Chapter 10: Deduce
Kung anuman ang nakita ko kaninang umaga, paulit-ulit na lang 'yon na nagfla-flashback sa isip ko. Ilang beses ko na nga ba silang nakita na magkasama? Twice at marami pang darating na araw.
Pfft, bakit ba kailangan pa nilang itago sa'kin ang relasyon nila? Bakit kailangan ni Stacey na sabihin sa'kin na break na sila pero palaging magkasama? No, hindi ako naniniwala na dahil lang magbestfriend sila.
Oo, ganun din kami ni Jian na palaging magkasama, pero iba kasi sina Stacey at Felix! Idagdag mo pang magkaklase sila at baka nga lumilipat pa si Felix ng upuan para lang makatabi at makalampungan si Stacey, pfft.
I'm not jealous, this is what I call anger. I really want to know the truth, kung ma'y sila ba o wala, I don't want to be a fucking thirdwheel in their freaking relationship. I had the urge to accept Felix's offer because I know that they are over and having this kind of a deal will be easy as fuck, but no, they are not fucking done with their fucking relationship. At ako pa ang nagmumukhang masama. Ayt. Hindi ko na maintindihan ang mga bagay-bagay sa paligid ko. Gusto ko na lang matulog. Tama, itutulog ko na lang ang lahat ng 'to at sa panaginip ko na lang sila papatayin. Mga leche.
Bantay na bantay ako ngayon sa orasan ng classroom namin. Konting minuto na lang at recess na. Gutom na gutom na ako kanina pa. Marami akong nakain pero sobrang bilis magtunaw ng acids ko sa katawan. Hindi na tuloy ako makapaniwala sa katawan na meron ako. Oras-oras ata dapat akong kumakain. Ayt, ewan. Gusto ko din kumain kaso minsan nakakatamad din ngumuya.
'Eto na naman tayo sa lecture kong Math. Punyetang Math 'yan. Medyo nahihirapan na rin ako dahil hindi ako nag-aaral. Nangangalawang na talaga ang brain cells ko. Hindi talaga ako matalino, semi lang.
Paano ba naman ako hindi tatamadin mag-aral kung ang gulo-gulo mag-explain ng maestrang 'to. Wala akong maintindihan. Siya pa mismo ang nagkakamali kung kailan nasusundan na siya ng mga estudyante tapos uulitin na naman. Nakakagigil, kung palit na lang kaya kami? Hindi, dapat sa kanya tinatanggal na sa trabaho. Bukod sa nakakainis siyang maestra hindi pa makapagturo ng maayos.
"Ms. Cruz."
Madalas talaga 'yung boses niyang tinatawag ako, nakakairita 'e. Para bang wala na siyang ibang alam na tawaging apilyido kundi 'yung sa'kin. Hindi ata natatapos ang klase namin ng hindi ako natatawag, pfft. Nakakainis lang, 'yung klaseng nananahimik ka lang tapos bigla-bigla kang tatawagin.
"Ms. Cruz!"
"Nani?!"
Everyone from the class laughed at me. Ma'y nakakatawa ba don? Nagulat lang 'yung tao. Mga hayop na 'to, ginagawang big deal ang reaction time ng mga tao. Hindi ko kasalanan kung ganon ako kabilis makapagreact, duh.
"What?" Tumayo ako at nilingon siya.
This fat-ass teacher again. There is always that teacher who is hated by the entire class. She is the complete definition of it.
"Answer the problem on the board."
Sabi niya at inilahad ang whiteboard marker.
Lumapit ako sa board at kinuha ang marker mula sa kanya. Tiningnan ko ang problem sa whiteboard at napatitig dito. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Shit, nakakahiya, hindi ko ito alam. Hindi pa ako nag-a-advance reading dito at hindi ako nakikinig sa klase niya. Kapag nga naman minamalas oh.
I tried my T. A. E. Method. Hindi gumana. Ano ba 'yan paulit-ulit na ako. Hindi naman siguro required na tama lagi ang sagot, 'no? Nandito tayo para matuto hindi para maging perpekto.
"It's wrong, I know."
"Akala ko ba matalino ka, Ms. Cruz?" Nagkasalubong ang kilay ko at nilingon siya.
I tried holding my wicked temper. Kapag ako nagsalita, iyak 'to.
