Pasensiya na po at now lang na-update.. I just took 2 days rest na walang any type ng social media... Sobrang grateful po ako sa mga nagbabasa at nag-a-add pa nito sa reading list nila pati po sa mga nagvo-vote kahit isa o dalawa lang kayo, still, maraming salamat! Pinataba niyo po talaga ang puso ko😍❤️. Gamsahamnida!!! Maiksi lang po itong last part. Pasensiya na sa pagkukulang if ever... Enjoy reading!
***
She got her senses back nang tumigil na ito sa pagkukuwento. She waited him na ituloy ang kuwento pero hindi na ito muling nagsalita.
"T-that's all?"
Hindi na kasi nito sinabi kung ano ang naging reaction ng family niya sa mga sinabi nito. Especially her dad at hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niyang malaman iyon. But in her dismay, tumango na ito which means na wala na itong idadagdag pa sa mga sinabi nito.
"You're lying, Yudge." naka-pout na wika niya.
Alam niya kasing may sinabi pa ang dad niya at kuya niya rito. Shw knew them at imposibleng nagsawalang-kibo na lang ang mga iyon pagkatapos ng mga sinabi nito.
She gazed at him when he laughed.
"Well, inilabas lang naman nila ang kanilang mga baril." he grinned.
Ngumuso siya. Though may hinala siyang totoong ginawa iyon ng kuya at mga uncles hindi man ng daddy niya. "Di sana wala ka rito. Ano ba talaga ang ginawa at sinabi nila sa iyo?"
Lumawak ang pagkakangiti nito. "Iyon nga, inilabas nila iyong baril nila. Tapos..." bitin nito..
Sinamaan niya ito ng tingin. "Ano nga?"
"Lumapit sa akin ang daddy mo at..." pigil-hiningang hinintay niya ang sunod nitong sasabihin. "sinabi niyang ikaw pa rin ang magdedecide kung patatawarin mo ako. Pero kunh patatawarin mo nga raw ako, i-make sure ko raw na hindi na ulit kita sasaktan. And I didn't promise him na hindi ko iyon gagawin..."
"Huh?"
"Hindi naman maiiwasan iyon, di ba? Kahit ayaw ko, it is possible na masaktan pa rin kita. Kaya ang sinabi ko na lang sa kanila, I will do my best to make you happy. And if ever na masaktan kita, magpapasuntok ako sa kuya at mga tito mo."
Na-touched siya sa sinabi nito. She felt his sincerity.
" At kung hindi mo man ako mapapatawad, susuportahan daw nila ako sa panunuyo sa iyo. "ngiting-ngiting saad nito bago kumindat sa kaniya.
" They said that? "hindi makapaniwalang tanong niya.
" Yeah, you see. Boto na agad sila sa akin? "
Natatawang sumang-ayon siya rito. Ano pa bang magagawa niya, nakuha na pala agad nito ang loob ng pamilya niya?
Nagulat na lang siya ng gagapin nito ang mga kamay niya at matamang tumitig sa kaniya. Ang mga babaemg nakakita naman ay nagsipagtilian. Noon lang niya naalala kung nasaan sila. Akala kasi niya, sila lang dalawa ang tao sa mundo.
"At natuwa ako sa sinabi nila because I know that time, they already gave me their trust. I'm really sorry, Aianiell. Kung hindi mo man ako mapatawad ngay---"
"Psh..." she cut him off. "Matagal na kitang napatawad. Isa pa, masyado na kitang mahal para pahirapan pa. Kapag ginawa ko iyon, parang pinahirapan kp na rin ang sarili ko."
Nakita niya ang pagkislap ng mga mata nito dahil sa sinabi niya. Hindi nagtagal ay ikinulong siya nito sa mga bisig.
" Mahal mo talaga ako? "masuyong tanong nito habang nakayakap sa kaniya.
She nodded, bago bumulong dito." Sobra, Mr. Yudge Quinn Salvido. "
Napangiti siya ng maramdamang humigpit ang yakap nito sa kaniya at ng marinig ang palakpakan ng mga nanunuod sa kanila. Si Shana ay kumindat sa kaniya. She smiled at her maging sa mga kaibigan ni Yudge bago pabulong na nagpasalamat sa mga ito.
Bumitaw sila sa pagkakayakap sa isa't isa.
"By the way, for you." inabot nito sa kaniya ang isang pulang rosas. "Para kompleto na."
Nakangiting tinanggap niya iyon. "Why do you always give me 14 roses? Don't get me wrong huh, curious lang talaga ako."
Muli nitong inabot ang kamay niya at pinisil iyon.
"The 14 roses mean the words, I AM REALLY SORRY. Hindi ko kasi masabi sa iyo ng direkta of how sorry I am sa ginawa ko. So, idinaan ko na lang sa roses." Paliwanag nito.
Napatango-tango siya. Kaya pala everytime na nakakatanggap siya ng 14 roses dito ay sobrang gumagaan ang pakiramdam niya. Iyon pala ay humihingi na ito nh tawad sa kaniya.
" Well then, apologies accepted. "
Ngumiti ito sa kaniya bago mulinh ipinulupot ang mga braso sa katawan niya. "I do love you, Ms. Aianiell Mortez."
"And I do love you, too, Mr. Yudge Quinn Salvido."
As she uttered those words, alam niyang wala nang bahid ng kasinungalingan ang relasyon nila. Maaaring sa isang hamon nagsimula ang lahat. Pero tulad ni Yudge, thankful din siya na nagkaroon ng ganoong dare. Dahil kung hindi, hindi siya... Sila, masaya ngayon...
End.