Chapter 16: Girl friend
Finally, weekends! Ang pinakahinihintay kong araw kada-linggo. 'Yung klaseng nakahiga lang ako magdamag habang walang ginagawa. Gusto ko lang kumain ng kumain habang nanonood ng anime.
Nakahiga pa rin ako sa kama habang nakabalot sa'kin ang isang kumot. I looked at the time at 1PM na pala. Grabe, dere-deretso akong natulog?! Malala na 'to. Sabagay kaninang umaga lang ako natulog.
Una kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang notifications ko. Nakita ko naman ang sangkatutak na message sa'kin ni Jian.
Message 1
Sa Mall tayo at exactly 2PM. Bawal malate!
Reply:
Bahala na si batman.
Halos lahat ay ganyan ang message niya. Empasize na empasize niya talaga ang word na 2PM. Alam niya kasing palagi akong late sa mga ganyang usapan. Ayoko kasing ma'y hinihintay, gusto ko ako lang 'yung hinihintay para ma'y pa grand entrance lang ang peg.
Ma'y isang message din sa'kin si Felix.
Message 1
Baby, susunduin kita. Wait for me.
Actually, kahapon pa nasabi ni Jian na sa Mall ang kitaan namin at exactly 2PM kaya sinabi ko na rin kay Felix.
Reply:
Miss na kita.
Ewan ko ba kung bakit ko nareply 'yan sa kanya. I just had the urged to.
O epekto lang ito dahil bagong gising ako? Sige na nga, oo, miss ko na talaga agad si Felix. Ayt, ano ba 'yan agang-aga kinikilig agad ako.
Agad naman akong tinawagan ni Monster Bear. "Bakit?"
[Baby, say it please. I wanna hear your voice.]
"Bakit, sasali ba ako sa the voice? Hindi naman, 'di ba?"
[Baby naman 'e. Please po...]
"Miss na kita."
I was expecting something that he'll say but the next line stayed quiet. Pinatay ko na ang linya nang tumawag ulit siya sa'kin. Okay lang ba siya?
[Sorry, baby. Tumili pa ako at nagpagulong-gulong sa labas ng bahay. Damn, nababakla ako sayo!]
"Baliw ka."
[Sayo lang po. Ugh, gusto na kitang puntahan diyan.]
"Bawal. Nandito si Kuya Marco."
Pagdadahilan ko kahit alam kong umalis na siya kanina pang umaga para magtrabaho. Ayoko munang makita si Felix, baka mahampas ko 'yun sa kilig 'e.
[Magkavibes na kami ni brother-in-law ko.]
"Whatever! Basta, miss na kita. Miss mo 'ko?"
Ang korny ko na. Hehe.
[You don't have any idea, baby. I always think about you every second-----]
Bigla akong napangiti. "Oo na. Babye, gutom na 'ko."
I ended up the call.
Mas mahalaga pa rin talaga para sa'kin ang pagkain. Kahit tumawag pa ulit si Felix ay hindi ko na pinansin. Gusto ko siyang kausapin pero gutom na talaga ako 'e. Sorry siya.
Bumaba na ako mula sa kwarto at tumungo sa kitchen. Kumuha ako ng cereal at nagsimulang lumamon. Naligo na din ako at nagbihis. Nagsuot lang ako ng crop top at comfy pants na mas mataas pa sa waist ko para hindi makita ang tyan ko. Gusto ko talagang makahinga ang tyan ko 'e idagdag mo pang ang init-init sa labas. Hindi naman halatang sa Mall ang punta ko sa lagay na 'to.
Wala akong pake sa suot ko as long as komportable ako dito. Hindi naman sila ang magsusuot 'e kundi ako. Manang na kung manang pero mas bet ko talaga 'yung hindi ako nakikitaan ng kung ano. Kesa naman sa magsuot ako ng skirt o dress, pinapahirapan ko lang ang sarili ko sa bagay na alam kong hindi ako komportable.
Saktong 2PM na nang lumabas ako ng bahay. Nagpaalam na ako kay Kuya Marco kanina at pinayagan niya ako. Naglalakad ako palabas ng gate ng subdivision nang makarinig ako ng ingay.
Napahinto naman ako ng makita si Felix na nakaluhod habang ma'y kina kausap. Literal na nanigas ako sa mga sunod na sinabi niya.
"Please let me in Manong guard, ilang araw na po akong lumuluhod sayo tuwing umaga! Hihintayin niyo pa bang mapudpod itong mga tuhod ko?! Miss na ako ng bebe ko! Baka po madisappoint siya kapag 'di ko sinundo! Kapag talaga hindi nagwork ang relasyon namin, isisisi ko sayo Manong!"
