Chapter 5: Bro-Sis
Hinatid na ako ni Felix pauwi. We will start to shoot his blog tomorrow. He said that her Mom had already transferred the money in my bank account. Nakonsensiya nga ako dahil wala naman akong ginawa. Felix insisted to call it a day dahil busy daw siya kanina sa school at pagod na.
Kanina pa malakas ang kutob ko na ma'y nakalimutan ako. I don't know whether it's a person or a thing. I just hope that it's nothing important.
Dumeretso na ako sa aking kwarto but before that I saw Marco drawing in his room. It's been a long time since he hold his drawing pens.
Nagbihis na ako ng pangtulog at naglagay ng lotion. Dapuin kasi ako ng mga pesteng lamok.
This must be the most peaceful night I ever experience.
'Yung klaseng nakakahinga ka ng maluwag at hindi nag-aalala para sa ipangtutustos niyo sa araw-araw. Still, other people doesn't know how to appreciate things that they have.
I checked my phone for any hot gossips but instead I saw Felix's phone number pop up into my notification bar.
"Sweetdreams, baby"
Ngumisi naman ako. He is really great at playing as my boyfriend.
"May nightmares hunt you, lover boy" I replied back.
I changed his nickname to 'Love'.
They said that having that callsign means that you won't last long together.
I believe it.
Naglakad ako patungo sa study table ko at nagsimulang tumanggap ng requests. I can't give up on this job, it's like I am not complete without editing photos. Dito ako nagsimula and I will follow my passion whatever it takes.
I can't just give up to something I love.
Lumipas ang isa't kalahating oras at nakatapos din ako ng tatlong request. Hindi biro ang mag-edit, dude. Kailangan talagang paggugulan ng napakahabang oras. Mabilis pa nga itong isa't kalahating oras 'e para sa tatlong request.
Hindi naman pwedeng bastahin ko 'to at baka magsisulputan mga basher ko.
Oo, nagkabasher na ako. Ma'y mga days kasi na tamad na tamad akong mag-edit dahil sa daming ka-ekekan sa request, kaya ma'y ilang gawa ako na binasta na lang.
Binash talaga ako ng todo. Hindi daw nila ako titigilan hangga't hindi ko inaayos ang trabaho ko.
Sa huli, blinock ko na lang sila. Daming pa-ekek sa request, bakit di sila ang gumawa?! Daming reklamo.
Parang hindi ako palaging underpaid no'n ah magkaroon lang ng maraming request at pagkakakitaan?!
Bumuntong-hininga na lamang ako. Nakakainis talagang balikan ang mga ganoong senaryo. Nakakataas ng blood pressure!
Nareport pa ang page ko dahil doon.
Mga deputa.
Para pangpa-goodvibes ay hinanap ko ang Youtube Channel ni Felix. Ang plain at common ng YT name niya.
'Felixx'
Sabagay marami din namang Youtuber na sikat na ang YT Channel name ay mismong pangalan nila.
Pero iba pa rin 'yung ma'y signature name. Mas cool. Mas unique.
Binuksan ko ang first ever video niya. It's all about introduction kung sino siya and what does he blog about.
His content is better than what I expected. Akala ko kasi maglalaba siyang naka-topless, di tulad noong nakita kong isang blog, hindi pa lumalabas ng bahay 'yon ah pero nakamillion views agad siya mga bes.
Tamang kusot lang.
I'm impress. Ang daming nagsasabi sa commen section na as expected puro babae na sobrang hot ni Felix. Accidentally kasing nakita 'yung bicept niya. Hindi ko talaga 'yon nakita through out the video pero ibang klase ang matang meron ang mga babaeng 'to. Bwiset.
Thirsty bitches. Akin lang 'yan.
Sa dalawang video niya sa States, nalaman kong ma'y isa siyang ate at nakababatang kapatid na lalaki. So it makes Felix the second born child.
Akala ko pa naman ay wala siyang kapatid.
But wait. Felix said that he started blogging 2 weeks ago. At sa nakikita ko, imposible namang pumunta siyang States before that.
Because of doubt, tiningnan ko ang date ng pagkaka-post ng video. It was posted almost 3 months ago. Noong bakasyon pa 'to. So matagal na pala siyang nagba-blog, halos kasabay ko lang din noong nagsimula ako sa page ko, pero bakit tumigil siya at ngayon niya lang ulit tinuloy ang pagiging isang blogger?
