Chereads / Mahal Kita, Severino / Chapter 18 - Kabanata 16 ✓

Chapter 18 - Kabanata 16 ✓

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang tinulak ngunit ilang beses niya ring hinawakan nang mahigpit ang aking buhok, magkabilang braso upang hindi ako makapapumiglas at mariing hinahawakan ang aking bibig.

Ramdam ko na rin na naghahalo na ang aking luha at sipon dahil wala pa rin akong tigil sa pag-iyak na nagpapahina lalo sa aking katawan. Pakiramdam ko'y tila isa na akong lantang-gulay na matagal nang hindi nasisikatan ng araw at hindi nadidiligan.

Binigyan niya ako ng isang halik sa labi matapos siyang tumayo upang magbihis. "Maraming salamat sa gabing ito, Binibini, lubos akong nasiyahan sa iyong serbisyo. Nawa'y ganoon nasiyahan ka rin." Narinig ko pa ang mahina niyang tawa.

Ako ay tumagilid, nakatalikod mula sa kanya at napayakap sa aking buong katawan. Naramdaman ko na lamang ang matigas na bagay na tumama sa aking katawan at ang iba ay nahulog sa papag. Nang sundan ko ito ng tingin, mas lalo lamang akong naiyak nang makita ko ang ilang barya na kanyang hinagis. Ito na ba ang aking halaga ngayon? Iilang barya kapalit ng aking pagkakabae't dignidad?

"Sampung piso iyan, Binibini, malaki na ang aking ibinayad kay Doña Israel ngunit iyang kwarta na iyan ay para sa iyo upang mabili mo ang mga nais mong bilhin. Hanggang sa muli, Binibini, nawa'y hindi ito ang huli nating pagkikita. Maraming salamat sa masarap na gabi." Naramdaman ko na lamang ang mainit niyang labi sa aking buhok at tuluyan nang umalis.

Marahas kong inalis sa aking katawan ang mga baryang ibinayad niya sa akin at sumigaw ako nang walang tinig upang walang makarinig. Mariin kong pinunasan ang aking katawan hanggang sa ito ay humapdi para lamang mawala ang bakas ng iniwan niyang pangbababoy sa akin. Tahimik lamang akong humihikbi habang inaalala ang mga pangyayari. Wala man lang akong kalaban-laban. Hindi ko man lang naipagtanggol ang aking sarili. Dahil sa sobrang bigat ng aking dibdib at mabigat na mata, pumikit ako sandali. Nais kong matulog at magpahinga na lamanhmg pang habang-buhay. Nawawalan na ako ng pag-asa sa nangyayari ngayon. Wala akong mahingan ng tulong. Nag-iisa na lamang ako ngayon.

Ngunit hindi pa tapos ang gabing ito, mayroong pang susunod. Nang ako ay tumayo na, naramdaman ko ang malamig na bagay sa aking paa. Nakita ko ang isang piso na aking natapakan.

Sumagi sa aking isipan ang sinabi ng babaeng nag-ayos sa akin na malaki ang kanilang naiipon dito dahil nga sa ibinibigay na pera ng mga kalalakihan. Pinulot ko lahat ng ito habang inisiip ang nakangiting mukha ni Delilah noong isinuot niya ang aking iniregalo na baro't saya noong kaarawan niya. Iipunin ko na lamang ito upang maibigay sa kanya ang magandang buhay kahit katawan ko pa ang kapalit.

Paglabas ko ng silid, nakita ko ang dalawang babae na masayang nakikipag-usap sa kanilang panauhin ng nakayakap sa kanila ang mga ito. Marahil ay nasanay na lamang sila o pinili nila itong trabaho upang makapag-ipon agad.

Pagtingin nila sa akin, tiningnan nila ako mula ulo at paa sabay nagtawanan at umalis. Nakaramdam ako ng awa at pandidiri sa aking sarili. Ito ang kauna-unahang beses na mayroong tumingin sa akin sabay pinagtawanan. Napayuko na lamang ako at dumiretso sa palikuran upang maghilamos.

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin na ngayo'y magang-maga na ang mga mata, nagkalat na rin ang pulang kolorete sa aking labi, magulo ang buhok at namumula ang leeg dahil sa kanyang kalmot. Nais kong humagulhol ulit ngunit ang mga mata ko mismo ang sumuko, wala ng mailabas na luha. Sumilay na lamang ang ngiti sa aking labi. Nakakatawang isipin. Ilang beses akong nagtrabaho para lamang mabigyan ng magandang buhay ang aking kapatid matapos yumao ng aming mga magulang, minsan pa'y hindi sapat ang maliit na sahod sa pagiging kasambahay ngunit ngayong gabi lamang, nagkaroon agad ako ng sampung piso bagay na mahirap para sa aking ipunin.

