Chereads / Love me like how you love me before / Chapter 12 - Chapter 12: Muling Pagkikita

Chapter 12 - Chapter 12: Muling Pagkikita

Allysa's pov

Nagulat ako sa sinabi ni Rafael pero napangisi ako,

"ano ba ang gagawin natin sa Pilipinas?" tanong ko

"Mr. Ramoz will celebrate his birthday on Saturday" sagot ni Rafael

Agad na akong nag-ayos ng mga gamit at naghanda sa pag-alis namin. Hindi na kami nagpa-book sa Airport dahil may sariling eroplano si Rafael dahil graduate siya ng pilot.

Makalipas ang ilang oras ay umalis na kami at naiwan si tita sa bahay,

"mag-ingat kayo" ani nito

"mag-ingat rin po kayo lalo na't mag-isa lang kayo" ani ko

Tumingin ako kay Rafael at sumisenyas na magpaalam din siya sa mommy niya ng maayos,

"alis na kami mommy" ani nito na pilit

Umalis na kami dala ang mga gamit namin.

Matthew's pov:

Patulog na ako ng katukin ako ni Riana

"kuya, may sasabihin ako sayo" ani nito

Binuksan ko ang pinto at pumasok si Riana,

"kuya may nakuhang invitation ang nga yaya mula sa mailbox" ani nito at binigay saakin ang invitation card

"matulog ka na, ako na bahala rito" ani ko

Umalis na si Riana at binasa ko na ang nakalagay sa invitation card,

"Engrande na birthday party ni Mr. Ramoz sa Saturday" ani ko at tiningnan ang kalendaryo,

"thursday na pala, kailangan kong sabihin to kay Jane" ani ko

Tinawagan ko na si Jane,

"love bakit?" tanong nito at tunog na bagong gising,

"sorry sa pang-iistorbo, love may pupuntahan tayo sa saturday kaya susnduin kita sa bahay niyo para bumili tayo ng susuutin nating tatlo" ani ko

"okay love, matulog ka na" ani nito

"ikaw rin" sagot ko.

Binaba ko na ang tawag at natulog na.

KINABUKASAN

Allyssa's pov:

Nakarating na kami sa Pilipinas at sobra akong nanibago,

"ang daming nagbago" ani ko habang nagmamaneho si Rafael

"25 years na ang nakakalipas matapos umalis ako dito sa Pilipinas at ipadala ni mommy sa New York" malungkot na sabi nito

"Grabe kung ako naninibago na 5 years pa lang akong nakaalis paano pa kaya na ikaw na 25 years na naninirahan sa New York" nakangiti kong sabi

Napaisip ako kung ano ang susuutin ko bukas dahil sa tanang buhay ko hindi pa ako nakakasuot o nakakabili pa ng gown,

"babe, may inihanda na akong mga idadamit natin bukas kaya don't worry about it" ani nito

Nagulat ako dahil parang nababasa niya ang nasa isip ko. Naalala ko tuloy si Matthew na ang lakas ng pandinig hayst pero kailangan ko na siyang kalimutan matapos ng ginawa niya at bigyan ko na lang ng pansin ang pagbibigay hustisya kila mama, Bea at Joel.

"Matulog ka na muna, babe" ani nito at pinalitan ko ito ng ngiti at natulog na,

Matthew's pov:

Nakaalis na kami ng bahay ni Riana at sobra niyang saya dahil pupunta muli kami sa Mall. Habang nagmamaneho ako ay tumawag saakin si Jane,

"love, malapit na kami" ani ko

"okay" ani nito

Binaba ko na ang tawag at sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang may bumangga sa likod ng sasakyan ko kaya napahinto ako na ikinagulat ni Riana,

"kuya, dahan dahan naman sa preno" ani nito

"sorry, baby" ani ko

Lumabas ako ng sasakyan at nakita ko ang lalaki na nagmamaneho ng sasakyan na bumangga sa sasakyan ko. Mukha itong pamilyar pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

Rafael's pov:

Nakatingin ako kay Allysa na sobrang ganda habang natutulog dahil unang beses ko siyang makita na tulog dahil ako lagi ang nauuna saamin. Sa sobra kong pagtitig kay Allysa ay nabangga ko ang kotse na nasa harap ko. Lumabas ito kaya lumabas din ako. Matagal kaming nagkatitigan dahil sobra siyang pamilyar pero hindi ko siya maalala.

