Surprise
Zazdrick's P.O.V.
Nagulat ako nang biglang pumasok si Stella sa kawarto ko. Bumangon akos sa gulat. Ano na naman kaya ang kailangan nito? Sa isip ko.
"What are you doing here?"
She rolled her eyes and then she sit on my bed. "Hay nako, 'di ba sabi mo mag a-ice cream tayo ngayon?"
Napahawak ako sa sentido ko. "Oo nga pala, sorry nakalimutan ko."
"So pa'no? Tara?" pag-aaya niya.
Ngumiwi ako saka bumaba sa kama ko. Naglakad ako papunta sa banyo para mag hilamos. Topless kasi ako, ayaw pa naman ni Amasia na may makakita sa katawan ko pero wala na, nakita na ni Stell ang katawan ko.
"Bilisan mo naman Zazdrick. Gosh," reklamo niya.
Kahit kailan napaka arte niya. Ngayon pala 'yong sinabi ko kay Daken na ipagkita ko sila sa isang shop. Sana 'di magalit si Stella sa akin. Iba pa naman magalit 'yang babaeng 'yan. Sabi ni Daken sa 'kin, 'di totoo 'yong nakita ni Stella.
Sinabihan ko naman siya eh na 'di 'yong totoo pero ayaw pa rin maniwala. Mas inuna pa ang instincts kaysa paniwalaan ang boyfriend niya.
Iyamot akong lumabas ng banyo. Pa'no ba naman kasi, pina madali niya ako. Hindi pa naman ako tapos maghilamos. Kainis naman 'tong babaeng 'to. Masaya pa ako kung si Amasia ang nandito.
"Tapos ka na?" naiinip niyang tanong.
Hinarap ko siya. "'Di uso maghintay, Stella?"
Mabilis akong nagbihis para 'di na siya magreklamo. Napaka mainipin talaga ng babaeng 'to. Matapos kong maisuot ang ang T-shirt ko, pumunta ako sa gawi niya.
"Tapos na po ako mahal na prinsesa," pang-aasar ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. "Are you teasing me?"
Hindi ko siya sinagot. Naglakad na lang ako palabas ng kwarto. Napaka suplada talaga ng babaeng 'yon. Narinig ko siyang sumigaw pero 'di ko na pinansin.
"Zazdrick, hey!" sigaw niya ulit.
Pababa na ako ng hagdan ngayon at siya naman nakasunod sa kin. Naririndi na nga ako sa ingay niya eh. Hindi magawang tumahimik kahit konting sandali man lang.
Pagkababa ko, lumabas akong bahay. Nakita ko pa si Mr. Fario pagkalabas ko. Hahakbang sana ako nang biglang bumukas ang pinto at narinig ko na lang na may sumigaw.
"Zazdrick," sigaw ni Stella.
Lumingon ako sa kaniya. "What?"
"Why you're ignoring me? Alam ko ba, nagbihis talaga ako para dito, tapos 'di mo man lang ako papansinin." Humalukipkip siya.
Pinagbihis ko kasi siya kanina kasi nga magkikita sila ni Daken. Nako, kung 'di lang dahil sa kaibigan ko baka pina-uwi ko na 'to si Stella. Okay naman si Stella, mabait naman siya kaso maarte lang talaga.
"Saan ba kasi tayo pupunta? Bakit mo pa ako pinagbihis ng ganito? Are we going on a date?" tanong niya sabay ngiti.
Hinarap ko siya. "Of course not."
Kumunot ang noo niya. "Then why you want me to dressed like this?"
"Basta," kinindatan ko siya.
Hindi na rin naman siya umangal. Naglakad kami palabas ng mansion. Ayoko kasing sumakay kami sa kotse. Gusto kong makapag exercise.
"Malayo pa ba?" hinihingal niyang tanong.
Ang bilis naman mapagod ng babaeng 'to. Ibang-iba talaga siya kay Amasia. Sarap kasama ng girlfriend ko na 'yon. Wala kang maririnig na reklamo. Hindi kagaya nitong si Stella.
