Can I kiss you?
Hindi talaga ako makapaniwalang siya ang anak ng amo ko. Ah! Bakit ba nangyayari sa 'kin 'to? Naglilinis ako ngayon ng banyo. Napaka ganda ng banyo, puwede na nga matulog dito eh.
Kalaunan, natapos na rin ako sa paglilinis ng banyo. Nandito ako ngayon sa sala ng mansyon. Napakalaki ng sala nila. Daig pa ang bahay namin sa laki.
Naalala ko tuloy ang sala namin. Maliit lang iyon pero masaya naman kami. Naalala ko tuloy si kuya Willbohr. Kamusta na kaya 'yon?
Lumipas ang ilang oras, nasa may pool side ako. Nakita ko si sir Zazdrick, yong lalaking palaging nanggugulo sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit niya ako ginugulo.
Nakita kong papalapit siya sa 'kin na topless. Tanging boxer short lang ang nakatapis sa katawan niya. Hindi ko tuloy mapigilang 'di mapa-hanga sa ganda ng hubog ng katawan niya.
Ngumiti siya. "You miss me?"
Miss mo mukha mo. Sa isip ko. Lumapit siya sa akin sabay upo sa isang umbrella seat. Magkatapat na kami ngayon. Nakikita ko ang mapupungay niyang mata at ang nakaka-akit niyang mga labi. Umayos ka nga Amasia. Pagtutol ng konsensiya ko.
"Why are you here? I don't want you tired."
Hindi mapigilan ng nga taksil kong mga mata ang mapa-tingin sa katawan niya. Umiwas ako ng tingin nang nginisihan niya ako.
"Sa 'yo naman 'yan dati eh. Sinayang mo lang."
Ano bang pinagsasabi niya? Sa loob-loob ko. Hindi ko siya pinansin sa halip tumayo ako at naglakad papasok sa loob ng bahay. Nasa pintuan pa lang ako nang may biglang humawak sa braso ko.
Pumikit ako saglit sabay lingon. "Ano ba—"
Natigilan ako nang makita ko ang isang babae. Siguro magka edad lang kami. Ang ganda niya, para siyang manika. Her long eyelashes told me that she's indeed pretty. How to be her? Sa isip ko.
Ngumiti siya sa 'kin. "You're Amasia, right?"
Tumango ako. "O-Opo, ako nga po. Pasensiya na po kayo ma'am."
Nag bow ako as sign of apology. Hindi ko naman kasi alam na si ma'am Lishia pala ang humawak sa akin. Kung alam ko lang, eh 'di hindi ko sana siya na-sigawan. Ang tanga mo naman kasi Amasia. Sa loob-loob ko.
Ngumiti siya. "Ano ka ba, okay lang. Alam ko naman na naiirita ka na sa kuya ko. Kung naaalala mo lang sana siya."
May binulong siya, pero 'di ko narinig. Tama si ma'am Lishia, naiirita na talaga ako sa kapatid niya. Halikan ba naman ako kahapon sa kwarto ko.
Hinawakan niya ang kamay ko. "Pasensiya ka na sa kuya ko ha. Ganiyan lang talaga 'yan. Naaalala lang niya kasi sa 'yo ang girlfriend niya."
May girlfriend si sir Zazdrick? Bakit 'di niya sinabi agad. Sa isip ko. Eh teka, ano bang pakialam ko sa kaniya. Pero... parang may gustong sabihin si ma'am Lishia.
"Ano kasi, ikaw kasi ang—"
"Lishia." Tawag ng lalaki.
Lumingon ako at nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Nakasalamin ito pero ang tangos ng ilong ay uma-alingaw-ngaw.
Nagulat si ma'am Lishia. "Kuya?you're here?"
Lumapit ang lalaki sa gawi namin na naka ngiti. Hinubad niya ang 'yong salamin niya at bumungad sa 'kin ang mala adonis niyang mukha.
Tinignan niya ako. "Hi Amasia."