Lumapit ako kay Manong guard na nagbabantay ng gate. Nasulyapan ako ni Felix at agad siyang napatayo mula sa pagkakaluhod sa sahig. Umiwas siya ng tingin at itinuon ko ang atensyon ko kay manong. Teka nga. Is he really this serious to kneel down just to enter the subdivision?! Damn. He is one crazy man.
"Maam, mahigpit po akong pinagbilinan ni Sir Marco na h'wag na h'wag ko siyang papapasukin ng hindi ka kasama." Pagpapaliwanag ni Manong kahit maitim siya.
Kaya naman pala nakakalusot lang siya sa subdivision sa tuwing ihahatid ako ni Felix. Hayst, Kuya. Ang utak mo.
"Ah sige po. Tama po 'yan, 'wag niyo pong hayaan." Saad ko at nginitian si manong.
Kunot noo namang napatitig sa'kin si Felix. Na para bang naiinis sa sinabi ko. Ayokong masanay siyang pumupunta dito at baka kapag nangyari 'yon hindi ko na kayaning hindi siya nakikita araw-araw. Syempre, ma'y limits din dapat.
Nilapitan ko si Felix na tumalikod sa'kin at akmang sasakay na kotse nang tawagin ko siya.
"Miss na kita."
Alam ko namang galit siya sa'kin 'e. Kaso alam kong mas marupok siya kaya gumana ang plano ko. Pinipigilan niyang hindi ngumiti pero hindi niya nagawa. Mas nanaig talaga ang karupukan niya.
Niyakap niya pa ako at paulit-ulit niyang sinabi kung gaano niya din ako ka-miss. Bihis na bihis siya. Ang hot niya tingnan sa polo niyang black na may nakasabit na black glasses at pants. Ang pogi niya samantalang sobrang simple lang ng suot ko. Nagawa niya pa nga akong sabihan ng maganda sa kabila ng pagiging hampaslupa ko.
Twenty minutes ang inabot namin bago makarating sa Mall. Hindi naman ga'nong kahirap palipasin ang oras sa byahe dahil natulog lang ako.
Wala talaga akong balak na siputin si Jian sa Mall kaso I've been so curious sa kung sinong nilalang ang posible niyang nililigawan ngayon. Chance ko na din 'to para makapagbonding kami. Kung sinuman ang babae 'yun, ang swerte niya kay Jian at sana sagutin niya 'to! Ayoko namang umuwing luhaan si Jian, 'no! He deserves to be happy.
Pumasok na kami sa Mall at tumungo sa restaurant na sinasabi ni Jian. Hindi naman ako madalas pumunta sa Mall kaya hindi ko alam kung saan ba 'yung High-Class Restaurant na tinutukoy niya. Mabuti na lang at ma'y kasama akong elegante kaya dumeretso na agad kami do'n.
Sinusubukan ni Felix na hawakan ang kamay ko pero hindi ko siya hinahayaan. Nakakahiya, ang daming tao. Baka akalain nilang ma'y impaktang kasama ang isang Trono. Nakakahiya talaga.
"Nahihiya ka ba?" Tanong niya.
Kunot noo ko siyang tiningnan. "Nahihiya ako para sayo."
"Wala akong dapat ikahiya, binibini. Kasama ko lang naman ang soon to be wife ko. I'm proud to be with you."
"Ako din naman 'e. Kaso Felix... Hindi ka ba talaga nahihiya na kasama ako?"
"Don't say something like that. You know that I love you and I will be proud of having you. Lalo na kapag sinagot mo ako." He said and winked at me.
Nginitian ko siya at hindi na ako nakipagtalo, kung dun siya masaya 'e. Hinawakan niya ang kamay ko at hinayaan ko na lang siya. Ang pabebe ko naman kung magpupumiglas pa ako. Nahiya naman 'yung kamay ko sa kutis ng balat niya. Para kaming pinagsamang kapeng barako at gatas. Literal na bagay na bagay. Haha.
Maraming tao na ang nakakapansin kay Felix. Bukod sa gwapo siya ay blogger din. Sikat na nga siya kung tutuusin 'e. Nakamit na niyang ang silver play button in just a certain month with 200,000 subscribers. Hindi pa nga lang dumadating because it takes a week bago mapadala 'yon. Isang malaking achievement 'yon dahil kahit kokonti palang ang videos niya ay madami talagang sumusoporta sa kanya.