"May tao ba rito?" rinig kong tanong ng isang babae. Agad kong inayos ang aking sarili at tumitig muli sa salamin sa huling pagkakataon.

Ako ay yumuko nang lumabas mula sa palikuran. Ayaw kong pagtawanan muli dahil lamang sa aking itsura. Mas lalo lamang akong nandidiri sa aking sarili. Dumiretso ako sa silid kung saan ako pumasok kanina upang hintayin ang susunod kong panauhin.

-------------------Agosto 11, 1895----------------

Hindi ko lubos maisip na ako ay apat na araw nang naririto. Kasalukuyan akong narito sa aking silid at tahimik lamang nakatanaw sa labas ng bintana sa mga tao at karwaheng dumadaan. Apat na araw ko na ring hindi nakikita si Delilah. Kumusta na kaya siya? Batid ko namang hindi siya pababayaan ng aking mga kasama dahil kapatid na rin ang turing nila sa kanya ngunit iba pa rin kung ako mismo ang nag-aalaga sa kanya.

Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ko ang isang lalaki na bumaba mula sa isang karwahe. Mababakas sa kanyang tindig at paraan ng pananamit na mula siya sa mayamang pamilya. Kasalukuyan siyang nakaharap sa aking kinapupuwestuhan ngunit hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha sapagkat siya ay natatakpan ng isang lalaki na kanyang kausap.

"Emilia, ano ang ginagawa mo rito sa iyong silid? Bakit ikaw ay nagmumukmok?"

Hindi ko siya nilingon subalit batid ko namang lalapit siya sa akin upang tumabi. Sa apat na araw na aking itinagal rito, siya lamang ang nagtitiyagang kumausap kahit batid niyang hindi ko siya masyadong kinakausap. Hangga't maaari ayaw kong magkaroon ng koneksyon sa mga tao rito dahil hindi rin magtatagal ay isasagawa ko ang aking binabalak.

"Ikaw ba ay galit pa rin sa akin dahil hindi kita tinulungan na makatakas dito?"

"Batid ko namang hindi mo gagawin iyon." Wala naman akong maaasahang ibang tao rito bukod sa aking sarili. Lahat sila ay nakatali sa mga kamay ni Doña Israel at ni isa sa kanila ay marahil wala pang sumuway.

"Siya nga pala, hindi ko naitanong nitong nagdaang araw kung kumusta ang trabaho mo rito lalo na kay Ginoong Margarito?"

Napakunot ang aking noo at tumingin sa kanya? Sino ang lalaking iyon? "Ginoong Margarito?"

Diretso lamang ang kanyang tingin sa ibaba kung saan makikita ang mga taong dumadaan. Narooon pa rin ang dalawang lalaking nag-uusap. "Margarito ang kanyang pangalan, ang iyong unang panauhin."

Sinundan ko ng tingin ang direksyon kung saan nakatuon ang kanyang mga mata ngayon. Muling nanumbalik ang paghihinagpis at sakit sa aking puso nang masilayan ko na ang kanyang mukha na ngayo'y nakangiti sa kanyang kausap bago ito magpaalam at muling sumakay sa karwahe. "Margarito, ha?" Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay at pag-iinit ng aking mga mata nang muli kong maaalala ang aking naranasang kalupitan sa kanyang mga kamay. Siya ang kauna-unahang lalaki na nagdumi at nagyurak sa aking pagkababae.

"Kabilang ang kanilang pamilya sa principalia kaya't malaya siyang gawin ang nais niya kahit kanino man."

"Principalia? Ano iyon?" sabay lingon ko sa kanyang muli. Pakiwari ko'y hindi ito ang unang beses na narinig ko ang katagang iyan ngunit hindi ko lamang matandaan ang kahulugan.

"Ang mga pilipinong kasama sa pangkat ng principalia ay ang mga inapo ng mga datu, maharlika at mayayamang haciendero o iyong nagmamay-ari ng lupa at mga pinuno ng pamahalaang lokal."

