Chereads / Photoshopped / Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 10 - Chapter 8

Chapter 8: Fake

I fell asleep at nagulat ako dahil tatlong oras akong natulog sa kwarto ni Felix. Napansin ko na ma'y kumot ang nakabalot sa'kin at bukas pa ang aircon.

Paano ba naman ako hindi matutulog ng ganito katagal kung bukas 'yung aircon?! Electric fan pa nga lang antok na antok na agad ako.

Grabe. Binabayaran ako dito every hour pero anong ginagawa ko?!

Tulog to the max na lang ba ako at walang ginagawa? Pabor naman ito sa'kin. Pero duh, ma'y puso at konsensiya din ako. Binabayaran ako bilang isang editor at hindi isang palamunin dito sa pamamahay ng mga Trono.

Agad akong bumangon at hinanap ng mata ko si Felix. Wala pa rin siya dito?! Wala na ata 'yong balak na balikan ako.

Baka kasama na naman niya si Stacey tas iniwan ako dito. Pfft.

Lumabas ako ng kwarto at nagpalinga-linga sa paligid. Alam kong mukha na akong magnanakaw sa tayo ko ngayon pero wala akong chance na gawin 'yon. Ako lang naman 'yung mukhang hampaslupa dito 'e.

Sa paglalakad ko dito ay nakasalubong ko si Manang Esther. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at ibinalik ko din 'yon sa kanya. Kaso 'yung ngiti ko gawa nga lang sa ampalaya.

"Si Young Master po ba ang hanap niyo?"

Young Master amp. Ano si Manang alipin? Lahat ba ng katulong dito 'yon ang tawag sa kanya? So lahat sila mga helot?! Ano 'to Kahariang Albanya?!

Tumango ako. "Opo, Manang."

"Nasa gym room siya. Doon lang sa pinakadulo ng hallway na 'to."

Ano daw? Gym room? Hanep 'tong mga Trono. They kept surprising me.

"Sige po, salamat po."

"Pasabi na din sa kanya na ipaghahanda ko kayo ng pagkain. Binilin kasi kayo sa'kin ni madam. Pabigay na din ng towel na 'to, nakalimutan ko lang na ibigay sa kanya, salamat."

Napatingin ako sa towel na iniabot sa'kin ni Manang. Baka maibato ko lang 'to sa mukha niya 'e.

"Okay po."

Maglalakad na sana ako nang magsalita ulit si Manang. Ano ba naman 'yan. Baka wala na akong maabutang pandesal.

"Alam mo ba, ija. Hindi talaga masayahing bata 'yan, pero simula ng dumating ka dito nahuhuli ko na lang na nakangiti palagi. Kayo ha!" I forced an awkward smile and laugh.

Kung tititigan ko lang siya baka akalain niya namang binabastos ko siya.

Ilang beses ko ba dapat itanong sa sarili ko kung ilang araw palang ako dito para sabihan ako nila ng ganyan? Ano gusto nilang iparating? Na life changing experience ako para sa buhay ni 'Young Master' Felix Trono! 'E ni hindi ko nga siya lubos na kilala noon at ngayon lang ako pumasok sa buhay niya! I mean kahapon. Ay ewan. Bahala sila.

Basta ang alam ko hindi kami close, duh.

Nginitian ko si Manang Esther bago ko siya lagpasan. Baka kung ano pang sabihin ni Manang 'e. Jusko.

I cannot.

Coincidence lang naman siguro 'yung mga sinasabi nina Manang at Tita. Imposibleng magbago si Felix ng dahil lang sa isang katulad kong hampaslupa.

Ni hindi ko nga siya kaclose noon, kahit naman ngayon pero atleast ma'y improvement. Nagkakilala kami ngayon, at ang gandang bungad pa dahil jowa ko na agad 'to.

Ano siya noodles? Instant jowa.

Bawal nga lang kainin. Hihi.

Dumeretso na ako sa pinakadulo ng hallway at bumungad sa'kin ang gym room. Pumasok ako sa loob at humanga sa ganda nito. Malawak ito at malapad din ang espasyo. Halatang gamit na gamit ang gym na 'to at mas makinis pa sa mukha ko ang mga gamit dito.

Ang yaman talaga nila. Biruin niyo sariling gym sa loob ng bahay. Dinaig pa 'yung mga gym sa labas 'e na ma'y bayad. Gaano ba talaga kalaki itong bahay nila para pagtayuan ng ganito? Baka nga ma'y outdoor swimming pool pa silang hindi ko nakikita 'e.

Hinanap ko si Felix at nakitang topless siya at nakashorts na black.  Nagli-lift siya ng weights, kung ako na lang kaya ang buhatin niya, weight din naman ako.