Wala naman akong nakitang dahilan sa limang videos para tumigil siya sa pagba-blog. Wala nga siyang pasabi na titigil muna siya for about a month, pero ma'y nabanggit ang ate ni Felix tungkol sa pag-aaral niya sa States ngayong taon. Bakit hindi siya nag-aaral doon?
At bakit parang ansaya ko kapag nangyari 'yon? Charot. Mabuti na lang at di siya lumipad ulit papuntang States kundi malamang wala akong disenteng trabaho ngayon.
I admit it. I really should thank him.
'Yung huling dalawang videos ay sa Pilipinas na. Ito 'yung panahong nakauwi na siya galing States. Hindi na nila kasama ang dalawang kapatid niya. Tanging ang mga magulang niya na lang ang kasama niya pag-uwi.
Among the three child bakit kailangang si Felix ang maiwan sa Pilipinas? I mean sila ni Tita. Hindi ko na kasi nakita ang Daddy ni Felix pagkatapos ng Wedding Garden nila ni Tita 'e.
Naka ilang balik na din naman ako kina Felix pero hindi ko nakikita ang Daddy niya. Wala namang nababanggit si Tita tungkol sa Daddy ni Felix.
Teka nga. Grabe ang dami ko ng nalalaman. Pero natutuwa ako. Syempre. Future ko siya 'e. I mean sa kanya nakasalalay ang future ko.
Future na magaling mag-edit!
Kaso...
Niloloko lang ata ako ni Felix 'e. Wala naman siyang video dito na nagba-blog siya 2 weeks ago o kahit sa pagitan ng mga araw ng dalawang linggong 'yon.
Why does he had to lie?
Welp. It's none of my business probably. Nahihiya lang siguro 'yon at nanggaling na ng States pero 3K palang rin ang subs.
Isa kang mapaglinlang na matsing.
Siguro kung nag tuloy-tuloy siya sa pagba-blog ay marami-rami na rin ang subs na nahakot niya within 3 months. Maayos naman talaga ang blog contents niya 'e, kaso kinulang talaga sa edit kaya siguro hinintay talaga niya ang pagkakataon na ma-hire ako!
Aba. Professional ata 'to, men.
Naalala ko tuloy 'yung gagong bata na nangungulit sakin. It's been 3 months ago. Hingi ba naman ng hingi ng FANSIGN ko at ipadala ko daw sa kanila. Kung hindi lang mayaman 'yong batang 'yon, malamang nasapok ko na.
At dahil nga gago 'yon at napakagaling mang-bribe ng tao, pinadala ko talaga personally 'yung lintik na FANSIGN kasama 'yung ipinagawa niyang Artwork sa'kin. Kaso ang na-meet ko lang ay 'yung butler niya at inabutan ako ng 9K.
Di pa ginawang 10K.
Kinuha siguro nung butler! Tengene. Inagawan pa 'kong trabaho.
5K lang 'yung inalok niya sa'kin, dude.
Kaya napa-WTF ako no'n.
He is a freaking child pero never ko pang nakita. Maybe a creepy man out there. Wala, nangailangan ako 'e. Kesa naman magstripping dance ako diyan.
Talagang purong-puro ako ng mga chat nung gagong bata 'yon.
Minsan nga nag-LQ pa kami 'e nung di pa ako kumakain.
Kumusta na kaya 'yon ngayon.
Pero wag ka, kasali dati 'yon sa isang sikat na page kaya naman sini-share niya ang mga Artworks ko dun.
Kaso ang weird nga lang, biglang nanahimik 'yon simula noong dumami ang fans ko.
May he rest in peace.
Nang magutom ako ay bumaba ako patungo sa kitchen. Kumuha ako ng makakain like chips, nachos, spicy cupnoodles and a rootbeer.
Maglalakad na sana ako paitaas nang ma'y makita akong anino ni Mama. She was standing from afar until she approaches me.
"Anak, ma'y pera ka na ba? Bibili kasi ako ng gamot para sa Daddy mo." Hiyang-hiya na nakatingin sa akin si Mama.
"Sorry Ma. Nahiya ka pa tuloy," Ibinigay ko ang credit card ko sa kanya at nginitian niya ako.
PS: I took the credit card from my bra.
"don't hesitate to ask me for anything you need, gagawan ko po ng paraan"
My Mom touches my cheek at hinaplos niya ito.
