Chereads / Love me like how you love me before / Chapter 10 - Chapter 10: Bagong minamahal

Chapter 10 - Chapter 10: Bagong minamahal

Matthew's pov:

Nandito ako ngayon sa BAR mag-isa, gusto kong uminom ng walang kasama at gusto kong ilabas lahat ng galit ko sa lugar na welcome lahat ng sakit.

"Matthew, ang t*nga mo, alam mo bakit kasi pinabalik mo siya pero pinaalis mo rin" paulit ulit kong sabi sa sarili ko

"sir lasing na po kayo" ani ng waitress

"wala kang pake, alam mo ang pangit mo yung mukha mo puro kolorete HAHAHA" tumatawa kong sabi,

Hindi ko mapigilan sabihin yun kasi dati ko pa yun gusto sabihin pero baka magalit,

"bahala ka na nga jan sir, ikaw na nga tong sinasabihan ikaw pa manlalait" galit nitong sabi

"Ahhm, excuse me.sir" ani ng isang magandang babae,

"o bakit? sino ka nanaman?" sunod sunod kong tanong

"ahmm, lasing na po talaga kayo at nakakabulabog na rin po kayo ng iba dahil kanina pa kayo sigaw ng sigaw" ani nito

"BAR 'to kaya.." naputol kong sabi

Jane's pov:

Nakatulog siya kaya dinala ko siya sa kotse ko. Habang nagmamaneho ako ay may sinisigaw siyang pangalan

"Allysa! Allysa! bumalik ka na" umiiyak nitong sabi

"sir Matthew, saan ba kayo nakatira?" tanong ko pero hindi siya sumasagot,

Kinuha ko ang wallet niya at baka meron akong makuha na address. Pulis ako kaya marami akong alam sa ganito.

"got you" ani ko,

Hinatid ko na si Matthew sa bahay nila.

Nakarating na ako sa bahay nila at tulog na ang mga tao kaya naglakas loob akong mag-doorbell. pinagbuksan kami ng isang buntis na babae,

"sorry po sa istorbo, pero dito po ba nakatira si Matthew De Guzman?" tanong ko

"ohh my god, oo ako yung mommy niya" ani nito,

Binaba ko na si Matthew at dinala ko na siya sa kwarto niya. Agad na akong umuwi pagkatapos nun at hindi ko na pinagpatuloy ang pag-inom sa BAR baka hindi na lovelife mawala saakin kundi trabaho na.

KINABUKASAN

Allysa's pov:

Patapos na ang trabaho ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot,

"bakit Trish?" tanong ko

"sorry Allysa hindi ko nabantayan ang mga kapatid mo" umiiyak na sabi nito

"ano ba sinasabi mo?" tanong ko

"patay na sila Joel at Bea. Si Bea ay na-rape ng isa sa pumasok sa bahay ninyo kagabi" umiiyak na sabi nito

Nahulog ang cellphone ko sa narinig ko at kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko

"Trish naman eh" umiiyak na sabi ko at napayuko na lang.

"What's wrong, Allysa?" tanong ni Anne

"ahhm nothing" ani ko at pinulot ang cellphone ko at pinunasan ang mga luha ko

"magpapadala ako ng pera para sa libing ng mga kapatid ko, wag ka na magpaburol dahil wala namang espesyal na tao ang darating jan" ani ko

"hindi ka uuwi?" tanong nito

"hindi na muna, kailangan ko tapusin ang nasimulan ko" ani ko

"condolence bes, ako na bahala sa mga kapatid mo" ani nito

Binaba ko na ang cellphone ko at hindi ako makapag-focus dahil sa balita na natanggap ko.

Matthew's pov:

Nagising ako at nakita ko ang babaeng pamilyar,

"o gising ka na, pinagtimplahan ka ng tita mo ng kape at siya ang nagpalit ng damit mo" ani nito

"ohh, you're so familiar" ani ko

"ako lang naman ang babae na naging dahilan ng away niyo ni Steve" ani nito

Naalala ko na siya yung babae noon na inakbayan nung lalaki, Steve pala pangalan ng tarantad* na yon.

