Chapter 7: Pain
Pagkatapos akong ilibre ni Spencer ay dumeretso na ako sa room. I still remember how Felix stared at me. Hindi 'yon nakakatuwa, natakot pa nga ako sa kanya 'e. Para bang gusto niya akong balatan ng buhay. Mabuti na lang at nilapitan agad ako ni Spencer ng mga oras na 'yon at nawala na sa paningin ko si Felix.
But before he left, I saw disappointment written all over his face.
Ano bang problema ng taong 'yon?
He can be very conservative and serious towards me at the same time. He can even change emotions real fast. From a sweet-hearted fake boyfriend to a typical serious one.
Ma'y klase kami ngayon at malas pa dahil Math ang subject namin ngayong oras na 'to. Nakakairita kasi magturo ang maestrang 'to, pfft.
Magkamali lang o di kaya'y hindi ma-gets ng iba kong kaklase ang itinuturo niya ay nagagalit agad siya. What does she expect? Na ma-gets agad namin 'yan in just one day without knowing that some of us can't catch up like me?
Mayabang man kung tingnan but that's the truth.
I just looked down at the window as the lecture goes on. Napapangisi na lang ako as I see some students who are cutting their classes. Kung wala lang akong mi-ne-maintain na grades malamang isa din ako sa mga estudyanteng 'yan.
I need to maintain my grades para sa school na papasukan ko sa college. Mahirap makapasok doon at tiyak na kahit ako pa ang grumaduate muli na Class Valedictorian ay mahihirapan pa rin ako. Wala naman talagang madali pero atleast gagaan kahit papaano ang dadalhin ko sa college.
Gusto ko rin magbulakbol pero wala 'e. Mahirap lang kami at kailangan kong makapasok sa scholarship ng College. I don't want to be a burden to our family.
Mahirap na nga ngayon ang pinagdaraanan namin at ayoko pang makadagdag.
Habang pinagmamasdan ko ang mga estudyante sa ibaba ay isang pamilyar na mukha ang nahagilap ko. Ma'y dala-dala siyang isang box ng sigarilyo at agad niyang itinago 'yon sa bulsa niya. Kilos pa lang niya ay alam ko na kung sino siya. Hindi naman ako nahirapan na i-distinguish siya sa iba dahil naka-SC uniform din siya.
You are wasted, Jian.
"Ma'am," I raised my hand and the teacher caught my attention. "May I go to the CR?"
"No, you may not."
Kumunot ang noo ko sa nasabi niya. Is she fucking serious? Pati ba naman pag-ihi ng bata pipigilan niya?
This is insane.
"If something bad happens to my urinary bladder, you would be accused of this. According to republic act of---"
"Fine, get out!"
I smirked as I walks out our classroom smoothly. I burst out into laughter nang makalayo-layo ako sa room namin.
Nang bumalik na ako sa wisyo ay sinilip ko ang room ni Jian na kasunod lang ng room namin.
As expected ay wala nga siya doon.
Tumakbo na ako pababa sa first floor. I don't freaking know why but I have a teary eyes and an emotional hypothalamus right now.
Hindi ko napansin na nakabangga na pala ako ng semento---este tao. Ang tigas kasi ng katawan 'e. Rinig kong tinatawag-tawag pa ako nito pero hindi ko na lang pinansin.
Thanks to Felix, I remembered where Jian might be.
Bawat pagtakbo ko ay ang paglakas ng pintig ng puso ko. I can feel excitement habang palapit ako ng palapit sa likod ng school building.
I'm right. Nasa likod nga siya ng school at nakatayo siya sa likod ng malaking puno. Dahan-dahan akong lumapit sa puno at pinagmasdan siya.
Nagmumuni-muni lamang siya habang ma'y isang sigarilyo ang nakapasak sa labi niya.
That's it. I lost my temper.
Bago pa ako makalapit sa kanya ay napalingon na siya sa gawi ko at nang makita ako ay hinarap niya ako. Natigilan ako at hindi maka-ibo sa kinatatayuan ko. Agad niyang tinanggal ang sigarilyong nasa bibig niya at naipatak niya ito sa lupa.
"Marzia..."
