Chereads / Photoshopped / Chapter 11 - Chapter 9

Chapter 11 - Chapter 9

Chapter 9: Confrontation

I'm finally home now. What a big relief. Hindi ko kinaya, grabe. Parang ayoko na munang bumalik kina Felix. Hindi na kasi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung totoo ba o peke lang ang lahat para sa kanya. Pero bakit kahapon ang cold niya sa'kin, tapos ngayon bigla siyang magiging korny, palangiti, palaging tumatawa kahit walang kwenta mga sinasabi ko. Ay ewan, hindi ko na din siya maintindihan. Lipas na agad ang galit niya sa'kin ng ganun ganun na lang?

Hayst. Panghahawakan ko na lang ang kasunduan naming dalawa. Na peke lang ang lahat ng ito, na kaya siya ganito kung makitungo sa akin ay dahil lang sa deal namin. Hindi ko sinasabing ma'y nararamdaman ako para sa kanya pero iba kasi ang pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya.

'Yung mga banat niyang pilit kong iniiwasan, 'yung mga hugot sa buhay niyang gusto kong sumbatan. Nananatili lang akong tahimik sa tuwing gagawin niya ang mga bagay na 'yan. Kasi ayokong mapunta pa sa kung ano. 'Yun ngang siya lang ang bumabanat at hindi ko pinapatulan ay ang lakas na ng dating sa'kin. I just kept ignoring it kasi ayoko mag-isip ng iba. Everytime na gagawin niya 'yun, I always remember our deal kaya nagkakaroon ako ng malaking relief na balewala lang ang lahat para sa kanya.

Bakit ba nagkakaganito ako? Why do I think about him in the midst of midnight? Wala akong dapat ipag-alala, siya si Felix Trono, sanay siya sa mga babae. Kung paano niya 'to pakikiligin, itrato, mga gestures ng boys na gustong-gusto ng girls. Alam niya lahat 'yan. Sa huli, pinapaasa niya lang ang mga babae at pinapaiyak. Na para bang nagiging biktima na lang sila ng huwad na pag-ibig.

Ayokong maranasan 'yon. Aaminin ko, minsan nadadala ako sa mga matatamis niyang salita. Sino ba namang babae ang hindi? Lalo na't siya ang dream guy ng maraming kababaihan. Hayst, bakit ang hirap niyang harapin?

At kailan pa ako nag-isip tungkol sa lalaki? Ang lalaking palagi ko lang naman iniisip ay ang Daddy ko. Ang taong pinakamamahal ko sa lahat. Siya kasi ang tanging tao na nagpadama sa'kin ng tunay na pagmamahal. Siya lang talaga. Pinadama niya na ang isang katulad ko ay dapat minamahal at binibigyang importansiya. Siya ang tipong tatay na mamahalin ko hanggang dulo. Hindi ko kayang mawala siya ng ganun ganun na lang, kaya ginagawan ko lahat ng paraan para matustusan ang mga bayarin sa ospital. 'Wag lang nila tanggalin ang mga life support sa kanya.

Hindi ko kaya. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Kahit nahihirapan ako sa sitwasyon namin, hindi ko magagawang sumuko. That's my Dad. Hindi niya nagawang saktan ako, kundi minahal niya ako ng lubos-lubos. Bakit kaya 'yung mga taong ma'y mabuting puso pa ang nagkakaroon ng mas malalang problema. 'Yung klaseng hindi niyo deserve ang problemang 'yon pero ibinigay pa din sa inyo. Sobrang sakit lang isipin.

I wiped my tears away. Nakadungaw ako sa ma'y bintana at nakatingala sa kalangitan habang pinagmamasdan ang mga bituin. Gusto kong tumulad sa mga bituin, they can shine alone.

