Chapter 13 - Chapter 12

Cryptic Caller

Nakarating na kami sa La Trinidad Happy Land. Sobrang daming tao at hindi ko alam kung bakit gusto niyang pumunta dito. Okay naman ang lugar pero kasi... nakakatakot ang mga rides nila.

"Ano Amasia? 'Di ba maganda dito?" si Herrick.

Tumango ako. "Oo, pero..."

Tinignan niya ako. "Pero ano?"

Hindi ko gusto ang mga rides nila kasi nakakatakot eh. Lalo na 'yong Bloody cave nila. Para talagang totoo eh.

Umiling ako. "W-Wala."

Ngumiti siya sa 'kin. Nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko. Nakaramdam ako ng pagka-ilang sa paghawak niyang iyon.

"Amasia, 'wag kang matakot. Nandito ako para protektahan ka."

Hindi ako sumagot. Naglakad kami papunta sa isang rides. Maganda naman dito. Nakakawala ng problema pero 'yun lang, nakaka takot.

Ilang oras rin nang matapos kaming sumakay sa mga rides. Tama si Herrick, sa una lang nakakatakot pero 'pag nagtagal hindi na.

"Hindi pala nakakatakot 'no?" panimula ko.

"O, 'di ba sabi ko sa 'yo hindi nakakatakot," ngumiti siya.

Kumakain kami ngayon ng waffle. Natatawa ako kay Herrick kasi ang lakas niyang kumain. Tapos napapansin ko pa 'yong babae na todo titig sa kaniya. May crush yata si ate kay Herrick. Hindi ko rin naman siya masisisi eh. Marami naman kasing nagkakagusto sa kaniya kahit mga empleyado niya.

"Ang takaw mo palang kumain 'no?" tumawa ako ng malakas.

Kumunot ang noo niya. "Stop laughing Amasia, sadiyang gustom lang ako. Don't mind me,"

Tumawa ulit ako. Nakakatawa naman kasi talaga siya eh. Akalain mo 'yon, isang CEO ng Altrante Group Incorporated matakaw pala kumain.

"Stop laughing. 'Pag hindi ka tumigil diyan, mapipilitan talaga akong halikan ka," pagbabala niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso siya no'ng sinabi niya ang mga 'yon. Tumahimik na lang ako para sa ikakabuti ng lahat. Mahirap na baka mahalikan pa ako ng wala sa oras.

Hindi nagtagal ay natapos na rin siyang kumain. Ako, kanina pa akong tapos habang siya kumakain pa rin, gutom daw kasi siya.

"Amasia," pagtawag niya sa 'kin.

Lumingon ako. "Mm?"

"May pupuntahan pa tayo," sabi niya sabay ngiti.

Kumunot ang noo ko. "Saan?"

"Sa Felez Mall," sagot niya.

Bakit naman kaya kami pupunta doon? Sa isip ko. Felez Mall is one of the biggest and largest mall in the country. Maganda ang atmosphere ng mall nila. Maaliwalas at presko ang hangin.

"Anong gagawin natin do'n?" tanong ko.

"Manonood ng sine," sagot niya.

Manonood ng sine? Anong trip nito? Hindi na lang ako umangal sa gusto niya. Tumango na lang ako. Ngumiti siya sa 'kin. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Pumasok naman ako sa loob. Nasa frong seat ako, kasi gusto niyang magkatabi kami.

Umikot naman siya patungo sa driver seat. Tinignan niya ako pagkapasok niya. Umiwas ako ng tingin, ayokong mag assume siya na may gusto ako sa kaniya.

"Ayaw mo bang mag sine?"

Umiling ako. "Gusto naman pero... gabi na kasi eh, baka hanapin ako nila mama at kuya."

"Nagpaalam na ako sa kanila at pumayag naman sila. 'Wag kang mag-aalala Amasia, 'di naman kita pababayaan eh," sabi niya.

Ngumiti ako. "Okay,"

Hindi na siya nagsalita pa, sa halip pinaandar niya na ang sasakyan at tinatahak na namin ang daan ngayon. Ilang minuto rin ang layo ng mall ni sir Federick. Felez mall ay isa sa mga pinupuntahan ng mga millennials kasi swag daw 'yong dating ng mall sabi pa no'ng na interview.

Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa mall. Maraming tao kasi disyembre ngayon. Ilang araw na lang pasko na. Naalala ko tuloy si mama at kuya. Ano kayang ireregalo ko sa kanila? Sa isip ko.

Tumingin si Herrick sa akin. "We're here."

Ngumiti lang ako sabay bukas ng pintuan. Pero nagulat ako nang bigla niya akong hinila. Nasubsob ako sa chest niya. Akala ko kung anong gagawin niya, 'yun pala tatanggalin lang pala niya ang seatbelt ko.

Ang tanga ko naman kasi eh. Lalabas ba naman ng hindi natatanggal ang seatbelt. Tumaas ang tingin ko sa kaniya pero nagulat ako nang nagtagpo ang mga mata namin. Konting konti na lang maglalapat na ang labi namin.

Ngumti siya. "Sa susunod 'wag kang lalabas kung 'di mo pa natatanggal ang seatbelt mo,"

Lumayo ako sa kaniya. "Oo na."

Tumawa siya ng mahina pero 'di ko na siya pinansin. Lumabas ako ng kotse niya na ngumi-ngiti-ngiti. Pa'no ba naman, ang sweet niya. Hindi naman sa kinilig ako pero parang gano'n na nga. Pero 'di puwede kasi kaibigan ko lang sk Herrick. Hanggang do'n lang talaga 'yon.

Lumabas siya ng kotse niya at pumunta sa gawi ko. Naka ngiti rin ito. Ano bang nangyayari sa 'min? Sa isip ko.

"Tara?" pag-aaya niya.

Tumango ako. Naglakad kami papasok ng mall. Buti na lang malaki 'tong mall dahil kung hindi baka abutin pa kami ng ilang minuto kaka-pila. Pagkapasok namin sa loob ng mall, nakita namin si sir Jander, ang anak ni Mr. Felez.

"Herrick?" si sir Jander.

Nagbatian ang dalawa. Sa pagkaka-alam ko matalik silang magkaibigan. Kaya no'ng kinuha ni Herrick ang Business no'ng nag kolehiyo siya, kinuha rin ito ni sir Jander.

"Alam mo bro may magandang spot sa Guimaras na puwede nating pagtayuan ng mall. 103, 4500 square meter 'yong laki. 'Di ba 'di na rin masama?" si sir Jander.

"Talaga? Maganda nga iyan. Pero... baka indigenous 'yong may-ari ng lupa..." si Herrick.

"Hindi 'no. Ako pa ba, bale ang may ari ng lupa ay baon na sa utang and he have no choice but to sell his land," sagot ni sir Jander.

"Okay, so kailan natin bibilhin ang lupa?" tanong ni Herrick.

"Maybe tomorrow, kung gusto mo. Ikaw? Kailan mo ba gusto?" tanong ni sir Jander.

"Sige-sige, pag-iisipan ko," sagot ni Herrick.

"Okay bro, basta kung nakapag isip-isip ka na, tawagan mo ako ha?" si sir Jander.

Ngumiti si Herrick. "Sure,"

Ang close pala talaga nila. Iba talaga 'pag mayaman kasi para lang barya ang pera sa kanila. Maya-maya, sa kalagitnaan ng pagmamasid ko sa kanilang dalawa, tumunog ang telepono ko.

Kinuha ko 'yong telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Unknown? Bakit unknown number ito? Sa isip ko. Sinagot ko ito.

"Hello."

"Ti amo, mi amore. Babalikan kita diyan. Maghintay ka lang at pinapangako ko, magpapakasal tayo. Sana maalala mo na ako. Hindi kita pinipilit na maalala ako pero alam kong si tadhana na ang bahala no'n. I love you," sabi sa kabilang linya sabay baba ng telepono.

Biglang may bumuong tanong sa utak ko kagaya ng: Sino siya? Bakit niya alam ang number ko? Paano niya nakuha ang number ko? Kilala niya kaya ako?

— —

ShineInNightt