Ano ba naman 'tong mga iniisip ko. Epekto ng kape. Mabuti na lang at hindi ako nagpalpitate kanina.

Matagal-tagal na din simula noong mag-palpitate ako. Hindi ko pa rin makalimutan kung paano ako ihalintulad ni Kuya Marco noon, para raw akong nagingisay na isda sa palengke.

"Baka tubuan pa 'ko ng abs niyan  kakatitig mo." Nahuli niya akong nakatingin sa kanya kaya napangisi ito. 

Nilapitan ko siya at iniabot sa kanya 'yung towel. Ibinaba niya ang dumbbell at kinuha niya ito sa'kin,  ipinahid niya ito sa pandesal niya este 6 packs na abs niya. Umiwas naman ako ng tingin at baka kung ano pang maisip ko.

Bakit kapag naka-uniform siya hindi naman halata?

"So... Young Master, sabi ni Tita Bear kain na daw tayo." Pang-aasar ko sa kanya and his smile widens.

"Young Master na din ba tawag mo sa'kin?" Napatingin siya sa'kin at napangisi naman ako.

Anong akala niya sa'kin isang helot?! Hindi ako alipin, 'no. Ang kapal niya namang prinsipe para gawin akong alipin kung ganon. Ako ata ang Reyna ng Albanya. Charing.

"How about Master Bear? Kaso mas mukha ka namang Monster Bear 'e" Sinamaan niya ako ng tingin at tumayo.

Oh, bakit ganun siya kung makatingin? Ma'y nasabi ba akong mali? Totoo naman 'e. Hindi naman ako pinalaking sinungaling ng mga magulang ko.

Naglakad siya patungo sa isang espasyo na maluwag atsaka humiga doon. Sinundan ko naman siya at pinagmasdan ang ginagawa niya. He placed his arms behind his head.

He is doing curl ups.

Isa sa mga exercises na nagpahirap sa'kin noong JHS. Ayaw na ayaw ko talaga nito. Idagdag mo pang hindi talaga ako isang productive na nilalang.

Sobrang tamad ko na dumating sa puntong na-ipon 'yung mga taba sa tyan ko. Madami na tuloy akong adipose tissues. Atleast hindi ako madaling magugutom kung sakaling dumating ang panahong wala na akong makain.

Perks of being a fat mammal.

"Can you please hold my knees?" He asked.

Tiningnan ko ang pangangatawan niya at halata sa kanya na kayang-kaya na niya 'yon kahit hindi ko pa hawakan ang tuhod niya.

"I can, but I won't."

"Kakain na tayo after this so help me out." Inis na saad niya.

I mentally rolled my eyes. Wala akong nagawa kundi ang lapitan siya at lumuhod sa tapat niya. Hinawakan ko ang mga tuhod niya effortlessly. Nagsit-up siya ng ilan at medyo na out of balance siya kaya nabigla ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Higpitan mo naman." He said. Ginawa ko ang sinabi niya sa takot na lang na matumba 'tong napakalaking nilalang sa harapan ko.

Isang malaking lagapak 'to kapag nagkataon.

Tinitigan ko siya and he is too focused on what he's doing. Nabagot ako sa ginagawa niya kaya ipinatong ko ang baba ko sa mga kamay ko na hawak-hawak ang dalawang tuhod niya. Pinagmasdan ko siya and my eyes accidentally lands on his bread---I mean semi-pandesal---I mean abs.

Nahuli niya akong nakatingin don kaya naman ngumisi siya at napaiwas ako.

Nakakahiya. Ano ba 'tong pinaggagawa ko sa buhay. Parang 'di ako nakakakita ng mga pandesal tuwing umaga ah.

After a minute, I felt his lips on my forehead. Nabigla ako sa ginawa niya kaya napatingin ako sa kanya. Kumunot ang noo ko at nag-pout ito sa'kin.

Inilayo ko ang baba ko sa kamay ko at bumitaw sa pagkakahawak sa tuhod niya. Hindi man lang siya na out of balance kaya don ko napagtanto na pinagtitripan niya lang ako.

Sabi ko na 'e.

Tumalikod ako sa kanya at tumayo na. Naglakad na ako palabas ng gym room kahit na rinig ko ang sunod sunod na pagtawag sa'kin ni Felix.

I hate boys who takes advantage on girls. Does he really thinks that it pleased me for him to do that. Oh please, tsansingan mo na lahat ng babae 'wag lang ako. I don't really understand on the fact that some girls tends to flirt with playboys. 

I pity them.

Yeah, go ahead and be a boy. A freaking boy and not a man.