Nagutom ako at ginawa ang dating gawi ko. Bumaba ako para kumuha ng midnight snacks. Tatanggap na kasi ulit ako ng mga request 'e. Nagtimpla din ako ng kape kung sakaling antukin man agad ako. Trip ko lang, ayoko pa matulog 'e. Baka mamaya last day ko na pala sa earth tapos 'di ko pa nasulit lahat ng kape sa mundo.  Sayang naman 'di ba? Baka nga mamaya na ang last palpitate ko tapos 'di ko pa nalalaklak lahat ng kape sa mundong ibabaw. Sayang na sayang talaga.

Bumalik na ako sa kwarto ko at binuksan na ang new and improved laptop ko, na ang wallpaper ay walang iba kundi ang panghampaslupa kong kagandahan.

Bago ko mabuksan ang page ko ay ma'y nagnotif sa cellphone ko na mga message mula kay Jian. Nagulat ako at kinabahan at the same time.

From: Sexytary

Message 1

Can we talk tomorrow at our meeting place? Bukas sana ng dismissal. I want to ask you about Felix, please.

Alam na niya siguro. He deserves to know the truth. Siya ang pinakamalapit kong kaibigan 'e,  maaasahan ko pa palagi.

Message 2

I miss you. 'Wag ka munang tumulog ng maaga, panoodin mo muna 'yung Season 2 ng One Punch Man. Hehe. Punta ka din minsan dito, miss na kita.

Bad influence talaga 'to. Sabagay ang tagal ko na ding hindi nakakapanood ng anime. Palagi ko pa namang kasama si Jian sa tuwing nanonood ako.

Message 3

'Wag kang magpapagod, baka pumayat ka wala na akong siopao. Bumili pa naman akong siopao sa Mall, pinanggigilan ko talaga. Haha.

Hayop talaga. Kapag talaga ako pumayat, who you 'yan sa'kin. Kasalanan ko bang pagpalain ako ng kakyutan sa pisngi?

Tinext ko siya na pumapayag akong puntahan siya bukas. Iiwanan din ulit siguro ulit ako ni Felix 'e so no problem.

Binuksan ko na ang page ko at natuwa sa nakita ko. Ayt, dumami ang request ngayon. Pansin ko, puro mga estudyante pa sa school namin ang mga 'to. I guess, alam na nila.

Bago ako gumawa ng artwork at kung anumang editing stuff ay prinomote ko muna ang YT Channel ni Felix. Sinabi ko din sa kanila na suportahan kaming dalawa. I didn't choose to reveal my identity sa page ko dahil masyadong marami ang followers ko. Ma'y mga international customers pa

naman ako at ayaw kong makilala nila ako. Okay lang sa'kin na makilala nila ako sa pamamagitan ng blog namin ni Felix, idi-delete din namin 'yon pagkatapos na pagkatapos ng election para hindi na kumalat pa.

Tama si Felix, ayoko ng atensyon, gusto ko lang manalo sa election. Gusto kong gawin 'to para sa pangarap ko. Kaya naman si Felix na ang bahalang mag-promote sa'kin sa blog niya dahil local blogger pa lang naman siya. Mostly ang mga subscriber niya ay mga SHS Students at sapat na 'yon para ma-ipahiwatig namin ang sarili ko para sa botohan, para na din makahingi ng suporta mula sa kanila.

Natutuwa ako at nabawasan na ang konsensiya ko dahil natapos na namin ni Felix ang blog at edit na lang ang kulang. Hindi na kinaya ng powers ko kanina 'e, kaya I decided na bukas ko na lang sa kanila ituloy para hindi niya ako maabala o maka-usap. I-uupload namin bukas 'yon pagkatapos na pagkatapos kong i-edit ang video. Hindi ako masyadong mahihirapan sa pag-eedit non dahil hindi ito gaanong mahaba.

Nagkaroon pa nga kami ng konting interview about sa'kin. Kung paano ko ba daw hina-handle ang page, kung mapili ba daw ako sa request, kung naiinis ba ako kapag pinapaulit ng client ang artwork. 'Yung klaseng mga walang kwentang tanong kumbaga na ginagawang big deal ng mga tao.

