room kasabay sina Tina at Jian. Nahuhuli akong maglakad kesa sa kanila. Ma'y pinaguusapan kasi sila 'e as a couple, malamang labas ako dun. Alangan namang maki-third wheel pa ako. Nahuli ko naman si Jian na sinulyapan ako na agad din namang nagbalik tingin kay Tina.
They also tried talking to me pero matipid lang ang pagsagot ko. Hindi ko alam na ganito pala ang maaaring maging epekto ng problema sa bahay. 'Yung tipong mapapatulala ka na lang sa room at hindi mo maintindihan ang nangyayari sa paligid.
I just attended my classes. Sumagot din ako ng sumagot sa klase to distract myself. Kapag nanatili akong tahimik ay mapapaisip lang ako ng malalim. Gustong-gusto ko na ngang maglabasan para masimulan ko na ang pag-a-apply 'e. Sana lang talaga matanggap ako sa trabaho para mapabilis ang pagsisimula ko sa pagsa-side line.
Pagkatapos ng huling klase ay nagduty muna ako sa library kasama ang ibang scholars. Noong nagkafree time ako ay nagreview na lang ako dahil nalalapit na rin ang exam. Wala namang pumapasok sa isip ko dahil namomroblema pa ako para mamaya. Baka hindi ako makapasok sa convenience store. Nagiisip na rin ako ng ibang lugar na posible kong pagtrabahuhan.
Hindi ko sinipot sina Tina sa praktis after school. Nagdahilan na lang ako sa kanya para masabi niya kina Felix. Hindi niya pa ako pinayagan no'ng una pero mabuti na lang at hinayaan niya ako nung bandang pahuli. Sinabi ko kasi na ma'y emergency 'e. Emergency naman talaga 'yung gagawin ko ngayon. I need money.
Pinuntahan ko ang convenience store. Nagdala na rin ako ng mga form na kailangan. Natuwa ako dahil tinanggap agad ako sa trabaho kaso ngayon na daw ang simula ng trabaho ko. Kulang na kulang daw kasi sa staff sabi ni Sir Edwin---'yung boss ko na may-ari ng store. Pumayag naman ako at nagpalit na ng uniform. Dahil ma'y nakadistino na sa counter ay isa ako sa nakatalang magrefill ng packages. Ma'y kasama din ako na ibang staffs sa paggawa nito.
Ma'y nakakwentuhan ako na ibang staffs at masasabi kong mababait naman sila. Four hours pa ako dito at pagkatapos nito ay dederetso naman ako kina Felix. And again, for work. Okay lang naman sa'kin pero nagaalala ako dahil malapit na ang exam namin. Tsaka pa kasi sumabay ngayon 'e. Kung maaga ko lang nalaman na mas kakailanganin namin ng malaking halaga ay dati pa akong humanap ng trabaho aside from editing. Hindi sana ako nahihirapan ngayon lalo na't malapit na ang test. Pagkatapos na pagkatapos lang ng basketball game ang exam 'e. Ang galing talaga gumawa ng schedule ang school namin.
Pagkatapos ng kasiyahan ma'y pighati agad 'e. Pwede manapok ng principal? Kasi kung pwede matagal ko na sanang nagawa.
Natapos ang unang araw ng trabaho ko sa convenience store at hindi naman ako gaanong napagod. Sobra lang, nagbuhat kasi ako ng malalaking packages papunta sa stock room. Hindi ako pinagbuhat ni Sir Edwin pero ako lang ang nagpumilit. Kokonti kasi kaming staff 'e tapos hindi pa ako tutulong. Anong silbi ko nun? Kaya nga ako empleyado 'di ba.
Nagpalit na ako ng pang-school uniform. Nagpaalam ako sa boss ko at nagpasalamat. Lumabas na ako ng store at nilakad ko 'yung coffee shop kung saan nagtatrabaho si Kuya. Malapit lang naman 'e. Sabi ni Kuya magpakita daw muna ako lagi sa kanya bago umalis ng store.
Ma'y nakita akong nakadisplay na "hiring waitress" sa unahan ng coffee shop at ito ang pumukaw sa atensyon ko. Nagpatulong ako kay Kuya na mag-apply at nakuha naman agad ako. Kaclose kasi ni Kuya 'yung boss niya-----'di na ako magtataka babae 'e.