Hindi gaanong malaki ang kinikita ni Mama to pay for our bills that's why I am always trying to help her. I'm glad that all of this leads to something beautiful.
"You've been a good daughter. Alam kong magiging proud sa'yo ang Daddy mo."
Nginitian ko siya. Wow, that's the nicest thing she ever said to me. I'm trying to approach my Mom just like how Felix does it. I guess I should thank him.
"And Ma, please don't forget to include a set of drawing materials."
"Sige 'nak, salamat." She puts down her hand from mine and I walked away from her.
Sinilip ko ang kwarto ni Marco at nakitan kong wala siya roon. Inilapag ko ang mga pagkain sa harap ng kwarto ko tsaka pumasok sa kwarto ni Marco. I'm quite curious sa kung anumang ginuguhit niya kanina.
Binuklat ko ang study table niya at nakita ko ang pending works niya. He is getting better at drawing.
Maybe my criticisms worked out after all. He should thank me.
My attention was caught by a note which is pinned up in his bulettin board.
POSITION:
President of Draw Club
•Should present an Art work for the official nominee speech.
•Make a nominee speech.
•Secure the spotlight as the international representative.
Tama ang hinala ko. Siya nga ang sinasabi ni Tina na kumakandidato bilang Presidente ng Draw Club na mayroong page na sumikat noon.
Laos ka na, bro.
"Trying to break in and ruin my dreams again?"
I turn around to see Marco who's standing by the door. I heard him chuckle as he walk towards me.
"I did not ruin anyone's dream. If only you had taken my critisms as an advantage, you wouldn't blame me for your obsolescent page."
His eyes is inflamed by anger. I know that he wants to choke me in any moment now.
"Atleast say it in a good way or you could just say it personally. Hindi 'yung ipinagsisigawan mo pa sa iba ang mga mali sa gawa ko. You don't know how much it affects me!"
"Fine! It's my fault, I'm sorry" I said trying to sound sincere and mentally rolled my eyes.
"Stop being sarcastic and get out of my room!"
I walked across Marco and he said something that makes me want to sabotage his works. I faced him as I hear this vexation words out of his mouth.
"Take note: They will only choose one international representative," He said and turned around to face me. "and that throne is reserved for me and my dreams."
He is being selfish again. Mukhang alam ko na kung kanino ako nagmana.
"It looks like you're my biggest antagonist after all," He glares at me, as if I'm being scared.
You can't scare me like before. Everything had changed now.
"sibling's confrontation at the finale. How interesting life could be for the both of us?"
It's his dreams against mine, then.
"You're being delusional, baka nga hindi ka pa umabot sa election." He chuckles in disbelief. "Malamang ay si Tina pa ang makakalaban ko."
"Don't even think about using my name to gain popularity."
"Don't worry. I won't use your obsolescent name just like your
page."
"I already have someone to use." I smirked as his expression changes.
He's hilarious!
"Don't tell me it's---" I cut him off.
"Your childhood bestfriend, best buddy in the world, or whatever names you called him before,"
I paused for a moment to add an intense drama to his hypothalamus.
"He will help me against you."
Felix, you're my biggest asset right now.
"I told you to be careful with him! You're such a stubborn kid."
"You're just afraid to lose." I said with full of confidence.
I turned around and walk towards the door. Before I close the door, I saw him holding his pen and aggressively push it against the study table. I can really feel his intense emotion right now.
Ofcourse, I didn't forget to produce that squeaking sound on the door to add an intense moment for him.
Making him feel worried really makes me smirk so bad. For sure he will find ways to defeat me at the end.
But who said that I won't make a hole out of my dreams to pass through it?
Just like what I've said, I'll steal it!
I walk towards my room. And before I knew it, I stepped down into the foods I brought lately.
My mother should see me sprawled in the floor by now.
I'm impress.
Karma strikes fast.
_______
I woke up exactly 4 in the morning. It wasn't truly my plan. I planned to wake up 12 in the daylight but I just kept adjusting the alarm clock.
I write down my propagandas--I mean agendas for the upcoming meeting today.
I haven't prepare anything yet. And here I am, sipping on my cup of coffee while staring down at a piece of paper.
Coffee makes me feel alive, dude.
