Chereads / 1 MONTH DARE (and the 14 Roses) / Chapter 2 - Chapter 1 - The Meet Up

Chapter 2 - Chapter 1 - The Meet Up

" 'tol, balita namin wala na kayo ni Alexa ah?" tanong ni Kyle na isa sa mga kabarkada niya.

Nagkibit-balikat lang siya.

"Grabe 'tol, tatlong araw lang 'ata kayo?" natatawang komento naman ni Ridge habang nilalaro ang bolang hawak.

"Nakakairitang kasama ang babaeng iyon." Isinandal niya ang likod sa puno. "Parang sawa kung makadikit."

Nagtawanan ang mga kaibigan.

"Paano ba yan, di find another girl tayo?" tila excited na tanong ni Lux.

"Yeah."

"O----kay!" at kaniya-kaniyang kuha ang mga ito ng cellphone.

Sigurado siyang magbubukas ang mga ito ng facebook para hanapan ng bagong popormahan.

Nailing na lang na itinaas niya ang isang binti at idinantay ang braso sa tuhod. Ang likod ng ulo ay isinandal din niya sa puno.

By the way, siya nga pala si Yudge Quinn Salvido. 17 na siya at second year college. He is the son of General Antonio Salvido. Wala na siyang nanay. Namatay ito sa isang aksidente. He was only 8 years old  that time. Nagb-bike siya noon at lumabas siya ng gate. Sumunod ang Mommy niya sa kaniya at pinababalik siya pero hindi niya ito pinansin. At dahil sa kaniya ito nakatingin, hindi nito napansin ang isang mabilis na sasakyang parating kaya nabangga ito. Hindi na ito umabot ng buhay sa ospital. Hindi niya alam noon kung ano ang gagawin. Musmos pa lamang siya ng mga panahong iyon pero tumanim sa puso at isipan niya ang nangyari. Lalo na at kitang-kita niya kung paano tumilapon ang Mommy niya matapos itong mabangga.

Masakit sa kaniya ang nangyari at totoong sinisisi niya ang sarili. It almost broke him into pieces. Napakabait nito at napakamapagmahal na ina at asawa. But in just a glimpse, nawala ito sa kanila. Pero ang lubos na ikinasama ng loob niya ay nang maramdaman ang pagbabago ng pakikitungo ng Daddy niya sa kaniya. Hindi na ito ang dating masayahin at palabirong ama. At pagkatapos ilibing ng Mommy niya, he became cold and distant to him. Since then, everything changed.

Alam niya hindi man ito magsalita, siya ang sinisisi nito sa pagkamatay ng Mommy niya. Simula noon, his father was so distant with him. Kung kinakausap man siya nito ay dahil mayroon siyang nagawang mali. Hanggang sa magkaedad siya ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kaniya. That's why, he grew up na malayo ang loob rito. Si nanay Luding ang nagpalaki sa kaniya at siyang itinuturing niyang pangalawang ina. Katiwala nila ito. Ito ang nagparamdam sa kaniya ng pagmamahal ng isang magulang na hindi na niya maramdaman sa kaniyang ama.

Hayst.. Change topic na nga. Ang baduy eh.

Well, nga pala, isa siya sa mga popular students sa school na pinapasukan. Bukod nga kasi sa anak siya ng isang general, gwapo rin siya at varsity player pa. Kaya ito, ang daming nagkakagustong girls. Hindi naman siya playboy. Talagang habulin lamang siya ng mga girls kaya hindi niya pinapalampas. Ito namang mga ito ang lumalapit o kung siya man, hindi nagtatagal at sinasagot din agad siya. Iyon nga lang, madali siyang magsawa kaya palit agad. Kung pagiging playboy man iyon, beat it. Basta ang sa kaniya lang, nagiging mabait siya sa mga babaeng lumalapit sa kaniya.

"Ow, sh*t! Kilala niyo ba iyon?"

Napatigil siya sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Lux na tila manghang-mangha sa nakita.

"Grabe, ang ganda-ganda niya talaga." humahangang wika ni Kyle.

Sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito at humantong ang mga mata niya sa isang babae. Hindi niya alam pero tila tulad ng mga kaibigan ay nahalina siya sa angking ganda ng babae. She has a long hair that was slightly curled at the end. Kita rin niya ang dimple nito sa kaliwang pisngi dahil nakaside view ito sa kanila sa kanila. Her skin was as white as radish. Ang mga ngiti nito ay tila nakapanghahalina na kahit magdamag 'ata niyang titigan ay hindi siya magsasawa. Maganda rin ang pagkakatangos ng ilong nito na bumagay sa magandang mukha nito.

Hindi niya itatangging totoong maganda ang babae. Pero bakas ang pagiging simple nito. It was the first time he saw the girl kaya sigurado siyang hindi ito popular. Maybe, she's one of those ordinary students na nag-aaral sa school nila. Or maybe, one of the scholars.