Pasalamat sila kailangan ko ng pera. Minsan talaga tinatamad na ako gumawa 'e. Masaya naman ako sa paggagawa ng artwork kaso madalas sumosobra ang request nila. Katulad ng sinabi ko dati, madalas underpaid pa ang mga katulad ko, nagtitiis lang makatanggap lang ng mga client kahit maarte. Lalo na kapag wedding pictures o kaya'y birthday pics. Nakakasawa din kung minsan kapag tumitingin ako sa pagmumukha ng mga customer ko. Nasusuka ako kaya napapainom na lang ako ng kape. Mas gusto ko pang mag-palpitate kesa titigan 'yung mga mukha nila 'e.

Nakatapos na ako ng ilang artwork at isinend na ang pictures sa mga customer ko. Sana ma-satisfy sila kahit hindi ko na masyadong gamay ang photoshopping. Hindi na kasi katulad noon na pinagtutuunan ko talaga ng pansin. Ang bilis talaga lumipas ng oras, 2AM na. Grabe na talaga 'tong powers ko magpalipas ng oras. Pero kung kailan nasa school naman ako sobrang bagal ng oras, nakakainis. 'Yung klaseng damang-dama ko ang bawat minuto sa klase. Kulang na lang 'e ilapag ko 'yung orasan namin sa room sa harapan ko.

Rinig kong bumukas ang pintuan ng kwarto ko kaya napalingon ako don. At sinong gising pa sa ganitong oras? Ako lang ang ma'y karapatan.

"Sis," Pagtawag sa'kin ni Kuya na nakasilip sa pintuan. "Pwede ka ba makausap?"

"Habang nasa katinuan pa ako, pwede." He slightly laughed at pumasok na sa kwarto ko.

Sinaraduhan niya ang pintuan bago lumapit sa'kin. Umupo siya sa kama ko habang ako ay nakapwesto sa study table ko. Humarap ako sa kanya habang hawak-hawak ang tasa ng kape ko.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya.

Are you kidding me?

"Kasi hindi pa 'ko tulog." Natawa na naman siya.

"Kulang ka na nga sa tulog. Tingnan mo 'yang mata mo, kapag pumapasok ka nagiging tatlo ang bag mo." Sabi niya habang nakaturo pa sa mga mata kong kyut.

"Haha. Okay." I fake a laugh. Corny naman kasi ni Kuya gumagaya pa kay Felix. "Hindi ka pa aalis?"

Sumimangot siya sa tanong ko. Napahigop na lang ako sa kapeng hawak ko dahil sa antok. Any minute now sa tingin ko tutumba na ako.

"Andito ako para magpasalamat. Ma'y ibinigay kasi si Mama na isang set ng drawing materials galing daw sayo. Salamat ng marami, Sis." Nginitian ko na lang, nagniningning kasi masyado ang mga mata niya sa'kin. Tuwang-tuwa siguro sa natanggap niya.

"Una at huling bigay ko na 'yan sayo kaya ingatan mo."

"Hindi pwede! Ma'y birthday pa ako. Pag-ipunan mo Sis ha. Alam mo naman 'yung pinakagusto kong materials hehe." Inirapan ko na lang siya.

Ay, hayop. Nakapagrequest pa nga. Walang utang na loob. Tinutukoy niya kasi 'yung mamahaling drawing pen na para sa computer. As if ibigay ko sa kanya 'yon. Sino ba 'yung mas matanda sa'min? Ako ba? Ako?! Dapat ako 'yung binibigyan niya. Hindi ito makatarungan.

"Alam mo, natutuwa talaga ako sayo, kahit na magkaaway pa tayo non naisipan mo akong bilhan ng ganun. Narinig ko kasi kayo ni Mama na nagpapabili ka ng drawing materials, halata namang para sa'kin kasi wala ka namang talent don. 'Yun lang ata ang talent na pinagkait sayo na ibinigay sa'kin 'e. I'm greatful though."

Pagdating kasi sa pagdo-drawing medyo wala akong hase. Palagi na lang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi pa pantay ang pagguguhit ko. Sanay ako sa computer, mas madali kasi dun. Madali din akong mawalan ng pasensya sa pagdo-drawing lalo na kapag puro bura ako na halos mapunit na 'yung papel. Minsan talaga gusto ko na lang ihagis sa ma'y bintana ang kinalabasan ng drawing ko.

