Chereads / Lost With You (Tagalog BL) / Chapter 23 - FOUND: CHAPTER 21

Chapter 23 - FOUND: CHAPTER 21

Huminto na nga ang sinasakyan nilang van at mula sa sasakyan, namangha si Riley sa dami ng taong lumabas at papasok sa sinasabi nilang Sugba Lagoon. Isa isa silang nagbabaan sa loob ng van.

Hinablot siya bigla ni Lorimel na ikinagulat niya. "Saan mo ako dadalhin?"

"Kunan mo ako ng litrato dito!" wika nito. Inilibot ni Riley ang paningin sa paligid at napansin niya ang mga makukulay na payong na nakahilera sa taas. Maganda itong tignan tila bahaghari sa ibabaw ng kalsada.

Kinuhanan niya ng larawan si Lorimel doon pati ang anak nitong si Red. Tuwang tuwa naman si Lorimel sa mga larawang kuha ni Riley.

"Pasok na tayo, Direk," anyaya sa kaniya nito. Tumango lang si Riley bilang tugon. "Direk, pasensya na talaga sa inasal ko kanina,"

Nahinto si Riley bigla pero pinagpatuloy niya ang paglalakad. "Naku, wala lang iyun."

"Hindi, may point naman si Cyan. Naalala ko nga sabi niya noon kung gaano ka importante ang consent."

Nakapasok sa sila sa pasilyo patungong registration area ng lagoon. "Sinabi niya iyun?"

"Oo, marami kaming pinagaawayan ni Cyan mula pagkabata at palagi siyang nananalo kasi yung mga arguments ko, pabalang...yung sa kaniya naman, may punto. Kaya nauuwi sa lecture ang away namin." Natatawang wika ni Lorimel.

Inaya siya nito na maupo sa isang bench na gawa sa puno ng niyog. Naalala ni Riley kung gaano katalas ang dila ni Cyan. Noong nasa isla pa sila, palagi nga siyang talo sa arguments dito.

"Sinabi mo pa," na-iwika niya ng wala sa oras.

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo nito sa sinabi niya.

"A—ah...ang ibig kong sabihin, tama nga naman kasi siya." Nauutal niyang tugon dito.

"Akala ko naman kung ano na. By the way, Direk, welcome to Subga Lagoon!"

"Ito na ang Sugba Lagoon?" inilibot niya ang paningin sa paligid, may lagoon nga sa harap ng registration area at mga bakawan sa kabilang banda ng kinatatayuan nila pero wala siyang makitang nakamamangha sa lugar.

"Nakikita mo 'yan?" turo ni Lorimel sa mga taong tumatawid sa tulay na gawa sa pinalutang na mga plastic containers. May isang de-motor na bangkang naghihintay sa kabila.

"Oo, bakit?"

"Dadalhin tayo niyan sa Sugba Lagoon."

"Malayo pa pala?"

"Medyo. Dadaan pa tayo sa maraming bakawan. Alam mo ba saan sikat ang Siargao aside sa Cloud 9?"

"Saan pa?"

"Sa mga buwaya." Wika nito na tila nanakot. "Sa likod ng mga bakawang iyan, maraming mga buwaya. Sanctuary kaya ng mga freshwater at saltwater crocodile ang Siargao."

"Ibig mong sabihin, dadaan tayo diyan sa lagoon na may mga buwaya?" tanong ni Riley.

"Oh, bakit ka namutla? Bakla ka ba?" kantiyaw nito sa kaniya.

"Lorimel, how many times I told you using 'bakla' as an insult is an ancient bullshit! Besides how dare you incorporate fearful to homosexuality?" natigilan si Lorimel sa pagsulpot ni Cyan. Napayuko si Lorimel na tila napahiya sa sinabi ni Cyan.

Biglang bumaling ang tingin ni Cyan sa lagoon. "Sa pagkakalam ko, freshwater crocodiles are not harmful. They don't prey on humans. However, saltwater crocodiles are another story, but living here for 5 years, I haven't heard any reports on crocodile attacks. I hope that helps." Wika nito. Tumingin ito sa kaniya sabay ngiti.

Agad itong umalis at pumunta sa pinakadulong parte ng port, may kulungan doon na may preserved na buto ng buwaya. Nag desisyon si Riley na lapitan si Cyan dahil mag isa lang naman ito. Nang tatayo na siya sa kinauupuan, biglang sumulpot si James at nakipagusap kay Cyan. Natigilan siya at biglang naalalang magkasintahan pala ang mga ito. Napabuntong-hininga siya sa labis na pagkadismaya.

"Oh, Direk, halika na!" napalingon si Riley, nakita niya si Nana Sally na karga-karga si Baby Red. "Sasakay na tayo ng bangka. Cyan! James! Halina, aalis na tayo!" sigaw nito sa dalawang naguusap sa malayo.

Nagkatinginan si Riley at si Cyan habang papalapit ang mga ito sa dock, biglang inakbayan ni James si Cyan na dahilan para bumagsak ulit ang mga balikat ni Riley.

Sa loob ng bangka, pinilit ni Riley na balewalain ang presensya ni Cyan at James. Umupo siya sa harapan ng mga ito para hindi masaktan sa pwede niyang masaksihan. Itinutok niya ang atensyon sa pagkuha ng larawan nina Baby Red at Lorimel.

