Chereads / Lost With You (Tagalog BL) / Chapter 27 - FOUND: CHAPTER 25

Chapter 27 - FOUND: CHAPTER 25

Nagising si Red sa pagyakap ni Cyan sa kaniya. Both of them are still naked. The four corners of that room knew what happened and God knows how happy they are to finally be as one.

"Red... are you awake?" wika nito. His voice is hoarse and dry.

"Hmmmm..." tanging tugon niya habang nakapikit.

"You know what... I'm afraid."

"Saan?"

"I felt something bad will happen." Humigpit ang yakap ni Cyan sa kaniya. Nakasiksik ang mukha nito sa kaniyang katawan.

"Tell me your worries, Cy."

"The first time we had sex, something bad happened after." Tinignan siya nito sa mga mata. Cyan's eyes were worried.

Naalala niya ang gabing iyun. Ang unang pagkakataong naangkin niya si Cyan, kinabukasan, nagbalik ang kaniyang alaala at dumating ang mga rescuers dahilan para hindi nila naresolba ang problemang kinaharap nila. At isang rason kung bakit hindi na sila nagkita pa.

Hinalikan niya ito sa noo. "Nothing bad will happen, I promise." He said reassuringly. Hinigpitan niya ang pagkakayap sa kasintahan. He can feel the warmth of Cyan's body against him and he love that feeling.

Biglang gumalaw ang doorknob ng kwarto nila, na parang may kumakalikot sa labas. Napabangon silang dalawa ng wala sa oras dahil may tao sa labas na binubuksan ang kwarto. Agad nilang tinakpan ang kanilang katawan ng kumot dahil nagsimula na ngang bumukas ang pinto.

Pumasok ang isang babae na may dalang maleta at binuksan ang ilaw ng kwarto. At nakita silang dalawa sa ganoong ayos.

"Oh my god! Bakit may tao dito!?" sigaw nito. Tinakpan nito ang kaniyang mga mata dahil sa nakitang dalawang lalaking nakabalot ng kumot.

"Sino ka, bakit ka nakapasok dito?" tanong ni Cyan.

"I don't know! This is the room they gave me!" sagot naman nito. Nakatakip pa rin ito ng mukha.

"Melania?" singit ni Red. Natigilan si Cyan at ang babae. Dahan dahan nitong tinanggal ang kaniyang kamay sa mukha. At nasilayan ni Red ang mukha ng babaeng nakapasok sa kanilang kuwarto.

"Riley?"

***

Nasa bahay sila lahat ni Nana Sally. Si Melania na galing pang Manila, si Cyan at Red na kakagising pa, si Lorimel at ang frontdesk attendant na nagbigay ng susi kay Melania.

"Pasensiya na po talaga. Hindi ko talaga sinasadya." Nakayukong wika nito. "Hindi ko po talaga alam na merong tao doon. Hindi po kasi naka reserve ang room."

"Eh kasi nga kami ang may-ari, alangan naman mag log in pa kami doon!" banat ni Lorimel.

"Kaya pala hanap ako nang hanap ng susi... kaya ayun, ang ibinigay ko kay ma'am yung masterkey!" pahayag pa nito.

Napahawak silang lahat sa kanilang mukha. "Ay shunga!" tangis ni Lorimel.

"Tama na 'yan. Ineng, sa susunod mag-ingat ka. Paano kung ibang guest ang nasa kwarto? Siguradong masama ang magiging tingin nila sa service natin." Wika ni Nana Sally.

"Opo, pasensiya na po talaga, di na po mauulit!" nakayukong wika nito. Bigla itong tumayo ng tuwid at itinaas ang kaniyang kanang kamay na parang nanunumpa. "Pinapangako ko po. Cross my heart to death do us part!"

Gustong matawa ni Cyan at Red sa pinagsasabi ng staff nila. Napatakip nalang ng mukha si Lorimel at inutusan itong bumalik na sa pwesto.

"Naku, Madamme Melania... ako na po ang humihingi ng paumanhin sa nagawa ng staff namin. Di bale po, libre na po namin ang isang gabi niyo sa dormitel namin. Tsaka may free island hopping tour po kami sa inyo kahit kailan niyo po gusto." Offer ni Lorimel sa bisita.

"It's alright, I actually don't mind. I'm just surprised to meet my ex husband here." Wika nito sabay tingin kay Red. Napalagok ng laway si Red sa sinabi nito.