Bukas na bukas din daw ako magsisimula kaso nga lang ay pang-umaga ako habang si Kuya ay pang-hapon. Wala raw kasi masyadong kumukuha ng schedule ng umaga 'e kaya mapipilitan daw ako na pang-umaga. Okay na rin 'yun, wala na akong oras para sa hapon 'e. Mabuti naman at waitress lang ako, hindi ko kakayanin bilang barista baka mainom ko lang 'yung kape. Wala din naman akong talent sa coffee making, maalam lang akong uminom.
"Sure ka ba? Nakuha ka na naman bilang staff dun sa convenience store at editor ka din ni Felix. Hindi ba sobra na ang trabaho mo?" Tanong ni Kuya. Nagaalala siyang tumingin sa'kin.
"Konting trabaho lang 'yan, 'no. Para din naman sa'tin." Sabi ko.
He looked down pero kita ko ang mga nagbabadya niyang luha. "Sorry, hindi ko nagagampanan ang tungkulin ko bilang Kuya mo. Sorry kasi ikaw 'yung pinakanahihirapan sa'ting dalawa. Hayaan mo, babawi din ako sayo." He said.
"Kuya... okay lang. Naiintindihan ko naman." I said. Ngumiti ako kahit na nahihirapan ako sa sitwasyon namin.
Kailangan naming maging malakas. Wala din naman kaming choice, walang-wala.
Nagpaalam na ako kay Kuya na aalis na ako. Bumyahe naman ako patungo kina Felix. Medyo nahihilo ako along the way pero okay lang. Buhay pa naman ako 'e. Sinalubong ako ni Tita Francine at pinaderetso na ako sa kwarto ni Felix. Kanina pa daw akong hinihintay 'e. Tiningnan ko ang orasan, late lang naman ng kaunti ang pagdating ko.
Nang makarating ako sa kwarto ni Felix ay naabutan ko siyang tulog. Pagod na pagod siguro siya sa praktis nila. Tiningnan ko na lang ang computer niya at nakita kong ma'y blog siyang nagluluto. Hindi pa ito edited kaya ito na lang ang pinagkaabalahan ko.
Inedit ko ito at nilingon si Felix sa pwesto niya kanina pero wala na siya dito. Maya-maya pa'y dumating siyang ma'y dalang tray ng pagkain. Ipinatong niya ito sa kama niya.
"Kain muna tayo." Sabi niya. Lumapit naman ako sa kanya. Dito ako palaging kumakain ng hapunan 'e kaya okay lang.
"Si Tita?" Tanong ko. Naalala ko kasi si Tita Francine na gusto kami palaging kasabay 'e.
"Ma'y pinaguusapan silang business plan ng isa sa investors niya. Do'n sila pwumesto sa kitchen. Gusto na ngang paalisin ni Mama para makasabay daw tayo kaso maldita 'yung investor niya." He said. Natawa naman kami. Si Tita talaga.
Nagsimula kaming kumain at tahimik lang ang lahat sa pagitan namin. Hindi naman 'yung klaseng awkward, peaceful lang kumbaga. Natapos kaming kumain at nagpahinga lang kami sa isang tabi.
"Okay ka lang ba?" He said. Tiningnan niya ako ng puno ng pag-aalala. Nginitian ko lang siya.
"Ikaw nga dapat ang tinatanong ko 'e. Kamusta praktis niyo?" Tanong ko.
"Hindi mo naman sinasagot ang tanong ko." He looked down. "Pero ayos lang ako."
"Okay lang din ako, Felix." Sagot ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito ng marahan. "Sorry ha, ma'y inasikaso ako kanina 'e."
"Naiintindihan ko pero h'wag kang mawawala sa liga ha, next week na 'yun." Tiningnan niya ako with full of hope. Magkakaroon naman siguro ako kahit papa'no ng free time next week.
"Gusto ko sanang suportahan mo
ako." Dagdag niya.
I gave him a genuine smile. "Oo naman."
Dahil maraming pang natitirang oras, nagreview kaming dalawa. Nagtulungan lang kami sa isa't-isa pero mas marami talaga ang naitulong sa'kin ni Felix. Syempre dadaan pa lang ako dito nakalampas na siya. Perks, hehe.