"I'm just a student here. What do you expect?" na laging tama ang sagot ko? Ikaw ngang teacher nagkakamali ako pa kaya? Tapos tatanungin mo kung matalino ako, hindi naman ata tama 'yon. Tell me, gusto mo lang ba na ipahiya ako sa klase mo? Hindi nakakatuwa, tangina ka.
"I expect alot of things from you, Ms. Cruz. Marami akong potential na nakikita sayo, tamad ka lang." Saad niya.
Ibinalik ko ang marker mula sa kanya at bumalik na sa upuan ko. I'm not mad. I'm quite impress. Tamad naman talaga ako, pero ma'y potential daw ako? Wala akong nakikita sa sarili ko. Bukod sa pagiging professional na photographer ay wala na. Walang wala. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para lang maging International Representative 'di ba? This is the only asset I have.
At dahil sa pagkakamaling 'yon, I started focusing myself to her class. Caryll raise her hand to fix my answer on the board. The freaking salutatorian, tsk. Kapag tumama siya malamang ipagkukumpara pa ako sa kanya. I fucking hate comparison.
Ilang minuto ang lumipas bago masagutan ni Caryll ang equation sa board. Nginitian siya ni maestra na hinding-hindi ko pa nakikita kahit na tama pa ang sagot ko. Our math teacher write a check mark on Caryll's final answer and briefly explain it.
Pfft.
Saktong nag-bell at nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Wala ng paa-paalam sa maestra. Mga bastos. Dapat pinapaunang lumabas ang maestra bago kami. Kahit masama ang ugali niya sa'kin, maestra pa din siya, dapat na ginagalang kahit hindi kagalang-galang. Iniinis niya ako masyado.
"Ms. Cruz." Nilingon ko si maestra na nakatingin sa akin.
"Can I talk to you for a minute?" Kinuha ko muna ang laptop ko bago lapitan siya, para mamaya ay dere-deretso na lang akong lalabas. Hinintay ko naman ang kung anumang sasabihin niya.
Hayst. Gutom na gutom na ako, maestra. Kanina mo pa talaga akong iniinis. Gustong-gusto ko na ring kumain. Kumukulo na 'yung tyan ko. Nakakahiya naman kung sa harapan mo pa 'to kumulo. At sabay tanong sa'kin na 'Akala ko ba hindi ka nagugutom, Ms. Cruz?'
"Anak," Natigilan ako. That word caught my attention.
"pagpasensyahan mo na sana ako. Sorry dahil napagsasalitaan kita ng masakit. Alam mo kasi, anak, ang hirap magturo kapag walang nakikinig, walang gana ang mga estudyante mo sayo. Kaya nga ikaw na lang ang estudyanteng naaasahan ko pagdating sa klase ko, kahit alam kong hindi ka nakikinig ay nakakasagot ka. Bawas-bawasan mo lang 'yang katamadan mo at malayo ang mararating mo." She said and gave me a genuine smile.
My perspective about this teacher eventually changed. Nabigla ako sa mga nasabi niya. I did not expect a thing sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam na ganyan kataas ang tingin niya sa akin. Ngayon naiintindihan ko na siya.
Pero ganun na ba ako katamad para mapansin ng guro? Paulit-ulit siya sa part na katamaran 'e. Hindi ko din naman sinasabing itinatanggi ko ito, dahil buong pagkatao ko 'yong tinatanggap sa katotohanang isa akong napakatamad na nilalang.
"Maes---Ma'am, okay lang po, naiintindihan ko na po kayo. Magsisipag na din po ako." I said trying to sound sincere about it.
Masipag naman ako kahit papaano.
Hindi ko nga lang alam kung saan banda. Hopefully, mag-aaral na ako once a week. Ayoko nang mapahiya pa. Tama na 'yung isang beses sa isang taon. As I said, hindi ako matalino, semi lang.
"Pero hindi ko po ipinapangakong makikinig na ako sa klase niyo." Tumawa siya ng marahan at nginitian ko siya.
As usual, ngiting ampalaya ang ibinigay ko.
"Una na po ako." Tumango na lamang siya at naglakad na ako palabas ng room.
Dumeretso na ako sa kantina. Ibig-sabihin, tatlong palapag pa ang dinaanan ko makarating lang dito! Hay nako. Burn na burn na ang mga fats ko nito. Gutom na gutom na ako ugh. First subject palang dama ko na 'yung gutom. Idagdag mo pang uwing-uwi na ako. Puyat kaya ako, hayst. Palagi naman, parang hindi ako sanay ah.
