Chereads / 1 MONTH DARE (and the 14 Roses) / Chapter 10 - Chapter 9 - Nowhere to be Found

Chapter 10 - Chapter 9 - Nowhere to be Found

Nagbabasa si Aianiell ng ebook sa kaniyang cellphone ng magtilian ang kaniyang mga kaklaseng babae maging si Lucy. Lunes ng hapon at kasalukuyang breaktime nila. Inangat niya ang mukha at tiningnan kung ano ang ipinag-iingay ng mga kaklase.

Napanganga siya nang makita ang guwapong mukha ni Yudge sa pintuan ng room nila. Napakaaliwalas ng mukha nito at mababakas doon amg kasiyahan.

"Ang guwapo niya talaga!" kinikilig na bulong ng isa niyang kaklase sa katabi nito.

"Girl, ang suppa-hot talaga ng boyfie mo!" bulong naman sa kaniya ng kaibigan.

Sandali lang niya itong nilingon.

"Can I come in?" matamis ang ngiti nitong nakatingin sa kaniya pero sa mga classmates niya nagpapaalam.

"Of course, Papa Yudge!" malanding sagot ng baklitang si Lucy. "Para sa akin ba ang mga roses?"

Nakangiting nilampasan lang nito si Lucy bago lumapit sa kaniya. Nagtilian ang mga kaklase niya ng halikan siya nito sa pisngi.

"Para sa iyo."

Namumulang inabot niya ang mga roses mula rito. As usual 14 na naman ang mga iyon.. "T-thank you."

"No, thank you." nagtatakang tiningnan niya ito. "Okay na kami ni Dad."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Mabuti naman kung ganoon."

"Yeah, at utang ko iyon sa iyo."

Nag-stay pa ito roon at nakipagkulitan sa mga kaklase niya habang hawak ang kamay niya. They are being teased pero ngiti lang ang sagot niya sa mga iyon. She's happy that he's beside her but she's more than happy dahil okay na ito at ang Daddy nito.

But she'll admit, there's a part of her na nalulungkot. Ayaw lamang niyang ipahalata rito. 4 days na lang kasi at babalik na sila sa dati. And to be honest, nakakaramdam siya ng sakit without knowing the reason why.

Dahil ba matatapos na ang isang buwan? O dahil alam niyang after noon, katulad na siya ng mga babaeng initsapwera nito? Na wala rin siyang ipinag-iba sa mga iyon?

***

"Uy 'tol, kumusta na?" masayang bati sa kaniya ng barkada.

"Mukhang masaya ka ah?" puna ni Lux.

Ngumiti siya. "Okay na kami ni Dad."

"Relly?" hindi makapaniwalang tanong ni Ridge pero bakas naman na natutuwa ito sa ibinalita niya. "Paano?"

Nagkibit-balikat siya. "We talked, tapos ayon."

Ayaw muna niyang malaman ng mga ito na si Aianiell ang naging dahilan ng pagkakaayos nilang mag-ama. Napangiti siya ng maalala ito.

"Naks! What's with the smile, pare?" Pansin sa kaniya ni Kyle. "By the way, dalawang araw na lang pala ang natitira sa 1 month."

Dagling napalis ang ngiti niya at napatingin siya sa mga ito. Kumindat sa kaniya si Kyle habang ang dalawa naman ay malawak ang mga ngiti.

"Mukhang matatalo na naman 'ata kami, ah." umiiling na saad ni Lux

"Ihahanda ko na ba ang motor ko?" naiiling na tanong ni Ridge.

"Patay! Ano kayang idadahilan ko kay Mommy kapag napansin niyang hindi ko na sinusuot iyong Aachberg shoes ko? Siya pa naman mismo ang bumili noon." kamot sa ulong saad ni Kyle.

Magsasalita pa sana si Lux ng biglang may kumalampag sa labas ng locker room nila. Mabilis silang lumapit doon at sumilip pero wala naman silang nakitang tao o ano mang bagay na pwedeng may likha ng ingay.

Si Yudge ay bumalik sa loob. Tahimik lamang siya. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan.

" 'tol, okay ka lang?" Lux asked.

