Chapter 2 - Kabanata 1

Sabado ng umaga ng magising ako sa sunod sunod na tunog galing sa aking cellphone. Pikit mata ko itong kinapa sa ilalim ng unan, isang mensahe galing kay Yumi ang natanggap ko.

9:44 am

Yumi Fajardo:

Hoy, Belle!

Mageenrol na ko, ikaw?

Seen 9:48 am

:Belle Vasquez

Hoy yumi isang buwan pa bago magpasukan.

Tinatamad ako

Yumi Fajardo:

Samahan mo nalang ako!

Dali na!

:Belle Vasquez

Tinatamad ako putspa

Ikaw nalang!

Yumi Fajardo:

Pag ikaw nagpapasama, kahit busy ako sinasamahan kita

Enrol lang e! Damot!

Balakajan, abutan ka ng mahaba ang pila

:Belle Vasquez

Tai. Oo na. Kagigising ko lang kasi diba?!

Daanan mo ko dito mga 11

Yumi Fajardo:

Yiiiiii labyu

See you mwahaha

Seen 9:58 am

Labag man sa kalooban ko ay wala rin akong nagawa kundi ang bumangon at mag ayos na ng sarili. Kahit naman kasi tanggihan ko si Yumi ay alam kong talo parin ako dahil di niya ako tatantanan hanggang sa pumayag ako.

"My..." I kissed her cheek. "Sasamahan ko mag-enrol si Yumi sa venue." Sambit ko bago umupo sa tabi ni mommy. Venue ang tawag ko sa school na pinapasukan namin, ewan, trip ko lang.

Kumuha ako ng toasted bread at pinalamanan ko ng itlog bago kinagatan. Lumingon ako kay mommy para hintayin ang sagot niya.

"Ang aga naman 'nak, isang buwan pa bago mag pasukan ah?" Napatingin si mommy sa cellphone niya. "Ikaw ba? Mag-enrol ka na din kaya at baka kapag sa susunod na buwan pa e mahaba na masyado ang pila sa registrar?"

Napaisip ako. "Sige po. Dadaanan ako ni Yumi dito ng 11, my, ha?" Paalam ko ulit.

"'O siya sige, kayo bahala." Tumayo na si mommy at napansin kong bihis na bihis siya. Mukhang may lakad. "Pinapatawag ako sa opisina. Gisingin mo ang mga kuya mo bago ka umalis, okay?"

Tumango nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng tinapay.

"Take care!" I smiled and give her a flying kiss.

Mom smiled at me, "You, too. See you later." She kissed my forehead before she leaves.

Habang kumakain ako, narinig ko na ang mga yabag ng paa pababa ng hagdanan. Napairap nalang ako ng marinig ang boses ni kuya Sky. Naramdaman ko ang kamay nitong pumatong sa ulo ko at ginulo ang aking buhok

"Kuya!" Sinampal ko ang kamay nitong nakapatong sa ulo ko. He just laughed at me.

"Bihis na bihis ah? San punta?" Inirapan ko ito bago sinagot ang tanong niya.

"Venue, mag-e-enrol." Simpleng saad ko. Napataas ang kilay nito.

"Venue?" Pinagkunutan ako nito ng noo. "Ah! VNU!" Tumango tango pa ito. "Aga naman! Gagala ka lang ata e!" Pinaningkitan niya ko ng mata.

"Nagpapasama lang si Yumi! Pero sabi ni mommy mag-enrol na din daw ako, kaya," I shrugged my shoulder. Tumayo na ako para maghugas ng kamay at maghanda na ilang minuto nalang ay dadating na rin si Yumi rito.

"Saan punta?" I heard kuya Dax voice. I turned at him and smiled.

"School. Enrol." I just simply tell him.

Actually we're five, ako ang pinakabunso sa aming lima. Si kuya Sky ang nauna saakin, bago siya si kuya Dax naman, tas si kuya John, at ang panganay namin na si kuya Seve. Puro lalaki ang nauna saakin kaya naman grabe nalang ang paghihigpit nila sa akin, prinsesa daw nila ako. Pero ang ginagawa nila ay para nila akong katulong!