Pumila ako sa canteen at bumili na ng makakain. I bought one biscuit and a lemonade juice. Konti lang ang binili ko dahil nga ma'y dala akong laptop, mahirap magbitbit.
Plano ko kasing gumawa ng artwork para sa extra income. Hindi pa kasi binabalik ni Mama ang credit card ko. Binibigyan niya naman ako ng pera pero iba pa din 'yung ako ang ma'y hawak sa card ko, pwede akong magwalwal kahit minsan lang.
Maglalakad na sana ako patungong cornered table nang ma'y tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko siya at bumungad sa akin ang nakangiting si Jian kasama si Tina.
"Marzia!"
Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya lumapit ako at umupo sa tapat nilang dalawa. Nginitian ko si Jian bago tingnan si Tina. Pilit siyang ngumiti sa'kin at bumalik sa pagkain niya ng spaghetti.
Nakita ko na naman ang mga mata ni Tina na nangungusap na umalis na daw ako. Sorry ka. Bestfriend ko pa din 'yan, hindi ko pwedeng tanggihan. Kung sinasabi niyo na lang kaya sa'kin na ma'y relasyon kayo at lalayuan ko na talaga kayo. HAHA.
"Ang tahimik mo masyado." Sabi ni Jian.
Parang hindi siya sanay na araw-araw akong tahimik. Lalo na kapag busy akong gumagawa ng mga pesteng request. Bakit kasi mga maaarteng customer na naman ang napatapat sa'kin? Sarap lang manakal 'e.
"Ma'y nagbago ba?" I sarcastically ask.
"Mas gumanda ka." Kumunot ang noo ko sa narinig ko.
Ano daw?
Imbis na mapatingin kay Jian ay napasulyap ako kay Tina. Bakas sa kanya ang pagkaselos. Ibinalik ko ang tingin ko kay Jian na nakatingin sa'kin.
"K." Tipid na sagot ko sa kanya. Para lang siyang si Kuya Marco 'e, kapag kinausap pa lalo lang dadaldal hanggang sa hindi na matapos ang pag-uusapan namin. Tamang ignore lang, kumbaga sa messenger naka-mute until I turn it back on.
"Ang cold mo talaga!"
"Ma'y ginagawa ako, okay? Si Tina ang guluhin mo at 'wag ako. Hindi ako matatapos dito." He pouted at me.
Hindi ba't in relationship kayo? Kailangan niyo ng quality time para sa isa't isa. HAHA. Kasi naman tinatago-tago pa sa'kin 'e. Kapag tama ang hinuha ko, sasapakin ko siya kasama ng jowa niya.
"Sus. Nadi-distract ka lang sa kagwapuhan ko." Tumabi na ulit siya kay Tina at inirapan ko na lang siya.
Lumalabas na naman 'yung kayabangang tinataglay niya 'e. Sabagay talagang gwapo siya at hindi ko 'yun maitatanggi. Sabi ko nga, mas maganda pa siyang barbie---este babae kesa sa'kin. Pinkish glow lang ang peg ka-lalaking tao.
Samantalang ako tamang tiis lang sa oily skin everyday. I'm not a big fan of beauty, anyway. Okay lang talagang hindi pagpalain ng lubos. Mas gusto ko pa ang talento na meron ako kesa sa kagandahang tinataglay ng iba. Madali na namang magpa-plastic surgery. 'E ang talent hindi 'yan basta-bastang nakukuha.
I tried focusing on my work pero hindi ko mapigilang hindi makinig sa pinag-uusapan nilang dalawa. Paano ba naman 'e ang lakas-lakas ng boses ni Jian nakakainis, tapos kung kausapin ni Tina si Jian ay interesadong-interesado sa mga pinagsasabi niya.
"I have to research something at the library, bye."
Tumayo na ako at kinuha ang laptop ko. Naglakad na din ako palayo sa kanila. Rinig ko ang pagtawag sa'kin ni Jian ngunit hindi ko na siya pinansin.
Hindi ko kayang makapag-focus kung ganun kaingay ang nasa paligid ko. Atsaka para na rin ma-solo ni Tina si Jian. Alam ko namang kanina pa ako pinanglilisikan ng mata non 'e. So actually, I'm doing her a favor, not once but twice. I think that's enough to prevent her from sabotaging me. I don't know how capable is she with her dirty works.