"Sa pagkakatanda ko, Aianiell Mortez ang name niya." Narinig niyang sinabi ni Ridge.

Tumingin sila dito.

"How did you know that?" Kyle asked.

He just listened to them.

"I heard aunt talking to my Mom last Saturday. Tumanggap nga raw siya ng isang scholar dito and that's her."

So, he's right. Scholar nga ang babae kaya nakapasok ito roon. Ang auntie kasi ni Ridge ang Dean ng school nila kaya alam nito ang ilang bagay na may kinalaman sa school.

" So, she did not come from a well-known family?" tanong ni Kyle.

Ridge nodded. "I think so."

Kumunot ang noo niya. "Hindi ka sigurado?"

"Well, I don't know her personally. Tsakanaccording to my aunt, SCHOLAR. So, that's give me the idea.

Sabagay, halos lahat ng mga estudiyanteng nag-aaral doon ay mula sa mga kilalang pamilya. Kung rich kid ito, how come na walang nakakakilala rito? And Ridge is an exception for that dahil nga sa tita nito. Ikinibit na lang niya ang balikat. Wala na siyang pakiaalam doon. After all, he's not interested with her.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso sila sa gym para sa basketball practice. Then after that, dumiretso sila sa kanilang locker. All the students who were members of sports like basketball, volleyball, soccer, etc. have their own lockers. Iba pa rin siyempre ang personal locker nila na nasa labas ng gym.

Kasunod ng locker nila ay ang sa volleyball team ng girls, then, iyong soccer team ng boys.

Kasalukuyan siyang nagbibihis dahil kaliligo lang niya ng magsalita si Ridge.

"I've searched some infos about Aianiell and it seems na wala ngang nakakakilala sa kaniya except kay Shana."

Kumunot ang noo niya. "And why did you do that?"

Pero hindi siya nito pinansin at sa halip ay humarap kina Lux.

"Sino naman iyong Shana?"

"The one and the only friend of her."

"How come na natanong mo siya? Hindi man lang ba nagduda?" Kunot-noong tanong ni Kyle.

"Come on, bro! Parang hindi mo ako kilala? Charm lang, bro." Pagyayabang nito.

"Okay, fine. Oh, ano naman ang mga sinabi niya sayo?" Interesadong tanong ni Lux.

"Aianiell is a transferee at nakapasok dito dahil sa scholarship." Umupo ito at dumekwatro. "At alam niyo ba, NBSB pala iyon."

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Kyle.

Siya ay nanatiling nakamasid lamang sa mga ito habang isinandal ang sarili sa sariling locker.

Nakita niyang tumango si Ridge.

"Ang totoo, may mga nanligaw daw kaagad doon noong first day palang dito kaso ni isa, walang pumasa! As in, deadma lahat."

Napailing na lang siya sa mga ito. Hindi niya alam why his friends are so interested about the girl.

"Challenging pala talaga siya." Komento ni Lux na kumindat kay Kyle.

"Meaning to say, pwede kay Yudge!" nakangiting saad ni Kyle.

Kumunot ang noo niya. "Wait, don't tell me --"

"Yes, 'tol!" Ridge cut him off. "Sa tingin namin, si Aianiell ang dapat na ipalit mo kay Alexa."

Napatayo siya ng diretso sa narinig. "Ano kayo, ni hindi ko nga type iyon eh? I admit she' s pretty, pero guys ang layo niya sa mga babaeng tipo ko."

"Iyon na nga 'tol eh," sang-ayon ni Kyle. "Hindi siya mayaman at hindi rin siya popular. So, why don't you try na makipaglaro sa kaniya?"

Nagtatakang tumingin siya sa rito. "Makipaglaro?"

Tumango ito. "Sabi ni Ridge, hindi madaling mapasagot si Aianiell. Eh kung ligawan mo kaya?"

"Alam nyo palang di madaling ligawan, bakit papopormahan niyo pa sa akin?"

"Come on, Yudge. Don't tell us di siya kaya ng mga da-moves mo?" kantiyaw ni Lux.

"Of course not!" Tanggi niya, siyempre hindi siya papayag na isipin ng mga ito na natatakot siyang ma-basted ng babae. Alam naman niyang hindi mangyayari iyon. "Ano namang mapapala ko kung liligawan ko iyon at mapasagot?"

"Ayooooos!" at nag-apir-an ang mga ito.

Siya ay napangiti na lang.

"Ganito 'tol, we have a 1 month dare to you." nakinig siya kay Kyle habang ipinapaliwanag nito sa kaniya ang ang kailangan niyang gawin.

"Ano, tatanggapin mo ba?" Hamon nito pagkatapos ipaliwanag ang lahat.

"Oo naman."

