Chereads / Ang Kabiyak ni Hudas / Chapter 3 - Sa Hapagkainan

Chapter 3 - Sa Hapagkainan

Ako'y pumasok sa silid kung saan kami ay kakain. Nakita ko ang pagtaas ng kamay ni Yurika. Pumunta agad ako doon at tumabi sa kanya.

"Mabuti na ba ang kalagayan mo?"Nag-aalala kong tanong sa kanya.

"Mabuti naman."Sabi niya at nakangiti, nawala ang kaba ko.

"Okay ka lang rin ba? Ba't ang putla ng mukha mo?"Tanong niya sa akin dahilan na mabulunan ako sa aking kinakain.

Ako'y uminom muna ng tubig bago sagutin ang kanyang katanungan. "Okay lang naman ako, may nagparamdam lang na kakaiba sa akin." Sabi ko at ngumiti para mawala ang kanyang pagaalala sa akin.

"Huwag kang mag-alala,pwede mong ibigay ang tiwala mo sa akin."Sabi niya dahilan na gumaan ang loob ko.

Bumukas ang pinto at may lumabas na isang matandang babae na nakasuot ng gown. Siya'y umupo sa pinakadulo.

"Sino siya?"Nagtatakang tanong ko.

"Siya si Miranda Dampios. Ang punong-kasambahay dito."Sagot ni Yurika sa akin.

Kami ay tahimik na kumakain. Biglang nagsalita ang punong-kasambahay.

"Ngayon na kumpleto na ang mga kandidato,bukas na bukas ay magsisimula na tayong maglaro."Saad niya, ang iba'y huminto habang kumakain.

"Huwag niyong kalimutan na ang kaluluwa niyo ang nakatayarito."Paalala niya.

"Walang lalabas sa kwarto kapag gumabi na. Gabi na tayo naghapunan pero mauunawaanan naman niyan ng mga kampon ni Hudas. Matagal tayong nagsimula dahil may konting problema."Sabi niya at tumingin sa lugar namin ni Yurika. Nakayuko na si Yurika dahil sa kanyang nagawa kanina.

"Walang susuot ng kasuotang pangilalim habang natutulog kayo."Paalala ulit ng punong-kasambahay dahilan na magulat kaming lahat.

"Bakit ho bawal?"Tanong ko.

Tumingin sila lahat sa akin.

"Ikaw ang huling kandidato hindi ba?"Tanong niya.

"Opo."Sagot ko sa kanya.

"Hindi dapat kayo susuot ng pangilalim dahil..."Hindi niya na natapos ang kanyang sagot dahil biglang tumunog ang orasan.

Alas siete na ng gabi.

"Pumunta na agad kayo sa inyong kwarto."Saad ng punong-kasambahayan. Sumunod naman kami sa kanyang utos.

Pumunta kami agad sa aming kwarto. Bubuksan ko na sana pero may humawak sa aking balikat.

"Ma'am" ako'y yumuko upang magbigay galang sa punong-kasambahay. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga.

"Dahil may dalaw."Sabi niya at umalis.

Ako'y nagtataka pa rin sa kanyang sinabi. Pinasok ko na ang aking kwarto. Makulimlim ang binubuga ng ilaw. Ako'y nakatunganga nakatingin sa bintana. Ano na kaya ang oras ngayon?

Ako'y lumakad papunta sa harap ng pinto ng aking kwarto, gusto kong lumabas sa aking kwarto. Binuksan ko ang pinto, ako'y tumingin sa paligid. Isinara ko ang aking pinto, at ako'y lumakad sa pasilyo. May humawak sa kamay ko. Ako'y lumingon at nagulat sa aking nakita.

Tinakip niya ang aking bibig at itinuro ang halimaw na paligoy-ligoy sa paligid ng pasilyo. Kami'y nag-tago sa isang silid na puno ng aklatan.

"Huwag kang maingay."Marahan na sabi ng lalake na nakatakip ang mukha.

Nang nawala na ang tunog ng mga yapak ng halimaw ay nagsimula na kaming lumabas sa silid. Kami ay naglakad sa pasilyo patungo sa mga kwarto. Narinig namin ulit ang yapak ng halimaw, dali-dali kaming tumakbo patungo sa aking silid.Nilock ko agad ang aking kwarto pati bintana.

"Iniwan mo nalang sana ako sa pasilyo."Saad ng lalaki at ibinaba ang kanyang takip sa mukha.

"Ikaw ang nagdala sa akin rito!"Sabi ko at kinuha ang unan dahilan upang hampasin ko ito sa kanya.

"Ano ba?!"Inis na tanong niya. "Para kang isip-bata, sigurado akong mapupunta ang kaluluwa mo sa demonyo."

Ako'y nairita sa kanyang mga sinabi. "Ikaw ang demonyo! Dahil sayo napunta ako sa lugar na ito!" Hinampas ko ulit ang unan sa kanya.

Kinuha niya ang unan gamit ang kanyang buong puwersa dahilan na matumba kaming dalawa. Isang kapahangasan ang aming nagawa,lalong-lalo na wala akong pangloob na ibaba. Nasa ibabaw ako sa kanyang katawan. Ako'y tumayo agad at tinulungan siyang tumayo.

"Patawad." Saad ko sa kaniya. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata ng diretso dahil sa hiya.

"Hindi maganda sa babae sumuot ng puting kasuotan."Saad niya dahilan na ako'y nakatingin sa kaniya."Pinapakita mo na agad ang iyong kababaihan sa demonyo."Paalala niya,wala akong imik sa kanyang sinabi.

"Aalis na ako."Saad niya at lumakad patungo sa pinto.

"Pero ang hali-"ako'y tumalikod at hindi natapos ang aking sasabihin, bigla siyang nawala. Wala namang tunog ng pagbukas ang pintuan.

Hindi ako nakatulog ng maayos buong gabi sa kakaisip sa mga pangyayari. Una, iyong katok, pangalawa, iyong dalaw, pangatlo, iyong halimaw na lumalakad sa pasilyo, pangapat, ang lalake na nawala na para bang bula. Naguguluhan na ako.

"Dahil may dalaw."

"Hindi maganda sa babae sumuot ng puting kasuotan."

"Pinapakita mo na agad ang iyong kababaihan sa demonyo."

Tumulo ang luha na namumuo sa aking mga mata.

Ano ba ang nangyayari sa buhay ko?