Chapter 3 - Chapter 2

Coma

Zazdrick's P.O.V.

Dumating na si mommy and we're happy kasi sa wakas, bumalik na rin siya dito. Matagal-tagal ring hindi siya nakasunod dito. To omit my stress. Drinking is one of stress reliver but not that hard liquor anyway. It's just root beer and a chips.

"Zazdrick."

Rinig kong may tumawag sa kin sa likod ko. Lumingon ako para makita kung sino ito. As I tilt my head, nakita ko si Stella with her glamorous beauty.

"Stella, what brings you here?"

Umupo siya sa isang sun lounger na malapit sa 'kin. She wore black strapless shirt with revealing on her frontage.

"Tita Leane called me to get up here and I can't say no to your mother, kaya um-oo ako."

"Si Daken? Bakit 'di mo siya kasama?" seyoso kong tanong.

Inilugay niya ang diretso niyang buhok. Her fulgent hair made her look stunning. Kitang-kita ang pagka mestiza nito.

"Wala na kami."

Nagulat ako sa sinabi niya. That's unbelievable. Ang sweet kaya nila ng bestfriend ko kaya imposibleng wala na sila.

Hinarap ko siya. "Ano ba kasing nangyari?"

Narinig kong huminga siya ng malalim. Maybe ayaw niyang pag-usapan 'yong tungkol 'don. Naiintindihan ko naman eh, it's their privacy.

"He cheated on me."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Imposibleng lolokohin siya ni Daken, mahal siya ng kaibigan ko.

Naalala ko pa nga 'yong sinabi niya sa 'kin. Napaka suwerte niya daw kasi si Stella ang naging girlfriend niya. Hindi kasi siya pinapansin nito noon.

"You must be kidding, Stella. Hindi magagawa ni Daken 'yon. Mahal ka niya at ramdam ko 'yon."

"Eh anong magagawa ko kung 'yon nga ang nangyari. Someone sent me a photo. You wanna see?"

Tumango ako. Imposible talaga eh. Daken was a good man and also a good boyfriend to her, and this abstruse accusation where Stella pumping out were literal absurd.

Kinuha niya ang phone niya sabay kalikot nito. Hinintay ko siyang ipakita sa 'kin 'yong sinasabi niya. A moment later, tumabi siya sa 'kin.

"Here." Binigay niya sa 'kin ang telepono.

Kinuha ko ito at nakita kong hubo't hubad si Daken at 'yong babaeng sinasabi ni Stella. I shook my head in disbelief. Hindi 'to magagawa ni Daken. Maybe someone trapped him to educe that something happened with them.

"No, hindi magagawa ni Daken 'yan. Someone tricked him para palabasing may nangyari sa kanila."

"Nakita mo naman siguro ng malinaw Zazdrick, 'no? He cheated on me," sabi niya sabay harap sa akin.

"Why you didn't hear his side, Stella? Bakit mo pinapangunahan ang kutob mo? Do your instincts did help you? 'Di naman, 'di ba?"

Natahimik siya sa sinsabi ko. I need to made her realize that she's wrong. She's suck with her absurdities.

"I gotta go." Tumayo siya sabay lakad palayo sa gawi ko.

Bumuntong hininga ako nang maka-alis siya. Ininom ko ulit ang root beer ko.

Nasa gano'n akong sandali nang biglang nag ring ang telepono ko. Kinuha ko ito sabay sagot.

"Hello."

"Zazdrick?" tanong sa kabilang linya.

"Who's this?"

Boses 'to ni kuya Willbohr ah. Ano kayang kailangan niya sa 'kin? Naalala ko 'yong bonding namin with kuya Willbohr. Masarap kasama ang kapatid ni Amasia so far.

"Kapatid 'to ni Amasia," sagot sa kabilang linya.

Si kuya Willbohr nga. Pero paano niya nakuha ang number ko? Hindi naman ako nagbigay ng numero sa kahit na sino ah.

"Kuya, anong atin?"

"Si Amasia..." humagulgol siya.

Hindi na maganda ang kutob ko dito. Isa lang ang dahilan kung bakit umiiyak ang isang tao.

"Kuya sabihin mo sa 'kin. Anong nangyari?" kinakabahan kong tanong.

"Si Amasia... naaksidente."

Parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni kuya. Sa gulat ko, nabitawan ko ang telepono na siyang dahilan nang pagka basag nito.

Bakit kay Amasia pa nangyari 'to? Bakit hindi na lang sa akin?

Tumayo ako saka nagmadaling tumakbo papunta sa garrage. Sumakay ako sa kotse ko at pinatakbo ito ng mabilis.

Ilang minuto rin nang marating ko ang bahay nila Amasia. Naabutan ko pa si tita Lira na may dalang mga gamit. Bumaba ako at pumunta sa gawi niya.

"Tita, saan po kayo pupunta? Alam niyo po ba kung saang ospital dinala si Amasia?"

"Sa St. John, malapit sa isang mall," sagot niya.

"Tara na po. Sumabay na po kayo sa 'kin," pag-aaya ko.

Tumango naman siya. Nauna akong pumasok sa loob ng kotse. Sumunod rin naman si tita Lira. Pagkapasok niya, saka ko tinapakan ang accelerator.

Malapit na kami sa sinasabing ospital ni tita. Kinakabahan pa rin ako sa nangyari kay Amasia. Ayokong iwan niya ako. May-maya, nakarating na rin kami sa sinasabing ospital ni tita.

Naunang bumaba si tita habang naiwan naman ako sa loob, hindi mapakali. Ilang saglit lang napagdesisyonan kong lumabas ng kotse.

Pagkalabas ko, naglakad ako papasok sa loob at pumunta sa information deck. Nasa likod ko naman si tita na naghihintay sa sasabihin ng nurse.

"Miss, saan ang room ni Ms. Amasia Cortez?"

"Wait lang po sir. Titignan ko lang po muna." Binuklat niya ang log book.

Hinanap niya kung saang silid dinala si Amasia. Kinakabahan na ako dito. Sana 'di malala ang lagay niya. Tumingin ang nurse sa akin.

"Room 126 po, sa ICU."

Parang tinusok ako ng sinulid sa narinig ko. Hindi... hindi puwede. Mabilis kaming pumunta ni tita sa room na sinasabi no'ng nurse.

Pagkarating namin, sinalubong kami ni kuya Willbohr habang umiiyak. Hindi maganda ang kutob ko dito. I have this gut feeling na 'di ko mapaliwanag.

"Anak, kamusta ang kapatid mo?" tanong ni tita.

Humagulgol si kuya nang tanungin siya ng ina niya. No... hindi puwedeng mangyari 'yong nasa isip ko.

"Bakit? Anong nangyari sa kapatid mo?" si tita.

Hindi masagot ni kuya ang tinatanong ng kaniyang ina kasi pinipigilan siya ng mga luha niya.

"Anak, sabihin mo sa 'kin ang totoo." Hinawakan ni tita ang kamay ni kuya.

Unti-unting hinarap ni kuya si tita. Bakas sa itsura niya ang pag-aalala.

"Hindi ko pa po alam..."

Maya-maya, may nakita akong lalaking doktor na papunta sa gawi namin. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang tama ang kutob ko.

Pagkarating ng doktor sa gawi namin. Sinalubong siya ni kuya ng tanong.

"Doc, anong lagay ng kapatid ko?"

Nakita kong hindi makapagsalita ang doktor. Parang ayaw niyang marinig namin ang sasabihin niya. Huminga siya ng malalim.

"Parents of the patient?"

Pumunta naman sa harap si tita. Alam kong naguguluhan pa rin si tita sa mga nangyayari. May hinala na ako, pero ayokong tama ako.

"Ako po ang nanay ng pasyente. Ano pong nangyari sa anak ko?"

"Misis 'wag po kayong mabibigla. Your daughter was found comatose. We'll do further tests para sa pasyente, but for now kailangan natin magpakatatag. Excuse me." Naglakad palayo ang doktor.

Parang natinik ako sa mga narinig ko. Tama nga ang hinala ko. She's in coma right now.

Si tita naman, napa-upo sa gulat. Bilang ina, hindi niya inasahan ang mga nangyari. Kahit ako, hindi ko rin inaasahan 'to. Ang ganda pa naman ng plano namin this saturday tapos, mauwi lang pala sa ganito.

Amasia...

— —

ShineInNightt