I reached the library and find a seat at the corner area. I don't want anyone to bother me so I prefer to work alone. I've always been a loner. I can't keep up a good conversation therefore no one dares to talk to me. Even if they does, all I do is to nod and shakes my head at them. Besides, I'm not good at social interacting. I find it awkward.
I started focusing at my work and any minute now ay malapit na mag-bell.
Actually, I'm not satisfied with the food I ate. Bukod sa konti lang ang binili ko, nawalan lalo ako ng gana nang makita ko si Tina. That bitch together with my begotten friend. Oh please, alam kong nilalapitan niya lang si Jian dahil ma'y gusto siya dito. Hindi tumatagal si Tina sa isang lalaki kung wala siyang gusto dito. Now I wonder kung ma'y gusto ba din talaga si Jian sa kanya. He is not the kind of a guy. Goodluck with her.
"Pst."
"Psssttt."
"Boop!" Naramdaman ko na lang ang pagtusok ng isang peste sa kanang pisngi ko.
Nilingon ko kung sinong peste ang gumawa non. Natigilan ako at nagulat nang makita si Spencer. Nakangiti siya at gumwapo siya lalo ng sumingkit ang mata niya. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa laptop. Hindi ko pa din nakakalimutan ang huling pagkikita namin. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahiya sa tuwing nandiyan siya sa tabi ko.
Ayt. Bakit ba kasi hindi ko agad napansin. Nakatabi siya sa'kin habang ma'y laptop ding nakapatong sa harap niya. Tinusok niya ako sa tagiliran at agad akong napalingon sa kanya.
"Spencer!" Sita ko sa kanya pero tumawa lang siya.
Tsk. Wala na tuloy siyang mata.
"Hindi mo 'ko pinapansin ha!" Kinurot niya ulit ako sa pisingi.
"Ewan ko sayo."
"Are you mad at me?" Umiling ako sa kanya bago ituon ang atensyon ko sa laptop.
Konti na lang kembot at matatapos na ito. Palagi akong gumagawa ng requests sa school. Ginawa ko na din itong hobby dahil ayoko na magmukhang tulala palagi. Ano pa bang gagawin ko kapag walang ginagawa? Malamang nakatulala lang ako. Wala naman akong ibang kaibigan na makakausap palagi. Ma'y ibang group of friends din si Jian kaya hindi ko madalas nakakasama. Ginagamit ko din itong pang-iwas sa tao para hindi nila ako kausapin. I don't want to be bothered kahit na wala akong ginagawa. I definitely have issues about people.
Ma'y mga taong sumubok na makipag-interact sa'kin kaso hindi rin sila tumagal. Hindi nila kinaya ang ugali ko 'e. I don't have a bad attitude, pero hindi ko sila magawang pakisamahan ng maayos. Alam kong nasa akin ang problema kaya okay lang para sa'kin na lumayo sila. Ofcourse, deep inside it hurts.
"Marzia, look at me. I want your attention, please." He holds my pinky finger and slowly shook it.
Geez. Why are his gestures too cute for me?! I looked at him and saw his endearing eyes. I tried to act normal and showed no affection towards him.
"Gusto ko sanang yayain ka kumain sa labas. Pwede ka ba mamayang dismissal?" He asked.
Nagdalawang-isip ako bago sumagot sa kanya. Nagtataka nga ako kay Spencer at nagagawa niyang kausapin ako. I mean kung ako siya I wouldn't waste my time on a wicked girl. Sabagay hindi niya pa ako gaanong kilala.
Is this what they call friendship and interacting with others? Kung ganon okay lang sa'kin na kumain with Spencer. Kumakain din kami noon madalas ni Jian. Yeah, Spencer definitely wants to be friends with me. Nililibre niya ko 'e. My definition of friendship is somewhat beneficial. I mean they treat you food, shows you attention, always there for you, a good buddy and so much more. Well, I hope Spencer would be a good friend.
"S-sige." He smiled at me and I did the same.
__________
Hinatid ako ni Spencer sa room. Sobrang dami ng babaeng lumapit sa kanya pagkatapos niya akong ihatid. Kitang-kita ko kasi siyang pinagkakaguluhan sa labas kanina. Hindi ko na kailangang magtaka, gwapo at mabait naman si Spencer 'e.