"You should be. Kung hindi ipinagkait sa'kin ang talent na meron ka, talong-talo na naman kita." Natawa kami pareho. Lumalabas na ulit 'yung kayabangan ko 'e.

"Nga pala, ma'y Artwork ka na ba para sa Meeting de Avance? Nagprepare na kasi ako, baka nakalimutan mo. Madalas ma'y amnesia ka pa naman." I glared at him at natawa naman siya.

Oo nga pala, kailangan pa ng pesteng Artwork na ipre-present sa harap ng Members ng Photography Club. Nakakainis, ang dami nilang alam, hayst. Ganito talaga ang buhay, madali lang talaga kung tutuusin pero pinapahirap lang ng mga tao. Hindi ko sinasabing hayop ako dahil malaki din ang ambag ko sa pagpapahirap ng mundo.

"Wala pa akong nasisimulan. Busy pa ako sa work ko. Siguro kukuha na lang ako sa dati kong photographs. Magaganda din ang mga 'yon, pwedeng ipanglaban." Tumango-tango naman siya.

'Yun na nga lang ang gagawin ko at tinatamad talaga ako. Ma'y groupmates naman ako, pwedeng sila na ang bahala doon. You need to trust your members in order to create a good team---sa madaling salita sila na ang gumawa.

"Ma'y hindi ka pa ata nalalaman." Tiningnan niya ako ng seryoso, na parang sinusuri ako kung alam ko ba 'yung sasabihin niya o hindi.

Malamang hindi. Nakakabobo naman 'to, anong oras na oh tas nag-uusap pa kami.

"At ano naman 'yon?"

"Kalat na kalat na ang relasyon niyo ni Felix, natatawa nga ako 'e. Pano ba naman, ina-announce niya sa lahat ng 1st Year SHS sections na suportahan daw 'yung girlfriend niya na si Marzia Cruz bilang President ng Photography Club, habang ma'y teacher pa 'yun sa room ha. 'Di ba ang SC Officers ang naguuli para magbantay ng sections kaya 'yun, ginawa niya 'yon. Time ata 'yun bago mag-dismissal. Nakita pa nga kitang sumilip sa classroom namin nun 'e sabay alis. Tapos nabigla na lang ako ng mag-excuse siya sa room namin at ma'y mahalaga daw na i-a-announce." Nabigla ako sa nasabi niya.

Is it really true? Siya siguro 'yung nabangga ko sa hagdan. Felix, why are you giving me this kind of feelings again? I have no idea na ginawa niya 'yon. Ang tiyaga niya masyado. Gusto niya ba talaga akong tulungan o para ma-promote ko lang siya ng bongga sa page ko? Perhaps the latter part is right. Wala namang dahilan para tulungan niya ako kundi para bumawi din ako kapag na-promote ko na siya sa page ko.

Kaya siguro gusto akong makausap ni Jian dahil diyan. Alam niya namang hindi ako basta-bastang pumapatol sa lalaki 'e. Galit kaya siya? Hindi siguro, mabait siyang tao at never pa akong hindi kinampihan. 

"Ngayon ko lang nakita si Felix na nagka-ganyan. Desidido talaga siyang gawin ang lahat ma-promote ka lang. Ang supportive niya masyado para maging fake boyfriend."

Napapaisip tuloy ako. Tangina kasi. Ganito ba talaga kahirap. Magaling naman ako sa deductions pero bakit wala akong maisip ngayon? Ayaw na din magfunction ng utak ko. Hindi ko din masisisi ang sarili ko, madaling-araw na din 'e. Hindi na talaga ako makakapag-isip ng maayos sa lagay na 'to.

"Kuya, ano sa tingin mo?" Tanong ko at napaisip naman siya.

"Ang alin?"

"W-wala."

"Lumabas ka na nga. Kanina ka pa nakikipagchikahan sa'kin 'e."

