Chereads / 1 MONTH DARE (and the 14 Roses) / Chapter 7 - Chapter 6 - Kiss

Chapter 7 - Chapter 6 - Kiss

Napatigil sa pagliligpit ng gamit si Aianiell ng marinig ang pagkakagulo ng mga kaklase.

"Anong meron doon?" nagtatakang tanong ni Shana.

"Ewan ko." Isinukbit na niya ang bag. "Let's go."

Palabas na sila ng pinto ng biglang humarang sa daraanan nila si Yudge. "Hi!" nakangiting bati nito.

Kaya naman pala nagtitilian ang mga kaklase nila dahil doon. "Anong ginagawa mo rito?"

"Sinusundo ko ang girlfriend ko." kinuha nito ang mga libro niya.

"Oh my gaaaah, ang sweet niya pala!" Impit na tili ni Aila, isa sa mga kaklase niya.

Nagulat pa siya ng biglang gagapin nito ang kanang kamay niya. Lalong lumakas ang tilian ng kaniyang mga kaklase.

"Aianiell, bagay na bagay kayo!" kinikilig na komento ni Che, ang pinakachubby niyang classmate.

"Aianiell, pwedeng palit muna tayo? Gusto ko ring mahawakan ang kamay ni fafa Yudge!" maarteng saad ni Lucy, short for Lucifer. Alam niyo na.

Nahihiyang nginitian lamang niya ang mga ito.

"Y-yudge, saan ba tayo?" napakabilis ng tibok ng puso niya ng mga sandaling iyon.

Lumingon naman ito sa kaniya at kumindat. "Magde-date."

"Pero kasama ko si Shana."

"Nakaalis na siya."

Mabilis niyang hinagilap ang kaibigan pero hindi na nga niya ito nakita.

"Kanina pa siya nagpaalam, hindi mo ba narinig?"

Umiling lang siya.

"So, let's go?"

Wala na siyang nagawa ng tuluyan na siyang hilahin nito. Some students were looking at their hands, pero hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Yumuko na lang siya para maitago ang pamumula ng mukha.

>>>

"Aianiell."

Lumingon siya rito. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng bigla siya nitong yakapin.

"Y-yudge."

"Nilalamig ka ba?"

Marahan siyang umiling. "Hindi naman."

"Nilalamig ako. Can we stay like this for a while?"

"S-sige." well, she liked the feeling of being embraced by him. Iniyakap niya ang mga braso sa beywang nito. Napapikit siya ng maramdaman ang magaang halik nito sa ulo niya. Naroon sila sa park kung saan una nitong natutunang kumain ng tinapay na may palamang ice cream. Napangiti siya ng maalala iyon. Hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala na napakain niya ng ganoon ang isang Yudge Quinn Salvido. At hindi lang iyon, napakain na rin niya ito ng betamax, isaw at kwek-kwek.

Aaminin niya, masaya siya na nakakasama niya ito. Hindi rin niya maipaliwanag ang feeling na nagagawa niya ang mga bagay na ordinaryo na ito ang kasama. Hindi man kasama sa plano, pero alam niya na masuwerte  siya dahil nagkaroon siya ng chance na makasama ito.

Kahit sandaling panahon lang iyon, alam niyang ang mga araw at oras na kasama niya ito ang magiging pinakaunforgettable moments sa buhay niya. At hindi niya pagsisisihan ang mga iyon.

"Ihahatid na kita."

Dagli siyang napamulat ng marinig ang boses nito. Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap dito at pilit na ngumiti. Ewan ba niya, pero tila ayaw pa niyang matapos ang oras na iyon.

"I hate to do this pero gabi na at kahit sabado bukas, ayaw kitang mapuyat. Alam ko rin namang pagod ka na." hinawakan nito ang kamay niya at iginiya na siya sa sasakyan.

Habang nagmamaneho ito ay pinagmamasdan  niya. Kahit saang anggulo niya ito tingnan, talagang gwapo ito. Naalala niya ang dahilan kung bakit nakakasama ito. Bigla ay nakaramdam siya ng lungkot.

Binawi niya ang mga mata mula rito at ibinaling iyon sa labas ng sasakyan. Isang lingho na lang pala at matatapos na. Napabuntong-hininga siya. How she wished na totohanan na iyon.

Napabaling siya rito ng gagapin nito ang kamay niya.

"Lalim ng iniisip ah."

"H-huh?"

Ngumiti ito. "Kanina pa kasi tayo nakahinto, pero mukhang hindi mo namalayan."

Tumingin siya sa labas. Naroon na nga sila sa tapat ng boarding house niya. Binitawan nito ang kamay niya at bumaba ng sasakyan. Umikot ito para pagbuksan siya. Inalalayan siya nito sa pagbaba.

" Thank you. "

Ngumiti ito bago sandaling tumalikod sa kaniya. May kinuha ito sa backset ng kotse.

"Para sa iyo." kinuha niya ang roses. How come na hindi niya iti napansin kanina? Kung saan-saan kasi nalipat ang isip niya. "Hindi ko naibigay kanina."

She smiled at him. "I'll bet, 14 na naman ito."

Yudge laughed. "Yeah."

"What's with 14 roses?" she asked out of curiousity.

"Sige na, pasok ka na." pag-iiba nito halip na sagutin ang tanong niya.

She pouted. "Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin?"

Tumawa lang ulit ito. "Sige na, pasok na. Gabi na at malamig na rito."

"Sige na nga. Malalaman ko rin what's behind this 14 roses." Tumalikod na siya. Nakakailang hakbang palang siya nang muling humarap dito at mabilis itong halikan sa pisngi. "Goodnight!" at nagmamadaling pumasok siya sa loob.

Si Yudge ay nagulat sa ginawa ni Aianiell. Napahawak na lang siya sa pisnging hinalikan nito at marahang napangiti.