Chereads / Lost With You (Tagalog BL) / Chapter 29 - FOUND: CHAPTER 27

Chapter 29 - FOUND: CHAPTER 27

Dalawang araw nagkulong si Red sa kaniyang kwarto. Ayaw niyang lumabas dahil natatakot siyang makita si Cyan. Hindi siya handang makaharap ito matapos niyang masabi ang mga bagay na iyun.

May parte sa kaniyang nagsisi dahil batid niyang nasaktan niya ito sa kaniyang mga nasabi. Pero isang parte ng pagkatao niya ang nakahinga ng maluwag matapos niyang mailabas lahat ng iyun.

Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang kwarto at dali dali niyang tinignan. Nadismaya siya nang hindi ito si Cyan.

"Akala mo si Cyan, ano?" nakangising bungad nito sa kaniya.

Tumalikod siya at tinakpan ng kumot ang mukha. "Wala ako sa mood makipagbiruan, Melania." Matabang niyang wika.

"Grabe ka naman, Riley." Maarteng wika nito.

"Bakit ka nandito?"

"Samahan mo ako, please."

"Ayaw kong lumabas."

"Bakit, naduduwag ka bang makita siya?" natatawang tanong nito. Napabangon siya sa kama at matalim ang titig na binigay niya dito.

"Hindi ako naduduwag!" depensa pa niya.

"You never changed, Riley." Umupo si Melania sa isang silya malapit sa bintana. Sinisilip nito ang labas. "I remembered your first heartbreak when we were in 2nd year high school."

"Please Melania..." napatakip siya nang mukha dahil naalala niya ang nakakahiyang parte ng high school life niya.

"I need to. Para matauhan ka. That was Melody. You liked her so much, you gave her flowers and chocolates and whatever you can. Tapos naging kayo na nga...then ikaw yung nakipagbreak. Kasi..."

"Stop!"

"Oh my god, why do you look so grim?" nakakalokong ngiti ang ipinukol nito sa kaniya. Napailing siya bilang tugon dito. "Naalala mo 'no? You break up with her because your efforts were not reciprocated."

"So what?"

"Yes. And I remember you regret all of that kasi your father told you 'If you love a person, don't ask something in return. Just love that person no matter what you get from it.' Oh diba, I'm so good. That was verbatim ha!"

"So ano gusto mong iparating?"

"History repeats itself," kumunot ang noo niya sa sinabi nito.

Napaisip si Red sa sinabi ni Melania. "But kailangan niya talagang marinig iyun mula sa akin."

"OKAY? Then what now?"

"I don't know!"

"Riley... it is okay to voice out your concerns. A good relationship is a product of good communication. But that doesn't mean you never talk after communicating. That doesn't make any sense,"

"Ugh!!" ungol niya. napahiga si Red sa sobrang gulo ng kaniyang isip. "Why does it sound like it's my mistake after all?"

"Because it is really your fault! Sa ginagawa mong pag-iwas ngayon, what makes you and Cyan different?" naka-ekis ang kamay nito at nakataas ang kilay.

Natigilan si Red sa sinabi ni Melania. He can't believe he agrees on what Melania is saying. But she just can't invalidate his concerns too.

Narinig niyang tumunog na bumukas ang pinto. Nilingon niya ito at nakita niyang palabas na si Melania. "Riley, sama ka sakin mamaya. My new found Siargao friends and I are having an island hopping escapade. You need to join, I won't take no for an answer. See you this afternoon, bye!" at isinara na nga nito ang pinto.

Sa pag-alis ni Melania, napagisip isip niyang may punto nga ito. Kailangan na din niyang lumabas. Dalawang araw na siyang nakahiga at naglulugmok samantalang hindi niya alam kung ano na ang kalagayan ni Cyan.

Tinawagan niya si James pero binabaan lang siya nito. "Okay, Red! It is your fcking fault!"