Kailangan ko na talagang paalisin ang isang 'to. Kapag kinausap ko pa siya ng kinausap, hindi na ako makakatulog. Hindi ko akalain na ganito magiging kadaldal si Kuya. Sino ba talaga 'yung babae sa'min? Hayst.

"Pero Sis 'yung bilin ko sayo ha. Natatakot ako para sayo, ayokong masaktan ka ng dahil lang sa kanya."

Tumayo na siya at naglakad patungo sa pintuan ng kwarto ko.

"Ay ewan, bahala na si batman."

Ang drama kasi ni Kuya. Ang daming alam. Sa tingin nya naman hindi ko magagawa 'yung mga sinabi niya sa'kin. Basic, men.

"Malaki ang tiwala ko sa kamanhidan mo. Kung ibang babae siguro, alam na nila ang ibig-sabihin ng mga ipinapakita sayo ni Felix." Sabi niya at nilingon ako.

Ano ba talagang ibig-sabihin niya? Hindi na lang magawang deretsuhin ako 'e. Ano 'to puzzle? Palaisipan. Tsk. Ang dami namang drama sa buhay ko.

"Kaso hindi ka naman babae. Chos!"

Dagdag niya bago pa isarado ang pintuan.

"Umalis ka ng hayop ka."

Nakakainis talaga.

Ibinaba ko na ang tasa ng kape ko. Pinatay ko na ang ilaw at humiga sa kama ko. Hindi naman ako nahirapang antukin dahil pagod na pagod na ako.

__________

Today is just a normal day. Walang kung anumang activities para sa campaign dahil sa lunes pa 'yon. Kailangan din kasing magklase at hindi pwedeng sunod-sunod ang school events.

At dahil nga normal lang ang araw na 'to, ma'y balak talaga akong magpa-late. Recess na lang ako papasok dahil antok na antok pa ako. Duh, wala pa ngang apat na oras ang tulog ko kaninang madaling-araw. Hay nako.

"Marzia! Gising na, hoy!" Sigaw ni Kuya.

'Yung boses niya talaga nakakairita. Lalo na kapag nangbubulabog tuwing umaga. Daig na daig pa 'yung alarm clock ko 'e. I look at the time at 5AM pa lang. Anong aga naman niya?!

"Oo na!"

"Mauna na ako, Sis. Ma'y project lang ako, sa school ko na tatapusin."

Natuwa naman ako sa nasabi niya. Wala na kasing sagabal sa gusto kong gawin ngayon. Kahit nga 'wag na ako pumasok ngayon araw na 'to. Hindi naman malaking kawalan sa'kin 'yon.

Mas mahihirapan nga mga kaklase ko 'e, walang sasagot sa klase so sila ang tatawagin. Bahala sila.

Naisip ko si Jian, kailangan ko nga pala siyang puntahan. Labasan pa naman ang napag-usapan namin 'e kaya okay lang talaga na ipagpaliban ang araw na 'to. Mas pipiliin ko pang matulog na lang magdamag.

Nakaramdam ako ng gutom kaya kahit na tinatamad ako ay pumunta ako sa kitchen. Kailangan ko na talaga ng mini-fridge. Ang hirap ng pabalik-balik sa kusina. Napapagod lang ako.

As usual, gumawa ulit ako ng kape at kumuha ng makakain. Ang weird lang, parang hindi nauubusan ng pagkain 'yung ref namin. Halos ako na nga lang ang umubos sa lahat ng laman nito. I settled down at the dining table at nagsimula ng lumamon.

Natigilan ako sa paglamon ng ma'y katok ng katok sa pintuan. I'm expecting na ma'y magsasalita pero wala. Dumeretso ako sa ma'y pintuan at binuksan ito. Agad sumalubong ang kanyang mga kamay at yumakap sa'kin. Nabigla ako at nanigas sa kinatatayuan ko.

"Na miss mo 'ko?" Tanong niya. Napangiti naman ako at niyakap din siya.

"Hindi kaya!" Kumawala na ako sa yakap at maging siya. Binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago kurutin ang pisngi ko.

