Who are you?
Nagmadali akong lumabas ng shop. Halos madapa-dapa na ako sa pagmamadali ko. Para akong tanga pero wala na akong pakialam sa iisipin ng iba.
Tumakbo ako pabalik ng ospital. Nakakahingal pero balewa 'to lahat 'pag nasilayan ko ang mukha niyang kay gandang tignan. Maya-maya, nakarating ako sa ospital. Tumakbo ulit ako papunta sa silid ni Amasia.
Pagkapasok ko, bumungad sa 'kin si Amasia na gising na. Biglang may umukit na ngiti sa labi ko.
"Amasia?"
Nilapitan ko siya sabay yakap sa kaniya pero nagulat ako nang bigla niya akong tinulak.
"Bakit mo ako niyayakap? Who are you?"
Biglang may kung ano sa puso ko na nabiyak. Hindi niya ako kilala. Hindi maaari 'to.
"Sino kayo?"
Nakita ko si tita na tumalikod. Si kuya naman, nakita kong may tumulong luha sa gilid ng mga mata niya.
"Bakit ako nandito?"
Inilibot niya ang mga mata niya. Bakit ba 'to nangyayari sa kaniya. Sana sa akin na lang nangyari ito. Handa akong saluhin lahat para sa kaniya.
"Bakit wala akong maalala?!" Sinabunutan niya ang buhok niya.
Naaawa ako sa kaniya. Lumapit ako sabay yakap sa kaniya. Matagal ko na siyang 'di nayayakap.
"What are you doing? Bakit mo ako niyayakap?" mataray niyang tanong.
Hindi ko siya pinansin bagkus hinalikan ko ang mukha niya, pero nagulat ako nang bigla niya akong sinampal.
"Anong karapatan mong halikan ako? Sino ka ba?!"
Lumayo ako sa kaniya sabay punta sa gawi ni tita. Nakita ko pa si kuya na nalulungkot para sa akin pero anong magagawa ko kung nakalimutan niya nga talaga ako.
"Sorry, bro."
Ngumiti ako. "You don't need to say sorry kuya. She's sick and disoriented,"
Bumaling ako kay tita. "Magpapahangin lang po muna ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot nila. Lumabas ako ng silid. Ayokong marinig ang sinasabi ni Amasia. Napakasakit, hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to sa 'min.
Lumabas ako ng ospital. Pumunta ako sa sasakyan ko sabay pasok sa loob. Umupo ako ng maayos at huminga ng malalim sabay harurot nito.
Maya-maya, nakarating ako sa downtown. Pinark ko ang kotse ko sa basement at saka bumaba. I cannot believe it! Why everything seemed so unfair. Bakit kang Amasia pa?
I shook my head saka naglakad papasok ng mall. As I stepped inside the mall's entrance. As expected, the security personnel greet me with a smile.
Paano ako ngingiti kung alam ko namang 'di madali ang sitwasyon namin ngayon. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero 'di ko magawa kasi wala siyang naaalala.
Hahakbang sana ako papasok nang may narinig akong tumawag sa 'kin. Lumingon ako at nakita ko si Daken. Isa pa 'to, inaalala ko rin 'to.
"Daken, what are you doing here?"
Namulsa siya. "Chilling."
Lumapit siya sa akin sabay akbay. "Ikaw? Bakit ka nandito? 'Di ba kayo magkasama ni Amasia? Nag-away ba kayo?"
Sunod-sunod niyang tanong. Huminga ako ng malalim sabay yuko. Sana nga nag-away na lang kami nang sa gayon ay magkaayos pa kami, hindi kagaya nitong nangyari sa kaniya ngayon.
"Why? May problema ba?" nag-aalala niyang tanong.
Huminga ako ng malalim sabay harap sa kaniya. "She has an amnesia Daken. She can't remember me. Even tita and kuya. Everything went shady to her, Daken."
Nagulat siya sa sinabi ko. "Seryoso bro?"