***

Ilang beses siyang tinawagan ni Melania dahil siya na lang ang hinihintay. Alas kuwatro aalis ang kanilang bangka para sa island hopping. Malapit na siya kaya hindi niya ito sinasagot.

Nang makarating siya sa port, napansin niya si Cyan, Lorimel at James na kausap si Melania. Tahimik siyang naglakad at inoobserbahan ang kanilang paguusap. Habang papalapit siya naririnig niya ang pinagtatalunan ng mga ito.

"Pwede namang si James ang sumama sa kanila, bakit pa ako?" reklamo ni Cyan. Tumigil siya sa paglalakad at pinakinggan ang pinaguusapan nila. Mabuti nalang walang nakapansin sa kaniya.

"May lakad pa kami ni mama, tapos si James siya ang magbabantay sa resort. Ano ka, Cyan, idea mo naman 'to diba? Sabi mo kapag meron tayong nagawang kasalanan sa guest natin, iti-treat natin sila ng island hopping." Sagot naman ni Lorimel.

"Tsaka naririnig ka talaga ng guests na'tin na humihindi, ano na lang ang sasabihin ng mga 'yan," dagdag pa ni James.

"Oh no, I think let's just postponed this island hopping. I'm gonna tell my friends na lang." sabat naman ni Melania.

"O sige na, sasamahan lang naman diba?"

"Umayos ka nga, Cyan." Saway ni Lorimel dito.

"Oh! There you are!" nagtinginanan silang lahat sa direksyon ni Red. Agad siyang nilapitan ni Melania at hinawakan sa braso.

"Bitawan mo nga ako, Melania!"

"By the way, I can't really go to waters without him. I remember our prenup photoshoot, it was shot in Samal Island! Then we had our honeymoon in Hawaii."

Sa oras na iyun, gusto niyang lamunin siya ng lupa sa mga pinagsasabi ni Melania. Hindi naman sila nag prenup sa Samal at lalong lalo pang walang honeymoon na naganap sa Hawaii. Halatang ginugulo nito si Cyan.

Effective naman dahil hindi na nito pinatapos si Melania mag kwento at sumakay na ito sa bangka. Siniko niya si Melania ng mahina dahil sa pinagsasabi nito.

"Kailan ka ba tatahimik?" saway niya dito. Ngumisi ng nakakaloko si Melania sa kaniya.

"Okay, I'm sorry!" kinindatan ni Melania si Lorimel na hindi matukoy ni Red kung ano ang ibig sabihin. "Alright girls, sakay na tayo!" tawag ni Melania sa mga bagong kakilala.

Isa isa silang sumakay ng bangka. Si Cyan ay tahimik na nakaupo katabi ang bangkero habang siya naman ay katabi ni Melania dahil hawak hawak siya nito sa braso. Sa ilalim mismo ng inuupuan niya ay may mga kahoy na panggatong na hindi niya wari kung ano ang ginagawa sa bangkang iyun, muntik pa siyang matumba nang matapakan niya iyun.

Nagsimula nang umandar ang bangka at tahimik niyang tinitignan si Cyan. Paminsan minsan ay nagtatama ang kanilang paningin pero agad naman nila itong binabawi. Sa tingin niya dito ay pumayat ito at mukhang kulang sa tulog dahil bagsak na bagsak ang eyebags.

Bumaba silang lahat sa Guyam Island at ang sabi ng bangkero ay magtatagal lamang sila ng 30 minutes sa isla.

Iginala ni Red ang paningin sa paligid. Pino at malambot ang puting buhangin sa isla, na bawat hakbang mo ay tila lumulubog ang mga paa mo. May mga cottages doon, iilan lang ang tao sa isla. Tahimik at payapa ang naramdaman niya nang makaapak sa isla.

Silang dalawa ni Cyan ang ginawang photographer ng mga kasamahan ni Melania. Wala silang magawa dahil hindi din naman sila makasabay sa mga trip ng mga ito. At walang niisa sa kanila ang naglakas ng loob na makipag-usap.