Tama nga ako, siya ay kabilang sa mayamang pamilya ngunit nakakagulat na hindi lamang pala siya basta-bastang tao. Mayroon siyang kapangyarihan na wala sa iba. "Paano mo siya nakilala? Isa ka rin ba sa mga taong naglingkod sa kanya?"

Siya ay marahang umiling, tumingin sa akin at ngumiti. "Hindi. Hindi pa ako nakakapaglingkod sa kanya."

"Bakit?" Ano ang kanyang dahilan? "Kilala mo ba siya?"

"Noong gabing pinaglingkuran mo siya, naroon ako sa tapat ng iyong silid. Dinig ko ang iyong paghihinagpis at sakit lalo na noong ikaw ay humingi ng tulong."

"Ano?" Napaawang aking labi at lumalabo na rin ang aking paningin. Sandali akong tumingin sa itaas upang pigilan ang aking luha sa pagtulo ngunit huli na ang lahat. "Naroon ka pala bakit hindi mo ako tinulungan?"

Kita ko ang lungkot at awa sa kanyang mga mata at bahagyang hinarap sa akin ang kanyang katawan. "Patawad, Emilia, ngunit ako ay walang kapangyarihan upang gawin iyon."

"Ngunit kahit ikaw na lamang ang naglingkod sa kanya, kahit iyon na lamang ang iyong gawin para sa akin. Hindi ba maaari iyon?" sambit ko at muling tumingin nang diretso sa kanyang mga mata. Akala ko walang nakakarinig sa akin noong gabing iyon. Kung tinulungan niya lamang ako, e, sana hindi mangyayari iyon.

"Hindi maaari, Emilia, hindi maaaring saluhin ng isang tao ang kanyang panauhin para lamang makawala siya. Ikaw ba'y hindi pa nadadala sa ginawa sa iyo ng bantay ni Doña Israel? Hindi pa ba sapat sa iyo ang isang malakas na suntok na iyong natamo?"

"Ngunit hindi mo ako tinulungan! Hinayaan mo lamang akong babuyin ng taong iyon!" Napahilamos ako ng aking mukha at napayuko. Napupuno ang galit ang aking puso, kahit katiting man lang ay wala na akong nararamdaman para sa mga taong hinayaan lamang ako. Naiintindihan ko naman ang kanyang sinasabi ngunit sana tinulungan niya lamang ako kahit papaano. Naging impiyerno ang aking buhay dahil dito, ng dahil kay Doña Lucia. Hindi ko siya mapapatawad sa kanyang ginawa.

"Huwag mo naman sana akong sisihin sa nangyari sa iyo, Emilia, pare-pareho lamang tayong walang magawa rito." Siya'y humugot ng isang malalim na hininga at napansin ko ang isang likido sa kanyang hita na sinundan pa ng ilang patak. "Batid kong isang gabi ay babalik siyang muli at ikaw ang muling maglilingkod sa kanya.

"P-Paano mo nasabi?" Batid kong maaaring bumalik ang mga taong minsan ng pumunta rito ngunit hindi pumasok sa aking isipan na ako ang muling maglilingkod para sa kanya.

"Binabalikan niya ang mga taong nakakakuha ng kanyang atensyon, Emilia" sabay tingin niya sa akin. "Hindi ikaw ang kauna-unahang beses na naglingkod sa kanya na kanyang binalikan. Ikaw ang pangatlo."

"P-Pangatlo? A-Ako ay naguguluhan. Ano ang iyong ibig sabihin?" At sino ang dalawang taong nauna sa akin?

"Kahit anong naisin ng lalaking iyon sa mga babaeng kanyang nagugustuhan dito sa bahay-aliwan,  ay hindi tinututulan ni Doña Israel sapagkat malaki ang utang na loob niya sa pamilyang kanyang pinagmulan."

"Utang na loob? Bakit hindi mo na lamang ako diretsuhin, Miguelita?"

"Ang lupaing kinatitirikan nitong bahay-aliwan na pagmamay-ari ni Doña Isarel ay isa sa pagmamay-ari ng pamilyang Asuncion - ang pamilya ni Ginoong Margarito." Sandali siyang huminto sa pagsasalita at tumingin sa labas. "Kaya't ganoon na lamang ang utang na loob ng doña sa kanila. Isa lamang ito sa lupain ng pamilya Asuncion na hindi na gaanong ginagamit kaya naisip nila na ibigay ito kay Doña Israel para makapagtayo ng isang negosyo."

"At ang negosyong iyon ay ipagbilli ang katawan ng mga kababaihan?"