"Ma'y dala akong siopao!" Sabi niya sabay lahad ng isang paper bag sa'kin habang pinipigilang tumawa.

Nananadya ata siya 'e.

"Jian naman!" Hindi ko kinuha ang paper bag kundi tumalikod na mula sa kanya.

"Uy joke lang! Relief goods 'to para 'di ka magutom, hehe." I glared at him and punches his forearm.

"Seryoso, pagkain 'to. 'Yung favorite mong pizza---"

Agad kong kinuha 'yung paper bag mula sa kanya at dumeretso sa kitchen. Binuklat ko na ang dala niya at nagsimulang kumain. Mukha man akong patay gutom, aware naman si Jian tungkol don so okay lang talaga magtakaw ako sa harap niya.

Umupo siya sa tapat ko at kumuha din ng pizza. At ito ang kwento ng aming paglamon. I took a glimpse on Jian and he is staring at me. Hindi naman siguro nakakailang, 'no?

"Anong nangyari sa inyo ni Tina kahapon?" Tanong ko.

Pinanglakihan niya ako ng mata. Ngayon ko lang narealize ang nasabi ko. Mali ata 'yung term na nagamit ko.

"I mean kamusta kayo kahapon!" He chuckled before answering me.

"Okay lang." Tamlay na sagot niya.

"Anong okay lang?"

"Wala, boring. Hindi ka kasi

sumama. Bakit ba hindi ka sumama? Naiilang ka ba kay Tina? Sabihin mo lang sa'kin. Miss ko na talaga mag-bonding kasama ka." He said and pouts.

Ang cute niya. My definition of cute is somewhat nakakata-kyut.

Ang manhid niya. Hindi talaga siya nakakaramdam na parang ma'y gusto sa kanya si Tina. Parang lang naman. Hindi ko sure, hindi kasi ako love expert tulad ng iba diyan. Ehem. Pero babae pa din kasi ako 'e, the way na tingnan ni Tina si Jian ay kakaiba, puno ng pagnanasa---este pagmamahal. Ma'y spark kasi, parang kwitis.

"Ma'y trabaho nga kasi ako. Tsaka na lang." Tumahimik siya at sumimangot.

"Wala ka bang napapansin kay Tina?" I asked and he gave me a confused look.

"Huh?"

"Malay mo ma'y pagtingin siya sayo." Nabigla siya sa nasabi ko at kamuntikan nang mabulunan sa iniinom niyang tubig.

"Nani?! Ano ka ba?! Kaibigan ko lang 'yon!"

"Defensive mo naman, nanghuhula lang 'e." Natatawa kong sabi.

Natahimik kaming dalawa. Ayaw talaga naming naaabala sa pagkain 'e. Nakakainis kaya 'yon, masarap namnamin ang bawat pagkagat sa pagkain, kaya dapat hindi talaga inaabala.

"Ikaw, ma'y napapansin ka ba sa'kin?"

Nilingon ko siya at nakita ko ang seryoso niyang mukha. 

Natawa naman ako, bakit bigla siyang sumeryoso? Walang nagbago sa kanya, lalo nga siyang naging blooming 'e. Sa totoo lang mas magandang babae pa siya kesa sa'kin kapag nagkataon.

"Bukod sa adik sa sigarilyo, naging paasa at manhid pa."

Feel ko talaga palagi niyang kasama si Tina. Hmm. Siguro inaakala pa ni Tina na ma'y gusto din si Jian sa kanya. Pero feel ko ma'y gusto din si Jian kay Tina 'e. Indenial lang? O baka naman tinatago nila sa'kin ang relasyon nila. Hmm. Ay nako, 'eto na naman ako sa pagiging huwad na manghuhula. Ganito pala ang feeling nang nanghihinala, exciting. 'Yung feeling na tinatanggi pa ng katropa mo ang crush niya, sarap lang asar-asarin. Kapag talaga nalaman kong ma'y relasyon sila, kukutusan ko si Jian, naglilihim pa 'e. 'Yung relasyon namin ni Felix ay peke so it doesn't count. 