Hiyang-hiya siyang tumingin sa'kin at nagkasalubong naman ang mga kilay ko. Agad akong lumapit sa kanya at kinuha ang mga sigarilyo from his pocket.
"I hate you!"
Lalapit na sana siya sa'kin nang ibato ko sa kanya ang isang box ng sigarilyo at tumalsik ito sa lupa.
I cried as soon as makalapit siya sa'kin. I tried to hold my tears pero hindi ko kinaya.
This is my fucking bestfriend at hindi ko man lang alam kung bakit siya nagkakaganito. Seeing him wasted, hurts me so much.
Naramdaman ko ang mga kamay niya na bumalot sa katawan ko. At dahil dito ay lalo akong naiyak. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap ko siya pabalik, ramdam ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa'kin.
"I'm sorry. I'm sorry, Marzia. Please forgive me, please."
"Fuck you, Jian!"
"I'm sorry, Marzia. I didn't mean to hurt you."
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha niya sa noo ko. That's when I thought na pinasasakit ko lang lalo ang nararamdaman namin sa isa't isa. Tumahan ako at kumawala sa yakap niya.
Umalis ako sa harapan niya at dahan-dahang naglibot sa paligid ng malaking puno. Napakalaki nito at makikita mo ang tibay nito sa kinatatayuan nito.
"2 days ago..." Panimula niya. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa'kin.
"I asked you to recounter me in our meeting place. I want to ask you to be my partner in the Photography Club. I want to tell you that I'll support you with your passion. I didn't say a thing about it because it was supposed to be a surprise and I don't want to ruin it for you, because I know you're waiting for this opportunity for so long."
Natigilan ako sa pagmumuni-muni. I did not faced him dahil alam ko sa sarili kong hindi ko kaya. I can still feel his presence near me.
Siya pala 'yon. Siya pala 'yung inaalala ko. How could I forget my bestfriend? I was so insensitive.
About our meeting place, sa isang café 'yon na malapit lang dito sa school. I was so focused on my job with Felix that I even forget what's more important.
Our friendship.
"Jian...I'm sorry. Ma'y partner na kasi ako at si Spencer 'yon."
I was about to explain things when he spoke again.
"I want to tell you about the International Representative Agreement which will be held in USA. I want to help you to take that place and follow your passion to the next level. I was excited that day and happy for you at the same time, but you didn't came." Bakas sa kanya ang pagkalungkot at ngumiti siya ng mapait.
Nahiya lalo ako sa kanya kaya lumipat ako sa kabilang side ng puno at naiwan siya sa kabila.
"Felix already told me---"
"Everyday I came there and hoping that maybe, maybe you'll be able to remember me and finally show up in the café. I want to spoil you everything I know about the agreement. I want to tell every detail about it, but Felix already spoiled you, right? Don't feel bad, it was a good thing, atleast nalaman mo habang mas maaga pa."
Naglakas loob na akong naglakad patungo sa kanya sa kabilang gawi ng puno. Nakita ko siyang nakatingin sa itaas habang nakasandal sa puno. Kitang-kita ko sa kanya ang mga nagbabadya niyang luha.
"Sorry, patawarin mo sana ako."
Out of so many words, 'yan lang ang nasabi ko. I think a sorry is enough, with or without explanation, I think he would still accept me.
This is Jian. My bestfriend. He knows me more than anyone else does.
"Ako naman kasi 'e. Gusto ko pang isurprise sayo ang lahat. Kaya 'yon, nagulo pa kita and brought you alot of confusion." Tumawa siya ng mapait at naluha ako sa nasabi niya.
"Sorry, Marzia."
Tinitigan ko siya at nilingon niya ako. Agad siyang umalis sa pwesto niya para lumapit sa'kin. I covered my teary eyes with my both hands and I felt his arms around my neck. I placed my head in his chest and sobbed.
Everything, literally everything. Ginawa niya para maging masaya ako. Pero hindi ko man lang napansin 'yon.
"Uy... Sorry na. Baka akala nila nagpapaiyak ako ng bata." I slightly laugh.
Kahit kailan talaga.
I wiped my tears away at kumawala sa yakap niya.
"Gusto mo lang na yakapin kita ng yakapin 'e! Child abuse! Ew." I glared at him and flip my fingers to his forehead.