Bakit ba ngayon pa ako nalulutang?! Kung kelan ko pa kailangang-kailangan na paganahin ang utak ko! Minsan bad timing din 'tong utak ko eh, na-me-mental block ba naman kung kelan kailangan.
I'll do it in impromptu!
Hindi ko alam kung ilang beses ko bang kukumbinsihin ang sarili ko na hindi ko talaga kayang gawin 'yan but I had the urge to.
I think magiging mas maganda sa ganoong paraan.
After all, I'm not honored as the Valedictorian for nothing.
Gusto kong patunayan sa sarili ko na deserving pa rin ako kahit nangangalawang na ako.
To be honest, I don't wanna write down a manuscript speech just to sugarcoat them with my words.
I want to tell them what I need to persuade them.
Come to think of this, it will take too much risk.
I give up.
I can't take a risk.
I'm afraid to risk.
I want to make sure na tama ang gagawin ko at walang bahid ng pagkakamali. I'm afraid that people might use it against me.
"UGH!" I sight.
Why do I always care about what would other people think of me?
This is the biggest wall I can never overcome. For how long will I imprison myself with anxiety, grief, sorrow, dilemma?!
That's it.
I'm backing out.
I can't do this! How stupid I am! Ano ba 'tong pinasok ko? Masyado lang akong naging mayabang! Niloloko ko lang ang sarili ko.
"Niloloko ko lang ang sarili ko..." I mumbled.
Nothing changed at all. Who am I kidding?
I'm still that girl before.
Who is afraid to risk.
To be Judge.
Betrayed.
Literally everything which will make my anxiety trigger.
Why am I acting so genuine yesterday? I'm just making a fool out of myself.
I chuckled.
"What am I thinking?" I mumbled again and made the saddest smile I can ever make.
I didn't notice that my tears started to fell and even my saddest smile vanished. Napalitan ito ng galit. Galit sa sarili.
I hit the wall with full force.
I'm feeling numb.
Nang ibalik ko ang kamao ko mula sa pader, natabig ko ang kape kaya naman nabuhusan ang papel na nasulatan ko.
Oh diba. Pati si tadhana nakikiayon rin.
Aayunan na nga lang ako ni tadhana sa bagay na ayaw ko pa.
"Wake up, Marzia!" Sigaw ng magaling kong kapatid.
I looked at the time at 6AM na. AGAD.
Grabe.
Ganitong oras pala ang kayang palipasin nang kadramahan ko.
Napasobra ata.
"Hindi mo naman siguro obligasyon na gisingin ako araw-araw, kaya nga binilhan tayo ng alarm clock diba?"
"Oo nga 'e, binilhan tayo ng alarm clock para sana gumising ka ng maaga, pero anong ginagawa mo? Ina-adjust. Tsk."
"Mind your own business!"
"Ma'y problema ka siguro 'no? Ang aga mo kasi gumising."
"Wala ka naman sigurong balak na ihatid ako diba?" I ask pero hindi ko narinig ang sinabi niya.
"Umalis ka na lang." I commanded.
Narinig ko naman ang pagtawa niya bago tuluyang umalis.
Wow, walang nangyari kahapon?
Bumuntong-hininga na lamang ako at ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Binalot ko rin ang sarili ko sa kumot at ipinikit ang mga mata ko.
This act is the means of surrender.
Mas masarap pa matulog.
Ipagpapatuloy ko na lang ang pangarap ko sa panaginip.
_______
Ma'y narinig akong pagbusina mula sa labas at para bang sinasadya nito na iyamutin ako.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at pilit na bumangon. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang pinaka nakakaiyamot na taong kilala ko.
Pinagsisisihan ko tuloy ang effort na ginawa ko para lang makabangon.
It's Marco.
Inis na inis siyang nakatingin sa akin at panay pa rin ang pagbusina mula sa kanyang kotse.
I'll be lying if I said I never thought it was Felix.
Ayt. Akala ko pa naman boyfriend material 'yung ihahatid ka sa school.
Kakabasa ko ito ng fiction stories 'e.
'Yung klaseng ihahatid ka ni boy sa school tas pagtitinginan kayo tas maraming magtitilian dahil kay boy tas ma'y mga bitch na kakalaban kay girl dahil kay boy pero at the end sila pa rin ang magkakatuluyan.
Same old cliché.
No offense.
It makes me cringe but I wish it could happen in real life. It's like you're living in a fictional world.
