Two weeks na sila ni Yudge pero dalawang araw na silang hindi nag-uusap pagkatapos ng nangyari sa park. Siguro nga ay mali siya sa pakikialam dito, pero hindi naman 'ata tama na sabihan siya nito ng ganoon.
She' s really hurt. At medyo masama pa rin ang loob niya kaya iniiwasan niya ito.
Naglalakad aila ni Shana sa may pathway ng marinig niyang pinag-uusapan siya nina Alexa.
"So, idi-nump na rin siya ni Yudge?" Alexa said mockingly.
"Sabi naman sa inyo eh, hindi ang tulad niya ang magpapatino sa isang Yudge Quinn Salvido." nang-iinis na sabat ng isa sa mga kasama nito.
She felt Shana's hand in her arm. Nag-aalala ang mukha nito ng lingunin niya. She smiled to tell her na okay lang siya.
" I pity her. "
Hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Didiretso na sana sila ng may humarang sa daraanan niya. Gwapong mukha ni Yudge ang nasilayan niya.
She was going to ignore him ng mabilis nitong hawakan ang kamay niya.
"Let's talk please?" pagsusumamo nito.
Ang ano mang pagtanggi sanang gagawin ay tila tinangay na ng hangin. Pinauna na niya si Shana at nakakaunawang tumango naman ang kaibigan.
Sumunod na lang siya kay Yudge ng hilahin siya nito. Hindi na niya pinansin ang nagbabagang tingin ni Alexa at ng mga kaibigan nito. Nakatuon na kasi ang mga mata niya sa mga palad nila ni Yudge na magkahugpong at sa kakaibang pintig ng puso niya ng mga oras na iyon.
Dinala siya nito sa roof top ng school. Sinubukan niyang bawiin ang kamay mula rito pero mas humigpit ang hawak nito roon.
"I'm sorry." nakatingin sa mga mata niyang saad nito. "I didn't mean what I said last time."
Yumuko siya. "T-totoo naman ang sinabi mo, I don't have the right."
Naramdaman na lang niya ang pagtulo ng luha niya. Mabilis niya iyong pinunasan gamit ang kamay na hindi nito hawak.
"Hey," itinaas nito ang mukha niya. "You're crying."
Iniiwas niya ang mukha rito. "Don't mind me."
"Aianiell ---"
She tried to smile. "Ano ka ba, okay lang ako."
Binitawan nito ang kamay niya bago sandaling umalis sa harapan niya. When he returned, may dala na itong bulaklak.
"For you."
Hindi niya alam kung paano magre-react. She was caught off guard. Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. 'Ano ka ba, roses lang kaya iyan?' bulong ng isip niya. 'Alam ko, pero kasi bakit niya ako binibigyan?'
Napakurap siya nang maramdamang wala na ito sa harapan niya at napansing nakalupagi na sa semento. Nakayuko rin ito habang nakasandal sa pader. Ang bulaklak na hawak nito kanina ay nasa gilid.
"I really hurt you, didn' t I?"
Umangat ang mukha nito at tumingin sa kaniya. She didn't know what to feel right at the moment. Vulnerability was expressed on his face. And she was really surprised dahil doon. It seemed like, ibang Yudge ang kaharap niya ng mga oras na iyon. Iyong malayo sa unang Yudge na nakilala niya.
She walked towards him and slowly sat in front of him.
"Yudge." puno ang lungkot ang mga mata nito.
"I'm sorry."
Hinawakan niya ang mga kamay nito. "Tapos na iyon."
"Yeah, pero nasaktan pa rin kita." Yumuko ito.
Pinisil niya ang mga palad nito.
"Yudge ---" sasawayin niya sana ito pero mabilis itong nagsalita.
"Ayaw ko lang talagang napag-uusapan ang Daddy ko."
Natigilan siya sa sinabi nito. Muling umangat ang mukha nito at tumingin sa kaniya. And as their gazes met, nabasa niya sa mga mata nito ang hinanakit na mayroon para sa ama.
"I'm willing to listen."
He stared at her. Tila pinag-iisipan kung sasabihin ba sa kaniya ang problemang mayroon ito. Nauunawaan naman niya kung hindi pa nito kayang magkuwento. Siguro ay malaki ang issue na mayroon ito sa sariling ama.
"But if you're not ---"
"I was 8 then...when my Mom died." at ikinuwento nito ang dahilan kung bakit malayo ang loob sa sariling ama.
"I really blamed myself for what happened. Masakit tanggapin na dahil sa akin, nawala ang pinakaespesyal na babae sa buhay ko. Pero mas masakit noong maramdaman kong ako ang sinisisi ni Dad. Alam mo iyon? The person who I thought I could lean on that time, galit na galit pala sa akin? "
" Sinabi niya sa iyo na ikaw ang may kasalanan? "marahang tanong niya.
Umiling ito." He never blamed me with words. "
" Iyon naman pala eh ---"
" But actions speak louder than words."
Natahimik siya sa sinabi nito. She felt the bitterness in his voice ganoon na rin ang sakit na kinikimkim nito.
" Kahit hindi siya nagsasalita, nararamdaman at nakikita ko iyon sa mga kilos niya. I want to settle things with him pero hindi ko alam kung paano. Masyado ng malaki ang gap namin. Kung sa isang race nga, maraming laps na ang pagitan namin at hindi ko alam kung madidikitan ko pa ba siya. " He looked at her. With that, she sensed the longingness he has for his father. "I miss my father you know." may sumungaw na luha sa mga mata nito pero agad nito iyong pinigilan.
She smiled. "And I know, miss na miss ka na rin nun."
Naramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya. "Thank you."
Tumango siya bilang sagot. Inabot nito ang roses sa tabi nito. "Would you accept this now?"
Ngumiti siya bago inabot ang bulaklak. "Hindi mo naman ako kailangang bigyan pa nito." She counted the roses at napakunot-noo siya ng malamang 14 lahat iyon.
Napansin naman nito ang reaction niya. "Why, ayaw mo ba?"
"Hindi, I like it. It's just that, nagtataka lang ako bakit 14?"
Ngumiti lang ito bago siya inalalayang tumayo. Hindi na lang siya nangulit.