"Biktima rin si Doña Israel sa ganitong kalakaran noong kabataan niya. Hindi naman sumagi sa isipan ng pamilyang Asuncion na ito ang kanyang negosyong itatayo."

Si Doña Isarel ay biktima rin? Ngunit bakit ito ang kanyang ikinabubuhay kung mayroon na siyang masamang karanasan dito? Hindi ba't dapat siya lamang ay umiwas dahil batid na niya ang hirap? At tila bakit maraming alam si Miguelita patungkol dito? Gaano na ba siya katagal sa pagtatrabaho rito? Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magtanong muli ngunit bumukas ang pintuan kaya sabay kaming napalingon at iniluwa roon si Doña Israel.

"Miguelita, inihanda mo na ba ang gagamitin ng ating espesyal na panauhin mamaya?"

Espesyal na panauhin? Sino kaya iyon? Hindi kaya ang ginoong iyon o si Heneral Cinco?

"Nakahanda na po lahat."

Ako ay palihim na napahawak sa aking braso nang tumaas ang aking balahibo nang magtama ang aming mga mata ni Doña Israel. Ngayon lamang din nag-iba ang tingin ko sa kanya mula nang aking malaman na hindi rin pala siya naiiba sa akin. Bahagya akong nakaramdam ng awa sa kanya dahil batid kong hindi ito madali para sa kanya ngunit nangingibabaw pa rin ang galit sa aking puso. Malaki pa ring palaisipan para sa akin kung ano ang nagtulak sa kanya upang itayo rito.

"Ako ay magpapaalam na, Emilia, huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa rito," sambit niya bago umalis.

****

"Tunay na ikaw ay mahalimuyak, Binibini," sambit niya habang patuloy na inaamoy ang aking buhok, sa tainga pababa sa leeg.

Hindi na ako makapapumiglas pa dahil tuluyan nang nanghina ang aking katawan dahil sa ginawang pagmamaltrato sa akin ni Miguelita na iniutos sa kanya ni Doña Israel.

"Doña Israel, para na iyong awa, iba na lamang po ang aking paglilingkuran huwag lamang ang ginoong iyon," wika ko nang nakaluhod at nakatingala upang tignan si Doña Israel na diretso lamang nakatingin sa akin.

"At sa iyong palagay ako ay makikinig sa hampaslupang tulad mo?" Sinipa niya ako sa aking braso gamit ang kanyang matulis na sapatos kaya ako ay napahiga sa papag at pinagpapalo ng kanyang malaking abaniko.

Sa abot ng aking makakaya, sinikap kong lumuhod at tiisin ang sakit at hapdi sa aking katawan dulot ng mga sugat. Wala akong panahon para manghina. Kailangan kong maisagawa ngayon ang aking plano upang makatakas dito.

Nanginginig ang aking kamay habang inaabot ko ang kanyang kanang kamay upang hawakan ngunit tinabig niya lamang ang aking kamay. "Para na pong ninyong awa, kahit sino na lamang po, huwag lamang po siya." Ayaw ko na muling maranasan ang aking sinapit sa kamay ng lalaking iyon. Mas nanaiisin ko pang paglingkuran ang ibang ginoo kaysa sa kanya. Ngunit paano kung mayroon pang mas masahol pa sa kanya at mas malala ang aking sasapitin? Isa lamang ang tumatakbo sa aking isipan, ayaw ko muling matali sa kanyang kamay.

"Ikaw ay walang karapatan para tanggihan ang pabor ni Ginoong Margarito. Siya ay isa sa aking pinakamahalagang panauhin kaya't nararapat lamang na ibigay mo sa kanya ang lahat ng kanyang nanaisin! Naiintindihan mo ba, Emilia?!" Tinulak niya ako nang malakas kaya muli akong napahiga sa papag at pinagsisisipa. Isa, dalawa, tatlo, apat at hindi ko na mabilang pa na sunod-sunod na sipa ang aking nakuha mula sa kanya na tumatama diretso sa aking tiyan kaya't ako ay agad na tumagilid upang maproteksyunan ito. Sumunod na tumama sa akin ang kanyang malakas na pagkakasipa sa aking braso at hita na napupuno na rin ng mga sugat.

"Miguelita, mas mainam kung ikaw ang gagawa nito, hindi ba?"

"P-Po?"