"Ikaw lang 'yung paasa at manhid sa'tin, Marzia. Kahit ideny mo pa, totoo 'yon. Kilalang-kilala na kita pagdating sa ganyan. Wala kang puso, pusong bato meron!" Nagkasalubong naman ang kilay ko sa nasabi niya.

"I have a heart, Jian. According to----"

"Ayt! 'Wag ka na mag-explain ng scientific basis o kung anumang Anaphysio!" I mentally rolled my eyes. Gusto ko pa namang mag-explain.

"Whatever."

Humigop ako sa kape kong paubos na. Nakikihigop naman kasi 'tong si Jian 'e. Akin lang 'to! Pasimple pa kasing kinukuha 'yung kape ko, parang ewan.

"Marzia, ma'y gusto sana akong itanong." I looked at him and raise my eyebrow.

"Tungkol sa inyo ni Felix. Totoo ba? Okay lang naman kung totoo, susuportahan kita sa relasyon niyo. Hindi mo kailangang ilihim sa'kin o kung ano. Tatanggapin ko, hindi rin ako judgemental para kwestyunin ang kung anumang namamagitan sa inyo. Atsaka-----"

I cut him off. Ang dami niya agad nasabi. 'Edi lalo na kapag nagkaroon ako ng totoong boyfriend. I can't imagine Jian na pinapangaralan ako araw-araw.

"Aish, Jian. Manahimik ka nga. Wala akong dahilan para ma-inlove sa kanya, walang namamagitan sa'min.Our relationship is fake. Nagsimula ito sa isang deal to help me win the election." His expression changed at ngayon na ako nagsimulang kabahan sa maaari niyang isipin sa'kin.

"Are you telling me na nagpapanggap ka bilang girlfriend ni Felix para lang manalo sa election?" He sounds disappointed.

My voice cracked at nagsimulang mamuo ang mga luha sa mata ko. Natatakot ako, ayokong lumayo siya sa'kin. Ayaw na ayaw ko.

"I'm sorry dahil mas pinili ko pang itago sayo. I planned to tell you but I'm too afraid to even mention it. I'm afraid that you might judge me. Ayokong mag-iba ang tingin mo sa'kin. I don't want to look like a greedy person especially infront of you. Ikaw lang ang tanging kaibigan ko, Jian. Ayokong mawala ka pa sa tabi ko."

Nag unahan ang mga luha ko sa pagpatak at hindi ko ito mapigilan.

I tried to hide my tears from him by covering my face with both of my hands. Mayamaya pa'y naramdaman ko ang mga kamay niya na bumalot sa katawan ko.

"Don't cry, please. Nasasaktan akong nakikita kang ganyan." His voice cracked at natitiyak kong lumuluha na din siya.

"Marzia, please wag mong isipin na lalayuan kita dahil hinding-hindi ko magagawa 'yon. Hinding-hindi kita pagiisipan ng masama ng dahil lang dyan. It's okay, alam kong ginawa mo 'yan because you're determind to chase your dreams. I understand you, but please, don't hesitate to tell me anything. Hindi ako iba sayo, kaya tahan na please." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko by his thumbs.

"Wala akong ibang hangad kundi pasayahin ka. I will support you no matter what." I gave him a genuine smile bago yumakap sa kanya. He kissed my head and hugged me back.

_________

Marami akong natutunan kay Daddy, lalo na pagdating sa pag-ibig. Lagi niyang sinasabi sa'kin na kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo iiwan. Despite of his or her imperfections. Madalas nagiging sarado ako kapag tungkol sa pag-ibig, kasi para sa'kin ang korny korny ng topic na 'to, at hindi ako komportableng pag-usapan ang tungkol dito.

Nagpapasalamat ako kay Jian dahil mahal niya ako bilang isang kaibigan. Tinanggap niya ako kahit na alam ko sa sarili kong medyo mali ang nagawa kong desisyong pumayag sa kasunduan namin ni Felix. Semi-wrong lang naman. Kinailangan ko kasi ng suporta mula sa kanya. Gustong-gusto ko kasing makamit ang malaking oportunidad na tulad ng ino-offer ngayon ng school. Hindi ko 'yon kayang palagpasin.

