Chereads / Lost With You (Tagalog BL) / Chapter 28 - FOUND: CHAPTER 26

Chapter 28 - FOUND: CHAPTER 26

Pagdating ni Red sa kwarto niya sa dormitel, wala si Cyan doon. Pumasok siya sa bahay ni Nana, at wala din doon si Cyan. Pumunta siya sa resort at dumeretcho sa bahay ni James. Nasa pinto pa lang siya, hinarang na siya ni James.

"James, alam kong nandiyan si Cyan."

"Nandito nga siya," matabang nitong sagot.

"Sabihin mo sa kaniya, nandito na ako. Uwi na kami sa dormitel."

"Direk, ayaw kong manghimasok sa kung ano man ang pinagawayan ninyo pero ayaw kang makita ni Cyan sa ngayon. Wala akong ideya kung ano ang dahilan. Kung gusto mo siyang kausapin, mas mabuti kung ipagpabukas mo na lang."

"Per—"

"Walang pero-pero, Direk." Putol nito sa kaniya. "Sige na. Kakausapin ko siya para saiyo. Bukas mo na lang siya kausapin." Hindi na siya nag pumilit pa. Bumalik siya sa dormitel na mag-isa.

Binalikan ni Red ang mga nangyari kung may nasabi ba siyang mali. Pero sa pagkakatanda niya, wala siyang maalalang maling nagawa o nasabi.

Kung tungkol nga ito sa komento niya sa kasuotan ni Melania, hindi niya alam kung bakit ganun nalang ang galit nito sa kaniya. Siguro nga ay mali ang kaniyang pananaw patungkol doon, at kaya niyang i-educate ang sarili pero kailangan ba talaga nitong mag-back out ng ganun?

Minsan hindi niya talaga maintindihan si Cyan. Ano nga ba ang mali sa sinabi niya?

Halos hindi siya makatulog ng gabing iyun sa kakaisip kay Cyan. Naninibago siyang hindi ito kayakap sa pagtulog. Nakakalungkot lang dahil hindi agad nila na resolba ang kanilang problema dahil sa ugali ni Cyan na tinatakasan ang problema.

Tinakpan niya ng unan ang kaniyang ulo hanggang sa nakatulugan ang isiping iyon.

***

Nagising siya nang may kumakatok sa pinto ng kuwarto niya. Mabilis siyang bumangon at agad niyang binuksan ang pinto. Malaki ang tiwala niyang si Cyan ito.

Pagbukas niya ng pinto bumungad sa kaniya si Melania. Nadismaya siya na hindi si Cyan ang nasa labas ng pinto.

"Would you mind me come in?" wika nito.

Pinapasok niya agad ito. "Pasensiya ka na ang kalat ng kwarto ko, kakagising ko lang." paumanhin niya dito.

"Obviously, you're still in your briefs." Kaswal na wika nito.

Nagulat si Red nang makitang wala siyang suot na salawal. Tanging sando at briefs ang suot niya at hindi niya ito agad napansin.

"Anyway, I don't mind. I've seen what's inside a lot of times." Wika nito sabay tawa ng malakas.

"Anong trip mo ngayon, Melania? Hindi ka naman ganyan magsalita dati. Tsaka yung pananamit mo nag iba rin." Tanong niya dito habang naghahanap ng salawal. Nakasuot ito ng seksing pantulog—silk na top na may manipis na strap at maiksing shorts na kitang-kita ang kaniyang maputing biyas.

"Look at you, I can hardly recognize you." Dagdag pa niya.

Kilala niya si Melania mula ng mga bata pa sila. Prim and proper was the best definition for Melania. Magkaibigan ang kanilang pamilya at magkaklase sila nito hanggang high school. Sabay silang lumaki at halos lahat ng importanteng kaganapan sa buhay nito ay magkasama sila.

Naging mag-asawa sila sa kagustuhan ng kanilang mga magulang hanggang sa napagdesisyunan ni Red na makipag-annull dito dahil nga si Cyan ang minamahal niya. The last time she saw her was when she signed the papers. And she's changed a lot.

"Well, that means you don't really know me."

"What do you mean?" naka-ekis ang kaniyang kamay na nakatingin dito. He is very concerned what makes Melania change her ways.

"I believe this room has passage to roof deck," balewalang wika nito. Tumayo ito tumungo sa spiral staircase. Sinundan niya si Melania paakyat. Nang makaakyat sila sa taas agad itong umupo sa bench na nakaharap sa dagat.

"You haven't answered me yet, Melania." Wika niya nang makaupo siya sa tabi nito.