Ma'y mga tao ding nakilala ako at nilapitan pa ako para humingi ng fansign. Humingi din sila kay Felix at nakipagpicture pa sa'ming dalawa.
Meron namang mga babae ang nagrequest na magsolo pic together with Felix at ibinigay pa sa'kin ang phone. Picturan ko daw sila. Kaso hindi pumayag si Felix hangga't hindi daw ako kasali sa pic. Sumali na lang ako sa picture at baka ma-bad mood pa siya sa mga babaeng 'to. Masisira pa ang reputasyon niya sa 90 percent subscribers niya.
"Isa ako sa five hundred thousand followers mo na humahanga sa photographs at edit pics mo!" Saad sa'kin ng isang lalaki na mukhang 13 years old. "Ate, crush kita!"
Nginitian ko na lang siya kahit ang awkward. Cute naman kasi 'yung bata, pasalamat siya. I also gave him my fansign. At ano 'yung sinabi niya? 500K Followers? Wow.
Binalik ko na ang atensyon ko kay Felix na masama na naman ang tingin sa'kin. Mukhang narinig niya 'yung sinabi ng bata kanina. Napakaseloso talaga, wala pa nga kaming label. Pa'no lang kung nagkameron?! Baka itali na talaga niya ako sa kanya. 'Wag naman.
Marami pang lumapit sa'min. Mostly mga babae na gustong makipag-picture kay Felix kaso nag-excuse na kami sa kanila. Late na late na kami sa restaurant at malamang ay inip na si Jian.
"Ganyan ka pala magselos ha. Basta-basta mo na lang akong
kinakaladkad." Sabi niya habang natatawa pa.
I glared at him and said, "we're even."
Pumasok na kami sa restaurant at tinanong namin sa counter ang table nina Mr. Jian Velasquez. In-escourt pa kami ng isang waiter patungo sa table nila. Ang ganda ng restaurant. Pamilyar ito sa'kin pero matagal ng panahon ang lumipas bago ulit ako makapasok dito kaya siguro hindi ko agad napag-alaman.
Nang dumating kami sa table, tanging si Jian palang ang nakita ko. Wala siyang kasamang iba. Nasa'n na 'yung sinasabi niyang nililigawan? Ang late niya naman. Sobrang late na nga namin 'e. I wonder kung ilang oras na naghihintay si Jian dito.
"Ang aga niyo ha." Pang-aasar ni Jian.
"You know me, hehe."
Tumayo si Jian at yayakapin ko na sana siya as a greeting pero hinila ako palayo ni Felix. Inilapit niya ako sa kanya at tinitigan ng maigi.
"Sa harap ko talaga?" Inis na tanong niya.
"Pero kaibigan ko siya."
"Know your limits. I'm the only one who can touch you, hug you, and kiss you." Pagdidiin ni Felix.
Sa lakas ng pagkakasabi niya, malamang ay narinig din 'yun ni Jian. Sinadya nya nga 'e na para bang pinagbabantaan si Jian.
Hinawakan ko ang magkabilang kilay niya at ipinaghiwalay ito. Kunot na kunot na naman ang noo 'e. Titig na titig lang siya sa'kin.
"H'wag kang magalit, wala pa tayong label." Sabi ko habang natatawa. Rinig ko naman ang pagpipigil ni Jian ng pagtawa.
Hinawakan ko ang kamay ni Felix para maupo at baka masunggaban niya pa si Jian. Mahirap na. Hindi pa naman nagpapatalo si Jian sa suntukan. Idagdag mo pang mataas din ang pride ni Felix at hindi rin magpapatalo.
"Kapag ikaw inasawa ko, lagot ka sa'kin."
Kinurot ko naman si Felix sa tagiliran. Hindi ko naman napigilang hindi matawa. Nakakatawa kasi ang itsura niya lalo na kapag nagseselos at naiinis pero ang pogi niya pa rin. How to be you po?
Tumingin ako kay Jian na seryosong nakatingin sa'min. "Dude, sino ba kasi si mystery girl?"
Ngumisi si Jian. "Wait ka lang, dude. 'Yan na pala siya!"
Napalingon naman ako sa gawi na tinitingnan ni Jian. Nagulat ako at napatayo sa presensiya niya. I never expected that this day will ever come. There I saw a petite girl with a sexy body. Nakasuot siya ng pink dress na above the knee. Simple lang siya manamit pero maganda talaga siya. Babaeng-babae siya tingnan samantalang mukha akong natomboy mula sa mga tropang lalaki.
"Marzia, kahit kailan hindi ka pa rin nagbabago." She said.