"Cyan, picture-an mo kami doon sa mga rock formations, please. Kaming dalawa ni Riley." Utos ni Melania dito. Tumango lang si Cyan bilang sagot at naglakad papunta sa mga rock formations na nasa dulong bahagi ng isla.

Tinignan niya ng masama si Melania at nag peace sign lang ito sa kaniya.

"Naalala mo noong nasa Hawaii tayo dinala mo ako sa batuhan tapos—"

"Melania!" pagputol niya sa sinasabi nito. Melania is getting on his nerve. Cyan and him haven't reconciled yet and Melania's fake claims will just make everything worst.

"Okay fine! Last na 'yun!" pabulong nitong wika sa kaniya saka tumakbo papuntang rock formations.

Nang makarating sila sa mga rock formations, inutusan siya ni Melania na mag hubad ng tshirt para sa pictorial. Napapayag siya nito at nagpose kasama ito habang kinukuhanan ng litrato ni Cyan.

Sa buong pictorial, iniiwasan siya nito ng tingin. Kaya ang ginagawa niya, tinitignan niya ang lense ng camera para kahit papano'y matitigan niya ito. Pero kahit anong gawing pagpapansin niya dito ay hindi umeepekto. Cyan is a cold stone.

"Melania, nasaan ang tshirt ko?" tanong niya dito nang matapos na ang pictorial nila. Tinatawag na sila ng bangkero dahil lilipat na sila sa isa pang isla.

"I don't know. Nilagay ko lang doon sa likod ng bato." Sagot pa nito. "Baka kinuha mo, Cyan?" nakangising tanong ni Melania.

Kumunot ang noo ni Cyan. "Bakit ko naman gagawin 'yun?" umirap ito sa kanila.

Nagkibit balikat si Melania. "Okay. Hayaan mo na 'yung tshirt mo. At least yummy ka pa din. Isa pa island hopping naman 'to kaya may basaang magaganap." Wika nito sabay tapik sa dibdib niya.

Hindi na niya pinatulan pa si Melania.

Bumalik na sila sa bangka at sabi ng bangkero ay huling isla na ang kanilang pupuntahan. Pinapili sila kung alin sa dalawa, Daku o Naked Island. At ang pinili ng lahat ay Naked Island.

"Maganda doon ngayon dahil sunset na, kaya ihanda ang mga cameras!" wika ng isang kasamahan nila.

"Yes! Maganda pa ang kalangitan. Sure ako maganda ang langit mamayang gabi. Full moon ngayon diba?" tanong ni Melania. Napansin ni Red na iba ang kinikilos ni Melania, natutunugan niyang may pinaplano ito.

Nagpatuloy sa pag andar ang de-motor na bangka. Hindi mapakali si Red dahil malamig ang simoy ng hangin dahil basang tuwalya lamang ang tumatakip sa kaniyang hubad na katawan. Mga babae ang kasamahan nila at walang damit na magkakasya sa kaniya.

"Nandito na tayo." Ani ng bangkero. "Iiwan ko lang na nakaandar ang Bangka, dahil bibigyan ko lang kayo ng sampung minuto. Mahirap na kasing maabutan ng dilim sa karagatan." Dagdag pa nito

Nagbabaan na ang lahat kaniya kaniya silang kuha ng larawan gamit kani-kanilang cellphone. Saktong sakto naman na peak ng sunset ang pagdating nila doon.

Hinanap niya si Cyan, at nakita niyang nakaupo lang ito sa isang bato at kumukuha ng litrato sa palubog na araw. Si Melania naman ay abala sa pagkuha ng groufie ng mga kasama niya.

Gusto niyang lapitan si Cyan at kausapin ito pero nahihiya siya. Isa pa, konti lang ang oras nila sa isla dahil sabi ng bangkero, sampung minuto lang sila doon. Pagkatapos na lang siguro ng island hopping niya ito kakausapin.

"Riley, ayusin mo nga itong tsinelas ko. Huwag kang tumigil hanggang hindi mo naayos yan." utos nito sabay takbo pabalik sa kaniyang kasama.