Biglang kinain ng katahimikan ang buong silid. Nagkatinginan sina Cyan at Lorimel, at napaka-awkward ng sitwasyon.

"Ah-eh, hehehe, ganun po ba? O sige po, how about dalhin ko na po kayo sa room niyo?" aya ni Lorimel dito. Tumango ito at tumayo. Tahimik itong lumabas ng bahay at agad itong sinundan ni Lorimel.

Biglang nag walkout si Cyan at umakyat sa taas. Agad naman itong sinundan ni Red.

"Cy..."

Hindi ito sumagot at pumasok sa kaniyang kwarto. Hindi ito nakalock kaya nakapasok si Red. Nakaupo si Cyan sa kama at nakatingin sa bintana.

"Cy... anong problema?"

"Isn't it obvious?"

"Si Melania? Why would you find her a threat? She's my ex wife. And I told you already, there's nothing going on between us! I never love her the way she loved me. Sinabi ko na iyan sa'yo." Pahayag niya dito.

"I-I don't know... hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako." Umiwas ito ng tingin sa kaniya.

Niyakap ni Red mula sa likuran si Cyan. Ipinatong niya ang kaniyang baba sa balikat nito at magkadikit ang kanilang pisngi.

"I would never spend 5 years of looking for you if I still have feelings for her, right?"

Lumingon si Cyan kay Red. "Sabihin mo ulit. While looking in my eyes."

"Bakit ko pa uulitin? Remember this always: I love you and that's all that matters." Wika nito. Hinalikan niya ito sa labi. Naramdaman ni Red na may luhang pumatak sa mga mata ni Cyan. "Why are you crying?"

"I am happy, thank you." Sagot nito. Niyakap niya si Red sa sobrang kagalakan.

***

Hawak hawak ni Red ang kamay ng kasintahan habang papunta sila mga souvenir shops. Madilim ang daan at konti lamang ang mga posteng may ilaw.

"Gaano ka-safe dito?" tanong niya nang sa tingin niya'y hindi ligtas ang daan tuwing gabi.

"Safe naman kahit papano. Tinaasan naman ang security level ng Siargao simula noong sumikat ang isla." Kaswal na sagot nito.

"Ikaw, hindi ka napahamak dito?"

"Hindi. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay pag gabi. Nasa resort lang ako o di kaya sa dormitel. Pero meron din namang napapabalita na mga locals o tourist na napapahamak. I guess it's natural." Tugon naman nito.

Inilibot niya ang paningin. Delikado talagang maglakad pag gabi kung ganitong klase ng daan ang dadaanan.

"Pero ikaw, magiingat ka palagi." Lumuwag ang kaniyang pakiramdam nang malamang sa limang taon na wala siya, walang nangyaring masama sa kasintahan niya. Hindi din niya siguro mapapatawad ang sarili kung may nangyari kay Cyan habang wala siya.

"Yes sir,"

Nakarating na sila sa isang store na puro key chains at locally made products ang binebenta. Masayang namili si Red ng mga pasalubong mula sa mga abubot hanggang sa mga t-shirts.

Ilang shops na rin ang napuntahan nila at masayang masaya siyang ginagawa niya iyun kasama si Cyan.

"Bakit ang dami mo namang pinamili? Parang ibebenta mo naman iyan sa Manila." natatawang tanong ni Cyan.

"Marami akong crew na naiwan sa Manila, magdadalawang lingo na rin akong nawala. Magtatanong ang mga 'yun kung nasaan ako nanggaling."

"Gusto mo ba talagang bumalik sa Manila?" biglang lumungkot ang tono ni Cyan.

"Gustong gusto. Ito yung pangarap ko talaga, ang gumawa ng pelikula pero hindi ko nagawa noon dahil sa kagustuhan ng papa ko."

"Marami din pala akong hindi alam sa'yo..." bumagsak ang balikat ni Cyan at malungkot ang kaniyang tono.

"Okay lang 'yan, mula sa araw na 'to tayong dalawa lang palaging magkasama, kaya malalama't malalaman mo rin lahat ng hindi mo nalaman."

"Paano kung hindi ako sasama sa'yo sa Manila?" Natigilan si Red sa paglakad. Hindi siya agad nakasagot. Hinarap siya ni Cyan at hinawakan siya sa pisngi. "Okay lang ako dito. Bumalik balik ka lang kung free ka. Piliin mo ang pangarap mo,"

"Paano 'yan, eh pinangarap din kita?" nakangiting wika niya sabay kindat dito.