Gago.
"Aray! Sorry na nga." Pagrereklamo niya.
"Galit ka?!"
"Hinde!"
Natahimik kaming dalawa at natawa na lang bigla. Para kaming baliw sa inaasta namin. But I don't care as long as okay na kami.
Naupo ako sa may damuhan at sumandal sa puno. Ang hangin dito at tahimik pa, ang sarap gawing tambayan. Kaya siguro nawili si Jian dito, maganda ding magmuni-muni dito. Payapa din ang paligid.
At tuluyan na nga akong nag-cutting.
Umupo din si Jian sa tabi ko at tinitigan ko siya.
"Why did you looked so disappointed at me the day I was presenting in our class?" I asked.
Nilingon niya ako tsaka binalik ang tingin niya sa kalangitan.
"I wasn't disappointed at you, I was disappointed to myself. Dahil ma'y parte sa sarili ko na nagsasabi na kapag ipinakita mo na sa kanila that you're the one behind the PhotoArts page, maaagaw na nila ang atensyon mo, na baka ma'y isang tao pang gumamit sayo for granted and I'll be left behind without you. Na baka mawalan ka na ng oras para sa'kin kapag dumating 'yung araw na mas mag-focus ka sa passion mo. I may sound selfish pero ayoko talagang mawala ka sa'kin. You're my bestfriend from the very first at ayokong mawala 'yon ng basta-basta."
Tiningnan niya ako at nginitian. Nagkasalubong naman ang kilay ko sa nasabi niya. Tinulak ko siya palayo sa'kin bago pa man din siya lumapit lalo sa'kin.
"You piece of shit! I would never ever forget you! You are my bestfriend! Oo, nakalimutan ko 'yung meeting day natin but it doesn't mean na hindi ka na mahalaga sakin! Hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo!"
"Sorry na po, madam."
"Ewan ko sayo."
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at maglalakad na sana pabalik ng room nang makita kong ma'y papalapit na isang guro sa direksyon namin.
"Mr. Velasquez and Ms. Cruz! Office now!"
_________
I just got released from the guidance office. It was my first time having a bad record in the school. Samantalang itong si Jian ay padalawa na pala, at parehas pa ng rason.
Caught smoking at the back of the school. Take note: He is the freaking SC Secretary. Pasalamat siya at walang kumakalat na issue tungkol sa kanya. Wala kasing inilalabas ang mga teacher patungkol sa ganyan at ikakasira lang 'yon ng SC Officers.
Kung hindi ko lang kaibigan si Jian ay minasama ko na lahat ng kalokohang ginagawa niya. At ma'y balak talaga akong ilaglag siya kung hindi ko lang siya kaclose. Kasi naman, part of me is still saying that ma'y kakulangan din ako sa kanya kaya niya nagawa ang bagay na 'yon.
But still, I can't ignore the fact na nasira ang magandang imahe ko kay Mrs. Vergara. She said that she is very disappointed at me, lalo na at kumakandidato pa naman daw ako bilang Presidente ng Photography Club. Kailangan niya daw ng responsable at hindi daw 'yung klase ng estudyanteng nagka-cutting.
Ofcourse, she was pertaining to me! Na para bang sinasabi niya na hindi na ako deserving para don! Duh.
Hindi niya alam ang buong kwento kaya ganoon siya humusga.
I didn't bother to fight against her. She is the fucking principal, even if I dare to antagonize her I will still be defeated at the end of the day.
Hintayin niyo lang na makagraduate ako ng college at magkaroon ng magandang trabaho. Ipinapangako kong babalik ako para ipatagtag talaga kayong lahat sa trabaho.
I shall return, bitches.
Ngayon ay nasa klase ako at ito na ang last subject. I didn't bother to listen anymore. What do I expect? It's the last subject, syempre sobrang nakakatamad na makinig at uwing-uwi na talaga ako. Kanina pa nga akong pabalik-balik ang tingin sa orasan 'e.
Siguro kung walang orasan dito kanina pa ako nakatulog sa klase. Nakaka-antok naman talaga. 'Yung klaseng kahit anong pilit ng teacher na pasiglahin ang klase ay wala na talagang magagawa at napakaboring naman talaga.
