Malamig ang hanging sumasalubong sa mukha ni Red. Ang buhok niya ay sumasayaw sa ihip ng hangin at hindi na siya nagatubiling ayusin ito dahil magugulo lang din naman ito. Maganda at bughaw ang karagatang binabagtas nila.
"Finally, we're going back." Napatingin siya sa may-ari ng boses. Sumulpot ito sa tabi niya. It was Cyan, he smiled back.
Lubos ang kagalakan sa puso ni Red, babalik sila sa isla kung saan sila nagkaibigan nito. Hinawakan niya ang kamay nito, kapwa silang nakatingin sa direksyon ng isla na mula sa kalayuan ay natatanaw na nila.
"Aray! Ang higpit naman nang hawak mo, masakit kaya!" ngiit ni Cya nang napahigpit ang hawak niya dito.
"Ang OA naman nito!" nakakalokong banat niya.
Nakakunot ang noo nito at inangat ang kaliwang kamay. Itinuro nitoang suot na singsing. "Kita mo 'yang singsing? Masakit kaya kung mahigpit ang pagkakahawak." Wika nitong nakataas ang kilay.
Napangiti si Red turan nito. Napatingin din siya sa kaniyang daliri na may suot na singsing na katulad ng kay Cyan. Isa itong white gold na singsing at nakaukit ang kanilang pangalan dito.
Inakbayan niya ito at kinulong sa kaniyang mga braso, agad niya itong hinalikan sa noo. "Pasensya na, excited lang ako nang makita ang isla." Aniya. Bumalik sila sa pagtanaw sa isla. Bawat segundo ay papalapit sila dito.
Tinignan nila nang maigi ang isla. Pitong taon na ang nakalipas mula noong huli nilang masilayan ang ito sa personal. Dati ay wala ito sa mapa at walang sinuman ang nakakapunta dito. Ngayon ay bukas na ito sa publiko bilang isang tourist spot sa bansang Japan.
Pinangalan itong Shiro Island, isang salitang Hapon na nangangahulugang kastilyo. Matapos silang madiskubre doon ay pinag-aralan ng mga Hapon ang isla. Doon nila natuklasan na isa itong treasure island kung saan itinago ng mga mananakop na hapones ang ibang kayamanan mula sa kanilang pananakop.
Sa ngayon, isa na itong tanyag na islang dinadayo ng libu-libong tao sa buong mundo. At ang pangalang Red at Cyan ay parte ng kasaysayan ng isla.
"Ang yaman na siguro natin kung naghukay tayo ng kayamanan sa isla 'no?" biglang wika ni Red.
"Aba, malay ba na'tin kung merong kayamanan diyan," tugon naman ni Cyan. "Tsaka din kasi ang hinukay mo." Makahulugan ang tinging ipinukol nito sa kaniya.
"Ano?" nakangising sambit ni Red.
"Yung puso ko," kinilig si Cyan sa sariling biro. Niyakap siya ni Red at kiniliti. Tawa sila nang tawa.
"Hindi naman lulubog ang isla ngayong araw hindi ba?" nagaalalang tanong ni Cyan.
Hinawakan ni Red ang mukha ng kabiyak. "Pinag-aralan ng mga Hapon ang isla ng pitong taon, at natuklasan nilang lulubog ito tatlong beses sa isang taon tuwing January, May, September." Pahayag niya dito.
"Mabuti naman at hindi ngayong buwan lulubog. Kahit pa sabihin mong mga structures na nakatayo sa isla para sa paglubog ng isla, ayaw ko nang balikan ang stress na naranasan ko sa islang iyan,"
"Naiintindihan ko." Niyakap niya ito at pinanood ulit ang paglapit nila sa isla.
Sariwa pa sa alalaala nilang dalawa ang nagyaring paglubog ng isla noong naroon sila. Hindi niya makakalimutan ang takot na nararamdaman niya noong mga panahong lumulubog ang isla—takot na mawala si Cyan sa kaniya.
Isa din itong dahilan kung bakit naging sikat ang isla sa buong mundo. Bukod sa mga kayamanang natagpuan dito ay ang kakatwang paglubog nito ng tatlong beses kada apat na buwan. Isama pa ang mga firefly squids na nagpapakita din tuwing lumulubog ang isla.
Masaya siya at silang dalawa ni Cyan isa sa mga unang taong nakasaksi sa misteryong iyon ng isla. Ngayon ay iba't ibang lahi ay bumibisita sa isla para masaksihan ang mga ito.
Nang makababa na sila sa daungan, magkahawak kamay silang nalakad sa puting buhangin ng isla. Hinubad pa nila ang kanilang mga suot na sapatos gaya ng nakaugalian nila sa isla.
Sabay nilang nilibot ang buong isla. Maraming nagbago, maraming itinayo ang mga Hapon sa isla para sa mga turista. Mula sa underwater skyscrapers na kapag lulubog ang isla ay magiging viewing deck ng mga turista mula sa ilalim ng tubig. Mayroon ring mga restaurants, shops at kung anu-ano pang mga tindahan na pawang underwater ready kung lulubog na ang isla.
Pero kahit ano pa man ang magbago sa isla, tandang tanda ni Red at Cyan ang ganda nito noong sila pa lang ang naroroon.
Bigla siyang hinablot ni Red. "Asan mo ako dadalhin?" tanong niya dito habang sumusunod sa pagtakbo.
"Sa ating kastilyo..." nakangiting sagot nito.
Sa kanilang pagtakbo, bumabalik sa kanilang alaala ang mga damo, punong kahoy at mga insektong nadaanan nila tuwing binabagtas ang isla—na ngayo'y pinalitan na ng mga tao at mga shops.
Biglang tumigil si Red sa pagtakbo at maging siya'y napatigil. Nasa harap na nila ang kanilang kastilyo na hanggang ngayon ay nanatiling nakatayong matayog. Bumilis ang tibok ng puso ni Cyan sa presensiya nito. Nagbalik ang mga masaya at malungkot niyang alaala na tanging ang punong ito ang saksi. Gusto niyang akyatin ulit ito at damdamin ang hangin mula sa taas nito, pero mukhang bawal na dahil sa barikada na pinprotektahan ang puno mula sa mga vandalism ng mga dayuhan.
Sa gilid nito ay isang estanteng may nakasulat sa salitang hapon. May lumapit sa kanilang isang Japanese tourist guide at binati sila sa wikang Ingles.
"May we know what does the words in this standee means?" tanong ni Cyan dito. Nagbow ito sa kanila at ngumiti.
"This tree is considered as castle by the lovers who discovered this island." Panimula nito. Nagkatinginan sina Red at Cyan sa sinabi nito. Napangiti silang dalawa dahil sila yata ang tinutukoy nito.
"Also, beneath this tree we discovered tons of Gold and Diamonds. But we stopped the excavation to protect this tree since this is the only tree left in their specie. The government is looking for ways to find a way to produce a genetic sample of this tree that can help us in its reproduction." Marami pa itong mga binanggit na impormasyon tungkol sa puno pero ang mahalaga sa kanilang dalawa ay nakatayong matayog ang punong ito.
"As long as this castle tree stood, I'll be always here standing with you." Cyan said.
Niyakap siya ni Red. Wala silang pakealam sa mga taong nakatingin sa kanila. This is the empire they used to rule. This is their kingdom. This is their castle. This is theirs.
"I love you, Red." Cyan said looking in his smiling eyes.
"I love you, Cyan."
The End