Namangha din siya sa ganda ng mga bakawan sa paligid. Inaamin niyang wala siyang masyadong alam sa mga ito, pero namangha siya dami ng klaseng mangrove ang kaniyang nakita. Hindi niya mapigilang kumuha ng maraming litrato, halos madaanan nila ay kinukunan niya. Pati mga islet na tahanan ng matatayog na puno ay kumuha rin ng kaniyang atensyon.

Halos sampung minuto din ang binagtas ng bangka bago sila nakarating sa Sugba Lagoon. Namangha siya sa ganda ng lugar, mula sa berde at misteryosong tubig, mga punong matatayog na nakapalibot sa buong lagoon, at mga taong tuwang tuwa sa ganda ng lugar.

Nakakonekta sa daungan ang isang man-made islet kung saan nakatayo ang malaking cottage para sa mga bisita. Dalawang palapag ito, may mga lamesa't upuan para sa mga guest, marami ding mga tindang souvenir at mga bagay na pwedeng rentahan para ma-enjoy ang lagoon gaya ng snorkels, goggles, kayak at kung anu ano pa. May diving platform din kung saan maraming tao ang nakapila para tumalon o di kaya'y kumuha ng larawan.

Nang makahanap sila ng pwesto, naligo na sina Lorimel kasama si Nana Sally at Baby Red, habang sina James at Cyan at nag renta ng kayak. Siya naman ay nag presentang bantayan ang mga gamit nila sa mesa.

"Oh, Direk! Ikaw naman doon!" bungad ni Lorimel sa kaniya, basang basa ito mula sa pagligo sa lagoon.

"Tapos ka na?"

"Okay na ako, ikaw ang dapat pumunta doon! Sige na, ako nang bahala dito."

"Paano si Baby Red?"

"Okay lang, nadun naman si mama. Tsaka aahon din yung mga iyun mamaya."

"Hindi okay lang ako dito," pagtanggi niya dito.

"Direk, paano mo mai-explore ang Siargao kung uupo ka lang diyan?" napaisip siya sa sinabi nito.

"Wala naman akong dalang damit para maligo."

"Edi huwag kang maligo, pwede ka namang mag kayak o mag-bamboo rafting. Tsaka lalake ka naman, pwedeng pwede kang nakahubad."

"At dahil mapilit ka, sige!" tumayo si Riley at hinubad nga ang suot na printed polo, tanging board shorts na lang ang suot niya.

"Wow, Direk! Ang ganda pala talaga ng katawan mo!" puri nito sa kaniya. Natuwa naman siya sa sinabi nito.

"Salamat, pero naka-reserve na din pala 'to!" biro pa niya.

"Ganon? Sana all, reserved!" banat naman nito. Nagtawanan silang dalawa sa sinabi nito.

"Punta na ako doon!"

"Sige, enjoy!"

Agad nag renta si Riley ng bamboo raft, sa leeg niya ay suot suot pa rin niya ang kaniyang camera. Mag isa siyang nakasakay sa raft at kumukuha ng litrato sa paligid ng lagoon. Pumunta siya sa pinakadulo at kumuha ng litrato ng mga ibong nakapatong sa sanga. Maswerte siya at nakakuha siya ng mga larawan ng Philippine Fairy-blue bird at ilang species ng Sunbird at Tailorbird.

Tuwang tuwa siya dahil matagal na panahon na rin mula nang makakita siya ng iba't ibang species ng ibon. Dati ay natatanaw niya ang mga ito sa isla pero wala siyang pagkakataong makakuha ng larawan ng mga ito bukod sa wala siyang matandaang mahilig siya sa pagkuha ng larawan, ay wala ding camera noon sa isla.

Pabalik na sana si Riley nang makita niya ang kayak na nirentahan ni Cyan na mag-isang lumulutang sa gitna ng lagoon at walang taong nakasakay. Agad pinuntahan ni Riley ang bangka, at wala nga si Cyan doon maging si James.

"Cyan! James!" walang sumagot sa tawag niya. Inilibot niya ang paningin sa buong lagoon subalit walang Cyan o James na nagpakita.

Nakakasiguro naman siyang magaling lumangoy ang dalawa. Una, si Cyan na kasama niya sa isla noon, marunong naman ito, at si James na may ari ng resort—na minsa'y nagbabantay din bilang lifeguard; imposibleng malunod ang mga ito.

"Cyan! James!" ilang beses niyang tinawag ang mga ito at iginala ang paningin sa paligid pero wala siyang mahagilap na indikasyon na nasa paligid ang mga ito.

May biglang umahon sa likuran ng raft ni Riley na ikinagulat niya. Bigla siyang natumba mabuti nalang ay hindi siya nahulog sa tubig kundi masisira ang kaniyang camera. Si Cyan pala ang taong kakaahon lang mula sa pagda-dive. May suot itong googles at walang suot na damit pantaas.

"Nagulat ba kita?" nakangising tanong nito. Nakahawak ito sa raft niya at tinatanggal ang suot na goggles. Gumalaw ito papunta sa kayak niya. Tumayo siya mula sa pagkakatumba at tinitignan si Cyan habang sumasakay sa kayak mula sa paglangoy.

"Nasaan naman si James?" tanong pa niya dito.

"Nandoon," turo nito sa cottage.

"Nag alala ako, akala ko napano ka na,"

"Hindi mo kailangang gawin 'yun. I can stand on my own." Matabang nitong wika sabay galaw ng kayak pabalik sa dock.

"Teka!" tumigil naman ito pero hindi nag atubiling lingunin siya.

"Ano?"

"Pwede mo ba akong kunan ng litrato?"