Marami na ngang nagtataka kung bakit daw kasama ko madalas si Spencer 'e kung girlfriend naman daw ako ni Felix. Tirador daw ako ng magbestfriend. Ang kakapal din nila. I over heard my classmate's conversation a multiple times now. Nakakainis. Ganito pala 'yung feeling na pinagbibintangan ka sa hindi naman totoo. They are so gullible and stupid.
Baka, as they say in Japanese.
How stupid they are. Masama ba ang makipagkaibigan? Mali ba 'yon? Porket famous sina Spencer at Felix na madalas kong makasalamuha ay ganun na ang magiging tingin nila sa'kin. Alam niyo? Tangina niyo.
Whatever. I should stop caring too much about what could others think of me. Hindi 'yon ganun kadali but atleast I should try. I think they are just insecured because of me. Sige lang. Mainggit lang kayo hanggang sa ikamatay niyo 'yan. Mga hayop na peste sa buhay.
"Hi Marzia." Pagbati sa'kin ni Caryll.
Partner ko siya sa isang activity namin sa physics. Automatic paired up na kasi kung sinong katabi mo. Isang walang kwentang worksheet lang naman ito. Magagamit ko ba 'to in the near future?!
"Hello."
"Are you okay?" Tanong niya. Sinulyapan ko siya at bumungad sa'kin ang nag-aalala niyang mga mata.
"I think."
Actually, I'm fucking hurt.
"Not every opinion matters and not all people are important so cheer up." She said and smiled.
Alam niya siguro ang naging issue sa'kin. Sabagay mas mabilis pa talagang kumalat ang fake news kesa sa katotohanan. Mga pesteng tao sa buhay.
"Thanks." I said and gave her a semi-fake sad smile.
"How's the blog?"
"It was good. I just need to edit some stuffs and it would be uploaded
today."
I'm definitely interacting with a person right now. I'm not used to it though. Before, I used to answer someone's question without any additional statement. Atleast I'm improving. One step at a time.
"Aabangan ko 'yan."
"Salamat sa script. It has been a big help." I gave her a genuine smile and she smiled sweetly.
"Walang anuman."
_________
It's already dismissal and I'm quite tired. Hindi lang ako pagod kundi antok na din, pero part of me is saying na maggala muna ako para maging interesado naman ang buhay ko.
Wala na kasi akong ginawa noon kundi ang mag-aral sa umaga at magtrabaho sa gabi. Ganon lang paulit-ulit tapos kung minsan tuwing weekend ay maggagala kami ni Jian.
Speaking of Jian, kanselado na parehas ang meeting namin sa café dahil ma'y pupuntahan daw siya kasama ang pinsan niya. Atsaka napag-usapan na namin ang dapat pag-usapan kaya okay na 'yon. Sumang-ayon ako kay Jian dahil nga magtatakaw pa kami ni Spencer ngayon. Ano kayang nakain non para yayain ako kumain? Okay lang naman sa'kin kasi ma'y kasamang pagkain. Never magiging boring ang pupuntahan basta ma'y pagkain, hehe. Ganun ako katakaw. Pake ba nila, this is my body at wala na sila don.
Naghihintay ako ngayon dito sa Parking Lot. Natanaw ko naman si Spencer na naglalakad patungo dito. Kinakawayan niya pa ako at ngiting-ngiting nakatingin sa'kin. Lumapit siya sa'kin sabay kurot sa pisngi ko. Mamaya lamas na 'to ng dahil sa kanya, hayop.
"Sorry ah? Hindi ko kasi agad natapos 'yung paper works kanina."
"Okay lang."
"Tara na?" Tumango ako sa kanya.
Naglakad na kami patungo sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto at sasakay na sana ako dito ng umimik siya.
"Ang swerte ko, ma'y ka-date akong cute."
"Date?!"
"Joke lang. Hindi ka naman papayag kung niyaya kitang makipag-date." He pouts.
Tsk. Dinadaan na naman niya ako sa ka-kyutan niya. Sorry siya mas kyut ako kapag tulog.
"I just want to hangout with you. Pwede po? Please po payag ka na po."
"Pumayag na 'ko kanina 'di ba?"
"Ang taray talaga!" Natawa na lang kaming dalawa.