Who likes their own educational system anyway?
Nagbell na sa wakas and it indicates dismissal. Marami ng nagsi-alisan except for Caryll and me. Nakatutok pa rin ang tingin ko sa labas ng bintana. I saw Stacey, Spencer and Felix together. It looks like na wala akong sundo ngayon.
Weird, bringing your ex with you. I find it quite funny. Ano nga bang karapatan kong manghusga? 'E wala pa naman akong seryosong relasyon.
Relasyon lang pero walang seryoso.
"Marzia," I look at the person who spoke. It's Caryll with papers on her hand at tila ba inaabot ito sa'kin. "This is the manuscript."
"I'll pay you via online."
Kung ayaw mong magpasalamat, bayaran mo.
Hashtag pataasan ng pride.
"Thanks," Saad niya. "but no thanks."
Umalis na siya sa harapan ko at lumabas na ng room.
Burn Marzia.
Nagligpit na ako ng mga gamit at napagdesisyunang umalis na sa room. From afar, I saw Jian with Tina and they are talking to each other.
I walked slowly at baka mapansin pa nila ako. I don't want to ruin how happy they are while giggling at one another.
They look so happy, I even saw Jian pinch Tina's cheeks and messed with her hair.
Ganun pala siya sa lahat.
I should have known. He didn't even know that I felt special whenever he does that kind of gesture.
I gulped.
I shouldn't make this a big deal. I'm just one of his friends.
Akala ko hindi na nila ako mapapansin ngunit bigla na lamang lumingon sa gawi ko si Jian. Napatingin na lang ako kay Tina na ngumiti sa akin.
"Marzia! Kanina ka pa namin hinihintay." Nakangiting saad ni Jian and I forced a smile.
Nilapitan ako ni Jian at inakbayan niya ako. Halata ang pagkaselos ni Tina sa mukha niya.
This is hilarious.
It's written all over her face.
So ganito pala ang nararamdaman ng mga taong pinagseselosan, it's such a pleasure seeing someone jealous because of you. 'Yung klaseng ma'y naiinggit sayo and silently saying na sana ako na lang siya.
I know what I'm thinking is a little wicked but I can't help it. Ma'y nagseselos ng dahil sakin? This is a once in a life time sympathy.
"Si Tina nga pala," Nginitian ko na lang ito bago ibalik ang tingin ko kay Jian.
Kung ipakilala niya si Tina sa akin ay parang hindi ko ito kaklase.
Sabagay, hindi naman kami close.
"Nagpapasama siya sa Mall, ma'y konting bibilhin lang para sa kapatid niya, birthday na kasi sa isang araw, sama ka na please?"
I looked at Tina then looked back to Jian. Yeah, she definitely want a solo moment with Jian. I can see it in her eyes.
Those desperate eyes who wants a solo time with my bestfriend really bad makes me cringe.
"I have better things to do."
I saw how Tina's eyes enlighten up. Na para bang gusto niya ng kaladkarin si Jian palayo sa harap ko.
Tumalikod ako sa kanila at nagsimula ng maglakad paibaba ng hagdan. Geez, three more floors to go. Who the fuck designed this building?! Kung ako sa kanya, pinagkasya ko na lahat ng rooms sa second floor wag lang umabot sa third floor.
Struggle is real.
Ramdam ko ang pagsunod nila sa'kin. Malamang one way lang naman 'tong daanan pababa at itaas.
Inakbayan na naman ako ni Jian at ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Nagpapabebe na naman.
"Please, ang tagal na kitang hindi nakasama 'e. Alam mo miss na miss na kaya kita. Hindi lang kita tinatawagan no'n at busy ako kakadrama ng dahil sayo." Inalis ko ang baba niya sa balikat ko at ang pagkaka-akbay niya.
Hindi niya ba alam na ma'y isang babaeng nagseselos na ng dahil sa kanya? Pa-miss miss pa siya diyan 'e baka sinasabihan niya lang din si Tina ng ganyan. Pfft.
"Jian, alam mo namang ma'y work ako 'di ba? I need to get home as soon as possible." Pagdadahilan ko at totoo din naman 'to.