Tinignan niya ito at natanggal nga strap nito. Naghanap siya ng maliit na bagay para itusok sa strap para makapasok sa butas. Nahirapan siyang makahanap dahil puro buhangin lang ang makikita mo sa Naked Island.

Nakahanap siya ng maliit na batong pahaba na pwedeng gamitin sa pagayos ng tsinelas. Napansin niyang biglang tumahimik ang paligid. Lumingon siya at nakitang kumukuha pa rin ng larawan ng sunset si Cyan.

Ipinagpatuloy niya ang pagayos dito nang bigla siyang tinawag ni Cyan. "Red!" paglingon niya dito at nakaharap ito sa kung saan.

Inilibot ni Red ang paningin at silang dalawa nalang ang naiwan sa isla. Tumakbo siya at hinanap kung saan ang bangka papunta.

"MELANIA!!!!" buong lakas niyang pagsigaw.

"ReYan ship lang matatag!" sigaw naman nito, kumakaway ito sabay humagalpak ng tawa hanggang sa hindi niya matanaw ang bangka.

Sa pagbalik ni Red, napansin niya ang mga panggatong na kanina'y nasa paanan niya. Agad siyang napaisip paanong napunta ito doon. Nang bigla niyang mai-connect ang lahat. Hindi makapaniwala si Riley na sinet-up sila ng mga ito.

"Damn, Lorimel! Answer the phone!" narinig niyang reklamo ng kasama.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya dito.

"Obviously, calling a backup." Mataray nitong sagot.

"That won't work. Sinet-up nila tayo."

Ibinaba ni Cyan ang cellphone. "What do you mean?"

"Sa tingin mo bakit in-insist nila na ikaw ang sumama sa gala ni Melania at hindi ang crew niyo sa resort? Bakit ako pinilit ni Melania na sumama? Bakit nila iniwan itong panggatong?" pahayag niya dito.

"What?" napanganga si Cyan makita ang mga panggatong na nakahimlay sa buhangin.

"Nakita ko ring nagkindatan sina Lorimel at Melania kanina." Dagdag pa niya.

"Humanda sa akin ang babaeng 'yan. This is sick in a whole level! Kaya pala piniling 4 o'clock ang byahe para dito! I should've known!" ngiit ni Cyan sabay sipa ng buhangin.

Dumilim na ang paligid at lumalamig na ang hangin. Napayakap si Red sa sarili dahil wala siyang suot na damit pantaas.

"Wala ka na bang ibang bangkerong makokontak?" tanong niya dito.

"Wala na, I only knew our crew." Wika nito sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"I guess, we need to make it through the night." Kalmadong wika niya niya dito.

Kinuha ni Red ang mga kahoy at nagsimulang bumubuo ng apoy. May bigla siyang nahawakan sa pinakailalim. Nang tinignan niya, nakakita siya ng posporo, lube at mga condoms.

Pinatay na ni Red sa kaniyang isip si Melania sa sobrang effort nito. Malamang ito din ang nag wala ng kaniyang tshirt para nakahubad siya ng buong magdamag. Humanda ito pag nakabalik na siya.

Tahimik at kalma ang alon ng dagat. Nasa gitna sila ng maliit na islang walang puno o kahit anumang masisilungan. Pinagtiyatiyagaan ang init na gawa ng kahoy na iniwan sa kanila. Magkaharap sila pero hindi naguusap, nakatingin sa sumasayaw na apoy. Walang niisa sa kanilang nagsalita.

"Paano kung maubos 'yan?" pagbasag ni Cyan sa katahimikan, tinutukoy nito ang mga kahoy.

Napatingin si Red sa naiwang kahoy. Hindi nga ito aabot ng umaga. Nagkibit balikat siya. "Bahala na," tanging naisagot niya.

Katahimikan ulit ang bumalot sa buong isla. Lumalalim na an gang gabi at bumababa na ang temperatura. Inilapit ni Red ang kaniyang katawan sa apoy dahil sa lamig na kaniyang nararamdaman.