Sumakay na ako sa kotse at maging siya. He started the engine and starts driving. Pasulyap-sulyap naman ako sa kanya at nakikita ko na lang na ngumingisi siya. Nakikita niya ba ako from this side? 'E ang singkit-singkit kaya ng mata niya.
"Maganda ba ang view?" Tanong niya sa'kin kaya napatingin ako sa kanya.
"Saan?"
"Dito banda sa'kin."
"Hindi kaya!" He chuckled at sumulyap sa'kin bago ibalik ang tingin niya sa daan.
"Don't worry, you can stare at me all day, I wont budge." I mentally rolled my eyes.
Sumusulyap-sulyap lang naman ako 'e. Besides, I can't help it! 'Yung dimples niya kasi parang dun lang sa mga bata, ang cute and I'm starting to hate it. I should stop thinking about Spencer, baka iuwi ko 'yung pisngi niya, nanggigigil ako.
Stop me.
Inihinto niya ang sasakyan sa parking lot ng isang restaurant. Bumaba na siya at bago ko pa mabuksan ang pinto ng kotse ay pinagbuksan na niya ako. Wala ba akong kamay para siya ang gumawa non? Wala ba? Kung meron ipapuputol ko na lang 'to. Chos.
Lumabas na ako mula sa kotse at tiningnan si Spencer. Inilahad niya sa harap ko ang kanyang kamay ngunit hindi ko ito pinansin. What was that for anyway? He chuckles nang ibalik ko ang tingin ko sa kanya. Maglalakad na sana ako patungo sa restaurant nang hawakan niya ang kamay ko.
Nabigla ako sa ginawa niya kaya nilingon ko siya. He is smirking habang ako naman ay namumula na.
Nakatingin lamang ako sa pintuan ng restaurant at ma'y natanaw akong isang pamilyar na lalaki. Sabay kaming naglakad at pinagbuksan kami ng pintuan ng mga bantay sa resto. Hindi ko maiwasang hindi mailang sa kamay ni Spencer. Hindi dahil sa kinikilig ako kundi dahil pasmado ako, at mas lalo akong pinapasma ngayon. Nakakahiya talaga.
Naghanap na kami ng mauupuan kaso madami talagang customer kaya hindi agad kami makahanap ng table. Habang palinga-linga sa paligid ay nakita ko na naman 'yung lalaking pamilyar sa akin, ma'y kasama siyang babae at magkaholding hands pa sila.
Natigilan ako nang lumingon sila dito at maglakad sa direksyon namin.
Nagtama ang paningin namin at nagulat sa isa't isa. Bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Spencer na para bang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni Spencer at namula.
Takte. I knew it! Meron talagang sila. Holding hands, magkasama palagi, indenial at defensive amputa. Ngayon niya sabihing wala silang relasyon. And the way he reacts ng mahuli ko sila, it already tells me everything. Why does he had to hide from me? Why can't he just tell me the truth? I'm his bestfriend, right? But I can't blame him if he chose to hide it from me. It's not that personal kaya nagtataka ako kung bakit hindi niya masabi sa'kin.
"Marzia!" Saad ni Jian na pilit na pinipigilan ang sarili mula sa pagsigaw.
"Hi." Bati ni Tina sa'min.
I don't freaking know how to react in this kind of situation. I just caught them off-handed. Ang denial ni Jian!
"Yow Jian, and hello there Tina." Bati ni Spencer.
"Are you here to date?" I asked.
Gusto ko na talaga silang mahuli, ugh.
I find it really interesting!
"Yes." Sagot ni Tina. "How about you?"
Sinulyap ko naman si Jian kung tatanggi siya pero hindi.
Tangina. Nag-de-date sila. Kung hindi man sila magjowa edi atleast mag-MU. Mayroon silang tinatagong Malanding Ugnayan. Potangina talaga. Hayop ka Jian, patay ka sa'kin.
"Actually---" Sasagot na sana si Spencer nang unahan ko siya.
"We're here to date as well." Sagot ko at nagkasalubong ang kilay ni Jian.
I want Jian to feel bad that I didn't said a thing about my fake current status with Spencer, 'yan malaman mo sana kung anong nararamdaman ko. Ma'y pagtanggi ka pang nalalamang hayop ka.
"Enjoy." Jian said at nagsimula ng maglakad palayo sa'min.
Alam ko namang hindi siya naniniwala 'e.
"Kasama mo pala ang pinsan mo ha."
