Knight
Hinawakan niya ang braso ko at sinusi kung may sugat ako. Ano ba 'tong ginagawa niya? Sa isip ko.
"May ginawa ba siya sa 'yo?"
Umiling ako. "Wala, buti dumating ka. Salamat, ano pala ang pangalan mo?"
"My name is S— Knight. I'm your knight and I won't let anybody touch you," sabi niya.
Knight? Parang ang weird naman ng pangalan niya. Hindi ko makita 'yong mukha niya kasi may mask siya. Pa suspense 'tong lalaki na 'to ah. Ano kayang itsura niya? Sa isip ko.
"Knight ba talaga ang pangalan mo?"
Hindi siya sumagot bagkus pumunta siya sa motor niya. Ang rude naman talaga ng lalaking 'yon. Pumunta ako sa gawi niya.
"Hoi, sino ka ba talaga? Knight ba talaga ang pangalan mo?"
Tumingin siya sa 'kin. "Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko? Gusto mo ba ako Amasia?"
Nagulat ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Tinignan ko siya. Nakatingin siya sa malayo. Napaka weird talaga ng lalaking 'to.
Hinarap ko siya. "Pa'no mo nalaman ang pangalan ko?"
Umangkas siya sa motor niya.
"'Wag mo ng tanungin. Sumakay ka na sa motor ko."
Ngumiwi ako saka umangkas sa likod niya. Na hihiwagaan talaga ako sa lalaking 'to. Una, ayaw niyang sabihin ang totoong pangalan niya. Pangalawa, alam niya ang pangalan ko. Posible kayang kilala niya ako? Sa isip ko.
"Kumapit kang mabuti kasi baka ma fall ka sa 'kin," sabi niya.
Ang yabang naman talaga ng lalaking 'to. Ako? Ma fo-fall sa kaniya? No way. Sa isip ko. Nagdadalawang isip ako kung kakapit ba ako o hindi.
"Sige na, 'wag ka ng maarte. Kumapit ka na. Tandaan mo, ako ang nag ligtas sa 'yo binibini," sabi niya sabay ngisi.
Wala akong nagawa kundi ang kumapit sa sa leather jacket niya. Sa totoo lang, matikas rin ang tindig nitong lalaking nagligtas sa akin na 'Knight' daw 'yong pangalan.
"Hindi ganiyan. Baka ma fall ka, sige ka. Masakit pa namang mahulog nang walang sumasalo," sabi niya sabay ngisi.
Lakas naman maka hugot nitong lalaking 'to. Hindi ko alam kung sino ang pinaghuhugutan niya pero parang may pinaparinggan siya.
Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at inyapos sa tiyan niya. Gosh, ano ba 'tong ginagawa niya? Sa isip ko.
"Kumapit ka ng mabuti, ayokong mahulog ka sa kaniya."
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Umiling siya. "Don't mind me. Kumapit ka ng mabuti."
Ginawa ko ang sinabi niya at buti na lang talaga ginawa ko kasi ang bilis ng pagtakbo niya. Para kaming nasa isang racing competition.
Maya-maya huminto kami sa isang fastfood chain. Anong gagawin naman dito? 'Wag niyang sabihing... kakain kami dito? Sa isip ko.
Bahagya siyang lumingon sa akin. "Bumaba ka na."
Bumaba ako sa motor niya. Pagkababa ko, tinignan ko siya. May ka text siya sa telepono niya. Na ko-curious tuloy ako kung sino ang ka text niya. Ilang saglit lang, tinago niya 'yong telepono niya sa bulsa ng jeans niya.
Pumunta siya sa gawi ko sabay akbay. "Anong gusto mong kainin?"
Sa totoo lang, naiilang talaga ako sa kaniya. Hindi ko alam kung sadiyang clingy lang siya o may gusto siya sa 'kin.
"Puwede ba, alisin mo 'yong kamay mo?" Inalis ko ang kamay niyang naka-akbay sa akin.