Hindi ako rich kid tulad niyo. Kailangan kong kumayod, duh.
Nakarating kami sa Parking Lot. Dito ko talaga sila dinala para makaalis na sila. Sinilip ko din kung nandito ang kotse ni Felix at wala na ito.
Ganito ba dapat ang supposed to be fake boyfriend? Dapat ma'y libreng hatid-sundo, duh. Laking tipid sana no'n sa part ko.
"Ihatid na muna kita. Dala ko naman si baby." He said referring to his car.
And yes, it's name is baby. Lagi kasi naming kasama 'yung kotse niya sa galaan kaya 'yun ang ipinangalan niya dito.
But in Tina's point of view, halatang naguluhan siya sa nasabi ni Jian. Baka nga ibang baby ang inaakala niya 'e.
"Wag na kasi! Hapon na din, samahan mo na si Tina."
"Sinong maghahatid sayo?"
"Si Kuya."
Litong-lito siyang nakatingin sa'kin. He knows that I never call Marco, kuya before.
"Sige na nga," He said in defeat.
Mabuti naman at hindi na siya nagtanong. Napakakulit talaga ng lahi nito.
"anong gusto mong pagkain?" I mentally rolled my eyes.
Hindi ko siya sinagot at tiningnan na lamang ang mukha ni Tina. Para siyang hiyang-hiya at naiilang sa'min.
Ayt hindi pala, insecured sa'kin.
At kailan pa na-insecure ang isang Tina Santos? Take note: sa isang hampas-lupa pa na katulad ko.
" 'Eto na nga, aalis na." Sabi niya at sumakay na sa kotse.
Bago pa sumakay sa kotse si Tina ay nginitian niya 'ko. Her smile is exactly saying Thank you. Sino ba namang hindi magpapasalamat kapag nagkaroon ka na finally ng chance to have a solo moment with your crush.
Napaka-smooth ni Tina. Ang lakas ng loob magyaya ah. Tina lang malakas, men.
"Text mo 'ko kapag nakauwi ka na!" Pahabol na sigaw ni Jian.
Napakamanhid talaga nito.
Kasama na niya si Tina sa loob pero... Hayst.
I shouldn't consider Tina's feelings much. Siya ang kalaban ko and she plays dirty. Bitch.
Paano kaya niya naging kaibigan si Jian?
Jian pouts at me from the window of his car. Umalis na sila at tuluyan na nga akong naiwan dito.
"Tara na," nilingon ko kung sinong nagsalita, it's Kuya Marco. "baka mabaliw ka pa diyan."
"I want some coffee. Samahan mo 'ko?" Sabi ko tsaka lumapit sa kanya.
Ayoko pang dumeretso kina Felix. Hindi pa din ako makaget over sa sinabi niya. But part of me is saying na kalimutan ko na lang lahat 'yon because it's nonesense and it's only one of Felix's gimmicks.
"Unahin mo muna trabaho mo." Sabi niya at sumakay na sa loob ng kotse, pumasok na din ako sa loob at isinara ang pinto.
I looked at the time and it's only 2PM. I'm not ready to have a 7 hours momentum with that guy.
So awkward...
"Maaga pa naman, it can wait. Si Felix lang 'yon, tao lang din. What bad can happen?"
"Fine, pero wag kang mabibigla ah?" Nagtaka ako sa kung anong ibig-sabihin niya pero tinanguan ko na lang siya.
__________
We are here in a café na hindi kalayuan sa school. Hindi ito 'yung meeting place namin ni Jian pero mas maganda naman itong lugar na 'to.
Inilapag ni Kuya ang order naming blonde caramel cloud macchiato at caffé misto. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang caffé misto niyang ginawa.
"Sa wakas, ma'y disente ka na ring trabaho." I said as I look at his uniform with a name plate on the right side of his chest.
"Hi! I'm Marco"
Hindi rin mawawala sa kanya ang hair net na nakasurround sa ulo niya. Ngayon ko lang nalaman na isang staff na si Marco dito. 2 weeks from now daw siya nagsimulang magtrabaho dito. Matagal na daw itong alam ni Mama.
"Di ako papayag na ikaw lang meron, 'no!" Sabi niya at natawa naman ako. Kinuha ko ang kape ko at nagsimulang hipan ito.