I really hate some gestures that boys does. Why do I even think like this? He just kissed my fucking wide forehead. Maybe Kuya is right, I'm taking everything seriously.

Just maybe. There is still a 90 percent configuration in my part that says I should not be gullible to everything a person signifies.

Not everything you see is right. In fact, not every gesture matters at all.

Some should be buried down with them somewhere in the ground.

I'm 100 percent sure, I am pretty wicked right now.

I felt his palm on my shoulders. Nainis tuloy ako. Isang hawak niya lang o galaw sa'kin naiinis talaga ako. Ewan ko ba, pati ata paghinga niya naiinis ako. Kung sakalin ko na lang kaya siya.

"Ang lagkit mo! Wag ka ngang kumapit!" Sabi ko at itinaboy ang kamay niya.

DONT touch me, kamay mong madumi, wash in the sink and you can touch my body---teka parang ibang kanta na 'to.

"At least sayo lang kakapit."

Sinungaling. Mga tao talaga ngayon magaling sa salita kinulang pa sa gawa. Kulang na kulang. Kinulangan ata sa dede ng mama niya. Puro kasi bonak milk nilalaklak. Try nyo 'yung natural walang halong kemikal. Naubos na ata ng ate niyang nauna sa kanya. HAHA.

Geez. I can be crazy, sometimes.

"My jealous baby bear." Pagtawag niya sa'kin pero di ko siya pinansin.

"Hey, notice me senpai." bulong niya pero narinig ko pa rin ito at nabigla naman ako sa nasambit niya.

Nanlilimos na ba siya ng atensyon ngayon?

At ano daw?!

Nani?!

What did he said? Senpai? Is he an otaku as well?! Felix kept surprising me. I immediately remembered Jian. Isang adik din ang isang 'yon. Actually, both of us are.

"Stop being clingy, monster bear."

"So 'yun na ba ang callsign natin? Baby Bear ko." Lumapit siya sa'kin at nailang naman ako. Inirapan ko na lang siya.

'Eto na ba 'yung sinasabi nilang Felix Trono na bad boy, JHS Sweetheart, heartbreaker o kung ano pang maalamat na katagang bantog sa kanya. 'Eto na 'yon? Mukha naman siyang weak, marupok.

Ibang-iba ang pagkakakilala ko sa kanya nung una. Akala ko siya lang ang niluwal ng Mama niya pero hindi pala, hindi pa nakuntento ang parents niya kaya nagluwal pa. Akala ko din nakikipagbugbugan siya, basagulero, palaaway at gago, pero SC President amputa. Ano kayang nakita nila sa kanya? Nahakot lang ng mga babae ang boto niya. Malakas ang impact niya sa babae pero 'di ko man lang magawang kiligin sa presensiya niya. Usually kasi 'yung ibang babae halos maglaway na sa kanya. 'E ako tamang silip lang sa tinapay niya. O dahil corny lang talaga siya. Baka naman na sa'kin ang problema at baka kasi hindi talaga ako babae. Pero 'pag naliligo ako lagi kong sinisilip 'yung ano ko 'e, kaso wala talaga akong ano 'e. Saging ni Tarzan, wala.

Sabi nila iba daw ang appeal ng isang Felix Trono. Ibang klase din daw ito pagdating sa pagmamahal, pagpapa-asa, at pagpapaiyak ng babae. Iba din daw ang tama ng mga babae makita palang daw siya. Tangina, ito na ba 'yon? Ang rupok rupok nga. Masyado namang ginagalingan ang pag-arte at hanggang dito sa bahay dinadala niya ang pagiging fake na Jowa ko.

Jowa is equal to laro-laro lang. Matawag lang na ma'y something sa inyo, legit siguro 'yung sakit kapag ganyan ang pakilala sayo. There is a big difference between a girlfriend and a Jowa.

"Pwede ba? Social distance, dude." Hindi niya sinunod ang sinabi ko kaya ako na lang ang dumistansya.

Ma'y mga bagay kasing kailangan ng space.

A BIG GAP.

"Are you an otaku?" I asked.

Para maturn on naman ako kahit papano. Gusto ko kasing maranasan 'yung mga pagnanasa---I mean kislap ng mga mata ng mga babae sa kanya. Na sa tuwing titingnan nila ito ay naglalaway ang mga bibig nila. I say no to the latter part, ang tanga ng mga babae sa part na 'yon. Literal na nasaksihan ko 'yung nangyari sa mga babaeng nagchi-cheer sa kanya sa isang basketball league. Wala ba silang makain sa kanila at pati laway nila tutulo talaga dahil sa mga pandesal.