"Where's kuya John?" I asked. Narinig ko kasi na pupunta rin si kuya sa school ngayon dahil aasikasuhin niya yung mga papel na kailangan niya sa paglilipat ng school.

"Tulog pa." Si kuya Sky ang sumagot sa akin. Napatango nalang ako. Nasa living room ako ng makita ko ang chat ni Yumi na nasa labas na daw siya.

"Alis na 'ko." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad na lumabas ng bahay. Yumi is wearing a tight pink off shoulder and high waist ripped jeans, partneran pa ng white sneakers. Mukha siyang model. I envy her curves. Sana ako din!

"Crush mo nanaman ako." Napairap ako sa sinabi niya. Naglalakad kami ngayon papunta sa waiting shed.

"Kadiri ka naman, di tayo talo, dude." Tumawa ng pagkalakas-lakas si Yumi kaya naman ang ibang dumaraan rin ay napapatingin saamin.

"Hinaan naman. Hindi mo pagaari ang daan." Napairap ako ng hindi parin tumigil si Yumi sa kakatawa. Babaw ng kaligayahan amp!

Tirik na tirik ang araw. At naiinis ako dahil naka pantalon pa ako. Di naman kasi pwedeng mag shorts sa loob ng school. Nakakainis nga e, pwede ang short skirts pero bawal ang shorts!

Ilang minuto pa ang inantay namin ni Yumi bago dumating ang shuttle. Pahirapan talagang makasakay palabas ng subdivision namin dahil wala namang terminal ang mga shuttle sa loob, sa gate lang meron kaya magaantay pa bago may bumalik.

Nagulat ako ng paghahampasin ni Yumi ang balikat ko habang paimpit na tumitili. "Aray! Ano ba yon ha?!" Inis na sabi ko.

"Sis! Sabi na nga ba, kaya pala feel ko mag-enrol ngayon!" Tumili tili pa ito. Nakakahiya kasi may mga ibang tao sa loob ng shuttle, pero mukha naman silang walang pake sa ingay ni Yumi. Pero nakakahiya parin!

"Ano ba! Bakit?" Kuryosong tanong ko rito. Pinakita niya sakin ang isang IG story, picture lang iyon ng court sa venue na may caption na,

Aga mag practice para sa intrams! Lol

Naningkit ang mata kong nilingon si Yumi, "So?" Naguguluhan ako. Anong sinasabi niya?

Huminto na ang shuttle kaya naman bumaba na kami. At dahil nga mainit nagtricycle kami ni Yumi papuntang venue, kaya naman namin lakarin pero wala kaming dalang payong.

"Bulag ka ba! Si Gio nag IG story niyan!" Umirap ito sakin. Tinuktok niya pa ang screen ng cellphone niya bago ngi-ngiti ngiting tumingin sa akin.

"Ang landi mo talaga," Napailing nalang ako. Gio, Yumi's crush since we're elementary. Palagi niya pinapanood ang mga laro non, kahit larong kanto pa yon di pinapalagpas!

Pagpasok namin ng venue ay agad kong napansin ang dami ng tao. Mid week palang ng April pero ba't ang dami na agad na tao?

"Anmeron? Ang daming tao?" Naglibot libot ako ng tingin.

"Ano ba! May laro laro nga ngayon sila Gio! Tanga mo naman di agad gets!"

Napangiwi ako. "Kaya ka rin andito?! Sinama mo ko para lang manood ng game? 'Kala ko ba mag-e-enrol?"

Inirapan niya 'ko. "'Te! Hindi ko alam na lalaro sila now okay? Tsaka kung knows ko naman na laro nila ngayon di ko na kailangan mag sugar coat about sa enrolment!"

Napailing nalang ako rito. Naglakad kami papunta ng registrar. May iilang nakapila para mag-enrol. Siguro ang iba rito ay transferee kaya maaga nag-enrol. First year college na ako at si Yumi. I'm taking business management. Habang siya ay magt-take ng arts and design major in multimedia arts.