Wala daw siyang balak sabihin sa'kin na ma'y trabaho na siya at wala naman daw akong pakielam.
Wala talaga.
Pero syempre gusto kong malaman, wala lang akong pakialam sa kanya noong mga panahon na magkaaway kami.
At dahil daw bati na kami ngayon at hindi naman daw ako magpapaka-judgemental, he decided na sabihin na niya sa'kin.
Natutuwa nga ako para sa kanya dahil humahanap din talaga siya ng paraan para makatulong kina Mama at Papa.
I'm sure na proud na proud sa'min sina Mama at Papa, and that's one of the reasons why I still kept going with my job.
"Sis, ma'y nalaman ako." he said in a serious tone.
I took a sip from my cup of coffee before I looked at him.
"I heard about your relationship with Felix. At kelan ka pa nagkajowa?!" Nanlaki ang mga mata niya sa'kin.
"It's fake." I said
"Ano 'yan deal?"
"Pake mo."
"Don't worry, napagdaanan ko na din 'yan. 'Yung klaseng naggagamitan kayo for each other's own benefit. Sinasaktan niyo lang ang sarili niyo."
At kelan niya pa ako sinermonan?
"I'm not like you," I said and rolled my eyes. "I'm wise and an independent
woman."
"Matalino ka Marzia, at alam kong manhid ka din. Pero kapag ang puso mo na ang tumibok sa isang lalaki, hindi mo na mapipigilan 'yon."
Muntikan ko ng mabuga sa harap niya 'yung kape. Cheesy overload. It makes me sick. Ako lang ba 'yung ilang na ilang pagdating sa mga ganyang usapan? And I'm even talking with my brother about this. How awkward can this situation get?
"You're too cheesy. And for your information, the heart pumps the blood in order to move nutrients through the blood vessels to nourish and remove the metabolic waste from the body, at hindi para sa isang lalaki. Duh." Humagalpak siya ng tawa at kinurit ako.
"Bawas-bawasan mo 'yang pagkamanhid mo. Ang daling mahalata sayo na wala kang pusong nilalang." Kumunot naman ang noo ko sa nasabi niya.
"I'm probably dead by now."
"See, you take everything seriously. Geez, Marzia. 'Yung kambal mo love expert tapos ikaw isang babaeng pinaglihi ang puso sa bato."
Ano daw? Love expert? Sa pagkakaalam ko siya ang umiiyak sa babae.
"You must have been pertaining to my hypothalamus. I don't have any problem with that."
"Alam mo? Wag na lang tayo mag-usap." Inis na saad niya. "Alam kong nagegets mo 'yung mga sinasabi ko, it's called having feelings at kinulang ka don ng sobra."
Hindi ko na lang pinansin si Love Expert. Humigop na lang ako ng kape.
"Don't fall in love with Felix, Sis. Ayokong masaktan ka lang ng dahil sa kanya."
Natigilan ako sa nasabi niya. Nagdilim naman ang paningin ko sa kanya. Ibinaba ko ang kape na hawak-hawak ko at seryosong tinitigan siya.
"What the heck? Do you think I will fall in love with a jerk? Ilang babae na ba ang na-i-uwi niya sa bahay at ipakilala sa Mama niya na jowa niya? Ilang babae na ba ang sinabihan niyang 'mahal kita' pero nauwi lang din sa wala? I'm not dumb enough to fall for one of his schemes kung ma'y balak man siya."
"Hindi mo pa kasi nararanasang umibig."
Natigilan ako. It's like walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang mga katagang sinabi sa'kin ni Kuya.
"Hindi mo pa kasi nararanasang umibig."
"W-whatever."
"I want to show you something." Tumingin ako sa kanya at tumayo siya. "Tara?"
I'm a little bit confused pero tumayo na lang din ako. Sinundan ko siya hanggang sa makalabas kami ng café kung saan naka-park ang kotse niya.
"Pero ma'y trabaho ka pa, Kuya."
Sumakay na siya sa kotse at naiwan ako sa labas. Baka ako pa kasi ang maging dahilan ng pagka-sisante niya.