I was surprised by her voice, her accent changed and it became more fluent than before. Wala akong masabi. Napatitig na lang ako sa kanya.
"You still dressed like an old woman. Manang na manang ka na ulit tingnan. Hindi ka parin marunong mag-ayos, nawala lang ako 'e. But I'm impress, nakacontact lense ka na ngayon? I always wanted to see your beautiful brown eyes."
She hugged me and tears came falling from my eyes. "I hate you, Ann!"
"I hate you more, Marzia." Kumawala na siya sa pagkakayakap at nginitian ako.
Meet Ann Coronel. Ang kaisa-isang kong babaeng bestfriend na nag-run away pa. Siya ang tinutukoy kong babae na umalis ng dahil kay Felix. Now I felt awkward bringing Felix along. So they already planned all this mula kahapon na i-meet ako o totoong nililigawan talaga siya ni Jian?! Pero paano? Sa pagkakaalam ko sa Florida na siya nag-aaral.
"Pumayat ka na. Mukhang stress na stress ka. Do you still work overtime? It's bad for your health! Dati pa kita sinasabihan pero halos araw-araw 2AM ka na tumutulog!" Bulyaw niya.
"Don't worry. Okay na ako."
"Sus. Sabi mo lang 'yan. Tse! Bahala ka ayaw mo makinig sa'kin." Natawa na lang ako sa expresyon ng mukha niya.
Hindi ako nagkakamali, siya pa rin ang Ann na kilala ko. Pinapagalitan niya pa rin ako na parang siya ang Ina ko. Ganito talaga siya kalalang mag-alala para sa'kin at naipadarama niya palagi ang importansya ko bilang kaibigan at anak. Kaya no'ng umalis siya, ikinadurok talaga 'yon ng puso ko.
"Hi Felix." Pagbati ni Ann. Mukha namang naiilang si Felix sa kanya.
"Hello."
Umupo na kaming dalawa ni Ann. Jian gave him a hug at dahil do'n nainggit pa si Felix at ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko. Hinayaan ko na lang, kinikilig ako 'e.
Nagsimula kaming umorder ng pagkain and I chose the best one, ofcourse. I need to satisfy my tummy.
Ito naman talaga 'yung ipinunta ko dito 'e, pagkain. Kung hindi ko lang alam na dito ang venue namin hindi na ako mag-aabalang pumunta pa.
Nagkwentuhan kami at nagtawanan. Ramdam ko ang pagka-left out ni Felix kaya hinawakan ko ang kamay niya at nakipagkwentuhan din sa kanya. Hindi lang pala puro banat ang alam niya. Nakakatawa at nakakatuwa din siyang kausap, ang dami niyang alam 'e. Literal na madami. Dumating ang mga pagkain na inorder namin, which is ang kanina ko pang hinihintay. Nagsimula na kaming kumain habang nagkwekwentuhan.
"So... kailan ka pa sinimulang ligawan ni Jian?" Tanong ko.
Nagtawanan sila sa isa't isa.
Tumingin si Jian sa'kin ng seryoso, "Ang totoo niyan-----"
"Matagal na at matagal ko na siyang sinagot!" Sabi ni Ann. Napatitig naman si Jian sa kanya habang gulat na gulat. "Am I right, darling?"
"Tama." Tipid na sagot ni Jian.
Tinitigan ko si Jian ng masinsinan. I looked at him like I was saying niloloko-niyo-ba-ako?! And Jian gave me a hulaan-mo-hehe look. Pa-thrill, tsk. Well, maganda, mayaman, mabait, medyo maldita, at palaban si Ann kaya 'di na dapat ako magtaka kung bakit siya ang nagustuhan ni Jian.
"I'm so happy for you! Hindi ko man lang inakala na magkakatuluyan kayong magbestfriend ko." I said while looking at them in a happy way.
"Kaya sagutin mo na ako kung gusto mong sumaya sa piling ko." Pagbanat ni Felix.
Tinitigan ko siya at kinilig pa ako. Rinig na rinig ko naman ang pagtili at pangaasar sa'min ng dalawa kong kaibigan.
"Bakit nga ba hindi mo pa sagutin si Felix? Para sumaya ka naman! Madalas ang lungkot-lungkot mo pa at ang seryoso sa buhay. Nasa harap mo na 'yung taong mamahalin ka! 'Wag mo na pakalwan!" Sabi ni Ann.
"Ah... Kasi..." I tried to come up with words but nothing came up.
"Hindi naman kami nagmamadali, alam kong ma'y tamang panahon para sa'ming dalawa. Courting her is the best way to prove how much I love her. I adore her alot and I'll be patient enough to own her heart." He said.