"Malapit na. Ikaw, Otaku ka 'di ba?"

Turn off. I take back whatever I said. Mahina, hindi pa otaku.

"No." I answered.

Baka mamaya mapansin 'yan nina Tita na nagkukulong sa kwarto at nanonood ng anime. Susko. Baka pati 'yon iparatang sa'kin ni Tita na life changing experience ni Felix.

I cannot.

Nauna siyang naglakad patungo sa kwarto niya. Siya lamang ang pumasok sa loob at naiwan ako sa labas. Alangang samahan ko siyang magbihis, hindi pa naman ako ganoong kadesperada para gawin 'yon.

Gusto ko na sanang dumiretso sa hapagkainan dahil nabitin talaga ako sa libre ni Spencer, pano ba naman feeling ko nakatitig pa rin sa'kin si Felix kaya 'di ako makakain ng maayos kanina, kaso kailangan kong hintayin si Felix the dancerist.

Sa tagal niyang magbihis ay pumasok na ako sa loob ng kwarto niya. Wala na akong pake kung ibang imahe na ang makita ko, iniinip niya 'ko, bwisit. Masama akong mainip. I peek and slowly opened my eyes. Bihis na siya tapos 'di man lang niya sinabi sa'kin, 'di niya ba alam na ma'y kanina pang naghihintay na isang dalagang pilipina dito, yeah.

Umupo ako sa kama habang pinagmamasdan siya. Nakatalikod siya mula sa'kin at para bang ma'y hinahalwat. Hinarap niya ako at tumungo sa harap ko. Iniabot niya sa'kin 'yung hawak-hawak niyang paper bag. Tinitigan ko ito bago ibalik ang tingin ko sa kanya.

"Anong gagawin ko diyan?"

Ang talino ko talaga. Malamang inaabot sa'kin kukunin ko dapat 'yon. Kaso parang kinakabahan ako 'e, baka kung anong laman non. Malay niyo flowers with matching chocolates.

'Edi lalo akong tumaba at hindi na maubos itong adipose tissues ko pagdating ng taggutom.

"Buklatin mo malamang." Nakasimangot na sabi niya.

Dahil hindi ko 'yon kinuha ay inilapag niya na lang sa tabi ko. Sinilip ko kung anong laman ng paper bag at nagtaka ako dahil puro damit ang nandito.

Assuming ko.

"Isuot mo 'yan, magpalit ka ng damit. Andun 'yung CR." Sabi niya sabay nguso sa CR. Hindi naman ako napatingin sa CR 'e kundi sa nguso niya.

Nakalimutan kong nakauniform pa nga pala ako. I'll just think na ma'y shoot kami ngayon kaya niya ako binigyan ng ganito.

"Pinabili 'yan ni Mama." He said.  Umupo siya sa tabi ng paper bags at tinitigan ako.

"Do you mean Mama Bear?" Pang-aasar ko.

"Oo, Mama Bear natin."

I mentally rolled my eyes. Kailan ba siya matututong tumigil sa kababanat niya. Siya kaya ang banatan ko diyan.

"Stop these nonsense, Felix. Kanina ka pa sa school. Pwede bang hanggang dun na lang 'yon? No, I shouldn't ask you. Hanggang dun na lang talaga 'yon. Sa school. Period." I said and looked at him straight in the eye.

"Fine," He said with a sad look on his face. "pero ganyan ka ba talaga kamanhid?" I gave him a confused look.

"I'm not numb, Felix. Try mo kayang saksakin ako, tingnan mo kung hindi ako masaktan." Natawa siya and I looked at him weirdly.

Ma'y nakakatawa ba don?

"You really are a one of a kind weird human being who doesn't have a human heart but a stone." Hindi ko na narinig ang kung anumang binulong niya kaya hindi ko na siya pinansin.

Tumayo siya at umupo sa harap ng study table niya. Nagbuklat siya ng libro at nagsimulang basahin 'yon.

"How can you easily say directly to someone what's your spite with them without even clenching a straight face?" He asked in disbelief.

Is it real hard to do that thing?

"I don't know. I don't really care. I guess, confront them without knowing their side." Natigilan siya sa binabasa niya at dahan-dahang sinarado ang librong hawak niya.

I know, it's wicked. Kahit papaano marunong pa din akong makipagkapwa-tao, ako lang talaga 'yung hayop sa'min.

"You don't even consider their emotions, then atleast consider the sorrow they will felt kapag nalaman na nila 'yung totoo." He seriously said.

"Are you hurting because of me?" I ask at tumingin siya sa gawi ko. Nalungkot ang mga mata niya, na para bang nasasaktan ko siya.