"Okay lang, nagpaalam na ako
kanina." Tumango na lang ako at sumakay na sa kotse.
________
I'm still confused kung saan kami paroroon. Pero tumigil kami sa isang parke. It looks familiar to me. Ang mga puno na hile-hilerang nakatayo dito, 'yung mga bench kung saan madalas couple ang nakaupo na ang sarap itulak sa pond, 'yung mga ibon na nagkalat sa lupain.
Everything looks familiar.
"Dad used to bring us in this place." He said and smiled bitterly.
Now, I know why it looks so familiar.
Everything makes sense now.
Dad, I miss you.
"But this isn't the reason why I brought you here." Napatingin ako sa kanya and gave him a confused look.
"Then what?"
"Look at them." Sinundan ko ang tingin niya sa dalawang taong masayang nag-uusap. They look like a couple.
"Hindi mo naman sinabi sa'kin na magiging creepy stalker tayo." Natawa ako ngunit seryoso pa din siyang nakatingin sa mag-couple.
Inggit lang si Kuya 'e.
"Don't you know who they are? Palagi ko silang nakikitang magkasama
dito."
"Medyo madilim na, hindi ko makita."
Napansin ko na malapit nang mag-sunset kaya naman as a photographer,this is the most exciting part!
"Dala mo ba 'yung DSLR Camera natin?"
"Yes." Ma'y kinuha siya sa passengers seat ng kotse at inabot sa'kin ang camera. "What do you have in mind? Kung pareho tayo ng iniisip, sinasaktan mo lang sarili mo."
"Paano ako masasaktan 'e hindi ko nga sila kilala."
I chuckled as I see his worried face.
Lumabas na ako mula sa kotse at binuksan ang camera.
"This would make a beautiful silhoutte." I whispered under my breath.
Mas lalo pa akong napangiti ng mag-yakapan ito.
I tried to make a beautiful angle and slowly pressed down the shutter button. But I didn't notice that the flash was on. Before I even had the chance to hide behind the car, they turnround and caught me off-handed.
It's Felix and Stacey.
Together.
Hugging each other.
Isang kirot sa dibdib ko ang naramdaman ko.
Nani?!
This same feeling again.
Shit.
Pero no'ng nakita nila kung sino ako, biglang kumawala si Felix sa pagkakayakap niya kay Stacey.
Stacey awkwardly waves her hand to me. Hindi naman makatingin ng diretso sa akin si Felix.
I knew it. Alam ni Stacey na fake lang ang relasyon namin. And maybe they didn't really broke up. It's just for a show. Ang talino mo, Felix.
"Don't worry, napagdaanan ko na din 'yan. 'Yung klaseng naggagamitan kayo for each other's own benefit. Sinasaktan niyo lang ang sarili niyo."
Shit.
This is wicked.
Wow, ang laki ng nai-tulong ni Kuya Marco. Mas pinalala niya 'yung sitwasyon.
Bakit niya ba ako dinala dito?! Anong gusto niyang ipamukha sa'kin?!
Pumasok na ako sa loob ng kotse at sinamaan ko siya ng tingin. Masama ang loob ko kay Kuya but the next thing he said cleared my mind.
"Whatever you do, don't fall in love with Felix Trono."
Nawala ang inis na namumuo sa'kin kanina. And realize the things that he wants me to understand.
I see.
Everything makes sense now.
Ayaw niya akong masaktan. He knows Felix well.
Felix still loves Stacey.
"I won't." Pagtugon ko sa kanya.
Hindi ako nasasaktan, pero kung dumating man sa puntong magkagusto ako sa kanya...
I won't let it.
________
Hinatid na ako ni Kuya Marco kina Tita Francine. Bumalik na si Kuya sa trabaho pagkatapos akong ihatid. Napuno naman ang usapan namin ng puro pangaral niya. Mabuti na lang at
hindi kalayuan ang parke sa bahay nina Tita, binging-bingi na talaga ako sa kanya.
Edi siya na 'yung love expert!
Nandito ako ngayon sa bahay nina Tita at pina-upo muna ako sa living room. Binuhay pa nga ni Tita 'yung TV tapos naglabas ng maraming chips.
Mag-feel at home daw ako pero syempre hiya mode tayo.