"loko ka ba? kung nadisgrasya kami ng kapatid ko hah!" galit niyang sabi at dumungaw ang isang batang babae sa bintana ng kotse nito

"I'm sorry, kung may damages sa sasakyan mo ako na ang bahala" ani ko

"sa susunod na magmamaneho ka mag-ingat ka, hindi ko kailangan ng pera mo dahil may pera ako" masungit na sabi nito

Tumingin siya sa harap ng sasakyan ko at nagulat siya ng makita niya si Allysa,

"a-alis na kami, sa susunod mag-ingat ka" nauutal na sabi nito

Pumasok na ito sa sasakyan niya at pumasok na rin ako.

Allysa's pov:

Nagising ako ng makita ko si Rafael na parang may kaaway sa labas pero hindi ko nakita yung nakaaway niya dahil pumasok na ito sa sasakyan niya,

"babe, anong nangyari?" tanong ko

"wala, just sleep" sagot nito

Natulog na ulit ako at dahil sa sobrang pagod sa byahe ay nakatulog ako ng mabilis

Matthew's pov:

Hindi mawala sa isipan ko ang nakita ko kanina,

"nandito na si Allysa pero paano ehh sa pagkakaalam ko 7 years ang kontrata niya sa New York at kaano ano naman niya ang pamilyar na lalaking yon?" tanong ko sa sarili ko

"kuya baliw ka na ba, kasi kinakausap mo ang sarili mo eh" tanong ni Riana

"baby, may iniisip lang si kuya" ani ko.

Nakarating na kami sa bahay ni Jane,

"bakit parang natagalan kayo?" tanong nito

"kasi po may nakaaway si kuya" sagot ni Riana

"Riana, bawal sumabat sa usapan ng matatanda" ani ko

"sorry po" sagot nito

"anong nangyari?" tanong ni Jane

"hayaan mo na yun basta okay na" sagot ko

Umalis na kami para pumunta na sa Mall.

Allysa's pov:

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa condo ni Rafael at sobrang laki nito at bumungad saamin ang Black na gown at white ang ilalim, off shoulder at pagtitingnan yung ibaba ay kumikinang na parang glitter, simple pero sobrang ganda at British suit na bagong labas lang at branded hehe.

"nagustuhan mo ba?" tanong nito

"oo naman, sobrang ganda at parang mas lalo akong na-excite para bukas" nakangiti kong sabi

"ayan ang pinili ko para saating dalawa

because black is a symbol of evil. So they will feel the fear kapag nakita ka na nila" nakangisi nitong sabi

"salamat sa pagtulong" ani ko

"girlfriend kita kaya susuportahan kita" ani nito

Inayos na ni Rafael ang mga gamit namin at ako naman ay nagluluto ng hapunan.

Matthew's pov:

May nakita na kaming boutique kung saan nagtitinda sila ng mga gown. Naghanap kami ng maisusuot namin,

"kuya gusto ko ito, I like color yellow" ani ni Riana

Pinasukat na namin ito kay Riana kaya pumunta siya sa dressing room.

Jane's pov:

Habang nagsusukat si Riana ay may nakita akong napakagandang gown, kulay pink ito, tube, fitted at may mga rosas na design sa gitna. Sobra niyang ganda kaya kinuha ko ito at pumunta rin sa dressing room.

Matthew's pov:

Pumunta si Jane sa dressing room dala dala ang pink na gown. Lumabas na si Riana at sobra niyong cute ng ipakita niya ito saakin,

"kuya, kasya saakin ito ang susuotin ko" masayang sabi ni Riana

"ang cute mo" nakangiting sabi ko

Kinuha ko na ang gustong gown ni Riana kaya nagpalit na siya. Bumukas na ang kabilang dressing room at lumabas si Jane mula rito at napatitig ako sa kaniya. Sobra niyang ganda, parang siyang bulaklak at sobra niyang sexy lalo na't fitted ang gown na yon.

"maganda ba?" tanong nito habang tulala ako sa kaniya

"a-ah o-oo naman napatulala pa nga ako" nakangiti kong sabi at nauutal pa

"ito na ang saakin" sagot nito at nagpalit na ng damit.

Nagsimula na rin akong maghanap at nakita ko ang American suit na kulay blue at nagustuhan ko iyon kaya sinukat ko na rin. May salamin na sa loob kaya hindi na ako lumabas para ipakita sa kanila, sobra kong matcho sa suot na ito kaya nagpalit na ako ng damit para bilhin ito.