When did I learned to read a person?

"Does it matter?" Balik tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Eventually, nag-iba ang pakikitungo niya sa'kin. The way he looks at me changed as well. Parang ako lang kung tumingin sa kanya, walang pake. Just like looking at someone's soul.

"Masyado kang matalino para sa pag-ibig. Your motto proves me that you haven't felt true love, or let's say you did felt it but it didn't last."

Hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi niya. It's not that I didn't heard it, it's because I can't further elaborate it. Mas pinili ko na lang na balewalain ang sinabi niya.

Geez. Love is complicated, indeed.

Still, I can't ignore his words, it's like  a rough terrain, whenever my bare foots step on it, it hurts. He might be right, I haven't felt true love, what do I even know about love? I did felt love in the arms of my Dad but it didn't last, that's why I need to save him.

My definition of Love is somewhat made up of corns. Corny.

I learned from the worst, thanks Felix Trono for being a big time fake corny boyfriend. It's what I call fake love. At least ma'y love.  

"What do you know about love?" Inis na sabi ko at tiningnan siya. "What am I even doing? Asking Felix Trono who does nothing but to play with it." Siya naman ngayon ang napaiwas ng tingin.

Play with Love. Yeah, keep playing with it until it hits you damn hard. I would like to see that coming.

Nang mainis ako sa kanya, kinuha ko na 'yung paper bag bago dumeretso sa CR. Hindi na ako nagpaalam, ininis niya 'ko masyado 'e. Katapat lang ng CR ang kama niya at sa tabi nito ay ang closet niya. Hayop na 'to, ma'y CR pa sa loob ng kwarto samantalang kami isang banyo lang hati-hati na.

At ma'y bathtub pa ang prinsipeng 'to.

Tsk.

Inalis ko na sa paper ang mga damit at napasimangot sa nakita ko. Hayop na 'to, sinong pumili ng mga damit na 'to? Kung siya man, alam niya, tangina niya. Sinong babaeng tulad ko na magsusuot ng isang damit na isang taas lang ng mga kamay ko'y makikita na ang bra, damit pa ba 'to? The heck.

And please, the shorts? Ano 'to pekpek short?! Wala bang matino-tino diyan? Tiningnan ko pa 'yung ibang mga damit at halos pare-parehas lang. Ano ba 'yan, hindi naman siguro ako rarampa bilang isang porn star 'di ba?

Binuksan ko ang pintuan at gulat na napatingin sa'kin si Felix.

"What the fuck are these? Gusto mo ba akong silipan? Geez, damit pa ba 'to? Mostly girls would appreciate this kind of stuff but I freaking don't. Ano 'to, tira-tirang tela mula sa mga disenteng damit?" Ipinakita ko sa kanya 'yung mga damit at namula siya dahil dito.

Pang-dalagang pilipina ba 'to?! Hindi ito makatarungan.

"Sorry, hindi ko alam na ganyang klaseng damit ang nandiyan."

Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya at nakaramdam ako ng awa. Hiniling ko na lang na sana magkapreno na 'tong bunganga ko. Ewan ko ba, dumaldal ako simula ng makilala ko siya.

Nasobrahan ata ako.

Truth hurts my friend, it really does.

"It's the fashion trend so---"

"Give me a t-shirt and a long pants. I don't freaking care about trends. Ipang-tapal niyo na lang 'yan sa butas butas na pantalon sa Mall." He looks disappointed. Lumapit siya sa closet niya at naghahanap malamang ng damit.

Kaartihan ba 'to dahil ayaw ko ng napakagandang damit niya na halos lumabas lang akong nakapanty at bra at mas gusto ko 'yung simple lang?

"It's called fashion style." Sabi niya habang naghahalwat.

"If fashion style means exposing your freaking epidermis, I wont give a damn on it."

Kinuha ko ang cellphone ko at duon itinuon ang atensyon ko. Nakita ko ang sangkatutak na message sakin ni Jian. Napangiti naman ako. I miss him. I miss our bonding together. Halos hindi kami naghihiwalay araw-araw tapos ngayon? Hayst, ewan ko. Nawalan na ako ng oras 'e. Naalala ko tuloy 'yung mga sinabi niya sa'kin.

"Sorry," he sincerely said.

Nakonsensiya tuloy ako. Feeling ko, ako 'yung pinakamasamang tao sa paningin niya. I mean hindi literal dahil ma'y ilalaban talaga 'tong siopao kong pisngi kaya sa ugali na lang ang basehan natin.

"hindi ko alam na hindi ka mahilig diyan. I didn't mean to buy those, kaibigan kong babae ang pumili niyan, akala ko magugustuhan mo."