"Batid mo naman kung sino ang susuway sa aking nais ay mapaparusahan. Dahil matigas ang ulo ng iyong butihing kaibigan, bakit hindi mo siya turuan ng leksyon upang matuto?"

"D-Doña I-Israel..."

"Hindi mo kaya? Nais mo rin bang matulad sa kanya?"

"H-Hindi po."

"Ano pa ang iyong hinihintay? Umpisahan mo na. Tigilan mo lamang kapag nakita mong siya ay lupaypay na."

Ako ay umiiling, nakapikit habang iniinda pa rin ang sakit. Bumalik sa aking isipan ang ginawa sa akin noon ni Doña Lucia nang ako ay kayang saktan sa unang pagkakataon. "H-Huw...ag." Huwag kang makinig sa kanya, Miguelita, ginagamit ka lamang niya para ako ay saktan. Wala silang pinagkaiba ng kanyang kaibigan.

Unang lumapat sa akin ang kanyang matulis na sapatos sa aking pisngi kaya naramdaman ko ang biglaang paghapdi at pagtulo ng dugo na dumadaloy sa gitna ng aking ilong pabagsak sa papag.

"Lakasan mo pa!" sigaw ni Doña Israel kaya mas nilakasan niya ito.

"Aaaaaa." Ang s-sakit. Bakit ba ito nangyayari sa akin? Ano ba ang aking nagawa para sapitin ito? Sa aking pagkakaalala ako ay walang ginawang masama sa aking kapwa. Sino ba ang aking nasaktan para mangyari sa akin ito? "T-Tama n-na."

Hindi na kaya ng aking katawan na labanan pa ang sakit. Pakiramdam ko'y tumatagos sa aking kalamnan ang tulis ng kanyang sapatos at minsa'y tumatama pa mismo sa aking mga sugat. Sinubukan kong iangat ang aking mukha upang makiusap sa kanya ngunit bigla na lamang akong naubo ng sipain niya ng dalawang beses ang aking likod.

D-Dugo.

May dugo ang aking pag-ubo.

"Ikaw na bahala riyan, Miguelita, dalhin mo na lamang siya sa kanyang silid bago pa magtungo rito si Ginoong Margarito. Huwag mo rin siyang pakainin o painumin man lang ng tubig."

"Masusunod po, Doña Israel."

Narinig ko na lamang ang yabag ng mabibigat na hakbang ni Doña Israel kasama ang kanyang mga alipin.

Naiwan na lamang kaming dalawa ni Miguelita na ngayo'y hinahawakan ang aking ulo at humihikbi. "E-Emilia, p-patawad."

Napaungol na lamang ako bilang tugon. Nais ko na lamang mahiga sa kama at magpahinga. Mas malala pa ito sa aking sinapit sa kamay ni Doña Lucia, e.

"Dadalhin na kita sa iyong silid at ako ay kukuha ng gamot upang gamutin ang iyong mga sugat." Ako ay kanyang inalalayan. Muntikan pa kaming bumagsak dahil nawalan siya ng balanse upang ako ay akayin. Marahil ay hindi niya nakayanan ang aking bigat.

Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit pinaghalong luha at dugo na lamang ang aking naaaninag. Sobrang bigat na rin ng aking ulo at lupaypay na ang aking katawan. Ilang araw na naman ang aking titiisin para ito ay gumaling.

Nang maihiga na niya ako sa kama, tumulo sa aking pisngi ang kanyang luha. "P-Patawad kung ako ay walang magawa, Emilia. Hayaan mo ikaw ay aking tutulungan upang makalabas dito. Hindi ba't naghihintay na sa iyo ang iyong kapatid?"

Sinubukan kong itutok sa kanya ang aking paningin upang makita nang malinaw ang kanyang mukha. Tila nabuhayan ang aking puso sa kanyang sinambit ngunit nanumbalik sa aking isipan na wala siyang magagawa upanh matulungan ako. "P-Paano? H-Hindi ba't...hin...di m-mo kayang ga...win...i-iyon?"

"Hindi ko na kayang makita kang minamaltrato ng ganito. Ako ay awang-awa na sa iyo. Sa tinagal ng aking pamamalagi rito, ikaw lamang ang aking nakita na sinaktan nang ganyan, Emilia, bagay na hindi pangkaraniwan. Hindi naman ito ang unang beses na uminit ang kanyang ulo ngunit ito ang unang beses na mayroon siyang sinaktan."