Bulong ko kay Jian bago ko siya lagpasan.
'Yan ang dahilan kung bakit naiinis ako sa kanya. Nagsinungaling siya sa'kin at hindi ko alam kung bakit pero nagdulot lang 'to ng sakit sa'kin. Nasaktan ako kasi parang hindi na niya ako pinagkakatiwalaan.
Naglakad na kami patungo sa isang table for two. Umupo na kami at nakangisi siya sa harap ko habang nakapatong ang baba niya sa pareho niyang kamay.
"So pumapayag ka na palang makipag-date sa'kin."
"Medyo." Lalong lumawak ang ngiti niya sa nasabi ko.
At dahil na kyutan ulit ako sa kanya, dahan-dahan kong tinanggal ang salamin niya mula sa kanya. Napatitig naman ako sa mukha niya. Parang nakikiliti ang tyan ko sa paraan ng pagtingin niya. Ang mga singkit niyang mata na kumikislap, ang matangos niyang ilong, ang namumula niyang labi, at ang kutis niyang sobrang kinis. I literally just checked him out.
Ang totoo niyan, gusto ko munang kalimutan si Jian.
Nang mapansin kong nakatitig na pala ako sa kanya ay umiwas ako ng tingin. I heard him chuckled, nakakahiya talaga ang ginawa ko. Hayst. Dahan-dahan kong ibinalik ang salamin niya at nahuli kong kinindatan niya ako. I just pretend I didn't saw it.
"Malabo ba talaga ang mata mo?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang salamin niya.
"Hindi ah, kasing linaw lang ng pagtingin ko sayo."
I admit it. Kinikilig ako. But I'm confused, bakit kapag si Felix ang bumabanat sa'kin walang talab? Hindi katulad ng nararamdaman ko kay Spencer sa tuwing ginagawa niya 'yon. And why am I comparing them again? Nevermind. Isa din namang ma'y saltik ang Felix na 'yon.
Dumating ang waiter at ibinigay sa'min ang menu. Si Spencer na ang pinapili ko dahil hindi naman ako pamilyar sa mga pagkain dito. Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang order namin.
Nagsimula na kaming kumain at magkwentuhan. I didn't realize na madaldal din pala 'tong si Spencer. Ang saya niya din kausap at hindi nawawalan ng topic. Akala ko nga noong una ay magiging boring ang semi-date namin but it turned out just great.
"Guess who's running as the President of the Photography Club." He smiled widely and I'm currently shock dahil sa nabanggit niya.
Magkaiba pa ang Officers ng Club ng 1st at 2nd Year SHS ng bawat strand. Pero pinagsasama nila sa iisang platform ang mga members ng Club at ang dalawang Partylist na mananalo sa 1st at 2nd Year Officers ng isang strand. Kapag daw maraming Officers, it's more likely to have interesting activities sa Clubs. It's like combining forces into a united one. So what I'm trying to say is, pagsasamahin bilang isang organization ang mga officer na mananalo sa 1st Year at 2nd Year SHS ng isang Club pero nasa iisang strand pa din.
Brain drain? Nakakaubos ng reading comprehension, I know.
"No way, don't tell me it's you!"
"I'm just kidding. Bawal na kasi akong kumandidato ng mataas na posisyon so I took the lower one, councilor."
I bet na mananalo si Spencer sa eleksyon. Nanalo nga siya bilang Vice President ng Student Council 'e, 'yun pa kayang bilang councilor ng isang club. Sikat pa naman siya sa buong STEM na strand.
"Gusto mo lang na kasama ako sa organization 'e." Pagbibiro ko.
"That's true," Natigilan ako. Is he serious? "because if you're running as the President of a Club, kahit matalo ka sa organization you're still part of it, so makakasama kita. Pinipili kasi ni Mrs. Vergara ang mga kumakandidato bilang President at hindi lang niya basta ina-approve. You're instantly going to be one of the councilors if that happens to you, but I believe that you'll win in the election." He holds my hand and gave me a genuine smile.
"Goodluck for the both of us." I said and smiled.
Nagbayad na kami---este siya lang sa counter. Ayaw niya kasing pag-ambagin ako, medyo nakakahiya lang dahil halata namang mas madami ang pagkain na nakain ko kesa sa kanya. Hindi ko na siya pinigilan, he insist 'e,
masama pati tumanggi sa grasya lalo na't libre ng inaalok sayo, hehe.