We seperate our ways dahil kailangan namin mag take ng exam. Napagusapan namin na sa cafeteria 1 kami magkikita after nito.

My exam went smoothly. Puro computation lang naman iyon, kaya natapos ko kaagad. Nakaupo ako sa may malapit sa bintana. Inaantay si Yumi na dumating.

"Pota, ayoko na!" Suko niya agad bago pabagsak na umupo sa harapan ko. "Dami pinagawang kwento sa exam. Naknampu. Pwede na ako makapagpublish ng libro sa dami ng pinasulat."

Pinagtaasan ko siya ng kilay bago sumipsip sa shake na inorder ko. "Multimedia arts ka pa?" Natatawang asar ko sakaniya. Pinagpupumilit niya kasi ang kurso niya na multimedia kahit na ang gusto nila tita ay magtake siya ng business management tulad ko.

"Oo! Pero pota. Worth it naman pag na tapos!" Parang gumaan agad ang loob niya ng sinabi niya na 'worth it naman pag natapos.'

"Exam pa nga lang sumuko ka na agad e." Tinawanan ko siya.

"Joke lang 'yon!" Tumayo siya at nagpaalam na bibili lang daw ng maiinom.

"Bilisan mo ha," Sabi ko. Tumango lang ito at pumunta na sa counter para umorder.

Ala una ng magtext ang registrar pinapabalik kami para tapusin na ang pagfi-fill up ng form para sa enrolment. Next month pa namin makukuha yung schedules at results ng exam.

"Mall nalang tayo?" Aya ko kay Yumi. Tapos na kasi ang laro nila Gio ng matapos kami sa pagf-fill up ng form. Mahaba haba rin kasi ang pila kaya medyo natagalan sa pagproseso.

Nakasimangot ang itsura ni Yumi kaya tinawanan ko ito. "Loosen up girl! Magkikita naman kayo pag nagumpisa na klase!"

"'Te, third year na 'yon e." Malungkot ang boses niya kaya mas lalo ko siyang tinawanan.

"Ano naman?" Tsaka ko lang naisip na magkaiba na nga pala ang sched ng first at third year. Tanghali ang pasok ng mga third at fourth year dahil mayroon silang night class. Habang kaming mga first at second year naman ay hanggang ala singko lang ng hapon.

Tinapik ko ang balikat nito, "Hayaan mo na, sa intrams makikita mo siya."

"Tae ang tagal pa non e," Reklamo niya.

"Aba! Ano gusto mo gawin ko? Eh kung gumawa ka na kasi ng move?" Nginiwian ko ito. Nagaantay kami ng jeep para makapunta sa mall.

"Ayoko! Girls shouldn't do first moves! Dalagang pilipina!" Umiling iling ito.

"Girl, 21st century na! Sitting there while holding a pamaypay won't work in this generation! Kapag di ka gumalaw, walang uusad!" Inirapan ko ito. Dalagang pilipina? Ha! Sinong niloloko mo, Yumi?

"Eh! Nakakahiya kaya! Imagine, me texting him?!" Napahawak siya sa noo niya. "Hell, no. Nakakahiya talaga."

"Walang magagawa hiya hiya mo girl!" Pinara ko ang jeep at sumakay na kami roon. Si Yumi ang nagbayad sa aming dalawa. Akala ko libre pero sabi niya ako naman daw magbayad pauwi.

Wala kami masyadong ginawa ni Yumi sa mall, pinanood lang namin sa sine yung movie na gustong gusto namin panoorin. After non kumain kami sa Inasal, nagpustahan pa kami kung sino ang may pinakamaraming makakain na kanin bago maubos ang ulam.

"Ha!" Napangisi ako. "Ako panalo! Bleh." Inirapan lang ako nito.

"Ano na wish!" Asar na sabi ni Yumi. Tinawanan ko ito. Ang lakas mag-aya! Pangatlong lapag palang ng kanin umayaw na agad.

"Tara sa national!" Tuwang tuwa pa ako dahil may gustong gusto talaga akong libro roon. Noong January pa iyon na launch pero kasi wala na akong pera non. Di ko naman alam na i-la-launch nila agad yon.