Sa totoo lang ang mga senaryong gano'n kahit paulit-ulit ay nakakakilig naman talaga.
Tama na nga itong pag-iimagine ko at baka tuluyan na akong ihatid ng prince charming ko bukas.
Sumilip ulit ako sa ma'y bintana at umaasa na sana ay si Felix na lang 'yon.
Sesermunan lang ako ni Marco 'e.
O kaya'y magyayabang lang 'yon sa harap ko.
Pwede ring manghili siya kasi ma'y kotse siya at AKO WALA.
"Hoy! Wala ka bang balak na tumayo diyan?!" Bulyaw niya mula sa ibaba.
"Pake mo ba?!"
"Magkapatid pa rin tayo! Baliktarin mo man ang mundo sa iisang tao tayo nanggaling! Kaya pwede ba tumigil ka na sa pagdadrama at dalian mo na!"
Tengene.
Hindi naman siguro siya nahihiyang ipagsigawan na sa iisa kaming matris nanggaling 'no?
"Umuna ka na! Ma'y kailangan pa akong gawin!"
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay wala na akong narinig na kung anumang boses. Malamang ay umalis na yon.
Tsk. Kahit kailan talaga ang galing niya mang-iwan.
Wala pa nga akong ex pero nararanasan ko nang maiwanan, hayst.
Nagtaklob na lamang ulit ako ng kumot. Kapag hindi ako pumasok ngayon ay malamang na mapipilitang humanap sila ng ibang kakalaban para kay Tina. Ngayong araw na kasi magaganap ang official nominee speech, pero anong ginagawa ko?
'Eto nasa kwarto nagtatalukbong para makatakas sa anumang bagay na pinasok ko.
Ilang minuto ang lumipas at nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok at pagkalimbang sa pintuan ko. Malamang ay si Marco 'yon. Mabuti na lamang at na i-lock ko 'yon kagabi.
Perks of being advance. Hehe.
"Hoy! Tanghaling tapat na! Bangon bangon din!"
He's acting strange. Bakit niya ba ako hinihintay?! Palagi niya naman akong iniiwan dito 'e kahit alam niyang ma-le-late na ako.
"Isusumbong talaga kita kay Daddy!"
Natigilan ako. Agad naman akong tumayo at tumakbo sa harap ng pinto.
Hindi niya ako pwedeng isumbong kay Daddy! Ang ganda-ganda ng imahe ko kay Dad tas sisirain niya lang?! Baka kapag gumaling si Dad ay hindi na ako palabasin ng bahay!
Pipihitin ko na sana ang door knob nang magsalita siyang muli.
"Tell me, did you planned to retreat?" Biglang naging seryoso ang tono ng pananalita niya.
I gulped.
Nilayo ko ang kamay ko sa door knob at nawala na sa plano ko ang buksan ito.
"Tell me, are you planning to use me later?" I said trying to sound NOT affected.
Mahirap pala itago kapag naaapektuhan ka na.
I'm starting to understand Marco.
And I'm hating it.
"No! Ganyan ba parati ang iniisip mo kapag ginagawan kita ng maganda?!"
Kinda.
I felt that he rolled his eyes as if he already read what's on my mind.
Yes, ganun katalas ang instincts ko.
"You haven't answer my question yet, Marzia."
"What question?"
"You planned to surrender."
"That's not a question, that's a statement. Are you stating me that I am surrendering? Well, I'm not!" I said sounding true to my words.
"Ma'y ginagawa lang talaga ako!" Palusot ko.
"Really? Siguro nabingi lang ako kanina noong sabihin mong sumusuko ka na at hindi mo ako kayang talunin." He said behind the door but I can truly feel his emotions.
Natigilan ako sa sinabi niya. I never said anything out loud. I was talking to myself. I mean mentally!
Hindi bale na lang kung hindi ko pala napansin na nagsasalita na pala ako habang kinakausap ang sarili.
That's weird.
I am weird.
Or maybe Marco can read minds?!
"The latter part was a lie but the former one is not. Totoong narinig kita habang natutulog ka. You're mumbling it over and over. You're even sobbing inbetween your sleep."
I gulped.
I heard him sight and lean against the door. Naramdaman ko kasi ang pwersa niya kaya napagtanto ko.
"So what? Hindi ka pa ba dapat maging masaya?! You should be happy seeing your opponent whine in defeat! You should be happy because I am ready to surrender! Hindi ba't ito na ang pagkakataon na hinihintay mo? Na makita akong umiiyak at sumusuko!"