Huminga siya ng malalim. "Bakit ayaw mong magpa akbay? Ako na nga 'yong nag ligtas sa 'yo, ginaganito mo pa ako,"
Eh sa ayaw kong may umaakbay sa akin eh kung 'di ko naman ito boyfriend. Naiilang talaga ako t'wing may umaakbay sa 'kin. Lalong-lalo na kung 'di ko ito kilala.
"Kung ayaw mong magpa-akbay sa 'kin. Ito na lang." Hinawakan niya ang kamay ko.
Hindi na ko umangal para matapos na ito. Naglakad kami patungo sa loob ng fastfood chain. Pagkapasok namin, nagulat ako nang pinagtitinginan kami ng mga tao.
"Can't you remove your hands on me?" mataray kong tanong.
Tinignan niya ako. "Yes."
I sighed. "Whatever,"
Naglakad kami patungo sa vacant sit na malapit sa entrance. Pinagtitinginan pa rin kami ng mga tao. Hinawi ko ang kamay niya pagka-upo namin.
Hinarap ko siya. "Ano ba talagang gusto mo, ha?"
Narinig kong ngumisi siya. "Tinatanong pa ba 'yan?"
Kumunot ang noo ko. "Huh?"
Ngumisi ulit siya. "Nevermind, maiwan na muna kita dito. O-order lang muna ako ng makakain natin,"
Akala ko aalis na siya pero nagulat ako nang halikan niya ang kamay ko. I felt his soft and this lips on my hand. Nakita ko siyang naglakad papunta sa counter lane.
Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit gano'n 'yong lalaking 'yon sa 'kin. Kilala niya kaya ako? Or... he's stalking me? Sa isip ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang phone ko.
Kinapa ko ito sa bulsa ng pants ko sabay kuha. Tinignan ko muna kung sino ang tumatawag sabay sagot.
"Hello."
"Hello, did you already in your home?" tanong niya.
Paano ko sasabihin sa kaniyang hindi pa ako naka-uwi. Lintek kasi 'tong lalaki na 'to eh. Nagawa pang kumain. Sa isip ko.
"Ah, y-yeah. Naka-uwi na ako," sagot ko.
He sighed. "Thanks God you're safe. By the way, bakit ka nga pala umuwi mag-isa. I told you, I'm willing to drive you,"
Napaka maaalahanin niya talaga. Sana hinintay ko na lang siya. 'Di sana ako muntikang mapahamak.
"Sorry, hindi na muulit," sagot ko.
"Talagang hindi na, kasi do'n ka na sa office ko magta-trabaho. Para wala ka ng takas sa 'kin," sabi niya sabay tawa ng mahina.
Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano? But... why?"
"Amasia, listen to me. Mas mabuting do'n ka na lang sa office ko para 'di ka na mapag-initan ng mga ka-trabaho mo,"
Paano niya nalaman 'yon? Only me and Sabrina knows it. 'Di kaya sinabi ni Astrid sa kaniya? Or... sinabi ng mga ka-trabaho namin sa kaniya? Sa isip ko.
"'Wag ka ng magtanong kung saan ko nalaman. Basta ang importante safe ka. I want your safety Amasia," sabi niya.
"Thank you Herrick but I'm fine. You don't need to worry about me," sagot ko.
"Sigurado ka?" pagkukumpirma niya.
Ngumiti ako. "Yes"
He sighed. "Okay, then. B-Bye, take care,"
"Bye," sagot ko sabay patay sa telepono.
Maya-maya, dumating 'yong lalaking nagdala sa 'kin dito. Knight daw 'yong pangalan niya. Ang unique naman kung gayon nga.
"Hey," pagtawag niya sa 'kin sa 'di kalayuan.
Inilapag niya ang mga inorder niya sabay upo. I saw his cerulean eyes capturing mine. Umiwas ako ng tingin.
"Miss me?" tanong niya sabay ngisi.
— —
ShineInNightt