Napansin ito ni Cyan at hinubad niya ang kaniyang jacket at hinagis ito kay Red. Nagulat ito sa ginawa niya. "Paano ka?" tanong niya dito. Nakasando na lang ito ngayon.

"Kesa naman namatay ka sa lamig." Matabang nitong sagot.

Sinuot niya ang jacket ni Cyan nakaramdam siya ng kaginhawaan, kahit medyo masikip ang suot niya kahit papaano'y hindi na siya giniginaw.

Biglang ngumisi si Cyan. "Kaya pala pinapasuot ako ng jacket ni Lorimel." Palingu-lingo niyang wika. Nakatingin parin ito sa apoy.

"Pinagkaisahan nila tayo," tugon naman niya.

"Isn't it ironic? We're trapped again in an island."

"Yes... nostalgic." Nakayukong wika niya.

"Why did you produce that film?" out of the blue nitong tanong.

"Which film?"

"Your latest." Hindi ito nakatingin sa kaniya. Nilalaro ng darili nito ang buhangin.

Napabuga siya ng hangin. "I don't know either. Maybe because I have to tell my account. Napanood mo pala?"

"No, but I saw the trailer and interviews."

"What do you think about the film?"

"Well... you always have good, decent films but your latest was meh. I can tell."

"Why do you say so?"

"Because I know a great story than that." Wika nitong nakatingin ng deretcho sa kaniyang mga mata. Malungkot ito at nangungusap. "And I think they will never end up together..."

Sinapul si Red sa sinabi nito.

"Cy..." tawag niya dito. Tinignan niya ito sa mga mata nito ng deretcho. Blangko ang ekspresyon niyon.

"Let's break up."

Tumigil ang mundo ni Red sa sinabi ni Cyan. Hindi agad siya nakasagot sa sinabi nito. Pinaulit ulit niya sa kaniyang isipan ang sinabi nito kung tama nga ba ang kaniyang narinig mula dito.

"N-no... I can't let you do that." Nauutal niyang wika. Masakit sa kaniyang marinig iyun mula kay Cyan. Hindi niya hahayaang magkahiwalay sila nito.

"You don't deserve an immature like me,"

Pagapang na lumipat si Red sa tabi ni Cyan. Hinawakan niya ito sa balikat. "Cyan, look at me." Utos niya dito pero hindi ito tumingin sa kaniya. "Please don't do this to me." Nagsimula nang umagos ang mga luha sa kaniyang mga mata.

Nanatiling tahimik si Cyan at nanatiling nakatingin sa apoy. "I-I can explain... Melania and I were just talking about—"

"Enough, Red." Pagputol nito sa kaniya. "I know. I know I'm wrong. I never trusted you. The problem is me. You don't deserve someone like me."

Tumutulo ang luha ni Red sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang mukha ni Cyan at pinaharap sa kaniya.

"Tell me. Tell me again, you're breaking up with me. Look at my eyes while saying it."

Tumingin ito sa kaniyang mga mata. "Le-let's br-b—"

Hindi niya pinatapos si Cyan sa sasabihin nito. Hinalikan niya ito sa labi. Gumalaw ang kaniyang labi habang walang respond mula kay Cyan.

"Why are you doing this, Cy?" sigaw niya sa kaharap.

"I-I don't know..." umiiling na wika nito. Patuloy namang umaagos ang luha sa mga mata nito.

Hinaplos niya ang pisngi nito at inayos ang magulong buhok. "Can we stop hurting each other, please?"

Hinalikan niya ulit si Cyan. Sa pagkakataong ito gumalaw ang mga labi nito. "I'm sorry if I hurt you. Next time, let's just talk and settle, please. I can't let you break up with me." Wika ni Red na naghahabol ng hininga. Their face is just an inch apart. He can hear Cyan's soft breathing.

"Red..."