"Jane Salazar, right?" tanong ko

"oo, may tanong ako si Allysa ba ang dahilan kung bakit ka nagpalulong sa alak kagabi?" tanong nito

"paano mo nakilala si Allysa?" tanong ko

"paulit ulit mo kasing tinatawag ang pangalan niya kagabi" sagot nito

"oo, umalis na siya papunta sa New York dahil saakin, wait ano bang ginagawa mo sa BAR kagabi" tanong ko

"katulad mo heartbroken din ako, iniwan ako ni Steve para sumama sa babaeng maganda" tumatawang sabi nito

"Jane you're pretty so Steve don't deserve you" ani ko

"so friends?" tanong nito

"why not" ani ko at ngumiti ako sa kaniya

Allysa's pov:

Nagpadala na ako ng pera kay Trisha para sa pagpapalibing nila Bea. Halos pinadala ko na sa kanila ang pera na meron ako dahil sa ganun na lang ako makakabawi sa mga kapatid ko.

Umuwi ako at pagkatingin ko sa kalendaryo ay nagulat ako dahil malapit na matapos ang pagtuloy ko dito sa hotel,

"saan ako kukuha ng pera pambayad dito" napakunot noo kong sabi

Hindi ako makatulog at galit na galit ako. Alam ko na si Danica ang may gawa nun pero wala akong ebidensiya.

Author's pov:

Naging close sila Jane at Matthew hanggang sa nagkagusto na sila sa isa't isa. Patuloy pa rin ang pag bibigay ng hustisya sa mga kapatid ni Allysa pero malinis ang pagpatay sa kanila kaya wala silang nahanap na suspek at witness.

Matthew's pov:

Ito na ata ang tamang oras para makalimutan ko si Allysa dahil dumating na ang babae na mamahalin ako at mamahalin ko ng sobra. Nasa mall kami at katatapos lang namin manood sa sinehan.

"Ang ganda ng palabas" nakangiting sabi ni Jane

"oo nga parang ikaw yung babae at ako yung prince charming" nakangiti kong sabi

"sobrang gwapo ng artista tapos ikaw siya whahahaha, anlayo" tumatawa nitong sabi

"hmm, iba ako sa kaniya dahil iba ang kwento naming dalawa" seryoso kong sabi

"nga naman" nakangiti nitong sabi

"Jane, hindi ka ba nagtataka kung bakit tayo nagkakilala tapos nagkita tayo ng pareho ang sitwasyon nating dalawa" seryoso kong sabi

Tumingin siya saakin at parang pareho kami ng iniisip pero parang tinatanggi niya.

"Baka coincidence lang" ani nito

"wala ka bang nararamdaman saakin?" deretsahan kong tanong

Tumingin siya saakin at parang may pinapahiwatig ang mga tingin niya.

"wala, kaibigan kita" sagot nito at pinagpatuloy na ang paglalakad.

"Jane Salazar!" pagtawag ko

Tumingin naman ito saakin

"pwede ba kitang ligawan" ani ko

Nakita ko ang gulat sa mga mata niya pero mas gusto ko makita yung kilig pero wala man lang akong nakitang kilig sa kaniya

"nababaliw ka na?" tanong nito

"pwede at hindi lang ang dapat mong isagot" ani ko

Nahirapan siya sa pagsagot pero,

"pwede naman"nakangiti nitong sabi

Niyakap ko siya at dinala ko siya sa restaurant para dun na kumain.

Allysa's pov:

Naubos na ang mga pera ko pero masaya akong marinig na nailibing ng mapayapa ang mga kapatid ko pero kailangan ko ng manghingi ng early monthly pay sa boss namin.

Pumunta na ako sa opisina ni sir Rafael.