Pagkalabas ko ay binili na namin ang mga napili naming susuutin bukas atsaka umuwi na kami dahil napagod na si Riana sa pag-ikot ikot namin sa mall.

KINABUKASAN

Allysa's pov:

Nag-ayos na kami dahil mamaya ng 8pm ang party at 6pm na ngayon. Tapos na si Rafael magbihis kaya naghihintay na lang siya sa labas. Lumabas na ako at suot suot ang black na gown. Pagkalabas ko ay biglang napatitig saakin si Rafael,

"wag ka nga tumitig ng ganyan nakakailang" naiilang kong sabi

"w-wag kang mailang dapat confident ka dahil sa pagpasok mo ay titingin ang mga tao sa iyo kaya dapat be confident" nakangiting sabi nito.

Matthew's pov:

Nakarating na kami sa venue at sobrang bongga ng venue. Umupo na kami sa in-assign na upuan namin at hinihintay ang iba pa naming kasama. Dumating na si Mr. Ramoz at umupo na sa tabi namin ang anak niya na si Steve at nagulat ako sa kasama niya dahil si,

"Danica, boyfriend ka ni Steve?" nagulat kong tanong

"kilala mo siya babe?" tanong ni Jane

Ngumiti saamin si Danica bago sumagot,

"we're engaged so I'm his fiancé, and yes Jane I'm just his ex" sagot ni Danica na nakangiti pa rin

"siya ba ang tinutukoy mo 5 years a go?" tanong ko kay Jane,

"oo siya yun, congrats soon to be mrs. Ramoz" nakangiting sagot ni Jane

Kumain na kami ng biglang tumingin lahat ng tao sa pintuan at parang sobrang mangha sa pumasok na mula sa pinto kaya tumingin rin kami at nakita ko ang napaka ganda at sexy na Allysa dark ang mga make-up niya pero bagay pa rin sa kaniya kaya napatitig ako lalo. Nakatitig ako sa kaniya habang papunta sila ng kasama niyang lalaki na nakasagutan ko kahapon saamin,

Allysa's pov:

Nagulat ako na sila ang katabi namin si Rafael sa table pero pinaupo na ako ni Rafael kaya umupo na rin ako hanggang sa magsalita si Danica,

"ohh, no time no see Allysa, I thought that you're in New York" nakangiting sabi ni Danica.

"so kayo pa rin pala ni Matthew" nakangiti kong sabi

"sorry miss but I'm Matthew's girlfriend, by the way I'm Jane Salazar" pagpapakilala ng nasa kaliwa ni Matthew,

"wait your name sounds familiar, are you a police woman?" tanong ko

"oh, yes" sagot nito kaya sinamaan ko siya ng tingin ng biglang magsalita ang bata sa kanan ni Jane,

"ate, nakakatakot naman ang itsura niya" ani nito

"pati bata natatakot sa pagmumukha mo HAHAHA" tumatawang sabi ni Danica

Tumingin at ngumiti ako sa bata,

"baby, don't be scared. I'm angel inside. Dapat matakot ko sa mga taong desente sa panlabas tapos demonyo pala sa loob" nakangiti kong sabi sa bata at ngumiti rin ako ng nakakainis kay Danica,

"Pinapatamaan mo ba ako?" galit nitong sabi

"Ohh, wala akong pinapatamaan, nasa tao na yun kung totoo o hindi" nakangiting nakakainis na sagot ko sa kaniya

"wag nga kayong mag-away sa harap ng bata please lang" ani ni Jane

Tumingin ako rito ng masama dahil siya lang naman ang nagbasura ng kaso ng mga kapatid ko,

"ikaw, bakit mo binasura ang kaso ng mga kapatid ko?" galit kong sabi

Nagulat siya at parang nakikilala na niya ako,

"Ma'am Allysa, ang trabaho bilang isang pulis ay.." napahinto nitong sabi dahil nagsalita akong muli

"Ang tanong ko, bakit mo binasura ang kaso ng mga kapatid ko" galit kong sabi

Lumaki na ang mga mata ko sa galit at parang lalabas na ang luha ko lalo na't naalala ko kung paano babuyin at patayin ang mga kapatid ko.

"Kulang ang kuha ng CCTV, walang witness, tinanong namin lahat ng kapitbahay niyo pero wala silang sinasabi na pwede makatulong sa kaso at wala ring ebidensya dahil sobrang linis ng pagpatay. Hindi namin kinulong si Danica dahil ibang sasakyan ang nagmamasid sa bahay niyo" malungkot na sabi nito

Tinanggap ko pansamantala ang pagpapaliwanag niya dahil magsisimula na ang program kaya tumingin na kami sa harap habang hawak hawak ni Rafael ang kamay ko na nanginginig sa galit.

