Awake
It's been one month, pero 'di pa rin gumigising si Amasia. Isang buwan na rin akong 'di nagta-trabaho. Napagpasiyahan ko kasing umalis na lang para masilayan ko ang paggising niya. Si mommy naman, nag-aalala na sa akin kasi 'di pa rin ako umuuwi sa bahay.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si kuya. May dala siyang fruit basket para kay Amasia. Nalulungkot rin ako para kay kuya kasi sobrang mahal niya ang kapatid niyang 'yon. Kaya nga no'ng narinig naming comatose si Amasia, nakita ko si kuya na nanlumo na parang binagsakan ng mabigat na bagay.
"Bro, umuwi ka na muna kaya sa inyo. Ako nang bahala sa kapatid ko. 'Wag kang mag-alala, sasabihan kita 'pag gumising na siya."
Ngumiti ako sa kaniya. Yumuko siya dahil alam niya ang ngiti kong 'yon. Ayokong iwan si Amasia.
"Kung 'yan ang gusto mo bro, pero sana 'wag mo namang pabayaan ang sarili mo. Hindi ka na kumakain ng maayos para lang bantayan ang kapatid ko." Yumuko siya.
Nangangayayat na nga ako, pero ginusto ko naman 'to eh. Gusto ko kasing masilayan ang paggising ni Amasia. Gusto ko ako ang kauna-unahang makita niya.
"Mahal ka ng kapatid ko, ramdam ko iyon. Alam kong 'di siya susuko sa pagsubok na kinakaharap niya ngayon. Maiwan na muna kita." Inilagay niya ang fruit basket sa side table saka naglakad palabas ng silid.
Alam kong naaapektuhan si kuya sa akin, pero masisisi niya ba ako. Mahal ko si Amasia, gagawin ko lahat upang mabuhay siya kahit buhay ko pa ang kapalit.
Pagka-alis ni kuya hinawakan ko ang kamay ni Amasia. Ang malambot niyang kamay ay gusto kong mahawakan sa araw ng kasal namin.
"Ngit, gumising ka na. Marami kaming naghihintay sa pagbabalik mo. Lumaban ka ngit, 'wag mo hayaan si kamatayan na sunduin ka. Kung puwede, unahan mo siya sa binabalak niya. Nandito lang ako sa tabi mo, maghihintay ako sa 'yo, ngit."
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hinayaan ko na lang magbagsakan ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at saka siya niyakap.
Sabik na sabik ako sa yakap niya. Ang maiinit niyang yakap ang nakakapagpa gaan ng loob ko. Bumitaw ako sabay halik sa noo niya. Hindi ko mapigilang 'di maiyak, lalo na t'wing nakikita ko siyang walang malay at may nakasabit pang mga aparatus sa katawan niya.
"Hihintayin kita, ngit."
Iniyuko ko ang ulo ko sa gilid niya. Hinayaan ko ang mga mata kong sumara ito habang may mga butil ng luha na umaagos galing sa mga mata ko. Ti amo, mi amore.
— — —
"Bro, gising na."
Narinig ko ang boses ni kuya. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko sabay harap sa kaniya.
"Good morning hijo," bati ni tita.
Kinusot ko ang mga mata ko sabay hikab. Nakatulog ba ako kagabi? So, hindi na naman ako nakakain? Sa loob-loob ko.
Umayos ako sa pagkaka-upo saka hinarap sila tita at kuya. Si kuya, mukhang okay na naman. Si tita naman, kita pa rin sa mga mata niya ang pag-aalala sa kalagayan ng anak.
"Kanina pa po kayo?"
Tumango si kuya. "Oo, bro."
Tumayo ako saka pumunta sa gawi ni tita para mag mano. Kailangan ni tita ng may mag co-comfort sa kaniya at kaming dalawa ni kuya 'yon.
"Anong balita kay Amasia?" nag-aalalang tanong ni tita.