I gently pressed my hands to his and he smiled at me. He's so sincere that any moment now, if he ask me on how much I love him, I might not even answer because of too much tingling.
"Yeah, you're right. But I'm telling you, Felix. Don't even dare to hurt her on purpose. Marzia, you need to be aware and take risks, because there will be times that you need to hurt the person you love for their own sake. Take note of that. What's love without risks, right?"
Sumang-ayon si Felix sa kanya. Natahimik naman ako.
I gulped.
Ann was being too deep. I can't help but to feel scared, but you can't call love without risks. And maybe this time, I'll allow myself to take that risk. Risks that I never may know what comes next. Well, this is life indeed.
Nagkwentuhan ulit kami tungkol sa bagay-bagay hanggang sa maubos namin ang mga pagkain. Natahimik ako sa sobrang kabusugan. Ann treated us the food we ate. She insisted para makabawi man lang daw siya sa'min. Hindi na talaga ako pumalag, libre na 'yun 'e, tanggihan ko pa ba? Masama 'yun.
Ann decided to part ways in the Mall para masolo ko daw si Felix. Sa harap pa talaga naming apat niya sinabi 'yon. Pulang-pula tuloy ako kanina, kainis. Mamaya daw ay magtagpo kami sa isang café at ma'y ichi-chika siya sa'kin.
Nagtungo kami ni Felix sa arcade. Kahit todo tanggi ako na maglaro do'n ay napilit niya ako. Pangbata naman kasi, naiilang ako sa mga ga'non. Atsaka madalas mga couple lang na maglalampungan ang pupunta do'n, 'no! So 'yun nga maglalampungan---este magbo-bonding kami ni Felix.
Una naming pinuntirya ay ang basketball. Ma'y tinatago ata akong talent dito. Si Felix ang nauna to show off his skills. Nakascore siya ng 50 at tuwang-tuwa naman siya. Ako ang sumunod at nakascore ng 100. Pa'no ba 'yan? HAHAHA.
"Ang galing ng girlfriend ko!" Sigaw niya.
Madami namang napatingin sa'min at mga nagtilian. Namula tuloy ako. Anong girlfriend? Ang advance mag-isip ah!
Kinaladkad ko siya paalis sa arcade at dumeretso kami sa Cinema. I picked horror pero ayaw niya. 'Yung totoo? Mas gusto niya daw 'yung love ang genre. Hindi ako pumayag, tsa-tsansingan lang ako niyan 'e. Sabi ko uuwi na lang ako kung hindi horror kaya pumayag na din siya.
Nasa kalagitnaan na kami ng movie nang dumating ang pinaka-nakakatakot na parte sa eksena. Halos hindi na makatingin si Felix dahil nakaharang ang dalawa niyang kamay at ma'y isa lamang na butas doon na sinisilipan niya. I didn't expect na ganito siya magiging katakot kaya natatawa ako sa sitwasyon niya ngayon. Hindi tumalab sa'kin ang mga eksena sa movie dahil sanay na naman akong nanonood ng horror.
Lumabas kami at bumili ng ice cream.
Nagpasama ako sa isang optical shop dahil kinailangan ko na bumili ng replacement. 'Yung regular ang binili
ko, walang kulay. Mabuti na lang at ma'y stock silang contact lense na ka-grado ng mata ko. I like my brown eyes but I prefer black for simplicity. However, nagsasalamin lang ako sa bahay.
"I never did forget how beautiful your brown eyes are. I used to stare at those." I looked at Felix and smiled.
Hindi ko mapigilang hindi mapaisip. Matagal na akong nakacontact lense. Naabutan niya kaya ako no'ng mga panahon na nakasalamin pa ako sa school? But that was like the day before I even met Ann. Ann was the one who recommended me to use contact lense. Nilibre pa nga niya ako no'n. It was totally two years ago, so kilala na ako ni Felix noon o baka kilala niya lang ako sa itsura. I really like making deductions.
Pagkatapos naming bumili sa optical shop ay tumambay kami sa indoor garden ng Mall na malamang ay puro plastik na bulaklak. Mukha mang bulaklak, plastik naman. HAHA.
Ramdam ko naman ang unti-unting pagyakap sa'kin ni Felix mula sa likuran. Kinilig ako, period.
"H'wag kang PDA! Sapakin kita
diyan 'e." Sita ko kay Felix.
"Pagbigyan mo na 'ko, gusto kitang kayakap palagi 'e."
Namula ako sa sinabi. Mabuti na lang at nakatalikod ako mula sa kanya. "I don't like physical contacts, kung hindi tayo close malamang nahampas na kita."