He looked at his friends bago mabilis na binuksan niya ang locker at may kinuha roon. Inabot niya kay Ridge ang isang credit card at ang susi ng kotse nito.

Nagtataka namang tumingin ito sa kaniya. "What' s this?"

Nakita rin niya ang pagtataka sa mukha nina Kyle at Lux. Bumuntong-hininga siya. "I-withdraw nyo ang tigtw-twenty thousand nyo. Then, iyan 'yong key ng car ko." hindi niya inalis ang tingin sa mga kaibigan. "Tapoa kung may gusto kayong iutos sa akin, sabihin nyo lang. I' ll do it."

Matagal bago nakapagsalita ang mga ito. Si Kyle ang unang nagbigay ng reaction.

"Hey, don't tell us---"

"Yeah, I quit." ngumiti siya sa mga ito. "Talo na ako, so, ayan."

"Pero bakit pati iyong 60k?" kunot-noo pa ring tanong ni Lux.

"Ibinabalik ko lang ang pera nyo. Let just say, hindi kasama iyong unang dare. Or better, wala talagang pustahang nangyari." he said.

Wala siyang pakiaalam kung matalo man siya. Hindi na iyon mahalaga sa kaniya. Ang mahalaga ay iyong nararamdaman niya for Aianiell. And after this, kakausapin niya ito. Aaminin niya ang totoo. Magso-sorry siya ng paulit-ulit. Kung hindi man siya nito patawarin, susuyuin niya pa rin ito hanggang tanggapin nito ang sorry niya.

"May iuutos ba kayo?"

Iling lang ang sagot ng mga kaibigan na tila hindi inaasahan ang kaniyang ginawa. Hindi niya masisisi ang mga ito. This was a first na magpatalo siya.

"Kung ganoon, puntahan ko lang ang girlfriend ko. Bukas niyo na lang siguro ako utusan. Iyong sasakyan ko, bahala na kayo." at nakangiti niyang tinalikuran ang mga ito.

>>>

"Shana!"

"Oh, Yudge?"

He smiled at her. "Si Aianiell?"

Kumunot ang noo nito. "Akala ko ba magkasama kayo?"

"What do you mean?"

"Nagpaalam kasi na mauuna na siya. Nagmamadali nga eh, akala ko tuloy may date na naman kayo." paliwanag nito.

"Ah, sige salamat." mabilis siyang nagpaalam dito. Siguro ay nasa boarding house na ang girlfriend.

Pumara na lang siya ng taxi dahil nasa mga kaibigan na ang kaniyang sasakyan tulad ng napag-usapan nila kung matalo siya sa pustahan. At hindi siya nagsisisi roon. Kung may pinagsisihan man siya, iyon ay ang nagawa niyang pumayag sa dare ng mga kaibigan. Pero kahit paano, alam niya na kung hindi dahil doon ay hindi niya makikilala ng tuluyan si Aianiell.

>>>

"Naku, umalis na si Aianiell dito."

Napakunot-noo siya ng marinig ang sinabi nh landlady ni Aianiell.

"Ano pongibig sabihin ninyong umalis na?"

"Umalis na. Hinakot na niya ang mga gamit niya. Sabagy, kokonti naman ang gamit na dala ng batang iyon. Mga damit lamang niya. Iyong mga gamit na binili niya gaya noong electric fan, iyong kama niya at iyong lutuan ay ibinigay na niya sa akin. Napakabait na bata. "

" Hindi po ba sinabi kung saan siya pupunta? "

Umiling ito." Ang sabi lang niya ay uuwi na siya sa kanila. Hindi naman binanggit kung saan ang kanila."

Nagpasalamat na lang siya rito at nagpaalam. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ng mga oras na iyon. He felt so empty. 'Saan ito nagpunta? Bakit ito umalis ng hindi nagpapaalam sa kaniya?' Ngayon siya nagsisisi na wala siyang gaanong alam sa babae. Bakit ang mahahalagang bagay tungkol dito ay hindi niya nagawang alamin?

Kinuha niya ang cellphone ng tumunog iyon. Message mula kay Aianiell. Mabilis niya iyong in-open at tuluyang nalaglag ang mga balikat niya ng mabasa ang laman niyon. Nanghihinang napaupo na lang siya sa sementong kinatatayuan.