Natangin ito sa dagat at ngumisi. "What's your question again?"

Napabuntong hininga si Red sa inakto ng kausap. "Ang sabi ko, anong nagyayari sa'yo? What made you change?"

Nagkibit-balikat ito bago nagsalita. "I never change, Riley. This is really the real me."

Nagulat si Red sa sinabi nito. "How could that be? What do you mean?"

"Well, the world is not ready for this discussion."

Napakunot naman ang noo ni Red sa sinabi nito. "Ano naman yang pinagsasabi mo?"

"Riley, why do people persecute women for wearing revealing clothes, but men can go outside naked whenever they like?"

Hindi agad nakasagot si Riley sa sinabi nito. "Kasi hindi naman mababastos ang lalaki kung nakahubad sila.

Tumawa si Melania sa sinabi niya. "Bullshit! Who told you that?" tumawa ito nang malakas. "I'm sorry but the clownery is just unbelievable! That's why your boyfriend called you troglodyte for having that kind of reasoning, Riley!"

Napalunok si Riley sa sinabi ni Melania. He admit he have problems with modern values since he live in a family with patrichal dominance. And adjusting to these modern values with people like Cyan and Melania is a long process.

"Wag mong i-divert ang topic, Melania. We're talking about you here!"

Inayos ni Melania ang kaniyang buhok na lumulugay dahil sa hangin. "Well, I am like this since then. I just need to hide my true self because of my parents. My mom did everything to supress my inner devil. My dad always scold me, which you all don't know. I have to have this perfect image for my parents' failed marriage. I need to be the perfect daughter in their fizzling romance.

"Nung bata pa ako, I have this crush on you and they told me if I'll be a good girl, I can have you someday. So I did. But you know what, growing up...I never feel pure happiness, everything's shallow. Parang may kulang. Even when I finally married you, I didn't feel anything. I thought having you will be my happiness. But I was wrong, my interpretation of happiness was poor, shallow. Because even if I have you I still need to maintain that front. That stupid image I need to paint for everyone's consumption. I got you but never myself."

"Melania..."

"That's why when you asked me to have an annulment, I cried so fucking hard because I can finally redeem myself! Thank you for being honest, I owe you every freedom that I have right now. So don't budge on my decisions, clothing, and "trip"—as you say—because you don't own me anymore!"

"Melania, I didn't know all of that!" nagulat siya sa mga sinabi nito. All this time, ito pala ang daladala nitong baggages. Kung sa kaniya ay hindi niya ito kayang mahalin, pero kay Melania, buong pagkatao niya ang kaniyang itinatago.

"Of course, I'm a great actress. I'm good in faking emotions. But honestly, nakakapagod din." Sambit nito sabay hawak sa noo.

"I'm sorry about last night,"

"Of course you're forgiven. Pero you need to change your thinking. Your guy was right, that was a backward thinking! He even called you troglodyte, I can't, Riley!" biglang humagalpak ng tawa si Melania.

Bigla siyang nalungkot nang maalala ang nangyari kagabi.

"Oh, ba't ang lungkot lungkot mo diyan? Nasan pala yung nobyo mo? I haven't seen him when I entered your room."

"He left. Ayaw niya akong kausapin after that encounter with you," malungkot niyang wika.

"What happened? Oh! I remembered after he called you 'troglodyte' he left! Hindi pa pala kayo bati?"

"Pinaalala mo pa talaga?!" reklamo niya dito.

"That's interesting!" wika nito sabay hawak sa baba.

"Hindi ko talaga alam kung alin ang nasabi kong mali kagabi na dahilan para ikagalit niya ng ganun. Oo mali ako sa sinabi ko sa'yo pero ano naman ang nagawa kong kasalanan sa kaniya nun?"

"Maybe he's a women's rights advocate?" tawang tawa si Melania sa sariling tanong.

"O diba, anong pagkakamaling nagawa ko sa kaniya?"

"Baka naman hindi talaga iyan ang ikinagalit niya?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Remember what you told me before that mysogistic remarks..."

"I don't know. Ano ang sinabi ko?"

"Omg, Riley. You said you still care for me infront of your boyfriend!"

"Melania, you're a genius!" Naalala bigla ni Red ang kaniyang nasabi kay Melania noong nagkasagutan sila matapos siyang mabastos. "Melania, he misunderstood me. He didn't get the context of that phrase!" napatayo si Red sa sobrang intense ng kaniyang nararamdaman.