>>>

Nasa canteensi Aianiell at Shana. Katatapos lamang ng volleyball practice nila at doon sila dumiretso pagkagaling sa sariling locker room. May sampung minuto na silang naroon at nagkukuwentuhan nang lumapit sa kanila si Yudge.

Wag na kayong magtaka kung bakit at kung paano niya nakilala ang lalaki. Kahit transferee lang siya at ilang araw palang sa school na iyon, parang kilalang-kilala na niya ito. Paano ba naman, ang dami niyang naririnig tungkol dito. Bukambibig ito ng mga kababaihan. Tinalo pa nga 'ata nito si Daniel Padilla sa kasikatan eh.

"Hi, you are Shana right?" tukoy nito sa kaibigan.

Tila hindi naman makapaniwalang tumingin si Shana sa lalaki at maluwang na ngumiti rito.

"Yeah, how did you know my name?"

Tumingin siya sa kaibigan. Kita niya ang pagkislap ng mga mata nito. Pero alam niyang hindi iyon dahil sa crush nito ang lalaki. Tatlong araw palang silang magkakilala ng aminin nito sa kaniyang may gusto ito kay Ridge Villaberde. Isa sa mga kabarkada ng lalaking nasa harapan nila ngayon.

"Naturo ka minsan ni Ridge." Nakangiting sagot nito bago lumingon sa kaniya at ngumiti rin.

Tila pumiksi ang puso niya dahil sa ngiting iyon pero mabilis niyang pinalis. Sandali lamang niya itong tiningnan bago muling tumingin sa kaibigan. At kita niya nang kiligin ito sa sinabi ng kausap. Napailing na lamang siya.

"G-ganoon ba?" namumulang sagot nito. "Ahmm...so,bakit ka narito?"

Bumaling siyang muli sa lalaki at nakita niyang nakatingin ito sa kaniya. Pinilit niyang huwag maapektuhan ng muli itong ngumiti.

"Well, gusto ko lang sanang makilala ang kasama mo." Hindi inaalis ang tingin sa kaniyang sagot nito.

Kahit may kutob na siyang maaaring iyon nga ang dahilan nito kung bakit lumapit sa kanila ay hindi pa rin niya naiwasang magulat. At ewan ba niya pero tila nakaramdam siya ng tuwa sa narinig mula rito.

" Really?" nakangiting tanong ni Shana. "Well, she is --"

"Aianiell Mortez, right?" matamis ang ngiting tuloy nito sa sinasabi ng kaibigan.

"Kilala mo naman pala siya eh."

Lumingon ito sa kaibigan at ngumiti. "Ang totoo niyan, what I really want to know is, kung may boyfriend na ba siya?"

Narinig niya ang pagsinghap ng mga babaeng nakikinig sa usapan nila. Palihim na inikot niya ang mga mata at kita niyang sa kanila nakatutok ang pansin ng mga ito.

"Naku, wala aiyang boyfriend." Mabilis na sagot ni Shana.

Dagli siyang napabaling dito at kita niyang kumindat pa ito sa kaniya.

"So, pwede pala akong manligaw?

Shocked na napatingin siya sa lalaki. Ang mga nakikinig naman ay muling napasinghap. Ang iba ay nagbubulungan. Gusto sana niyang ibuhos sa lalaki ang iced tea na iniinom pero pinigil niya ang sarili.

'This is not the right time.' She composed her self bago matamis na ngumiti sa lalaki.

"Yeah." sagot niya.

Nakita niya ang paglawak ng ngiti nito. 'Hmmmp...sarap sapakin.'

"Then, allow me to introduce my---"

"No need," nakangiti pa ring putol niya rito. "Yudge Quinn Salvido."

"Wow! You knew me already." amazement is so visible on his eyes.

"Oo naman, you are very popular here." matamis pa rin ang ngiti niya habang tumatayo. "By the way, you don't need to court me."

Napalis ang ngiti nito sa mga labi at nagtatakang tumingin sa kaniya.

"Because right at this very moment, sinasagot na kita." nang-aakit ang ngiting sabi niya rito.

Pinigilan niya ang pagtawa when shock registered on his face. Kahit sa Shana ay nagulat sa sinabi niya. Ang mga babaeng naroon naman ay galit na galit na tumingin sa kaniya. Ang iba ay narinig niyang sinabihan siyang 'bitch', 'malandi' at kung ano-ano pa pero hindi niya pinansin ang mga iyon.

Alam niyang simula palang ito pero wala siyang pakialam. Lumapit siya kay Yudge at bumulong sa tainga nito.

"Let's meet after class." Humalik pa siya sa pisngi nito bago bumaling sa kaibigan. "Let's go, Shana." nagpatiuna na siya. Ang kaibigan naman ay tila wala pa sa sarili nang sumunod sa kaniya. Hindi niya pinansin ang mga nagbabagang mga tingin ng mga babaeng naroon. 'Mamatay sila sa inggit!'