Marahan akong tumango. Ayoko sanang pag-usapan ang tungkol sa nangyari kay Amasia, pero kailangang malaman ni Daken ang nangyari sa girlfriend ko.
Tinapik niya ang likod ko. "It's okay bro, magiging ayos rin ang lahat."
Ngumiti ako sa kaniya. Ayokong isipin niyang mahina ako. Kailangan ako nila tita at kuya. Mahal na mahal ko si Amasia at gagawin ko ang lahat para maalala niya ulit ako.
"Sana nga, Daken..."
Matapos akong pumunta ng mall para maglibang ngunit hindi pa rin sapat iyon para makatakas ako sa mga problema ko ngayon.
All things in this room furnished a white milky color. I'm waiting for kuya Willbohr to went outside so that we can talk. Hindi ko matanggap ang kalagayan niya, pero mas mabuti na ring ganito ang lagay niya kaysa mawala siya.
Kinuka ko ang telepono sabay tipa ng mensahe para kay mommy. Tinatanong niya kasi kung kailan ako uuwi. Isang buwan na akong 'di umuuwi sa bahay.
Maya-maya, bumukas ang pinto at iniluwa nito si kuya Willbohr. Umupo siya sa tabi ko.
"How is she, kuya?" hindi ko siya tinignan.
Bumuntong hininga siya. "Ayun, 'di pa rin niya kami naaalala."
Yumuko ako. "Kasalanan ko 'to eh. Kung sana sinama ko na lang siya sa welcome party, eh 'di sana 'di 'to nangyari sa kaniya."
Tinapik ni kuya ang likod ko. "Psh... 'wag mong sabihin 'yan. Walang may kasalanan sa nangyari. Aksidente lang ang lahat."
Kasalanan ko naman talaga eh. Kung sana sinama ko siya sa bahay, 'di sana nangyari ito.
"It's my fault, kuya. I'm so dumb!" Tumayo ako sabay suntok sa pader.
Mabilis naman akong pinigilan ni kuya. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo, Zazdrick?! Tingin mo maaayos ang lahat 'pag sinuntok mo 'tong pader?!"
Namulat ako sa sinabi niya. Bumalik ako sa inupuan ko. Napaka laki kong tanga.
"Wala akong silbi, kuya!" Sinabunutan ko ang buhok ko.
Nakatayo siya ngayon sa tapat ko. Nakakahiya 'tong mga pinaggagawa ko. Hinayaan ko pa ang emosyon ko sa harap mismo ng kapatid ng girlfriend ko.
"Hindi solusyon ang pagsuntok sa pader Zazdrick. Hindi ma reresolba ang mga problema mo sa pagsuntok sa pader bagkus sinasaktan mo lang ang sarili mo."
Tama naman talaga siya. Instead of boosting myself in positivity, sinasaktan ko ang sarili. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.
Tumikhim si kuya. "Hindi panghabang buhay wala tayong problema Zazdrick. Kailangan natin ito, para maging isang matagumpay na tao tayo. Sa tingin mo ba lahat ng mga bilyonaryo sa mundo hindi nakakaranas ng matinding problema? Lahat tayo nakakaranas nito. Ito ang batayan ng pagiging matatag natin."
Hinarap ko siya. "I'm sorry, kuya. Nadala lang ako sa emosyon ko. Hindi ko sinasadya."
Bumuntong hininga siya saka tumabi sa akin. "Manalig ka lang, Zazdrick. Maaayos rin ang lahat ng ito. 'Wag ka lang susuko, kasi ang pagsuko ay kapatid ng kaduwagan. At ang kaduwagan ay kapatid ng kahinaan."
Tumango ako. "Pangako kuya, gagawin ko ang lahat para bumalik ang ala-ala niya."
Ngumiti siya. "I know you can do it, bro."
Ngumiti ako sa kaniya. He's right. A coward man never succeed in any obstacles he were facing now or in the future.
— —
ShineInNightt