Ang saya ko ngayon dahil patuloy na pinapatunayan ni Jian ang pagiging totoo niyang kaibigan. Sa panahon ngayon, ang hirap nang makahanap ng totoong kaibigan. Hindi mo kasi alam kung totoo sila sayo habang nakatalikod ka sa kanila.

Isa lang ang itinuturing kong kaibigan, si Jian. Isa lang siya pero sapat na siya para patunayan na ang tunay na kaibigan ay nag-e-exist pa din sa mundo. Ang hirap kasi ngayon ang daming nagkalat na mga plastik. That's why I don't trust those people around me. Siguro kung hindi ko lang naging kababata si Jian ay hindi ko siya kaibigan o kilala ngayon. Literal na wala sana akong kaibigan ngayon kung nagkataon.

He promised to help me sa pangangampanya. Binanggit niya din sakin 'yung ginawa ni Felix kahapon. Nabigla daw siya dahil nagka-instant jowa ako. Pinagtawanan na lang namin ang ilang bagay tungkol sa eksena namin sa guidance office noong isang araw. Solid daw kasi ang kaba kapag prinsipal na ang kaharap mo, kaso nakapoker face lang daw ako at pigil na pigil sa pagsabat sa ipinaparatang sa'kin. Legit 'yung tawa kapag bestfriend mo na ang kasama mo, lalo na pagdating sa kwentuhan.

"Naku. Ikaw ha, baka ma'y gusto ka talaga kay Felix 'di mo lang sinasabi sa'kin. Sabihin mo na habang maaga pa, tutulungan naman kitang manligaw 'e."

Hayop. At ako pa nga ang manliligaw?

Naglalakad kami ngayon patungo sa school. Malapit na kami at konting metro na lang ang layo. Nasira na ang plano kong hindi pagpasok sa school. Mapilit talaga kasi si Jian, hindi ko tuloy nagawa ang nais ng aking puso at isip.

Sabagay, kailangan kong pumasok para ma-maintain ang grades ko. Baka biglang mawala ako sa honor 'e. 'Yun na nga lang ang tanging maipagmamalaki ko kay Mama. She is not always happy and contented with my achievements, para sa kanya ay kulang pa ang mga ito.

"Jian! Kahit anong gawin mo, wala akong rason para magustuhan siya."

Sabi ko sabay irap.

"Sus. Panindigan mo 'yan ha. Baka mamaya umiyak ka diyan at sabihin mong broken hearted ka ng dahil kay Felix." I glared at him.

Hindi ko na kinakaya itong mga sinasabi ni Jian. Nandidiri ako. I can't imagine myself in that situation.

"Hindi ako ganon, duh."

"Malamang, manhid ka na simulat-sapol 'e." I mentally rolled my eyes.

Ayt, ewan ko ba. Pareho lang sila ni Kuya ng sinasabi, na manhid daw ako. My definiton of manhid is something na hindi ka masasaktan, right? I tried pinching myself at nasaktan ako. Oh, hindi naman ako manhid ah.

Pumasok na kami sa gate at binati si Mang Kulas. Tuwang-tuwa siya sa'min lalo na sa'kin dahil ang aga ko daw ngayon. Nag-iimprove naman daw ako kahit papaano.

Nang makapasok kami mula sa gate ay bumungad sa'min sina Felix at Stacey. Hawak-hawak ni Felix si Stacey sa balikat habang masaya silang nagkwekwentuhan. Tumatawa-tawa pa nga sila sa isa't isa.

Ramdam kong ma'y kumirot sa dibdib ko. Lalo pa itong tumindi nang lumingon si Felix sa gawi ko at lagpasan namin ang isa't isa.

Inakbayan ako ni Jian at binigyan ng mapait na ngiti, "Okay lang 'yan,"

"mas maganda ka don."

_________