"Mahal mo kasi ako." He said and kissed my hair.
Alam ko, Felix. Alam ko.
Hinarap ko siya habang nakahawak pa rin siya sa bewang ko. Naiinis ako, sobrang pogi niya. Gumwa-gwapo talaga ang isang tao kapag minahal mo. Samantalang dati ang sama palagi ng tingin ko kay Felix kahit gwapo naman talaga siya.
"Ang cute at pogi mo talaga."
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at ipinaglapit ito. Natatawa tuloy ako sa itsura niya.
"H'wag mo akong pakiligin kung ayaw mong asawahin agad kita."
"Tse!" I said at pinanggigilan ang pisngi niya. Tawang-tawa naman siya sa'kin.
"Public Display of Affection is forbidden by Marco's Law."
Sabay kaming napalingon ni Felix sa nagsalita sa harap namin. Bumungad sa'min ang matatalim na titig ni Kuya Marco. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak ni Felix sa'kin. Nakakahiya, nakita pa talaga ni Kuya!
"Hi Kuya."
"Bro! Ikaw pala. Kamusta?" Saad ni Felix at nakipag fist bump pa kay Kuya.
"I'm dating with-----"
"Love!" Pagtawag ng isang babae sa kanya. " 'Eto na 'yung ice cream."
As expect ay tama nga ang hinala ko.
It's Stacey. I can't help but to feel bothered by her presence. Ang awkward kasi. Siya 'yung ex ng nanliligaw sa'kin na girlfriend na ngayon ni Kuya. Ugh, kailangan ko magtiis, kung sa kanya sasaya si Kuya 'e. Wala akong magagawa. Kuya deserves to be happy too.
"Kayo pala, Hi Marzia and Felix! I really stan LixZia, stay strong." She with a smile.
"S-salamat. Kayo din ni Kuya." I said. "Uuna na kami ha."
Kuya Marco looked at me, "Sige."
Hindi pa kami nakakalayo sa paglalakad nang sumigaw si Felix. "Stay strong sa inyo, bayaw!"
"H'wag mo sasaktan kapatid ko!"
Felix gave him a thumbs up.
"Kita mo na kung ga'no kami kaclose ng Kuya mo?" Nginitian ko lamang siya.
Umalis kami sa garden at naglalakad na patungo sa café. Tinext na kasi ako ni Ann kanina na pumunta na do'n at excited na excited na daw siya sa ichi-chika niya.
Hinawakan niya ang kamay ko pero binawi ko din ito. Nagulat naman siya sa inasta ko. Ewan ko ba, nagsimula na ulit akong mailang sa kanya no'ng makita ko si Stacey. Nai-imagine ko kasi na ganito din sila dati at naiinis ako dahil baka ganitong-ganito niya din siya itrato.
"Ang tahimik mo. Ma'y problema ba tayo, baby?"
"Wala. Napagod lang ako, sorry."
"No, tell me. Is it because of Stacey?"
"Wala akong sinabi."
"Aminin mo na kasi."
"Hindi nga! Okay? Ikaw lang nagiisip niyan."
He looks hurt but I didn't budge to look at him for the second time. Nasa tapat na kami ng café at umuna akong pumasok. Sumunod naman si Felix. Agad kong nakita sina Ann at Jian, nilapitan namin sila. I forced a smile at nakipag-apir sa kanila.
"Hiramin ko muna si Marzia ha. Boys dun na muna kayo. We have alot of catching up to do. Magchi-chikahan pa kami." Saad ni Ann.
"Sure." Jian said.
I took a glimpse on Felix but he didn't budge to look at me. Though, I understand him. Ako naman ang ma'y kasalanan. Ang pilit niya kasi, wala naman akong sinabing si Stacey.
Hinila niya ako palayo kina Jian at Felix. Umupo kami at umorder ng favorite brewed coffee namin. I tried to act normal infront of Ann. Ayokong tanungin niya ako ng tanungin. Inalis ko na rin ang ibang thoughts na bumubulabog sa isip ko.
Nagkwentuhan kami ni Ann hanggang sa naging seryoso ang usapan namin. Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita.
"Ann... I want to know the truth tungkol sa dahilan ng pag-alis mo. I don't believe you, Ann. Hindi ako naniniwala na dahil lang kinailangan niyo na mag-migrate agad sa Florida."
She looked at me seriously and gave me a smile. "Inunahan mo naman agad ako. Ma'y balak akong sabihin 'yan. Isa nga ito sa dahilan kung bakit umuwi ako ng Pilipinas. Tama ka ng sinabi noon, umalis ako ng dahil kay Felix."