Danica's pov:

Nakikita ko ang galit sa mga mata ni Allysa pero mas napapangiti ako dahil gusto kong ipakita sa buong mundo na ang babaeng yan ay masamang tao.

Flashback, 5 years ago

"Siguraduhin ninyo na malinis ang pagpatay niyo sa mga yan" utos ko sa kanila pagbalik ko mula sa sasakyan,

"opo ma'am" sagot nila,

Tinawag ko si James para utusan,

"alam ko na mag-iimbestiga ang mga pulis kaya bigyan mo ng mga pera ang mga tao sa paligid para hindi sila magsalita, pulis ka kaya pwede mo silang takutin" ani ko rito

Lumabas na si James at ang iba ay kinukuha ang mga bagay na pwedeng maging ebidensiya,

END OF FLASH BACK

Matthew's pov:

Habang kumakain na kaming lahat ay nakatingin ako kila Allysa at Rafael, sobra nilang saya. Kung hindi kaya nangyari yung mga bagay na iyon noon ako ata ang nasa posisyon ni Rafael. Inaamin ko na kahit na may girlfriend ako ay mahal ko pa rin si Allysa dahil siya ang nagbago saakin.

Naiinggit ako sa tuwing inaakbayan ni Rafael si Allysa gusto kong sabihin na akin yan pero hindi na pala.

Jane's pov:

Kumakain kami ni Riana ng mapansin ko na nakatitig si Matthew kay Allysa. Ang mga titig niya ay parang gusto niyang hawakan at balikan si Allysa, nasasaktan ako pero anong magagawa ko kung siya ang tunay na minahal ni Matthew pero paano ako kung maging sila magiging loser na ba ako? Hindi ko na inisip pa ang mga iyon baka nagulat lang siya dahil biglaan ang pagbalik ni Allysa kaya pinagtuunan ko na lang ng pansin ay si Riana na masayang kumakain.

Allysa's pov:

Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatitig saamin si Matthew hanggang sa dumating si Mr. Ramoz,

"Okay lang ba kayo dito?" tanong nito

"yes, ahmm, sir I want you to meet my fiance Allysa" pagpapakilala ni Rafael at ngumiti ako rito,

"sir, hindi po iyon totoo hindi pa po siya magpo-propose eh" tumatawang sabi ko kaya tumawa rin ito

Nagulat ako ng lumuhod si Rafael sa harap ko kaya lahat ng tao ay napatingin saamin at sinabi ang

"ALLYSA, WILL YOU BE WIFE?" tanong nito,

Kinabahan ako dahil hindi ko nararamdaman ang kilig at parang ayoko dahil hindi pa ako ready at hindi siya ang nakikita ko na makakatuluyan ko. Gusto ko si Rafael pero hindi ko siya mahal pero kailangan ko siya kaya

"YES" sagot ko na nakangiti pero may kaba

Sinuot na ni Rafael ang singsing sa daliri ko at niyakap niya ako at niyakap ko rin siya ng pilit.

Sobra niyang saya kaya nakakakonsensya kung tatanggihan ko siya. Nagpalakpakan na ang mga tao at sobra nilang saya.

Matthew's pov:

Matagal na nakasagot si Allysa at hinihiling ko na sana tumanggi siya pero nagkamali ako sumagot siya ng oo kaya pigil ang luha ko na pumalakpak kasabay ng mga tao.

Jane's pov:

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya kinausap ko na siya,

"babe, gusto ko rin ng ganyan" pagpaparinig ko

"babe, sa susunod ay magpo-propose din ako sayo at maririnig ko ang sagot mong yes" pilit nitong ngiti saakin at umiwas ng tingin

Pulis ako kaya alam ko kung nagsisinungaling ang tao pero bakit ang hirap basahin ni Matthew sobra niyang komplikado. Ayokong sabihin ito na iniisip ko kung mahal pa ba ako ni Matthew kaya

"babe, I love you" nakangiti kong sabi

"babe, cr muna ako" pagpapaalam nito

Umalis siya para pumunta sa banyo at iniwan niya ako rito na nasasaktan.

Allysa's pov:

Natapos na ang event kaya umuwi na kami ni Rafael. Habang pauwi kami ay nakatitig ako sa singsing pero hindi ko alam kung masaya ba ako.