Nagpalinga-linga ako sa paligid and tried to search for Jian but it looks like na umalis na sila. We really need to talk and sort things out. Tatanggapin ko naman kung totoong magkarelasyon sila. Matutuwa pa nga ako 'e at na-inlove sa isang bitch 'yang bestfriend ko, baka naman tumino at bumait na si Tina sa kanya. 'Edi good, bawas salot sa lipunan, sobrang dami niya na kayang naapektuhang tao at malapit na akong maging isa don. 'Wag naman sana, kahit this election lang 'wag niya akong sabutahihin.
Sumakay na kami sa kotse niya at sinabi sa'king ihahatid niya ako sa'min. It gave me a hint na hindi niya alam ang job contract ko kay Felix bilang isang editor. So hindi siya ganun ka-open kay Spencer pero nagawa niyang sabihin kay Stacey, great.
"Pwede bang dumaan muna tayo sa isang parke malapit sa school natin?"
I request.
"Sure."
Mabuti naman at pumayag siya. I'm not ready to face Felix yet. Hindi ko pa din maiwasang hindi maalala ang huling pagkikita namin. Idagdag mo pa si Jian na ma'y tinatagong sikretong malupet.
Ano naman kung malaman ko ang relasyon nila ni Tina? Ayaw niya bang suportahan ko sila? Basta ba 'wag na 'wag akong sisiraan ni Tina 'e. Masasapak ko talaga siya.
"Madalas ka bang pumunta don? I used to go there too."
"Yes, mostly with my D-Dad." I said and gulped.
Daddy, I miss you.
_______
Naglalakad-lakad kami ngayon ni Spencer sa parke. Marami-rami ding mga tao dito. As usual, halos lahat ay magkasintahan na masarap itulak sa pond.
Ang sarap din ng hangin na nalalanghap ko, para lang itong paborito kong ulam, hayst nagugutom na naman kasi ako. Sorry akin. Iba talagang tyan ang meron ako, parang dapat minu-minuto ma'y nginunguya ako.
Ramdam ko ang kamay ni Spencer sa balikat ko. Ipinatong niya lang ito pero hindi ito isang pag-akbay. Tiningnan ko siya na seryosong nakatingin sa parang. Nilingon niya ako at nagtama ang tingin namin. Nginitian niya ako at ibinalik niya ang tingin sa parang. Pinagmasdan ko na lamang din ang paligid.
This doesn't mean something, right? Ofcourse none, what am I thinking? I always tends to assume things. Eating together, treating and helping me, it's what we call friendship, right? Yeah, this is definitely normal for friends.
Back then, when I was I child, my Dad always bring me here. He would always play with me and sing for me. We kept alot of memories mostly in this park. It always resemble as a good childhood experience to me. It is the best memory to keep beyond my memories.
Habang naglalakad kami ay napansin ko ang isang bench na ma'y nakaupong magkasintahan. It was exactly the same spot when I saw Felix together with Stacey back there. Tinitigan kong maigi ang magkasintahan ngunit hindi sila ang inaasahan ko.
"Spencer, I want to go home." I said and sight.
"Sure, let's--------"
"You're going home with me!"
That voice.
No, it couldn't have been...
Nilingon ko agad siya. Hinawakan niya ako sa ma'y pulso at itinulak niya palayo sa'kin si Spencer. Ma'y kasamang gulat at kaba ang nararamdaman ko.
Hinigit niya ako palapit sa kanya at naglakad kami palayo kay Spencer. Pilit akong naglalakad dahil nga sa kamay niyang nakahawak sa'kin.
"Marzia!" Rinig kong sigaw ni Spencer.
"Felix! What are you doing?!" Hindi niya ako pinapansin o nililingon man lang. Nakaramdam naman ako ng paghapdi sa pulsuhan ko.
"Felix! Masakit!"
"Nasasaktan din ako!" I looked at his eyes. It was full of emotions. From his voice, I know he's been hurt.
Why? Why can't you look at me? And why are you acting like this?! He's like a different person now. I can't fucking understand him!
I saw a girl staring at us. From her eyes, she looks hurt and in pain. I thought Felix would atleast take a glimpse of her, but he didn't, parang wala siyang nakita at nilagpasan lang namin siya.
I thought she meant everything for him. Stacey is his girlfriend, right?
B-but why?
--