This is the moment I got my interest. My deductions never failed me. For two freaking years, nagawa niyang itanggi sa'kin 'yon. Damn, I felt betrayed as a friend.
"Noong grade 9, 'yung mga panahong baliw na baliw ako sa pag-ibig at ako pa mismo ang nagtapat ng pag-ibig ko sa kanya, he confronted me that he already like someone else. Sobra akong nasaktan ng mga araw na 'yon. Hindi dahil sa naiinggit ako, kundi dahil hindi ko kayang makita siyang kasama ang bestfriend ko. Oo, ikaw 'yung tinutukoy kong gusto niya. Until now, I remembered the exact words he told me, 'She's my first love, I'm sorry.' "
I was shocked by the thought that I'm his first love. Pero bago ko pa siya makilala, babaero na siya. Madami na siyang ibang babae na nagugustuhan. At pa'no naman nangyari 'yon? Pero kilala ko si Ann. Hindi siya magsasabi kung hindi siya sigurado at alam niyang hindi totoo ang sinasabi ng isang tao. Hindi lang siya matalino, magaling din sa deductions kaya ko nga siya naging kaclose 'e.
"Umalis ako kasi naisip kong malaki ang tsansa na pigilan mo ang nararamdaman mo para kay Felix once na magtapat siya sayo. I don't want you to turn him down just because you know that he can't love me back and he hurted me much. Ayoko namang magkaroon ka ng galit sa kanya habang buhay ng dahil sa'kin. Alam ko kung ga'no mo ako pahalagahan lalo na noon. Todo support ka pa nga sa'kin sa pagpapakitang gilas sa kanya. Parati mo din akong tinutulungan na mangstalk at kumuha ng stolen shots niya. Umalis ako dahil alam kong darating ang araw kung kailan liligawan ka niya at ayokong sumagabal sa inyo. At hindi nga ako nagkamaling liligawan ka niya, kaso nagtataka ako kung bakit ngayon ka lang niya nililigawan, samantalang ang tagal na simula no'ng sabihin niya sa'king ma'y gusto siya sayo. 'Di ako na-inform, ang torpe niya pala."
Sobrang tagal bago magprocess sa utak ko lahat ng sinabi niya. Parang ayaw nitong tanggapin ang katotohanan. Hindi ko man lang inasahan na ito ang tunay na dahilan ng pag-alis niya. Alam kong dahil kay Felix kung bakit siya umalis pero ang tanging alam ko ay dahil sa nasaktan siya kay Felix at hindi dahil para sa'kin.
Tama naman talaga si Ann. Kung noon pa nagtapat sa'kin si Felix, hindi ko siya matututunang mahalin dahil sariwa pa ang sugat ng damdamin ni Ann. Nasasaktan din ako kapag nakikita ko siyang malungkot at umiiyak. Alam ko kung gaano niya kamahal si Felix noon at hindi ko magagawang umamin kung magkagusto man ako sa kanya para lang kay Ann. Gagawin ko ang lahat 'wag ko lang siyang masaktan dahil siya lang ang kaisa-isa kong babaeng kaibigan na tunay na nagmahal sa'kin. Gano'n ang mindset ko noon, pero ngayon handa ko ng mahalin si Felix ng buong-buo.
Tumingin ako sa kanya ng masama. "Nakakainis ka, ang selfless mo!"
Naiyak pa ako dahil sa halu-halong emosyon. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako. "Dude, 'wag ka ng umiyak! Ginawa ko 'to para maging masaya ka."
"Hindi mo alam kung pa'no kami nagluksa ni Jian ng dahil sayo!"
"Alam na alam ko. Palaging nagkwekwento sa'kin si Jian, 'no! Pinipigilan ko lang ang sarili kong tawagan ka dahil baka makauwi agad ako dito sa Pinas!" Natawa na lang.
Mabuti naman at wala ng luha ang umagos mula sa mata ko. Imbis na maiyak natatawa ako sa itsura ni Ann 'e.
"Pero kayo na ba talaga ni Jian?"
"Hindi ah. Sinabi ko lang 'yun para hindi kayo mailang as a couple. Lalo ka na, mahihiya ka lang sa'min kung hindi ko pa sinabing mag-on din kami ni Jian. Pero affected ka ba?"
Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Huh? Bakit naman?"
"Uhm, wala lang. Pero nagkagusto ka ba sa kanya?"