"excuse me sir, pwede po ba akong pumasok?" pagpapaalam ko

"wag ka nga masyadong pormal saakin pwede ka namang pumasok dito anytime" ani nito kaya pumasok na ako

"sir pwede po bang hinggiin ko ng mas maaga ang sahod ko this month?" tanong ko

"oo naman, bakit?" tanong nito

"malapit na po kasi akong mapaalis sa hotel na tinutuluyan ko kasi wala na akong pambayad" ani ko

"wait mas maganda kung saamin ka na lang tumuloy" ani nito

"seryoso ka?" tanong ko

"oo naman para mapadala mo na lang sa mga kapatid mo yung hihingiin mo ngayon" ani nito

Naalala ko hindi ko pa pala nakwekwento yung nangyari sa mga kapatid ko kay sir Rafael

"wala na po sila, pinatay po sila ng hindi nakikilalang suspek" malungkot kong sabi

"sorry hindi ko alam, mas maganda na tumuloy ka nalang saamin para may kasama ka naman" ani nito

"sir parang ang pangit naman tingnan na boss tapos empleyado nakatira sa iisang bahay tapos babae ako tapos lalaki ka, baka anong isipin ng iba" ani ko

"don't worry kasama ko si mommy" sagot nito

"hmm, sige na nga po" ani ko

Binigay na niya ang monthly pay ko at umalis na ako sa opisina niya at bumalik na sa trabaho ko.

Pagkatapos ng trabaho ko ay hinanda ko na ang gamit ko kasi masyadong nagmamadali si sir Rafael na lumipat ako.

Nakarating na kami sa bahay niya at napakalaki at napakaganda nito para sa dalawang tao lang,

"hi po ma'am" pagbati ko sa mommy ni sir Rafael

"call me tita" nakangiting sabi nito

"dalhin na kita sa kwarto mo" ani ni sir Rafael,

Habang naglalakad kami ay hindi ko napigilan na tanungin si sir Rafael,

"sir bakit parang ang cold niyo sa mommy niyo?" tanong ko

"malaki ang galit ko sa kaniya, pwede wag mo na lang akong tawaging sir nakakailang" ani nito

"bakit ka galit sa mommy mo?" tanong ko

"it's a long story, Allysa" ani nito at huminto sa isang kwarto,

"ito ang magiging kwarto mo" ani nito,

"salamat talaga Rafael" ani ko at umalis na siya,

Inayos ka na ang mga gamit ko at natulog na rin sa napakalambot na kama na ito.

Matthew's pov:

Sinimulan ko ng ligawan si Jane. Bumili ako ng mga rosas, chocolate at teddy bear atsaka pumunta sa police station na tinatrabahoan niya.

Pagdating ko doon ay agad kong hinanap si Jane na sobrang busy sa trabaho,

"Jane, o" ani ko

binigay ko sa kaniya ang mga dala ko at nakita ko ang kilig sa mga mata niya

"salamat" ani nito at inamoy ang mga bulaklak

"date tayo pagkatapos ng duty mo" pagyayaya ko

"sige" sagot nito

Masaya akong umalis at naghanda sa date namin.

Natapos na ang duty niya at dinala ko siya sa arcade.

Author's pov:

Ilang buwan ding niligawan ni Matthew si Jane hanggang sa...

Matthew's pov:

Sobrang saya ko ng yayain ako ni Jane na pumunta sa bahay nila dahil birthday ng papa niya

Nasa bahay na ako nila Jane at ang daming mga tao ang nagkakasiyahan at nakita ko agad si Jane,

"Matthew, papa at mama ko" pagpapakilala ni Jane sa mga magulang niya

"nice to meet you tita at tito" ani ko

"nice to meet you too, Matthew. Kaano ano ka ba ng anak ko?" tanong ni tito

"future boyf.." napatigil kong sabi ng magsalita si Jane

"boyfriend ko po si Matthew" ani nito

"wow, parang ang bilis mong maka-move on kay Steve pero mas maganda na rin yun" ani ni tita at umalis na

"sinasagot mo na ba ako?" tanong ko

"di ba halata?" sagot nito,

Niyakap ko siya ng sobrang higpit sa sobra kong saya

"grabe naman kahigpit HAHAHAH" tumatawang sabi nito

"girlfriend ko na siya!!" sigaw ko

"congrats Jane" pagbati ng mga bisita.