Linggo ng hapon at naroon si Aianiell sa kuwarto niya at nakatitig sa kisame. Kanina pa siya sa ganoong posisyon at iniisip si Yudge. Inaamin niya, na-mi-miss niya ang binata. Kanina pa nga rin niya tinititigan ang 14 roses na bigay nito. Hanggang ngayon ay hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit 14 ang bilang ng bulaklak. Pwede naman sanang 3 lang para I love you? 'Wew! Asa pa.' She's been asking herself, too kung ano kaya ang ginagawa ng lalaki. Kung katulad ba niya ay iniisip din siya nito.
Napabuntong-hininga siya. 'Bakit ka naman iisipin nun? Eh, pinag---'
Napabalikwas siya ng biglang magring ang kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong sinagot ng mabasa ang name ng caller.
"Hello."
Narinig niyang umubo ito bago sumagot.
"Punta ka rito." napakunot-noo siya.
"May sakit ka ba?" malat kasi ang boses nito.
"P-punta ka."
Binalot ng pag-aalala ang dibdib niya. Hirap kasi ito sa pagsasalita lalo na't inuubo pa.
"Sino ba ang kasa---"
"Punta ka na, please."
Magsasalita pa sana siya pero naputol na ang linya. Mabilis na inayos niya ang sarili para puntahan ito.
Nang makarating siya sa bahay nina Yudge ay mabilis siyang nag-doorbell. Di naman nagtagal at pinagbuksan siya ng guard.
"Kayo po ba si Ms. Aianiell?"
Nagtaka siya. Tila inaasahan na talaga nito ang pagdating niya.
"Ibinilin po kasi mula sa loob ang pagdating ninyo." paliwanag nito ng tila mabasa ang nasa isip niya.
Napatango na lang siya. Agad naman siya nitong pinapasok. Sumalubong sa kaniya ang isang katulong na nagpakilalang Nanay Luding.
"Ikaw pala si Aianiell." nakangiting bati nito.
"Opo."
"Madalas kang ikuwento ni Quinn. I mean, ni Yudge. Pasensiya ka na, Quinn kasi ang tawag ko sa batang iyon."
She smiled. "Okay lang po."
Iginiya siya nito sa kuwarto ni Yudge. She saw him covered with blankets. As in, blankets talaga.
"Ikaw ang hinahanap. Ayaw uminom ng gamot ng batang iyan simula't sapol. Ipina-dial sa akin ang numero mo bago ibinigay ko sa kaniya."
Nag-aalalang lumapit siya at hinawakan ito. Pero inalis din niya agad ang palad sa noo nito dahil tila napaso siya sa init ng katawan nito.
" Ang taas po ng lagnat niya. " puno ng pag-aalalang wika niya.
" Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Teka at ihahanda ko iyong soup na niluto ko."
"Pati po gamot."
Tumango na lang ang matandang babae bago mabilis na lumabas ng kuwarto.
"Aianiell."
Agad siyang bumaling ng marinig ang pagtawag nito. Napansin niya ang panginginig nito. Mabilis na hinawakan niya ang kamay nito.
"I'm here." She caressed his hair.
Umahon siya mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama nito pero naramdaman niya ang paghigpit ng hawak nito sa kamay niya.
"Hindi ako aalis. Ihahanda ko lang ang ipampupunas ko sa katawan mo."
Lumuwang naman ang hawak nito ng marinig ang sinabi niya. Mabilis na hinagilap niya ang mga gagamitin. Kumuha siya ng face towel sa isa sa mga closet na naroon ganoon na rin ng pamalit sa suot nitong damit. Hinagilap rin niya ang stainless basin na nasa comfort room at nilagyan iyon ng warm water. Buti na lang at may hot shower doon. Hindi na niya kailangang bumaba para kumuha ng mainit na tubig.
Bumalik siya sa tabi ni Yudge at mabilis na pinunasan ito. Umungol lang naman ito. Pikit-matang hinubad niya ang damit nito. Nanginginig pa ang mga kamay niya ng simulang punasan ang katawan nito.
'Gosh, ang init!' Bulong niya sa isip. Pigil ang hiningang tiningnan niya ito. 'Hayst, kahit may sakit ka ang guwapo mo pa rin.'
Nang matapos sa pagpupunas dito ay agad niya itong binihisan. Noon naman pumasok si Nanay Luding. Inilapag nito ang soup sa table at kinuha roon ang mga ginamit niya sa pagpupunas.
"Ikaw na muna ang bahala kay Quinn, at ako' y magluluto muna."