I deduce na si Stacey ang tinutukoy niya. Ang ganda ng style niya ha. Siya kaya pagsuotin ko nito? Feel ko din na sinadya niya 'to. Kilos at pananamit ko pa lang alam na dapat niya na hindi ako nagsusuot ng mga ganito. Madalas pa niya naman akong makita sa parkeng 'yon. Why did she do this? Para makita ang magiging reaksyon ko at ilagay niya sa reaction paper niya para sirain ako sa boyfriend niya at umalis na sa pesteng buntot ng hominid niyang jowa?!

At ano daw? Kaibigang babae? Parang 'di ko kayo nahuli, duh. Hindi pa ganon kalabo ang mata ko para hindi 'yon makita ng kasing linaw ng sinag ng araw sa tanghaling tapat.

"Thanks? I guess."

Naglakad siya patungo sa'kin at iniabot ang isang damit na black at pants, kinuha ko naman agad ito sa kanya. Hindi siya makatingin sa'kin ng deretso at halatang naiilang.

"I wont borrow this, I am owning it.  Tamad ako maglaba, 'di ko din maibabalik sayo 'to."

I just love boys t-shirts. Kahit 'yung hiniram ko kay Jian 'di ko na din ibinabalik, perks.

Hinawakan niya ang kamay ko atsaka tumingin sa'kin ng masinsinan.

"Okay lang, sayo na din ako, kahit 'wag mo na akong ibalik." Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya, namula naman ako sa nasabi niya. Ang seryoso niya tingnan, naiinis ako.

"Felix," seryoso akong tumingin sa kanya. "gusto mong sapak?" Pilit kong inalis ang kamay ko mula sa kanya pero hindi niya ako hinayaan.

"Hindi ko kailangan ng sapak mo.  Bago mo pa 'ko sapakin, natamaan na ako sayo."

I gulped.

This is not right. Bakit u-me-epekto na 'yung anti-affection ko?! Hindi naman pwedeng ganun ganun lang 'yun matitinag, 'no. Ang rurupok ng mga gamot ngayon.

"Wala na tayo sa school. Hindi mo na kailangang magpanggap. Don't bother yourself na hanggang dito dadalhin mo 'yang pagkafake boyfriend mo sa'kin. Naniniwala na naman sila 'e. Tapos na 'yung show, okay na 'yung kanina sa school. Atsaka matutulungan na kita mamaya kaya wag ka na mag-alala, lalago din 'yang Youtube Channel mo. Makakabawi na din ako sayo."

Akala ko sasaya ang mukha niya ngunit hindi. Bakas sa mukha niya ang sakit sa nasabi ko. Ano bang nasabi kong mali?

"Ganyan ba ang tingin mo sa'kin?"

Dahan-dahan niyan binitawan ang kamay ko. Napatitig siya sa mga mata ko at hindi ko magawang umiwas sa mata niya.

"Naniniwala akong lalago din 'yang YT Channel mo kaya wag ka ng nakamangot."

"Tanggap kita kahit ganyan ka." Bulong niya sa sarili niya but it's enough for me to hear it.

Bakit ba hindi niya na lang ako deretsuhin? Para sa ganon magkaalaman na kami ng hinaing sa isa't-isa. Kaso baka hindi kami matapos kapag siya ang nanumbat, there are plenty of reasons to hate me.

Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako. Wala na ba siyang ibang pwedeng tingnan?

"Bakit, ma'y kapansanan ba 'ko?" Natawa naman siya at kinurot ang pisngi ko.

"Manhid, magbihis ka na." Dinala ko na ang damit at pants at naglakad patungo sa CR.

Bago pa ako makapasok sa CR ay ma'y binulong si Felix na hindi ko masyadong narinig.

"Baka sundan kita dyan, dalian mo."

"Ma'y sinasabi ka, Felix?"

"Meron ba? Gusto mo lang marinig ang boses ko 'e." I rolled my eyes and stick my tongue out to tease him, pero di effective, tumawa lang siya.

"Yung manuscript nga pala nasa bag ko, basahin mo."

"Ayoko." Sabi niya pero hinalwat din naman ang bag ko.

"Bahala ka."

Sinaraduhan ko na ang pinto at nagsimulang magbihis. Teka nga lang, bakit pangbabae talaga 'tong t-shirt? Sanay na ma'y dinadalang babae ah. Mukha ngang pwede pangcouple shirt 'to. Chos. Baka sabihin niya ang dali kong maghinala sa mga bagay-bagay.