I'm about to cry but I was able to hold it in. Napakaswerte ko ngayon at hindi ko siya nakikita. Malamang ay umiiyak na ako ngayon kung nasa harapan ko siya habang binibitawan ang mga salitang 'to.
"You're not just my opponent, you're also my sister! Anong tingin mo sakin? Walang pakialam sayo? Gano'n na ba ako kawalang puso para sa'yo? Malala na pala ang naging imahe ko sa'yo. Well, SAME to you!"
Nagulat ako sa sinabi niya pero natawa naman siya sa naging reaksyon ko. I gasp loudly that's why.
"De joke lang, sorry talaga to the fact na hindi mo napansin ang pagbabago ko. I'm really not a transparent person at pasensya na kung masyadong 'tong natatakpan ng kagwapuhan ko. Hayst. Sorry talaga ah? Namomroblema din ako 'e."
Binuksan ko ang pintuan at agad siyang hinampas ng malakas.
Wala na atang ininipis ang mukha nito.
After all what he said?! Hayst, nadala ako ng emosyon ko!
"Sorry na sis?"
"Sorry na bro?"
Nagkangitian kami.
Wow, we finally fix something destructed a decade ago.
Gano'n lang kadaling maaayos 'yon?! Wow, wala bang patwist man lang? Andali masyado!
Sayang 'yung mga linyahan namin kahapon. Ang intense pa naman.
Pwedeng-pwede gawing script para sa isang magandang story.
"Pero please, don't give up on your dreams. Chase it, Marzia. Wag kang susuko ng dahil lang sa tingin mo ay hindi mo kaya. Nagsisimula pa lang ang laban, you need to prove to yourself that you can. And Marzia, break these walls around you to finally set yourself free."
I deeply breath. I'm hearing these inspirational thoughts from my brother at hindi ko maiwasang hindi ganahan.
Parang siya lang 'yung taong kanina ko pang hinihintay na pangaralan ako.
"And I want to say thank you for your truly harsh criticisms. Matagal ko na namang tanggap 'yung mga 'yon 'e. Kaya lang ako nagdrama kahapon 'e dahil may ginagawa akong masterpiece at ayaw kong makita mo 'yon. I don't want to spoil our Artworks for the Meeting de Avance. Baka humanga ka masyado at iphotograph mo tas i-edit, edi talo na agad ako!"
Parehas kaming natawa. Gago siya, di niya alam kung gaano ako kakaba habang kinakausap siya kahapon.
Sa totoo lang, para kaming tanga.
Biruin niyo nag-aksaya pa kami ng sampung taon para mag-away 'e magbabati rin naman pala kami ngayon.
For 10 fucking years?!
Imagine that.
A lesson learned, indeed.
"Matagal na tayong bati, Marzia. We're just simply not talking to each other, awkward much I guess? Hindi kasi close si Kuya at Sis. Pasensya na, takot kasi ako sa hayop. Lalo na't di ko alam na pagala-gala lang siya dito sa bahay especially sa kusina. Tas nagkukulong pa palagi sa kwarto at nahuhuli kong pinupuntirya 'yong mga pagkain sa ref tuwing gabi."
Namula naman ako because I am caught off-handed! Geez.
Tawang-tawa naman siya samantalang ako namumutla na dahil sa hiya.
Is it my fault na ang the best dinner ko ay tuwing midnight?
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inalog ako gamit nito. Nahilo tuloy ako sa kagaguhang ginawa niya.
"Wag kang susuko, okay?"
Imbis na sagutin siya ay natawa lang ako.
"Wala kang suso."
Yes, that dirty thought came out of my mind.
"Napakapilya mong bata!"
"Mas malala ka!" Namula naman ang tenga niya sa nasabi ko.
"H-heh!" Pagkatapos no'n ay tumalikod na siya at naglakad palayo.
Siguro tuluyan na siyang aalis. Sa ganitong paraan ay mas madali ko ng matatakasan ang plinano ko noon.
Yes.
"Hihintayin pa rin kitang bata ka. Kaya kung anumang binabalak mo diyan ay wag mo ng ituloy. Mababatukan lang kita."
No.
"Sabi ko nga!"
I faced the mirror and whispered something that I will treasure forever.
"Whatever happens, don't regret it."
____