"Malapit na," sagot ko.
Malapit na rin naman talaga kasi. El Dariso ay isa sa mga pinupuntahan namin ni manang Fanche kaso pa'no ko makikita si manang Fanche kung nasa hukay na siya.
Ilang minuto lang nakarating na kami sa shop. Nakita ko si stella na naguguluhan kung bakit kami nandito. Hindi ko puwedeng sabihin dahil baka maging palpak 'yong plano ko para kay Daken.
Hinarap niya ako. "Bakit tayo nandito?"
Hindi ako sumagot bagkus pumasok na lang ako sa loob ng shop. Pagkapasok ko, nakita ko si Daken na naka-upo sa 'di kalayuan. Sinenyasan ko siyang magsuot ng sumbrero.
Sinunod naman niya ito. Kinuha niya ang itim niyang cap at isinuot ito. Naka black hoodie jacket siya ngayon. Kahit anong suotin ni Daken bagay naman sa kaniya.
'Di nagtagal ay pumasok na rin si Stella sa shop. Pumunta siya sa gawi ko.
"Ano ba kasing ginagawa natin dito?" naguguluhan niyang tanong.
Hinarap ko siya. "May gustong kumausap sa 'yo."
"Sino naman?" walang gana niyang tanong.
"Basta..." sagot ko.
"Fine, nasaan siya?" tanong niya.
Tinuro ko ang gawi ni Daken. Tinignan niya naman ang tinuro ko. Tinignan niya muna ako saka siya naglakad papunta kay Daken.
Napabuntong hininga ako. Sana maging maayos sila. Deserve nila ang isa't isa. Aalis na sana ako nang shop nang tinawag ako ni Stella.
"Hey,"
Lumingon ako. "Ano?"
"Saan ba 'yong tinuro mo diyan?" tinuro niya ang dalawang lalaking naka suot ng cap.
Tinuro ko ang gawi ni Daken. "'Yon oh, 'yong naka suot ng itim na hoodie jacket."
Ngumuwi siya saka naglakad papunta sa gawi ni Daken. Tinignan ko si Stella. Nasa tapat na siya ni Daken. Naka yuko kasi Daken kaya 'di niya makikilala ito. Sana mag work ito.
Pumunta ako sa gawi nila. Naka yuko pa rin si Daken, mukhang kinakabahan siya sa presensiya ni Stella.
"Stella meet D," pagpapakilala ko.
Nakatayo si Stella sa harap ni Daken. Wala siyang ka alam-alam na si Daken na 'yong kaharap niya. Maya-maya, unti-unting umangat ang tingin ni Daken sa kaniya. Hinubad niya ang cap at mask niya.
Nakita kong gulat na gulat si Stella. Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"I'm here to get you. C'mon babe, hindi totoo 'yong nakita mo. Tanungin mo pa si Gelmer. Hinding hindi kita lolokohin," sagot ni Daken.
Hinawakan ni Daken ang kamay ni Stella. 'Di rin naman umangal si Stella bagkus nagyakapan ang dalawa. Ang arte ni Stella, 'di rin naman pala kayang mawalay kay Daken.
Tumikhim ako. "Ang sweet naman. Halatang miss ang isa't isa,"
Bumitaw si Daken sa pagkakayakap kay Stella sabay halik nito sa noo. Na miss ko tuloy si Amasia. Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya sila ng lalaking 'yon? Sa isip ko. Hinawakan ni Daken ang beywang ni Stella.
"Thank you bro," sabi niya sabay baling kay Stella.
Ngumiti ako. "Walang anuman. So pa'no? Maiwan ko na muna kayo. Enjoy,"
Tumalikod ako sa kanila sabay hakbang na sana nang tinawag ako ni Stella. Nagulat ako ng bigla niya akon niyakap.
"Thank you Zazdrick."
Humarap ako sa kaniya. "Anything for you."
Pagkatapos kong makipag-usap sa kanila. Lumabas ako at naglakad pauwi.
— —
ShineInNightt