Medyo nag-ayos din ako ng mukha at nagsuklay, sobrang haggard ko pala tingnan. Kahit magsuklay ako ng magsuklay hindi naman 'to ikakabawas ng kasamaan ko 'e. Ma'y tinatago din akong ganda kaso nakalimutan ko kung saan ko tinago.

Pano 'yon?

Binuksan ko ang pinto at bumungad agad sa'kin si Felix. Ramdam ko ang init ng mukha ko at ang pamumula niya. Ang lapit-lapit kasi niya sa'kin and we're just an inch away from each other.

"Sinisilipan mo ba 'ko?!"

"Hindi ah! Masyado ka namang assuming para gawin ko 'yon. Lumabas na daw tayo sabi ni Manang at kakain na."

"K." I glared at him at sinadya kong danggiin siya, ang laki namang kasing harang hindi tuloy ako makadaan. Ngumisi siya sa akin at nagdere-deretso na ako sa paglalakad palabas.

Iniwan ko na 'yung sapatos ko sa tapat ng kwarto niya. Inalis niya 'yung slippers niya at para bang sinasabing isuot ko 'yon.

"I prefer bare foots."

"Ayaw mo lang madulas at mahulog sa'kin 'e, arte naman." I rolled my eyes at umuna nang bumaba sa first floor.

Dami naman kasing alam ni Felix.  Kelan ba 'yon mauubusan ng mga hugot at banat sa buhay?

Agad akong sinalubong ni Tita habang nakangiti at niyakap ako. Parang hindi kami nagkausap kanina ah. Dinala ako ni Tita sa kitchen at umupo na para kumain. Nagsimula na kaming kumain at nasa tapat ko lang si Felix.

Pagkatapos kong kumain ay nagpasalamat ako kay Tita at dumeretso na sa kwarto ni Felix. Nauna si Felix na pumunta sa kwarto niya, nagtakaw pa kasi ako 'e. Sayang kasi 'yung mga biyaya, mas magandang inuubos 'yon kesa masayang hehe.

Naabutan ko siyang nagpla-plantsa at humanga naman ang isang hampaslupang kagaya ko na makita ang isang prinsipe na gumagawa ng gawain.

Nilapitan ko siya at tinitigan ang plina-plantsa niyang uniform. Teka nga, puting-puti tas nagbabrown.

"Marunong ka mag-plantsa? Sure ka?  'E masusunog na 'yan sayo!"

Napapaghalatang walang gawa sa bahay, tsk.

"Bitaw!"

Hahawakan ko na sana 'yung plantsa nang mapansin kong hindi siya bumibitaw. Binitawan niya ito at ako na ang humawak dito. Naramdaman kong tumayo siya sa likod ko at humawak sa kamay kong nakapatong sa plantsa. Sinamaan ko siya ng tingin kaso nagsisi ako dahil ang lapit ng mukha niya sa'kin.

"Bitaw!"

"Hindi kita bibitawan 'no, baka mapunta ka pa sa iba." Hayst, 'di ko na lang siya pinansin.

Felix naman, lagi na lang 'e.

Binalik ko na ang tingin ko sa damit niya at nagsimulang magplantsa. Hindi ko mapigilang hindi mailang dahil sa kamay niya.

"Baby Bear, pano?" he whispered behind my ears.

"Madali lang magplantsa, di mo lang inaayos." Sagot ko.

"Paano mo 'ko matututunang mahalin?"

Nanlaki ang mga mata ko sa nasabi niya. The fudge, ano 'tong naririnig ko kay Felix?! Bumitaw na ako sa pagkakahawak sa plantsa kaso hindi pa din siya bumibitaw.

"Ewan ko sayo."

Tulayan ko nang inalis ang kamay niya sa'kin at isinabit ang uniform niya sa hanger.

"Ang liit mo pala." He said and pats my head.

"Bastos 'to!" Hinarap ko siya at inapakan ang paa niya.

"Aray!"

Asarin mo na ako kahit saan 'wag lang sa height. Hindi tayo talo.

Hindi ko na siya pinansin at kinuha na mula sa bag ko ang manuscript namin ni Felix. Naglakad na ako patungo sa computer. Umupo na ako sa harap at nagready ng camera. Kailangan na naming matapos 'to at sayang na talaga ang binabayad sa'kin ni Tita. Baka matanggal ako sa trabaho nang wala sa oras.

"Felix, let's start." Tamad na tamad siyang tumingin sa'kin bago lumapit. Umupo siya sa tabi ko at inihanda ko na ang video recorder.

Pinaupo ko siya sa tapat ng computer. Inilagay ko na ang green na tela sa may likuran niya para sa magiging background namin. Siya muna ang unang nagpakita sa camera at ginawa na ang gawain ng isang Blogger.