Yumuko ako. Ayokong sagutin ang tinatanong niya. Nasasaktan lang ako. Ayokong makita niya akong nasasaktan kasi naaapektuhan rin siya bilang ina.
"Unconscious pa rin 'ma," sagot ni kuya.
Natahimik si tita, nalulungkot tuloy ako para sa kaniya. Bilang ina, mahirap makita ang anak na wala pa ring malay.
"Pero 'wag po kayong mag-alala tita. Magigising rin si Amasia," sabad ko sabay ngiti.
Kailangan kong pagaanin ang loob ni tita. Kailangan naming magtulungan dito, dahil kung hindi mahihirapan lang kami.
Natahimik kami nang biglang bumukas ang pinto at bumungad sa 'min si doc. Siya ang doktor na nagsabing ma co-comatose si Amasia. Ano kayang sasabihin niya sa 'min ngayon? Sinalubong ko siya.
"Doc, lumabas na ba ang resulta?"
Tumango siya. Pero bakit gano'n, parang nalulungkot siya. Parang ayaw na naman niyang sabihin sa amin. Nagsimulang tumibok ng mabilis ang puso ko.
"I have the result but I would only gratify it to the parents. I don't want to divulge. Gusto kong kayo ang makaka-alam. Here." Binigay niya kay tita ang test result.
Binuksan ito ni tita. Naka lagay ito sa isang kulay brown na envelope. Dahan-dahang kinuha ni tita ang laman sa loob. Pagkakuha niya, binasa niya ito.
Nagulat ako kasi bigla siyang umiyak. No... hindi puwede. Ayokong may mangyaring masama kay Amasia. Kaya sa kyuryusidad ko, pumunta ako sa gawi niya.
"Ano po ang nasa result tita?"
Hindi siya sumagot bagkus binigay niya lang ito sa 'kin. Clueless ako, hindi ko alam kung ano ang nabasa niya. Kinuha ko ito saka binasa.
Pagkabasa ko sa baba, bigla akong nanlumo. Hindi puwede to! Hindi... hindi puwedeng mangyari 'to. Ayoko... ayoko.
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Hindi ko na ito napigilan. Hinayaan ko na lang. Nanginginig ang mga kamay ko sa nabasa ko. Hindi puwede!
"She has an amnesia. Her memory will regain it's either months or years. But there's some case that they will not remember anything... forever."
Napa-upo si tita sa sahig. Narinig kong humagulgol si tita. Ako rin, hindi ko kaya ang nararamdaman ko ngayon. Lumabas ako ng silid saka tumakbo palayo.
Wala na akong pakialam kung saan ako mapadpad. Gusto kong makahinga ng maayos. Para kasi akong sinakal sa nabasa ko kanina. Maya-maya, dinala ako ng mga paa ko sa isang coffee shop na palagi naming pinpuntahan ni Amasia.
Pinunasan ko ang mga luha ko saka pumasok sa loob ng shop. Pagkapasok ko, umupo agad ako sa bakanteng upuan. Nakita ko namang may waiter na pumunta sa gawi ko.
"Ano pong order niyo sir?"
"Cappuccino," tipid kong sagot.
Umalis ang waiter pagkatapos makuha ang order ko. Naiwan ako ditong mag-isa. Tinignan ko ang isang lalaking nagbabasa ng libro. Kahit 'di niya sabihin, alam kong may problema siya.
Nasa gano'n akong sandali nang biglang tumunog ang telepono ko. Walang gana ko itong kinuha. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si kuya. Ano kayang nagyari? Sinagot ko ito.
"Hello?"
"Bro, bumalik ka na dito. Gising na si Amasia," sabi ni kuya.
Para akong nanalo sa lotto sa narinig ko. Salamat ngit dahil sinunod mo ang sinabi ko.
Ngumiti ako. "Sige kuya, pupunta na ako diyan."
— —
ShineInNightt