"Oh, no no no," Umiling iling agad si Yumi.

"Anong 'no no no'? Hoy! Ang duga mo! Talo ka, panalo ako, tara na!" Hinatak ko ito patayo pero ang gaga humawak pa sa lamesa para di ko siya maangat.

"Pangit mo, Yumi!" Nginiwian ko ito. Aalis na sana ako ng marinig ko siyang tumayo.

"Tara na nga! Isang libro lang ha! Tae ka, bibili din ako!" Nginitian ko ito bago inangkla ang kamay ko sa braso niya.

"Arat na!" Tsaka ko siya hinila palabas ng inasal.

Alas singko na ng makauwi kami. Wala akong nadatnan sa loob ng bahay, tinanong ko pa si manang kung andito ba ang mga kuya ko pero ang sabi niya ay si kuya Sky lang daw ang nandito.

Dumeretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig bago umakyat papuntang kwarto. Nagbihis lang ako saglit tsaka ko kinuha ang laptop ko at doon mag facebook. Nang makapaglog in ako ay agad kong binuksan ang messages, may nag message request. Binuksan ko ito.

11:53 am

Ashton Dione added you on Messenger.

Ashton Dione is waving at you!

Ashton Dione:

.

5:36 pm

You accepted Ashton Dione request.

You and Ashton waved at each other!

Seen 5:38 pm

Nakakunot ang noo ko ng clinick ko ang profile ng lalaki. Nakatagilid ang mukha nito sa profile niya, nasa yatch siya habang nakapatong ang mga braso nito sa railings. Ang mga buhok nito ay hinahangin, he's wearing a white sleeveless top. Naka shades din ito. Napangisi ako.

Biglang tumunog ulit ang laptop ko. May nagmessage.

5:42 pm

Ashton Dione:

.

:Belle Vasquez

?

Ashton Dione:

Kumain ka na?

Seen 5:44 pm

Kung may iniinom lang siguro ako. Baka nabulunan na ako sa nabasa ko. Sino ba 'to tae. Tinawagan ko si Yumi dahil baka account niya 'to at niloloko niya nanaman ako. Noong nakaraang buwan kasi gumawa siya ng crp account at chinat ako.

"Hoy! Leche." Bungad ko pagkatapos ng tatlong ring.

[Ano?] Bakas dito ang pagkainis. Malamang naistorbo ko 'to sa kung ano man ang ginagawa nya.

"Gaga ka! Ikaw yung Ashton Dione 'no?!"

[Huh? Pinagsasabi mo?]

Napakunot noo ako. "'Di ikaw yon?"

[Sino ba! Ashtone?]

"Ashton Dione!" Nilakasan ko pa ang boses ko para malinaw sakaniya.

[Hindi, bakit?] Napahinto siya at nakarinig pa ako ng pagtipa niya ng kung ano sa laptop niya rin.[Ay pota be!]

Agad kong nilayo ang cellphone sa tenga ko. "Aray naman Yumi!"

[Yung profile ba niya yung naka ano siya sa yatch?] Napangiwi ako sa bilis niyang mahanap ang profile ng sinasabi ko.

"Pano mo nalaman? Gago ka ikaw nga talaga 'to!"

[Oy tanga ka. Wala na akong crp na account kapal ng mukha mo] Depensa niya.

"Eh sino 'to?!"

['Ba pota malay ko sayo. Chinat ka ba?]

"Oo gago! Send ko sayo screenshot wait." Ganon nga ang ginawa ko. Iniscreenshot ko ang convo namin at pinadala kay Yumi.

[Baka naman taga venue din 'to? Tas nakita ka kanina na nagfi-fill up, tas nahanap na account mo?]

"eleven fifty something siya nagchat. Nageexam ako non!"

[Edi baka nakasama mo mag exam?]

"Puro kami babae sa loob." Inirapan ko ito. Napalingon naman ako sa laptop ko ng sunod sunod itong tumunog.