Paanong hindi pangkaraniwan? Nais ko sanang magtanong pa sa kanya ngunit hindi ko na kayang mgsalita pa bagkus pinagsalubong ko na lamang ang aking kilay indikasyon na ako ay naguguluhan.

"Kapag mayroong sumuway sa kanyang ipinag-uutos o sa nais ng kanyang panauhin, hindi lamang niya ito pinapakain at pinapainom ng tubig bilang parusa ngunit hindi niya ito pinagbubuhatan ng kamay dahil makakasira iyon sa imahe ng isang bayaran na babae. Ayaw na ayaw nga niyang padapuan ng kahit na lamok o magkaroon man lang ng maliit na galos ang mga kababaihang nagtatrabaho rito dahil hindi magandang humarap sa panauhin ng mayroong maraming galos at hindi makinis na balat. Hinding-hindi iyon magugustuhan ng mga panauhin kapag nakita nilang hindi kaaya-aya ang babae. Kaya't labis kong ipinagtataka kung bakit ikaw ay kanyang sinaktan at ipinag-utos pa sa akin hanggang ikaw ay manghina."

Tumulo na lamang ang aking luha sa aking nalaman. Kaya pala sinabi niyang hindi pangkaraniwan dahil hindi talaga. Marami ng tanong sa aking isipan at dumagdag pa ito sa aking iisipin. Bakit niya ito ginawa sa akin? Kulang na lamang ako ay kanyang patayin - hindi pakakainin at paiinumin ng tubig tapos sinaktan pa ng sobra. Sana pinatay na lamang niya ako para hindi na ako maghirap pa ng ganito.

"Tutulungan kita. Ako ay mag-iisip ng paraan para ikaw ay makalabas dito."

"Tu-tubig, pa...hingi a-ako ng tu...big," bulong ko. Nanatili akong nakapikit habang hinahayaang maglakbay ang malalaking kamay ni Margarito sa aking dibdib at pinipisil-pisil pa ito ng walang pakundangan.

"Tubig? Nais mong uminom ng tubig?" rinig ko ang malalim niyang tinig habang patuloy sa kanyang ginagawa.

Marahan akong napatango. Tuyo't na tuyot na ang aking lalamunan. Tanging laway ko na lamang ang ginagawa kong tubig para lamang mabasa ang aking lalamunan.

"Ngunit ang sambit ni Doña Israel ay huwag ka raw painumin, hindi ba?"

"P-Para mo ng a...wa. Aaaaaa." Ako ay napadaing ng mariin nang kagatin niya ang aking dibdib at marahas na hinawakan ang aking pagkababae. "T-Tama n...aaa."

"Baka iyong isipin na hindi ako mabuting ginoo, Binibini, huwag kang mag-alala ako ay manghihingi." Dinampian niya ako ng halik sa aking labi bago siya lumayo. Narinig ko pa siyang nagsalita at nanghingi ng tubig sa isang binibini na napadaan sa aming silid. "Ito na, Binibini. Ikaw ay bumangon muna."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at itinukod ang aking braso sa higaan upang makabangon ngunit sadyang wala na akong lakas kaya bumagsak din agad ako.

"Aalalayan kita, Binibini." Naramdaman kong itinaas niya ang aking ulo at marahang iniupo. Ako ay nakasandal sa kanyang braso na nasa aking likuran na sumusuporta sa akin habang siya ay nakaharap sa akin. Nakita kong iniabot niya sa akin ang isang baso ng tubig ngunit nang ito ay aking aabutin, inilayo niya rin ito.

"A-Akin na, G-Ginoo." Sa abot ng aking makakaya, ako ay lumayo sa kanya mula sa pagkakasandal at kumapit sa dulo ng higaan upang makaupo nang maayos.

Dahan-dahang sumilay sa kanyang labi ang isang mapanglokong ngiti at marahang itinapon ang tubig sa papag.

Nanlaki ang aking mga mata at mariing napalunok. "B-Bakit mo---."

"Maaari ka ng uminom, Binibini."

"Paano ako makakainom k-kung---."

"Maaari mo pa rin naman iyang inumin kahit natapon na sa papag, hindi ba?" Marahas niyang hinawakan ang aking buhok at inilapit niya sa akin ang kanyang mukha. "Sa iyong palagay ako ay tanga para painumin ka na lamang? Nalilimutan mo siguro ang iyong parusa? Huwag kang mag-alala sinabi sa akin ni Doña Israel na huwag kang painumin ng tubig kung sakali mang ikaw ay manghingi ngunit dahil ako ay mabait, siya ay aking sinuway."