Inayos niya ang buhok nito at pinahid ang mga luha na bumabasa sa mga pisngi nito. The red light from the bonfire and the moonlight illuminates the sadness of Cyan. His blank wet eyes is drowning him.

"Cy, I chose you. I choose you. And will choose you no matter how many choices they can give me. I can't let anyone take you away from me." Madiin niyang wika dito.

"Paano kung masaktan kita?" malungkot ang boses nito.

Hinaplos niya ang mukha nitong basa ng luha. "Di baleng masaktan ako, 'wag lang ikaw."

"Paano kung—"

"Shhhh" hinawakan niya ang labi nito. "I told you before, I love you and that's all that matter."

Naglapat ulit ang kanilang mga labi. This time, Cyan responded. Their kisses moved slowly under the shining moon. Red stopped and look at Cyan's face, he smiled and examine his lover's face. Cyan is smiling but there's sadness in it.

"I may not be your first, but I want to be your endgame." Red said.

Yinakap siya ni Cyan. "I want to be your endgame too." Tumulo ang luha nila. This time from overflowing happiness.

Nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap, Cyan initiated the kiss. The soft kisses grew wilder. In an instant, both are naked under the wide dark sky and gawking fullmoon. Cyan's back against the rough sand and Red showering kisses on his body.

Red's lips traces the fine lines of his wholeness. Cyan's moans reverberate in the small island, blends with the soft sound of waves.

Nagpangabot ulit ang kanilang mga labi. Red knew this is what he always wanted—to be with Cyan. To feel his body against his.

"I love you," Cyan said in between their kisses.

"I love you too." He replied.

Isinuot ni Cyan kay Red ang rubber. Ito ang unang pagkakataong ginawa niya ito kay Red. Namula ang kaniyang pisngi habang ginagawa iyun. Red then slid it inside Cyan's backdoor and he felt a tearing twinge. This sends him pain and ecstasy at the same time

Bumagsak ang mukha niya sa buhangin habang gumagalaw si Red sa kaniyang likuran. All he can do is grab the sand while slipping on his hands. Inabot siya ni Red at pawang nakaluhod sila ngunit magkadikit pa rin ang katawan.

Patuloy sa paggalaw si Red habang siya'y nakatingin sa maliwanag na buwan. Malamig ang paligid pero nag-aalab ang kanilang mga puso. Lumingon siya at inabot ang labi nito. They kissed torridly. Red reached for his manhood, doing him while moving continuously in his back. His eyes rolled back for so much sensation running in his body.

Bumilis ang galaw ni Red hanggang sabay nilang narating ang rurok.

Kapwa naghahabol ng hininga at kapwang nakahiga sa buhangin at nakatingin sa malawak na kalangitan. Hinawakan ni Red ang kamay ni Cyan at dinala niya ito sa kaniyang pisngi.

Napatingin si Cyan sa kaniya. "Thank you, Cy."

"No. Thank you for being an understanding person. I don't deserve you but I am trying to be the best for you."

"You are enough," sabay halik sa noo nito. Pinahiga siya ni Red sa mga braso nito. Magkalapit ang kanilang mga katawan at kapwa nakangiti sa harap ng milyon milyong tala sa madilim na kalangitan.

"Red..."

"Hmmm?"

"Will you marry me?" nagulat siya sa tanong ni Cyan.

"I should be the one saying that," natatawang sambit niya. Hinigpitan nito ang yakap sa kasintahan.

"Bawal ba na ako mag-propose?" nakanguso nitong tanong sa kaniya.

Napaisip si Red sa sinabi nito. May punto nga ito. His boyfriend is really particular of stereotypes and the likes, maybe he needs to start embracing those. "Okay, ask me again." Nakapikit niyang wika dito.

"Riley Estimo Domingo, will you marry me?"

Umakto siyang nagulat sa sinabi nito. "Cyan Dale Baltazar, yes, I will marry you." Sabay halik sa labi nito. "Now, where's your ring?" nagtawanan silang dalawa sa isiping iyun.