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Pagkatapos niyang sabihin 'yon, kinindatan niya ako. Why he's acting so obvious? Sa loob-loob ko.
Ngumiti ako ng pilit. "H-Hello."
Kumindat ulit siya sa 'kin pagkatapos bumaling siya sa kapatid niya. "Hi sorella. Hindi mo ba ako na miss?"
Niyakap siya ni ma'am Lishia. "I miss you fratello. Why you're so late? Nauna pang sumunod si kuya Zazdrick dito kaysa sa 'yo."
Bumitaw ang lalaki sabay harap kay ma'am Lishia. "Sorella, alam mo namang may important business ako sa pilipinas. I canno't afford to lose it kasi hindi sa akin 'yon. Sa kuya mo 'yon, ibabalik ko rin 'yon sa kaniya if he turn thirty."
Ma'am Lishia sighed at his brother. "Kuya, alam ko naman 'yon pero sana binisita mo kami dito no'ng panahon na nandito ka sa Italy. Don't deny it, may nakakita sa 'yo dito. You're with your fricking business."
Hinawakan ng lalaki ang kamay ni Ma'am Lishia. "I'm sorry sorella kung hindi ako naka dalaw sa inyo. Hectic lang kasi ang schedule ko."
Ma'am Lishia rolled her eyes. "Whatever fratello. By the way, alam ba ni kuya Zazdrick na pupunta ka dito?"
"Hindi."
"Ano?! Bakit hindi mo sinabi? Eh galit sa 'yo 'yon. Panigurado bubugbugin ko."
Tinignan ako ng lalaki. "Okay lang basta makita ko lang si Amasia, okay na ako."
Kinindatan niya ako. Bakit ba ganito siya sa akin? Umiwas na lang ako ng tingin para 'di na niya ako guluhin.
"Nahihibang ka na ba, kuya? Alam mo naman sigurong ayaw ni kuya Zazdrick sa 'yo, 'no?"
Ngumiwi ang lalaki. "Wala akong pakialam sa kaniya. Eh ano ngayon kung nandito ako? Eh bahay naman ni papa 'to. At saka hindi ba talaga niya kayang patawarin ang kuya niya? How conceited."
"Masisisi mo ba siya, eh inagaw mo lang naman ang kompanya niya."
Huminga ng malalim ang lalaki. "I told you, I didn't claimed his company. Isasauli ko rin naman sa kaniya iyon 'pag umabot na siya sa saktong edad."
Inagaw ang kompanya? Tignan mo nga naman oh, nag-aaway nang dahil sa kompanya. Iba talaga ang impact ng pera sa mga tao lalo na sa magkakapatid. Kasi may napanood kasi akong movie. Close sila ng kapatid niya no'ng nabubuhay pa lang ang mga magulang nila pero no'ng nawala na ang mga magulang nila, naging magka-away sila dahil sa mana.
"Okay, whatever. By the way, nagka-usap na ba kayo ni papa? Alam ba niyang pupunta ka dito?" sunod-sunod na tanong ni ma'am Lishia.
"Puwede ba? Isa-isa muna? Hindi ako unli ngayon," sabi ng lalaki sabay tawa.
"Whatever."
Matapos akong pinakilala ni ma'am Lishia kay sir Stanford, naglakad ako pabalik sa silid ko. Hindi pa ako nakakapasok sa silid nang may humawak sa akin. Pumikit ako sabay lingon.
"What do you want?"
"Can we talk?" casual niyang tanong.
Ano namang pag-uusapan namin? Baka kung ano na naman ang gawin niya sa 'kin, kasi kahapon lang hinalikan ako ng walang hiya.
"Anong pag-uusapan natin?" walang gana kong tanong.
Ngumiti siya. "Can I kiss you?"
Biglang namilog ang mga mata ko sa tanong niya. Anong akala niya sa 'kin, easy to get? Well, he's definitely wrong.
"Kiss mo mukha mo." Pumasok ako sa loob ng silid ko.
Kiss? Him? No, way.
— —
ShineInNightt