Tumulo muli ang aking luha habang nakatingin sa kanya nang diretso. "H-Hayop ka, G-Ginoo."

Itinayo niya ako gamit ang paghila sa aking buhok, malakas na ibinagsak sa papag at tumama ang aking mukha sa tubig.

"O, ayan uminom ka. Hindi ba't ikaw ay nauuhaw?" Hindi niya binitiwan ang aking buhok bagkus mas lalo pa niyang isinubsob ang aking mukha sa papag (sahig) dahilan upang mainom ko kaunti ang tubig.

"W-Wala kang p-puso!"

Marahan niyang hinaplos ang aking hita papunta sa aking salumpuwit at walang pakundangang pinisil-pisil ito. "Ngayon lamang kita nakita rito sa bahay-aliwan, Binibini, baguhan ka rito, ano?"

Nanlalabong muli ang aking mata dahil sa pamumuo ng aking luha. Napatingin na lamang ako sa tubig dito sa aking mukha at ako'y natatakam na sipsipin iyon. Tuyong-tuyo na talaga ang aking lalamunan at ramdam ko na rin ang paghahapdi nito sa ilang beses kong paglunok.

Dahan-dahan ko itong sinipsip kasabay ng pagtulo ng aking luha. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin. Tila ako ay ginawang aso na uhaw na uhaw. Kaunting tubig lamang ang ibinigay.

"Ang kinis naman ng iyong balat kahit marami kang galos, Binibini. Ikaw ay marikit ng mayroong saplot ngunit ikaw ay mas maganda kung hubo't hubad. Tinitigan mo na ba ang iyong sarili sa harap ng salamin? Nakita mo na ba kung gaano kaganda ang hubog ng iyong katawan?" Mahihimigan sa kanyang tinig na siya'y lubusang nasasabik sa aking katawan na aking labis na ikinatayo ng aking balahibo kasabay ng hangin na pumasok sa silid.

Ako ay magsasalita na sana nang biglang mamatay ang ilaw sa gasera. Nababalot ng dilim ang buong silid at tanging malakas na bugso ng ulan ang tanging maririnig.

Kinuha ko na rin ang pagkakataon na ito upang makawala sa kanyang mga kamay. Siya ay aking sinipa sa abot ng aking makakaya at mabilis na gumapang palayo sa kanya.

"Aaaaa," daing niya. "Binibini, huwag kang magkakamaling kumawala sa akin. Ikaw ay hindi makakatakas. Ha.ha.ha." Para siyang sinapian ng masamang espiritu sa kanyang pagtawa. Nakakakilabot at tila handang gumawa ng masama makuha lamang ang kanyang nais. May sira na ang iyong utak, Margarito.

Nagtago muna ako sa gilid ng higaan at tinakpan nang bahagya ang aking ulo upang hindi makita. Dumako ang aking mata sa bintana na nakaawang nang kaunti. Kung bubuksan ko iyon, mabilis lamang niya akong makukuha dahil masakit pa rin ang aking katawan. Ako ay mahihirapan na makababa at makakatakbo paalis.

Nasaan na ba si Miguelita? Sinabi niya sa akin na ako ay kanyang tutulungan ngunit mula nang dumating dito ang lalaking ito, hindi ko pa siya nakikita.

Narinig ko na lamang na mayroong dumaing sa sakit at bumulagta sa papag.

"Emilia?"

Ako ay napaayos ng upo at napahawak sa kahit saan. "Mi-Miguelita?" Hindi ako maaaring magkamali, tinig iyon niya iyon. Nagsimula na namang manubig ang aking luha. "T-Tulungan mo ako. Nasaan k-ka?" Ako ay tumayo at dahan-dahang naglakad kahit wala akong nakikita.

Mayamaya pa, nakita ko na lamang ang liwanag na bumalot sa buong silid nang sindihan niya ang gasera. Napako ang aking mata sa isang pigura ng lalaki na ngayo'y nakatingin sa akin habang tumutulo ang luha.

Tiningnan niya ako ng kabuuan na tumagal ng ilang segundo, agad na lumapit sa akin, kinuha ang makapal na sapin sa higaan at itinakip sa aking buong katawan. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay at makailang beses na umiling. "E-Emilia."

Ako ay napayakap nang mahigpit at napahagulhol sa kanya. "G-Ginoong Se-Severino."

---------

<3~