"Kaibigan ang turing ko kay Jian. Sa totoo lang parang kapatid na nga 'e. Mas gugustuhin ko pa siyang Kuya kesa kay Kuya Marco." I chuckled but Ann only smiled bitterly.
"Ma'y nasabi ba akong mali?" Tanong ko.
"Wala, miss na miss ko lang talaga kayo ni Jian. Iniisip ko lang kasi na within two days ay aalis na ulit ako at babalik sa Florida."
Ang sakit isipin na aalis na ulit 'yung taong nagpadama sayo ng importansya. By her presence, tuwang-tuwa na agad ako sa kanya. She really did everything to make our friendship work. Transferee siya noon sa school namin at ako ang itinalaga para i-tour siya sa buong school. Dahil nahihiya ako sa kanya ay isinama ko pa si Jian para tulungan ako sa kanya and we all get along. Dun nagsimula ang lahat. From being shy to walang hiya.
"Pero nagtataka ako, bakit ang tuwid mo pa rin mag-tagalog?"
"Half filipino ang boybestfriend ko na palagi kong kasama at nakakausap. Mas pinili naming magusap palagi sa tagalog para hindi namin makalimutan. Crush ko nga siya 'e."
"Kaya pala hindi ka na bumalik, ma'y love life ka na!"
"Business life, dude. Tinutulungan ko sina Daddy. I didn't lie about the part kung saan kailangan na naming magmigrate sa Florida. This year pa dapat akong aalis pero pinili kong sumama agad kina Mom noon. Sorry ha. H'wag mo sanang sisihin ang sarili mo kung bakit, it was my choice and it's not your fault. Keep that in mind, ayokong sisihin mo ang sarili mo."
"You really are the best friend."
We hugged each other. Hinanap namin sina Jian at Felix. Naabutan namin silang nagkwekwentuhan habang nagtatawanan. Nang makita nila kami ay tumayo na sila at lumapit sa'min. Hindi pa rin makatingin ng deretso sa'kin si Felix.
Lumapit ako kay Ann at bumulong. "Inaway ko siya kanina, Ann."
"Hindi ka na talaga magkaka-love life niyan. Magbaba ka ng pride, dude. Marupok din ang mga lalaki." She said at marahan akong natawa.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nag-group hug kasama si Felix. Si Jian na daw ang maghahatid kay Ann habang kasabay ko sa pag-uwi si Felix.
Hindi pa rin siya nagmamaneho kahit kanina pa ako dito sa loob ng kotse. Nakatambay kasi siya sa harap ng kotse. Hinihintay niya siguro na kausapin ko siya. Kanina pa kasi kaming walang imikan mula sa café.
Lumabas ako ng kotse at pasimple siyang nilapitan. Ang seryoso na naman niya 'e. Puwesto ako sa harap niya para makita niya ako.
Hinawakan ko ang kamay niya at tinitigan siya. "Felix... I'm sorry."
He looked at me and his eyes look so worried. "Gusto kitang kausapin kanina pa pero ayokong mainis ka lang. Please explain something. I want to know what's wrong."
"About kay Stacey... wala naman. Basta naiinis ako na baka ganito din kayo kasweet dati at siguro ganito mo din siya tratuhin. Na parang iniisip ko na naging replacement mo lang ako with the same gestures na ipinapakita mo sa kanya noon. Alam kong mali ang mag-isip ng ganito kasi nga ex mo siya---o sila o kung sinumang hayop na babae sa mundo na pinaasa mo o kung ano!"
He chuckled before looking at me. "I never treated a girl like this before. And I never loved a girl the way I love you. You were the only one who made me this damn crazy. You were the only one who made me fall for you this damn hard. Do you know how hard it is for me to stop thinking about you every single day? Your smile and attitude always made my day."
"I just want to be special in your eyes. Sorry if I'm being selfish." I said.
Niyakap ko siya dahil ayokong makita niya ang pamumula ng mukha ko. Niyakap niya din ako pabalik which made me smile.
"It's alright to be selfish because of me, baby bear. I understand it, I'm yours and you have the right to be selfish."
I faced him and placed my hands on the back of his neck. "Ang cute mo."
"Damn, baby. Ganito ka pala magselos, nakakabaliw ka. You don't have any idea on how I panicked infront of Jian. I'm so confused, I can't understand you accurately. Pwede ba next time sabihin mo na agad sa'kin? Ang hirap kayang hindi ka kausapin at hawakan. Mahal na mahal pa naman kita."
I tease him. "Talaga ba monster bear?"
He just chuckled at me. I look at him seriously and says the words that will make him smile from ear to ear.
"I love you, Felix."
I really do.
_____________