Ang cute niya nga magturo 'e. Mabuti na lang hindi siya nagagalit sa'kin kapag paulit-ulit akong nagtatanong sa kanya. Hindi naman kasi ako madalas makinig sa klase kaya malamang ay wala akong maintindihan.
Tinititigan ko lang siya habang nagtuturo. Aba, maganda ang view 'e, sulitin ko na. Ibinalik ko na ang atensyon ko sa tinuturo niya. Baka wala akong maisagot 'e. Aral muna bago landi.
Pagkatapos maubos ng oras ay nagpaalam na ako kay Felix. Ihahatid niya pa sana ako kaso I insisted na bumyahe na lang. Hindi niya naman obligasyon na ihatid ako palagi. Okay na 'yung minsan lang. Ayoko namang umaabuso 'e porket alam kong mahal ako nung tao. Wala siya nagawa dahil ipinakilala siya ng Mama niya dun sa investor na sinasabi niya. Hinayaan niya na ako at umalis na ako sa bahay nila.
Pumunta ako sa grocery store at namili ng kaunting pagkain gamit ang parte sa allowance ko. Bago ko pa makuha ang mga delata na gusto kong kunin ay kina-calculate ko na agad ito. Baka kulangin ako ng dala sa pera.
Nasa counter na ako at nagulat ako nang masulyapan ko kung sino ang kasunod ko, si Spencer. Marami pagkain ang nakalagay sa basket niya samantalang ang sa akin ay bilang na bilang lamang. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya.
"Ma'am, 267 pesos po." Nabigla ako sa sinabi ng babae sa counter. Two hundred pesos lang 'yung budget ko. Pa'no 'to lumabis ng sixty-seven pesos?! 'Yun lang ang dala kong pera 'e tapos pamasahe ko pa.
"Miss, pakibawas na lang po nung dalawang spam." Sabi ko. Alam kong nakakahiya pero 'di ko naman kayang bayaran 'yun.
"Ma'am, napunch ko na po 'e." Sagot niya.
Inis akong tumingin dito. "Edi ulitin mo."
Napansin kong ma'y kumulbit sa kamay ko at si Spencer 'yon. Inaabutan niya ako ng one hundred mula sa ibaba. Nakita niya siguro na two hundred lang 'yung laman ng wallet ko. Tiningnan ko siya at tumingin siya sa'kin pabalik sa pera na hawak-hawak niya. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya kahit nakakahiya ay kinuha ko ito. Ibinigay ko ito sa sa babaeng nasa counter at kinuha na ang paper bag kung nasaan ang mga dala ko.
Dali-dali akong lumabas ng store pero ramdam ko pa rin ang pagsunod sa'kin ni Spencer. Ugh, nakakahiya. Ano pa bang gusto niya? Baka gusto niya pang ipamukha sa'kin kung gaano ako naghihirap ngayon.
"Marzia, teka lang." Sabi niya. Nilingon ko siya at nilapitan niya ako. Hindi na ako nagwalk out para matapos na ang kung anumang sasabihin niya.
"I'm sorry. I know I've been a jerk but I want to clear things between us. Would you please forgive? Nagsisisi na ako, I swear." He said.
Ngumiti ako ng mapait. "Alam mo naman palang tanga ka tapos ang kapal pa ng mukha mong magpakita sa'kin."
"I'm really sorry." He said.
"Pero alam mo pinapatawad na kita para hindi na ako magkautang na loob pa sayo." Madiin kong sabi.
Umalis na ako sa harap niya. Kuntento na naman siguro siya sa nasabi ko. Kainis! Baliw lang ang maniniwala dun. Bahala siya. Pinatawad ko na naman siya, h'wag na nga lang niyang guguluhin ang buhay ko, okay na 'yun sa'kin. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko ang mukha ni Spencer. Sana makalimutan ko na siya ng tuluyan. Ang hirap talaga kalimutan ng mga taong nanggagago sa'kin 'e.
Bumyahe na ako pauwi. Habang nasa daan pauwi ay napapahikab na lang ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong antok. Dumating ako sa harap ng bahay at sobrang dilim ng kabuuan nito. Tuluyan na nga kaming naputulan ng kuryente. Napabuntong-hininga na lang ako. Paano na lang kami sa mga susunod na araw?
Hindi ko na talaga alam.
--
Vote. Comment. Share.