Chereads / 1 MONTH DARE (and the 14 Roses) / Chapter 3 - Chapter 2 - As In What!?

Chapter 3 - Chapter 2 - As In What!?

"Wow! 'tol, iba ka talaga." hindi makapaniwalang puri ni Kyle.

Naroon sila sa tambayan at na-i-kuwento na niya sa mga ito ang nangyari kanina sa canteen. At tulad niya, hindi rin makapaniwala ang mga kaibigan ng sabihin niyang girlfriend na niya si Aianiell Mortez.

"Akala ko ba mahirap ligawan iyon, Ridge?" nakangiting tanong ni Lux.

Nagkibit-balikat lang tinanong.

"Baka talagang head-over heels na iyon kay Yudge." Ani Kyle. "Adik ka Ridge, di mo man lang muna sinigurado. Naisahan tayo roon ng lalaking ito." said Kyle while pointing him.

Napangiti naman siya. Well, wala siyang magagawa kung totoo man iyon.

"Wala kasi kayong bilib sa akin. So, paano ba 'yan? Ihanda nyo na ang tigtw-twenty thousand nyo."

Kaniya-kaniyang kamot sa ulo ang mga ito ng marinig ang sinabi niya. Isa kasi sa hamon ay kailangang mapasagot niya si Aianiell sa loob lamang ng tatlong araw. Kapag nagawa niya, each of his friend will give him 20 thousand pesos. Kung hindi naman, siya ang magbibigay ng 60 thousand pesos para sa tatlo.

At iyon nga, dahil kanina lang ay sinagot na siya ng babae ng wala pang kalahating araw... Talo ang mga ito.

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at nakangiting humarap sa mga ito.

"Paano, bukas na lang ang pera ko." at tinalikuran na niya ang mga kaibigan.

Wala nang nagawa ang mga ito kundi ang umungol.

>>>

Palabas na ng gate si Aianiell nang humarang sa daraanan niya si Yudge.

Kunot-noong kinausap niya ito. "Anong problema mo?"

"You said that after class we'll meet di ba?" nakangiting sagot nito.

'Ow, oo nga pala.' Bulong niya sa isip. Nakalimutan niya ang nangyari sa canteen. Ano ngayon ang gagawin niya?

"Ahmmm, ano kasi," nagpalinga-linga siya at napansin niya ang nagbabagang mga tingin ng mga babaeng nakikita sila ngayon, "may... Ahmmm, may gagawin pa ako." pagdadahilan niya bago mabilis itong nilampasan. Pero natigil siya sa paghakbang nang maramdamang sinakop ng palad nito ang kaliwang kamay niya. Dagli niya iyong binawi mula rito ng maramdaman ang tila kuryenteng dumaloy sa kamay niya dahil sa pagdadaiti ng mga balat nila.

Kaso, mabilis din nitong binawi ang kamay niya. "Mamaya ka na umuwi, ihahatid na lang kita."

"No!" mabilis na kontra niya.

"And why not?" kunot-noong tanong nito. "First day natin as couple. So, dapat lang na magdate tayo."

"What!?" nanlalaki ang mga matang saad niya.

Oo nga at sinagot niya ito but it doesn't mean na makikipagdate na siya rito. 'At paano mo naman gagawin iyon?' Tanong ng isang bahagi ng isip niya. 'Eh, iiwasan niya ito' sagot ng kabilang bahagi. 'At sa tingin mo papayag iyan?' Haler! Si Yudge Quinn Salvido iyan baka nakakalimutan mo?'

Naipilig niya ang ulo. Bakit nga ba naisip niyang madaling magagawa ang plano sa lalaking ito? Hindi nga pala ito basta-basta. Tsk.

She' s back in her senses ng muling magsalita ito.

"May date tayo."

Natatarantang nag-isip siya ng maidadahilan. "Ah, eh ano kasi... may gagawin pa nga ako." Mahirap na, hangga't maaari ayaw niyang mapalapit dito.

"Don't worry, sandali lang tayo." At wala na siyang nagawa ng hilahin siya nito.

Sumakay sila sa kotse nito. They did not talk hanggang sa ihinto nito ang sasakyan. Mabilis siyang lumabas at hindi na ito hinintay na pagbuksan siya.

Kunot ang noong hinarap siya nito. "Bakit hindi mo ako hinintay na pagbuksan ka?"

She raised her brow. "Hindi na kailangan dahil kaya ko namang buksan ang pinto."

Napailing na lang ito sa pagtataray niya.

"Let's go." aya nito pero hindi siya tuminag sa kinatatayuan.

"Ano? Tatayo ka na lang ba diyan?" naiinis na tanong nito.

"Eh, ano bang gagawin natin dito?"

Naroon kasi sila sa labas ng isang mamahaling restaurant.

"Kakain. Ano ba sa tingin mo ang ginagawa sa loob ng restaurant?" napapantastikuhang saad nito.

Itinirik niya ang mga mata. "Of course, I know that. Ang kaso, bakit dito pa ang mahal-mahal dito?"

Naiinis na sumagot ito. "Ako naman ang magbabayad eh. Sinabi ko bang ikaw?"

Sasagot pa sana siya, ang kaso hinila na siya nito papasok sa loob. "Huwag ka na ngang maraming reklamo diyan."

Hinayaan na lang niya ito. Pero sisiguraduhin niya na sa mga suaunod na araw, siya naman ang masusunod sa mga lakad nila.

'At talagang inaasahan mo na may next time pa huh? At take note, MGA lakad!???'

Lihim na napangiti na lamang siya sa naisip.