Kung susundin ko lang 'yung sinabi ni Tita, baka mapalayas pa ako.
"Marzia, kamusta ka na?" Tanong ni Tita. Umupo siya sa ma'y sofa na katapat ko.
"Okay lang po ako, Tita. Kayo po ni Felix?"
"Ayus lang din ako, pero alam mo mas okay na okay si Felix ngayon! Simula nang dumating ka, naging productive 'yon. Hindi 'yon marunong maglinis ng gamit at gumawa ng kahit anong gawaing bahay pero nagpapaturo ngayon kay Manang! Sinabi ko kasi sa kanya na napakasipag mong bata kaya naman ginaya ka niya! Si Felix talaga."
Teka nga lang. Ilang araw pa lang ba akong namamayani sa pamamahay nila to think na nagbago si Felix simula nang dumating ako.
Kahapon lang, guys.
Oh my genie. Bakit ganito si Tita? Hindi, bakit ganon si Felix? Bakit niya binibigyang motibo si Tita to think na dahil sa'kin? Is this some kind of a joke? Because it's not funny. Sobra lang.
"Ayt, Tita. Na-inspire ba masyado sa'kin 'yon?" Natawa naman kaming dalawa.
"Nagsisimula na nga ulit siyang sumayaw 'e! Dun kasi sa States kumuha siya ng mga dance lessons dahil sa kapatid niyang mapilit. Isinumbong siya sa Daddy niya kaya 'yon pumayag din! Natutuwa nga ako, feel ko inspire na inspire sayo ang anak ko." Namula naman ako dahil sa hiya.
Dancerist ka pala Felix ha.
At dahil naisingit niya na din naman ang tungkol sa Daddy ni Felix. Mind as well ask my question at hindi na talaga ako mapakali. I find it interesting.
"Tita, pwede ko po bang matanong kung nasaan ang Daddy ni Felix?" She gave me a smile before answering my question.
"Nasa Amerika ang Daddy niya, ija. Inaalagan kasi niya ang dalawa pang kapatid ni Felix na nag-aaral doon." I slowly nodded.
"Bakit po naiwan si Felix dito?"
"Mas gusto niya daw kasi sa Pilipinas, at alam mo ba ija, ma'y hinahanap daw kasi siyang babae dito!" I forced a laugh kahit gustong-gusto ko ng batukan si Felix.
Tengene.
Pinagpalit 'yung magandang oportunidad para sa isang babae!
Babae lang 'yon! Madami pang iba diyan.
My geez, Felix. Pinasasakit mo ulo ko.
Kung ako sa kanya doon na lang ako nag-aral. Baka doon pa ako makahanap ng foreigner na magmamahal sa'kin.
Ang malas siguro nung babae kapag nahanap niya 'to.
"Mama Bear, I'm home---"
Natigilan siya nang makita ako. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.
Hmmm. Mama Bear pala ha.
"Felix! Bakit hindi mo sinundo si Marzia?" Tanong ni Tita sa kanya. Napatingin sa'kin si Felix bago magsalita.
"Ayaw niya naman 'e. Gusto sa iba, Ma. Wala akong magagawa, hinayaan ko na lang."
Sa pananalita niya, mukhang iba ang tinutukoy niya 'e. Ano bang gusto niyang iparating?
Anyways, sino namang hampaslupa na ayaw sa libreng hatid-sundo?! Sayang pamasahe, duh.
Tiningnan ko siya at nagdere-deretso siya sa kwarto niya. Tiningnan ko si Tita na nakangiting tumingin sa'kin.
"Tita, puntahan ko na po?"
Hindi ko alam kung nagtatanong ba ako o nagpapaalam sa kanya. Tinanguan na lang ako ni Tita at naglakad na ako patungo sa kwarto niya.
I peek in his room at baka nagbibihis na naman siya, kaso wala siya dito.
Umupo ako sa kama niya kaso parang ang sarap higaan 'e. Dumapa ako dito at di ko namalayan na unti-unti na pala akong dinadapuan ng antok.
Before I even lose my consciousness, I felt someone's lips on my forehead.
________
Yow, fam.
Don't forget to hit that vote button!
Happy Reading (wink)