Kinilig si Cyan sa sinabi ng kasintahan. Namula ang pinsgi nito sa tinuran ng kasintahan. "Eh kung sasamahan mo naman ako dito, paano na ang film career mo?"

"At kung iiwanan kita dito, ano ang mangyayari sa'yo?"

"Walang mangyayaring masama sa akin dito, Red. This is not Manila na hindi safe ang daan. Nakita mo naman, buong buo ako nang makita mo ako dito!" nakangiting wika nito.

"Paano 'yan eh gusto kitang makasama araw-araw?"

"Hindi na tayo teenager, Red. May mga responsibilidad din tayong hinaharap."

Napaisip si Red. May punto si Cyan, pero hindi niya maisip ang sariling mahiwalay ulit sa taong minahal niya. Five years without Cyan is a hell hole in a loop for him. He can't stand another month or two without Cyan on his side.

"Bakit ayaw mo nang bumalik sa Manila?" nakangusong tanong niya dito.

"Isang rason, it will take us a week para makarating sa Manila dahil hindi ako makakasakay ng eroplano. Hassle yun sa'yo. Ikalawa, ayaw ko ng makita ang mga magulang ko. At pangatlo, masaya ako sa buhay dito sa Siargao."

Hinawakan niya ang kamay ni Cyan at inilagay sa kaniyang pisngi. "Unang una, you will never be a hassle for me. Second, I understand that you hate your parents. But you need to face them sooner or later. And third..." napatigil siya at tinignan ito sa mata. "Ano nga ang laban ko sa islang ito?"

"Huwag mo akong papiliin, Red. If it's hard for you to choose between your career and me, it's the same with my case too. Pagusapan natin ito sa susunod. Kailan pala ang plano mong umuwi?"

"I'm sorry." Hinalikan niya ito sa noo. "Wala pa akong exact date kung kailan ako aalis."

"Great! Pagusapan ulit natin 'yan bukas. Sa ngayon, kumain muna ta'yo."

Nagpatuloy sila sa paglalakad pabalik sa resort. Habang nalalalakad, sa unahan, nakita nilang isang babaeng kinakausap ng mga lalaki. Papalapit na sila at napansin nilang si Melania ang babaeng iyun. Base sa eskspresyon ng mukha nito asiwa ito sa presensiya ng mga lalaki sa paligid niya.

Binilisan nila ang kanilang lakad. "Melania!" napatingin ang lahat kay Red. Tumakbo si Melania at nagtago sa likod ni Red. Yumakap agad ito sa kaniya.

"Riley, hinawakan ako ng isang 'yan sa pwet ko kanina habang naglalakad." Reklamo ni Melania sabay turo sa lalaking nambastos sa kaniya.

"Anong karapatan niyo para mambastos ha?" pasigaw na turan ni Red. Nagsitakbuhan ang mga lalaki at naiwan silang tatlo sa gitna ng daan.

"Are you okay, Melania?' tanong ni Red dito.

"I can't believe those maniacs!" bumitaw si Melania sa pagkakayakap kay Red. "By the way, thank you for saving my ass."

"Bakit ba kasi ganiyan ang suot mo sa ganitong oras at ikaw lang ang magisa sa daan?" sermon ni Red dito.

"Ah, excuse me? Why are you blaming my outfit?" sagot naman ni Melania.

"Well, if you're not walking here alone with that shorts and tube top, you will never experience that!"

"Bakit, ano ba ang gusto mong isuot ko papuntang bar, trench coat?" sarcastic na banat nito.

"Wag mo akong pilosopohin!" mataas na ang boses ni Red. Napapikit pa si Cyan sa sobrang gulat.

"Anong pakialam mo, aber?!" naka-ekis ang kamay nito at nakataas ang kilay.

"Melania, I still care for you."

"Red!" natigilan si Red at si Melania sa pagsabat ni Cyan. "It's not her fault na nabastos siya dahil sa suot niya. It's always the perpetrators' fault, not the victim. And stop having that backward thinking. Are you a troglodyte?" wika nito.

Natigilan siya sa sinabi nito. Bago siya nakasagot agad na itong naglakad papalayo.

Mabilis naglakad si Cyan na hindi na niya nakita dahil nilamon na ng madilim na daan. "I'm sorry, Melania, we'll settle this tomorrow. I need to talk to him."

"Well, I like that guy. May substance!" wika nito sabay talikod sa kaniya. "Don't mind me, troglodyte." Sabi nito sabay tawa ng malakas.