Tumango naman siya rito. Nang makalabas ang matanda ay inayos naman niya ang puwesto ni Yudge. Isinandal niya ang unan sa headboard ng kama nito at inalalayan itong makaupo. Nang masiguradong komportable na ito sa puwesto ay kinuha niya naman ang mangkok na may lamang soup.
"Oh, kainin mo itong soup."
"Ang pait." reklamo nito ng maisubo ang laman ng kutsara.
"Wala ka lang panlasa. Tiisin mo para magkalaman ang tiyan mo at nang makainom ka ng gamot."
Kunot ang noong tumingin ito sa kaniya habang namumungay ang mga mata.
"I don't like medicine."
"Pero kailangan mong uminom." kontra niya bago itinuloy ang pagpapakain dito.
"Busog na ako." saad nito maya-maya.
Ibinaba naman niya ang mangkok bago kinuha ang tubig at tableta.
"Oh, take it." ibinigay niya rito ang gamot.
Umiling ito. "Ayaw ko niyan." Nanghihinang inayos nito ang unan para makahiga. Kahit hirap ay pinilit nitong makakilos.
"Anong ayaw mo? Pakiramdaman mo nga iyang katawan mo at ang init-init. Sigurado rin ako na nananakit ang buong katawan mo kaya kailangan mong inumin itong gamot." sermon niya.
Pero hindi siya nito pinansin. Sa halip ay ibinalot nito ang sarili sa loob ng kumot at ipinikit ang mga mata.
" Yudge. " nagmulat ito at malamlam ang mga matang tumingin sa kaniya." Ayaw ko ng gamot. "
Naiinis na ibinaba niya ang baso ng tubig sa lamesa ganoon din ang gamot.
"Nakakainis ka alam mo iyon? Tatawag-tawag ka para ipaalam na may sakit ka tapos pagdating ko rito hindi ka naman makikinig." litanya niya. "Alam mo bang sobrang nag-aalala ako sa kalagayan mo ngayon? Hmmp...bahala ka na nga sa buhay mo, uuwi na ako!"
Nakabusangot na tinalikuran niya ito pero bago pa siya tuluyang makahakbang ay naramdaman niya ang paggagap nito sa kaniyang kamay. She looked back at him at nakita niyang nakangiti ito kahit makikita sa mukhang may dinaramdam ito.
" Nag-aalala ka sa akin?" nangingislap ang mga matang tanong nito.
Natigilan siya. "S-sinabi ko ba iyon?" ramdam niya ang paggapang ng init sa kaniyang mukha lalo na nang lumawak ang ngiti nito.
"Yeah, I heard you."
Iniwas niya ang mukha rito. "H-hindi kaya!" tanggi niya.
Nagulat siya ng bigla siyang hilahin nito. Hindi naman iyon malakas dahil nga nanghihina pa ito pero sapat para muli siyang mapaupo sa gilid ng kama nito.
"Pss, sinungaling." nangingiting wika nito. "Iinom na ako ng gamot."
"Huh?" gulat na tanong niya.
"Sabi ko iinom na ako ng gamot."
"A-akala ko ba ayaw mo?"
Tumitig ito sa kaniya. "Ayaw ko nga, pero ayaw kong nag-aalala ka sa akin." kumindat pa ito sa kaniya that made her blushed again. Kinuha na lang niya ang tubig at gamot at ibinigay dito para maiwasan niya ang mga mata nito.
Kinuha naman nito ang tablet at isinubo. Mabilis naman niya itong inalalayan para makainom ng tubig.
After taking his medicine, he slowly returned in lying. Siya naman ay ibinalik ang baso sa lamesa bago muling tiningnan si Yudge. His eyes were closed again. Kinumutan niya ito. She checked his temperature at nagpapasalamat siya na medyo bumaba ang lagnat nito. She thought, he's already asleep pero narinig niyang nagsalit ito.
"Stay, please."
"Yudge,"
Hinawakan nito ang kamay niya. "Dito ka muna." marahan siya nitong hinila.
She has no choice kundi ang muling bumalik sa tabi nito. She stayed with him. Watching him to fall asleep. Hindi nagtagal at naging patag na ang paghinga nito which means, tulog na ito.
She touched his neck and his forehead again at nakahinga siya ng maluwag ng tuluyang bumaba ang lagnat nito. Since he's already asleep, hinayaan niyang haplusin ng isang kamay ang makinis na mukha nito.
She couldn't explain her feelings that time. Ang alam lang niya, she's happy that she had the chance na maalagaan at mapainom ito ng gamot.
Matagal pa niya itong tinitigan. Maya-maya ay binawi na niya ang kamay mula rito bago marahang umahon. She leaned on para magkalapit ang mga mukha nila. ''Tulog ka naman eh kaya free ako.'' She whispered bago magaan itong hinalikan sa pisngi.