"So we are back again guys."

"Back after 3 months!" Pagsingit ko na ikinagulat niya. Nagpakita ako sa camera at ngumiti sabay kaway.

"I'm Felix Trono and this is my girlfriend---"

"Marzia Cruz!"

Nagproceed na kami sa introduction kung saan nag-explain si Felix kung bakit ganon siya katagal nawala. Gumawa din kami ng istorya kung paano kami nag-meet ni Felix at kung paano naging kami. Oh diba, mga debak, naging story maker tuloy kami.

Nahirapan kaming magpanggap na magkasintahan kaya naka-ilang take kami sa video. Nagkakabale-balentong din ang kwento naming dalawa kaya lalong gumugulo.

"Take 5! Ayusin mo na!" Sigaw ko kay Felix.

Kanina pa kami ditong paulit-ulit at nahihirapan talaga kaming gumawa ng kapani-paniwalang istorya.

"Ang hirap naman kasi kapag fake, totohanin na kasi natin." Tinitigan niya ako na para bang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"Felix!" Sita ko sa kanya.

Kasi naman bawat take namin ng ganito bumabanat o kaya'y bigla-bigla na lang humuhugot. Nakakastress, sakit sa bangs.

"Oo na!"

"Sinisigawan mo ako?!"

"Hindi!"

"Bakit sumisigaw ka pa din?!"

"Sorry na nga 'e!"

Nanahimik kaming dalawa dahil wala pa kami sa kalagitnaan ng video ay hirap na hirap na agad kami. Tinitigan ko lang ang screen at nakarecord pa din ito hanggang ngayon. Madali na namang mag-cut, kailangan na talaga naming matapos 'tong introduction bilang mag-jowa.

"I'll tell them the story. Manahimik ka na lang. Bawal sumabat." Sabi niya at inirapan ko na lang siya.

Hay nako, ilang beses niya ng nasabi 'yan kanina. Sumisingit kasi ako kapag alam kong masyado ng wala sa katotohanan ang mga pinagsasabi niya. Minsan lumalayo talaga siya sa istorya 'e.

"Photography, for all intents and purposes, is a form of art. Therefore, it requires a creative mind—and plenty of imagination. I always love photographs at dahil nasa recent searches ko 'yon palagi, madaming page ang nakikita ko sa recommendation ko. But only one page caught my attention, the Photo Aesthetic page na ngayon ay mas kilala na bilang PhotoArts."

Nani?! How did he knew that? Matagal na niya sigurong nalaman ang tungkol sa page ko. Bago pa kasi sumikat ang page ko ay pinalitan ko ito ng pangalan. From Photo Aesthetic to PhotoArts. I don't know what came in my mind to change the name, perhaps it's because it was passed towards me and I want to change everything from it.

"Humanga ako sa mga nakikita kong photographs sa page na 'yon kaya naman palagi kong binabantayan ang mga bagong posts sa page. Iba kasi ang dating sa'kin, hindi lang basta photographs, it's pure and I adore it alot. Because of too much admiration, I always wondered who is the person behind it. Actually, I thought lalaki ang may-ari non, a father maybe? He always quotes photographs about a daughter or to a lover perhaps, until I noticed that the style changed. Then I thought it's definitely a girl behind the page this time."

Natigilan ako.

He is great at deducing. How come na napansin niya lahat 'yon? That my father was the first owner of it and I inheritance it from him.

I owe my Dad alot.

Nawalan na ako ng gana sa mga sumunod niyang sinasabi. This is where the lie and made up story starts.

"Hanggang sa naglakas loob akong i-message 'yung page, na magrequest ng magrequest ng kung ano-ano, makita ko lang na nakukuha ko ang atensyon niya ay masaya na ako. Until I fell in love with her works and herself. I even brag money just to see her, nagdahilan pa nga ako na dahil sobrang laki ng halaga ng photograph na pinagawa ko ay i-meet niya ako personally. Dun na kami nagkakilala,  hanggang sa ayain ko siya makipag-date at dumating sa puntong nagkaroon na din kami ng nararamdaman para sa isa't isa."

Seryoso siyang tumingin sa'kin and I pretend to look at him like an interested girlfriend clinging around.

It's kinda weird to know na marami daw photographs si Felix na galing sa'kin 'e kahit minsan nga lang ay hindi siya nagre-request sa'kin, maliban na lang dun sa isang silhouette sa kwarto niya.

"Baby bear," He whispered enough for me to hear it. "I love you."

In this moment, I don't clearly know how to respond to him. I just imagined that these are all fake, that all of this is just for a show.

"I love you, too."

________