Iyun pala ang rason nito para magback out. Hindi niya masisisi si Cyan kung na offend nga ito sa sinabi niyang iyun. Pero wala iyung ibang kahuluhan. He cared for Melania not because he still have feelings for her, kundi isa itong matalik na kaibigan mula pagkabata.

He can't believe he's that insensitive not to recognize that mistake earlier.

"Melania, I need to talk to him!"

"As you should." Tugon nito.

"Maraming salamat, see you later!"

Kumaripas ng takbo si Red papunta sa bahay ni James kung saan nagpalipas ng gabi si Cyan. Pagdating niya sa resort, nakita ni si James na nasa isang cottage nag lilinis. Nilapitan niya ito at tinanong kung nasaan si Cyan.

"Ano? Eh kanina pa 'yun umalis. Ang sabi niya makikipag-usap siya sa'yo."

"Hindi ko siya nakita o nakasalubong man lang!" tugon niya dito. Bumilis ang tibok ng puso ni Red. Paanong pumunta ito ng kwarto niya pero hindi sila nagkita?

"Hindi kaya..."

"Anong hindi kaya?"

"Nasa kwarto ko kanina si Melania,"

"Ano?" tumaas ang boses ni James sa pagkakarinig ng sinabi niya.

"James, nagkakamali ka. Dinalaw lang ako ni Melania para kumustahin, tsaka matagal nang walang namamagitan sa amin!" depensa pa niya.

"Eh, paano kung namisinterpret na naman yun ni Cyan?"

"Yun na nga ang tingin ko!" Napahawak si Red sa kaniyang sentido.

"Alam mo bang kagabi, nagusap kami tungkol sa nasabi mo na dahilan kung bakit siya umalis. Sinabi ko sa kaniyang kausapin ka para linawin ang lahat at hindi yung gagawa siya ng interpretasyon na walang basehan. Pero kung nakita nga niya si Melania sa kwarto mo, maniniwala yun na may feelings ka pa sa ex mo."

Nahilamos ni Red ang mukha sa sobrang inis. Hindi siya makapaniwalang na misinterpret na naman ni Cyan ang kaniyang pagpapapasok kay Melania sa kwarto.

"Si Cyan ata yun oh!" turo ni James sa lalaking naglalakad patungo sa dulo ng resort. Tinignang mabuti ni Red at wari niya'y si Cyan nga ito. Tumakbo siya ng mabilis at sinundan ito.

"Cyan!" ibinuhos niya ang lahat ng hangin sa katawan marinig lang siya nito. Nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi siya nilingon.

"Cyan!" naabutan niya ito at hinawakan ang kamay. Binawi ni Cyan ang kaniyang kamay at patuloy na naglakad.

"Cyan, tama na please! Pakinggan mo muna ako!"

Biglang tumigil si Cyan. Naghahabol siya ng hininga mula sa pagtakbo ng matulin para maabutan ito.

"For what?"

"Of course, because you misunderstood me and the whole situation!" sagot niya dito. Tumaas ang boses ni Red para sa kausap na nakatalikod sa kaniya.

"What did I misunderstood, Direk Riley?"

"Cyan, why do you always do this!?" tumaas na ang boses ni Red.

Napalingon si Cyan sa sinabi niya. "Do what?" mugto ang mga mata nito at pulang pula ang mata.

Huminga ng malalim si Red bago nagsalita. "You never listen! You always make conclusions on your own! Our relationship went through hell hole because of your immaturity!" buong lakas na bitaw ni Red para kay Cyan.

Tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata at finally nasabi niya ang matagal na niyang dinadala.

"So it's my fault now that I am giving you a free pass to be with your ex-wife! You still love her, why don't you—"

"Tama na!" pagputol niya sa sagot. "Ikaw? Kailan mo marerealize ang pagkakamali mo?"

"How come it became my fault?"

Ngumiti si Red ng mapakla. "We're both wrong, Cy. We both have part on this! But we can't settle this because you always run away!"

"I am tired, Red..." umiiling na wika nito.

"Saan? When I am always chasing after you, everytime it's always my fault, everytime I am always the first one to say sorry...but you never realize and reflect on your end. You never grew up! You always have that stupid reasons and insecurities no matter how much assurance I gave you!"

Patuloy sa pagtulo ang luha sa kaniyang mata habang binubuhos ang matagal na niyang kinikimkim.

"How will we end longer if you're always like this? How can I promise you a lifetime if you never trust me? I'm sick of this cycle, Cy. We will never make it if you always put the blame on me." Ikinuyom niya ang kaniyang kamao. Huminga siya ng malamim at pinahid ang mga luha sa pisngi.

Tumalikod siya at naglakad papalayo.