"Ge mamaya nalang! Sure ka bang hindi ikaw 'to?" Pilit ko pa. Baka kasi si Yumi lang 'to at pinagtri-tripan nanaman ako.

[Hindi nga ako! Sige na. Nanonood ako kdrama, istorbo kang gaga ka.] Sabi niya bago niya pinatay ang tawag.

Nilingon ko ulit ang screen ng laptop ko. He was about to flood me ng makapagreply ako agad.

6:10 pm

:Belle Vasquez

Stop it.

Bakit ba?

Ashton Dione:

Sineen mo kasi ako

:Belle Vasquez

Tapos

Ashton Dione:

Wala ayoko lang maseen

:Belle Vasquez

tapos na dapat

Ashton Dione:

Ha?

:Belle Vasquez

Hatdog

Seen 6:16 pm

Napangisi ako. Kaya siguro ako walang kachat kasi ganito ko sila kausapin. Napailing nalang ako.

Sareh okay?

6:18 pm

Ashton Dione:

How are you?

:Belle Vasquez

I'm fine thank you

But

Do i know you?

Ashton Dione:

Maybe

:Belle Vasquez

What?

Wdym

Seen 6:21 pm

:Belle Vasquez

Hoy! Kilala kita?

Luh

Ghoster

Seen 6:22 PM

Anong ibig sabihin niya sa maybe? Kilala ko siya? Di kaya si Yumi talaga 'to? Pero sabi niya wala na daw siyang crp na account. Napasabunot ako sa buhok ko.

Ano ba, self! Kalma. Ganda ka?

Alas nuebe ng lumabas ako ng kwarto ko. Katatapos ko lang magmovie marathon. Hindi na ulit ako chinat nung Ashton Dione na yon. Tanginang pangalan, parang pang tanggal ng nail polish amp!

"Manang," tawag ko ng makababa ako sa kusina. Tahimik parin ng bahay. "Wala pa sila mommy?"

"Wala pa, Belle. Gagabihin ata sila, tumawag ang mommy mo kanina at sinabing mauna na raw kayo kumain." Paliwanag ni Manang. Tumango ako.

"Asan po sila kuya?" Tanong ko ulit ng makaupo ako sa may lamesa.

"Pababa na," Ngumiti ito saakin at nilapag niya sa lamesa ang sinigang na hipon. Natakam agad ako pero pinigilan ko ang sarili ko na kumuha dahil ayaw ng mga kuya ko na may maunang kumain.

"Pakabagal po!" Inarte ko. Kanina pa ako nandito at paisa isa pa silang bumaba ng hagdan. Ano grand entrance?

"Pray na pray!" Ako na ang nagpresinta na ipagdasal ang pagkain namin. Every night ganito kami, palagi parin kaming sabay sabay na kumain.

Himala nga at kumpleto kami ngayon na magkakapatid. Napalingon ako kay kuya Seve, panganay namin.

Pinagtaasan niya ko ng kilay. "Why?"

"Why are you here? Akala ko ba during residency bawal umuwi?" Taka kong tanong.

Inirapan niya ko. "Ayaw mo ba ako makita? May pasalubong pa naman ako." Umiling iling ito na parang disappointed pa.

"Wala naman akong sinabi ah!" Napaayos ako ng upo. "Ano yon?" Excited kong tanong.

"Duga. Si Belle meron, tas ako..." Tumango tango pa si kuya Sky. Ngumiwi ako. Isang taon ang tanda niya sakin pero nakikipagtalo parin siya posisyon ng bunso.

"Tanda mo na po?" Inirapan ko ito.

"19 palang ako! Nine-teen!" Pinagdiinan niya pa ang teen.

"Lang may pake!" I make face para mainis siya sakin.

"Ingay niyo! Dapat kasi di mo nalang sinabi Sevs." Si kuya John.

"Di ko nalang ibibigay." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bawal yon! Sinabi mo na e, bigay mo sakin mamaya ha!" Ngiting ngiti ako habang kumakain. Ito masarap pag may kuya ka e, kahit araw araw kang bwi-bwisitin, pero ispo-spoil ka naman!